Muling bumalik ang ngiti sa kanyang labi, tinignan niya pa sila Claude na ngayo'y may masamang tingin sa kanya bago nito sagutin ang katanungan. "Yes, I am Rosie Fleur Bamford, the first wife of Mr. Claude Vince Montreal."
Gulat ang makikita sa mukha ng mga taong nakarinig nito at ang mga reporters na nakapalibot sa kanila'y mas rumami ngayong nalaman nila na hindi pala si Kourtney ang unang asawa ng lalaki. Magtatanong pa sana ang mga reporters kay Rosie nang mabilis itong pinigilan ng mga tauhan niya saka nagtuloy-tuloy na mawala sa paningin ng lahat.Iniwan naman ni Claude ang asawa nito na pilit pinapalibutan ng mga tauhan ng kanilang pamilya upang sundan si Rosie na papaalis na sa hotel. Mabilis ang naging takbo nito ngunit hindi naging madali para sa kanya na makaalis sa reception dahil sa rami ng mga reporters na sumusunod sa kanya. Kaya upang makaalis, sinenyasan niya ang ilan pa nilang tauhan upang pigilan sila kaya kinuha niya itong pagkakataon upang makawala sa mga ito.Paglabas niya ng reception, mangilan-ngilan ang mga taong nakatingin sa kanya na hindi na nito pinansin. Luminga siya sa paligid at pilit na hinanap ng kanyang mata ang bulto ng babae. Hindi naman siya nabigo nang makita nitong naglalakad na siya papunta sa elevator kasama ang ilang mga lalaking nagbabantay sa kanya.Walang pag-iisip siyang tumakbo papunta rito kung saan mabilis siyang pinigilan ng mga nakabantay sa babae. Inosenteng tingin ang pinukol ni Rosie sa kanya na sinenyasan ang mga tauhan nitong hayaan siyang makalapit sa kanya."Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" natatawa niyang tanong. Hindi naman sumagot si Claude sa tanong nito, bagkus pagbukas ng elevator hinila niya papasok sa loob si Rosie na mukhang inaasahang 'yun ang gagawin ng lalaki. Walang palag ang mga tauhan nito nang muling pigilan sila ng babae na sumunod sa loob na mabilis na nagsara.Tumakbo ang mga ito sa katabing elevator para sundan sila na deretso lang sa pagbaba sa pinakamataas na floor ng hotel.Mahigpit na hawak ang ginawa ni Claude sa kamay nito habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan ang dati niyang asawa. Lamang ang galit na nararamdaman nito sa ginawa ng babae ngunit parang bulang naalis nang mapukaw muli ang atensyon niya sa taglay na kagandahan ng babae. Kumislap ang isa niyang mata na ipinagtaka kaunti nito ngunit agad ding naalis sa kanyang isipan na parang bula.Sa pagluwang ng pagkakahawak ni Claude sa kamay niya, kinuhang tiyansa ito ni Rosie para bawiin ang kamay bago ilagay ang buhok sa kanyang likuran. Napangisi siya sa isipan nang makitang napalunok kaunti ang lalaki sa ginawa nito kaya naman lumapit siya sa mga button ng elevator at may pinindot doon na nagpahinto sa pagtakbo nito."It's been a while darling, hindi mo man lang ba ako na-miss?" nang-aakit niyang tanong sa lalaki. Pagkaharap niya rito, hinawakan niya ang baba ni Claude para paglapitin ang mukha nilang dalawa. Dinaan niya pa ang isa niyang daliri sa labi nito kaya ganun na lang na mas napalunok ang lalaki sa ginagawa nito sa kanya.Marahang kinagat ni Rosie ang pang-ibaba niyang labi. "Uulitin ko ang tanong ko, na-miss mo ba ako?"Kusang tumango ang ulo ng lalaki na para bang naging sunod sunuran sa mga ginagawa ni Rosie at kahit sinasabi ng utak niyang lumayo, hindi niya magawa dahil sa ayos at pustura nito ngayon na kahit na sinong lalaki'y hindi kayang iwasan.Isang h***k sa gilid ng labi ang iniwan ni Rosie na naging dahilan upang hindi na mapigilan pa ni Claude ang sarili't bigla na lang itong siniil ng h***k. Pinulupot naman agad ng babae ang kamay nito sa kanya nang isandal siya nito sa gilid habang tinutugon ang bawat h***k sa kanya nito.Para ba siyang tuluyang nawala sa tamang pag-iisip at saglitang kinalimutan ang nangyari sa kasal nila ni Kourtney at hinah***kan ang babaeng sumira ng gabi nilang dalawa. Tagumpay ang nasa isip ni Rosie sa naging reaksyon ng dati niyang asawa sa kanya na ang h***k nito ang naging patunay na hindi pa rin talaga ito nagbabago kahit lumipas na ang dalawang taon.Isang impit na ungol ang kumawala sa bibig ng babae na sinadya nito upang mas lalo pang akitin ang lalaking naging epektibo naman dahil mas lumalim pa ang h***k nilang dalawa. Hindi marahas at hindi rin marahan ang bawat h***k na pinagsasaluhan nilang dalawa, ngunit naging sapat na ito upang malasing si Claude sa nangyayari.Habol nilang dalawa ang kanilang hininga nang maputol ang kanilang halikan na si Rosie mismo ang pumutol sa pagtulak niya sa lalaki. Nakatitig lang si Claude sa kanya na puno ng pagnanasa at pagkasabik sa muli nilang pagkikita. Hindi niya lubos maisip na sa ganitong sitwasyon sila muling magkikita na kung saan ay makakaramdam siya ng kaunting saya kahit na sinira pa nito ang naging reception ng kasal nila ni Kourtney."Hindi ko alam na sobra mo akong na-miss, edi sana mas maaga akong bumalik," sabi ni Rosie. Inayos nito ang nagulong buhok ni Claude saka binalik ang tingin sa kanya. Pinadaan niya ang kanyang hintuturo sa d****b ng lalaki at huminto lamang nang magsalita ito."Kailan ka pa bumalik?" seryosong tanong niya kay Rosie na hindi naalis ang tingin sa mata nito.Mahina siyang tumawa. "Nung isang araw, masyadong boring sa States kaya naisipan kong bumalik para ibigay ang maganda kong regalo sa inyong mag-asawa," sagot niya.Sa sinabi nito, para bang natauhan si Claude at naalala na nasira nga pala ang halos perpektong kasal nila ni Kourtney dahil sa kagagawan niya. Napaatras siya't magagalit sana ngunit hinila ni Rosie ang necktie nito't iniwanan ng isang mabilis na h***k sa labi. Niyakap din nito ang isa niyang kamay sa kanyang balikat saka muling hinalikan, kung saan nag-iwan ng marka ang kanyang lipstick na sinadya niya upang ipakita kay Kourtney."I really hope you enjoyed my gift, darling. At kung ako sa'yo, pupunasan ko ang aking labi dahil ikaw rin baka makita pa ng bago mong asawa ang marka ng matamis mong h***k," nakangisi niyang saad bago itulak ang lalaki't muling lumapit sa mga button ng elevator.May pinindot siya ulit doon na nagpaandar sa elevator pababa. Si Claude naman ay mabilis na nilabas ang panyo nito sa suot niyang tuxedo para punasan ang kanyang labi. Habang ginagawa niya ito, inayos ni Rosie ang sarili na saktong natapos bago pa man bumukas ang elevator.Mula sa maliit niyang pouch na kanyang hawak-hawak, naglabas siya ng isang calling card at binulsa ito sa tuxedo ni Claude. "See you around, Claude 'till our next meeting."Kinindatan pa ni Rosie ang lalaki na nakatungangang pinapanood ang pag-alis nito sa loob ng elevator kung saan sinalubong naman ang babae ng mga ilan niyang tauhan. Hanggang sa muling pagsara ng pinto'y nakatitig lang si Claude dito at napaisip ng malalim.Napasuklay pa siya sa buhok nang maalala ang nangyari lalo na sa halikan nilang dalawa na hindi maalis sa kanyang isipan. Para bang nakatatak na ito sa kanya at hindi mapigilang isipin na gusto niyang maulit muli ang nangyari."D*mn!"NAPAKUNOT ang noo ni Kourtney nang makita ang marka ng lipstick sa leeg ni Claude habang inaalis nito ang kanyang damit. Matapos nang nangyari, napilitan nilang umuwi para lumayo sa mga reporters. Ang ina ni Claude ang nag-aasikaso ngayon ng lahat upang pagtakpan ang nangyari sa kasal habang silang dalawa'y dumiretso sa mansiyon upang magpalamig sa nangyari. Pinigilan ni Kourtney ang lalaki sa pag-alis niya ng kanyang polo. "Saan mo nakuha 'yan?" galit niyang tanong. Nagtaka si Claude sa naging tanong nito kaya naman hinila siya ng babae palapit sa full mirror sa kanilang kwarto. Kahit na parang hindi niya maintindihan ang pinupunto nito, tinignan niya ang repleksyon sa salamin at tinignan ang sinasabi niya. Gumuhit ang gulat sa mukha nito nang makita ang marka ng lipstick, bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari sa elevator at ilang beses na napamura sa isipan. Iwas tingin ang ginawa niya habang lumalayo kay Kourtney na may malaking suspetiya na
Tila hindi masyadong makapagsalita ang lalaki sa nakikita habang sinusundan ng tingin si Rosie na nakatitig mismo sa mata nito. Makikita sa paraan ng kanyang paglalakad ang kapangyarihan na taglay niya kahit na hindi gaano kagarbo ang kanyang suot. Ginawa niyang runway ang conference room sa mala-tubig nitong paglalakad. Isang simpleng dark blue suit, white polo na nakabukas ang buttones na sapat na upang makita ang kanyang collar bone, blacks slacks na hapit sa hita niya at black heels na hindi gaano kataas ngunit nagpapatangkad sa kanya. Nakalugay ang buhok nito na halatang kinulot upang maging wavy at ang kumumpleto ng kanyang suot ay ang wrist watch nito at diamond earrings na halatang mamahalin. "Nice to see you again, Mr. Montreal." Nilahad niya ang kamay niya sa nakatamemeng si Claude na hindi naalis ang tingin sa babae. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita kaya ganito na lang ang gulat niya habang nakatitig dito. Ang ilan sa mga kasa
PAG-UWI ni Claude sa mansiyon, dumiretso siya sa maid's quarter kung saan gulat na napaayos ang ilang nandoon dahil sa pagdating ng kanilang boss. "Nasaan napunta ang suit ko kagabi?" Nagtinginan ang mga katulong sa tanong nito hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita. "Nasa labahin na po sir Claude," nakayuko niyang sagot. "Kung hindi pa nalalabhan, ibigay niyo sa akin may naiwan ako roon na importante." Mula sa suot ng maid na nagsalita, nilabas niya ang isang card na nagpakuha ng atensyon ng lalaki rito. Nilahad niya ang card kay Claude. "Ito po ba ang hinahanap ninyo? Ito po kasi ang nakita ko sa loob bukod sa panyo po," magalang niyang sagot. Mabilis na kinuha ni Claude ang card at tinignan ang laman. Hindi naman siya nadismaya nang makita ang isang address na nakalagay sa loob na kusang nagpangiti sa kanya. "Salamat, maaari na kayong bumalik sa mga ginagawa niyo." Dere-deretso siyang umalis sa quarter kung
"Gagawa ba ako ng eksena sa kasal niyo kung hindi? Magpapakilala ba akong asawa mo kung ayaw ko na sa'yo? No, Claude and that's how much I love you thinking that in the last two years I got better just for you. I want you back, but we are both in a relationship. Kinuha ko lang ang pagkakataon na ito para makasama ka bago dumating ang boyfriend ko," mahaba nitong saad. Yumuko siya at binitawan ang hawak niyang utensils. Nang makita ni Claude na parang naiiyak ito, tumayo siya't nilapitan ang babaeng napaangat ang tingin. "To be honest, I don't know how I'll feel about it because it's so fast. Masyadong mabilis mula sa pagdating mo hanggang ngayong magkasama tayong dalawa. But..." sabi niya saka hinawakan ang baba nito. "I know I can't stop thinking about you since the day we kissed in the elevator. Until now I want to kiss you again 'until I can find the answer if I still love you too." "Love me, Claude. If you do, I'll make sure I'm all yours." Na
NAGISING si Claude sa loob ng isang kwarto na bukas ang bintana't malayang pumapasok ang hangin at ilaw na galing sa araw. Pumikit muna siya saglit bago umupo't libutin ng tingin ang buong silid. Napahawak siya sa kanyang ulo, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. "Ano bang nangyari?" Sa muli nitong pagpikit, parang flashback na bumalik sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. Ang tanging naalala lang nito ay ang huling sinabi ng babae na parang bumulong sa kanyang tainga. "You don't have to do anything, ang gusto ko lang ay sa akin lang dapat ang buo mong atensyon. And if you realized that you still love me, I will be with you kahit na marami pang pumigil. For now, I am your gift." "Unwrap me, Claude. Unwrap your gift." Kumunot ang noo nito dahil hanggang doon lang ang ala-ala na bumalik sa kanya, pinilit niya pang alalahanin ang iba ngunit hanggang doon lang na ipin
SA loob ng isang mamahaling restawran, sinalubong ng isang waiter ang mag-asawang Claude at Kourtney. Ginayak niya ito sa pina-reserve nilang mesa para sa kanilang dalawa. Makikitang wala masyadong mga tao sa loob lalo na't tanging mga mayayaman na tao lamang ang pumupunta rito. Mga taong kayang bayaran ang napakamahal na pagkain na binibili ng mga taong katulad nila Claude. Sa pag-upo nila, agad silang inasikaso ng ilan pang mga waiter kung saan may nilapag na bouquet ang isa sa harap ni Kourtney. Isa itong palunpon ng blue roses na paborito ng babae. "Hindi mo talaga kinalimutan, thank you," masayang pasasalamat ni Kourtney kay Claude na inamoy pa ang magandang bulaklak. Humawak ang lalaki sa kamay nito na nakalapag sa mesa. "Syempre naman, hindi ko kayang kalimutan ang pagkagusto mo sa bulaklak na 'yan. So... anong gusto mong kainin?" Binaba ng babae ang bulaklak sa gilid saka bumitaw muna sa pagkakahawak sa ka
SA loob ng opisina ng kumpanya ni Claude, nakaupo ito habang nakaharap sa kanyang computer. Kahit na maraming gagawin at tambak 'to ng gawain, hindi niya magawang magpatuloy dahil sa malalim nitong iniisip.Kahit saan siya tumingin, tanging mukha ni Rosie ang kanyang nakikita. Hindi siya makapakali kung ano ba ang dapat niyang gawing kilos. Matapos nang nangyari na pag-iwas nito sa kanya sa loob ng restawran, hindi na siya makapakali't gustong puntahan ang dalaga. Naging kalaban nito ang sarili na naging dahilan upang mawala ang atensyon niya sa trabaho.Mahabang buntong hininga ang kanyang iniwan bago ibaba ang hawak nitong papeles at tumayo upang umalis. Pinatay niya rin muna ang computer saka kinuha ang suit nitong black sa upuan, bago nagtuloy na lumabas ng opisina.'Pupunta na lang ako sa bar.'Sinalubong pa siya ng sekretarya nito sa kanyang paglabas, ngunit sinabihan ni Claude ang sekretarya na kapag may nagtanong k
Tinabig ni Nicklaus ang kamay niyang nasa balikat pa rin nito't nilingon si Rosie na sinenyasan ito gamit ng kanyang mata. Nakuha ng lalaki ang ibig sabihin ng senyas na 'yon. Sa muling pagharap niya sa lalaki, nagsimulang maging pula ang mata nito't ngisihan ang lalaking naalis ang ngisi sa labi."Hindi naman namin kailangan ng sagot niyo sa ngayon," mahinang saad ni Nicklaus.Gamit ng matutulis nitong kuko, binaon niya ito sa leeg ng lalaking hindi agad nakalayo sa mabilis na kilos ni Nicklaus. Naalarma ang kasamahan nito't susugurin sana ang lalaki ng isang kisap matang harangan ni Rosie ang tatlo.Kinuha niya ang kanina niya pang hawak sa kanyang bulsa't hinarap sa mga 'to. Isa itong silver crucifix necklace na may basbas galing sa simbahan, na tanging ang katulad ni Rosie na kalahating bampira ang makakahawak ng hindi siya nasasaktan. Winasiwas niya ang kwintas na nagpaurong sa mga 'to."Hindi namin kailangan ng panibago
Hinablot ni Rosie ang dulo ng lamesang nasa gilid niya kung saan nakalagay ang ilang vase. Ginamit niya itong pansangga kay Claude na patakbong lumapit sa kanya. Nang tumama ito sa lalaki, dumausdos siya sa ilalim ng mesa't malakas na sinipa ang lalaki sa likuran. Katulad kanina, tumalsik si Claude kasama ng mesa. Hindi agad naka-recover si Claude sa nangyari kaya naman dinampot ni Rosie ang frame kung saan nakatarak ang kutsilyo. Sa pagkakataong ito, pagkaalis niya ng patalim sa frame, tinapon niya ito sa direksyon ng lalaki. Tumusok ang dulo ng patalim sa likod ni Claude na nagpadaing sa kanya. Kitang kita pa ni Rosie ang pag-apoy ng kutsilyo sa likod nito kaya naman tumakbo ulit siya palapit sa lalaki't mas binaon pa ang patalim. Sinipa niya ang patalim sa likod ni Claude kaya naman mas bumaon pa ito sa kanya. Matapos non, agad siyang lumayo kung saan walang lingon niyang tinakbo ang daan patungo sa pinto. Nang hawakan ni Rosie ang door knob para sana buksan ito't makalabas, par
NAPAKO ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at pilit pa ring naguguluhan sa mga nangyayari. Ngunit kahit ganun, ramdam niya ang panganib lalo na sa mga binitawang salita ni Claude. Sa loob niya, alam niyang hindi nagloloko ang lalaki. Bago pa man makagawa ng sunod na hakbang si Claude, malakas siyang tinulak ni Rosie na naging dahilan ng paglayo nito. Kamuntikan pang tumama ang lalaki sa malaking mesa sa gitna, pero nagawa nitong pigilan ang impact na gawa ng pagtulak sa kanya ng dalaga. Mabilis na nilabas ni Rosie ang isang fixed blade na nakatago sa likod ng kanyang bewang, kasabay ng pagbagsak ng lalagyan nito sa sahig. Dahil na rin sa malaking coat na kanina pa suot ng babae, nagawa nitong itago ang kutsilyo na pinaghandaan ni Rosie. "What happened to you?" seryosong tanong ng dalaga't inayos ang pagkakahawak ng kutsilyo. Umayos ng tayo si Claude na mukhang hindi man lang nainis sa nangyari. Bagkus, nakaramdam siya ng excitement sa mga susunod pang mangyayari. Pinagpagan niya an
Sumingkit ang mata ni Rosie at nagtaka nang malamang may kausap si Claude. Hindi niya kasi maramdaman ang isa pang presensya sa loob kaya pilit niyang sinisilip ang nasa kabilang sofa. Ngunit dahil maliit lang ang siwang ng pinto, hindi niya magawa kaya tinuon niya lalo ang tingin sa lalaki. Isang ngisi ang sumilay kay Claude kasabay ng paglingon nito sa pinto. Naging mabilis naman ang paglayo rito ni Rosie kung saan nagtago ito sa kabilang kwarto. Tumakbo siya palapit sa malaking kurtina sa kwarto para magtago dahil sa mabilis nitong pagbukas. Nakiramdam din siya sa presensya ni Claude na nasa labas lamang at pinilit na hindi gumalaw. "Parang may narinig lang akong nagbukas dito." Rinig ni Rosie na nagpakunot ng kanyang noo. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito ni Claude, parang alam ng lalaki na nagtatago siya sa loob nito. Ilang segundo ang lumipas nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa likod ng kurtina bago mapagdesisyunan na lumabas sa kanyan
MALALIM na napaisip si Rosie nang dahil sa nangyari kanina sa opisina ni Claude. Hindi mawala sa isip niya ang kakaibang ngiti ng lalaki na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Alam niyang may mali, sadyang hindi lang siya sigurado kung ano. Nawala lang sa pag-iisip si Rosie sa katok ni Nicklaus sa bintana ng kotse nito. Kanina pa kasi ito nakauwi, sadyang nanatili lang siya sa loob ng kotse nito at nag-iisip. "May nangyari ba?" tanong ni Nicklaus pagkababa ni Rosie ng bintana ng kanyang kotse. Inalis ni Rosie ang kanyang seatbelt saka lumabas ng kotse nito. Ni-lock niya pa muna ito bago lapitan si Nicklaus na naghihintay ng sagot. "Wala. Ngayon ang alis mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Sabay silang naglakad papasok sa apartment kung saan si Nicklaus na mismo ang nagbukas ng pinto. Pagod namang dumiretso si Rosie sa sofa, umupo ito't tumitig sa kisame. Habang si Nicklaus, nanatiling nakatayo sa gilid ni Rosie at siya ay pinagmamasdan."Anong oras ang flight mo?" muling tanong
Maraming tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit iisa lang ang naiisip niyang puno't dulo ng gulo sa gate. Hindi man siya sigurado, pero alam niyang malaki ang posibilidad na tama ang nasa isip nito. Nang makabalik sila sa mansyon, pinatawag si Rosie kasama ang lola niya upang kausapin ito. Wala namang naging angal ang dalaga't tahimik itong nakatayo sa harap ng mga council na mataman siyang pinagmamasdan. "Alam naming may alam ka, Rosie. Kaya sabihin mo... sino sa tingin mo ang may kagagawan ng lahat ng ito?" seryosong tanong ng isang council na babae. "Orpheus clan," deretsang sagot ng dalaga na hindi man lang kumurap. Nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid. Maski ang lola ni Rosie ay natahimik at animo'y malalim na napaisip. Mahabang buntong hininga pa ang kumawala sa bibig ng pinakamataas na council bago siya tumango, bilang pagsang-ayon sa dalaga. "Wala nino man ang maaaring makasira ng Hell's gate kundi sila lamang. Naisip na rin namin 'yan. Lalo na't malaki nga ang tiya
UMANGAT ang tingin ng pinakamataas na council nang marinig ang kaguluhang nangyayari sa Hell's gate. Binaba pa nito ang hawak niyang wine glass saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan kung saan nagpupulong ang buong council. "Tingnan niyo kung anong nangyayari roon. Hihingi ako ng tulong sa royal blood vampires. Masyadong malakas ang mga nakakulong, kakailanganin natin sila." Kisap matang nawala ang pinakamataas na bampira sa gitna kasabay ng pagtayo ng mga council. Seryosong umalis ang mga ito kasama ang ilang bampira upang tumungo sa Hell's gate. Karamihan sa kanila ay mga council na isa sa may mga kakayahan para pigilan ang mga bampirang patuloy na tumatakas. Agad silang dumiretso sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang ilan nilang kotse. Sa paglisan ng ilang bampira, dumiretso ang pinakamataas na bampira sa isang kwarto. Sakto dahil nandoon ang lola ni Rosie na nakaupo sa itim na mahaba at malambot na sofa. Abala ito sa pag-inom nang mapatingin siya sa council na dumating.
Binitawan niya rin agad ang binalian nito ng ulo na bumagsak sa lupa at inalis ang suot niyang crucifix. Binato niya sa isa pang malapit sa kanila ang kwintas na tumama sa leeg ng bampira. Dumikit ito sa kanyang katawan na nagpatigil dito't nagsimulang umapoy ang leeg. Babalakin pa sana ng mga natirang lapitan ang mga ito nang bigla na lamang silang naglaho. Bumalik ang mga ito sa pagiging anino, kung saan ang mga napuruhan nilang kasama ay paunti-unting nagiging abo. Mabilis pang lumingon si Rosie sa kanyang kaliwa nang maramdaman ang malakas na presensya mula roon. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang suot ng taong nagtago roon dahil nakita nito ang simbolo ng Orpheus clan. Kasabay ng pagkawala ng mga aninong bampira, ang pagkawala rin ng bampirang nakita ni Rosie sa malaking puno. Luminga pa siya sa paligid para sana hanapin ang mga ito ngunit para silang bulang naglaho sa paligid. Naglakad na lamang palapit si Rosie kay Nicklaus. Inalalayan niya itong makatayo't walang salit
KATULAD ng napag-usapan ng dalawa kagabi, bumalik sila Rosie at Nicklaus sa abandonadong hotel. Kumpara kahapon na magmamadaling araw sila pumunta, napagdesisyunan ng dalawa na umaga sila bumalik para mas malinaw na makahanap ng kahit anong ebidensya na makapagtuturo sa pumatay kay Vignor. Hawak pa rin ng council ang katawan ng bampira. Kanilang sinisiguro na hindi kusang mawawala ang katawan nito hangga't hindi pa nila nahahanap ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Inatasan din ng council ang iba pang bampira upang maghanap ng impormasyon patungkol sa markang hindi nawawala sa leeg ni Vignor. "Dito. May nakita akong anino rito kaninang madaling araw." Turo ni Rosie sa basag na bintana. Lumapit si Nicklaus sa tinuturo ng dalaga. "Bakit hindi mo sinabi sa council?" Binaba ni Rosie ang kamay niyang pinangtuturo sa bintana. "Dahil gusto ko munang kumpirmahin kung tama ba ang aking nakita," sagot ng dalaga na mas lumapit pa sa bintana. Sumilip ito sa labas at inalala ang daang tinahak n
Naging palaisipan sa dalawa ang kinahinatnan nito kung saan pagkatingin ni Rosie sa may kanang parte ng leeg ni Vignor, isang pamilyar na marka ang kanyang nakita. Sinundan ni Nicklaus ang tinitignan ng dalaga't kumunot ang noo dahil sa nakita. Ang markang ito ay parang paso ng apoy na kulay itim. Pabilog ang apoy kung saan sa gitna ay isang bituin na may nakasulat na petsa ng kanyang pagkamatay. Nang hawakan ito ni Rosie, nakaramdam siya ng paso mula rito na agad na ikinalayo ng kanyang kamay sa marka. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nicklaus nang makitang may paso ang daliring pinanghawak ni Rosie."Ayos lang," sagot ng dalaga kahit mahapdi ang paso. Pinagmasdan nito ang katawan ng bampira at hinahanap ang kahit anong bakas para malaman kung paano ito namatay. Ngunit katulad ng pagkabigo nilang mahuli ito ng buhay, wala siyang nakita na naging isang malaking palaisipan para sa kanya. "Buhatin mo siya. Kailangan natin ang kanyang katawan." Utos ni Rosie na tumayo mula sa pa