Nalaman ni Eloise De Vega na niloloko siya ng kanyang fiancee na si Atticus. Labis ang sakit na kanyang nararamdaman ng mga panahon na iyon kaya naman walang pag-aalinlangang ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa isang lalaking hindi niya kilala. Samantala, nakiusap naman ang kanyang kaibigan na si Brynne na akitin at paibigin niya ang lalaking nanloko dito. Naawa siya sa kanyang kaibigan kaya pumayag siya sa gusto nito. Maganda at sexy siya kaya impossibleng hindi mahuhulog sa bitag niya ang lalaki. Ngunit laking gulat niya nang malaman niyang ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan ay ang lalaking naka One night stand niya na si Elijah Montereal. Ang ama ng kanyang anak. Ngunit kailangan niyang tuparin ang naipangako niya sa kanyang kaibigan na iiwanan niya si Elijah sa mismong araw ng kanilang kasal. Paano kung sa muling pagkikita nilang dalawa ay hindi na siya maalala ng lalaki? May pag-asa pa kaya si Eloise sa puso ni Elijah gayong Ikakasal na ito sa kanyang kaibigan na si Brynne?
View MoreEloise's Point of View
"Thank you Mr. Adam for trusting our company." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa matanda habang inilahad sa kanya ang aking kamay.Mainit naman iyong tinanggap ni Mr. Adam. "Welcome Ms. De Vega, anyway , I have to go." Pagpapaalam nito.Masaya kong sinundan ng tingin ang pag-alis ni Mr. Adam. Nakahinga na rin ako nang maluwag. Isang proposal na naman ang napaapproved ko ngayon.Masama ang pakiramdam ng aking boss ngayon kaya ako ang ipinadala niya upang makipagkita kay Mr. Adam. Mabuti na lamang at hindi ako nahirapan na kumbinsihin ang matanda.Kalhating oras na ang nakalilipas ay nandito pa rin ako sa West Coast Luxury hotel. Weird pero parang ayaw pa ng aking mga paa na umalis dito.Naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura, hindi pa nga pala ako kumakain.Napagpasyahan kong maghanap ng restaurant sa loob ng hotel.Sakto naman na may isang VIP Restaurant akong nakita. Dumaan muna ako dito upang magdinner.Halos mga mayayaman ang kumakain doon. Hindi naman ako mayaman pero afford ko naman kumain sa mga sosyal na restaurant na katulad nito.May mga iilang magkasintahan din ang kumakain. Ang sweet nilang tingnan. Hindi ko maiwasan mainggit sa kanila.Naisip ko tuloy kung gaano na ba kami katagal na hindi lumalabas ni Atticus? Ilang araw na itong busy pati ang aming anniversary ay nakalimutan na.Limang taon na kaming magkasintahan ngunit hindi pa namin ulit napag-uusapan ang tungkol sa kasal namin.Hindi ko maiwasan na magtampo dito dahil hindi na niya ako maalala. Halos magduda na rin ako na baka may ibang babae na ito.Pinili kong pwesto ay malapit lang sa may pintuan ng restaurant kung saan matatanaw ko ang bawat pumapasok at lumalabas doon.Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kinukutuban. Marahil ay sa gutom lamang iyon. Hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman ko.Tinawag ko na ang waiter at lumapit naman agad ito sa akin.Masaya akong binati nito at magalang na itinanong ang aking order."Good evening ma'am.. Welcome to RMB restaurant! May I take your order?"Napasulyap ako sa waiter. Hindi makakailang gwapo ito lalo na nang ngumiti at lumabas ang mga dimple nito."One order of Lobster Pappardelle with Brown Butter Crumbs, please!and... ahmmm.. Sticky Toffee Date Pudding."Mabilis naman nitong isinulat ang kanyang order."Something to drink, ma'am?" Muling tanong ng waiter."A glass of wine."Habang naghihintay ako ng aking order hindi ko maiwasan tumingin sa pinutuan na para bang may inaasahang taong darating.'Sino bang hinihintay ko?' sa isip-isip ko.Pagkatapos ng labinlimang minuto ay dumating na rin ang order ko."Enjoy your meal ma'am!" Masayang saad ng waiter."Thank you!" Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko dito.In fairness, maganda ang kanilang customer service.Abala na ako sa pagkain kaya hindi ko na napapansin ang mga pumapasok sa restaurant na iyon.Narinig ko ang boses ng waiter sa kabilang table na kinukuha ang order ng bagong dating."Good evening sir and ma'am.. Welcome back to RMB Restaurant!"Magiliw na saad ng waiter dito, mukhang regular customer na nila ang mga iyon.Hindi naman akong nag-abalang tingnan ang nasa kabilang table dahil nakapwesto iyon sa bandang likuran ko.Tapos na akong kumain kaya kinuha ko ang wine at sinimsim ang laman niyon."Would you like something to start?" Tanong pa rin iyon ng waiter sa kabilang table."Can we’ve two sweet corn soups with some garlic bread and vegetable platter for starters?"Umalis na ang waiter upang kunin ang order ng babae.After 10 mins bumalik na ang waiter para i serve ang order ng mga ito. Sakto naman na tapos na ako.Nakita naman ng waiter na tumayo na ako kaya naman lumapit ito sa akin."Have you finished, ma'am?"Tumango lang ako dito sabay inabot ko na ang bill kasama na ang tip ko para sa kanya."Thank you ma'am!" Masayang saad ng waiter.Laking tuwa nito ng makitang malaking tip ang ibinigay ko sa kanya."You deserve it." Nakangiting kong saad dito."Excuse me.. waiter!" Tawag ng babaeng nasa kabilang table na ikinalingon naming dalawa.Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan. Ni hindi ako makagalaw ng maayos dahil unti-unting nanginig ang aking katawan.'Kalma ka lang self. Namamalikmata ka lang. Pikit ka muna, at hingang malalim. Hindi siya ang nobyo mo.' Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.Pumikit ako saglit, pagkaraa'y nagmulat din agad.Nakita kong lumapit ang waiter sa babae. Maganda ito at mestisa. Hindi makakailang mayaman ang babae dahil nakasisilaw ang suot nitong mga alahas.Naagaw ang atensyon ko sa nakaumbok na tiyan ng babae. Kung titingnan ay malapit na itong manganak dahil mababa na ang tiyan nito.Awang ang mga labi na napatitig ako sa babae at halos kapusin ako ng hininga nang tumingin ako sa lalaking kasama nito.Daig pa ni Atticus ang nakakita ng multo nang magtama ang aming mga mata. Kinakausap siya ng babaeng kasama niya ngunit hindi ito makapagsalita."Honey! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ng babae. Sinundan ng babae kung saan nakatingin si Atticus.Mukhang nagulat ang babae nang makita niya ako ngunit saglit lamang iyon."Who is she, honey?"Mukhang natauhan naman si Atticus nang kalabitin siya ng babae."I- I don't k-know honey."Mabilis naman nag-iwas ng tingin sa akin si Atticus.Kuyom ang mga palad kong tiningnan ito ng masama. Kaya pala iba ang kutob ko kanina. Malalaman ko palang niloloko ako gago kong nobyo."Are you sure honey? Then why she's starring at you like that?" Taas-kilay na tanong ng babae.Muling bumalik ang tingin sa akin ng magaling kong nobyo. Halos makiusap ang mga mata nito na huwag akong gumawa ng eskandalo doon.Halos magdilim naman ang paningin ko. Kung nakakapaso lamang ang tingin ko ay kanina nasusunog ang mga ito."Yeah, maybe she just remember someone that looks like me!" Patay-malisyang saad ni Atticus.Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi nito.Paano niya nasasabi ang ganung bagay at nagagawa pa niyang kumain nang maayos gayong may tao siyang niloloko?Gusto kong magwala ng mga oras na iyon. Sugurin at pagsasampalin ang aking nobyo.Paano niya ako nagawang lokohin? Kaya pala hindi na niya ako nagagawang kumustahin dahil may iba na pala ito at buntis pa.'How dare you! Anong mga pagkukulang ko sayo? Bakit nagawa mo sa akin to?' Mga katanungan na gusto kong itanong sa kanya ngunit hindi ko magawa.Nararamdaman ko na ang pangingig ng aking mga tuhod. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay matutumba ako."Are you okay ma'am?" Nag-aalalang tanong ng waiter sa akin.Tumango lang ko dito. Humawak ako sa upuan malapit sa akin upang hindi ako tuluyang matumba.Bahagya kong kinapa ang singsing na binigay sa akin ni Atticus. Hindi ko na ito kailangan. Dahan-dahan kong tinanggal iyon at saka hinagis sa pagmumukha ng lalaki.Napatayo ito sa kanyang kinauupuan dahil na gulat ito sa aking ginawa, maging ang babaeng kasama nito ay nagbigla din."What's your problem, bitch?" Galit na tumayo ang babae at humarap ito sa akin."Huwag mo akong matawag tawag na bitch, malandi ka! Bakit hindi mo itanong diyan sa magaling na lalaking iyan?."Hah! Pasalamat ang babaeng 'toh. Kung hindi lang siya buntis ay baka nakatikim na ito sa akin.Halatang hindi naintindihan ng babae ang aking sinabi dahil hindi naman ito nakakaintindi ng tagalog."What are you saying? Are you cursing me?"Tumingin muna ako sa aking nobyo saka muling hinarap ang galit babae."He is my boyfriend for a long time. We have been in a relationship for five fvcking years!"Halatang nagulat ang babae ngunit saglit lamang iyon. Pasimple akong tiningnan nito mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay kalmadong lumingon sa aking nobyo.What? Ganun na lang ba 'yon? Ni hindi ito nagalit sa lalaki. Walang sampalan na nangyari?"So, You're my fiancee's worthless girlfriend?" Taas kilay nitong tanong sa akin.Napaismid lang ako sa sinabi nito. Kaya pala ganun lang ang reaksyon ng babae, nasabi na pala ng magaling kong nobyo ang tungkol sa akin. Ano kaya ang pinakain ng magaling kong nobyo dito sa babae."Kaya ba lagi kang busy? Iba na pala ang tinatrabaho mo!" Mapakla akong napangiti kay Atticus. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan ko malalaman na niloloko na pala ako. "Maghiwalay na tayo! Magsama kayo ng babae mo.""Magpapaliwanag ako sayo, Eloise. Pero hindi ngayon. I'm soryy!" Nakayukong saad ni Atticus.Tinawanan ko lamang ang sinabing iyon ng lalaki. Hindi ko na kailangan ang paliwanag nito. Para saan pa? Para lokohin lang ulit ako?"Nagpapatawa ka ba, Atticus? Pagkatapos ng lahat ng ito, sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo?"Tila napahiya naman ang lalaki. Ramdam ko ang galit nito para sa akin.Muli akong tumingin sa babaeng kasama nito. "You are the most pathetic woman I have ever met." Saad ko dito at binigyan ko nang nakakaawang tingin.Taas noo akong umalis. Ginamit ko ang natitirang lakas para makalayo sa lugar na iyon."You're fvcking crazy, bitch!"Dinig ko pang sigaw ng babae ngunit hindi ko na iyon pinansin.I hate you, Atticus! I hate you!Hindi mawala-wala ang aking paghikbi habang naglalakad ako palabas ng hotel na 'yon. Walang humpay ang luha na umaagos mula sa aking mga