Maraming salamat sa pagbasa. Baka po may extra gems po kayo, pa-vote naman po.
Third Person Pagkatapos umalis ni Jefferson ay nagsimula ng magtrabaho si Celina para sa kanyang design. Ang huling project na nagawa niya ay noong bago niya i-meet ang lalaki sa Clandestine. Hindi pa siya tumatanggap ng kahit na anong trabaho dahil nga nag-focus siya sa pag-aasikaso ng kanilang kasal kasama ang asawa. Naisip ni Celina na sa buong panahon ng kanilang preparation ay hindi nawala sa tabi niya si Jefferson. Naalala niya kung paano siya tinulungan ng lalaki sa lahat ng bagay kahit na sa pagpili ng kanyang wedding gown na karaniwan ng ginagawa lamang ng lalaking tunay na nagmamahal sa bride to be. Ayaw niya sana ng grand wedding, pero iyon ang gusto ni John kaya hinayaan niya na lang. Hindi rin naman niya narinig na nag reklamo si Jefferson or kinausap siya about being grand kaya kahit papaano ay naging komportable siya. Ang tanging nakapagpagalit lang talaga sa kanya ay ang ginawang pag-alis ni Jefferson ng nagdaang gabi na dapat sana ay honeymoon nila. ‘Hindi naman a
CelinaSa lahat ng sinabi ng board tungkol sa akin ay talagang ipapakita ko sa kanila na mali sila. Isasampal ko sa pagmumukha nila ang mga kaya kong gawin.Natuwa ako dahil magaling magturo si Jefferson, malinaw niyang naipapaliwanag sa akin ang mga dapat kong malaman at sigurado rin ako na bumilib din siya sa bilis kong matuto.Nasa kanyang opisina kami at kasalukuyang sinasabi sa akin ang mga pangalan ng taong pwede kong hingan ng tulong kapag nalito ako ng kumatok si Noris at pumasok. Siya na ngayon ang vice president at magkatulong kaming magma-manage ng company pag-alis ni Jefferson.“Binigay sa akin ni Daria ng napadaan ako sa table niya, bigay ko raw sayo,” sabi niya sabay abot ng folder sa aking asawa. Kinuha naman iyon ni Jefferson at tinignan ang laman.“Hi, celina, kamusta?” tanong niya kaya ngitian ko siya at tinugon."I'm fine.""Having trouble so far?""No, not at all." I replied."That's good," tugon niya at may pakiramdam akong may sasabihin pa sana siya kung hindi lan
Warning!! Mature Content!!JeffersonNang umalis ako ng office at iniwan si Celina ay nakipagkita na ako sa aking mga kaibigan para magpaalam. We were enjoying and at the same time ay worried sila para sa akin kahit na hindi naman na kailangan dahil kaya ko naman ang sarili ko. Inakala nila na hindi ako masaya sa buhay may asawa ko kaya mas pinili ko ang umalis.“Hindi mo kailangang gawin ‘yon, man. Pwede namang nandito ka kahit na minamanage mo ang negosyo niyo sa Miami. Genius ka pagdating sa pagnenegosyo kaya alam namin na magiging madali lang iyon para sayo,” sabi ni Mark.Tama naman siya, kaya kong i-manage ang resort and casino sa Miami kahit nandito ako. Hindi naman totally kailangan na manatili ako doon, pero may mga bagay akong kailangang pag-isipan ang at the same time, mabigyan si Celina ng pagkakataon para makapag-isip at makapag-adjust.Sinabi ko rin sa kanila kung gaano kalaki ang pag-ibig ni Noris para kay Celina.“Are you serious? Eh di the more na hindi ka dapat umalis
Third PersonNagising si Celina at natagpuan ang sarili niya sa tabi ni Jefferson, na mahimbing pa ring natutulog. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanila. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama dahil mahigpit pa siyang yakap ng kanyang asawa. Ayaw niya itong magising dala ng hiya sa nangyari sa kanila ng nagdaang gabi.‘Ilang beses ba naming ginawa iyon para sumakit at manghina ang katawan ko?’ tanong niya sa sarili habang palabas ng kwarto ni Jefferson at dali-daling bumalik sa sariling silid.Dahil sa sakit ng katawan ay hindi pa niya kayang maglinis ng katawan, kaya minabuti niyang bumalik na lang muna sa pagtulog. Ngunit habang nakahiga, iniisip niya kung ano ang sasabihin kay Jefferson kapag nagkaharap sila mamaya lamang.Ang paghaharap nila ay nagbigay sa kanya ng kaba at alinlangan kasama na ang tanong saa kanyang isipan. Iiwan pa rin ba siya nito kahit na may nangyari na sa kanila? Dahil sa matinding pagod, hindi niya namalayang nakatulog na siya, umaasang sa pagmulat
Celina"Pagod ka ba?" tanong ng tinig ng lalaking hindi ko nakalimutan kahit tatlong taon na ang lumipas. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita siyang nakasandal sa hamba ng pinto ng opisina ko.Gusto kong tumakbo papunta sa kanya, pero naalala kong iniwan niya ako kinabukasan matapos naming gawing ganap ang aming kasal. Kaya, sa halip, ipinikit ko muli ang aking mga mata at sinubukang pakalmahin ang tensyong bumibigat sa aking ulo. Pagdilat ko, tiningnan ko siya."Bumalik ka na pala," sabi ko nang walang emosyon. I didn't want to sound bitter kahit iyon talaga ang nararamdaman ko noong sandaling iyon. Pumasok siya at umupo sa upuang nasa harapan ko."May problema ka sa report noong nakaraang buwan," sabi niya, hindi nagtatanong. Sigurado akong sinabi na ni Daria sa kanya ang nangyari kaya hindi ko na inabalang ipaliwanag pa."Kakauwi mo lang?" tanong ko na lang sa kanya."Oo," sagot niya."Ganoon ka ba ka-apura na pagdating mo pa lang, trabaho agad ang nasa isip mo?"
JeffersonSobrang naging mahirap para sa akin ang tatlong taon ko sa Miami. Kahit ayaw ko man, hindi ko pa rin mapigilang ma-miss si Celina. Pinagsisisihan ko na may nangyari sa amin noong gabing bago ako umalis, dahil pakiramdam ko, iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya matanggal sa isip ko.Kahit masaya ako na binigyan niya ako ng pagkakataong makasama siya, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya umalis sa kwarto ko kinagabihan at iniwan ako. Inaasahan kong magiging totoo ang kasal namin sa lahat ng aspeto, pero sa ginawa niya, naisip kong baka hindi pa iyon ang tamang panahon.Nanatili ako sa Miami at ginawa ang lahat para mapalago ang negosyo bago ako bumalik. Araw-araw, gusto kong lumipad pabalik ng Pilipinas, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong bigyan siya ng pagkakataong maging independent. Nalalaman ko ang lahat ng tungkol sa kanya kay Daria. Paminsan-minsan, tinatanong ko ang aking assistant kung ano ang ginagawa niya o kung nahihirapan ba siya.Kontento
CelinaHinalikan niya ako sa harap nina Noris at Daddy John. Gusto ko sanang tumutol, pero nakita kong ngumiti ang matanda kaya hinayaan ko na lang. At teka, kumindat ba siya sa akin? Anong problema niya? Kanina lang narinig ko siyang pinag-uusapan ang divorce na parang wala akong pakialam. Ngayon naman, hinahalikan at kinikindatan ako. Ang nangyari kanina sa office ko, isang quickie? Anong laro ang ginagawa niya?Pagkababa ko ng kotse, dumiretso ako sa kwarto at agad nilock ang pinto, ang buong akala ko ay susunod siya. Pero hindi. Ang tanga ko para isipin na pagkatapos ng isang mabilisang round, magiging mas malapit kami gaya ng inakala ko noong unang beses.Masama ba ang umasa? Gusto ko lang naman ay magkaroon ng masaya at normal na buhay may pamilya. Hindi naman niya siguro ikamamatay kung talagang sikapin niya na magkasundo kami lalo at ayon na rin sa kanya noon ay ayaw niya ng divorce. Tapos maririnig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol doon as soon as makabalik siya dito sa Pili
Third PersonDinala ni Jefferson si Celina sa kanyang silid at nagdesisyong hindi na siya hahayaang makalusot sa kanyang pagtatanong. Gusto niyang manatili sila sa iisang kwarto at mamuhay tulad ng isang normal na mag-asawa. Pagod na siyang umiwas sa kanya gayong alam naman nilang wala na silang magagawapa dahil kasal na sila.Noong umalis si Jefferson, inisip at inasahan niyang baka mabuntis si Celina dahil sa nangyari sa kanila. But it didn't happen, na pinanghinayangan niya. Akala niya, iyon ang magiging dahilan para bumalik siya at manatili sa tabi nito.Minsan, sinasabi niya sa sarili na gusto lang niyang gawin ito dahil sa nalaman niya tungkol kay Wendy. Gusto niyang ituon ang atensyon kay Celina dahil niloko siya ng dati niyang kasintahan.Pero sa kabilang banda, ipinagtanggol niya ang sarili. Seryoso siyang ayusin ang lahat sa kanila. Kaya pinili niyang makipaghiwalay kay Wendy at tinanggihan ang alok nitong maging kabit niya. At mabuti na lang, ginawa niya iyon."Bakit mo ako
Pagdating ko, nakaupo na si Celina sa sala, halatang kanina pa ako hinihintay dahil bakas ang pagkainip sa kanyang mukha. Tumayo siya agad nang makita ako."Ang ganda mo," sabi ko, dahilan para mapairap siya. Napatawa ako nang bahagya."Skirt at crop top lang naman ‘tong suot ko anong pinagsasasabi mo dyan?" sagot niya."Exactly, kaya ka nga ang perfect tingnan." sagot ko pabalik. "Pwede kitang finger-in kahit nagda-drive ako, tapos laruin ko pa ‘yang mga utong mo ng walang kahirap hirap," dagdag ko, at namula bigla ang mukha niya."Magpapalit ako ng damit," sabi niya at nagmamadaling akmang aakyat sa hagdan, pero pinigilan ko siya."Nagbibiro lang ako," sabi ko habang nakangisi. Sinamaan niya ako ng tingin bago kami sabay na lumabas papunta sa kotse ko. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat para sa kanya, at nang makaupo na siya, lumipat ako sa driver’s seat.Binuhay ko ang sasakyan at tumingin sa kanya."Ano?" nagtatakang tanong niya."Dahil nakalimutan mong gawin, ako na ang gaga
JeffersonDalawang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang insidente kay Xia, pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin siya. Ang lakas talaga ng loob niyang isipin na papayagan kong makipag-divorce si Celina sa’kin. Pero aaminin ko, may isang bagay siyang sinabi na nagpasaya sa’kin. Hindi raw talaga gusto ni Celina na umalis ako noon.Siguro nga, masyado lang siyang mahiyain kaya siya mismo ang lumabas sa kwarto namin. Putsa, ang tanga ko. Dapat kinausap ko siya bago ako umalis. Kung nagawa ko ‘yun, baka mas naging malinaw ang lahat.Naalala ko bigla ‘yung ginawa ni Celina sa restaurant. Dapat din akong magpasalamat kay Xia dahil kung hindi siya dumating nung araw na ‘yun, hindi ko malalaman na may ganung side si Celina.At dahil doon, nagdesisyon na ako, gagawin ko siyang akin nang buo at aalagaan ko siya. Ang masaklap lang, hinayaan kong lumipas ang tatlong taon nang hindi man lang siya tinawagan.Dapat pala ay ipinaramdam ko pa rin ang presence ko kahit na nasa ibang bansa ak
