Si Haraleigne Perez ay isa lamang na mababang empleyado ng Dela Valle Corporation. Tila ba walang katapusan ang kahirapan at ang kanda-kuba niyang pagkayud sa buhay, ngunit ito ay tuluyang nagbago ng isang gabing malasing siya mula sa business trip at maka one night stand niya ang kanilang CEO na si Gabriel Dela Valle. "I need a marriage partner, Hara Perez." "Ano po, sir Gabriel?" Maang na tanong ni Hara dahil wala siyang ideya bakit iyon sinasabi sa kanya ni Gabriel. "I said....marry me." Pansamantalang pamalit, kabit o parausan. Iyan ang naitatak ni Hara Perez sa kanyang sarili magmula nang tanggapin niya ang kasunduang magpakasal kay Gabriel kapalit ang pagpapagamot sa kanyang ina na nangangailangan ng pera para ma-operahan. Napagtanto niyang may babaeng minamahal pala si Gabriel at ito ay ang kanyang kasintahan na si Dana Hernaez Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na kaya nagpakasal si Gabriel ay dahil gusto lamang nitong maghiganti kay Dana at si Hara ang napili niya bilang wastong kasangkapan sa kanyang ninanais. Ibinaba niya ang kanyang dignidad para lamang sa ikabubuti ng kanyang ina. Ngunit hanggang kailan siya malalagay sa ganitong sitwasyon? Hanggang kailan siya magiging panakip butas lamang? Darating kaya ang araw na mamahalin din siya ni Gabriel? "Please, alagaan mo siyang mabuti para saakin ha, maari ba iyon?" "Nagmamakaawa ako, sa ngayon ay mahalin mo siya para saakin." Paki-usap ni Dana. "Hindi kasama sa kontrata na mamahalin ko siya para sa'yo." Matigas na pagtatanggi ni Hara. Ngunit ano ang kanyang gagawin nang napagtanto niyang nahulog na rin siya kay Gabriel at nagbunga ng inosenteng bata ang kanilang pekeng kasal?
View MoreNapakuyom si Hara nang marinig iyon. Masakit man ngunit kailangan niyang baliwalain ang mga narinig mula kay Gabriel. Lalo pa at kaharap niya ang babaeng nali-link ngayon sa binata, Almira Go. Napaangat ng tingin si Hara at dumapo iyon sa mga mata ni secretary Saez na nakakunot noo habang tinitignan si Gabriel. Siguro maski rin ito ay nagulat sa sinabi ng amo. "It's nice to meet you sir Dela Valle. But I think, I need to find my seat. The meeting will start very soon." Pormal na saad ni Hara at marahang umalis sa harapan ni Gabriel at Mira. Nang makita niya ang seat para sa production team ay kaagad siyang naupo. Binuhay niya ang kanyang cellphone upang tignan kung may mensahe ba sa kanya si Jessie. Napabuntong hininga na lamang siya nang mabasang hindi ito makaka-punta on time dahil kaalis lang ng eroplanong sinasakyan nito patungong Naga.Makalipas ang ilang sandali ay nakompleto na ang mga taong kinakailangan sa meeting. Napakunot noo si Hara nang makitang pumunta sa harapan si
Habang bumibili ng candy si Gabriel sa isang supermarket ay nakangiti siyang tinignan ni Neil na para bang natutuwa siyang tignan ang amo sa ginagawa nito. Nang makita iyon ni Gabriel ay agad niyang sinamaan ng tingin. "Sir, naghihintay pa rin po si ma'am Mira sa inyo. Hindi niya raw po uumpisahan ang meeting nang wala kayo." Pagpapaalala ni Neil. "Then let her. It's not me who will lose a job. Besides alam niya kung gaano ka-importante itong business trip na pupuntahan ko." Malamig na sagot ni Gabriel at pumunta ng counter para magbayad. Dinagdagan niya rin ng strawberries ang mga pinamili dahil bagay iyon sa mga bata. Nang palabas na sila ng supermarket ay napatawag si Nico at nagsabing naroon na raw siya sa lobby ng hotel. Nagmadali namang pumunta roon sila Gabriel at ganoon na lamang ang kanyang panlulumo nang hindi na makita ang bata. "Have you seen Ainsley?" Tanong niya kay Nico. "Sinong Ainsley?" At napakurap ito. "May Mira kana nga may Ains---""Shut up. She's a kid!" Ini
Nang makarating sila sa isang hotel chain na pag-aari ng pamilya ni Sabby ay napili muna ni Hara na ayusin ang kanilang mga gamit habang inaantay ang email kung saang branch sila ng modeling company maa-assign. Samantalang si Jessie naman ay nanatili muna sa Manila habang wala pang go signal ang kanilang kompanya."Mommy! I want to go outside! I want candies and lollipops! Yehey!" Pangungulit sa kanya ni Ainsley. Inilapag muna ni Hara ang tinutupi niyang damit at pinagmasdang mabuti ang kanyang anak. Habang tumatagal ay nagiging kahawig na nito si Gabriel, lalo sa kapag naka-kunot noo ito. Minsan naisip niya na napakadaya dahil siya ang nagdala sa kambal ng siyam na buwan ngunit bakit mas naging kamukha pa nito ang ama."Ainsley Gabrielle Perez, anong sabi sa iyo ni mama? You eat fruits and vegetables. candiess and lollipops are not healthy for you baby." Ngunit nag-pout lamang si Ainsley. "I hope papa will spoil us with candies and lollipos!!" Litanya niya kaya natawa na lang si Ha
"Sab?!" Gulat na tanong ni Hara at ilang beses pa itong napakurap para lamang i-check kung totoo nga ba ang nakikita niya sa kanyang harapan. Parang kailan lang nang nagkatawagan silang dalawa at sinabi lang nito na may balang siyang pumunta ng Switzerland."Miss me?! Surprise visit para hindi ka makapalag!" At niyakap ni Sabby ang kaibigan. Napatawa naman si Hara sa kaingayan ng kaibigan. Inaya niya itong pumasok sa loob at nagpanggap na mahihimatay si Sabby nang makita si Gunther na naglalaro sa living room."Hawig na hawig a! Hindi ako naniniwalang hindi mo naiisip si Gabriel! Pati si Ainsley may hawig sa kanya! Kaya sure ako na hindi ka pa nakaka-move on!" At kaagad itong tumakbo sa kambal.Nang makita ng kamabal ang kanilang tita Sabby ay agad nila itong niyakap."Tita Sabby you are so pretty na!" Maarteng saad ni Ainsley at umamba ng pagpapabuhat dito. "Nako Hara, sa loob ng limang taon para mo lang ding nakikita ang mukha ni Gabriel. Pero let's get serious here. Nakita ko kani
Nag-taxi na lamang si Hara pauwi sa kanilang bahay dahil hindi niya na mahanap si Jessie. Baka totoo ngang may kalaguyo siyang lalaki sa gabing iyon. Hindi niya lubos maisip na makikita niya si Gabriel sa Switzerland. Halos liparin niya ang kalahati ng mundo para lamang lumayo, ngunit tila ba ay pinaglalaruan talaga siya ng tadhana. Kung tama ang pagkakarinig niya ay may kinahuhumalngan na siyang babae. Mira Go, isang international model at advocate ng marine life. Napa-buntong hininga na lamang si Hara nang maasip ang pangako niya sa kanyang kambal. Sa kanilang ika-anim na kaarawan ay ipapakilala niya na ang mga ito sa kanilang papa. Ngunit paano niya gagawin iyon ngayong may babae nang nagugustuhan si Gabriel.Nang makapasok siya sa kanilang bahay ay agad siyang sinalubong ng kambal."Mama! We're have you been?" Tanong ni Gunther at dala dala pa ang bottle milk ni Ainsley."Mimi hug!" At umamba naman ng yumakap si Ainsley sa kanya.Kaya naman lumuhod siya sa dalawa at mahigpit na
Five years later..."Jessie, mauna na ako mag-out. You'll stay late?" Tanong ni Hara sa ka-trabahong bakla na nakatungo na ang ulo sa desk. Hindi ito gumalaw kaya sinundot niya ang tagiliran nito. "Oy puking palaka ka Hara!" Gulat na sigaw ni Jessie. Napabungisngis naman si Hara nang marinig na naman ang balasubas na bibig nito. Nakita niyang napairap ang kaibigang bakla at napaayos ng upo."Mag a-out na rin ako no! May dilig ako mamaya kaya makikisabay ako sa'yo huwag kang nagmamaganda diyaan babaita ka." Maarte nitong saad at isa-isa nang pinagliligpit ang mga gamit. Nang makalabas sila ng company building ay napatingala na lamang siya mula sa kalangitan. "May snow na, Jess." At itinaas niya ang kanyang kamay upang saluhin ang maliliit na snowflakes."Hay sawakas! Makakagawa na rin ako ng snow penis!" Untag ni Jessie at naupo sa upang mag-ipon ng mumunting yelo sa daan. Agad naman siyang binatukan ni Hara nang totohanin niya ang sinabi at bumubuo ng hugis ari ng lalaki."Ang KJ mo
Akala ni Hara ay makakatulog siya sa gabing iyon ngunit hindi paulit-ulit siyang dinadalaw ng memorya niya kanina nang makita niya ang puso ng bata sa monitor. Napaiyak na naman siya dahil sa desisyon. Kinabukasan ay kasal na nila ni Gabreil at tuluyan na silang maghihiwalay ng landas. Kung pagtatagpuin man sila ng tadhana, hindi niya na masasabi kung parehas pa rin ba ang kanyang mararamdaman.Nagising siya kinaumagahan dahil sa malakas na tawag sa kanyang cellphone. "Hello, Ms. Perez. Ako po ang person in charge sa kasal narito na po ako sa labas upang sunduin po kayo. "Sige po. Give five minutes. Mag-iimpake lang po ako at pagkatapos ay baba na rin." Nang mapatay niya ang tawag ay mabilis siyang nag-impake ng gamit hindi niya na inabala pang mag-ayos dahil aayusan din naman siya mamaya. Hinayaan niyang bare lamang ang kanyang mukha.Nang makita niya ang itim na kotse sa gilid ng kalsada ay agad siyang naglakad papunta roon. Binuksan niya ang pinto at naupo, doon niya lamang napagt
Linggo ay nakalabas na ng hospital ang ina ni Gabriel at pansamantala itong nagpapahinga sa kanilang villa. Naroon si Dana umaalalay kay Gia."Tita, you don't have to worry about Hara and Gabriel. Makikipaghiwalay na siya sa anak niyo. May isa pa po akong nabalitaan tungkol kay Hara." At ngumiti nang matagumapay si Dana. Lahat na ata ay sinabi niya kay Gia maliban na lang sa tinakbo sa hospital si Gabriel dahil na-alcohol poison ito. "What is it, hija? Mukhang marami kang good news saakin ngayon?" Nakangiting hayag ni Gia."Nasabi po saakin ni Nico na umamin daw si Hara sa kanya. Hindi daw po niya kayang magbuntis in other words shes' infertile. Nasaakin pa rin po ang huling halakhak. Ako pa rin po ang magbibigay ng tagapagmana kay Gabriel, tita Gia."Walang naging komento ang ina ni Gabriel at marahang inobserbahan ang asta ni Dana. Naisip niya na sobrang layo na nito sa dating Dana na nakilala niya noon. Napaka-bait, mahinhin, magpabigay at hindi sumasaya sa kahirapan ng iba. "All
Habang namamahinga sa ward si Gabriel ay bigla namang humahagos na dumating si Dana. "Nico! Why you didn't tell me about Gabriel's incident?!" Angil niya. "Calm down! Alam mo naman si Gab. Ayaw niyang marami ang nakakaalam kapag may mga ganitong pangyayari.""Even so! Alam na ba ito ni Hara?""Oo. Kaaalis niya lang. At may sinabi pala siya saakin. It's a bad news for her but it is a good news to you."Napangisi si Dana nang marinig iyon at lumapit sa kaibigan. "Spill it."Napabuntong hininga muna sI Nico. "Baog si Hara. Hindi sila magkakaanak ni Gabriel. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagpa-physical examination. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay kay Gabriel." "And you believed it?" "Oo. May doctor kanina na napadaan dito. Kinausap niya si Hara tungkol sa bagay na iyon."Napangisi na naman si Dana. Kung hindi magbubuntis si Hara ay wala na siyang po-problemahin pa. Dahil siya mismo ang magbibigay ng anak kay Gabriel, sila ang gagawa ng pamilya."Pupuntahan ko
"Nagkaroon ka na ba ng karanasan sa isang lalaki?" Prangkang tanong ng kaibigan ni Hara. Nang lumalim na ang gabi, si Hara Perez na kagagaling lamang sa isang business trip na nakainom pa, ay dapat sana'y tulog na, ngunit sa tuwing siya ay pipikit ang mga salitang binitawan ng kanyang bestfriend na si Sabby ay nagsimulang gumulo sa kanyang isipan na para bang hinahabol siya ng mga ito. "Paano mo nasasabi na ganon nga ang pakiramdam sa isang salita lamang? Huwag ka nang mag atubili at lumandi ka sa isang gwapong lalaki habang bata ka pa. Pero kung hindi ka naman makahanap, matututunan mo ring gawin ito sa sarili mo. Huwag kang mahiya, marami akong iba't-ibang movies para tulungan kang madiskubre ang mga ibang bagay." Tukso pa sa kanya ng kaibigan at kumindat pa ito nang nakakaloko. 'Ano na nga ba ang sinabi ko sa kanya noon?' Bulong niya sa kanyang isipan. Dahil ang totoo naman ay wala pa talaga siyang karanasan. "Hindi ko na matandaan pa." Napapikit na lamang ito dahil hindi na ng...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments