Third Person
Nagpunta si Celina sa Clandestine at pagpasok niya ng restaurant ay pinigilan siya ng waitress. “Excuse me, this part of the restaurant is off-limits,” sabi ng staff sa kanya na tinanguan lang ni Celina bago sinabing may reservation siya. "Reservation under Mr. John Scott," Celina said, and the waitress glared at her na hindi niya nagustuhan kaya naman inikutan niya ito ng mga mata dahil pakiramdam niya ay parang minamaliit siya ng kaharap. "If you are going to look down on me, you better look at yourself first. Remember what you are here for," she said. Ginabayan na siya ng waitress para papunta sa table kung nasaan ang kanyang kakatagpuin habang hindi naman makatingin na sa kanya ang staff dala ng hiya. Pagpasok niya sa private room ang nadatnan niya si Jefferson na simangot at mukhang madilim na ang mukha sa paghihintay sa kanya. Napangiti si Celina sa loob loob dahil nga nagawa niyang mapaghintay ang isang Jefferson Scott na ayaw sa mga late. Jefferson looked at her and didn't say a word, so she just sat opposite him. You're late," he said. "I am not applying for the job, so I don't need to be punctual," Celina answered. Kumunot ang noo ni Jefferson dahil sa sinabi niya at hindi napigilan ang magkomento. "Do you need to apply for a job so you can be punctual? Isn't that necessary for everyday living?" Hindi siya sigurado kung kaharap na nga niya ang babaeng sinasabi ng kanyang ama dahil ang babaeng kaharap niya ay taliwas sa inaasahan niya. "Hindi lahat ay namumuhay ng kagaya ng sayo,” tugon ni Celina. "Do you usually talk that way to other people?" Jefferson asked her. "I thought I was meeting my future husband and not my future employer," Celina rebutted. "I am indeed your employer. You will be working for me as my wife," sagot ni Jefferson na tila nauubusan na ng pasensya sa dalaga. "Are we going to eat or will we just continue talking like this?" Celina said and took the dish in front of Jefferson, saying, "Gusto kong subukan ito, sigurado naman ako na natikman mo na ang lahat ng klase ng pagkain na mayroon ang restaurant na ito so you don’t mind kung tikman ko na ang mga ito, right?" tanong pa niya bago sinubo ang piraso ng steak na hiniwa niya. "Hmm, it's good," she said as she savored the flavor of the steak. Wala namang nagawa si Jefferson kung hindi ang pabayaan siya at isipin kung bakit naisipan ng kanyang ama na ipakasal siya sa babaeng kaharap. "Can't you eat properly? Aren't you feeling shy when a man is watching you and you eat that way? " tanong ni Jefferson na balak sana siyang ipahiya dahil sa napaka unlady-like na paraan niya ng pagkain. Tumingin sa paligid si Celina na tila may hinahanap. “Tayo lang dalawa ang nandito di ba?” tanong niyang tila naninigurado na ikinataka naman ni Jefferson. "Don't you have eyes? Can't you see that it's just us?" sarkastiko niyang tanong. "Just as I thought, so where is the man you are talking about that I had to be shy of?" Celina asked, confused at napaka inosente pa ng pagkakasabi niya. Hindi nakasagot si Jefferson, hindi siya makapaniwala na ang isang babaeng katulad ni Celina at tatratuhin siya ng ganon. ‘Gaano kataas ang standard niya sa lalaki?’ Naisip niyang itanong ngunit mas pinili na lang niyang manahimik at hintaying matapos ang dalaga sa pagkain. “Do on, talk.” Tapos ng kumain ang dalaga at ngayon ay mattamang nakatingin na kay Jefferson at naghihintay ng kanyang sasabihin. Tinignang mabuti ng lalaki si Celina at naisip niyang napaka-straight forward niya. Para sa kanya ay hindi rin mukhang tanga ang dalaga kaya naisip niyang papayag ito sa gusto niyang mangyari. "Kung legal ang io-offer mo ay pwede akong pumayag. Pero kung hindi, forget about it.” "What made you think that I would be asking you to do illegal things?" Jefferson asked, annoyed. "Comprehension, Mr. Jefferson. You should work on that.” Nakataas ang mga kilay at iiling-iling pa si Celina ng sabihin iyon na nagpa-irita sa lalaki. "I had a woman I love," he said. "Dapat ba mahalin ko rin siya?" Celina asked sarcastically. "Can't you listen first?" “Hindi ba pwedeng diretsahin mo na? Hindi ko kailangang marinig ang lovelife mo dahil wala naman akong pakialam doon. Mamili ka kung papakasalan mo ba ako o hindi!" inis na sabi ni Celina dahil ayaw niya ng mga paligoy-ligoy na usapan. “Don't you dare raise your voice at me, you gold digger?" Jefferson told her angrily. Natawa ng malakas si Celina. Kung meron mang bagay sa mundo na ayaw niya, ‘yon ay ang pera. Kung hindi lang kailangan niya ng bubong sa kanyang ulo, pagkain at kung hindi lang lahat na lang sa mundo ay may bayad, ni hawak ay hindi niya gagawin doon. "Gold digger? Tinawag mo akong gold digger? Eh anong tawag sayo? Lalaking ipinagpalit ang girlfriend na sinasabing mahal ng dahil sa kumpanya? Mag-ingat-ingat ka sa pagsasalita mo. Hindi ako ang tipo ng tao na basta na lang magpapatapak dahil lang meron kang pera. I have been through a lot at balewala na sa akin ang kung tumira ako sa lansangan. Hindi porke’t nasa iyo na ang lahat ay hindi na kita kayang labanan. Hindi lang sa pera dapat labanan ang taong mapera, alam mo ba?” galit na sabi ni Celina. Jefferson was speechless. Hindi niya akalain na kayang sumagot sa kanya ni Celina sa pag-aakala na mahirap ito kagaya ng sinabi ng kanyang ama kaya iniisip niya na mangingimi ito na makipag-usap sa kanya. Ulila na siya na inampon ng mga Nicholson. Dahil iyon ang alam niya, naisip niya na madali lang siyang kausap but he was wrong. Ang sama ng naging tingin ni Celina kay Jefferson at marami pa sana siyang gustong sabihin ngunit pinigilan na niya ang sarili. Kailangan niyang maikasal sa lalaki upang tuluyan na siyang makakawala sa mag-asawang Nicholson. Ayaw na niyang manirahan kasama ang dalawa dahil sa pag-aalala na baka may gawin silang hindi maganda att wala siyang magawa o lakas para labanan sila. "If you want to get married, say your terms and I will listen. Huwag mo ng subukan na isisi pa sa akin ang paghihiwalay niyo ng girlfriend mo. Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos kaya huwag kang mag-expect ng best of both worlds,” sabi ni Celina sa mahinahong tinig. Sinikap niyang maging kalmado kahit na sa tingin niya ay napaka-ipokrito ni Jefferson para isisi sa kanya ang lahat. "I can do my duties responsibly and at the same time I won't be a burden to you," she added. Jefferson looked at her and thought for a while. "You wanted to work this out?" he asked. "No, I wanted us to be civil and respectful to each other," Celina told him. "Why?" "What do you mean, why?" "Why do you agree to this marriage?" "May dahilan din ako. You are willing to marry me now because of your company, right? Then I was willing to get married to you so I could leave the family I have without worry." "What do you mean?" "Exactly what my words mean. I'd rather deal with a godly womanizer like you than with them,” tugon ni Celina "Wait. What? A godly womanizer? Where did that come from? " Jefferson asked, confused. “Ang ama mo na lang ang tanungin tungkol dyan, hindi ako magaling magpaliwanag ng mga hindi naman importanteng bagay. Ngayon, payag ka ba o hindi?” Nalito si jefferson, ang akala niya ay siya ang magdadala ng usapan ngunit kabaligtaran ang nangyari. He thought Celina was easy to deal with and let his guard down, so he couldn't say a word. "What? Has the cat got your tongue?" Celina pressured him to answer. "You had the deal. I expect you to be a dutiful wife to me," Jefferson told her. "Fine by me," Celina answered until she remembered something. “Siya nga pala, pagdating sa babae, nahala ka kung mambabae ka pero siguraduhin mong hindi mo iyon ipangangalandakan or hindi mo ipapaalam sa akin. Kahit na arranged marriage lang ito, ayaw ko sa asawang manloloko.” "I don’t cheat and make sure that you’re not too. Whether I knew it or not, you are not allowed to even look at any man!” tugon ni Jefferson. Hindi siya kailanman nag-cheat sa kahit sinong naging girlfriend niya at higit sa lahat, he values marriage the most. "Deal. I don't like men either, " Celina said with a smile.Nagtaka si Jefferson sa sinabi ng babae ngunit nag desisyon na huwag ng intindihin iyon.JeffersonNa-announce na ang kasal namin ni Celina at alam na rin ng buong kumpanya iyon dahil imbitado naman silang lahat. Gusto nilang malaman kung sino ang magiging Mrs. Scott at kung anong klase ng babae siya.Maganda ba? Matalino? Saang pamilya nanggaling? Inaasahan na nila na ang mapapangasawa ko ay ang pinakaeleganteng bride dahil ako ang groom. Ang kinikilalang most sought-after bachelor at isa sa pinakamayaman sa bansa.Dahil sa ang aking ama na isang strikto at kilalang metikuloso pagdating sa trabaho ang pumili sa kanya ay inaasahan na nila na mula ang aking mapapangasawa sa kilala at prominenteng pamilya. Pero kabaligtaran iyon ng katotohanan dahil mukhang wala sa bokabularyo ni Celina ang salitang prominente.Alam ng aking ama na hindi niya ako mapapayag sa kasalang ito kaya ginamit niya ang kumpanya kaya nawalan ako ng choice kung hindi ang makisama sa babaeng ito na napakataas ng tingin sa sarili.Nakakagalit isipin na parang isinantabi ng aking ama ang mga pinagpaguran
Third PersonNatapos ang kasal at naging satisfied naman ang lahat lalo na si John. Sa tingin niya, kunng umaarte lamang ang dalawang ikinasal ay hindi naging halata dahil sa tingin niya ay mukhang sincere ang dalawa. Busy ang matandang Scott sa reception dahil sa hindi mapukaw na mga pagbati mula sa mga guests pati na ang napakaraming bilang ng mga regalo. Kita ang kaligayahan sa lahat ng matapos ang pagdiriwang maliban kay Noris.Sa kanilang mansyon, nasa kanilang silid ang mga bagong kasal at naghahanda para sa kanilang pagpapahinga ng kumatok ang isa sa mga katulong. Sinundan ng tingin ni Celina si Jefferson na siyang nagbukas ng pintuan.“Sir, nasa labas po si Sir Noris. Lasing na lasing at binabasag ang lahat ng makita habang tinatawag po kayo,” sabi ng katulong. Tumingin si Jefferson sa asawa na naghihintay ng kanyang sasabihin.“I’ll be back, stay here,” sabi ni Jefferson na tinaguan lamang ng kanyang asawa. Naiwang nagtataka si Celina kung bakit tila gumagawa ng gulo si Noris
Jefferson *** Flashback *** "Let's break up," sabi ko pagkasakay na pagsakay ni Wendy ng sasakyan. Napamaang siya na tila hindi makapaniwala sa narinig, takang taka. “What? Babe, ano bang sinasabi mo? Hindi iyan magandang biro ha…” tugon niyang tila kinakabahan matapos na lubos na maunawaan ang sinabi ko. Hindi ko sigurado kung tama bang ganon ang reaksyon niya, hindi ba dapat ay malungkot siya kaysa mukhang kabado? “Sinasabi mo lang yan dahil hindi ako pumapayag sa mga gusto mo. Fine, let’s fuck here in your car. Alam kong matagal mo na itong hinihiling kaya sige, subukan natin. Basta huwag ka lang magbibiro ulit ng ganyan, ha?” dagdag pa niya kasunod ang tangkang pag-upo sa aking kandungan pero pinigilan ko siya. "I'm going to marry someone Dad had arranged for me," sabi ko. Hindi ko na rin naman iyon maitatago dahil lalabas at lalabas nga rin ang balita. "What? He knew we were dating, why would he do that?" Wendy asked, crying. “Ni minsan ay hindi niya ako kinausap para palayu
Third PersonNagmamadaling nagpunta sa hospital si Jefferson dahil iniisip na nasa kritikal na condition si Wendy. Habang nagbibiyahe ay sinisi niya ang sarili at sinabing hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa dating katipan.On the way na siya sa nurse’s station para itanong ang silid ni Wendy ng magsimulang inikot niya ng tingin ang paligid at mabistahan ang tila pigura ng babae malapit sa may hagdanan papuntang fire-exit. Napaisip siya kung ano ang ginagawa doon ng dalaga gayong ang sabi ng nurse na tumawag sa kanya ay nag-overdose siya.Dahan dahan siyang naglakad ng mapansin niyang parang may kausap ito sa cellphone habang pababa ng hagdanan.“Tinawagan ko siya at sinagot naman niya kaya imposible na nagha-honeymoon sila ng kung sino mang malanding babaeng ‘yon,” narinig niyang sabi ni Wendy.“Sigurado akong magtatagumpay ang plano kong ito, at dapat lang. Ayaw ko rin siyang mawala sa akin.” Maantig na sana ang damdamin ni Jefferson kung hindi ito nagpatu
Celina Maaga akong nagising at hindi naman kataka-taka iyon dahil lagi naman. Pag tingin ko sa aking tabi ay wala rin doon si Jefferson. O mas tamang sabihin na hindi siya natulog sa tabi ko. Bumangon na ako at nagpunta sa bathroom. Maganda ang buong silid at gusto ko ang bathroom dahil sobrang luwag non. Nakasalansan na ang mga toiletries sa open cabinet na nasa taas ng lavatory at kahit sa gilid mismo non. Kung hindi lang forced marriage ang nasuungan namin ay iisipin kong mahalaga ako kay Jefferson dahil sa pag-e-exert niya ng effort para lang bilhan ako ng mga personal things ko. Mamahalin ang facial wash na nakikita ko lang sa mga palabas sa T.V. na gamit ng mga mayayaman at karaniwang nakikita ko sa mga store na naka-display sa mga cabinet na naka-lock. Ang akala ba niya talaga ay gumagamit ako ng mga ito para sa mukha ko? Bahala na nga, gamitin ko na lang tutal akin naman ito. Pagkatapos kong maglinis ng sarili ay nagpalit na rin ako ng damit bago ako bumaba para pumunta sa
JeffersonPakiramdam ko ay alam ni Celina na umalis ako kagabi, rather kaninang madaling araw dahil ang aga aga ay nasa dining area na siya at nag-aalmusal. Malamang ay iniisip niya rin na pinuntahan ko si Wendy at hindi ko naman itatanggi ‘yon.Si Wendy, alam ko na naging masama ako sa kanya at ‘yon ay dahil niloko niya lang ako sa simula’t-simula ng aming relasyon.Alam ko sa sarili ko na hindi ko lolokohin ang asawa ko kahit na hindi ko pa siya mahal. Pero matapos kong malaman ang ginawa ni Wendy ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na kailangan pang intindihin siya or ma-guilty pa.Ang pag-uusap na gusto kong mangyari sa min ni Celina ay simple lang naman. Ipapaalam ko lang sa kanya ang pag-alis ko ng bansa at ang pagtatalaga sa kanya bilang OIC ng bank kaya naman pinapunta ko siya sa study room ko.Hindi niya man lang napansin ang pagpasok at napansin ko ang pagmasahe niya sa kanyang sentido and I felt a little worried.Medyo masakit lang daw ang ulo niya kaya itinuloy pa ri
Third Person Pagkatapos umalis ni Jefferson ay nagsimula ng magtrabaho si Celina para sa kanyang design. Ang huling project na nagawa niya ay noong bago niya i-meet ang lalaki sa Clandestine. Hindi pa siya tumatanggap ng kahit na anong trabaho dahil nga nag-focus siya sa pag-aasikaso ng kanilang kasal kasama ang asawa. Naisip ni Celina na sa buong panahon ng kanilang preparation ay hindi nawala sa tabi niya si Jefferson. Naalala niya kung paano siya tinulungan ng lalaki sa lahat ng bagay kahit na sa pagpili ng kanyang wedding gown na karaniwan ng ginagawa lamang ng lalaking tunay na nagmamahal sa bride to be. Ayaw niya sana ng grand wedding, pero iyon ang gusto ni John kaya hinayaan niya na lang. Hindi rin naman niya narinig na nag reklamo si Jefferson or kinausap siya about being grand kaya kahit papaano ay naging komportable siya. Ang tanging nakapagpagalit lang talaga sa kanya ay ang ginawang pag-alis ni Jefferson ng nagdaang gabi na dapat sana ay honeymoon nila. ‘Hindi naman a
CelinaSa lahat ng sinabi ng board tungkol sa akin ay talagang ipapakita ko sa kanila na mali sila. Isasampal ko sa pagmumukha nila ang mga kaya kong gawin.Natuwa ako dahil magaling magturo si Jefferson, malinaw niyang naipapaliwanag sa akin ang mga dapat kong malaman at sigurado rin ako na bumilib din siya sa bilis kong matuto.Nasa kanyang opisina kami at kasalukuyang sinasabi sa akin ang mga pangalan ng taong pwede kong hingan ng tulong kapag nalito ako ng kumatok si Noris at pumasok. Siya na ngayon ang vice president at magkatulong kaming magma-manage ng company pag-alis ni Jefferson.“Binigay sa akin ni Daria ng napadaan ako sa table niya, bigay ko raw sayo,” sabi niya sabay abot ng folder sa aking asawa. Kinuha naman iyon ni Jefferson at tinignan ang laman.“Hi, celina, kamusta?” tanong niya kaya ngitian ko siya at tinugon."I'm fine.""Having trouble so far?""No, not at all." I replied."That's good," tugon niya at may pakiramdam akong may sasabihin pa sana siya kung hindi lan
XiaSinigawan ko siya. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Sinumbatan dahil sa hindi niya tinupad ang kanyang pangako na dadalawin ako.Sinisi at sinabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong isigaw sa mundo. Pero pagkatapos, ikinuwento niya sa akin kung ano ang nangyari matapos siyang ma-ampon.Oo, maaaring hindi maganda ang naging trato sa kanya, pero nanatili pa rin siyang malinis. Hindi niya naranasan ang iba't ibang lalaking gumagamit sa kanya nang higit limang beses sa isang araw. Mas maganda pa rin ang buhay niya kumpara sa akin.Kahit na galit pa rin ako sa kanya, nagkunwari akong kaibigan pa rin niya at na naiintindihan ko siya. Tuwing may oras ako, nakikipagkita ako sa kanya, at ipinangako ko sa sarili kong dadalhin ko siya sa mga magulang ko para gawin siyang katulad ko.Siguradong maraming matatandang lalaki ang magbabayad para sa kanya. Pero hanggang ngayon na may asawa na siya, hindi ko siya nagawang dalhin. Lagi siyang abala sa kung ano mang bagay na hindi ko alam.H
XiaNapakaswerte ni Celina na napangasawa niya si Jefferson. Noong una ko itong nalaman mula sa kanya, agad akong nakaramdam ng inggit. Paano napapayag ni Mr. Scott na ipakasal ang anak niya sa kanya? Naalala ko tuloy ang mga araw namin sa ampunan.Madalas akong binu-bully ng ibang bata noon, at siya lang ang tumulong sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang dumating siya at ipinagtanggol ako. Kahit puro pasa siya pagkatapos, wala siyang pakialam. Sinabi niyang hindi niya ako iiwan, at totoo nga. Naniwala ako sa kanya dahil palagi siyang nasa tabi ko. Kailanman ay hindi niya ako iniwanan na mag-isa.Pero dahil sa ginawa niya, sumikat siya sa ampunan. Lalo pa siyang hinangaan ng mga lalaki dahil sa kagandahan niya, habang kinaiinggitan naman siya ng ibang babae, at kasama na ako.Palagi siyang may tiwala sa sarili kaya inakala kong matalino siya. Pero tuwing may klase kami, hindi niya alam ang sagot sa mga tanong, kaya naisip kong mas magaling ako sa kanya pagdating sa pag-aaral. Kahi
"Hello," sabi ko nang sagutin ko ang tawag ni Jefferson."Nasan ka?" tanong niya."Mall.""Sino'ng kasama mo?" tanong niya ulit na akala mo ay tatay ko. Parang sinasabi niya na huwag akong magsisinungaling."Kaibigan," sagot ko. Napansin kong lihim akong tinitingnan ni Xia matapos kong sabihin ang salitang "kaibigan.""Si Xia?" tanong niya. Gusto kong magsinungaling, pero alam kong madali niya akong mahuhuli, kaya umamin na lang ako. isa pa, bakit naman ako magsisinungaling sa simpleng bagay lang?"Hindi ka nakinig sa akin," sabi niya."Alam mong hindi ko kayang gawin 'yon," sagot ko, sabay dinig sa buntong-hininga niya."Nasan ka ngayon?" muling tanong niya, kaya sinabi ko ang lokasyon ng mall."Ingat ka, okay?" sabi niya ulit."Oo nga, huwag kang masyadong mag-alala at kaya ko ang sarili ko. Hindi ako mapapaano."Pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili."Okay, ingat." Pagkatapos non at natapos na ang aming usapan.Bumalik ako ka
Celina"Xia," sabi niya, gaya ng inaasahan ko."Bakit mo siya pinaghihinalaan?" tanong ko, totoong curious ako kahit na hindi naman niya talaga gusto ang kaibigan ko."Basta may kutob lang ako. Kung may woman instinct ka, may man instinct din ako," sagot niya, kaya napairap ako."Ano'ng sabi ko sa 'yo tungkol sa pag-irap?" tanong niya, kaya ibinalik ko ang tingin sa ginagawa ko. Ayokong tingnan siya sa mata kapag ganiyan siya magsalita."Celina, seryoso ako. Kung hindi mo siya kayang iwasan, siguraduhin mong mag-ingat ka, or better yet, huwag kang sasama sa kanya ng mag-isa lang." Pagkasabi niya non ay tumayo na siya at naglakad na papasok sa aming silid.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang pekeng credentials na ipinakita ko sa mag-asawang Nicholson noon. Totoo namang bukod sa mga umampon sa akin, si Xia lang ang nakakaalam nito.Ano na ang dapat kong gawin?***Kinabukasan, nasa opisina si Jefferson. Habang naghah
CelinaSi Xia ay naging kaibigan ko mula nang dumating ako sa ampunan. Oo, binu-bully siya ng ibang bata noong una ko siyang makita, at naawa ako sa kanya kaya tinulungan ko siya at lumaban sa mga batang nang-aapi sa kanya.Hindi ako nagpapaapi at kapag may nanakit sa akin, sinisigurado kong makakaganti ako, dobleng sakit, dobleng pagdurusa. Yon ang inaabot nila sa akin.Simula nang sagipin ko si Xia mula sa mga bully, hindi na siya lumayo sa tabi ko. Tinawag namin ang isa't-isa na “partners” at sabay kaming napaparusahan at napapatawag sa opisina ng namumuno sa ampunan.Noong una, palagi siyang umiiyak, pero noong sinabi kong nandito lang ako para sa kanya, saka lang siya tumigil. Lagi ko siyang niyayakap tuwing natatakot siya. Para sa akin noon, kami ang lakas ng isa't isa.Inampon ako nina Daniel at Lalaine, at nangako ako kay Xia na madalas ko siyang dadalawin, dahil akala ko mahal at gusto talaga ako ng mga umampon sa akin. Pero dahil kabaligtaran ang nangyari, hindi ko siya nadal
"Alam mong may pasok ka pa," sabi niya sa boses na parang nang-aakit. Kakagising lang niya kasi at malamang ay iyon ang tinatawag nilang bedroom voice.Napabuntong-hininga ako dahil sa panghihinayang kaya kinailangan ko na siyang pakawalan. Pero bago yon ay pinisil ko ang kanyang matambok na pwet na talagang pinaglalawayan ko ng husto."Jefferson!" gulat niyang sigaw."Gutom ako, kaya bilisan mo na at ayusin ang sarili mo bago ako mawalan ng kontrol at ikaw na lang ang gawin kong almusal," sagot ko habang marahang itinulak siya papunta sa banyo. Nagsisimula nang mawala ang kontrol ko sa aking sarili, at kung makikita ko pa siyang hubo't hubad nang mas matagal, baka hindi ko na mapigilan.Mabilis siyang naligo, pagkatapos ay sabay kaming nag-agahan. Tinanong ko siya kung lalabas ba siya, pero ang sabi niya ay hindi kaya wala akong dapat ipag-alala habang nasa opisina ako. Umalis ako ng mansion at agad akong sinalubong ng aking mga sekretarya at assistant."Welcome back, Sir," bati ni Da
JeffersonIto ang unang date namin at sobrang excited ako. Kung hindi lang nakialam ang kaibigan niya, mas naging maayos sana ang lahat. Sinabi na ni Celina na may date kami kaya dapat, kahit na anong offer ng asawa ko sa kanya na sumabay sa amin sa pagkain ay hindi niya tinanggap. Dapat ay nakatunog na siya na magiging third wheel lang siya at hindi maganda iyon lalo at kakarating ko lang galing sa ibang bansa after three long years.May something sa Xia na yon na hindi ko gusto kaya talagang sisikapin kong malaman ang ilang bagay tungkol sa kanya.Kasalukuyan na kaming nasa aming silid at naghahanda ng matulog si Celina ng maisipan kong kausapin siya tungkol kay Xia."Paano mo nakilala ang kaibigan mong ’yon?" tanong ko. Napatingin siya sa akin na kunot-noo."Hindi ako interesado sa kanya, kaya tigilan mo na ang kakaibang imahinasyon mo. Maganda ka, at wala siyang pwet na nakapaglalaway gaya ng meron ka, na kinaadikan ko," diretsong sabi ko, para lang ipaalam sa kanya na kung iniisi
Samantala, gusto ni Jefferson ang tinitignan niya kaninang set ng kwintas at hikaw at inisip na babalikan niya iyon para bilhin at ibigay sa asawa.Naglibot pa sila, pumasok at lumabas sa iba’t-ibang store na wala namang binili na kahit na ano. Napaisip si Jefferson kung bakit ba nila ginagawa iyon ng wala naman pala planong bumili si Celina.“Kung meron kang magustuhan ay sabihin mo sa akin. Kanina pa tayo naglalabas masok sa iba’t-ibang store pero wala naman tayong binibili,” hindi na napigilang sabihin ni Jefferson.“Hindi ko naman sinabi na bibili tayo or may hinahanap ako,” simpleng tugon ni Celina habang patuloy ang paglilibot ng kanyang mga mata.“Kung ganon ay bakit natin ginagawa ito? Napapagod lang tayo sa paglalakad,” nalilitong tanong ni Jefferson.“Ito ang normal na ginagawa ng mga couple, ang mag window shopping. Kung may magustuhan ay bibili kung kayang bilhin,” sagot ni Celina.“Pinagsasawa lang natin ang mga mata natin sa mga bagay na magaganda at wala ka namang intens
Third PersonWala ng sinabi pa si Celina tungkol sa sinabi ng kanyang asawa pero meron munting kislap ng pag-asa na maaaring maging maayos ang pagsasama nila in the future. Inimbitahan sila ni Noli na kumain since tanghalian na rin naman.“Pinapaalala ko lang, libre mo ‘to,” sabi ni Jefferson na ikinatawa ng kanyang kaibigan ng magsimula na silang kumain.“Kailan ka pa naging ganito ka kuripot? Normally ay ikaw pa ang mag-i-initiate na magbayad,” komento ni Noli.“Nang makasal ako sa kanya,” tugon ni Jefferson sabay ngisi dahil sigurado na siya na magre-react ang si Celina sa pagkakaturo niya dito. At hindi nga siya nagkamali.“At kailan naman kita tinuruan na maging kuripot, aber?” tanong ni Celina na may kasama pang masamang tingin.“Nang umalis ako at gumastos ka lang ng hindi lalaglas sa 25000 a month. Sigurado ako na iniisip mo na kukwentahin ko ang lahat ng ginagastos mo habang wala ako, kaya naisip ko na talagang kuripot ako,” tugon ni Jefferson na nakataas pa ang isang kilay ha