Pagkalipas ng tatlong taon ay nagbalik siya, at narinig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol sa dovorce. Wala siyang sinabi kahit na matapos niyang makuha ang aking pagkabirhen bago siya umalis. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong maging mabuting asawa para sa kanya, pero gusto niya pa rin akong hiwalayan. Hindi dahil mahal ko siya, kundi dahil inakala kong naging tapat ako sa kanya habang siya naman ay nagpakasaya kasama ang kanyang kalaguyo. Ngunit nagawa pa niyang magreklamo na parang ako ang sumakal sa kanya. Galit na galit ako. Sisiguraduhin kong mahihirapan sila ng kanyang kalaguyo na makumbinsi ako sa diborsyo. Pero bakit parang iba ang ikinikilos niya? Bakit nakakaramdam ako ng pagkasabik sa tuwing magkakadikit kami?
view moreXiaSinigawan ko siya. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Sinumbatan dahil sa hindi niya tinupad ang kanyang pangako na dadalawin ako.Sinisi at sinabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong isigaw sa mundo. Pero pagkatapos, ikinuwento niya sa akin kung ano ang nangyari matapos siyang ma-ampon.Oo, maaaring hindi maganda ang naging trato sa kanya, pero nanatili pa rin siyang malinis. Hindi niya naranasan ang iba't ibang lalaking gumagamit sa kanya nang higit limang beses sa isang araw. Mas maganda pa rin ang buhay niya kumpara sa akin.Kahit na galit pa rin ako sa kanya, nagkunwari akong kaibigan pa rin niya at na naiintindihan ko siya. Tuwing may oras ako, nakikipagkita ako sa kanya, at ipinangako ko sa sarili kong dadalhin ko siya sa mga magulang ko para gawin siyang katulad ko.Siguradong maraming matatandang lalaki ang magbabayad para sa kanya. Pero hanggang ngayon na may asawa na siya, hindi ko siya nagawang dalhin. Lagi siyang abala sa kung ano mang bagay na hindi ko alam.H
XiaNapakaswerte ni Celina na napangasawa niya si Jefferson. Noong una ko itong nalaman mula sa kanya, agad akong nakaramdam ng inggit. Paano napapayag ni Mr. Scott na ipakasal ang anak niya sa kanya? Naalala ko tuloy ang mga araw namin sa ampunan.Madalas akong binu-bully ng ibang bata noon, at siya lang ang tumulong sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang dumating siya at ipinagtanggol ako. Kahit puro pasa siya pagkatapos, wala siyang pakialam. Sinabi niyang hindi niya ako iiwan, at totoo nga. Naniwala ako sa kanya dahil palagi siyang nasa tabi ko. Kailanman ay hindi niya ako iniwanan na mag-isa.Pero dahil sa ginawa niya, sumikat siya sa ampunan. Lalo pa siyang hinangaan ng mga lalaki dahil sa kagandahan niya, habang kinaiinggitan naman siya ng ibang babae, at kasama na ako.Palagi siyang may tiwala sa sarili kaya inakala kong matalino siya. Pero tuwing may klase kami, hindi niya alam ang sagot sa mga tanong, kaya naisip kong mas magaling ako sa kanya pagdating sa pag-aaral. Kahi
"Hello," sabi ko nang sagutin ko ang tawag ni Jefferson."Nasan ka?" tanong niya."Mall.""Sino'ng kasama mo?" tanong niya ulit na akala mo ay tatay ko. Parang sinasabi niya na huwag akong magsisinungaling."Kaibigan," sagot ko. Napansin kong lihim akong tinitingnan ni Xia matapos kong sabihin ang salitang "kaibigan.""Si Xia?" tanong niya. Gusto kong magsinungaling, pero alam kong madali niya akong mahuhuli, kaya umamin na lang ako. isa pa, bakit naman ako magsisinungaling sa simpleng bagay lang?"Hindi ka nakinig sa akin," sabi niya."Alam mong hindi ko kayang gawin 'yon," sagot ko, sabay dinig sa buntong-hininga niya."Nasan ka ngayon?" muling tanong niya, kaya sinabi ko ang lokasyon ng mall."Ingat ka, okay?" sabi niya ulit."Oo nga, huwag kang masyadong mag-alala at kaya ko ang sarili ko. Hindi ako mapapaano."Pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili."Okay, ingat." Pagkatapos non at natapos na ang aming usapan.Bumalik ako ka
