UMPISA pa lamang ng pamamasukan ni Grace kay Tracy Evanz Villasis ay katakot-takot na puna ang naranasan niya sa loob ng kumpaniya nito.
Halos gusto na niyang umalis bilang secretary nito noong una. Ngunit dahil sa pakikiusap ng bestfriend niyang si Lara na biglaang ikinasal at nagbuntis sa French boyfriend nitong nakilala lang naman nito sa isang dating app."Please! Please Grace, huwag naman ngayon aalis ka na agad kay Boss. Hindi naman siya parating galit sa mundo, isipin mo na lang na kulang siya sa aruga kaya may pagka-moody ang isang iyon," wika ni Lara na kaparehas niya ay nakahiga rin mula sa kama.Hindi na bago sa kanya ang kuwentuhan siya dati ng mga pinaggagawa ng malupit nitong boss. Sa halos isang taon na namasukan ito kay Tracy Evanz Villasis ay katakot-takot na karanasan nito ang naririnig niya mula rito.Matagal na silang magkakilala , halos dalawang taon na rin ng maging mag-board mate sila sa paupahang apartment mula sa siyudad.Share sila sa upa at naging close sila dahil likas na palakaibigan si Lara, madaldal at over confident pa.Habang siya kabaliktaran, mahiyain at mababa ang self esteem."Iyon nga eh, malaki ang pasasalamat ko sa iyo na sa wakas nakahanap din ako ng matino-tinong trabaho at may magandang pasahod. Kaso..." wika ni Grace."Kaso, ano hindi mo matagalan ang ugali ni Boss?" Lara Stated.Tumango naman si Grace bilang pagsang-ayon, pero sa kabila noon may isa pa siyang dahilan kaya gusto na niyang umalis sa napasukan trabaho."Pakiusap Grace, next week na ang alis ko papunta France. Kaya wala na akong oras para maghanap ng substitute ko. Pero kung hindi mo na kayang makatagal, kakausapin ko na lang ulit si Boss," malungkot na wika nito.Hindi naman niya kayang tiisin ang kaibigan kaya pa naman niyang magtiis."Sige na, hindi na ako aalis. Para sa iyo, basta kapag naroon ka na huwag mong kalimutan tumawag sa akin palagi. Sobrang ma-mi-miss kita!" naiiyak niyang sabi.Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Lara at niyakap ng mahigpit ito."Promise, masasanay ka rin sa kasungitan ni boss," dagdag pa nito.Iyon ang huling pag-uusap nila ng kaibigan. Ngunit mukhang malabong mangyari ang sinasabi ng kaibigan."Ms. Demecia, come to my office now," wika ng boss niyang si Tracy Evanz mula sa sinagot niyang telepono sa ibabaw ng table niya.Kahit hindi pa niya natatapos ang ipinagawa nito sa kanya ay tuluyan na niyang iniwan iyon at pinuntahan ang boss niya.Tatlong katok muna ang ginawa ni Grace bago niya buksan ang pinto nito.Biglang lumukob ang kaba sa dibdib ng dalaga ng makitang tumutok ang malamig na titig ng boss sa kanya. Marahan naman siyang naglakad palapit habang nakasunod naman ang pansin pa rin ng masungit niyang boss."Ms. Demecia, tapos na ba ang ipinapagawa ko sa iyo?" Tinutukoy nito ang mga papeles na ibinigay nito kanina.Akma siyang sasagot ng pigilan siya nito."Enough, how many times na sasabihin ko. Ayaw ko ng babagal-bagal sa kumpaniya ko, sa laki ng pinapasahod ko sa iyo Ms. Demecia ay dapat efficient ka sa trabaho mo," matalim na sermon nito sa kanya."Y-yes sir, tatapusin ko ngayong gabi," utal niyang bigkas.Muli ay lantaran na naman ang pamumukol ng matatalim nitong mata sa direksyon niya.Sa araw na iyon ay ginawa nga niya ang gusto nitong mangyari. Nag-over time siya para matapos lamang ang lahat ng pinapagawa nito sa kanya.Halos pumatak na ang alas-onse ng gabi ng makalabas siya sa building. Dahil malalim na ang gabi ay halos desyerto na ang kalsada.Pero nagbakasakali pa rin siya na may dumaan na taxi man lang upang makauwi lang siya sa tinutuluyan.Kumaway na siya sa unang sasakiyan na namataan ng pansin niya. Ngunit laking gulat niya kung sino ang nakita niyang nagmamaneho mula sa loob."I-ikaw pala S-sir Villasis. Magandang gabi ho pala," nahihiya niyang pagbati rito."Anong oras na at nasa daan ka pa?" taka nitong tanong sa kanya."Po? k-kasi ho...""Sige na, pumasok ka na rito. ihahatid na kita pauwi." Pagpapatigil pa nito sa mga sasabihin niya.Kahit naiilang ay tuluyan ng sumakay si Grace. Pagod na rin naman siya at inaantok. Kaya hindi na siya mag-iinarte.Hindi iyon ang unang beses na nakasakay siya ng mamahalin sasakiyan. Ngunit masasabi niya na ang kotse ng boss niya ang pinaka-maganda at mahal sa tingin niya. Sabagay bilyonaryo ito, kahit ano kayang-kayang nitong makuha sa isang kisap-mata."Saan ka ba nakatira?" tanong nito mula sa mahabang katahimikan sa pagitan nila."Sa St. Reyes sir, ibaba niyo na lang ako sa unang grocery na makikita niyo," nahihiya niyang pagsasabi."Okay, lang naman kung ihatid na kita sa mismong harapan ng bahay niyo," wika nito."Hindi na sir," nahihiya niyang pagtanggi. Para sa kanya ay malaking abala na inihatid pa siya nito. Lalo at mukhang galing pa ito sa isang event, kahit nangingibabaw ang amoy ng mamahalin pabango nito ay langhap pa rin niya ang imported na klase ng alak mula rito."I insist it Grace, bakit may magagalit ba?"Nagulat siya sa pagkakabigkas ng pangalan niya sa mismong bibig nito. Sa limang buwan na pumapasok siya ay unang beses na banggitin nito ang first name niya. Nasanay kasi siya na last name basis sila mula sa trabaho. Naguluhan siyang lalo ng mapansin niya ang reaction mula sa mukha nito.Hindi niya sinagot ito, tuluyan na niyang itinuro ang tapat ng apartment na tinutuluyan niya ng makarating sila roon."Sorry sa abala sir, sige po, salamat po sa paghatid sir," naiilang niyang sabi.Akma niyang bubuksan ang pinto ng bigla siyang hawakan sa kamay ng boss niya."B-bakit sir?" nagtataka niyang tanong habang nauutal. Sobrang kaba na rin ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon habang nakatitig siya sa magandang mata ni Tracy Evanz. Para siyang nahihinoptismo sa paraan ng pagkakatitig nito ngayon sa kanya."I don't just accept thank you from you. This will do..." Sabay ng paghila nito sa kanya palapit. Para siyang nawala sa katinuan ng mapagtanto niyang magkalapat na ang labi nila at lantaran na siyang hinahalikan ng boss niya!Napapikit siya ng mariin at halos manginig ang buong katawan niya, hindi dahil malamig sa loob ng sasakiyan nito. Ngunit dahil kung saan-saan na dumarapo ang mapangahas nitong kamay buhat sa katawan niya.Bago pa mawalan ng lakas ng loob na pigilan ni Grace ang boss niya ay ubod-lakas na niyang itinulak ito palayo.Sa kabiglaan niya ay mukhang napalakas iyon dahil nauntog pa ito."Fvck!" Dinig ni Grace na anas nito."S-sorry sir, sige po paalam." Nagmamadali na siyang bumaba pagkatapos na hindi man lang nilingon ang lalaki.Kinabukasan pumasok pa rin siya kahit sobrang napuyat siya kagabi. Ang nangyari sa pagitan nila ng malupit niyang boss ang dahilan kung bakit nahirapan siyang makatulog.Saktong napahikab siya mula sa kinauupuan ng bumukas ang pinto ng elevator at iluwa niyon ang lalaking laman ng isip niya ng mga oras na iyon.Nagkatitigan pa sila nito at halatang maging ito ay may malalim na iniisip.Nagkunwari na lang si Grace na hindi napansin ito. Ngunit, bigla rin napaangat ang mukha niya ng tawagin siya nito."About yesterday Ms. Demecia, forget it. Hindi ko sinasadiya ang nangyari kagabi."Tumango naman si Grace na tila sinasang-ayunan ang sinabi nito.Tuluyan siyang naiwan doon ng boss niya. Habang siya nanatiling napapaisip."Tama naman siya Grace, hindi niya sinasadiya. Lasing siya kagabi at ikaw ang babaeng kasama niya ng mga oras na iyon. Kaya lahat ng iyon ay pagkakamali lang." Paulit-ulit niyang sinasabi.Ngunit tila hindi sumasang-ayon ang puso niya. Matulin na lumipas ang araw at linggo, napapansin niya na nag-iiba ang trato sa kanya ng boss.Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya kung ano kaya ang trip nito.Hanggang isang hapon ay sinamantala ni Grace na kausapin ng masinsinan si Tracy Evanz.Hindi na siya natutuwa sa mga ipinapakita nito sa kanya. Dahil habang nagtatagal ay patindi na ng patindi ang nararamdaman niya para rito."Pumasok ka muna, ikukuha lamang kita ng maiinom. May mahalaga na rin akong sasabihin sa'yo," wika ni Grace.Tuluyan naman naupo ito sa sofa na naroon. Iyon ang unang beses na nakapunta sa apartment niya si Tracy Evanz, mabuti at nakapaglipit siya kanina. Kaya kahit paano maayos tignan ang kabahayan.Pagkalapag niya ng baso ay kaagad na rin nag-usisa ito."May mahalaga ka bang sasabihin Grace?""Didiretsahin na kita, hindi ko gustong nakikipaglapit ka sa akin. Tigilan na natin ito," matapat niyang wika.Maang naman siyang pinakatitigan ng binata. mukhang hindi na nito ikinagulat ang sinabi niya."Hindi ko yatang gawin ang sinasabi mo. Sa totoo lang gusto ko ang meron tayo ngayon, you know Grace ngayon ko lang ito naramdaman. Kaya sana pagbigyan mo ako." Hindi pa rin makapaniwala si Grace.Ngunit ng hagkan siyang nito at yapusin, nagpa-ubaya siya. Hinayaan niyang matangay, maramdaman kahit saglit na totoo ito sa nararamdaman sa kanya. Kahit napakaimposible lahat ng iyon ay ay binigay niya ang iniingatan puri.Papadilim na mula sa labas at ang unang patak ng ulan ang hudiyat ng pag-angkin nito sa kanya.TWO YEARS AGO...MASIGABONG Palakpakan ang namayani, matapos na mag-announce ng pare na nagkasal kina Simon at Lizy. Kababata at naging malapit na kaibigan niya ang dalawa noong nag-aaral pa lamang siya ng college sa America.Laging kasa-kasama siya ng mga ito sa tuwing lumalabas ang dalawa. Saksi siya kung paano na-develop sa isa't isa ang mga ito.Tuluyan idinampi ni Tracy Evanz sa labi ang baso na naglalaman ng champagne ng makarating siya mula sa reception. Iyon ang unang tinikman niya, busog pa naman siya kaya wala siyang balak na kumuha ng makakain sa buffet table.Pumwesto siya sa dulong bahagi, upang makaiwas sa nakararami. Ngunit mukhang ayaw siyang tantanan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Dahil pansin na pansin pa rin siya mula sa kinaroroonan niya."Hello! man ang akala ko hindi ka makakadalo sa kasal namin ni Lizy, I'm glad you came," natutuwang ani ni Simon na inakbayan pa siya ng kaibigan."Naging busy lang ako dahil sa dami ng trabaho sa company. Masaya akong maki
ITINULAK na lang niya ang slide door papasok sa boutique. Bago at maluwang iyon, maliwanag na maliwanag mula sa loob. Sa pagpasok niya ay may nakahilerang sofa at babasagin lamesa sa gitna. May chandeliers, ang bawat panig at may mga halaman na naka-display din.Makikita ang mga cabinet glass na naglalaman ng mga tindang alahas sa loob. Habang sa isang panig ay naroon ang naka-hanger na iba't ibang klase ng mga latest wear clothes.Tuluyan siyang pumasok sa loob ng wala siyang makitang ibang tao. Nagpalinga-linga siya para maghanap ng taong kakausapin, ngunit wala siyang makita. Akma niyang kukuhanin mula sa suot niyang slacks ang Iphone niya ng bigla siyang makarinig ng boses sa bandang likuran niya.Nang lingunin niya ito, isang batang lalaki na umeedad dalawa sa tingin niya ang nabungaran niya. Sa hindi malaman dahilan ay ayaw niyang ialis ang paningin sa mukha ng bata."Hello kid, what is your name?" Hindi mapigilan ni Tracy Evanz na makipag-usap dito. Yumukod pa siya para magpan
TILA nasukol si Grace mismo sa mga sandaling iyon. Ano ba dapat ang isagot niya sa tanong ni Tracy Evanz. Lalo at nasa harapan pa nila ang anak.Mula sa pagkakatitig sa inosenting mukha ni Trace ay mapapansin ang pag-aasam sa magiging sagot niya.Sino man ang nasa lugar niya, tama man o hindi ang gagawin niyang desisyon. Isa lang ang nasa isipan niya, ang nararapat sa anak niya."O-of course a-anak, p-pakasalan ko ang D-Daddy mo. Kaya halika na, late na rin." Aya niya sa anak.Sa kabiglaan niya ay nagtatalon na yumakap ito sa kanya."Yes! Yes! may Daddy na ako, magiging buo na rin family natin!" masiglang paghihiyaw ng bata na nagalak talaga sa pagsagot niya.Matipid naman nangiti si Grace at muling humayon ang pansin nito kay Tracy Evanz na parehas niya'y nagagalak sa nangyayari ngayon."For now, pabayaan mo akong ihatid kayo," pangungumbinsi ni Tracy Evanz na humihingi ng permiso niya.Aayaw pa sana ulit ni Grace, ngunit dahil nakatingin sa kanila si Trace ay pumayag na rin siya.Ma
NAGTATAKANG bumaba sa engrandeng hagdan si Simon. Sinabihan kasi siya ng isang maid na mayroon siyang dumating na bisita.Nagtataka rin naman siya kung sino man iyon at naisipan siyang puntahan kahit dis-oras na ng gabi.Napangiti siya nang makita niya ang likod ng nakatalikod na bisita niya.Kilalang-kilala niya ito, walang iba kung 'di si Tracy Evanz. Kasalukuyan itong nagsasalin ng alak sa baso na linagyan nito ng ice cube."Bakit gabing-gabi na napadaan ka pa?" tanong ni Simon ng tuluyan siyang makalapit dito."Ikaw kasi ang unang naisip ko pagkatapos kong makipagkita kay Grace," casual na wika nito.Bigla naman nangunot ang noo ni Simon pagkarinig sa binanggit na pangalan ni Tracy Evanz."Grace? teka, pamilyar sa akin ang pangalan na sinabi mo. Oh, I remember siya iyong babae na nagbabantay ng boutique store sa Bilinggan." Namamangha din na wika ni Simon ng tuluyan maalala nito."Tama ka, siya nga. Pero mas ikagugulat mo ang nalaman ko ngayon-ngayon lang."Sa pagsasalita ng kai
NGUNIT bago tuluyan magkadikit ang mga labi nila ay isang malakas na katok mula sa pinto ang naringgan nila.Oras mismo ay naglayo silang dalawa, habang si Trace ay nagtatakbo na palapit sa pinto na nakasarado kung saan naririnig niya ang pagtawag ni Lara.Nag-alis naman ng bara sa lalamunan si Tracy Evanz, habang si Grace ay tuluyan sinundan ang anak. Naiiling na lang siya na kamuntik ng magdikit ang labi nila nito!"Holla! everyone, ang nice naman kumpleto na kayong tatlo sa ganitong kaagang oras!" Pumalakpak pa si Lara."Kung ano man iyan iniisip mo, mali ka. Kadarating lang din ni Tracy, sige na paupuin mo na kasama mo." Tukoy ni Grace sa asawa nitong kasama nito sa pagpunta roon.Inaya naman ito ni Lara, ngunit bago iyon ay pinukulan muna siya na nanunudyong tingin. Lalo tuloy siyang pinamumulahan.Dumiretso na lang siya ng lakad papuntang kusina upang ipaghanda ng mame-meryenda ang kaibigan at asawa nito.Ngunit mukhang ayaw talaga siyang tigilan ng kaibigan. Dahil hanggang s
NAKAHARAP ngayon si Grace sa malaking salamin. Habang suot ang isang wedding gown, strapless slightly more flowy than a ball gown, A-lines have fitted bodices through the waist and cascade out towards the ground, resembling the outline of an uppercase "A." Ideal for all body types.Isang simpleng wedding gown lang ang pinili niya at hindi masiyadong mahal. Lalo si Tracy Evanz ang gagastos ng lahat para sa kasal nila.Iniisip niya pa lang na isang Buwan na lang ay magiging Mrs. Tracy Evanz Villasis na siya sa mata ng iba ay kakaba-kaba na siya. Kahit maka-ilang beses na sinasabi niya sa sarili na peke lang ang kasal na magaganap sa kanila.Napangiti siya ng makita niya mula sa salamin ang pagpasok ni Lara at ng anak niyang si Trace."Wow! Mommy, sobrang ganda mo naman sa suot mo." Puri sa kanya ng anak habang pinagmamasdan siya ng ilang ulit."Binibiro mo naman ako, Ace!" nakangiti niyang sabi na muling pinagmasdan ang sarili sa salamin. Kahit saan siya tumingin ay makikita ang rep
PABABA na si Tracy Evanz sa kotse nang matanaw niya mula sa garden ng mansyon nito si Simon. Kasalukuyan nag-aalmusal ito kasama ang mag-ina nito."Goodmorning man! ang aga mo ngayon huh, akala ko mamaya ka pa darating." Pangungumpisa ng kaibigan kay Tracy matapos na bumati sa kanila at maupo.Malawak ang lawn ng kaibigan niya, may mini fountain sa gitna na dinadaluyan ng tubig sa naka-grave na angel na may dalang banga. Fully furnished din ang bermuda grass, sa isang banda ay naroon ang pinagawang playground ni Simon kay Letizia. Mahilig sa bulaklak si Lizy kaya iba't ibang naggagandahan mga halaman ang naroon."May kailangan kasi akong sabihin, Sa susunod na Buwan ikakasal na ako," diretsa niyang sabi. Kinuha niya ang tasa ng kape na ipinatimpla ni Simon sa isang maid na nagdala.Nakita niya mismo ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan. Hanggang sa tuluyan napahalakhak ito sa katuwaan."For real? man! kailan ka ba natutong magbiro. Ano bang nangyari at bigla-bigla ikakasal ka na?" Gulat
INIHATID pa ni Grace sa mismong sasakiyan nito si Tracy Evanz."Hindi mo naman kailangan na ihatid ako Ace," wika ng binata."Huwag mong bigyan ng malisya ang ginagawa ko. Parte lamang ito ng ating plano," mataray na sambit naman ng dalaga na humalikipkip sa harapan nito.Dapat magpasalamat ito sa kanya, dahil siya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi mahirapan sa pagpapanggap nila sa harapan ng pamilya niya.Natigilan naman si Tracy. Mukhang hindi niya gusto ang narinig dito."Is that real? Dahil iba iyon sa nakita ko kaninang kumakain tayo. Habang kasama ang family mo, nakita ko kung gaano ka nage-enjoy. Kung hindi ko lang talaga alam na acting lahat mapapaniwala rin ako." Tudyo naman ni Tracy.Maang naman pinakatitigan ito ni Grace. Mababakas ang kagulumihan sa mukha ng babae. Hanggang sa tila nagliwanag ang mukha niya pagkatapos na ma-gets ang ibig tukuyin ni Tracy."Ikaw! Akala mo totoo na ang lahat ng ipinakita ko sa iyo kanina roon. Hoy! FYI iyong pagsubo-subo ng pagkain
TRACY EVANZ awoke beaming that morning. She was now looking at Grace, who was looking extremely serene. She was now focusing on her soft face and those beautiful, enticing eyelashes. He could devour her pouty lips and pointless nose whenever he wanted a kiss. Her cheeks were flushed, as though she had kissed him the night before. Her thick brows accentuated her beauty. Grace’s beauty may be plain, but he’s madly in love with her right now.Bumaba pa ang tingin niya, nakayakap lang naman dito ang kumot nila. Wala itong suot na ano man, kaya lalong nag-iinit ang pakiramdam niya. Kaunting-kaunti na lang ay gigisingin niya ito sa mainit na halik at saka gagawin ang nais niya rito.But he will not do that today. Maaga ang pasok niya ngayon sa opisna.As usual, kahit kakasal pa lang nila ay kinakailangan niyang pumasok. Marami siyang nabinbin na trabaho kaya kakailanganin niyang bilisan ang galaw at baka ma-late pa siya.He ultimately got up and walked naked from the bathroom door. Washed h
LATE na rin nakauwi sina Grace. Alas-diyes na rin ng gabi, kaya sobrang napagod ang batang si Trace sa naging bonding nilang pamilya sa Araw na ‘yun. “Ako ng bahala sa kanya. Mauna ka na sa banyo,” wika ni Grace nang matagpuan niya si Tracy na nasa loob pa rin ng silid nito si Trace.Nakaupo sa may tabi ng kama ito, habang pinagmamasdan ang payapang pagtulog ng kanilang Anak.Biglang iniwas naman ni Grace ang paningin ng magkatagpo ang mga mata nila. “Thank you Grace sa pagbibigay sa akin ng chance para makabawi sa Anak natin,” masuyong saad nito.“Hindi ka dapat nagpapasalamat. Dahil may karapatan ka naman na gawin ang gusto mong alam mong ikakabuti at ikasisiya ni Trace,” nasabi ni Grace na tumango-tango. Nahihiya niyang iniwas ang paningin dito. Ewan ba niya, kung ano-ano na lang ang nararamdaman niya sa simpleng pasasalamat nito.Sa hindi inaasahan pangyayari ay ang ginawa nito pagkatapos. Inabot ni Tracy Evanz ang magkabila niyang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit. Na lalong
MAALIWALAS, maluwang at bagong-bago pa ang bahay na pinagdalhan sa kanila ni Tracy Evanz. Nangangamoy pa ang pintura na ginamit para roon.Nasa entrada lang naman sila Grace at ang Anak niyang si Trace. Habang naglilimayon ang kanilang tingin sa kabuuan ng kabahayan. Tatlong palapag iyon, may living area, dining, 2 bed rooms at isang master bed room. Nauukopahan na rin ng kanya-kanyang banyo ang bawat silid. Ang dinig area ay maluwang at halos kumpleto at moderno ang mga kagamitan at pagkakaayos. May guest room din para sa bisita na darating kung sakali. Mula sa labas ay naroon ang garden na natataniman ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak. May benches at playground din. May malawak na pool at mini pool din. Nalaman din niya na may sariling opisina rin ang Asawa kung sakali na may iuuwi itong mga paper work galing sa trabaho. Habang nakamasid silang mag-ina ay naroon si Tracy Evanz na masayang ipinapakita ang kabuuan ng kanilang magiging bagong tahanan.“What do you think, darling
NASA silong ng mangga si Grace, habang nakamasid lamang naman siya sa maberding kapaligiran.Kapag umuuwi siya galing siyudad. Doon siya naglalagi kapag gusto niyang mapag-isa para makapag-isip. Sa dami ng nangyari ay iyon ang higit na kinakailangan niya ngayon. Ang payapang kapaligiran ay nagbibigay sa kanya ng matiwasay na kaisipan. Nasa ganoon siyang sandali ng pumaroon si Tracy Evanz.“I finally found you; I’ve been looking for you for a while. Well, Daddy Lino just told me that I’ll see you here,” the young man said softly. He moved closer and sat in his place without saying a word.Sa sandaling iyon ay wala silang imik, tila ba ene-enjoy nila ang napakagandang tanawin na kanilang sinisilayan ng mga sandaling iyon.Hanggang sa si Grace na rin ang hindi nakatiis at nagsimulang magsalita matapos ang mahabang patlang sa pagitan nila.“Pasensya ka na sa nasaksihan mo kaninang umaga sa pamilya ko. Nakakahiya tuloy.”Sa pagkakasabi ni Grace yaon ay napagawi naman ang tingin ng binata