Share

08

NAG-ANGAT siya ng tingin dahil sa aking sinabi. Hindi siya umimik, bagkus nilingon niya si Fraysia na nakatingin din sa kanya dahilan upang namula ang pisngi.

Napangiti ako dahil sa nakita. "Pumasok na kayo, Fray," utos ko at pumasok na sa passenger seat.

Nakita kong sumunod si Fraysia kay Rain noong siya ang unang pumasok. Pumasok din agad si kuya Franco sa driver's seat at nagsimulang mag-maneho.

"Kuya, ihatid mo siya mamaya, ha," ani ko kay kuya Franco.

Tumango at ngumiti siya bilang sagot. Binaba ko ang visor mirror upang ayusin ang aking buhok.

Nilingon ko ang dalawa na nasa likod. Si Rain ay busy sa ginagawa niya sa kanyang cellphone, habang si Fraysia ay pinapanood ang ginagawa ni Rain. Napangiti na lang ako at muling binalik ang paningin sa daanan.

Nakarating kami ng school na kaunti pa lang ang pumapasok. Pinag-buksan agad kami ni kuya Franco ng pintuan no'ng nakapag-park siya sa gilid.

"Are you coming with us inside?" Tanong ko sa kay Rain nang makitang bumaba rin siy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status