Share

Trapped With Her Kiss
Trapped With Her Kiss
Author: szanlu

01

WARNING: This chapter contains strong scenes that could be disturbing to certain readers. Read at your own risks.

---

"HOY bata! P'westo namin 'to!" 

Malakas akong tinulak ng isang lalaki dahilan kung bakit ako napa-subsob sa putik. Hinayaan ko silang tawanan ako, tumayo na lamang ako at umalis sa p'westong 'yon. 

Maghahanap na lang ako ng iba pang basura, iyong maraming pagkain. Hinipo ko ang aking tiyan nang narinig na tumunog ito, hudyat na gutom na ang mga alaga ko sa loob. Napa-buntong-hininga na lamang ako at napanguso. Sana naman ay may mahanap na akong pagkain. 

Napadaan ako sa isang restaurant. Mula sa salamin ng nito ay nakikita ko ang mga taong kumakain. Napanguso akong napalunok nang makita kung gaano sarap na sarap ang babaeng bata sa spaghetti'ng kinakain. Hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko kung paano niya kainin ang chicken na hawak. 

Masarap siguro 'yan. Matagal na akong hindi nakakakain niyan, eh. Favorite ko ang chicken joy, palaging iyon ang niluluto ni mama tuwing kaarawan ko. 

"Sana ako rin ay makakain niya," bulong ko sa sarili.

Ano kaya pakiramdam na maging mayaman? Iyong bang nakakatulog ka nang maayos dahil walang ingay na iistorbo sa 'yo tapos may malambot pa kama? Ano kaya pakiramdam na may makain araw-araw? At ano kaya ang pakiramdam na may pamilya? 

Simula kasi noong namatay si mama ay wala na akong magawa pa kundi ang mag-palaboy laboy sa daanan. Humahanap ng makakain sa basura para mabuhay. Kung minsan ay sa ulan na lamang ang iniinom ko para kahit papaano ay magkaroon ng laman ang aking tiyan. 

"Hoy bata!" Sigaw ng isang g'wardiya. "Tanggalin mo 'yang kamay mo sa salamin at baka madumihan pa 'to!" 

Agaran kong tinanggal ang aking kamay mula sa salamin na hindi ko na namalayan na hawak-hawak ko na pala ito. 

"Umalis ka na! Alis! Ang baho mo!" Sigaw pa niya kaya wala na akong magawa kundi ang umalis na lang do'n. 

Palibhasa'y babae ang g'wardiya kaya masungit. 

Mag didilim na at wala pa akong makitang ma-p'wep'westuhan ko sa pagtulog mamaya. Nagsimula na ring kumulog ang kalangitan kaya't nasisiguro kong uulan nang malakas ngayong gabi. 

Wala na akong pamilya. Hindi ko kilala ang papa ko, wala rin akong kakilalang kapatid at iba pang kamag-anak, tanging si mama lang ang mayroon ako noon. Ngunit sa hindi inaasahan na trahedya ay ako na lang ang mag-isa sa buhay. Namatay si mama dahil nabangga siya ng isang kulay itim na kotse. Hindi man lang niya kami tinulungan, nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-mamaneho na para bang walang nangyari. 

Ngunit mabuti na lang na may tumulong sa amin. Ang sabi niya ay siya na lang bahala sa katawan ni mama, binigyan niya lang ako ng pera upang bayaran ako, at dahil bata pa lang ako noon ay wala akong alam sa kung ano ang ginagawa nila sa patay. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan ang katawan ni mama. Ngunit dahil wala akong alam tungkol sa pera, ninakaw ito sa akin mula sa isang matandang lalaki na ang sabi niya bibilhan niya ako ng pagkain pero hindi na bumalik pa. 

Natigil ako sa paglalakad noong makita ang eskinita sa aking harapan. Napangiti ako noong may bubong sa dulo. Agad akong kumaripas ng takbo ro'n. Mabilis kong hinalungkat ang mga basurahan, at sa hindi inaasahan na may nakita akong pagkain! Hindi ko alam ang tawag dito, puti siya na parang spaghetti at mukhang masarap. Hindi na ako nagdalawang isip na kainin siya. 

Ngunit sa unang tikim ko ay nagtataka ako. Ang pagkakaalam ko, hindi gan'to ang lasa ng spaghetti. Pero hayaan na, masarap naman siya, eh.

Mukhang matutulog ako nang busog ngayon.

Sumandal ako malamig na dingding dahil nabusog ako sa pagkaing kinain ko kanina. Nagpapasalamat ako sa taong nagtapon ng pagkain na 'yon, tuloy ay halos hindi ako makatayo dahil sa gutom. Dahilan din niyon upang isang malakas na dighay ang lumabas sa aking bunganga.

Ngunit bigla ay napatili ako nang malakas dahil sa hindi inaasahan na kulog na nanggagaling sa langit. Napatingala ako noong nagsimula nang nag-uunahan sa pag-tulo ang ulan. Kasabay ng malakas na ulan ang pagtulo ng aking luha sa aking pisngi. Takot ako sa kulog. Kung dati ay niyayakap ako ni mama tuwing kumukulog nang malakas ngunit ngayon ay sarili ko lamang ang magpapatahan sa akin. Wala rin akong magawa kundi ang yakapin ang sarili. 

Pinangako ko kay mama noon na h'wag akong umiyak. Na dapat maging matapang ako. Pero hindi ko kaya, lalo na't wala siya sa aking tabi. 

Tanging buwan lamang ang mayroon ako, ang buwan na palaging nariyan para sa akin, kasama ang mga kaibigan niyang mga bituin...

May nakita rin akong karton kanina kaya sinuswerte talaga ako ngayon at hinihiling ko na walang iistorbo sa aking pagtulog. 

Buwan muli ang lumipas. Nagising ako kinabuksan dahil sa ingay. Kinusot ko ang aking mata at unti unting minulat ang mga ito. Umagang walang makain na naman. Bumangon ako at inayos ang aking higaan saka ako muling nag-hanap ng makakain. 

Ang huli kong kain ay noong isang linggo pa. Tanging tira lang ng mga kagaya ko na palaboy.

Nakanguso akong nag-libot muli. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Nakaramdam ako ng panghihina at gutom na gutom na ako. 

Araw-araw na lang, gan'to ang buhay ko. Kailan kaya gaganda ang buhay ko? Kailangan kaya ako makakakain sa mamahaling restaurant? Kailangan kaya ako makakatulog sa magandang bahay? 

Dumaan ang oras, at gabi na naman ngunit wala pa rin akong nakain kahit isa. Umuwi na lang ako sa pinagtutulugan ko palagi. 

Muli kong inayos ang aking higaan at nahiga. Ngunit sa hindi inaasahan na isang anino ng lalaki ang aking nahagilap sa aking harapan. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Agad akong tumayo upang harapin siya, isang matandang lalaki ang lumabas mula sa dilim. Makapal ang balbas sa ibaba ng ilong, maitim ang mga balat ay may malaki itong katawan. 

Nakakatakot siya.

"Gusto mo ba ng pagkain, bata?" Malalim ang kanyang boses na parang tigre ito.

"M-may pagkain po kayo?" Dahil sa gutom, nawala bigla ang takot ko sa kanya. "Gusto ko po ng pagkain!" 

Hindi ko maiwasang masabik dahil sa sinabi. Napangiti ito at tumango tango. 

Ang ngiti niya sa labi ay lumawak. "Oo naman."

"Saan po?" Bakas sa aking boses ang pananabik. 

Gutom na gutom na talaga ako nang sobra. Hinayaan ko na lang ang takot ko sa mamang ito, ang gusto ko lang talaga ay may laman ang aking sikmura.

"Ipapakita ko ito kung mahiga ka." 

Kahit nagtataka sumunod pa rin ako dahil sa nararamdamang gutom. Napangiti ako. Sana ay masarap ang pagkaing meron siya, at sana chicken ito o kaya spaghetti o kaya yung spaghetti na kulay white! Tapos may orange juice pa o kaya apple juice! Favorite ko kasi 'yon.

"Tapos na po! Nasaan na po ang pagkain?" Sabik na tanong ko. 

Ngunit nagtaka lamang ako noong hinubad niya ang kanyang ibabang damit, at mas lalo akong nagulat noong mabilis siyang dumagan sa akin. 

"K-kuya, ano pong ginagawa niyo!" Agad Kong tanong ay pilit na tinutulak siya gamot ang maliliit kong braso. 

Tumayo ang mga balahibo ko nang naramdaman ko ang kanyang dila sa aking leeg. 

"K-kuya, h'wag." Halos kapusin ako ng hininga dahil sa nararamdamang kaba at takot.

Hindi ko malaman ang gagawin ko sa

mga oras na 'to. Labis talaga ang kabang nararamdaman ko, hindi ko mailarawan.

Ngunit patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa. Naramdaman ko ang likidong bumagsak sa aking pisngi. Pilit akong kumakawala sa mga mabaho niyang mga braso. 

"Manahimik ka bata!" Sigaw niya at tinakpan ang aking bibig mula gamit ang malaki niyang kamay. 

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Malakas siya, mahina ako. Malaki siya, maliit ako. Na kahit anong gawin ko, kahit anong tulak ko, mas malakas pa rin siya. 

Sinisisi ko ang aking sarili, na sana hindi hindi ko na lang siya pinansin. Na sana hinayaan ko na lang ang aking gutom. Na sana hinayaan ko na lang ang aking sarili na magutom para mawala na ako sa mundong ito.

Wala na akong magawa pa. Tumigil lamang ako sa pag-pupumiglas no'ng naramdaman ko ang panghihina at hayaan na lang na balutin ako ng dilim dahil wala naman nang kwenta ang buhay ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status