"Are we getting married for real?" Dahil sa hirap ng buhay, walang ibang solusyon si Zia Wisley kundi maghanap ng mayamang lalaki. Bagamat hindi problema sa kaniya ang itsura, inaasahan niyang matandq at matabang lalaki ang kaniyang papakasalan ngunit malayo si Christian Vandelmor sa kaniyang inaasahan. Isa siyang bilyonaryo at tila naghahanap din ng babaeng magpapanggap bilang asawa niya. Magiging matagumpay kaya sila sa mga personal nilang plano? Hanggang kailan kaya magkakabisa ang kanilang kasal kung ganoong may kontrata silang kailangang sundin.
view more"What are you doing?" Tila natigilan si Zia sa kinatatayuan sa boses na narinig niya. Dahan-dahan siyang lumingon para tingnan ito kasabay ng pagbukas ng ilaw ay nakita niya si Christian at ang kapatid nito. Sa hindi inaasahan ay biglang dumulas ay tuwalyang nakabalot sa katawan niya dahilan para manlaki ang mata niya sabay takip sa katawan. Agad namang tumalikod si Christian at nilakihan ng mata ang kapatid. "Shut your eyes off, jerk." Kumaripas ng takbo si Zia pabalik sa kaniyanh kwarto at hindi sinasadyang ibagsak ang pinto. Sa bilis ng pangyayari ay nagkatinginan ang magkapatid bago ito naupo sa sala. "That was... crazy, bro," hindi pa din makalimutan ni Johanan ang pangyayari. "You didn't mention that your wife is hot, paano mo siya nakilala?" "Don't even think about it, Johanan. Ayokong pag-usapan ang nangyari at pwede ba? Kalimutan mo na ang mga nakita mo kung meron ka mang nakita or else..." "Woah, chill! Hindi ko naman tiningnan ang asawa mo, Kuya baka ikaw pa dya
Pagkadating ni Zia sa TV Station, sa harap ng malalaking building ay kumuha siya ng picture at saka sinend sa kaniyang kapatid. Pagkapasok niya sa loob, bumungad sa kaniya ang linya ng mga taong naka-itim na suit na tila naghihintay sa bulwagan.May lumapit naman sa kaniyang isang babae na hindi nagkakalayo ng edad at binati siya. “Hi…”“Ay hello, I’m Zia… Zia Wisley.”“Diane Santos. Bago ka?”“Oo, first day ko… ikaw?”“Three years na ako dito, hindi halata noh?” Natatawang wika ni Diane.“Wow, ang tagal mo ma pala dito. Kamusta naman ang work?”“Okay naman, mataas ang sahod pero nakaka-stress—nandiyan na siya, dito tayo…” pagyaya ni Diane sa gilid nang dumating ang isang babaeng medyo matanda sa kanila at may kasamang guards.“Sino siya?” tanong ni Zia.Nanlaki ang mata ni Diane na tiningnan si Zia. “Hindi mo siya kilala? Saang planeta ka ba galing? Kahit yung mga taong nakatira sa bayan ay kilala si Madam Queen, siya lang naman ang asawa ng boss natin.”“Ahh… mataray ba?”Binigyan s
“You are one of my scholar pagkatapos ay in-add kita sa facebook for the project discussion. Mula noon ay may lihim na akong nararamdaman sayo at nagpapahiwatig na din ako. Noong una, ayaw mo pa sakin dahil sa layo ng edad natin. But after a long time, you realized that it doesn’t matter, niligawan kita ng tatlong buwan at nagsama tayo ng kalahating taon dahil hindi ka pa tapos mag aral noon.”Kinagabihan, naupo si Christian para pag-usapan ang script na ginawa niya para kay Zia. Halos inilarawan niya ang pagkakakilala at pagtatagpo nila, at pagkatapos ay "binuo" ang isang serye ng mga detalye ng pagkakasundo ng dalawa.“I sorted out these details base sa mga nababasa ko sa online novels at TV series. Halata naman siguro diba? Pwede nating gamitin kahit ano pero limitado, kung sa tingin mong hindi tugma sa plano natin, huwag na nating isama. Kung maaari lang din sana, gumawa ka ng listahan about yourself kung ano yung mga gusto at ayaw mo para hindi sila makahalata.”Mabilis na binasa
Sa kabilang banda, nakabalik na si Christian sa Vandelmor’s Group galing Hongkong matapos ang meeting niya. Batid ang stress at pagod sa byahe pero nang sumagi sa isip niya si Zia ay agad itong napawi.“Hey brother!” Walang pasabing bungad sa kaniya ng kapatid na si Johanan. “You’re here! Sakto at may kailangan kang malaman.”Tinapunan lang siya ng tingin ni Christian.“Bad mood ka ba? Pero importante ‘to eh kaya kahit masama ka sakin ay sasabihin ko pa din ang balitang nasagap ko,” bilib sa sariling wika niya.Muli ay wala siyang narinig kay Christian bagamat mukha itong hindi interesado ay hinihintay niya lamang si Johanan matapos sa lahat ng walang kabuluhang salita niya.“Samantha is back! Nasa Taguig siya ngayon at she will stay here for good.”Matagal na mula noong narinig ni Christian ang pangalang Samantha matapos silang mag-break. Halos lahat ng nasa paligid niya ay walang nagtangkang magtanong kung bakit sila naghiwalay.“Ano naman ngayon? Wala naman tayong magagawa,” may ha
Hanggang ngayon ay hindi pa din maipinta ang mukha ni Zia pagkalabas sa Marriage Registration Office habang hawak ang papel na nagpapatunay na ganap na siyang kasal kay Christian Vandelmor. Iyong tipong kaka-tungtong niya pa lang sa edad na bente uno ay ngayon ay may asawa na siya at isang bilyonaryo pa.“Hatid na kita,” pagsunod sa kaniya ni Christian. “Paalis ka na ba?” Si Christian ay ang napangasawa ni Zia na isang bilyonaryo. Siya ay higit na isang ulonh tangkad mula kay Zia, na suot ay mapusyaw na polo damit at pantalon, itim ang buhok na tila kulot, pantay ang kutis at mapanghalay na mukha.Tumango si Zia kaya dali-daling nagtungo si Christian sa sasakyan para pagbuksan ito ng pinto at saka siya sumakay. “Ahh!” Gitlang napahawak sa dibdib si Zia matapos kunin ng walang pasabi ang kaniyang kamay. “Ano yun?”“Here… pwede mong gamitin yan for the meantime. Ito naman ang susi sa bahay, pwede ka ng lumipat sa bahay kung gusto mo, pwede mo ding tawagan si Tito Cleo kung may kailang
Hanggang ngayon ay hindi pa din maipinta ang mukha ni Zia pagkalabas sa Marriage Registration Office habang hawak ang papel na nagpapatunay na ganap na siyang kasal kay Christian Vandelmor. Iyong tipong kaka-tungtong niya pa lang sa edad na bente uno ay ngayon ay may asawa na siya at isang bilyonaryo pa.“Hatid na kita,” pagsunod sa kaniya ni Christian. “Paalis ka na ba?” Si Christian ay ang napangasawa ni Zia na isang bilyonaryo. Siya ay higit na isang ulonh tangkad mula kay Zia, na suot ay mapusyaw na polo damit at pantalon, itim ang buhok na tila kulot, pantay ang kutis at mapanghalay na mukha.Tumango si Zia kaya dali-daling nagtungo si Christian sa sasakyan para pagbuksan ito ng pinto at saka siya sumakay. “Ahh!” Gitlang napahawak sa dibdib si Zia matapos kunin ng walang pasabi ang kaniyang kamay. “Ano yun?”“Here… pwede mong gamitin yan for the meantime. Ito naman ang susi sa bahay, pwede ka ng lumipat sa bahay kung gusto mo, pwede mo ding tawagan si Tito Cleo kung may kailang...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments