Ikinasal si Cathy Del Mundo kay Phoenix Montgomery—anak ng isang bilyonaryo at may-ari ng pinakamalaking healthcare company sa bansa. Subalit kahit naikasal na silang dalawa, hindi man lang naramdaman ni Cathy ang pagmamahal nito para sa kaniya. Hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa utak niya—iyon ay makipag-annul kay Phoenix after being married for two years. Akala niya ay matatahimik na siya ngunit nagkamali siya nang malaman niyang buntis siya pagkatapos na pagkatapos niyang makipag-annul kay Phoenix. Inilihim niya iyon mula rito at nagpakalayo-layo hanggang sa mailuwal na niya ang anak niya. Pero sa mismong araw nang panganganak niya ay ikakasal na pala si Phoenix kay Miriam—ang kaibigan niya na naging mortal niyang kaaway. Dumating si Laura—kapatid ni Miriam at walang awang kinuha kay Cathy ang anak niya. Pero ang hindi nila alam—triplets pala ang nabuo sa sinapupunan ni Cathy. Itinago ni Cathy ang dalawa at nangakong hindi ipapaalam kay Phoenix ang katotohanan. Makalipas ang limang taon, muling magtatagpo ang landas nina Cathy at Phoenix. Dahil nagkaroon ng selective amnesia si Cathy at halos mamatay na siya dahil sa komplikasyon nang manganak siya—saka lamang niya napag-alaman na ang batang tinaggihan niyang gamutin ay anak pala niya. Doon ay nagdesisyon si Cathy na kuhanin sa kaniyang ex-husband ang anak niya habang tinatago pa rin ang katotohanan na may dalawa pa silang anak. At ngayong nalaman na ni Phoenix na buhay pala ang ex-wife niya na inakala nilang patay na, paano niya haharapin ang katotohanan na hindi lang isa, kundi tatlong anak ang iniluwal ni Cathy?
View MoreSIMULA KAHAPON, HINDI na nilubayan ng takot si Yana. Halo-halo na ang nararamdaman niya ngayon dahil sa pamba-blackmail sa kaniya ni Amiel. Hindi naman niya magawang sabihin kay Parker ang ginagawa ng pinsan nito sa kaniya sapagkat alam niyang malalaman at malalaman nito ang totoo kung sakali mang
“A-ANONG SINASABI MO, A-Amiel?” naguguluhang tanong ni Yana habang seryosong nakatingin sa mga mata ni Amiel. “May amnesia ka ba, Yana? Ilang buwan lang ang nakakalipas, pero nakalimutan mo na agad? Parker offered you help—pero nadamay siya nang dahil sa ‘yo. He was shot that day, and what did you
HATING-GABI NA SUBALIT gising na gising pa rin ang diwa ni Yana. Hindi rin siya mapakali sa kinahihigaan niya kaya lumabas siya sa balkonahe kung saan siya niyakap ng malamig na simoy ng hangin. Ipinulupot niya ang dala niyang balabal sa leeg niya saka niyakap ang sarili bago nag-angat ng tingin sa
“SINO SI SIGMUD?” tanong agad ni Yana kay Parker nang makalabas sila ng mansyon. “Huwag mo nang isipin ‘yon, Yana. Wala na ang taong ‘yon,” tugon ni Parker. Dire-diretso silang naglakad hanggang sa makarating sila sa harap ng fountain. “Patay na ba siya?” tanong pa ni Yana. Mariing napalunok si
NAKIPAGKASUNDO SI YANA kay Parker na siya lang ang tanging isama nito sa bahay nila sa kadahilanang siya lang naman ang rason kaya siya nito gustong makasama dahil inako na agad nito ang nasa sinapupunan niya kahit hindi pa siya sigurado na si Parker nga talaga ang ama nang dinadala niya. Noong una
NAMUMUGTO NA ANG mga mata ni Yana habang nakahalukipkip sa gilid ng kaniyang papag. Simula kahapon ay wala pa rin siyang humpay sa pag-iyak dahil sa kaniyang nalaman. Hindi niya inaasahan na darating sa tanang buhay niya ang isang bagay na kung tutuusin ay hindi pa siya handa. Ayon sa doktora na sum
SA HINDI MAIPALIWANAG na dahilan, biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Yana habang seryoso pa ring nakatingin sa Tiya Salome niya. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya ng oras na iyon. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. “Tiya Salome, wala po akong boyfriend. Hi-Hin
ILANG ARAW NG masama ang pakilasa ni Yana—ilang araw na rin siyang hindi nakapagtinda ng mga lutong ulam. Hindi na niya alam ang mga nangyayari sa kaniya pero sa tuwing napapabalikwas siya mula sa malalim na pagkakatulog ay ura-urada siyang napapatakbo sa banyo upang doo’y sumuka. “Anak, mas maigi
KANINA PANG PASULYAP-SULYAP si Parker sa kaniyang relo habang umiinom ng rum. Ngayon lamang niya napagtanto na magdadalawang-oras na rin pala ang nakalipas nang umupo siya sa stool upang hintayin si Yana. At halos segu-segundo rin ang pagbaling niya sa entrance ng bar pero kahit ilang beses siyang s
NASA KAHABAAN NG highway si Cathy sakay ng kaniyang kotse nang maramdaman niyang may mainit na likidong umaagos sa kaniyang hita pababa. Sandali niya iyong tiningnan at napamura siya nang mapagtantong pumutok na ang panubigan niya. Dali-daling iniliko ni Cathy ang kaniyang kotse upang maghanap ng h...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments