CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress
Si Haraleigne Perez ay isa lamang na mababang empleyado ng Dela Valle Corporation. Tila ba walang katapusan ang kahirapan at ang kanda-kuba niyang pagkayud sa buhay, ngunit ito ay tuluyang nagbago ng isang gabing malasing siya mula sa business trip at maka one night stand niya ang kanilang CEO na si Gabriel Dela Valle.
"I need a marriage partner, Hara Perez."
"Ano po, sir Gabriel?" Maang na tanong ni Hara dahil wala siyang ideya bakit iyon sinasabi sa kanya ni Gabriel.
"I said....marry me."
Pansamantalang pamalit, kabit o parausan. Iyan ang naitatak ni Hara Perez sa kanyang sarili magmula nang tanggapin niya ang kasunduang magpakasal kay Gabriel kapalit ang pagpapagamot sa kanyang ina na nangangailangan ng pera para ma-operahan.
Napagtanto niyang may babaeng minamahal pala si Gabriel at ito ay ang kanyang kasintahan na si Dana Hernaez
Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na kaya nagpakasal si Gabriel ay dahil gusto lamang nitong maghiganti kay Dana at si Hara ang napili niya bilang wastong kasangkapan sa kanyang ninanais. Ibinaba niya ang kanyang dignidad para lamang sa ikabubuti ng kanyang ina.
Ngunit hanggang kailan siya malalagay sa ganitong sitwasyon? Hanggang kailan siya magiging panakip butas lamang? Darating kaya ang araw na mamahalin din siya ni Gabriel?
"Please, alagaan mo siyang mabuti para saakin ha, maari ba iyon?"
"Nagmamakaawa ako, sa ngayon ay mahalin mo siya para saakin." Paki-usap ni Dana.
"Hindi kasama sa kontrata na mamahalin ko siya para sa'yo." Matigas na pagtatanggi ni Hara.
Ngunit ano ang kanyang gagawin nang napagtanto niyang nahulog na rin siya kay Gabriel at nagbunga ng inosenteng bata ang kanilang pekeng kasal?
Read
Chapter: Kabanata 90Wala pa ring naging reaksyon si Hara sa mga narinig mula kay Gabriel. Dahil baka kinakausap lamang nito ang kanyang sarili. Nadala na si Hara sa pag-aassume mula sa binata at mali na umasa siya rito dahil kahit anong gawiin niya ay kay Dana pa rin uuwi si Gabriel.Agad siyang napatikhim nang may nabasa siyang 'noted' na chat ng kanyang mga kasamahan sa meeting room. Kaya naman ay nagchat din siya doon at isinend ito sa group room. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang hindi pala para sa kanya lang ang mga sinabi ni Gabriel. Tumagal ang meeting hanggang ala una ng madaling araw, kung saan ay inaantok na ang lahat maliban kay Gabriel, ang president host ng meeting. Ngunit na kahit sila ay inaantok na, walang may lakas ng loob na humikab o magpakita ng pagka-antok sa buong meeting. At nang sa wakas ay mag-anunsyo na ng summary ang sekretarya nito at opisyal nang tinapos ang meeting ay nakahinga nang maginhawa si Hara at papatayin sana ang kanyang camera para makapagligpit at
Last Updated: 2025-01-02
Chapter: Kabanata 89Nakagawa ng detalied report si secretary Saez tungkol sa mga asensong nagawa ng NARO Corporation at nagsagawa rin ng malalim na research tungkol sa finance, mga gagawing proyekto at ang mga shareholders na nagbabago bago ng posisyon kada taon. Pinag-aralan din ni secretary Saez ang mga kasalukuyang technological development ng NARO.Sa kalagitnaan ng meeting ay biglaan niya na lamang narinig ang kanyang pangalan."Si Ms. Hareleigne Perez na galing sa investment banking department ay katatapos lamang magproposed ng proyekto tungkol sa mga makabagong kotse ng RVP Company. Napasa na rin iyon sa head office para ireview. Binasa ko na rin iyon at kapag totoo nga ang mga impormasyon, nasa linya ito ng mga kakailanganin natin." Pormal na pagbabalita ng investment director na may importanteng posisyon sa Dela Valle Coporation. Mula sa likod ng camera ay marahan namang tumango si Gabriel at itinaas pa ang kilay, "secretary Saez, pag-aralan mo ng mabuti aang tungkol diyaan." Malamig niyang u
Last Updated: 2024-12-26
Chapter: Kabanata 88Nang makauwi na si Hara sa bahay ni Sabby ay nagmamadali na itong pumasok at wala na rin siyang oras para manlang uminom ng kahit kaonting tubig. Agad niyang inayos ang mga materials na gagamitin para sa meeting. At dahil nga may bagong task na naman ang natoka sa kanya tungkol sa NARO Corporation para sa kanya ay biglaang desisyon iyon ng head office. Dahil bago lamang sa kanya ang proyekto ay mababaw pa lamang ang kanyang pag-iintindi ukol rito, kaya naman ay kakailanganin niya talaga na makinig nang mabuti sa dadaluhang meeting mamaya-maya. Nang matapos na ihanda at ayusin ang lahat ng gagamitin sa meeting ay naisip niyang maupo na sa kanyang upuan at nag-umpisa na ring buhayin ang computer. Tuluyan nang nakapasok si Hara sa meeting interface ng kompanya. Kita mula sa kanyang screen title ng meeting at oras nito.20:00 Channel One Technology Development Project Meeting. Main Meeting Person: Gabriel Dela ValleHabang pinagmamasdan ni Hara ang mga letrang nasa screen ng kanyang c
Last Updated: 2024-12-26
Chapter: Kabanata 87Sa oras na dadalo siya sa remote video conference ay makikita niya si Gabriel. Sa mga oras na iyon ay hindi maipaliwanag ni Hara ang kanyang halo-halong nararamdaman. Nagpipigil siya ng hininga at hindi niya alam kung ibubugha niya ba iyon.Napakagat siya ng labi dahil may ideyang naglalaro sa kanyang isipan. Gusto niyang magpalusot at gumawa ng paraan para hindi siya dadalo mamaya sa meeting. Ngunit nang maisip niya ay bakit nga ba siya iiwas? Bakit nga ba hindi siya dadalo? Kung tutuusin kahit anu naman ang kanyang gawin ay may desisyon na si Gabriel. Dalawa lang naman iyan, kung hindi ite-terminate ni Gabriel ang kontrata ay baka kausapin niya ang dalaga tungkol sa ibang bagay. Magkikita at magkikita pa rin silang dalawa kaya wala ring saysay kung iiwas pa si Hara. Tuluyan na ring iniwan ni secretary Saez si Hara matapos nitong ibilin ang iilang gagawin sa magaganap na meeting. Kaya naman ay naging dahilan iyon kung bakit buong maghapon na nag-iisip si Hara kaya naman nang sumapi
Last Updated: 2024-12-25
Chapter: Kabanata 86Halos sumapit na ang hapon nang pakawalan ni Hara ang keyboard mula sa kanyang mga daliri at kumuha ng pagkakataon taon para huminga nang malalim at mag-relax. Nang may maisip ay wala sa sarili niyang tinignan ang kanyang cellphone na nasa tabi lamang. Naglalaban pa ang kanyang mga ideya sa isip ngunit mas nanaig pa rin ang pagkuha niya rito para tignan ang kanyang messenger kung may nagchat ba sa kanya. Agad na nanlumo ang kanyang mga tuhod nang makitang wala pa ring message si Gabriel sa kanya. Kita iyon kaagad dahil pangatlo ang pangalan nito sa kanyang messenger. Hindi rin niya makita kung active nga ba si Gabriel dahil naka-off active status naman ito. Ngunit kahit na alam pa ni Hara kung online ito ay ano naman ang kanyang sasabihin kay Gabriel? Sa huli ay mauubusan din siya ng sasabihin, na para bang nawawala siya kapag alam niyang nasa kanya lamang ang atensyon ng binata.Pinilig niya ang kanyang ulo at tumingin sa kawalan. Makalipas ang ilang segundo ay may narinig siya ng
Last Updated: 2024-12-25
Chapter: Kabanata 85Nang matapos ang dinner ay agad namang inihatid ni Axel sina Hara at Sabby. Siniguro din niyang naka-lock ang pinto ng bahay ni Sabby bago siya tuluyang nagmaneho paalis.Sa sobrang pagod na naramdaman ni Hara sa araw na iyon ay nagshower na lamang ito at tuluyan na ring humilata sa kama. Sa gabing iyon ay hindi siya mapakali habang natutulog at kinailangan niya pang bumaluktot sa kama na parang hipon. Hindi pa sapat ang posisyong iyon ay mahigpit rin ang pagyakap niya sa kumot gamit ang dalawa niyang kamay. Marahil ay marami siyang iniisip na bagay kaya ganoon na lamang ang tindi ng kanyang insomnia.....Kinaumagahan ay nagising na lamang si Hara dahil sa tunog ng kanyang alarm clock. Nang iminulat niya ang kanyang mata ay nakita niyang hindi na pamilyar ang kisame na kanyang tinitingala. Matagal pa bago naproseso sa kanyang isip na nakatira na pala siya sa bahay ni Sabby at hindi na sa bahay ni Gabriel. Dahil kagustuhang makalimot sa mga bagay bagay ay agad siyang tumayo para ma
Last Updated: 2024-12-23