Chapter: Chapter 8Third Person's Point of View Mga magagarang sasakyan, magagandang mga dekorasyon at mga mamahaling mga kasuotan ang makikita saan mang sulok ng isang kilalang hotel kung saan ginaganap ang 25th anniversary ng makapangharihan at kilalang mag asawang Verlice kaya lahat ng mga bisita nila ay mga kilalang business man, mga artista at mga taga gobyerno. Hindi man nila kaibigan ang mga iba ay inimbitahan pa rin nila ang mga ito dahil iniiwasan nila na pag usapan sila lalo na at maimplowensya silang tao kaya hindi maiiwasan na pag usapan sila kung hindi sila mag iimbita ng mga maimplowensya at kilalang mga tao. Pabor din naman ito sa kanila dahil maaari pa nilang mapalawak ang connections nila sa mga maiimplowensyang mga tao. Kanya kanya ng usapan ang mga bisita ng mag asawa pero ng tumunog ang intro ng mc ay nakuha ang atensyon nila na tumingin sa stage. Nag simula itong mag salita ng kanyang speech, pinasaya niya muna ang mga bisita bago ito mag umpisa sa main event nila. Tinawag niya i
Last Updated: 2025-01-02
Chapter: Chapter 7ILARIA "Waynne samahan mo akong pumunta ng bayan," bungad sa akin ni Silas. Waynne ang tawag niya sa akin in short ng first name ko Elowaynne, ayaw niya akong tawaging Ilaria dahil marami na raw tumatawag 'nun sa akin kaya nag isip niya ng ibang name na siya lang ang tatawag sa akin ng ganun tapos ako Silas ang tawag ko sa kanya, second name niya iyan ang gusto niya eh. Binaba ko muna ang binabasa ko bago ko siya sinagot. "Anong gagawin mo sa bayan?" "Pupuntahan ko lang si Mayor may kailangan lang kaming pag usapan," sagot niya, hindi na ako nagtanong pa dahil masyado ng private iyon. "Sige, paalam lang ako kay tatay," sagot ko. Pinayagan naman agad ako ni tatay dahil may tiwala naman siya kay Silas. Sumakay kami gamit ang kabayo, marunong naman akong magkabayo dahil tinuruan ako ni Tito Lucio, tatay ni Silas pero gusto ni Silas na iisang kabayo lang kami para daw mas mabilis kami. "Mabuti naman at pumayag ka sa imbitasyon ko," sabi ni Mayor habang nakikipagkamay kay Silas.
Last Updated: 2024-06-20
Chapter: Chapter 6ILARIA Kakatapos ko lang mag linis nag bahay kaya nagpahinga na muna ako sa sofa namin bago ako magluto ng hapunan ni Tatay. Bakasyon namin ngayon kaya dadalhan ko siya ng makakain niya sa farm kung saan siya nagta-trabaho para mainit pa ang kinakain niya, doon na rin ako tumatambay dahil presko doon at wala naman akong gagawin dito sa bahay kaya mas magandang doon na lang ako, nakakausap ko pa ang mga ka-trabaho ni tatay kapag nagpapahinga sila. "KUMUSTA iha, bakasyon mo na?" Tanong ni Manong Jerry, ang security guard dito sa farm kung saan nagta-trabaho si tatay. "Ayos lang po ako," sagot ko. "Opo, bakasyon na namin kaya lagi niyo na naman akong makikita." "Abay gusto ko iyan para lagi akong ganahang mag trabaho dahil nakakakita ako ng maganda," biro ni Manong Jerry. Ganyan talaga iyan, kung 'di mo siya kilala pagkakamalan mo siyang manyak dahil sa mga salita niya pero mabait at marespeto siya sadyang mapagbiro lang talaga siya na na mi-misunderstood ng ibang tao. "Sige po,
Last Updated: 2024-06-05
Chapter: Chapter 5Tapos na ang school festival pero hindi maalis kay Callum ang magandang dalagang nakita niya sa school na pinuntahan nila. Hindi naman siya 'yung tipong nagagandahan sa isang babae kung tutuusin ay sobrang cold niya sa mga ito pero ng makita niya ang dalaga biglang bumilis nag tibok ng puso niya. Ito ba ang sinasabi ng mommy niya na 'love at first sight?'. Hindi siya naniniwala doon at sobrang naki-cringe siya kapag sinasabi ng mommy niya na na love at first sight ito sa daddy niya pero ngayon naniniwala na siya. Totoo nga iyon biglang bibilis ang tibok ng puso at magiging slowmo ang paligid mo kapag nakita mo ang babaeng magpapatibok ng puso mo. "Anak, ayos ka lang?" Nagising siya sa pagkakatulala ng marinig niya ang mommy niya. "I'm okay, Mom," sagot niya at tinuloy ang kinakain niya. "Hindi ako naniniwala," Kilala nito ang anak niya, alam niya kung kelan ito nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. "Sabihin mo sa akin ang problema mo." Umiling naman siya. "Don't mind me mom
Last Updated: 2024-04-04
Chapter: Chapter 4GIANNA "So, sa school ni Gianna ang location ng sport festival?" tanong ni Dad kay Brianna, my twin and golden child ng parents ko. "Yes, dad," sagot nito. "Kung ganun makakalaban mo pala si Gianna," sabi ni Mom. "Kaya nga excited na akong makalaban siya," sabi nito habang nakangisi, nasa harapan ko lang kasi siya kaya nakikita ko. "Kung ganun kailangan mong galingan Gianna, baka mapahiya ka sa sarili mong school kapag natalo ka ni Brianna," sabi ni Dad. Napahigpit na lang ako sa kutsarang hawak ko, pinipigilan kong magalit dahil siguradong paparusahan nila ako. Lagi naman silang ganyan, mas pabor sila kay Brianna dahil mas maganda, matalino at magaling daw siya sa akin. Kambal kami pero iba ang trato nila kay Brianna dahil ng pinanganak kami, mahina ang puso niya. Hindi nila ako kayang alagaan habang inaalagaan si Brianna kaya pinaalaga nila ako kina lola. Nung 10 years old ako doon lang ako kinuha pero iba ang trato nila sa akin kesa kay Brianna, prinsesa ang tingin nila dito
Last Updated: 2024-03-18
Chapter: Chapter 3Ilaria's Point of View Matagal pa naman mag umpisa ang laro ko kaya naisipan namin na maglibot muna at puntahan ang mga booth na ginawa ng mga student. Kita ko ang saya sa mukha ni Harper habang kasama si Felix parang silang dalawa nga lang na nag de-date. Yung mga kaibigan ni Felix ay may kanya kanya naman silang ginawa like bibili sila ng mga natitipuhan nilang mga pagkain. "Ang saya ni Harper no?" sabi ko kay Jonathan. "Bagay sila ni Felix." "Tsk, anong bagay? Hindi nga sila bagay eh," sabi niya, may himig ng inis ang boses niya. Pigil tawa pa rin ako dahil ayokong mahalata niya na niloloko ko siya. "Bakit mo naman nasabi na hindi sila bagay?" Tanong ko. Hindi agad siya nakapagsalita, kita sa mukha niya na nag iisip siya ng sasabihin. "Kasi...." "Kasi?" Tanong ko. "Kasi mukhang babaero iyong Felix," mabilis na sagot niya. "Paano mo naman nasabi na babaero ito?" Tanong ko. "Kasi panay ang kaway at nginingitian ang mga babae," sagot niya. "Ganyan ka rin diba? Edi babaero ka
Last Updated: 2024-03-15