Share

Chapter 1

Ilaria

"Tay, pasok na po ako," paalam ko kay Tatay.

"Sige mag iingat ka," sabi niya.

Madaling araw pa lang umalis na ako ng bahay, malayo kasi ang pinapasukan kong university sa bahay namin, hindi pwede ang motor or bike dito dahil makitid at delekado ang daanan kaya ang magagawa ko lang ay ang maglakad. Wala naman problema sa akin ito dahil sanay na rin naman ako dahil magdadalawang taon ko na itong ginagawa.

It's been a year na rin pala ng mahanap ko ang totoong tatay ko at masasabi ko na super worth it ang paghahanap ko sa kanya dahil isa siyang mapagmahal na tatay na kahit na mahirap kami ginagawa naman niya lahat para maibigay ang gusto ko kahit pa hindi ko naman hinihiling. Malayong malayo ito sa nakalakihan ko pero mas masaya ako ngayon kaya kung papipiliin man ako itong buhay na ito ang pipiliin ko dahil kahit na mahirap lang kami dito ko naman naranasan ang maging masaya.

Nagpakita na ang araw ng marating ako sa school, dumiretso muna ako ng locker ko para magpalit ng black shoes, naka rubber shoes kasi ako, swempre sasakit ang paa ko kung black shoes ang gamit ko at baka masira ito agad kaya mas ganda ng mag rubber shoes.

"Hi, Ilaria."

"Good morning, Ilaria."

"Grabe ang ganda mo talaga."

Nginitian ko ang mga schoolmates ko na tumatawag sa akin dito. Hindi naman sa pagmamalaki pero sikaw ako dito dahil laging ako ang rank 1 sa school namin, kilala ako sa pagiging sporty at academic achiever, ako ang laging napapadala kapag may mga quiz bee na ginaganap sa school namin.

"Good morning besty," bungad sa akin ni Harper, ang best friend ko dito, she have long straight and black hair, super healty ng buhok niya kaya minsan naiingit ako sa buhok nito, may paka similar sila ni Calista, hindi ko nga maiwasang mamiss ito kapag lagi kong kasama si Janna. May communication naman kami pero iba pa rin iyon nakakasama ko siya in person. Gusto nga niya na mag aral dito pero pinigilan ko siya dahil hindi niya kakayanin ang buhay dito.

"Good morning," bati ko pabalik sa kanya.

"Tapos na ba ang project mo?" tanong niya.

"Yes, last week pa," sagot ko.

"Sana all, ako hindi pa," reklamo niya.

"Bukas na ang pasahan niyan ah, kaya mo pa bang tapusin?" Tanong ko.

"Hindi ko alam eh," sagot niya.

"Gusto mong tulungan kita para matapos mo na agad?" sabi ko.

"Aww, ang sweet mo talaga pero hindi na kailangan kaya ko naman iyon," tanggi niya sa tulong ko. "Ayokong masanay na lagi mo akong tinutulungan, ayoko namang maka graduate na walang ibang ginawa kundi magpatulong."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "That's a good positive thinking."

"Of course, kaibigan kita eh nakakahiya naman kung may kaibigan kang pabigat."

"Don't say that, hindi ka naman pabigat," sabi niya. "Tara na nga baka malate pa tayo."

Tumango naman ako, kumapit siya sa braso ko then naglakad na kami papunta sa classroom namin. Magkaiba kami ng course, nursing ang kinuha niya habang business ad naman ang akin pero may mga subject naman kami na magkaparehas.

"Good morning Ilaria," bungad sa akin ni Jonathan, one of our classmates.

"Ay ganun? Si besty lang ang binati mo?" inis na sabi ni Harper.

"Bakit nililigawan ba kita," sagot naman ni Jonathan.

He's not my official suitor dahil 'di naman ako pumayag na ligawan niya ako pero nagpupumilit siya kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Sinabihan ko naman siya na 'wag siyang masyadong umasa dahil hindi ko naman siya sasagutin pero ang sabi niya maghihintay lang siya.

"Kahit na, best friend niya ako kaya dapat magpalakas ka sa akin para maging boto ako sa 'yo," sagot naman ni Harper. "Malay mo matulungan pa kita na mapasagot siya."

"Ikaw naman binibiro lang kita, swempre babatiin pa rin naman kita. Good morning, Ilaria's beautiful best friend." Hindi naman maipagkakaila na gwapo si Jonathan, marami ngang nagkakagusto sa kanya at isa na doon si Harper, indenial lang ito pero nakikita ko naman na may gusto ito kay Jonathan. Kita ko sa mga mata niya ang selos kapag nireregaluhan ako ni Jonathan, kapag binibigay ko naman sa kanya ang regalo nito kita ko ang kislap sa mga mata niya. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nirereject ko si Jonathan dahil alam ko na gusto siya ng best friend ko.

"Che!" Napansin ko ang pamumula ng mukha niya, madali lang naman kasing pumula ang mukha niya dahil maputi siya. Namumula siya kapag galit, nahihiya at kinikilig kaya hindi mo malalaman kung anong dahilan ng pamumula niya pero ako alam ko, kabisado ko kasi siya. Alam ko kinikilig siya sa sinabi ni Jonathan sa kanya.

Niyaya ko ng umupo si Harper sa upuan namin dahil malapit ng pumasok ang prof namin.

"BESTY, kain na tayo, nagugutom na ako," rinig kong sabi ni Harper sa labas ng classroom namin.

"Wait, aayusin ko lang ang mga gamit ko," sabi ko habang nilalagay sa bag ko ang mga gamit na ginamit ko. After kong maipasok ang mga gamit ko lumabas na ako.

Nakarating kami sa canteen, nagpunta kami sa table na lagi naming inuupuan. Walang umuupo dito dahil malayo ito sa bilihan at dahil kami ni Harper ay nagbabaon lang ng pagkain namin kaya dito kami umuupo. Ang mahal ng bilihin dito kaya minabuti namin na magbaon na lang ng pagkain.

"Hindi talaga kayo naghihintay, ano?" Napatingin kami kay Jonathan na may hawak ng pagkain niya.

"Hindi mo naman kasi kailangang sumabay samin lagi, may mga kaibigan ka rin," sabi ko matapos lunukin ang nasubo kong pagkain.

"Naintindihan naman nila na nanliligaw ako sa 'yo," sabi niya at umupo sa tabi ko, pasimple akong tumingin kay Harper at nakita kong may inggit sa mga mata niya, maiintindihan ko kung isang araw magalit na ito sa akin.

Napabuntong hininga naman ako. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako nagpapaligaw, sinasayang mo lang ang oras mo." Napakaraming mga babae diyan na pwede niyang ligawan pero nagtitiis siya sa akin.

"At sabi ko maghihintay ako hanggang sa gusto mo ng magpaligaw," sagot niya.

Napailing naman ako sa kakulitan niya, di ko na lang siya pinansin at tinuloy ang kinakain ko. Hindi ko alam kung bakit sinasayang niya ang oras niya sa panliligaw sa akin, wala pa sa plano ko ang mag boyfriend hanggang hindi ko pa natutupad ang pangarap ko kay Tatay.

"TAY, nandito na po ako," sabi ko habang inaalis ko ang sapatos ko.

Lumabas naman si tatay sa kwarto niya. "Mabuti naman at nakarating ka ng ligtas," lumapit ako sa kanya at nag mano. "Kaawaan ka ng Diyos, magbihis ka na para makakain at makapagpahinga ka na."

"Sige po, tay." Pumasok ako sa kwarto ko, maliit lang ito kumpara sa dati kong kwarto pero sapat na ito sa akin upang makapagpahinga ako, mas masarap pa ang tulog ko dito kahit pa napakanipis lang ng mattress, hindi kagaya noon na kulang lagi ang tulog ko dahil kailangan kong magising ng 3am para makapagluto ng almusal nila bago pa sila magising kung hindi sasaktan na naman nila ako. Dito kahit na late na ako gumising hindi ako sasaktan ni tatay pero dahil ayokong maging pabigat kay tatay gumigising pa rin ako ng 7am kapag walang pasok para matulungan siya sa gawaing bahay.

Naligo muna ako bago kumain, kailangan kong maligo dahil ilang oras akong naglalakad, lahat ng alikabok dumikit na sa balat ko. Ayokong humiga sa kama ko na punong puno ng alikabok ang katawan, sigurado na mangangati ako at hindi makakatulog ng maayos.

Matapos kong maligo at makapagbihis, lumabas na ako ng kwarto para makakain na ng hapunan. Bukod sa mabait at masipag si tatay masarap din siyang magluto, culinary kasi siya noon pero hindi na niya natuloy ang pagiging chef dahil nakulong ito dahil sa nagawa niya. Nagsisi naman si tatay, saksi ako at ng mga tao dito sa lugar namin.

Ang kakatuwa dito, maintindihin ang mga tao dito hindi sila bumabasa sa mga nagawa mo sa nakaraan, mas tinitignan nila ang mga mabubuting ginagawa mo sa kanila. Kilala si tatay dito bilang matulungin, kapag kailangan nila ng tulong madali lang nila itong mahingan ng tulong ng walang kapalit, kahit pa pinipilit nila ito na kunin ang bayad hindi niya ito kinukuha pero ng dumating ako, napilitan si tatay na tanggapin ang mga alok nila dahil nagkukulang na sa aming dalawa ang kinikita niya sa pagbebenta ng mga tanim naming gulay.

Matapos kong kumain, hinugasan ko ang pinagkainan ko pagkatapos nagwalis walis muna ako bago ako nagpahinga pero naaalala ko na may quiz pala kami bukas kaya nagreview na muna ako.

"Anak, 10 pm na hindi ka pa ba matutulog?" Bigla naman akong napatingin sa oras ko ng binggit iyon ni tatay, 10pm na nga nawili na naman ako sa pagrereview kaya di ko na naman namalayan na late na pala.

"Opo, tay matutulog na," sagot ko at niligpit ang mga gamit ko.

"Ikaw talaga, lagi mo na lang nakakalimutan ang oras kapag nag re-review ka," sabi ni tatay, nasa may bungad lang siya ng pinto ko. Hindi pa siya pumapasok sa kwarto ko ng walang pahintulot ko, pinapahalagahan niya ang privacy ko. Hindi ko naranasan iyon dati, lagi na lang akong binubulabog ng mga kuya ko para guluhin ako kahit pa sinabi ko na nag re-review ako, walang lock ang pintuan ko dahil ayaw nila na naka lock ang pintuan ko kaya halos wala akong privacy maliban sa c.r ng kwarto ko.

"Pasensya na po Tay, nawili lang ako sa pagbabasa," sabi ko matapos iligpit ang mga gamit ko.

"Alam kong masipag kang mag review pero kailangan mo pang magpahinga dahil maaga ka pang papasok bukas," sabi niya.

"Opo, pasensya na po tay," sabi ko.

Ito ang mga dahilan ko kung bakit hindi ko naiisipan na mag dorm kahit may dorm na malapit sa school namin, una ayokong iwan si tatay pangalawa mamimiss ko ang mga ganitong gesture niya kaya kahit malayo magtitiis ako para makasama ko siya.

"Osiya sige na matulog ka na."

"Opo, good night tay."

"Good night." Sinara na niya ang pintuan ko matapos niyang makitang humiga na ako.

"MALAPIT na pala ang sport festival natin," sabi ni Harper habang kumakain kami ng tanghalian. "Omg, makakakita na naman ang mga gwapong mga lalaki." Hindi ko maiwasang mailing sa sinabi ni Harper, madali siyang ma-attract sa mga gwapong lalaki kahit di niya kilala magiging crush niya agad.

"Bakit ka pa maghahanap ng gwapo eh nandito naman ako," biglang singit ni Jonathan.

"Swempre kailangan ko ring magkaroon ng gwapong manliligaw," sabi ni Harper. "Hindi pwedeng si Besty lang ang meron dapat ako rin."

Naliit ko ang mata ko ng mapansin ko ang reaksyon ni Jonathan, hindi iyon basta basta mapapansin lang pero dahil observer ako madali lang saking mapansin. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil doon.

"Besty, meron ka na bang napiling sport?" Nabalik ang atensyon ko kay Harper ng tanungin ako.

Tumango naman ako. "Archery ang balak kong salihan."

"Sige, gagawa na ako ng banner mo, ako dapat ang may pinakamagandang banner para sa'yo," sabi niya na kinangiti ko lang.

Nakikipag kompitensyahan siya sa ibang mga students na sumusuporta sa akin, last year, ang gaganda ng mga banner na ginawa nila kaya nakipag picture ako sa mga may magagandang banner dahil gusto kong ma-appreciate ang mga gawa nila. Ewan ko ba dito, bigla na lang nagsabi sa akin na next time mas gagandahan niya ang banner niya.

"Kahit hindi mo na gawin, ang mahalaga nandoon ka para suportahan ako," sabi ko.

"No! Hindi pwede, ayokong mapahiya sa mga fans mo," sabi niya.

Napailing na lang ako at tinapos na lang ang kinakain ko pagkatapos niligpit ko agad ito.

"Iwan ko muna kayo, punta lang ako ng library, may kailangan lang akong tapusin," sabi ko sa kanila.

"Ha? Iiwan mo ako?" Nagtatampong sabi ni Harper.

"Gusto mo bang sumama sa library?" Umiling naman siya. "Oh diba ayaw mo naman kaya maiwan muna kita kay Jonathan." Hate na hate niya ang tahimik na lugar, madali kasi yang mainip gusto niya lagi yung kinakausap kaya hindi mo talaga siya mapapapunta sa library dahil ilang beses siyang nasasaway sa kaingayan niya. "Jonathan, ikaw munamg bahala sa kanya ah? Malalagot ka sa akin kapag may nangyaring masama sa kanya." Baling ko kay Jonathan.

"Don't worry, akong bahala sa kanya," sabi niya.

"Good, sige alis na ako."

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status