"I want to taste you again, like a secret or a sin." Tracy Evanz Villasis, binatang bilyonaryo. Mailap sa nakararami, tuso at makapangyarihan. Hindi basta nagtitiwala sa kung sino-sino lang. Kung bansagan siya ng mga employee niya ay "binatang kinulang sa aruga". Wala naman talaga siyang pakialam kung tatanda siyang mag-isa. Ngunit magbabago lahat ng iyon, magmula ng makita niya sa isang boutique store ang isang napaka-cute na baby. Sa isang iglap ay ninais niyang magkaroon ng isang katulad nito. Tila dininig naman siya ng nasa itaas, dahil ang batang si Trace na inasam niyang maging kanya ay madiskubre niyang anak niyang tunay. Si Grace Demecia ay ang ina pala mismo nito! Walang iba kung 'di ang nag-iisang babaeng sineryuso at binalak niyang pakasalan noon. Muli ay nabuhay sa kanya na alamin kung bakit siya nito basta iniwan kung buntis na pala ito sa kanya. Sa paghahanap niya ng kasagutan sa mga katanungan niya ay napagtanto niyang hindi nawala ang pagmamahal niya kay Grace lalo at nagka-anak pa sila. Ngunit, hindi aakalain ni Tracy Evanz na masasaktan siya ulit. Muli... Sa isang mapait na paraan ni Grace.
View MoreTRACY EVANZ awoke beaming that morning. She was now looking at Grace, who was looking extremely serene. She was now focusing on her soft face and those beautiful, enticing eyelashes. He could devour her pouty lips and pointless nose whenever he wanted a kiss. Her cheeks were flushed, as though she had kissed him the night before. Her thick brows accentuated her beauty. Grace’s beauty may be plain, but he’s madly in love with her right now.Bumaba pa ang tingin niya, nakayakap lang naman dito ang kumot nila. Wala itong suot na ano man, kaya lalong nag-iinit ang pakiramdam niya. Kaunting-kaunti na lang ay gigisingin niya ito sa mainit na halik at saka gagawin ang nais niya rito.But he will not do that today. Maaga ang pasok niya ngayon sa opisna.As usual, kahit kakasal pa lang nila ay kinakailangan niyang pumasok. Marami siyang nabinbin na trabaho kaya kakailanganin niyang bilisan ang galaw at baka ma-late pa siya.He ultimately got up and walked naked from the bathroom door. Washed h
LATE na rin nakauwi sina Grace. Alas-diyes na rin ng gabi, kaya sobrang napagod ang batang si Trace sa naging bonding nilang pamilya sa Araw na ‘yun. “Ako ng bahala sa kanya. Mauna ka na sa banyo,” wika ni Grace nang matagpuan niya si Tracy na nasa loob pa rin ng silid nito si Trace.Nakaupo sa may tabi ng kama ito, habang pinagmamasdan ang payapang pagtulog ng kanilang Anak.Biglang iniwas naman ni Grace ang paningin ng magkatagpo ang mga mata nila. “Thank you Grace sa pagbibigay sa akin ng chance para makabawi sa Anak natin,” masuyong saad nito.“Hindi ka dapat nagpapasalamat. Dahil may karapatan ka naman na gawin ang gusto mong alam mong ikakabuti at ikasisiya ni Trace,” nasabi ni Grace na tumango-tango. Nahihiya niyang iniwas ang paningin dito. Ewan ba niya, kung ano-ano na lang ang nararamdaman niya sa simpleng pasasalamat nito.Sa hindi inaasahan pangyayari ay ang ginawa nito pagkatapos. Inabot ni Tracy Evanz ang magkabila niyang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit. Na lalong
MAALIWALAS, maluwang at bagong-bago pa ang bahay na pinagdalhan sa kanila ni Tracy Evanz. Nangangamoy pa ang pintura na ginamit para roon.Nasa entrada lang naman sila Grace at ang Anak niyang si Trace. Habang naglilimayon ang kanilang tingin sa kabuuan ng kabahayan. Tatlong palapag iyon, may living area, dining, 2 bed rooms at isang master bed room. Nauukopahan na rin ng kanya-kanyang banyo ang bawat silid. Ang dinig area ay maluwang at halos kumpleto at moderno ang mga kagamitan at pagkakaayos. May guest room din para sa bisita na darating kung sakali. Mula sa labas ay naroon ang garden na natataniman ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak. May benches at playground din. May malawak na pool at mini pool din. Nalaman din niya na may sariling opisina rin ang Asawa kung sakali na may iuuwi itong mga paper work galing sa trabaho. Habang nakamasid silang mag-ina ay naroon si Tracy Evanz na masayang ipinapakita ang kabuuan ng kanilang magiging bagong tahanan.“What do you think, darling
NASA silong ng mangga si Grace, habang nakamasid lamang naman siya sa maberding kapaligiran.Kapag umuuwi siya galing siyudad. Doon siya naglalagi kapag gusto niyang mapag-isa para makapag-isip. Sa dami ng nangyari ay iyon ang higit na kinakailangan niya ngayon. Ang payapang kapaligiran ay nagbibigay sa kanya ng matiwasay na kaisipan. Nasa ganoon siyang sandali ng pumaroon si Tracy Evanz.“I finally found you; I’ve been looking for you for a while. Well, Daddy Lino just told me that I’ll see you here,” the young man said softly. He moved closer and sat in his place without saying a word.Sa sandaling iyon ay wala silang imik, tila ba ene-enjoy nila ang napakagandang tanawin na kanilang sinisilayan ng mga sandaling iyon.Hanggang sa si Grace na rin ang hindi nakatiis at nagsimulang magsalita matapos ang mahabang patlang sa pagitan nila.“Pasensya ka na sa nasaksihan mo kaninang umaga sa pamilya ko. Nakakahiya tuloy.”Sa pagkakasabi ni Grace yaon ay napagawi naman ang tingin ng binata
INIHATID pa ni Grace sa mismong sasakiyan nito si Tracy Evanz."Hindi mo naman kailangan na ihatid ako Ace," wika ng binata."Huwag mong bigyan ng malisya ang ginagawa ko. Parte lamang ito ng ating plano," mataray na sambit naman ng dalaga na humalikipkip sa harapan nito.Dapat magpasalamat ito sa kanya, dahil siya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi mahirapan sa pagpapanggap nila sa harapan ng pamilya niya.Natigilan naman si Tracy. Mukhang hindi niya gusto ang narinig dito."Is that real? Dahil iba iyon sa nakita ko kaninang kumakain tayo. Habang kasama ang family mo, nakita ko kung gaano ka nage-enjoy. Kung hindi ko lang talaga alam na acting lahat mapapaniwala rin ako." Tudyo naman ni Tracy.Maang naman pinakatitigan ito ni Grace. Mababakas ang kagulumihan sa mukha ng babae. Hanggang sa tila nagliwanag ang mukha niya pagkatapos na ma-gets ang ibig tukuyin ni Tracy."Ikaw! Akala mo totoo na ang lahat ng ipinakita ko sa iyo kanina roon. Hoy! FYI iyong pagsubo-subo ng pagkain
PABABA na si Tracy Evanz sa kotse nang matanaw niya mula sa garden ng mansyon nito si Simon. Kasalukuyan nag-aalmusal ito kasama ang mag-ina nito."Goodmorning man! ang aga mo ngayon huh, akala ko mamaya ka pa darating." Pangungumpisa ng kaibigan kay Tracy matapos na bumati sa kanila at maupo.Malawak ang lawn ng kaibigan niya, may mini fountain sa gitna na dinadaluyan ng tubig sa naka-grave na angel na may dalang banga. Fully furnished din ang bermuda grass, sa isang banda ay naroon ang pinagawang playground ni Simon kay Letizia. Mahilig sa bulaklak si Lizy kaya iba't ibang naggagandahan mga halaman ang naroon."May kailangan kasi akong sabihin, Sa susunod na Buwan ikakasal na ako," diretsa niyang sabi. Kinuha niya ang tasa ng kape na ipinatimpla ni Simon sa isang maid na nagdala.Nakita niya mismo ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan. Hanggang sa tuluyan napahalakhak ito sa katuwaan."For real? man! kailan ka ba natutong magbiro. Ano bang nangyari at bigla-bigla ikakasal ka na?" Gulat
NAKAHARAP ngayon si Grace sa malaking salamin. Habang suot ang isang wedding gown, strapless slightly more flowy than a ball gown, A-lines have fitted bodices through the waist and cascade out towards the ground, resembling the outline of an uppercase "A." Ideal for all body types.Isang simpleng wedding gown lang ang pinili niya at hindi masiyadong mahal. Lalo si Tracy Evanz ang gagastos ng lahat para sa kasal nila.Iniisip niya pa lang na isang Buwan na lang ay magiging Mrs. Tracy Evanz Villasis na siya sa mata ng iba ay kakaba-kaba na siya. Kahit maka-ilang beses na sinasabi niya sa sarili na peke lang ang kasal na magaganap sa kanila.Napangiti siya ng makita niya mula sa salamin ang pagpasok ni Lara at ng anak niyang si Trace."Wow! Mommy, sobrang ganda mo naman sa suot mo." Puri sa kanya ng anak habang pinagmamasdan siya ng ilang ulit."Binibiro mo naman ako, Ace!" nakangiti niyang sabi na muling pinagmasdan ang sarili sa salamin. Kahit saan siya tumingin ay makikita ang rep
NGUNIT bago tuluyan magkadikit ang mga labi nila ay isang malakas na katok mula sa pinto ang naringgan nila.Oras mismo ay naglayo silang dalawa, habang si Trace ay nagtatakbo na palapit sa pinto na nakasarado kung saan naririnig niya ang pagtawag ni Lara.Nag-alis naman ng bara sa lalamunan si Tracy Evanz, habang si Grace ay tuluyan sinundan ang anak. Naiiling na lang siya na kamuntik ng magdikit ang labi nila nito!"Holla! everyone, ang nice naman kumpleto na kayong tatlo sa ganitong kaagang oras!" Pumalakpak pa si Lara."Kung ano man iyan iniisip mo, mali ka. Kadarating lang din ni Tracy, sige na paupuin mo na kasama mo." Tukoy ni Grace sa asawa nitong kasama nito sa pagpunta roon.Inaya naman ito ni Lara, ngunit bago iyon ay pinukulan muna siya na nanunudyong tingin. Lalo tuloy siyang pinamumulahan.Dumiretso na lang siya ng lakad papuntang kusina upang ipaghanda ng mame-meryenda ang kaibigan at asawa nito.Ngunit mukhang ayaw talaga siyang tigilan ng kaibigan. Dahil hanggang s
NAGTATAKANG bumaba sa engrandeng hagdan si Simon. Sinabihan kasi siya ng isang maid na mayroon siyang dumating na bisita.Nagtataka rin naman siya kung sino man iyon at naisipan siyang puntahan kahit dis-oras na ng gabi.Napangiti siya nang makita niya ang likod ng nakatalikod na bisita niya.Kilalang-kilala niya ito, walang iba kung 'di si Tracy Evanz. Kasalukuyan itong nagsasalin ng alak sa baso na linagyan nito ng ice cube."Bakit gabing-gabi na napadaan ka pa?" tanong ni Simon ng tuluyan siyang makalapit dito."Ikaw kasi ang unang naisip ko pagkatapos kong makipagkita kay Grace," casual na wika nito.Bigla naman nangunot ang noo ni Simon pagkarinig sa binanggit na pangalan ni Tracy Evanz."Grace? teka, pamilyar sa akin ang pangalan na sinabi mo. Oh, I remember siya iyong babae na nagbabantay ng boutique store sa Bilinggan." Namamangha din na wika ni Simon ng tuluyan maalala nito."Tama ka, siya nga. Pero mas ikagugulat mo ang nalaman ko ngayon-ngayon lang."Sa pagsasalita ng kai
ISANG sanggol na lalaki ang ipinanganak sa lumang ospital ng Balingga. Kahit labis na nahirapan ang ina nito upang ipanganak siya ay masasalamin pa rin sa mukha nito ang labis na saya habang pinagmamasdan nito ang malakas na pag-iyak ng sanggol na inuumpisahan ng balutin ng malinis na tela."Napaka-guwapong bata ng anak mo ija. Nakapag-desisyon ka na ba kung ano ang ipapangalan mo sa kanya?" tanong sa kanya ng Doktora na nagpaanak dito."T-Trace, Trace Villasis ang ipapangalan ko sa kanya," wika nito.Sa ilang sandaling lumipas ay tuluyan silang iniwan ng mga hospital staff. Matapos na masiguro ng mga ito na maayos na ang kalagayan nilang mag-ina.Kasalukuyan nagpapa-d*d* si Grace ng pumasok si Sonya ang ina ng dalaga. Kasabay nito ang amain niya."Hoy! babae anong gagawin mo ngayon naisilang mo na ang batang iyan. May ipapakain ka ba diyan?" Halos umusok ang ilong na salubong ng mismong ina.Ang totoo ay labis na nagalit ang ina ni Grace matapos nitong malaman na buntis siya. Magk...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments