Tapos na ang school festival pero hindi maalis kay Callum ang magandang dalagang nakita niya sa school na pinuntahan nila. Hindi naman siya 'yung tipong nagagandahan sa isang babae kung tutuusin ay sobrang cold niya sa mga ito pero ng makita niya ang dalaga biglang bumilis nag tibok ng puso niya.
Ito ba ang sinasabi ng mommy niya na 'love at first sight?'. Hindi siya naniniwala doon at sobrang naki-cringe siya kapag sinasabi ng mommy niya na na love at first sight ito sa daddy niya pero ngayon naniniwala na siya. Totoo nga iyon biglang bibilis ang tibok ng puso at magiging slowmo ang paligid mo kapag nakita mo ang babaeng magpapatibok ng puso mo. "Anak, ayos ka lang?" Nagising siya sa pagkakatulala ng marinig niya ang mommy niya. "I'm okay, Mom," sagot niya at tinuloy ang kinakain niya. "Hindi ako naniniwala," Kilala nito ang anak niya, alam niya kung kelan ito nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. "Sabihin mo sa akin ang problema mo." Umiling naman siya. "Don't mind me mom." Nahihiya siyang mag open sa mommy niya, baka tawanan pa siya nito dahil noon sobrang cringe na cringe siya kapag nag ke-kwento sa love story nila ng dad niya. "Mom, kaya ganyan si Kuya dahil doon sa magandang babae na nakita niya noon school festival." Nanlalaki ang mata niyang tinignan ang nakakabatang kapatid niyang babae na si Christina. Parang biglang lumiwanag ang mukha ng mommy nila sa narinig. "Magandang babae? Sino iyon?" Sasagod na sana siya ng sumabat ito. "Don't listen to her mom, she's just making up a story." "Hindi ah, totoo kaya," depensa ng kapatid. "Kung makita niyo lang po si Kuya, never niyang inalis ang mata niya doon sa magandang babae." "Christina!" Banta niya pero parang wala itong naririnig. "Tapos alam niyo po ba na niyaya pa kaming manood ng archery dahil maglalaro doon yung magandang babae, shock pa nga kami dahil hindi naman siya usual na ganun dahil mas gusto nitong matulog na lang sa isang sulok," tuloy tuloy na kwento ni Christina, hindi ito huminto para hindi siya mapigilan ng kuya niya. Mas lumapad ang ngiti ng mommy nila. "Talaga? Sino ba itong magandang babae na sinasabi mo?" Excited siyang malaman dahil ngayon lang ito nakabalita ng ganito tungkol sa babae dahil sobrang cold nito. "Her name is Elowaynne Ilaria Bautista," sagot nito na kinatingin ni Callum. "How did you know her name?" Tanong niya. "Duh, did you forgot na kasama ako sa journalist Club? Of course malalaman ko ang name niya because that's my job no," mataray na sabi nito. "I know that but why?" Tanong niya. Di naman maiwasang mapairap nito. "Di ka kasi nagbabasa ng newspaper namin eh, she's popular kaya, MVP siya ng ladies volleyball last year tapos ngayon MVP na siya ng archery, and she's also smart. Diba she's full package na, maganda na sporty at matalino pa." "Wow, gusto ko tuloy siyang makilala," sabi ng mommy nila. "Actually mommy, may picture ako sa kanya." "DO YOU HAVE PICTURE OF HER?!" Nagulat naman sila sa biglaang pagsigaw ni Callum, 'di nila inaasahan iyon dahil hindi naman ito sumisigaw. "Geez Kuya, you don't have to shout, malapit lang kami sa 'yo." Na-realize ni Callum ang ginawa niya kaya kinalma niya ang sarili niya. Konting oras lang ng makilala niya si Ilaria pero ang dami na niyang pinagbago, ang dami niyang nagagawa na hindi naman niya talaga ginagawa pero wala na siyang pakielam bahala na sila kung ano man ang iisipin nila ang mahalaga sa kanya makilala ang babaeng nagpatibok ng puso niya. "Give me her picture," kalmadong utos niya sa kapatid na kinataas ng kilay nito. "Ano ka siniswerte? Tingin mo ibibigay ko ito basta basta sayo ng walang kapalit?" Sasamantalahin na ni Christina ang pagkakataong ito upang mapikot ang kuya niya. "Then what do you need?" Tanong ni Callum. Napangiti siya sa naisip niya. "Buy the photo, 10k each." Sa buong buhay nito never siyang nakahingi ng pera sa kuya niya kahit pa sobrang dami nitong pera dahil may sarili na itong business. 16 years old pa lang ito noon pero nakapagpatayo na ito ng sarili niyang business. "Limang picture ang nakuha ko so, 50k in total." Hindi nagsalita ang kuya niya pero kinuha nito ang cellphone ito at may pinipindot doon hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya, tinignan niya ito at nagulat siya ng makitang may 50k na mag send sa account niya. "OMG! Kuya, you really buy her photo?" Hindi makapaniwalang saad niya, hindi niya akalain na bibilhin talaga ito ng kuya niya. "Look Mommy, binigyan ako ni Kuya ng 50k para lang sa picture ni Ate Ilaria." Hindi rin makapaniwala ang mga magulang nila sa nasaksihan, hindi ganito ang pagkakakilala nila sa anak nila. Hindi ito magsasayang ng pera sa ganun bagay, maingat ito sa pera at hindi basta basta maglalabas ng pera sa simpleng bagay. "Quiet! Give me the photos," malamig na sabi ng Kuya niya. "Oo na, wait lang," nagmamadaling sabi nito, kilala na niya ang kuya niya kaya alam na niya na naiinis na ito. "And delete her photo to your phone," dagdag ni Callum na kinahinto ng kapatid. "What?" Gulat na tanong nito. "But kuya hindi ko pa napapasa sa senior editor namin ang project ko." Bukas na niya ipapasa iyon dahil kakatapos lang ng isulat ang istorya niya about kay Ilaria. "You can pass your project without the picture." "Pero kailangang may picture dahil hindi nila tatanggapin iyon," desperadang sabi niya pero hindi siya pinansin ng kuya niya. "Please Kuya, kahit itong picture lang na ito." Pinakita niya nag picture sa kuya niya, medyo malayo si Ilaria dito pero makikilala pa rin naman siya kasalukuyan itong naglalaro ng archery, naka pose ito habang hinihila ang bow string at seryoso itong nakatingin sa target. Nakatingin lang si Callum sa picture kaya hindi maiwasang kabahan ni Christina pero napatingiti siya ng tumango ang Kuya niya. "Kyaa!!! Thank you Kuya." Sobrang saya niya dahil may 50k na siya mapapasa pa niya ang sinulat niya. ILARIA Pang huling araw na ito ng pagtuturo ko kay Gianna dahil bukas bakasyon na namin. Sa mga araw na tinuruan ko si Gianna at masasabi ko na wala akong naging problema sa kanya. Magaling naman talaga siya sadyang nabalot lang ng galit ang emosyon niya kaya sobrang na apektuhan ang laro niya, walang wala ang kakambal niya pagdating sa skills. Ang ginawa ko lang ay turuan siya ng mga bagong skills na magagamit niya in the future, itinuro ko lahat sa kanya ang mga skills na natutunan ko dahil wala rin naman sa isip ko na ituloy ang pagiging archery, mahilig ako sa sports pero hindi ko kayang mag settle sa isang sports gusto kong mag explore kaya hangga't kaya kong laruin lalaruin ko. "Maraming salamat talaga sa mga tinuro mo sa akin, kung hindi dahil sa 'yo hindi ako gagaling," sabi ni Gianna after kong sabihing tapos na kami sa training. Umiling naman ako. "No, hindi ako ang dahilan kung bakit gumaling ka kasi in the first place magaling ka naman talaga. Itinuro ko lang ang mga skills na gamit ko." "Pero ikaw pa rin ang dahilan kung bakit nailabas ko ang galing ko, kung hindi mo ako tinuruan na maging confident sa sarili baka hanggang ngayon kinukumpara pa rin ako ng parents ko kay Brianna kaya sobrang salamat talaga." Nagkaayos na sila ng magulang niya, nailabas na kasi niya ang hinanakit niya sa mga parents niya lahat ng pangungumpara at favoritism nila sa kakambal niya nung nagpa family therapy sila. Nung una nagmatigas pa ang parents niya, ayaw nilang tanggapin na nagkamali sila pero in the end tinanggap na nila ang pagkakamali nila. After that sobra nilang binawi ang mga pagkukulang nila kay Gianna, naging fair na sila sa dalawa nilang anak kaya kahit papaano ay lumalapit na ang loob ng kambal pero hindi ko masasabi na sobrang close na nila sa isa't isa. Nginitian ko naman siya. "You're welcome." To be continued...ILARIAKakatapos ko lang mag linis nag bahay kaya nagpahinga na muna ako sa sofa namin bago ako magluto ng hapunan ni Tatay. Bakasyon namin ngayon kaya dadalhan ko siya ng makakain niya sa farm kung saan siya nagta-trabaho para mainit pa ang kinakain niya, doon na rin ako tumatambay dahil presko doon at wala naman akong gagawin dito sa bahay kaya mas magandang doon na lang ako, nakakausap ko pa ang mga ka-trabaho ni tatay kapag nagpapahinga sila."KUMUSTA iha, bakasyon mo na?" Tanong no Manong Jerry, ang security guard dito sa farm kung saan nagta-trabaho si tatay."Ayos lang po ako," sagot ko. "Opo, bakasyon na namin kaya lagi niyo na naman akong makikita.""Abay gusto ko iyan para lagi akong ganahang mag trabaho dahil nakakakita ako ng maganda," biro ni Manong Jerry. Ganyan talaga iyan, kung 'di mo siya kilala pagkakamalan mo siyang manyak dahil sa mga salita niya pero mabait at marespeto siya sadyang mapagbiro lang talaga siya na na mi-misunderstood ng ibang tao."Sige po, pasok na
ILARIA"Waynne samahan mo akong pumunta ng bayan," bungad sa akin ni Silas. Waynne ang tawag niya sa akin in short ng first name ko Elowaynne, ayaw niya akong tawaging Ilaria dahil marami na raw tumatawag 'nun sa akin kaya nag isip niya ng ibang name na siya lang ang tatawag sa akin ng ganun tapos ako Silas ang tawag ko sa kanya, second name niya iyan ang gusto niya eh.Binaba ko muna ang binabasa ko bago ko siya sinagot. "Anong gagawin mo sa bayan?""Pupuntahan ko lang si Mayor may kailangan lang kaming pag usapan," sagot niya, hindi na ako nagtanong pa dahil masyado ng private iyon."Sige, paalam lang ako kay tatay," sagot ko.Pinayagan naman agad ako ni tatay dahil may tiwala naman siya kay Silas. Sumakay kami gamit ang kabayo, marunong naman akong magkabayo dahil tinuruan ako ni Tito Lucio, tatay ni Silas pero gusto ni Silas na iisang kabayo lang kami para daw mas mabilis kami."Mabuti naman at pumayag ka sa imbitasyon ko," sabi ni Mayor habang nakikipagkamay kay Silas."You're my
"Kailangan ko ng umuwi, hindi ako pwedeng gabihin," paalam ko sa kaibigan ko na si Calista."Huwag muna," sabi niya."Pero baka mapagalitan nila ako,""Graduation party naman ito, maiintindihan naman nila iyon."Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama siya, graduation party naman namin wala naman sigurong masama kung gagabihin ako kahit ngayong araw lang. Pumayag ako na magtagal muna, natuwa naman siya sa sinabi ko dahil lagi na lang akong umuuwi ng maaga.Sobrang nag enjoy din ako sa party kaya hindi ko namalayan na madaling araw na pala."Hatid na kita," sabi ni Calista ng magpaalam ako sa kanya. Pumayag naman ako dahil wala na akong masasakyan sa ganitong oras.Malapit lang naman ang bahay ko sa bahay nila kaya mabilis lang kaming nakarating."Maraming salamat," sabi ko sa kanya. "Mag ingat ka sa daan.""Oo, sige na alis na ako, inaantol na rin naman ako."Hinintay ko muna na makaalis siya bago ako pumasok sa bahay. Dahan dahan akong pumasok dahil ayokong mag ingay pa, siguradong t
Ilaria"Tay, pasok na po ako," paalam ko kay Tatay."Sige mag iingat ka," sabi niya.Madaling araw pa lang umalis na ako ng bahay, malayo kasi ang pinapasukan kong university sa bahay namin, hindi pwede ang motor or bike dito dahil makitid at delekado ang daanan kaya ang magagawa ko lang ay ang maglakad. Wala naman problema sa akin ito dahil sanay na rin naman ako dahil magdadalawang taon ko na itong ginagawa.It's been a year na rin pala ng mahanap ko ang totoong tatay ko at masasabi ko na super worth it ang paghahanap ko sa kanya dahil isa siyang mapagmahal na tatay na kahit na mahirap kami ginagawa naman niya lahat para maibigay ang gusto ko kahit pa hindi ko naman hinihiling. Malayong malayo ito sa nakalakihan ko pero mas masaya ako ngayon kaya kung papipiliin man ako itong buhay na ito ang pipiliin ko dahil kahit na mahirap lang kami dito ko naman naranasan ang maging masaya.Nagpakita na ang araw ng marating ako sa school, dumiretso muna ako ng locker ko para magpalit ng black s
Ilaria's Point of View"Maraming salamat Ilaria at dito mo naisipang sumali," sabi ni couch Frank, ang couch ng archery."Gusto ko naman po na solo play, para maiba naman," sagot ko. Last year volleyball ang sinalihan ko.Tumango naman si couch. "Dahil malapit na ang sport festival, araw-araw na ang practice. Hindi naman ako nangangamba na hindi ka makakasabay sa mga kasama mo dahil alam kong magaling ka."Nginitian ko naman siya. "Huwag niyo naman po akong masyadong puriin, hindi naman po ako ganun sobrang kagaling.""Tanggapin mo na, kami ngang mga couches laging hinihiling na sana ay piliin mo ang sport namin."Wala akong permanent na sinasalihang sport, ayokong sumali sa mga club dahil malayo nga ang inuuwian ko, gagabihin ako sa daan delekado pa naman ang dinadaanan ko kapag gabi. Marami rami pa namang mga kabataang nagtatambay kapag umuuwi ako at lahat ng mga kabataan kilala ako, minsan tinutulungan akong buhatin ang mga gamit ko kahit magagaan naman.Sumasali lang ako sa sport
Ilaria's Point of ViewMatagal pa naman mag umpisa ang laro ko kaya naisipan namin na maglibot muna at puntahan ang mga booth na ginawa ng mga student.Kita ko ang saya sa mukha ni Harper habang kasama si Felix parang silang dalawa nga lang na nag de-date. Yung mga kaibigan ni Felix ay may kanya kanya naman silang ginawa like bibili sila ng mga natitipuhan nilang mga pagkain."Ang saya ni Harper no?" sabi ko kay Jonathan. "Bagay sila ni Felix.""Tsk, anong bagay? Hindi nga sila bagay eh," sabi niya, may himig ng inis ang boses niya. Pigil tawa pa rin ako dahil ayokong mahalata niya na niloloko ko siya."Bakit mo naman nasabi na hindi sila bagay?" Tanong ko.Hindi agad siya nakapagsalita, kita sa mukha niya na nag iisip siya ng sasabihin. "Kasi....""Kasi?" Tanong ko."Kasi mukhang babaero iyong Felix," mabilis na sagot niya."Paano mo naman nasabi na babaero ito?" Tanong ko."Kasi panay ang kaway at nginingitian ang mga babae," sagot niya."Ganyan ka rin diba? Edi babaero ka din?" Tan
GIANNA"So, sa school ni Gianna ang location ng sport festival?" tanong ni Dad kay Brianna, my twin and golden child ng parents ko."Yes, dad," sagot nito."Kung ganun makakalaban mo pala si Gianna," sabi ni Mom."Kaya nga excited na akong makalaban siya," sabi nito habang nakangisi, nasa harapan ko lang kasi siya kaya nakikita ko."Kung ganun kailangan mong galingan Gianna, baka mapahiya ka sa sarili mong school kapag natalo ka ni Brianna," sabi ni Dad.Napahigpit na lang ako sa kutsarang hawak ko, pinipigilan kong magalit dahil siguradong paparusahan nila ako. Lagi naman silang ganyan, mas pabor sila kay Brianna dahil mas maganda, matalino at magaling daw siya sa akin.Kambal kami pero iba ang trato nila kay Brianna dahil ng pinanganak kami, mahina ang puso niya. Hindi nila ako kayang alagaan habang inaalagaan si Brianna kaya pinaalaga nila ako kina lola. Nung 10 years old ako doon lang ako kinuha pero iba ang trato nila sa akin kesa kay Brianna, prinsesa ang tingin nila dito habang