mata.Sa paglalakad ko ay hindi ko namalayan na may mabubunggo ako. Huli na bago pa ako nakaiwas."Awwww! My butt.. " Umiiyak kong d***g.Naramdaman ko na lamang tumama ang aking puw*t at balakang sa sahig.Masakit na nga ang aking puso tapos dumagdag pa ang aking puw*t at balakang. Huhu!"Bakit ba kase may pader dito sa-"Naputol ang sasabihin ko nang mapansin kong hindi pala ako sa pader nabangga.'Gosh! Katawan pa ba yan ng tao?' sa isip-isip ko.Matangkad ang lalaki at malapad ang katawan nito. Halatang alagang alaga ito sa gym.Pasimple ko naman Tinitigan ang mukha niya. Mayroon itong kulay sea rover-blue at bilog na bilog na mga mata, bumagay sa kanya ang makapal nitong kilay. May matangos siyang ilong at manipis na kulay pulang mga labi. Bagong ahit naman ang bigote at balbas ng binata. Napakalinis niyang tingan.Napatingin ako sa ibabang bahagi ng katawan nito.'Sabi nila kapag matangkad at malaki ang katawan. Kabaligtaran naman iyon sa kanilang mga ari.' wala sa sariling napangiti ako nang maisip ko iyon.Nababaliw na yata ako.Eloise's Point of View Magkahalong kaba at pag-aalala ang aking nararamdaman ngayon. Katatapos lamang nang aming pag-uusap ni Brynne sa telepono. Umiiyak ito dahil sa kanyang natuklasan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa aking anak. Paano kung malaman niyang ako ang ina ni Avery? Tiyak na malaking gulo ito. "Oh ate, okay ka lang? Bakit tila namumutla ka diyan?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Nicole. "O-okay lang ako, Nicole." Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Mabilis akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo at tinungo ang aking kwarto. Nagtataka namang sumunod sa akin si Nicole. "Saan ka pupunta, ate?" Usisa nito nang maabutan niya akong nagbibihis. "May pupuntahan lang ako, Nicole. Pakisabi na rin kay Elijah na wag na nila akong intaying umuwi mamaya." Usal ko dito habang ina-ayos ko ang suot kong damit. Simpleng bestida lamang ang sinuot ko dahil doon ako mas kumportable. "Pero ate, alam ba ni sir Elijah kung saan ka pupunta?" Isang b
Third Person's Point of View"I love you too, Elijah." Ani ni Eloise sa kabilang linya.Malapad naman na napangiti si Elijah sa naging tugon ni Eloise. Tila isang musika iyon sa kanyang pandinig. Nararamdaman niyang unti-unti na rin nahuhulog sa kanya ang dalaga kaya naman hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na iyon upang mabuo ang kanilang pamilya."Good morning, sir Elijah. Remind ko lang po ang appointment ninyo kay Mr. Sandoval mamayang Ala una." Ani ni Mary na bahagya lamang nakasilip ang kanyang ulo sa pintuan. Hindi siya nag-atubiling pumasok sa opisina dahil tila malalim ang iniisip ng kanyang boss kaya hindi nito narinig ang kanyang pagkatok. "Cancel mo na lahat ng meeting ko ngayon, Mary. Susunduin ko ang aking anak sa school niya mamaya." Walang ka emo-emosyong usal ni Elijah sa kanyang secretary.Bahagya namang nagtaka si Mary dahil sa kanyang narinig. 'Anak? May anak na pala si sir Elijah?' Usal ni Mary sa kanyang isipan.Hindi na nagtanong pa si Mary dahil natatako
Eloise's Point of ViewNaramdaman ko ang kanyang dila na pilit pinaghihiwalay ang aking mga labi kaya naman inawang ko iyon ng bahagya.At tuluyan na nga niyang naangkin ang aking mga labi. Ang mga dila nito ay unti-unti nang nilalaro ang aking dila sa loob. Tila nawalan na ako nang lakas na pigilan siya dahil trinaydor na ako ng sarili kong katawan. Kusa na akong tumugon sa maiinit niyang mga halik. Mahigpit akong napayakap sa lalaki ng mas lumalim pa ang mga bawat halik nito. Kakaibang kiliti ang dulot ng mga halik niya na tila ba mawawala na ako sa aking sarili."Ahhmm.. t-teka lang." Pigil ko kay Elijah nang ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking damit. Sandaling bumalik ang aking katinuan dahil doon.Hindi dapat ako magpadala sa bugso ng aking damdamin.Kunot-noo naman na napatingin ang lalaki sa akin ngunit maya-maya ay napabuntong hininga na lamang ito."I'm sorry, Sweetheart. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Hinging paumanhin nito. "Matulog na tayo."Nakaramdam
Eloise's Point of ViewAwang ang aking mga labing napatitig na lamang sa kanya. God! Seryoso ba siya? At sa harap pa ng aming anak sinabi."N-nagbibiro ka ba? Hindi mo naman kailangan sabihin iyon dahil gusto ng anak-" Napatigil ako sa aking sasabihin nang ilapat niya ang kanyang daliri sa aking bibig."Shhh.. I love you, baby." Mahinang bulong ni Elijah sa akin. "Mahal ko kayo ng anak natin." "Pero Mr. Montereal-" Hindi ako nakagalaw nang bigla niyang idampi ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Mabilis lamang ang pangyayaring iyon ngunit nag-iwan iyon sa aking katawan ng libo-libong kiliti."Yey! Love nila mommy at daddy ang isa't isa." Kinikilig na usal ni Avery nang makita niyang hinalikan ako ni Elijah.Hindi ko naman mapigilan ang pamulahan ng pisngi dahil sa nakaramdam ako nang kaunting hiya."Love na love ka namin ng mommy mo, My Princess." Nakangiting usal naman ni Elijah saka mahigpit na niyakap si Avery. "Gusto mo bang makiyakap sa amin?" Baling naman nito sa akin.Wala
Eloise's Point of View Ilang mga hakbang ang aking ginawa papunta sa aking kwarto upang magpalit ng damit. Naiwan naman sa sala ang aking anak at si Elijah. "Dito na po kayo matulog, daddy." Narinig kong usal ni Avery kay Elijah bago pa man ako tuluyang makapasok sa aking kwarto. Saglit akong natigilan at bahagyang napalingon sa gawi ng aking mag-ama.Hindi ko naman nagustuhan ang sinabing iyon ni Avery. Dalawa lamang ang aming kwarto at walang matutulugan ang lalaki. Hindi naman pwedeng sa kwarto ng aking anak ito matulog dahil doon rin natutulog si Nicole.Sinamaan ko nang tingin ang aking anak. Agad naman itong nag-iwas nang tingin sa akin at saka sumiksik sa kanyang daddy. Alam niyang galit ako pero patay-malisya lamang ito dahil naroroon ang kanyang ama. Pilit ko naman pinakalma ang aking sarili at humiling na sana'y hindi pumayag ang lalaki. Napansin ko na natigilan din si Elijah ngunit agad din naman itong nakabawi. Kunwa'y nag-isip muna ito bago malapad na ngumisi sa ak
Eloise's Point of ViewPagkalabas ko ng opisina ni Elijah ay nakita ko si Mary na namumugto ang mga mata. Halatang galing ito sa pag-iyak. Kanina lang ay pinagalitan siya ni Elijah kahit hindi naman niya sinasadyang makita ang ginagawa namin ni Elijah.Umangat ang tingin niya sa akin nang dumaan ako sa tapat niya. Nag-aalangan naman akong ngumiti dito.Lalagpasan ko na lamang sana ito ngunit mabilis niya akong tinawag."Ms. Eloise, gusto ko lang ho sanang humingi ng pasensya sa nangyari kanina. W-wala naman ho akong nakita." Nakayukong usal ni Mary."Huwag mo nang alalahanin iyon. At saka, kung ano man ang nakita mo kalimutan mo na lang 'yon." Mahinahon kong usal dito. Isang malapad na ngiti ang binigay ko dito bago ako umalis.Ilang sandali pa ang lumipas at hindi ko namalayan ang oras. Kailangan ko nang makauwi dahil tiyak na naghihintay na sa akin si Avery.Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng aking opisina.Nakita ko si Mary na nag-aayos na rin ng kanyang sarili. Nakang
