Hating My Possessive Husband

Hating My Possessive Husband

last updateHuling Na-update : 2025-03-22
By:  Lianna Jaze Fierra In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 Mga Ratings. 4 Rebyu
40Mga Kabanata
259views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Samantha Sky Smith never imagined that one day, she’d wake up as Mrs. Krim Kuen Vryzks—ang lalaking kinatatakutan at ginagalang sa mundo ng negosyo at impluwensya. Walang puso, walang awa, at walang pakialam kung ano ang gusto niya. Ang kasal nila ay isang kasunduan, pero para kay Krim, ito ay isang panalo. Para kay Samantha? Isang bitag na hindi niya alam kung paano tatakasan. Binigyan siya ni Krim ng isang linggong palugit bago niya ito angkinin nang tuluyan. Isang linggo para tanggapin ang bagong realidad na hindi niya ginusto. Pero habang lumilipas ang mga araw, mas lalong nagiging malinaw sa kanya ang isang bagay—hindi lang galit ang nararamdaman niya kay Krim. At iyon ang mas kinatatakutan niya. Sa pagitan ng panggigipit, matitinding emosyon, at isang kontratang bumihag sa kanya, magagawa kaya ni Samantha na manatiling matatag? O tuluyan na siyang mahuhulog sa patibong ng lalaking dapat ay kinamumuhian niya?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

Malamig ang simoy ng hangin nang tumapat ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng bridal suite. Naka-ayos na ako, suot ang pinakamahal na wedding gown na siguro’y nakita ko sa buong buhay ko—pero kahit gaano ito kaganda, hindi nito kayang itago ang pait sa puso ko. Kasal ko ngayon. Pero hindi ko ito ginusto. “Sam…” Tawag ng boses ni Ivy, ang matalik kong kaibigan. Nakatingin siya sa akin sa salamin, halata ang pag-aalala sa mukha niya. “Sigurado ka ba rito? Pwede pa tayong tumakas.” Natawa ako nang mapait. Tumakas? Sa tingin ba niya may saysay iyon? “Tingin mo hahayaan niya akong umalis?” bulong ko, pilit na nilalabanan ang luha sa mga mata ko. “Alam mo kung sino siya, Ivy. Wala akong kawala.” Krim Kuen Vryzks. Ang lalaking ipinasok sa buhay ko nang hindi ko kagustuhan. Ang lalaking hindi ko kilala pero kai...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Ellie Reads
This story deserve a rate!
2025-02-26 11:06:52
0
user avatar
Ellie Reads
.........
2025-02-26 11:06:02
0
user avatar
Rica Hipolito
Nice story, waiting on your next update...
2025-02-26 10:53:17
0
user avatar
Mc Mchoronicles
more updates pa author sure na maraming gustong magbasa neto keep on writing 🤍
2025-02-25 00:05:07
0
40 Kabanata
Chapter 1
Malamig ang simoy ng hangin nang tumapat ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng bridal suite. Naka-ayos na ako, suot ang pinakamahal na wedding gown na siguro’y nakita ko sa buong buhay ko—pero kahit gaano ito kaganda, hindi nito kayang itago ang pait sa puso ko. Kasal ko ngayon. Pero hindi ko ito ginusto. “Sam…” Tawag ng boses ni Ivy, ang matalik kong kaibigan. Nakatingin siya sa akin sa salamin, halata ang pag-aalala sa mukha niya. “Sigurado ka ba rito? Pwede pa tayong tumakas.” Natawa ako nang mapait. Tumakas? Sa tingin ba niya may saysay iyon? “Tingin mo hahayaan niya akong umalis?” bulong ko, pilit na nilalabanan ang luha sa mga mata ko. “Alam mo kung sino siya, Ivy. Wala akong kawala.” Krim Kuen Vryzks. Ang lalaking ipinasok sa buhay ko nang hindi ko kagustuhan. Ang lalaking hindi ko kilala pero kai
last updateHuling Na-update : 2025-02-14
Magbasa pa
Chapter 2
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa gitna ng kwarto ko, pero pakiramdam ko, hindi ako makahinga. Isang linggo. Iyon ang binigay niyang palugit bago niya ako angkinin nang tuluyan. Napaupo ako sa gilid ng kama, pilit na iniintindi ang sitwasyon ko. Gusto kong isipin na kaya ko siyang labanan, pero alam kong si Krim Kuen Vryzks ang taong hindi tinatanggihan. “Damn it,” bulong ko sa sarili ko habang pinipisil ang sentido ko. Bakit ko pa ba nilalabanan? Wala naman akong kawala. Napatayo ako nang marinig ang marahang pagkatok sa pinto. Ilang segundo lang, bumukas ito at bumungad ang isang babae—mukhang nasa late thirties, pormal at may matapang na aura. “Madam, ako po si Amelia. Ako po ang head maid dito sa mansion,” magalang niyang pagpapakilala. “Pinadala ako ni Sir Krim para ipaalala na bumaba kayo para sa hapunan.” Napakunot ang noo ko. Gusto niyang kumain kami nang sabay? Nag-aalangan akong tumayo. Wala akong gana, pero alam kong mas lal
last updateHuling Na-update : 2025-02-14
Magbasa pa
Chapter 3
Mabilis akong lumabas ng opisina niya, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Ramdam ko pa rin ang init ng titig niya, ang bahagyang pagdampi ng balat niya sa akin, at higit sa lahat—ang mga salitang binitiwan niya. "Sa loob ng isang linggo, magiging akin ka rin." Napakuyom ako ng kamao. No. Hindi ko hahayaan. Pagdating ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon, pinipilit pakalmahin ang sarili. Masyado nang delikado ang sitwasyon ko. Kung gusto kong makatakas, kailangan kong kumilos bago maging huli ang lahat. Lumapit ako sa bintana at sinilip ang labas. Tulad ng inaasahan, may ilang lalaking nakabantay sa paligid—siguradong u
last updateHuling Na-update : 2025-02-15
Magbasa pa
Chapter 4
Iniabot ng isang matandang lalaki ang kamay niya para kamayan ako. Pinilit kong ngumiti at tinanggap ang kamay niya, ngunit sa sandaling iyon ay naramdaman ko ang bahagyang panlalalamig ng kanyang palad—o marahil ako lang ang kinakabahan? “Magandang gabi po,” sagot ko nang pormal, sinusubukang itago ang anumang emosyon sa boses ko. Napansin kong bahagyang tumaas ang kilay ng matanda habang pinagmamasdan ako, para bang sinusuri niya ako gaya ng ginagawa ni Krim. "Interesting," bulong niya bago bumaling muli kay Krim. "Kakaiba siya." Napansin ko ang bahagyang pag-igting ng panga ni Krim, ngunit hindi niya iyon pinansin. "Bakit hindi ka muna makisalamuha sa ibang mga bisita, Samantha?" mahinang sabi niya sa akin. "May kailangan lang kaming pag-usapan ni Mr. Navarro." Nag-aalangan man, tumango ako. Sa puntong ito, hindi ako pwedeng gumawa ng eksena. Kailangang matuto akong gumalaw nang maingat kung gusto kong makahanap ng paraan para makatakas. Lumayo ako sa kanila,
last updateHuling Na-update : 2025-02-23
Magbasa pa
Chapter 5
Napansin ko ang bahagyang pagngiti ni Aldo, ngunit sa likod nito ay may kung anong hindi ko maipaliwanag—parang may alam siyang isang lihim na hindi ko pa natutuklasan. "Relax, Krim," aniya, bahagyang tinaas ang isang kamay na parang sumusuko. "Gusto ko lang makilala ang asawa mo. Maraming matutuwa na malaman na nagpakasal ka na rin sa wakas." Hindi ko alam kung biro o insulto ang sinabi niya, pero hindi ko na rin inalam. Alam kong may mas malalim pang dahilan ang pag-uusap nilang ito. "Hindi ko kailangang ipaliwanag ang mga desisyon ko sa kanila," malamig na sagot ni Krim. Tumango si Aldo, pero hindi siya umalis. Pinagmasdan niya ako sandali bago siya muling nagsalita. "Alam mo, Samantha," aniya, bumaling sa akin. "Kung may isang bagay kang dapat tandaan sa mundong ito, iyon ay ang huwag kang magtiwala kahit kanino. Lalo na sa mga taong akala mo ay kakampi mo." Malamig ang tinig niya, sapat para bigyan ako ng kakaiba
last updateHuling Na-update : 2025-02-24
Magbasa pa
Chapter 6
Ramdam ko ang malamig na hangin mula sa bintanang bahagyang nakabukas, pero hindi nito napawi ang init na gumapang sa aking balat sa bigat ng mga salitang binitiwan ni Krim. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang hindi ko pa natutuklasan, o ang katotohanang wala nang atrasan ito. "Kung gano’n, Samantha," patuloy niya, nilapag ang baso sa lamesa at humakbang papalapit sa akin, "magsisimula tayo ngayon." "Ngayon?" Ngumiti siya, pero hindi iyon ngiting nagpapagaan ng loob. "Oo. Dahil sa mundong ito, wala tayong oras para sa mga taong nag-aalangan." Napalunok ako pero hindi ako umuurong. "Ano'ng unang hakbang?" Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya bahagyang lumingon, itinuro ang pinto. "Lumabas ka sa kwartong ito." Napakunot ang noo ko. "Ano?" "Hindi kita susundan. Hindi kita tutulungan. Pero bago sumapit ang hatinggabi, dapat nasa ligtas kang lugar, atb walang makakahuli s
last updateHuling Na-update : 2025-02-25
Magbasa pa
Chapter 7
Habang lumalayo kami sa ballroom, unti-unting humihina ang tunog ng musika. Sa bawat hakbang namin sa makitid at madilim na pasilyo, lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Si Marco ay tahimik lang, hindi man lang siya lumilingon sa akin. Ang mahigpit niyang hawak sa aking siko ay hindi mahigpit pero sapat na para ipaalam na wala akong choice kundi ang sumunod. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmadong boses. Hindi siya agad sumagot. Ngunit nang makarating kami sa dulo ng pasilyo—sa harap ng isang lumang pinto na mukhang bihirang puntahan ng mga tao—tumigil kami at tumingin sa akin. "Malalaman mo rin," sagot niya, bago itinulak nang bahagya ang pinto. Dumaan kami sa isang mas maliit na silid, halos wala itong ilaw maliban sa liwanag mula sa bintanang may kurtinang bahagyang nakabukas. Ang mga anino sa loob ay nagbigay ng kakaibang kilabot, ngunit ang mas lalong gumulo sa isip ko ay ang presensyang naramdama
last updateHuling Na-update : 2025-02-25
Magbasa pa
Chapter 8
Hindi ako agad nakasagot. Ang mga mata ko ay nakapako sa papel na inabot sa akin ni Kiyo—isang simpleng address, ngunit pakiramdam ko, Ito ang susi sa isang pinto na matagal nang nakakandado. "Anong meron sa lugar na ‘to?" tanong ko, pilit pinapanatili ang panatag na boses ko kahit na ang loob ko ay tila nagkakagulo. Ngumiti si Kiyo, pero walang kasiguraduhan kung iyon ba ay isang ngiting may simpatya o isang pahiwatig na wala na akong ligtas sa larong ito. "Doon mo matutuklasan kung sino ka talaga." Binalingan ko si Victoria, na ngayon ay nakangiti pa rin—parang aliw na aliw sa bawat nangyayari. Para sa kanya, isa lang itong palabas. Isa lang akong manika sa gitna ng isang laro na hindi ko pa lubusang naiintindihan. "Hindi ba dapat si Krim ang nagsasabi sa akin ng lahat ng ‘to?" tanong ko, tinapangan ang boses ko. "Si Krim?"
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa
Chapter 9
Pagpasok ko, agad kong napansin ang kakaibang pakiramdam sa loob ng bahay. Sa kabila ng luma at kupas na itsura nito mula sa labas, ang loob ay maayos at malinis—parang may taong talagang nag-aalaga rito. Ang amoy ng lumang papel at tsaa ang unang sumalubong sa akin. May mga lumang libro sa isang estante, at sa dingding ay may mga lumang larawan—mga taong hindi ko kilala, pero tila may kung anong pamilyar sa kanila. "Tuloy ka," sabi ng matanda, tinapik ang mesa sa gitna ng sala. "Maupo ka." Sinunod ko siya, pero hindi ako nag-relax. Ang katawan ko ay nanatiling alerto, handang kumilos kung kinakailangan. Umupo siya sa harap ko, dahan-dahang ibinaba ang tasa ng tsaa sa ibabaw ng mesa. "Ano’ng pangalan mo?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. "Alam mo na ang pangalan
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa
Chapter 10
Halos hindi ako makahinga. Ang tinig na iyon—ay malamig at puno ng kumpiyansa, at tila nakikipaglaro lang sa amin dahil sa hindi malaman na dahilan nagsitayuan ang balahibo ko. Napatingin ako kay Lucia, na ngayon ay may matapang na ekspresyon sa mukha. Mabilis siyang tumayo, kinuha ang isang lumang kahoy na kahon mula sa aparador, at inilagay ito sa mesa. "Makinig kang mabuti, Samantha," aniya, binubuksan ang kahon para ilabas ang isang maliit na balisong at isang kwintas na may kakaibang pendant. "Wala na tayong oras. Kailangan mong umalis dito." "Ano?" gulat kong tanong. "Hindi! Hindi kita iiwan—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Nang may narinig kaming isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa bahay—isang putok ng baril. Napayuko ako sa gulat, habang si Lucia ay mabilis na tumayo at hin
last updateHuling Na-update : 2025-02-27
Magbasa pa
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status