Share

Chapter 3

Author: Joyang
last update Last Updated: 2021-11-30 17:31:29

PAG-UWI ni Claude sa mansiyon, dumiretso siya sa maid's quarter kung saan gulat na napaayos ang ilang nandoon dahil sa pagdating ng kanilang boss.

"Nasaan napunta ang suit ko kagabi?" Nagtinginan ang mga katulong sa tanong nito hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita.

"Nasa labahin na po sir Claude," nakayuko niyang sagot.

"Kung hindi pa nalalabhan, ibigay niyo sa akin may naiwan ako roon na importante." Mula sa suot ng maid na nagsalita, nilabas niya ang isang card na nagpakuha ng atensyon ng lalaki rito.

Nilahad niya ang card kay Claude. "Ito po ba ang hinahanap ninyo? Ito po kasi ang nakita ko sa loob bukod sa panyo po," magalang niyang sagot.

Mabilis na kinuha ni Claude ang card at tinignan ang laman. Hindi naman siya nadismaya nang makita ang isang address na nakalagay sa loob na kusang nagpangiti sa kanya.

"Salamat, maaari na kayong bumalik sa mga ginagawa niyo." Dere-deretso siyang umalis sa quarter kung saan ngingiti ngiti siyang naglalakad habang hawak ang card.

Sa pagdaan niya sa living room, nakasalubong niya si Kourtney kaya agad niyang binulsa ang hawak niyang card sa suot niyang gray suit.

"Akala ko ba mamayang gabi ka pa makakauwi? Ang aga mo naman ata ngayon," tanong nito paglapit niya sa asawa. Iniwanan naman siya ni Claude ng isang h***k sa pisngi para alisin ang atensyon nito sa kanyang tanong.

"May kinuha lang babalik din ako agad sa kumpanya, baka hindi na ako makapag-dinner dito mamaya dahil marami akong dapat asikasuhin."

"Ganun ba? Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban? Hindi na nga natuloy ang honeymoon natin at hindi mo rin ako pinapasok sa kumpanya tapos uunahin mo pa ang trabaho? Paano naman ako, Claude?" tampo nitong saad kaya niyakap siya nito bilang sagot.

"I'm sorry, babe babawi ako promise. This coming weekend doon natin ituloy ang naudlot na honeymoon, pinaayos ko na ang lahat kaya 'wag ka masyadong mag-alala. And about your job in the company, hindi naman mawawala ang posisyon mo as vice president. Hindi kita pinagtrabaho muna para makapagpahinga ka naman, you have done a lot to the company, so I want you to rest before returning," mahaba niyang sabi.

Humiwalay siya sa yakap kaya nagkaharap sila kung saan bumungad ang nakanguso pa ring bibig ni Kourtney.

"Fine, after ng work mo umuwi ka kaagad gusto kong pag-usapan ang tungkol sa babaeng 'yun," pagpapatungkol niyang sabi kay Rosie. Nginitian naman siya nito saka muling hinalikan sa labi.

"Okay, let's have a dinner date tomorrow sa ngayon kailangan ko ng umalis may naghihintay sa aking isang kliyente. Don't forget to eat, kapag masyadong gabi na 'wag mo na akong hintayin hmm?" Tinanguan naman siya nito kaya hinalikan niya pa uli ito bago tuloy-tuloy na umalis ng mansiyon.

TINIGNAN ni Rosie ang itsura niya sa salamin. Nakasuot ito ng itim na silk night dress na umaabot ang haba sa itaas ng kanyang tuhod. Hapit ito sa kanya kaya kita ang bawat kurba ng katawan niya na nagpadagdag ng alindog nito. Nakalugay rin ang buhok nito na may kaunting kulot habang ang tumatakip sa sleeveles dress niya ay isang manipis na robe na kapares ng kanyang suot.

Sinimplehan niya lang ang make-up na kanyang nilagay sa mukha ngunit angat ang pula nitong lipstick na kumumpleto ng kanyang kagandahan. Kinuha niya ang isang pabango na ini-spray niya sa kanya bago tumayo para salubungin si Claude na kakalabas lang ng elevator.

Ilang saglit pa, tumunog na ang doorbell ng apartment ni Rosie kaya naman dumiretso siya sa pinto para siya'y pagbuksan. Halos mahagip ni Claude ang hininga ng makita ang itsura ng babae na nginitian siya bilang pagsalubong.

"Akala ko hindi ka na dadating, pasok ka," sabi nito na gumilid pa sa pinto para siya'y makapasok. Tahimik na pumasok ang lalaki sa loob habang si Rosie ay sinara muna ang pinto bago nagpaunang dumiretso sa dining table.

Sa ibabaw nito, may bulaklak sa gitna na pinupuno ng mga pulang rosas. Ang chandelier na puno ng crystal na nasa gitna ang nagbigay ng romantic feel dahil sa dim light nito na nagpapailaw sa dining area. Kaya kahit hindi na sila magsindi ng kandila, sapat na ang ilaw na nanggagaling dito upang makumpleto ang lahat. May tumutugtog din na classical music na hindi gaano kalakas kaya mas relaxing ang paligid nilang dalawa.

Kahit na malawak at puno ng mamahaling bagay ang apartment ni Rosie, hindi nun nakuha ang atensyon ni Claude dahil nasa kanya lang ang buo nitong atensyon. Tumitindi lang ang init na nararamdaman nito sa katawan dahil sa itsura ng babae. Isabay pa ang halatang hinanda nito para sa kanilang dalawa.

"Naghanda ako ng paborito mong steak, umupo ka muna habang hinahanda ko." Parang batang sunod-sunuran si Claude na kahit sa pag-upo nito'y na sa babae ang kanyang atensyon. Bawat kilos na ginagawa nito'y pinapanood niya kaya upang maalis kahit papaano ang atensyon dito, nagsalin siya ng wine sa baso saka isahang ininom.

Ramdam ni Rosie ang bawat tingin na pinupukol ng lalaki sa kanya, kaya ginagawa niya ang lahat upang maakit ito sa kahit na anong paraan na kaya niyang gawin. Nang matapos niyang maihanda ang steak, dala niya ang plato nilang dalawa sa mesa. Nilapag nito ang isang plato sa harapan ni Claude kung saan sa kanyang pagyuko'y bumungad ang d****b nito na kanyang sinadya.

Napalunok doon si Claude, humigpit din ang hawak niya sa wine glass habang sinusundan muli ng tingin ang babae.

"Kumain ka na habang mainit pa ang pagkain," nakangiting sabi ni Rosie na umupo sa kabilang upuan na malapit lamang sa lalaki. Sinalinan niya ng wine ang baso nilang dalawa saka sumimsim doon bago simulang kainin ang steak.

"Pinirmahan mo na ba ang divorce papers?" tanong ni Rosie. Natigil sa paghiwa si Claude sa steak dahil sa tanong niyang 'yun ngunit muling nagpatuloy habang sinasagot ang kanyang tanong.

"Hindi, gusto mo bang pirmahan ko na?" balik niyang tanong. Umiling naman agad si Rosie saka hinarap sa bibig nito ang tinidor na may hiniwa niyang steak. Walang pag-aalinlangan itong sinubo ng lalaki.

"Masarap?" tanong ni Rosie na sinang-ayunan nito sa kanyang pagtango. Matamis na ngiti ang binigay nito bago ilayo ang tinidor na tinapat sa kanya.

"Ayokong pirmahan mo, pero bukas dadating na ang fiancè ko at paniguradong 'yun ang una niyang tatanungin." Pinilit ni Rosie na magtunog malungkot para kunin ang simpatiya ni Claude na napaisip ng malalim sa narinig.

Binaba niya ang hawak niyang tinidor at kutsilyo para mas titigan ng maigi si Rosie na casual lang na kumakain.

"Mahal mo pa rin ba talaga ako?" seryoso nitong tanong. Tinitigan niya sa mata ang lalaki, nilunok muna nito ang kinain bago ito sagutin.

Related chapters

  • Revenge of the Century   Chapter 3.2

    "Gagawa ba ako ng eksena sa kasal niyo kung hindi? Magpapakilala ba akong asawa mo kung ayaw ko na sa'yo? No, Claude and that's how much I love you thinking that in the last two years I got better just for you. I want you back, but we are both in a relationship. Kinuha ko lang ang pagkakataon na ito para makasama ka bago dumating ang boyfriend ko," mahaba nitong saad. Yumuko siya at binitawan ang hawak niyang utensils. Nang makita ni Claude na parang naiiyak ito, tumayo siya't nilapitan ang babaeng napaangat ang tingin. "To be honest, I don't know how I'll feel about it because it's so fast. Masyadong mabilis mula sa pagdating mo hanggang ngayong magkasama tayong dalawa. But..." sabi niya saka hinawakan ang baba nito. "I know I can't stop thinking about you since the day we kissed in the elevator. Until now I want to kiss you again 'until I can find the answer if I still love you too." "Love me, Claude. If you do, I'll make sure I'm all yours." Na

    Last Updated : 2021-11-30
  • Revenge of the Century   Chapter 4

    NAGISING si Claude sa loob ng isang kwarto na bukas ang bintana't malayang pumapasok ang hangin at ilaw na galing sa araw. Pumikit muna siya saglit bago umupo't libutin ng tingin ang buong silid. Napahawak siya sa kanyang ulo, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. "Ano bang nangyari?" Sa muli nitong pagpikit, parang flashback na bumalik sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. Ang tanging naalala lang nito ay ang huling sinabi ng babae na parang bumulong sa kanyang tainga. "You don't have to do anything, ang gusto ko lang ay sa akin lang dapat ang buo mong atensyon. And if you realized that you still love me, I will be with you kahit na marami pang pumigil. For now, I am your gift." "Unwrap me, Claude. Unwrap your gift." Kumunot ang noo nito dahil hanggang doon lang ang ala-ala na bumalik sa kanya, pinilit niya pang alalahanin ang iba ngunit hanggang doon lang na ipin

    Last Updated : 2021-11-30
  • Revenge of the Century   Chapter 4.2

    SA loob ng isang mamahaling restawran, sinalubong ng isang waiter ang mag-asawang Claude at Kourtney. Ginayak niya ito sa pina-reserve nilang mesa para sa kanilang dalawa. Makikitang wala masyadong mga tao sa loob lalo na't tanging mga mayayaman na tao lamang ang pumupunta rito. Mga taong kayang bayaran ang napakamahal na pagkain na binibili ng mga taong katulad nila Claude. Sa pag-upo nila, agad silang inasikaso ng ilan pang mga waiter kung saan may nilapag na bouquet ang isa sa harap ni Kourtney. Isa itong palunpon ng blue roses na paborito ng babae. "Hindi mo talaga kinalimutan, thank you," masayang pasasalamat ni Kourtney kay Claude na inamoy pa ang magandang bulaklak. Humawak ang lalaki sa kamay nito na nakalapag sa mesa. "Syempre naman, hindi ko kayang kalimutan ang pagkagusto mo sa bulaklak na 'yan. So... anong gusto mong kainin?" Binaba ng babae ang bulaklak sa gilid saka bumitaw muna sa pagkakahawak sa ka

    Last Updated : 2021-11-30
  • Revenge of the Century   Chapter 5

    SA loob ng opisina ng kumpanya ni Claude, nakaupo ito habang nakaharap sa kanyang computer. Kahit na maraming gagawin at tambak 'to ng gawain, hindi niya magawang magpatuloy dahil sa malalim nitong iniisip.Kahit saan siya tumingin, tanging mukha ni Rosie ang kanyang nakikita. Hindi siya makapakali kung ano ba ang dapat niyang gawing kilos. Matapos nang nangyari na pag-iwas nito sa kanya sa loob ng restawran, hindi na siya makapakali't gustong puntahan ang dalaga. Naging kalaban nito ang sarili na naging dahilan upang mawala ang atensyon niya sa trabaho.Mahabang buntong hininga ang kanyang iniwan bago ibaba ang hawak nitong papeles at tumayo upang umalis. Pinatay niya rin muna ang computer saka kinuha ang suit nitong black sa upuan, bago nagtuloy na lumabas ng opisina.'Pupunta na lang ako sa bar.'Sinalubong pa siya ng sekretarya nito sa kanyang paglabas, ngunit sinabihan ni Claude ang sekretarya na kapag may nagtanong k

    Last Updated : 2021-12-06
  • Revenge of the Century   Chapter 5.2

    Tinabig ni Nicklaus ang kamay niyang nasa balikat pa rin nito't nilingon si Rosie na sinenyasan ito gamit ng kanyang mata. Nakuha ng lalaki ang ibig sabihin ng senyas na 'yon. Sa muling pagharap niya sa lalaki, nagsimulang maging pula ang mata nito't ngisihan ang lalaking naalis ang ngisi sa labi."Hindi naman namin kailangan ng sagot niyo sa ngayon," mahinang saad ni Nicklaus.Gamit ng matutulis nitong kuko, binaon niya ito sa leeg ng lalaking hindi agad nakalayo sa mabilis na kilos ni Nicklaus. Naalarma ang kasamahan nito't susugurin sana ang lalaki ng isang kisap matang harangan ni Rosie ang tatlo.Kinuha niya ang kanina niya pang hawak sa kanyang bulsa't hinarap sa mga 'to. Isa itong silver crucifix necklace na may basbas galing sa simbahan, na tanging ang katulad ni Rosie na kalahating bampira ang makakahawak ng hindi siya nasasaktan. Winasiwas niya ang kwintas na nagpaurong sa mga 'to."Hindi namin kailangan ng panibago

    Last Updated : 2021-12-06
  • Revenge of the Century   Chapter 6

    "Hon... look, I'm sorry sadyang pagod lang ako sa trabaho," sabi ni Claude na pilit sinusuyo ang asawang pilit din siyang nilalayuan."Kourtney kausapin mo naman ako," muling pakiusap ng lalaki na lakad takbong sinundan ang asawa. Maagap niya pang hinawakan ang kamay nito na nagpahinto sa babaeng inis siyang hinarap."Sa tingin mo kakausapin kita matapos ng naging pagtrato mo sa akin? Hindi pa tayo ganun katagal na kinasal pero ang bilis mong magbago."Ramdam ni Claude ang kaunting inis sa aksyon nito ngunit hindi niya pinakita't hinapit sa bewang ang asawa. "I'm sorry, ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?"Tinabig ni Kourtney ang kamay sanang hahaplos sa pisngi nito. "Be honest at sabihan mo ako kung saan ka nagsusuot suot. Sinabi sa'kin ng sekretarya mong may meeting ka pero umuwi ka kagabi ng lasing. Kaya sabihin mo, totoo bang meeting ang pinuntahan mo kagabi't hindi iba?""Meeting ang pinuntaha

    Last Updated : 2021-12-13
  • Revenge of the Century   Chapter 6.2

    "All of what I said is true, Claude. From the beginning... all of what I said is true. I still love you but we both have a future family already. Masyado akong naging sakim at hindi man lang naisip ang mga taong masasaktan ko kapag nagpatuloy ako." Pinilit ni Rosie na umiyak kung saan agad na napawi ang inis ni Claude ng makita ang babaeng umiiyak."I-I'm sorry..." tanging nasabi ni Claude. Gamit ng isa niyang kamay, pinunasan nito ang kanyang luha. Kusa namang yumakap si Rosie sa kanya na malugod niyang niyakap pabalik."I love you Claude, pero hanggang dito na lang tayo."Mabilis na umiling ang lalaki. "No, Rosie. Hindi ako papayag."Humiwalay ng yakap si Rosie saka pinunasan ang luha nito. Tinulak niya pa ng mahina si Claude upang magkalayo silang dalawa."Claude, let's just go on our own ways. Let's end this habang maaga pa. Hindi ako katulad ng asawa mo na kayang umagaw ng may asawa na.""Pero paano n

    Last Updated : 2021-12-13
  • Revenge of the Century   Chapter 7

    Nakangiting umuwi si Claude dahil sa pag-aakalang buong araw niyang kasama si Rosie kahit na hindi naman. Binigyan ni Nicklaus ang lalaki ng isang ilusiyon nito sa panaginip saka naghintay bago ito gisingin sa loob ng kanyang sasakyan. Inasikaso rin niya si Kourtney na hinanap ang asawa ng bumalik ito sa mall.Katulad ng ginawa ni Nicklaus kay Claude, pinasok niya rin sa isang ilusiyon ang utak ni Kourtney, kung saan may importante siyang pinuntahan kaya hindi na niya nakita si Claude. Ginawa niya ito upang sumunod ang lahat sa kanilang plano."Claude," tawag ni Mrs. Camilla sa kanyang anak na nagpahinto rito sa pagpasok sa loob ng mansion."A pleasant evening, Mom," masayang bati nito na lumapit sa kanyang ina't iniwan ng halik sa kanyang kaliwang pisngi.Pagkahiwalay ng lalaki, hindi man lang nagbago ang seryosong ekpresiyon nito. Tinignan pa ng ginang ang lalaki sa mata dahil magmula noong matapos ang kasal, ngayon niya lang ito

    Last Updated : 2022-01-04

Latest chapter

  • Revenge of the Century   Chapter 22.2

    Hinablot ni Rosie ang dulo ng lamesang nasa gilid niya kung saan nakalagay ang ilang vase. Ginamit niya itong pansangga kay Claude na patakbong lumapit sa kanya. Nang tumama ito sa lalaki, dumausdos siya sa ilalim ng mesa't malakas na sinipa ang lalaki sa likuran. Katulad kanina, tumalsik si Claude kasama ng mesa. Hindi agad naka-recover si Claude sa nangyari kaya naman dinampot ni Rosie ang frame kung saan nakatarak ang kutsilyo. Sa pagkakataong ito, pagkaalis niya ng patalim sa frame, tinapon niya ito sa direksyon ng lalaki. Tumusok ang dulo ng patalim sa likod ni Claude na nagpadaing sa kanya. Kitang kita pa ni Rosie ang pag-apoy ng kutsilyo sa likod nito kaya naman tumakbo ulit siya palapit sa lalaki't mas binaon pa ang patalim. Sinipa niya ang patalim sa likod ni Claude kaya naman mas bumaon pa ito sa kanya. Matapos non, agad siyang lumayo kung saan walang lingon niyang tinakbo ang daan patungo sa pinto. Nang hawakan ni Rosie ang door knob para sana buksan ito't makalabas, par

  • Revenge of the Century   Chapter 22

    NAPAKO ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at pilit pa ring naguguluhan sa mga nangyayari. Ngunit kahit ganun, ramdam niya ang panganib lalo na sa mga binitawang salita ni Claude. Sa loob niya, alam niyang hindi nagloloko ang lalaki. Bago pa man makagawa ng sunod na hakbang si Claude, malakas siyang tinulak ni Rosie na naging dahilan ng paglayo nito. Kamuntikan pang tumama ang lalaki sa malaking mesa sa gitna, pero nagawa nitong pigilan ang impact na gawa ng pagtulak sa kanya ng dalaga. Mabilis na nilabas ni Rosie ang isang fixed blade na nakatago sa likod ng kanyang bewang, kasabay ng pagbagsak ng lalagyan nito sa sahig. Dahil na rin sa malaking coat na kanina pa suot ng babae, nagawa nitong itago ang kutsilyo na pinaghandaan ni Rosie. "What happened to you?" seryosong tanong ng dalaga't inayos ang pagkakahawak ng kutsilyo. Umayos ng tayo si Claude na mukhang hindi man lang nainis sa nangyari. Bagkus, nakaramdam siya ng excitement sa mga susunod pang mangyayari. Pinagpagan niya an

  • Revenge of the Century   Chapter 21.2

    Sumingkit ang mata ni Rosie at nagtaka nang malamang may kausap si Claude. Hindi niya kasi maramdaman ang isa pang presensya sa loob kaya pilit niyang sinisilip ang nasa kabilang sofa. Ngunit dahil maliit lang ang siwang ng pinto, hindi niya magawa kaya tinuon niya lalo ang tingin sa lalaki. Isang ngisi ang sumilay kay Claude kasabay ng paglingon nito sa pinto. Naging mabilis naman ang paglayo rito ni Rosie kung saan nagtago ito sa kabilang kwarto. Tumakbo siya palapit sa malaking kurtina sa kwarto para magtago dahil sa mabilis nitong pagbukas. Nakiramdam din siya sa presensya ni Claude na nasa labas lamang at pinilit na hindi gumalaw. "Parang may narinig lang akong nagbukas dito." Rinig ni Rosie na nagpakunot ng kanyang noo. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito ni Claude, parang alam ng lalaki na nagtatago siya sa loob nito. Ilang segundo ang lumipas nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa likod ng kurtina bago mapagdesisyunan na lumabas sa kanyan

  • Revenge of the Century   Chapter 21

    MALALIM na napaisip si Rosie nang dahil sa nangyari kanina sa opisina ni Claude. Hindi mawala sa isip niya ang kakaibang ngiti ng lalaki na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Alam niyang may mali, sadyang hindi lang siya sigurado kung ano. Nawala lang sa pag-iisip si Rosie sa katok ni Nicklaus sa bintana ng kotse nito. Kanina pa kasi ito nakauwi, sadyang nanatili lang siya sa loob ng kotse nito at nag-iisip. "May nangyari ba?" tanong ni Nicklaus pagkababa ni Rosie ng bintana ng kanyang kotse. Inalis ni Rosie ang kanyang seatbelt saka lumabas ng kotse nito. Ni-lock niya pa muna ito bago lapitan si Nicklaus na naghihintay ng sagot. "Wala. Ngayon ang alis mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Sabay silang naglakad papasok sa apartment kung saan si Nicklaus na mismo ang nagbukas ng pinto. Pagod namang dumiretso si Rosie sa sofa, umupo ito't tumitig sa kisame. Habang si Nicklaus, nanatiling nakatayo sa gilid ni Rosie at siya ay pinagmamasdan."Anong oras ang flight mo?" muling tanong

  • Revenge of the Century   Chapter 20.2

    Maraming tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit iisa lang ang naiisip niyang puno't dulo ng gulo sa gate. Hindi man siya sigurado, pero alam niyang malaki ang posibilidad na tama ang nasa isip nito. Nang makabalik sila sa mansyon, pinatawag si Rosie kasama ang lola niya upang kausapin ito. Wala namang naging angal ang dalaga't tahimik itong nakatayo sa harap ng mga council na mataman siyang pinagmamasdan. "Alam naming may alam ka, Rosie. Kaya sabihin mo... sino sa tingin mo ang may kagagawan ng lahat ng ito?" seryosong tanong ng isang council na babae. "Orpheus clan," deretsang sagot ng dalaga na hindi man lang kumurap. Nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid. Maski ang lola ni Rosie ay natahimik at animo'y malalim na napaisip. Mahabang buntong hininga pa ang kumawala sa bibig ng pinakamataas na council bago siya tumango, bilang pagsang-ayon sa dalaga. "Wala nino man ang maaaring makasira ng Hell's gate kundi sila lamang. Naisip na rin namin 'yan. Lalo na't malaki nga ang tiya

  • Revenge of the Century   Chapter 20

    UMANGAT ang tingin ng pinakamataas na council nang marinig ang kaguluhang nangyayari sa Hell's gate. Binaba pa nito ang hawak niyang wine glass saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan kung saan nagpupulong ang buong council. "Tingnan niyo kung anong nangyayari roon. Hihingi ako ng tulong sa royal blood vampires. Masyadong malakas ang mga nakakulong, kakailanganin natin sila." Kisap matang nawala ang pinakamataas na bampira sa gitna kasabay ng pagtayo ng mga council. Seryosong umalis ang mga ito kasama ang ilang bampira upang tumungo sa Hell's gate. Karamihan sa kanila ay mga council na isa sa may mga kakayahan para pigilan ang mga bampirang patuloy na tumatakas. Agad silang dumiretso sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang ilan nilang kotse. Sa paglisan ng ilang bampira, dumiretso ang pinakamataas na bampira sa isang kwarto. Sakto dahil nandoon ang lola ni Rosie na nakaupo sa itim na mahaba at malambot na sofa. Abala ito sa pag-inom nang mapatingin siya sa council na dumating.

  • Revenge of the Century   Chapter 19.2

    Binitawan niya rin agad ang binalian nito ng ulo na bumagsak sa lupa at inalis ang suot niyang crucifix. Binato niya sa isa pang malapit sa kanila ang kwintas na tumama sa leeg ng bampira. Dumikit ito sa kanyang katawan na nagpatigil dito't nagsimulang umapoy ang leeg. Babalakin pa sana ng mga natirang lapitan ang mga ito nang bigla na lamang silang naglaho. Bumalik ang mga ito sa pagiging anino, kung saan ang mga napuruhan nilang kasama ay paunti-unting nagiging abo. Mabilis pang lumingon si Rosie sa kanyang kaliwa nang maramdaman ang malakas na presensya mula roon. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang suot ng taong nagtago roon dahil nakita nito ang simbolo ng Orpheus clan. Kasabay ng pagkawala ng mga aninong bampira, ang pagkawala rin ng bampirang nakita ni Rosie sa malaking puno. Luminga pa siya sa paligid para sana hanapin ang mga ito ngunit para silang bulang naglaho sa paligid. Naglakad na lamang palapit si Rosie kay Nicklaus. Inalalayan niya itong makatayo't walang salit

  • Revenge of the Century   Chapter 19

    KATULAD ng napag-usapan ng dalawa kagabi, bumalik sila Rosie at Nicklaus sa abandonadong hotel. Kumpara kahapon na magmamadaling araw sila pumunta, napagdesisyunan ng dalawa na umaga sila bumalik para mas malinaw na makahanap ng kahit anong ebidensya na makapagtuturo sa pumatay kay Vignor. Hawak pa rin ng council ang katawan ng bampira. Kanilang sinisiguro na hindi kusang mawawala ang katawan nito hangga't hindi pa nila nahahanap ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Inatasan din ng council ang iba pang bampira upang maghanap ng impormasyon patungkol sa markang hindi nawawala sa leeg ni Vignor. "Dito. May nakita akong anino rito kaninang madaling araw." Turo ni Rosie sa basag na bintana. Lumapit si Nicklaus sa tinuturo ng dalaga. "Bakit hindi mo sinabi sa council?" Binaba ni Rosie ang kamay niyang pinangtuturo sa bintana. "Dahil gusto ko munang kumpirmahin kung tama ba ang aking nakita," sagot ng dalaga na mas lumapit pa sa bintana. Sumilip ito sa labas at inalala ang daang tinahak n

  • Revenge of the Century   Chapter 18.2

    Naging palaisipan sa dalawa ang kinahinatnan nito kung saan pagkatingin ni Rosie sa may kanang parte ng leeg ni Vignor, isang pamilyar na marka ang kanyang nakita. Sinundan ni Nicklaus ang tinitignan ng dalaga't kumunot ang noo dahil sa nakita. Ang markang ito ay parang paso ng apoy na kulay itim. Pabilog ang apoy kung saan sa gitna ay isang bituin na may nakasulat na petsa ng kanyang pagkamatay. Nang hawakan ito ni Rosie, nakaramdam siya ng paso mula rito na agad na ikinalayo ng kanyang kamay sa marka. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nicklaus nang makitang may paso ang daliring pinanghawak ni Rosie."Ayos lang," sagot ng dalaga kahit mahapdi ang paso. Pinagmasdan nito ang katawan ng bampira at hinahanap ang kahit anong bakas para malaman kung paano ito namatay. Ngunit katulad ng pagkabigo nilang mahuli ito ng buhay, wala siyang nakita na naging isang malaking palaisipan para sa kanya. "Buhatin mo siya. Kailangan natin ang kanyang katawan." Utos ni Rosie na tumayo mula sa pa

DMCA.com Protection Status