Eloise's Point of View"Nagseselos ka ba kay Sofia?" Napapaos na tanong ni Elijah sa akin. Nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig at halos magkapalitan na kami ng hininga. "Hindi 'no! At saka bakit naman ako magseselos sa kanya?" Nakairap kong usal dito.Bahagya ko siyang itinulak. Pakiramdam ko'y hindi ako makahinga dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.Subalit mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin at halos isang hibla na lamang ng buhok ang aming pagitan. Amoy na amoy ko na rin ang mabango nitong hininga."Hmm.. Wala akong ginawa kay Sofia na ikaseselos, honey." Malamig ang boses na usal ni Elijah. Halos kapusin ako nang hininga nang unti-unti niyang inilapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi.Wala sa sariling nagpaubaya ako sa matamis nitong mga halik. Mariin akong napapikit at ninamnam ko ang malalambot niyang mga labi."Uhm.." Mahihinang ungol ang lumabas sa aking bibig. Mahigpit akong napayakap sa lalaki habang tinutugunan ko ang kanyang mapupusok na halik.
Eloise's Point of ViewDahil sa pangyayari kahapon ay hindi ko muna pinapasok si Avery. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nito at ayaw ko nang maulit pa iyon.Abala ako sa aking trabaho nang dumating si Elijah. Kasama nito si Sofia at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan dahil hindi minlang nagawang tumingin sa akin ng lalaki.Mapakla akong napangiti sa aking sarili.Ano bang inaasahan ko sa kanya? Ama lamang siya ng aking anak at 'yon lamang ang nag-uugnay sa aming dalawa. Bakit ba kasi siya ang nasa isip ko? Hayss.. Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala sa aking isipan ang lalaki. Pinilit ko ang aking sarili na pagtuunan nang pansin ang aking trabaho ngunit kahit anong gawin ko ay walang pumapasok sa aking utak.Dalawang oras ng nasa loob ang dalawa ngunit hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon.'Ano kayang ginagawa nila sa loob at saka bakit ang tagal naman nilang mag-usap?' Himutok ko sa aking sarili.Ang sabi niya sa akin ay ngayon namin pag-uusapan ang tungkol kay Avery per
Eloise's Point of View"Daddy!" Sigaw ni Amelia at Avery nang makita nila si Elijah.Napansin kong nangunot naman ang noo ni Elijah nang makita niya si Avery. Hindi siguro niya inaasahan na makikita niyang muli ang aking anak. Mas lalo pang bumakas ang pagtataka nito nang lumapit sa akin si Avery.Parang napako si Elijah sa kanyang kinatatayuan. Kunot-noong nakatitig lamang ito sa aming dalawa ni Avery."Anak mo ba siya, Eloise?" Malamig ang boses na tanong ni Elijah. Madilim ang awra nito at halatang pinipigilan ang sariling hindi magalit."O-oo, a-anak ko siya, Mr. Montereal." Nauutal kong tugon dito.Napatango-tango naman si Elijah. At tila may malalim na iniisip."Daddy Elijah, mabuti po at dumating kayo." Saad ni Amelia kay Elijah subalit wala ang atensyon ng lalaki sa bata. Napansin ni Amelia na nakatitig ang kanyang daddy Elijah kay Avery. Nanlaki naman ang mga mata nito nang mapansin na magkamukha ang dalawa.Nag-iwas naman ako nang tingin sa nakatutunaw na tingin ni Elijah. Al
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments