MAHIGPIT NA yakap ang isinalubong ni Rosette nang makita niyang buhay na buhay si Fifth. Habang dinakip naman ng mga pulis si Eunice at ang mga kasabwat nito. Natumbok din ng police captain na si Aron Dominguez ang isang kasabwat na pulis ni Eunice kung kaya't agad itong nasibak sa pwesto. "Sandali! Hindi p'wedeng kami lang ang hulihin n'yo!" hinaing ni Eunice. At nang lumingon ito sa kaibigang si Cassandra ay mas hinigpitan naman ni Samuel ang paghawak sa asawa. "Kusang sumuko si Cassandra sa mga pulis, at saka wala naman talaga siyang kinalaman sa pagpapadukot mo kay Fifth, e, ikaw ang mastermind, Eunice at wala ng iba kasabay nang pagpapasunog mo sa shop nila!" matapang na pagkakasabi ni Samuel. "Cassandra, ano 'to? Laglagan? Ikaw malaya habang ako ay habang buhay na makukulong?" "Hindi ako katulad mo, Eunice na walang konsensya. Magkaibigan nga tayo pero hindi tayo pareho nang takbo ng utak," sagot ni Cassandra habang may bahid na kirot iyon sa kaniyang kalooban. Sa totoo lang
FEW YEARS LATER.. Sa sobrang dami nang nangyari sa nakalipas na anim na taon ay hindi namalayan nina Rosette at Fifth na malaki ang ipinagbago ng kanilang buhay. Malayong-malayo ito noong nagsisimula pa lamang silang magsama. Matapos ma-promote ni Fifth bilang sales supervisor sa kompanyang pinapasukan niya ay mas na-promote pa siya sa trabaho bilang isang regional manager. Kaya naman sakop na niya ang buong Region ng Calabarzon, dahilan para mas magpursige silang magsimula ng negosyo ni Fifth, kung saan ay isang phone accesories and repair shop ang kanilang naisipang itayong negosyo. Kaya naman naging magaan ang pagpasok ng pera sa kanilang pagsasama. Dahil dito ay nakabili na sila ng rent to own na bahay sa Batangas. Nakabili na rin sila ng four wheel na sasakyan, napagtapos niya na rin ng pag-aaral si Roselle kaya may magandang trabaho na rin ito habang ilang taon na lang ay graduating na rin ang bunso nilang kapatid na si Rowel at mismong si Roselle na ang nakatokang mgpatapos dit
"Mom, where the hell are you saying the most liable lawyer in the country? Kailangan ko ba talagang amagin dito bago mapiyansahan?" bulalas ni Eunice nang magawa itong bisitahin ng kaniyang ina. "I'm so sorry, my daughter, I did my best to find the most dedicated and liable lawyer but unfortunately, they would not willing to help you. No bail at masyadong mabigat ang kinakaharap mong kaso and you had no other options kundi ang pagbayaran ito ng ilang taon."Napasabunot sa sariling buhok si Eunice matapos na mabigo sa narinig. Ngunit, hindi naman siya papayag na gano'n-gano'n na lang ang kahahantungan niya. "Ano? But it was just an attempted homicide, not a frustrated one! Malaki ang pagkakaiba no'n. And you see, mom? Buhay na buhay si Fifth, hindi ba nila naisip na ako rin ang dahilan kung bakit buhay pa rin siya ngayon?" "I knew it, Eunice. But you have to accept na hindi lang iyon ang kasong isinampa nila laban sa'yo, kidnapping, theft and even fencing. My daughter, kahit bailable
AFTER SEVERAL months ay tuluyan na muling nakapaglakad si Fifth sa tulong ng kaniyang walk therapy session. At kasabay nang pagsisikap ni Rosette na balikan nila ang lahat ng kanilang alaala ay unti-unti na ngang bumalik ang kaniyang mga alaala.Sa kasalukuyan ay naibalik na rin sa pangangalaga niya ang kaniyang Suzuki Burgman na motorsiklo. Kung saan ay malaki ang pasasalamat niya sa Makati police station sa pag-iingat nito sa kaniyang pag-aari. Dahil dito ay nanaig sa kaniyang isipan na dapat lamang niyang kausapin sina Eunice at Zoren sa pagbabalak nito ng masama noon sa kaniyang motorsiklo. Gayundin sa pangingialam ni Eunice sa kaniyang sariling ipon na para sana ay sa kinabukasan nilang dalawa ni Rosette. Kahit papaano ay nawawala ang mga isipin niya magmula nang magpasya na rin siyang bumalik sa pagbabanda at ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng mga nangyari. Hindi niya lubos akalain na pareho lang pala silang nangulila ni Rosette, at nais niyang bumawi rito sa mga panahong nawal
ONE UNEXPECTED call from Fifth was approaching in the middle of the night. Buong akala ni Rosette ay namamalikmata lamang siya ngunit nang idilat niyang muli ang mga mata ay doon niya lang napatunayan na tumatawag nga ito. Walang paligoy-ligoy na sinagot niya ang tawag habang namumuhay ang kaba sa kaniya. "Hello?" pagbungad niyang sabi.It tooks ten seconds before she heard his voice. "Rosette." Tila ba kay sarap marinig iyon mula kay Fifth na sinasambit nito ang kaniyang pangalan."O? Akala ko, ayaw mo akong makausap," prangkang pagkakasabi niya ngunit sinigurado niyang hindi tataas ang tono ng kaniyang boses."Ang totoo niyan. I would like to apologize to you." Sandali siyang napaupo mula sa pagkakahiga. Kasalukuyan na kasi siyang nagpapahinga ng mga oras na 'yon habang nagluluto naman ng hapunan ang kaniyang ina. Hindi pa man siya nakakaimik ay nagawa na muli nitong magsalita, "Maraming na-i'kwento sa akin si mama about you, and I'm so sorry kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin tal
DUMATING ANG araw kung saan ay kailangan na ring magdesisyon ni Rosette. Aaminin niyang ilang araw niya rin itong pinag-isipan, matapos sumubok muli ni Levi na manligaw sa kaniya ay siyang pagbabalik naman ni Fifth sa kanilang buhay ni Baby Seven. At dahil doon ay napagtanto niya kung sino ang mas matimbang sa puso niya. "Levi, magkita tayo mamaya." Iyon ang mga tinipa niya sa screen ng kaniyang cellphone bago pa man muling magsimula ang araw niya sa trabaho.Matatandaang nakakailang puntos na rin si Levi simula nang magpatuloy ito sa panliligaw at minsan niya na ring kwinestyon ang kaniyang sarili sa tunay na nararamdaman niya sa binata."Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? As in-- final na?" paniniguro sa kaniya ni Julianna habang sabay silang kumakain no'ng lunch break. Silang dalawa lang ngayon ang magkasama dahil nataong day off ni Mikaela. Sinentro niya ng tingin si Julianna at sinabi, "Oo, Juls, sigurado ako." Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Julianna bag
NAGPATULOY ang recovery ni Fifth kasabay ng walk therapy niya. In fact, pinayagan naman na ng therapist si Fifth na sa bahay na lamang siya mag-ensayong maglakad-lakad lalo na't sadyang malayo ang distansya ng bahay ng magulang niya sa clinic. Wala rin naman kasing permanenteng resident address si Fifth sa ngayon kung kaya't hindi rin alam ng therapist nito kung paano makakapag-adjust sa oras. At para siguraduhin kung talagang may improvement na ba sa kaniyang paglalakad ay kinakailangan nilang lumuwas mag-ina sa Maynila. "It's good to know that he has been more improving since day one," wika ng physical therapist na si Mr. Dizon. Fifth was smiled. But for a second, he used to think of something, maybe because, it was still confusing to think what life he used to be before. Kahit na palaging sinasabi sa kaniya ng parents niya na mayroon siyang girlfriend ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit parang hindi iyon natatandaan ng puso niya. Siguro ay kinakailangan niya munang makit
HINDI NAGLAON ay nakarating sa kaalaman ng mga magulang ni Eunice ang nangyari sa kaniya."What the mess that you've done, Eunice?" singhal ng ama niya habang napupuno nang pagkadismaya ang mukha nito sa harapan niya. "Felipe, you don't have to say that to our daughter!" saway dito ng kaniyang ina na si Ezra. "At kinukunsinte mo pa talaga ang anak natin, hah?" ganting sagot ng kaniyang ama. Lulan na rin ng galit nito sa mga natuklasang pinaggagawa niya. Mula sa pagpapanggap na buntis ito at si Fifth mismo ang ama hanggang sa patong-patong na kasong kinakaharap nito. "Dad, mom, hindi n'yo kailangang mag-away, I know all my fault at pinagbabayaran ko na 'yon ngayon." "And you are proud of what you've done? Eunice, ang taas ng expectation namin sa'yo ng mommy mo. And do you think sa ginawa mo ay matutulungan ka pa naming makalaya? Even the most reliable attorney would not help you. Just because, matindi ang karampatang parusa ng mga ginawa mo!" Napahikbi si Eunice sa pamamagitan ng l
THE DAYS have been better approaching as the stars were starting to light again. Ngayong panatag na si Rosette na nasa piling na ng magulang nito si Fifth, ay umaasa siya isang araw na magbabalik ito sa buhay nila ni Baby Seven. "O, anak, mag-ingat ka sa pagpasok, hah?" "Opo, nay. Bye, anak!" Pinapak niya ng halik si Baby Seven at sa pagkakataon na 'yon ay tila mabigat sa kalooban niya na iwan ito. Ewan ba niya, nasanay lang siguro siya na palaging kapiling ang anak no'ng naka-maternity leave siya. Pero ngayon ay back to reality na talaga kung saan ay kinakailangan niyang maghanap buhay. Habang sakay ng tricycle ay sandali niyang pinag-isipan ang sinabi sa kaniya ni Jed. "Panahon na nga ba para bumalik ako sa pagbabanda? O baka naman may mas maganda pang oportunidad ang naghihintay sa akin sa musika?" tanong niya sa sarili. Naisip niya kasi na kung babalik siya pagbabanda ay hindi malabong awayin lang ulit siya ni Miriam, bagay na ayaw niya ulit mangyari. Saka niya naalala ang min
IN THE middle of the night, Fifth was finding the letter collections from his ex-girlfriends. Only to find out the main reason on why would they left him despite of the unconditional love that he gave. All through the years, his life wasn't fortunate to have a long term relationship, it would always end up with back to strangers after a month. He didn't know why. Aside from being a bachelor, at the age of twenty seven, he had everything-- good looks, talent and a good career. So, how could every girl that came in his life would always left him?Ano pa ba ang kulang sa kaniya?Selena.. Carla.. Fiona.. Heidi.. Lovely.. Limang babae na ang dumating sa buhay niya pero wala kahit isa ang tumagal at nag-stay sa buhay niya. At talagang sumakto pa talaga sa pangalan niya ang bilang ng break up na naranasan niya. Maybe because he was workaholic or out of their standard for being a husband material. Ang plano sana niya ay kapag may isang babae na tumagal sa kaniya ng isang taon ay aayain na ni...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments