Share

05

TUMANGO lamang ako at agad nang pumasok sa kotse. Hinawakan ko ang aking dibdib, hindi ko alam kung bakit ko nagawang suntukin ang braso niya, at nakaka-proud dahil nakaya ko.

Pumasok ako ng bahay na matamlay kaya agad na nagtanong si mommy no'ng nakita ako. "Oh, bakit ang tamlay mo?"

"Marami lang pong pinapagawa sa amin ngayon," sagot ko.

"Aw! My baby!" Agad siyang lumapit sa akin upang hawakan ang aking pisngi. "Mag-shower ka na muna at magluluto ako ng meryenda mo, okay?"

Ngumiti ako kay Mommy at tumango. "Uhm... mommy, may reporting po kasi kami bukas at by partner siya—"

"Is your partner a guy?" Agap niyang tanong.

Mabilis akong umiling. "Hindi po! Babae po siya."

Nakita ko namang nakahinga siya nang maluwang. "That's good. Dito na lang kayo gumawa ng report niyo."

"Sa kubo po kami gagawa. Malakas naman po ang signal do'n at presko pa," Nakangiting sagot ko.

"Okay. Well, isama mo na lang si Fraysia. Ipapahatid ko na lang ang meryenda niyo."

"Salamat po."

"I love you, anak."

Iyon ang mga salitang nakakapag pagaan sa akin mula sa isang ina.

Ayokong ipagkumpara sina mama at mommy, ngunit minsan lang akong sabihan ng mga gano'ng salita ni mama.

"Mahal ko rin po kayo."

Naramdaman ko ang haplos niya sa aking buhok. Hindi ko maisip na gan'to ang kinahinatnan ng buhay ko. Akala ko'y tuluyan na akong titira sa kalsada.

Dumaan ako sa likod ng mansion dahil mas mabilis makapunta sa dalampasigan, which is naro'n ang kubong pinagtatambayan namin palagi ni Fraysia.

Ang pinangarap kong maliit na bahay noon ay hindi ko aakalain na mansion. Malawak ang field kaya sa likod ng mansion ay puro halaman at malaking fountain lang ang makikita ro'n. Si Lola kasi ay mahilig sa mga halaman.

Pero sa likod ng mansion, may ilang kabahayan na nakatira ro'n. Ang mga nakatira ro'n ay mga wala raw mga pera, iyon ang sinabi ni mommy sa akin. Sila raw ang mga taong sagabal ng Isla de Luna. Which is not true, kung wala sila, wala rin kaming makain ngayon. They're our farmers and fishermen. Sila ang dahilan kung bakit may nakakain kaming isda at mga bigas ngayon.

Ngunit ayoko rin ang gan'tong ugali ni mommy. She always treats those who are not her level.

Noong nakarating ako sa kubo, nagulat ako no'ng nakita kong narito na sila Fraysia at Trinity na nag-uusap.

"Ate!" Tawag ni Fraysia sa akin nang nakita ako.

Lumingon naman agad si Trinity sa akin, ngumiti siya at kumaway. Nginitian ko silang dalawa at naupo sa inuupuan nilang papag.

"Ang laki ng mansion niyo," Namamanghang komento ni Trinity habang pinagmamasdan ang mansion na nasa likod lang namin, nakaharap kami sa dalampasigan.

Hindi ako sumagot bagkus ngumiti lang ako. Hindi ako komportableng pinag-uusapan namin ang yaman na meron ang pamilya ko.

"Magsimula na tayo dahil marami-rami itong report natin," iyon na lamang ang aking sinabi.

"Sige!" Masayang tugon niya.

Binuksan ko agad ang laptop ko. Habang nag-oopen siya ay kinuha ko ang aking bag upang kunin ang notes ko.

"May assignments ka ba, Fraysia?" Tanong ko sa kanya habang hinahanap ang ginawa kong notes kaninang lunch namin para sa irereport.

"Dalawang subject po. Arts and Math po," sagot niya naman.

Tumango-tango ako habang hinahanap pa rin ang notes ko. "Sige. Tulungan kita mamaya pagkatapos namin."

Kinuha ko ang libro ni Vladimir Nabokov na Laughter in the Dark dahil do'n ko inipit ang yellow pad na ginamit kong papel kanina. Ngunit kahit anong buklat ko walang akong nakita na yellow pad!

Imposibleng mawala 'yon, dito ko inipit kanina!

Pero bigla kong naiisip na nilabas ko ito kanina para review'hin. Agad kong tinanggal ang laman ng bag ko.

"Ayos ka lang ate?" Si Fraysia.

"What's wrong, Natasha?" Tanong din ni Trinity.

"Hindi ko mahanap 'yung notes na ginawa ko para sa report natin." Baling ko kay Trinity.

"Hindi ko alam na nag-notes ka! Dapat sinabi mo sa akin para matulungan kita," saad niya. "Baka naiwan mo?"

"Hindi, eh. Hindi ko naman binuksan 'tong bag ko kanina sa bahay."

Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na namuo ang mga luha ko sa aking mata.

"We can do it again, Natasha," narinig kong saad ni Trinity.

Nilingon ko siya at pilit na ngumiti. "You can start na muna. Hanapin ko lang saglit, nandito lang 'to."

P'wede naman namin itong ulitin pero kasi mauubusan kami ng time para gumawa. Tutulungan ko pa si Fraysia sa mga assignments din niya.

Ngunit isang pamilyar na boses ang aking narinig na muling ikina-bilis ng pintig ng aking puso. Nanlaki ang mata ko nung naisip kung kanino galing ang baritonong boses na 'yon.

"Natasha."

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Iyon ang lalaking sinuntok ko sa braso kanina! Napalunok ako no'ng makita ang ngisi na 'yon. Nakaramdam ako ng takot dahil sa ngisi niya at dumoble ang kaba ko sa dibdib.

Please, don't smirk.

"Bakit ka narito!" Natauhan lang ako dahil sa sigaw na 'yon ni Fraysia, kausap si Rasher na hindi ko alam na kasama pala siya.

Mabilis akong umiwas ng tingin, bahagya akong tumalikod upang punasan ang luha kong hindi ko namalayang tumulo na pala dahil sa takot. Mabuti at ang atensyon ni Fraysia ay na kay Rasher, habang si Trinity ay titig na titig sa lalaking 'yon.

Matapang ko siyang nilingon.

"B-bakit ka narito," matapang kong saad kahit bakas sa aking boses ang panginginig at hindi makatingin ng diretso sa malalim niyang mga mata.

"Nahulog mo kanina."

Ang malalim niyang boses ay mas lalong ikinakaba ko.

Mabilis akong tumingin sa kamay niya nang makitang may inabot sa akin. Iyon ang notes ko! Nanlaki ang mata ko at mabilis na hinablot sa kaniya 'yon.

"'Yan ba 'yung notes na ginawa mo?" Tanong ni Trinity sa akin.

"Oo. Sinulat ko na rito lahat na p'wede nating ilagay," sabi ko at pinakita ito sa kanya. "Itong questions number 8, may posibilidad na p'wedeng itanong sa atin ni sir."

"Oh!" Tumango-tango siya at muling namangha. "Salamat! Dapat pala sumabay na lang ako sa'yo kaninang lunch para may maitulong sana ako."

"Ayos lang. Tapos na rin naman ako sa ibang subject kaya nag-sulat na lang ako ng notes," ani ko. "Kung gusto mo rin, p'wede kang sumabay sa akin mag-lunch tomorrow."

"Hala!" Napatakip pa siya ng kanyang bibig dahil hindi siya makapaniwala dahil sa narinig. "Talaga?!"

"Oo naman. Besides, wala rin akong kasabay tuwing lunch."

"Hala! Same! Sige, sabay na lang tayo!" Para itong kinikilig dahil sa aking sinabi.

Natawa na lamang ako sa kanya at akmang magtitipa na sana sa keyboard ng laptop ngunit isa na namang boses ang aking narinig dahilan upang mag-angat ako ng tingin.

"You're welcome, Natasha." Ang ngisi niya sa labi ay napalitan ng seryoso at madilim na awra.

Nakalimutan ko! "A-ano... S-salamat. Sorry din kanina. Nasuntok ko 'yung braso mo."

"Sinuntok mo, hindi mo nasuntok." Mas lalong lumalim ang boses niya.

"Okay..." Bumuntong-hininga ako. "I''m sorry dahil sinuntok kita—"

"Ako sana ang hihingi ng sorry sa 'yo."

Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi.

"Huh?"

"Pasensya dahil ikaw ang nasaktan, imbes na ang braso ko."

Napaawang ang aking bibig. Sinasabi niya bang mahina ako?! Imbes na matakot ako sa biglang pagsilay ng ngisi niya sa labi ay inis ang naramdaman ko.

Ngumisi siya sa akin at bumaling sa kapatid. "Tara na, Rasher."

"Dito na muna ako, Kuya. Tuturuan ko si Fraysia sa assignment namin sa Math. Mali-mali kasi 'tong mga sagot niya," natatawang saad ni Rasher kay Fraysia na noo'y masama ang paningin sa kaklase.

"Sige, pakituruan na rin si Natasha kung paano manuntok at magpasalamat."

Matalim ko siyang tinapunan ng tingin. Siya naman ay matunog na ngumisi bago niya kami tinalikuran at naglalakad palayo. Gano'n pa rin ang suot niya kanina ngunit ngayon ay napansin kong may suot itong sumbrerong gawa sa dahon ng niyog.

Nagbaba ako ng tingin noong nawala na siya sa paningin ko. Nakaramdam ako ng inis dahil sa tinuran niya sa akin.

"Hindi mo naman sinabi na kilala ka pala ni Axis!" Mabilis kong nilingon si Trinity.

"Axis? Pangalan niya Axis?" Takang tanong ko.

"Oo! Alam mo bang siya lang ang gwapo sa buong Sabtang? Lahat ng babae ay tinitilian siya! Isama mo na rin ako ro'n!" Aniya at tumili.

Gwapo pakinggan pero ang ugali niya ay pangit, wala rin.

"Gwapo rin naman si kuya Franco, 'yung kuya ni Fraysia," ani ko.

"Alam ko 'te! Kahit ang kuya mo, si Cloud at Thunder? Nako 'te! Pasensya na pero mas gwapo si Axis."

"Mas gwapo ang dalawa kong kuya para sa akin," ngising saad ko, nagmamayabang.

Bumungisngis siya. "Pero bakit ka nga niya kilala?"

Napaisip ako bigla. Sa ilang taon ko na rito sa Batanes pero ngayon ko lang siya nakita. O talagang hindi talaga ako lumalabas noon? Kung sabagay, lumalabas lang ako hanggang tapat lang ng bahay namin. Kung gusto ko naman mag-swimming sa dagat, dinadala ako ni papa sa Morong beach.

Pero last year lang, noong kasama ko na si Fraysia ay palagi na kaming lumalabas. Pero hanggang sa likod lang ng bahay dahil pinagbabawalan ako ni Mommy na lumabas.

"Well, bakit pa ba ako magtataka?" Tumawa nang malakas si Trinity. "Lahat yata rito ay kilala ang pamilya mo. Kulang na lang ay bilhin ng tatay mo itong Batanes."

"Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita rito," sagot ko naman habang tinitipa ko ang keyboard ng laptop ko.

"2 years na kami rito." Napatingin ako kay Rasher noong sabihin 'yon. "Galing po kaming Manila." 

"Bakit pa kayo lumipat dito?" Pagtataray ni Fraysia sa kanya.

"Fraysia," mahinahong suway ko.

"Eh, kasi ate, palagi niya akong inaasar sa room!"

"Hindi, ah!" Tanggi naman ni Rasher at tumingin sa akin. "May naging problema lang po kami sa Manila kaya lumipat muna kami rito."

Paliwanag niya sa akin na hindi ko alam kung bakit ba siya nagpapaliwanag sa akin?

"May lahi ba kayo?" Tanong naman ni Trinity sa kanya.

"Opo. Ang sabi po ni Kuya may lahi kaming Spanish." 

"Kaya pala! Mukha kang shokoy, eh!" Pang-aasar naman ni Fraysia sa kanya.

"Hindi naman Spanish 'yung shokoy, Fraysia," Sabat din ni Trinity.

"Saan po sila galing?" Takang tanong ni Fraysia na mukhang interesado siya ro'n.

"According to my research, ang merfolk or shokoy ay isang myth sa bansang Syria."

"Ah." Tumango tango si Fraysia sa narinig at nilingon si Rasher. "Bumalik ka na sa Syria! Wala ka namang ambag dito. Nananakot ka lang ng mga bata."

"Bakit nandito ka rin? Mukha ka rin namang kabayo."

"Oo! Kabayo ako pero unicorn!"

"Unicorn daw. Mukha ka ngang paa ng kabayo!" Pang-aasar ng Rasher. Natawa naman ng malakas si Trinity.

Agad siyang pinalo ni Fraysia sa balikat at sinabing, "Umalis ka na nga! Inaasar mo ako, eh!"

Tumawa nang malakas si Rasher. "Hindi na," awat niya.

"Ate, oh!" Pag-sumbong niya sa akin. "Anong hindi na! Tumatawa ka nga! Ayan oh! 'yang ngiti mo."

Napa-iling na lang ako at hinayaan silang magbiruan. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa PowerPoint na ginagawa ko, habang si Trinity ay nagsimula na ring mag-review ng report namin.

Nasa kalagitnaan kami ng paggawa ng PowerPoint nang tumambad si Mommy sa likod namin, kasama niya ang dalawa naming katulong na noo'y may hawak silang meryenda.

"My, si Trinity po, kaklase ko," Pakilala ko sa kanya noong nilingon niya si Trinity.

Ngumiti naman si Trinity sa kaniya at pinunasan muna ang kamay bago ilahad ito sa harap ni mommy. "Good morning, madam Morgan. Trinity po, Trinity Saldua."

Kinuha rin naman agad ito ni mommy ang kamay niya at nakipag-shake hand. "Nice to meet you, hija. Here, mag-meryenda muna kayo."

"Thank you po," tugon ni Trinity at kumuha ng tinapay.

Bumaling agad si mommy sa akin. Napangiti ako no'ng hinaplos niya ang aking buhok at hinalikan sa taas ng aking ulo.

"Hindi mo sinabi sa akin kanina na may makakasama kayong lalaki." Baling niya kay Rasher. 

"Ah, mommy, si Rasher po, kaklase ni Fraysia," pakilala ko rin kay Rasher. Nakita ko naman sa mukha ni Rasher ang pagkagulat at takot.

"I see." Tumango tango si mommy at muli akong binaling. "After this, umuwi agad kayo, ah."

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Opo. Isang slides naman na po."

"Babalik na ako sa loob. Just call me if you want some more snacks, 'kay?"

"Opo, mommy."

"I love you." Hinalikan niya muna ang aking noo bago umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status