Revenge of the Century

Revenge of the Century

last updateLast Updated : 2023-04-08
By:   Joyang  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
44Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis

Rosie Fleur Bamford is a half human and half vampire that comes from a royal family. Bumalik siya sa Pilipinas upang maghiganti sa kanyang asawa na ngayong kinasal sa kaibigan nito noon at sa ina ng lalaki na mula’t sapul ay ayaw siya para sa kanyang anak. Gusto niyang iparamdam sa kanila ang sakit na binigay nila rito sa pamamagitan ng dati niyang asawa, kung saan gagamitin niya ang kanyang mga abilidad bilang bampira upang akitin ang kanyang asawa’t paikutin ang lahat para sa ganti na ibibigay niya sa kanila. Darating sa punto na hindi niya inaasahan na may mga darating na mga pangyayari na susubok sa kanyang lakas, sakit na mas magpapa-usbong ng galit nito para sa kanila. Magkakaroon ng isang bunga ang mga pangyayaring ito at sa huli’y kailangan niyang mamili at magdesisiyon para sa mga resulta na siya lang ang may hawak. “Revenge can heal the heart, but not the soul. It is a cycle that will not stop until a person end the cycle that should not have existed at the beginning, as it will get worse and can be passed from generation to generation.”

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

"Congratulations sa bagong kasal!" masayang sigaw ng isang babaeng matanda sa dalawang tao na dumating sa kanilang mesa. Magarbo ang reception at maraming dumalo sa pinakahihintay na kasal ng dalawang magkasintahan. Sa buong paligid, mapapansin na tanging mga mayayaman na tao lang ang pumupuno rito dahil sa mga mamahalin nilang suot isama na rin ang elegante nilang mga kilos. Maraming nag-uusap na mga business man sa gilid, habang ang mga kababaihan naman ay nagpapasikatan sa mga mamahalin nilang kasuotan at alahas. "Mom… masaya po ako dahil ngayon ganap ko nang masasabi na isa na akong Montreal. I am glad that you accept me without any hesitation towards your family," masayang sabi ni Kourtney, ang bagong asawa ni Claude na kanyang groom sa ngayon. Ngumiti si Mrs. Camilla sa naging sagot ng babae, ang ina ni Claude na nanggaling sa mayamang pamilya mula sa ibang bansa. Napangasawa niya ang ama ng lalaki sa pamamagitan ng arrange marriage na siya mismo an...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Fe mildred
Good read ! You must read to believe
2022-09-22 21:15:18
1
44 Chapters
Chapter 1
"Congratulations sa bagong kasal!" masayang sigaw ng isang babaeng matanda sa dalawang tao na dumating sa kanilang mesa. Magarbo ang reception at maraming dumalo sa pinakahihintay na kasal ng dalawang magkasintahan. Sa buong paligid, mapapansin na tanging mga mayayaman na tao lang ang pumupuno rito dahil sa mga mamahalin nilang suot isama na rin ang elegante nilang mga kilos. Maraming nag-uusap na mga business man sa gilid, habang ang mga kababaihan naman ay nagpapasikatan sa mga mamahalin nilang kasuotan at alahas. "Mom… masaya po ako dahil ngayon ganap ko nang masasabi na isa na akong Montreal. I am glad that you accept me without any hesitation towards your family," masayang sabi ni Kourtney, ang bagong asawa ni Claude na kanyang groom sa ngayon. Ngumiti si Mrs. Camilla sa naging sagot ng babae, ang ina ni Claude na nanggaling sa mayamang pamilya mula sa ibang bansa. Napangasawa niya ang ama ng lalaki sa pamamagitan ng arrange marriage na siya mismo an
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Chapter 1.2
Muling bumalik ang ngiti sa kanyang labi, tinignan niya pa sila Claude na ngayo'y may masamang tingin sa kanya bago nito sagutin ang katanungan. "Yes, I am Rosie Fleur Bamford, the first wife of Mr. Claude Vince Montreal." Gulat ang makikita sa mukha ng mga taong nakarinig nito at ang mga reporters na nakapalibot sa kanila'y mas rumami ngayong nalaman nila na hindi pala si Kourtney ang unang asawa ng lalaki. Magtatanong pa sana ang mga reporters kay Rosie nang mabilis itong pinigilan ng mga tauhan niya saka nagtuloy-tuloy na mawala sa paningin ng lahat. Iniwan naman ni Claude ang asawa nito na pilit pinapalibutan ng mga tauhan ng kanilang pamilya upang sundan si Rosie na papaalis na sa hotel. Mabilis ang naging takbo nito ngunit hindi naging madali para sa kanya na makaalis sa reception dahil sa rami ng mga reporters na sumusunod sa kanya. Kaya upang makaalis, sinenyasan niya ang ilan pa nilang tauhan upang pigilan sila kaya kinuha niya itong pagkakataon upan
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Chapter 2
NAPAKUNOT ang noo ni Kourtney nang makita ang marka ng lipstick sa leeg ni Claude habang inaalis nito ang kanyang damit. Matapos nang nangyari, napilitan nilang umuwi para lumayo sa mga reporters. Ang ina ni Claude ang nag-aasikaso ngayon ng lahat upang pagtakpan ang nangyari sa kasal habang silang dalawa'y dumiretso sa mansiyon upang magpalamig sa nangyari. Pinigilan ni Kourtney ang lalaki sa pag-alis niya ng kanyang polo. "Saan mo nakuha 'yan?" galit niyang tanong. Nagtaka si Claude sa naging tanong nito kaya naman hinila siya ng babae palapit sa full mirror sa kanilang kwarto. Kahit na parang hindi niya maintindihan ang pinupunto nito, tinignan niya ang repleksyon sa salamin at tinignan ang sinasabi niya. Gumuhit ang gulat sa mukha nito nang makita ang marka ng lipstick, bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari sa elevator at ilang beses na napamura sa isipan. Iwas tingin ang ginawa niya habang lumalayo kay Kourtney na may malaking suspetiya na
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Chapter 2.2
Tila hindi masyadong makapagsalita ang lalaki sa nakikita habang sinusundan ng tingin si Rosie na nakatitig mismo sa mata nito. Makikita sa paraan ng kanyang paglalakad ang kapangyarihan na taglay niya kahit na hindi gaano kagarbo ang kanyang suot. Ginawa niyang runway ang conference room sa mala-tubig nitong paglalakad. Isang simpleng dark blue suit, white polo na nakabukas ang buttones na sapat na upang makita ang kanyang collar bone, blacks slacks na hapit sa hita niya at black heels na hindi gaano kataas ngunit nagpapatangkad sa kanya. Nakalugay ang buhok nito na halatang kinulot upang maging wavy at ang kumumpleto ng kanyang suot ay ang wrist watch nito at diamond earrings na halatang mamahalin. "Nice to see you again, Mr. Montreal." Nilahad niya ang kamay niya sa nakatamemeng si Claude na hindi naalis ang tingin sa babae. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita kaya ganito na lang ang gulat niya habang nakatitig dito. Ang ilan sa mga kasa
last updateLast Updated : 2021-11-30
Read more
Chapter 3
PAG-UWI ni Claude sa mansiyon, dumiretso siya sa maid's quarter kung saan gulat na napaayos ang ilang nandoon dahil sa pagdating ng kanilang boss. "Nasaan napunta ang suit ko kagabi?" Nagtinginan ang mga katulong sa tanong nito hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita. "Nasa labahin na po sir Claude," nakayuko niyang sagot. "Kung hindi pa nalalabhan, ibigay niyo sa akin may naiwan ako roon na importante." Mula sa suot ng maid na nagsalita, nilabas niya ang isang card na nagpakuha ng atensyon ng lalaki rito. Nilahad niya ang card kay Claude. "Ito po ba ang hinahanap ninyo? Ito po kasi ang nakita ko sa loob bukod sa panyo po," magalang niyang sagot. Mabilis na kinuha ni Claude ang card at tinignan ang laman. Hindi naman siya nadismaya nang makita ang isang address na nakalagay sa loob na kusang nagpangiti sa kanya. "Salamat, maaari na kayong bumalik sa mga ginagawa niyo." Dere-deretso siyang umalis sa quarter kung
last updateLast Updated : 2021-11-30
Read more
Chapter 3.2
"Gagawa ba ako ng eksena sa kasal niyo kung hindi? Magpapakilala ba akong asawa mo kung ayaw ko na sa'yo? No, Claude and that's how much I love you thinking that in the last two years I got better just for you. I want you back, but we are both in a relationship. Kinuha ko lang ang pagkakataon na ito para makasama ka bago dumating ang boyfriend ko," mahaba nitong saad. Yumuko siya at binitawan ang hawak niyang utensils. Nang makita ni Claude na parang naiiyak ito, tumayo siya't nilapitan ang babaeng napaangat ang tingin. "To be honest, I don't know how I'll feel about it because it's so fast. Masyadong mabilis mula sa pagdating mo hanggang ngayong magkasama tayong dalawa. But..." sabi niya saka hinawakan ang baba nito. "I know I can't stop thinking about you since the day we kissed in the elevator. Until now I want to kiss you again 'until I can find the answer if I still love you too." "Love me, Claude. If you do, I'll make sure I'm all yours." Na
last updateLast Updated : 2021-11-30
Read more
Chapter 4
NAGISING si Claude sa loob ng isang kwarto na bukas ang bintana't malayang pumapasok ang hangin at ilaw na galing sa araw. Pumikit muna siya saglit bago umupo't libutin ng tingin ang buong silid.  Napahawak siya sa kanyang ulo, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. "Ano bang nangyari?"  Sa muli nitong pagpikit, parang flashback na bumalik sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. Ang tanging naalala lang nito ay ang huling sinabi ng babae na parang bumulong sa kanyang tainga.    "You don't have to do anything, ang gusto ko lang ay sa akin lang dapat ang buo mong atensyon. And if you realized that you still love me, I will be with you kahit na marami pang pumigil. For now, I am your gift."  "Unwrap me, Claude. Unwrap your gift."    Kumunot ang noo nito dahil hanggang doon lang ang ala-ala na bumalik sa kanya, pinilit niya pang alalahanin ang iba ngunit hanggang doon lang na ipin
last updateLast Updated : 2021-11-30
Read more
Chapter 4.2
SA loob ng isang mamahaling restawran, sinalubong ng isang waiter ang mag-asawang Claude at Kourtney. Ginayak niya ito sa pina-reserve nilang mesa para sa kanilang dalawa.  Makikitang wala masyadong mga tao sa loob lalo na't tanging mga mayayaman na tao lamang ang pumupunta rito. Mga taong kayang bayaran ang napakamahal na pagkain na binibili ng mga taong katulad nila Claude.  Sa pag-upo nila, agad silang inasikaso ng ilan pang mga waiter kung saan may nilapag na bouquet ang isa sa harap ni Kourtney. Isa itong palunpon ng blue roses na paborito ng babae.  "Hindi mo talaga kinalimutan, thank you," masayang pasasalamat ni Kourtney kay Claude na inamoy pa ang magandang bulaklak.  Humawak ang lalaki sa kamay nito na nakalapag sa mesa. "Syempre naman, hindi ko kayang kalimutan ang pagkagusto mo sa bulaklak na 'yan. So... anong gusto mong kainin?"  Binaba ng babae ang bulaklak sa gilid saka bumitaw muna sa pagkakahawak sa ka
last updateLast Updated : 2021-11-30
Read more
Chapter 5
SA loob ng opisina ng kumpanya ni Claude, nakaupo ito habang nakaharap sa kanyang computer. Kahit na maraming gagawin at tambak 'to ng gawain, hindi niya magawang magpatuloy dahil sa malalim nitong iniisip. Kahit saan siya tumingin, tanging mukha ni Rosie ang kanyang nakikita. Hindi siya makapakali kung ano ba ang dapat niyang gawing kilos. Matapos nang nangyari na pag-iwas nito sa kanya sa loob ng restawran, hindi na siya makapakali't gustong puntahan ang dalaga. Naging kalaban nito ang sarili na naging dahilan upang mawala ang atensyon niya sa trabaho. Mahabang buntong hininga ang kanyang iniwan bago ibaba ang hawak nitong papeles at tumayo upang umalis. Pinatay niya rin muna ang computer saka kinuha ang suit nitong black sa upuan, bago nagtuloy na lumabas ng opisina. 'Pupunta na lang ako sa bar.' Sinalubong pa siya ng sekretarya nito sa kanyang paglabas, ngunit sinabihan ni Claude ang sekretarya na kapag may nagtanong k
last updateLast Updated : 2021-12-06
Read more
Chapter 5.2
Tinabig ni Nicklaus ang kamay niyang nasa balikat pa rin nito't nilingon si Rosie na sinenyasan ito gamit ng kanyang mata. Nakuha ng lalaki ang ibig sabihin ng senyas na 'yon.  Sa muling pagharap niya sa lalaki, nagsimulang maging pula ang mata nito't ngisihan ang lalaking naalis ang ngisi sa labi. "Hindi naman namin kailangan ng sagot niyo sa ngayon," mahinang saad ni Nicklaus. Gamit ng matutulis nitong kuko, binaon niya ito sa leeg ng lalaking hindi agad nakalayo sa mabilis na kilos ni Nicklaus. Naalarma ang kasamahan nito't susugurin sana ang lalaki ng isang kisap matang harangan ni Rosie ang tatlo. Kinuha niya ang kanina niya pang hawak sa kanyang bulsa't hinarap sa mga 'to. Isa itong silver crucifix necklace na may basbas galing sa simbahan, na tanging ang katulad ni Rosie na kalahating bampira ang makakahawak ng hindi siya nasasaktan. Winasiwas niya ang kwintas na nagpaurong sa mga 'to. "Hindi namin kailangan ng panibago
last updateLast Updated : 2021-12-06
Read more
DMCA.com Protection Status