Share

Chapter 22.2

Author: Joyang
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hinablot ni Rosie ang dulo ng lamesang nasa gilid niya kung saan nakalagay ang ilang vase. Ginamit niya itong pansangga kay Claude na patakbong lumapit sa kanya. Nang tumama ito sa lalaki, dumausdos siya sa ilalim ng mesa't malakas na sinipa ang lalaki sa likuran. Katulad kanina, tumalsik si Claude kasama ng mesa.

Hindi agad naka-recover si Claude sa nangyari kaya naman dinampot ni Rosie ang frame kung saan nakatarak ang kutsilyo. Sa pagkakataong ito, pagkaalis niya ng patalim sa frame, tinapon niya ito sa direksyon ng lalaki. Tumusok ang dulo ng patalim sa likod ni Claude na nagpadaing sa kanya.

Kitang kita pa ni Rosie ang pag-apoy ng kutsilyo sa likod nito kaya naman tumakbo ulit siya palapit sa lalaki't mas binaon pa ang patalim. Sinipa niya ang patalim sa likod ni Claude kaya naman mas bumaon pa ito sa kanya. Matapos non, agad siyang lumayo kung saan walang lingon niyang tinakbo ang daan patungo sa pinto.

Nang hawakan ni Rosie ang door knob para sana buksan ito't makalabas, par
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Revenge of the Century   Chapter 1

    "Congratulations sa bagong kasal!" masayang sigaw ng isang babaeng matanda sa dalawang tao na dumating sa kanilang mesa. Magarbo ang reception at maraming dumalo sa pinakahihintay na kasal ng dalawang magkasintahan. Sa buong paligid, mapapansin na tanging mga mayayaman na tao lang ang pumupuno rito dahil sa mga mamahalin nilang suot isama na rin ang elegante nilang mga kilos. Maraming nag-uusap na mga business man sa gilid, habang ang mga kababaihan naman ay nagpapasikatan sa mga mamahalin nilang kasuotan at alahas. "Mom… masaya po ako dahil ngayon ganap ko nang masasabi na isa na akong Montreal. I am glad that you accept me without any hesitation towards your family," masayang sabi ni Kourtney, ang bagong asawa ni Claude na kanyang groom sa ngayon. Ngumiti si Mrs. Camilla sa naging sagot ng babae, ang ina ni Claude na nanggaling sa mayamang pamilya mula sa ibang bansa. Napangasawa niya ang ama ng lalaki sa pamamagitan ng arrange marriage na siya mismo an

  • Revenge of the Century   Chapter 1.2

    Muling bumalik ang ngiti sa kanyang labi, tinignan niya pa sila Claude na ngayo'y may masamang tingin sa kanya bago nito sagutin ang katanungan. "Yes, I am Rosie Fleur Bamford, the first wife of Mr. Claude Vince Montreal." Gulat ang makikita sa mukha ng mga taong nakarinig nito at ang mga reporters na nakapalibot sa kanila'y mas rumami ngayong nalaman nila na hindi pala si Kourtney ang unang asawa ng lalaki. Magtatanong pa sana ang mga reporters kay Rosie nang mabilis itong pinigilan ng mga tauhan niya saka nagtuloy-tuloy na mawala sa paningin ng lahat. Iniwan naman ni Claude ang asawa nito na pilit pinapalibutan ng mga tauhan ng kanilang pamilya upang sundan si Rosie na papaalis na sa hotel. Mabilis ang naging takbo nito ngunit hindi naging madali para sa kanya na makaalis sa reception dahil sa rami ng mga reporters na sumusunod sa kanya. Kaya upang makaalis, sinenyasan niya ang ilan pa nilang tauhan upang pigilan sila kaya kinuha niya itong pagkakataon upan

  • Revenge of the Century   Chapter 2

    NAPAKUNOT ang noo ni Kourtney nang makita ang marka ng lipstick sa leeg ni Claude habang inaalis nito ang kanyang damit. Matapos nang nangyari, napilitan nilang umuwi para lumayo sa mga reporters. Ang ina ni Claude ang nag-aasikaso ngayon ng lahat upang pagtakpan ang nangyari sa kasal habang silang dalawa'y dumiretso sa mansiyon upang magpalamig sa nangyari. Pinigilan ni Kourtney ang lalaki sa pag-alis niya ng kanyang polo. "Saan mo nakuha 'yan?" galit niyang tanong. Nagtaka si Claude sa naging tanong nito kaya naman hinila siya ng babae palapit sa full mirror sa kanilang kwarto. Kahit na parang hindi niya maintindihan ang pinupunto nito, tinignan niya ang repleksyon sa salamin at tinignan ang sinasabi niya. Gumuhit ang gulat sa mukha nito nang makita ang marka ng lipstick, bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari sa elevator at ilang beses na napamura sa isipan. Iwas tingin ang ginawa niya habang lumalayo kay Kourtney na may malaking suspetiya na

  • Revenge of the Century   Chapter 2.2

    Tila hindi masyadong makapagsalita ang lalaki sa nakikita habang sinusundan ng tingin si Rosie na nakatitig mismo sa mata nito. Makikita sa paraan ng kanyang paglalakad ang kapangyarihan na taglay niya kahit na hindi gaano kagarbo ang kanyang suot. Ginawa niyang runway ang conference room sa mala-tubig nitong paglalakad. Isang simpleng dark blue suit, white polo na nakabukas ang buttones na sapat na upang makita ang kanyang collar bone, blacks slacks na hapit sa hita niya at black heels na hindi gaano kataas ngunit nagpapatangkad sa kanya. Nakalugay ang buhok nito na halatang kinulot upang maging wavy at ang kumumpleto ng kanyang suot ay ang wrist watch nito at diamond earrings na halatang mamahalin. "Nice to see you again, Mr. Montreal." Nilahad niya ang kamay niya sa nakatamemeng si Claude na hindi naalis ang tingin sa babae. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita kaya ganito na lang ang gulat niya habang nakatitig dito. Ang ilan sa mga kasa

  • Revenge of the Century   Chapter 3

    PAG-UWI ni Claude sa mansiyon, dumiretso siya sa maid's quarter kung saan gulat na napaayos ang ilang nandoon dahil sa pagdating ng kanilang boss. "Nasaan napunta ang suit ko kagabi?" Nagtinginan ang mga katulong sa tanong nito hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita. "Nasa labahin na po sir Claude," nakayuko niyang sagot. "Kung hindi pa nalalabhan, ibigay niyo sa akin may naiwan ako roon na importante." Mula sa suot ng maid na nagsalita, nilabas niya ang isang card na nagpakuha ng atensyon ng lalaki rito. Nilahad niya ang card kay Claude. "Ito po ba ang hinahanap ninyo? Ito po kasi ang nakita ko sa loob bukod sa panyo po," magalang niyang sagot. Mabilis na kinuha ni Claude ang card at tinignan ang laman. Hindi naman siya nadismaya nang makita ang isang address na nakalagay sa loob na kusang nagpangiti sa kanya. "Salamat, maaari na kayong bumalik sa mga ginagawa niyo." Dere-deretso siyang umalis sa quarter kung

  • Revenge of the Century   Chapter 3.2

    "Gagawa ba ako ng eksena sa kasal niyo kung hindi? Magpapakilala ba akong asawa mo kung ayaw ko na sa'yo? No, Claude and that's how much I love you thinking that in the last two years I got better just for you. I want you back, but we are both in a relationship. Kinuha ko lang ang pagkakataon na ito para makasama ka bago dumating ang boyfriend ko," mahaba nitong saad. Yumuko siya at binitawan ang hawak niyang utensils. Nang makita ni Claude na parang naiiyak ito, tumayo siya't nilapitan ang babaeng napaangat ang tingin. "To be honest, I don't know how I'll feel about it because it's so fast. Masyadong mabilis mula sa pagdating mo hanggang ngayong magkasama tayong dalawa. But..." sabi niya saka hinawakan ang baba nito. "I know I can't stop thinking about you since the day we kissed in the elevator. Until now I want to kiss you again 'until I can find the answer if I still love you too." "Love me, Claude. If you do, I'll make sure I'm all yours." Na

  • Revenge of the Century   Chapter 4

    NAGISING si Claude sa loob ng isang kwarto na bukas ang bintana't malayang pumapasok ang hangin at ilaw na galing sa araw. Pumikit muna siya saglit bago umupo't libutin ng tingin ang buong silid. Napahawak siya sa kanyang ulo, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. "Ano bang nangyari?" Sa muli nitong pagpikit, parang flashback na bumalik sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. Ang tanging naalala lang nito ay ang huling sinabi ng babae na parang bumulong sa kanyang tainga. "You don't have to do anything, ang gusto ko lang ay sa akin lang dapat ang buo mong atensyon. And if you realized that you still love me, I will be with you kahit na marami pang pumigil. For now, I am your gift." "Unwrap me, Claude. Unwrap your gift." Kumunot ang noo nito dahil hanggang doon lang ang ala-ala na bumalik sa kanya, pinilit niya pang alalahanin ang iba ngunit hanggang doon lang na ipin

  • Revenge of the Century   Chapter 4.2

    SA loob ng isang mamahaling restawran, sinalubong ng isang waiter ang mag-asawang Claude at Kourtney. Ginayak niya ito sa pina-reserve nilang mesa para sa kanilang dalawa. Makikitang wala masyadong mga tao sa loob lalo na't tanging mga mayayaman na tao lamang ang pumupunta rito. Mga taong kayang bayaran ang napakamahal na pagkain na binibili ng mga taong katulad nila Claude. Sa pag-upo nila, agad silang inasikaso ng ilan pang mga waiter kung saan may nilapag na bouquet ang isa sa harap ni Kourtney. Isa itong palunpon ng blue roses na paborito ng babae. "Hindi mo talaga kinalimutan, thank you," masayang pasasalamat ni Kourtney kay Claude na inamoy pa ang magandang bulaklak. Humawak ang lalaki sa kamay nito na nakalapag sa mesa. "Syempre naman, hindi ko kayang kalimutan ang pagkagusto mo sa bulaklak na 'yan. So... anong gusto mong kainin?" Binaba ng babae ang bulaklak sa gilid saka bumitaw muna sa pagkakahawak sa ka

Latest chapter

  • Revenge of the Century   Chapter 22.2

    Hinablot ni Rosie ang dulo ng lamesang nasa gilid niya kung saan nakalagay ang ilang vase. Ginamit niya itong pansangga kay Claude na patakbong lumapit sa kanya. Nang tumama ito sa lalaki, dumausdos siya sa ilalim ng mesa't malakas na sinipa ang lalaki sa likuran. Katulad kanina, tumalsik si Claude kasama ng mesa. Hindi agad naka-recover si Claude sa nangyari kaya naman dinampot ni Rosie ang frame kung saan nakatarak ang kutsilyo. Sa pagkakataong ito, pagkaalis niya ng patalim sa frame, tinapon niya ito sa direksyon ng lalaki. Tumusok ang dulo ng patalim sa likod ni Claude na nagpadaing sa kanya. Kitang kita pa ni Rosie ang pag-apoy ng kutsilyo sa likod nito kaya naman tumakbo ulit siya palapit sa lalaki't mas binaon pa ang patalim. Sinipa niya ang patalim sa likod ni Claude kaya naman mas bumaon pa ito sa kanya. Matapos non, agad siyang lumayo kung saan walang lingon niyang tinakbo ang daan patungo sa pinto. Nang hawakan ni Rosie ang door knob para sana buksan ito't makalabas, par

  • Revenge of the Century   Chapter 22

    NAPAKO ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at pilit pa ring naguguluhan sa mga nangyayari. Ngunit kahit ganun, ramdam niya ang panganib lalo na sa mga binitawang salita ni Claude. Sa loob niya, alam niyang hindi nagloloko ang lalaki. Bago pa man makagawa ng sunod na hakbang si Claude, malakas siyang tinulak ni Rosie na naging dahilan ng paglayo nito. Kamuntikan pang tumama ang lalaki sa malaking mesa sa gitna, pero nagawa nitong pigilan ang impact na gawa ng pagtulak sa kanya ng dalaga. Mabilis na nilabas ni Rosie ang isang fixed blade na nakatago sa likod ng kanyang bewang, kasabay ng pagbagsak ng lalagyan nito sa sahig. Dahil na rin sa malaking coat na kanina pa suot ng babae, nagawa nitong itago ang kutsilyo na pinaghandaan ni Rosie. "What happened to you?" seryosong tanong ng dalaga't inayos ang pagkakahawak ng kutsilyo. Umayos ng tayo si Claude na mukhang hindi man lang nainis sa nangyari. Bagkus, nakaramdam siya ng excitement sa mga susunod pang mangyayari. Pinagpagan niya an

  • Revenge of the Century   Chapter 21.2

    Sumingkit ang mata ni Rosie at nagtaka nang malamang may kausap si Claude. Hindi niya kasi maramdaman ang isa pang presensya sa loob kaya pilit niyang sinisilip ang nasa kabilang sofa. Ngunit dahil maliit lang ang siwang ng pinto, hindi niya magawa kaya tinuon niya lalo ang tingin sa lalaki. Isang ngisi ang sumilay kay Claude kasabay ng paglingon nito sa pinto. Naging mabilis naman ang paglayo rito ni Rosie kung saan nagtago ito sa kabilang kwarto. Tumakbo siya palapit sa malaking kurtina sa kwarto para magtago dahil sa mabilis nitong pagbukas. Nakiramdam din siya sa presensya ni Claude na nasa labas lamang at pinilit na hindi gumalaw. "Parang may narinig lang akong nagbukas dito." Rinig ni Rosie na nagpakunot ng kanyang noo. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito ni Claude, parang alam ng lalaki na nagtatago siya sa loob nito. Ilang segundo ang lumipas nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa likod ng kurtina bago mapagdesisyunan na lumabas sa kanyan

  • Revenge of the Century   Chapter 21

    MALALIM na napaisip si Rosie nang dahil sa nangyari kanina sa opisina ni Claude. Hindi mawala sa isip niya ang kakaibang ngiti ng lalaki na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Alam niyang may mali, sadyang hindi lang siya sigurado kung ano. Nawala lang sa pag-iisip si Rosie sa katok ni Nicklaus sa bintana ng kotse nito. Kanina pa kasi ito nakauwi, sadyang nanatili lang siya sa loob ng kotse nito at nag-iisip. "May nangyari ba?" tanong ni Nicklaus pagkababa ni Rosie ng bintana ng kanyang kotse. Inalis ni Rosie ang kanyang seatbelt saka lumabas ng kotse nito. Ni-lock niya pa muna ito bago lapitan si Nicklaus na naghihintay ng sagot. "Wala. Ngayon ang alis mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Sabay silang naglakad papasok sa apartment kung saan si Nicklaus na mismo ang nagbukas ng pinto. Pagod namang dumiretso si Rosie sa sofa, umupo ito't tumitig sa kisame. Habang si Nicklaus, nanatiling nakatayo sa gilid ni Rosie at siya ay pinagmamasdan."Anong oras ang flight mo?" muling tanong

  • Revenge of the Century   Chapter 20.2

    Maraming tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit iisa lang ang naiisip niyang puno't dulo ng gulo sa gate. Hindi man siya sigurado, pero alam niyang malaki ang posibilidad na tama ang nasa isip nito. Nang makabalik sila sa mansyon, pinatawag si Rosie kasama ang lola niya upang kausapin ito. Wala namang naging angal ang dalaga't tahimik itong nakatayo sa harap ng mga council na mataman siyang pinagmamasdan. "Alam naming may alam ka, Rosie. Kaya sabihin mo... sino sa tingin mo ang may kagagawan ng lahat ng ito?" seryosong tanong ng isang council na babae. "Orpheus clan," deretsang sagot ng dalaga na hindi man lang kumurap. Nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid. Maski ang lola ni Rosie ay natahimik at animo'y malalim na napaisip. Mahabang buntong hininga pa ang kumawala sa bibig ng pinakamataas na council bago siya tumango, bilang pagsang-ayon sa dalaga. "Wala nino man ang maaaring makasira ng Hell's gate kundi sila lamang. Naisip na rin namin 'yan. Lalo na't malaki nga ang tiya

  • Revenge of the Century   Chapter 20

    UMANGAT ang tingin ng pinakamataas na council nang marinig ang kaguluhang nangyayari sa Hell's gate. Binaba pa nito ang hawak niyang wine glass saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan kung saan nagpupulong ang buong council. "Tingnan niyo kung anong nangyayari roon. Hihingi ako ng tulong sa royal blood vampires. Masyadong malakas ang mga nakakulong, kakailanganin natin sila." Kisap matang nawala ang pinakamataas na bampira sa gitna kasabay ng pagtayo ng mga council. Seryosong umalis ang mga ito kasama ang ilang bampira upang tumungo sa Hell's gate. Karamihan sa kanila ay mga council na isa sa may mga kakayahan para pigilan ang mga bampirang patuloy na tumatakas. Agad silang dumiretso sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang ilan nilang kotse. Sa paglisan ng ilang bampira, dumiretso ang pinakamataas na bampira sa isang kwarto. Sakto dahil nandoon ang lola ni Rosie na nakaupo sa itim na mahaba at malambot na sofa. Abala ito sa pag-inom nang mapatingin siya sa council na dumating.

  • Revenge of the Century   Chapter 19.2

    Binitawan niya rin agad ang binalian nito ng ulo na bumagsak sa lupa at inalis ang suot niyang crucifix. Binato niya sa isa pang malapit sa kanila ang kwintas na tumama sa leeg ng bampira. Dumikit ito sa kanyang katawan na nagpatigil dito't nagsimulang umapoy ang leeg. Babalakin pa sana ng mga natirang lapitan ang mga ito nang bigla na lamang silang naglaho. Bumalik ang mga ito sa pagiging anino, kung saan ang mga napuruhan nilang kasama ay paunti-unting nagiging abo. Mabilis pang lumingon si Rosie sa kanyang kaliwa nang maramdaman ang malakas na presensya mula roon. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang suot ng taong nagtago roon dahil nakita nito ang simbolo ng Orpheus clan. Kasabay ng pagkawala ng mga aninong bampira, ang pagkawala rin ng bampirang nakita ni Rosie sa malaking puno. Luminga pa siya sa paligid para sana hanapin ang mga ito ngunit para silang bulang naglaho sa paligid. Naglakad na lamang palapit si Rosie kay Nicklaus. Inalalayan niya itong makatayo't walang salit

  • Revenge of the Century   Chapter 19

    KATULAD ng napag-usapan ng dalawa kagabi, bumalik sila Rosie at Nicklaus sa abandonadong hotel. Kumpara kahapon na magmamadaling araw sila pumunta, napagdesisyunan ng dalawa na umaga sila bumalik para mas malinaw na makahanap ng kahit anong ebidensya na makapagtuturo sa pumatay kay Vignor. Hawak pa rin ng council ang katawan ng bampira. Kanilang sinisiguro na hindi kusang mawawala ang katawan nito hangga't hindi pa nila nahahanap ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Inatasan din ng council ang iba pang bampira upang maghanap ng impormasyon patungkol sa markang hindi nawawala sa leeg ni Vignor. "Dito. May nakita akong anino rito kaninang madaling araw." Turo ni Rosie sa basag na bintana. Lumapit si Nicklaus sa tinuturo ng dalaga. "Bakit hindi mo sinabi sa council?" Binaba ni Rosie ang kamay niyang pinangtuturo sa bintana. "Dahil gusto ko munang kumpirmahin kung tama ba ang aking nakita," sagot ng dalaga na mas lumapit pa sa bintana. Sumilip ito sa labas at inalala ang daang tinahak n

  • Revenge of the Century   Chapter 18.2

    Naging palaisipan sa dalawa ang kinahinatnan nito kung saan pagkatingin ni Rosie sa may kanang parte ng leeg ni Vignor, isang pamilyar na marka ang kanyang nakita. Sinundan ni Nicklaus ang tinitignan ng dalaga't kumunot ang noo dahil sa nakita. Ang markang ito ay parang paso ng apoy na kulay itim. Pabilog ang apoy kung saan sa gitna ay isang bituin na may nakasulat na petsa ng kanyang pagkamatay. Nang hawakan ito ni Rosie, nakaramdam siya ng paso mula rito na agad na ikinalayo ng kanyang kamay sa marka. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nicklaus nang makitang may paso ang daliring pinanghawak ni Rosie."Ayos lang," sagot ng dalaga kahit mahapdi ang paso. Pinagmasdan nito ang katawan ng bampira at hinahanap ang kahit anong bakas para malaman kung paano ito namatay. Ngunit katulad ng pagkabigo nilang mahuli ito ng buhay, wala siyang nakita na naging isang malaking palaisipan para sa kanya. "Buhatin mo siya. Kailangan natin ang kanyang katawan." Utos ni Rosie na tumayo mula sa pa

DMCA.com Protection Status