Celina"Xia," sabi niya, gaya ng inaasahan ko."Bakit mo siya pinaghihinalaan?" tanong ko, totoong curious ako kahit na hindi naman niya talaga gusto ang kaibigan ko."Basta may kutob lang ako. Kung may woman instinct ka, may man instinct din ako," sagot niya, kaya napairap ako."Ano'ng sabi ko sa 'yo tungkol sa pag-irap?" tanong niya, kaya ibinalik ko ang tingin sa ginagawa ko. Ayokong tingnan siya sa mata kapag ganiyan siya magsalita."Celina, seryoso ako. Kung hindi mo siya kayang iwasan, siguraduhin mong mag-ingat ka, or better yet, huwag kang sasama sa kanya ng mag-isa lang." Pagkasabi niya non ay tumayo na siya at naglakad na papasok sa aming silid.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang pekeng credentials na ipinakita ko sa mag-asawang Nicholson noon. Totoo namang bukod sa mga umampon sa akin, si Xia lang ang nakakaalam nito.Ano na ang dapat kong gawin?***Kinabukasan, nasa opisina si Jefferson. Habang naghah
CelinaSi Xia ay naging kaibigan ko mula nang dumating ako sa ampunan. Oo, binu-bully siya ng ibang bata noong una ko siyang makita, at naawa ako sa kanya kaya tinulungan ko siya at lumaban sa mga batang nang-aapi sa kanya.Hindi ako nagpapaapi at kapag may nanakit sa akin, sinisigurado kong makakaganti ako, dobleng sakit, dobleng pagdurusa. Yon ang inaabot nila sa akin.Simula nang sagipin ko si Xia mula sa mga bully, hindi na siya lumayo sa tabi ko. Tinawag namin ang isa't-isa na “partners” at sabay kaming napaparusahan at napapatawag sa opisina ng namumuno sa ampunan.Noong una, palagi siyang umiiyak, pero noong sinabi kong nandito lang ako para sa kanya, saka lang siya tumigil. Lagi ko siyang niyayakap tuwing natatakot siya. Para sa akin noon, kami ang lakas ng isa't isa.Inampon ako nina Daniel at Lalaine, at nangako ako kay Xia na madalas ko siyang dadalawin, dahil akala ko mahal at gusto talaga ako ng mga umampon sa akin. Pero dahil kabaligtaran ang nangyari, hindi ko siya nadal
"Alam mong may pasok ka pa," sabi niya sa boses na parang nang-aakit. Kakagising lang niya kasi at malamang ay iyon ang tinatawag nilang bedroom voice.Napabuntong-hininga ako dahil sa panghihinayang kaya kinailangan ko na siyang pakawalan. Pero bago yon ay pinisil ko ang kanyang matambok na pwet na talagang pinaglalawayan ko ng husto."Jefferson!" gulat niyang sigaw."Gutom ako, kaya bilisan mo na at ayusin ang sarili mo bago ako mawalan ng kontrol at ikaw na lang ang gawin kong almusal," sagot ko habang marahang itinulak siya papunta sa banyo. Nagsisimula nang mawala ang kontrol ko sa aking sarili, at kung makikita ko pa siyang hubo't hubad nang mas matagal, baka hindi ko na mapigilan.Mabilis siyang naligo, pagkatapos ay sabay kaming nag-agahan. Tinanong ko siya kung lalabas ba siya, pero ang sabi niya ay hindi kaya wala akong dapat ipag-alala habang nasa opisina ako. Umalis ako ng mansion at agad akong sinalubong ng aking mga sekretarya at assistant."Welcome back, Sir," bati ni Da
JeffersonIto ang unang date namin at sobrang excited ako. Kung hindi lang nakialam ang kaibigan niya, mas naging maayos sana ang lahat. Sinabi na ni Celina na may date kami kaya dapat, kahit na anong offer ng asawa ko sa kanya na sumabay sa amin sa pagkain ay hindi niya tinanggap. Dapat ay nakatunog na siya na magiging third wheel lang siya at hindi maganda iyon lalo at kakarating ko lang galing sa ibang bansa after three long years.May something sa Xia na yon na hindi ko gusto kaya talagang sisikapin kong malaman ang ilang bagay tungkol sa kanya.Kasalukuyan na kaming nasa aming silid at naghahanda ng matulog si Celina ng maisipan kong kausapin siya tungkol kay Xia."Paano mo nakilala ang kaibigan mong ’yon?" tanong ko. Napatingin siya sa akin na kunot-noo."Hindi ako interesado sa kanya, kaya tigilan mo na ang kakaibang imahinasyon mo. Maganda ka, at wala siyang pwet na nakapaglalaway gaya ng meron ka, na kinaadikan ko," diretsong sabi ko, para lang ipaalam sa kanya na kung iniisi
Samantala, gusto ni Jefferson ang tinitignan niya kaninang set ng kwintas at hikaw at inisip na babalikan niya iyon para bilhin at ibigay sa asawa.Naglibot pa sila, pumasok at lumabas sa iba’t-ibang store na wala namang binili na kahit na ano. Napaisip si Jefferson kung bakit ba nila ginagawa iyon ng wala naman pala planong bumili si Celina.“Kung meron kang magustuhan ay sabihin mo sa akin. Kanina pa tayo naglalabas masok sa iba’t-ibang store pero wala naman tayong binibili,” hindi na napigilang sabihin ni Jefferson.“Hindi ko naman sinabi na bibili tayo or may hinahanap ako,” simpleng tugon ni Celina habang patuloy ang paglilibot ng kanyang mga mata.“Kung ganon ay bakit natin ginagawa ito? Napapagod lang tayo sa paglalakad,” nalilitong tanong ni Jefferson.“Ito ang normal na ginagawa ng mga couple, ang mag window shopping. Kung may magustuhan ay bibili kung kayang bilhin,” sagot ni Celina.“Pinagsasawa lang natin ang mga mata natin sa mga bagay na magaganda at wala ka namang intens
Third PersonWala ng sinabi pa si Celina tungkol sa sinabi ng kanyang asawa pero meron munting kislap ng pag-asa na maaaring maging maayos ang pagsasama nila in the future. Inimbitahan sila ni Noli na kumain since tanghalian na rin naman.“Pinapaalala ko lang, libre mo ‘to,” sabi ni Jefferson na ikinatawa ng kanyang kaibigan ng magsimula na silang kumain.“Kailan ka pa naging ganito ka kuripot? Normally ay ikaw pa ang mag-i-initiate na magbayad,” komento ni Noli.“Nang makasal ako sa kanya,” tugon ni Jefferson sabay ngisi dahil sigurado na siya na magre-react ang si Celina sa pagkakaturo niya dito. At hindi nga siya nagkamali.“At kailan naman kita tinuruan na maging kuripot, aber?” tanong ni Celina na may kasama pang masamang tingin.“Nang umalis ako at gumastos ka lang ng hindi lalaglas sa 25000 a month. Sigurado ako na iniisip mo na kukwentahin ko ang lahat ng ginagastos mo habang wala ako, kaya naisip ko na talagang kuripot ako,” tugon ni Jefferson na nakataas pa ang isang kilay ha
Jefferson's POV"Marry her, and you will have all my shares in the company," sabi ni Dad na nakakapagpainit ng ulo ko. Alam naman niya na may girlfriend na ako pero heto siya at gusto niyang magpakasal ako sa ibang babae?Simulat simula ay hindi siya nangialam sa buhay ko lalo na sa lovelife ko. Lagi niyang sinasabi na tiwala siya sa mga desisyon ko at hinding hindi pakikialaman ang personal kong buhay. Pero heto sya ngayon singing different tune.“At kung hindi ako pumayag?” Syempre ay kailangan kong itanong iyon kahit na may palagay na ako kung ano ang magiging consequences. Confident akong tanungin siya dahil I know na alam niya ang capabilities ko at hindi dahil sa ako ay anak niya. “I-o-offer ko ito kay Noris.” Kulang ang salitang shock para ilarawan ang nararamdaman ko. Hindi ko ma-imagine ang bastardong iyon na namumuno sa kumpanya namin, kumpanyang pinaghirapan ko rin. Ganun ba siya kadesperadong maikasal sa kahit na sino sa amin ang kung sino mang babaeng iyon? “Alam mong i...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments