NAIWAN akong nakatitig sa kanyang likuran at hindi makapaniwala sa kanyang binitawang salita. Nakaramdam ako ng hiya dahil pinahiya niya ako sa maraming tao na nanonood sa amin, pinagtatawanan nila ako. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng aking pisngi dahil sa hiya."Natasha—" Mabilis akong tumalikod at agad nang bumalik sa kotse. Ang pisngi ko ay nag-init nang sobra.Wala siyang karapatan na sabihin 'yon lahat sa akin dahil wala siya sa aking p'westo. Kung alam niya lang kung gaano ko kaayaw na may sumusundo at hatid sa akin. Narinig kong tinanong ako ni Fraysia ngunit agad na pina-tahimik siya ni kuya Franco. Mabilis na nangilid ang aking luha ngunit mabilis ko rin itong pinigilan. Kung alam niya lang kung gaano ako nasasakal sa kamay ng Mommy ko, na pati ang kurso ko ay dapat siya rin ang magdedesisyon. "How about you, anak?" Tanong ni Papa sa akin habang nag-aalmusal kami. "Malapit ka na grumaduate ng high school. Anong balak mong course? Kailangan ay dapat may naisip ka na
"NASANAY ka na ba na may nagsusuot sa 'yo ng seatbelt? Nasanay ka ba na si Franco?" Muli siyang nag-tanong na ikina-inis ko lalo. Nagkatinginan kami ni Fraysia ngunit sinenyasan ko na lang na h'wag na siyang pansinin pa. Kaya muli niyang tinuon ng pansin ang pinapanood ni Rain. Bumuntong-hininga naman ako at hindi siya sinagot. Nang makitang hindi ko siya pinansin ay natahik na lang siya.Sampong minuto lang ang tagal na hanggang sa Mount Cam kung ang gamit mo ay kotse. Tumigil lang kami sa gilid kung saan hindi makakaabala sa daanan. Agad akong lumabas ng kotse at bumungad sa akin ang masarap na hangin. Napangiti ako, tila nawala ang inis ko dahil sa nakikitang tanawin. "Hoy pangit! Nandito ka rin pala?" Boses ni Rasher ang bumungad sa amin. "Pakialam mo?" Masungit na usal ni Fraysia sa kanya noong nakababa na siya. "Ba't hindi kita nakita kanina? Hindi ba dapat kasama ka sa mga baka? Tumakas ka na naman ba?" Siya lang ang humalakhak sa sinabi niya. Pati ang kuya niya ay hindi
THEN without thinking and not even telling me, he immediately closed his eyes, at the same time I closed my eyes, too and let myself immerse myself in his kiss. This was so fast but slow at the same time. I don't know what to feel, halo-halo, hindi ko alam, naguguluhan ako. Ngunit hindi ko rin alam at tila may sariling buhay ang aking labi na kusa siyang gumalaw at tumugon sa halik. Kaya-kaya ko siyang tinulak pero tila nanghina ako, tila may mga paru-paro na nagliliparan sa aking tiyan, may kakaibang pakiramdam at kuryente na dumadaloy sa aking sistema.Mas lalo pang dumoble ang kaba ko nang mas lalong idiin ang labi sa akin. His tongue pushed into my mouth. Then a soft voice escaped in my mouth, reasoned for him to stop. Ngayon ko lamang napagtanto ang ginawa namin. He let go of my lips dahilan yo'n upang mahabol ko ang aking hininga. He stared at me in shock, napa-awang din ang kanyang labi kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. "Natasha..
WARNING: This chapter contains strong scenes that could be disturbing to certain readers. Read at your own risks.---"HOY bata! P'westo namin 'to!" Malakas akong tinulak ng isang lalaki dahilan kung bakit ako napa-subsob sa putik. Hinayaan ko silang tawanan ako, tumayo na lamang ako at umalis sa p'westong 'yon. Maghahanap na lang ako ng iba pang basura, iyong maraming pagkain. Hinipo ko ang aking tiyan nang narinig na tumunog ito, hudyat na gutom na ang mga alaga ko sa loob. Napa-buntong-hininga na lamang ako at napanguso. Sana naman ay may mahanap na akong pagkain. Napadaan ako sa isang restaurant. Mula sa salamin ng nito ay nakikita ko ang mga taong kumakain. Napanguso akong napalunok nang makita kung gaano sarap na sarap ang babaeng bata sa spaghetti'ng kinakain. Hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko kung paano niya kainin ang chicken na hawak. Masarap siguro 'yan. Matagal na akong hindi nakakakain niyan, eh. Favorite ko ang chicken joy, palaging iyon ang niluluto ni mama tuwi
"MA'AM, NATASHA?" Isang maliit na boses ang aking narinig, nangagaling ito sa aking kanan. Ayaw ko pa sanang magising dahil hindi ako makatulog kagabi sa kakaiyak. "Ma'am, gising na po kayo." Naramdaman ko ang pag-alog niya sa aking hita. Nag-unat ako ng katawan at kinusot ang aking mga mata 'tsaka ito unti unting minulat. Bumungad sa akin ang magandang mukha ng batang si Fraysia. "Fraysia, inaantok pa ako. Pakisabi na lang kila papa na h'wag muna ako papasok ngayon." Bakas sa boses ko ang pakiki-usap. Matapos kong sabihin 'yon ay nagtaklob muli ako ng makapal na kumot ko dahil sa lamig na nanggaling sa aircon ng aking kwarto. "Pero, ma'am, mapapagalitan ako," rinig kong sabi pa niya. Binaba ko ang aking kumot at malalim akong bumuntong-hininga, ngunit sa pag-buntong 0hininga ko ay isang malakas na hangin ang lumabas mula sa aking puwit. Nagkatinginan kaming dalawa ni Fraysia at sabay na humalakhak. "Ano ba, Fraysia!" pag-biro kong sigaw sa kaniya dahil ayaw itong tumigil sa k
TINANGGAL niya ang kulay itim na nakasabit sa leeg nito. Hindi ko alam ang tawag ngunit nakakita na ako nito noon. Satingin ko ay headset ang tawag sa itim na 'yon.Tama nga ako. Isa itong headset dahil sinuot 'nung lalaki ang magkabilang bilog nito sa tainga at ang dulo nung headset ay isang itim na bilog pa na akma niyang ilalapit sa akin ngunit agaran akong lumayo. "Ayoko!" Sigaw ko sa kanya. Anong gagawin niya sa akin? Bakit inilapit niya bilog na 'yon malapit sa dibdib ko!Bumaling ako sa ginang kanina. "Tulungan niyo po ako. May balak po siya sa akin!" Ngumiti ang ginang sa akin at hinawakan nang marahan ang aking kamay. "Hindi, hija. Isa siyang Doctor na gagamot sa 'yo. Maniwala ka at magtiwala ka lang sa akin." Bumaling naman ako sa Doctor na 'yon. May sinasabi siya sa isang babae na nakaputi rin, hindi ko alam ang sinasabi nila. Nakita ko kung paano nila galawin ang hugis kahon na aking katabi, hindi ko rin alam ang tawag, at saka ito may sinusulat sa papel na hawak. At
NAUPO ako sa aking upuan sa dulo, katabi ng bintana. Nakatingin pa rin ang iba sa akin, pinag-chichismisan tungkol sa karangyaan ng pamilya ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at kinuha ang aking cellphone saka tinuon ko na lang ang atensyon do'n habang hinihintay ang prof namin. Binuksan ko ang Facebook ko. Hindi na ako nag-taka na maraming nag-aadd friend sa akin. Pili lamang ang in-accept ko dahil 'yon ang sabi ni mommy, at karamihan doon ay mga kamag-anak namin at mga kaibigan ni kuya Cloud.At sa hindi inaasahan na may nag-pop out na message sa Messenger ko. Nangunot ang aking noi dahil hindi ko naman siya kakilala. Binuksan ko ang message niya at in-open saglit ang profile picture. Babae siya at friend niya si kuya Cloud. Muli kong tiningnan ang message no'ng Priya Angel Oliveros.Priya: Hello sa'yo! Hindi na ako nagtataka pang may nag-memessage sa akin. Hindi ko rin naman ito pinapansin dahil baka magalit si Mommy sa akin. Karamihan ay mga lalaki na gustong makipagkaibigan
TUMANGO lamang ako at agad nang pumasok sa kotse. Hinawakan ko ang aking dibdib, hindi ko alam kung bakit ko nagawang suntukin ang braso niya, at nakaka-proud dahil nakaya ko.Pumasok ako ng bahay na matamlay kaya agad na nagtanong si mommy no'ng nakita ako. "Oh, bakit ang tamlay mo?" "Marami lang pong pinapagawa sa amin ngayon," sagot ko. "Aw! My baby!" Agad siyang lumapit sa akin upang hawakan ang aking pisngi. "Mag-shower ka na muna at magluluto ako ng meryenda mo, okay?" Ngumiti ako kay Mommy at tumango. "Uhm... mommy, may reporting po kasi kami bukas at by partner siya—" "Is your partner a guy?" Agap niyang tanong. Mabilis akong umiling. "Hindi po! Babae po siya." Nakita ko namang nakahinga siya nang maluwang. "That's good. Dito na lang kayo gumawa ng report niyo." "Sa kubo po kami gagawa. Malakas naman po ang signal do'n at presko pa," Nakangiting sagot ko. "Okay. Well, isama mo na lang si Fraysia. Ipapahatid ko na lang ang meryenda niyo.""Salamat po." "I love you, ana