Third Person"Hindi ko alam na pupunta ka rito," ani Celina na tila walang pakialam habang bumalik si Jefferson sa kanyang upuan at hindi man lang pinansin si Xia."Alam kong sinabi kong okay lang na bumisita ka sa opisina ko, pero hindi ko inaasahang aaksyon ka agad," sabi ni Jefferson habang diretso ang titig kay Celina. Umupo ito sa upuan sa harap niya at saglit na lumingon kay Xia."Dinala ko lang ’to para sa’yo," sabi niya at inabot ang isang folder. Kinuha iyon ni Jefferson at binuksan."Kontrata?" tanong niya. Tumango si Celina."Pakitingnan mo muna sa abogado mo. Balak kong tanggapin ang alok, at sample contract lang ’yan," paliwanag niya. Tumango si Jefferson."Kumain ka na ba?" tanong ni Celina pagkatapos."Hindi pa. Gusto mo bang kumain kasama ako?" balik tanong ni Jefferson."Oo naman, pero sagot mo syempre," sagot niya sabay ngiti."Walang problema," anitong nakangisi at tumayo."Gusto mo bang sumama sa amin?" tanong ni Celina kay Xia, na kanina pa tahimik na nakatingin sa
Third PersonPagkarating ni Jefferson sa opisina, sinalubong siya ni Daria at inabot ang isang envelope na naglalaman ng report mula sa imbestigador na inutusan niyang alamin ang tungkol sa nagpadala ng lahat ng credentials ni Celina lalo na ang mula sa ampunan, na dapat sana’y pribado.“Kailan dumating ’to?” tanong niya habang tinatanggap ang inaabot ng kanyang assistant.“Ngayong umaga lang po Sir,” sagot ni Daria, at tumango siya bilang tugon. Binuksan ni Jefferson ang envelope at sinimulang basahin ang report. Kasabay nito, kinuha niya ang cellphone at tinignan ang listahan ng kanyang mga tawag.“Pakicontact si Nicko ulit. Pakisabi, pakisiyasat ang numerong ito.” Utos niya kay Daria bago siya tuluyang lumabas ng opisina. Habang naglalakad, patuloy niyang binasa ang lahat ng detalye tungkol kay Xia.May kaunting awa siyang naramdaman para sa babae, pero hindi iyon sapat na dahilan para patawarin ang ginagawa nito kay Celina ngayon. Para sa kanya, anuman ang pinagdaanan ni Xia ay wal
CelinaUnang beses ko yatang nagtagal sa pagligo. Ang dami niyang arte, at naiinip na ako dahil sobrang tagal niyang pumili ng isusuot ko. Samantalang siya, kumuha lang ng suit at tapos na agad."Ganito lang pala kadali para patahimikin ka?" may pilyong ngiti sa labi niyang tanong. Muli ba niya akong inaasar? Akala ba niya magpapatalo ako sa ginagawa niya? "Sige na, magngangawa ka na, gusto kitang patahimikin gamit ang bibig ko," dagdag niya, nakangisi pa rin.Napairap na lang ako at tinalikuran siya, sira na ang mood ko. Hindi ko alam kung paano niya ako napapakilig sa isang saglit, tapos sisirain niya rin ang moment sa susunod na segundo."Gutom na ako, gusto kong kumain," malamig kong sabi bago naglakad papunta sa pinto.Agad siyang sumabay sa akin, natatawa pa, kaya lalo akong nainis. "Dito lang naman ako sa bahay, bakit kailangan ko pang mag-ayos nang ganito?" tanong ko habang pababa kami ng hagdan.Bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako. Sinandal niya ang magkabilang kamay s
CelinaAno bang mali sa akin? Bakit hindi ko siya matanggihan tuwing hinahalikan at hinahawakan niya ako? Hindi ko maalala ang sarili kong ganito kalandi sa isang lalaki. Hindi ko maintindihan ang kung anong epekto meron siya sa akin, at nagsisimula na akong mag-alala para sa sarili ko at sa hinaharap ko.Hindi pa ako nagkagusto sa kahit sinong lalaki noon, at siya ang una ko sa lahat ng bagay.Pero hindi ko rin makalimutan ang narinig ko nang bumalik siya. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyon. Dahil sa nangyayari sa amin, hindi ko alam kung tuluyan ba niya akong hihiwalayan o hindi.At kung sakali… paano kung mabuntis ako? Paano kung pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin simula nang bumalik siya, bigla niya akong sabihang gusto niya ng divorce?Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Kailangan kong siguraduhin na mananatili siya sa tabi ko at hinding-hindi ko bibigyan ng pagkakataon ang babaeng ‘yon kung sino man siya na maagaw siya sa akin. Kung kailangan ko siyang akitin palagi, gaga
Mature ContentJefferson Hindi ko maintindihan kung bakit hindi makita ni Celina kung anong klaseng tao si Xia. Sobrang bulag na ba siya sa pagkakaibigan nila? Nang tawagan ko siya at malaman kong kasama niya ang babae ay hindi ko maiwasan ang mag-alala. Kaya sinabi kong i-text niya ako kung nasaan sila at anong oras sila matatapos. Nag-reply siya at sinabing ihahatid niya si Xia sa may bus stop, gaya ng nakasanayan niya. Kaya naman naghintay ako roon. Pagkaalis ng bus, pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa kanya. Hindi ko na kailangang sabihin na sumakay siya, alam na niya at umuwi kaming magkasama. Pagpasok sa kwarto, nauna siyang pumasok. Agad kong hinawakan ang kamay niya matapos kong isara ang pinto. Napatingin siya sa akin, halatang naguguluhan. "Ano ang sinabi kong dapat mong gawin kapag umuuwi ang asawa mo galing trabaho?" tanong ko nang diretso. "Eh… sabay naman tayong umuwi," sagot niya, parang clueless pa. "At hindi ‘yon excuse." Sinulyapan ko siya habang nakatayo lan
XiaSinigawan ko siya. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Sinumbatan dahil sa hindi niya tinupad ang kanyang pangako na dadalawin ako.Sinisi at sinabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong isigaw sa mundo. Pero pagkatapos, ikinuwento niya sa akin kung ano ang nangyari matapos siyang ma-ampon.Oo, maaaring hindi maganda ang naging trato sa kanya, pero nanatili pa rin siyang malinis. Hindi niya naranasan ang iba't ibang lalaking gumagamit sa kanya nang higit limang beses sa isang araw. Mas maganda pa rin ang buhay niya kumpara sa akin.Kahit na galit pa rin ako sa kanya, nagkunwari akong kaibigan pa rin niya at na naiintindihan ko siya. Tuwing may oras ako, nakikipagkita ako sa kanya, at ipinangako ko sa sarili kong dadalhin ko siya sa mga magulang ko para gawin siyang katulad ko.Siguradong maraming matatandang lalaki ang magbabayad para sa kanya. Pero hanggang ngayon na may asawa na siya, hindi ko siya nagawang dalhin. Lagi siyang abala sa kung ano mang bagay na hindi ko alam.Hi
XiaNapakaswerte ni Celina na napangasawa niya si Jefferson. Noong una ko itong nalaman mula sa kanya, agad akong nakaramdam ng inggit. Paano napapayag ni Mr. Scott na ipakasal ang anak niya sa kanya? Naalala ko tuloy ang mga araw namin sa ampunan.Madalas akong binu-bully ng ibang bata noon, at siya lang ang tumulong sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang dumating siya at ipinagtanggol ako. Kahit puro pasa siya pagkatapos, wala siyang pakialam. Sinabi niyang hindi niya ako iiwan, at totoo nga. Naniwala ako sa kanya dahil palagi siyang nasa tabi ko. Kailanman ay hindi niya ako iniwanan na mag-isa.Pero dahil sa ginawa niya, sumikat siya sa ampunan. Lalo pa siyang hinangaan ng mga lalaki dahil sa kagandahan niya, habang kinaiinggitan naman siya ng ibang babae, at kasama na ako.Palagi siyang may tiwala sa sarili kaya inakala kong matalino siya. Pero tuwing may klase kami, hindi niya alam ang sagot sa mga tanong, kaya naisip kong mas magaling ako sa kanya pagdating sa pag-aaral. Kahit