Habang lumalayo kami sa ballroom, unti-unting humihina ang tunog ng musika. Sa bawat hakbang namin sa makitid at madilim na pasilyo, lalong bumibigat ang pakiramdam ko.
Si Marco ay tahimik lang, hindi man lang siya lumilingon sa akin. Ang mahigpit niyang hawak sa aking siko ay hindi mahigpit pero sapat na para ipaalam na wala akong choice kundi ang sumunod. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmadong boses. Hindi siya agad sumagot. Ngunit nang makarating kami sa dulo ng pasilyo—sa harap ng isang lumang pinto na mukhang bihirang puntahan ng mga tao—tumigil kami at tumingin sa akin. "Malalaman mo rin," sagot niya, bago itinulak nang bahagya ang pinto. Dumaan kami sa isang mas maliit na silid, halos wala itong ilaw maliban sa liwanag mula sa bintanang may kurtinang bahagyang nakabukas. Ang mga anino sa loob ay nagbigay ng kakaibang kilabot, ngunit ang mas lalong gumulo sa isip ko ay ang presensyang naramdaman ko sa loob. Hindi kami nag-iisa. May isang lalaking nakaupo sa isang lumang upuan sa dulo ng silid. Hindi ko agad maaninag ang mukha niya, pero kita ko ang paraan ng paggalaw niya—masyado siyang relax, parang wala siyang pakialam sa kung anong pwedeng mangyare. Napahinto ako. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako dinala rito, hindi ba?" tanong ko, iniangat ko ang akibg baba upang hindi mahalata ang kaba sa boses ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Matapang ka nga," aniya, at sa wakas, lumingon siya sa akin. Sa ilalim ng mahinang liwanag, tumambad sa akin ang isang pares ng matatalim na mata—mata ng isang taong sanay sa madilim na laro ng mundong ginagalawan namin ngayon. "Ako si Kiyo," patuloy niya, ngumiti siya pero may bahid ng panunuya. "At ikaw si Samantha. Ang bagong paborito ni Krim." Hindi ako sumagot. Ayokong bigyan siya ng dahilan para isipin na kilala ko ang tunay na plano ni Krim—kahit pa ang totoo, hindi ko rin alam kung ano talaga ang papel ko sa lahat ng ito. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at lumapit sa akin. Hindi ako umatras. "Hindi ako mahilig sa laro, Samantha," aniya, titig na titig sa akin. "Kaya sabihin mo sa akin—bakit ka niya pinili?" Tinitigan ko siya pabalik. Ito na ba ang pagsubok na dapat kong lampasan? Kung magpapakita ako ng takot, alam kong mas lalo lang nila akong lalamunin. Kaya ngumiti ako, bahagyang inilapit ang mukha ko sa kanya. "Siguro dahil alam niyang hindi ako madaling basahin." Sandaling nanahimik si Kiyo. Pagkatapos ay ngumiti siya. "Interesting," sabi niya. "Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo, Samantha." At sa isang iglap, bumukas ang isa pang pinto sa likuran niya—at doon ko naisip, anuman ang naghihintay sa akin sa kabila, wala na akong aatrasan. Hindi ako kumilos agad. Matalim ang titig ko kay Kiyo, sinusukat ang bawat galaw niya. Pero kahit anong gawin ko, malinaw na siya ang may kontrol sa sitwasyong ito. Mula sa likuran niya, ang madilim na pinto ay tila isang bitag na naghihintay na lamunin ako. Ngunit kung may isang bagay na natutunan ko mula kay Krim, ito ay ang huwag ipakita ang kahinaan ko. Kaya naglakas loob ako at, tinapangan ang boses ko. "At ano ang nasa kabila ng pintong ‘yan?" Tumawa si Kiymo—mahina, ngunit may bahid ng kasiyahan . "Ang susunod mong hakbang." Lumapit siya, bahagyang yumuko hanggang halos magtama ang aming mga mukha. "Kung gusto mong malaman kung bakit ka pinili ni Krim, kailangan mong pumasok. Mag-isa." Bahagya akong napatingin kay Victoria, na tahimik lang na nakasandal sa dingding. Ang ekspresyon niya ay walang ibang ipinapakita kundi interes—isang aliw na parang nanonood lang siya ng isang larong alam niyang hindi siya matatalo. Si Aldo? Wala na siya. Napagtanto ko na wala nang ibang pagpipilian. Kaya, huminga ako nang malalim, pinalakas ang loob ko, at walang sabi-sabing lumakad papunta sa pinto. Walang nagbago sa ekspresyon ni Kiyo, ngunit kita kong sinundan niya ako ng tingin, parang sinusuri kung bibigay ba ako sa huling segundo. Pero hindi ko siya bibigyan ng kasiyahang iyon. Inabot ko ang hawakan ng pinto at binuksan ito. Sa loob, isang madilim na silid ang bumungad sa akin, bahagyang naiilawan ng isang pulang ilaw sa kisame. Sa gitna, may isang mesa—at sa ibabaw nito ay mayroong isang kahon. Dahan-dahan akong lumapit. Tahimik ang buong paligid, ngunit naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Nang marating ko ang mesa, pinagmasdan ko ang kahon. Maliit lang ito, kulay itim, at mukhang luma na. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay ang maliit na papel na nakapatong sa ibabaw nito. May nakasulat. "Alamin mo kung sino ka talaga." Nanlamig ang katawan ko. Ano'ng ibig sabihin nito? Unti-unti, inabot ko ang takip ng kahon at binuksan ito. Sa sandaling iyon, huminto ang lahat. Dahil ang laman ng kahon… ay isang lumang litrato. At sa litrato— Ako. Kasama si Krim. Pero ang nakakapagtaka… masyado pang bata ang itsura namin sa larawan. At hindi ko maalala kung kailan ito kinuhanan. Muli akong napatingin sa papel, at sa likod nito, may isa pang nakasulat—isang pangalang hindi ko inasahang makita. "Samantha Villacruz." Hindi ko alam kung paano, pero sigurado ako—hindi iyon ang apelyido ko. O hindi na iyon ang akala kong alam ko tungkol sa sarili ko. Nanlamig ang kamay ko habang hawak ang lumang litrato. Masyado itong malinaw para itanggi—ako nga ito, si Krim nga iyon. Pero ang mas nakakapagpabagabag sa akin ay ang pangalang nakasulat sa likod ng papel. Samantha Villacruz. Hindi ko iyon pangalan. Hindi iyon ang apelyidong ginamit ko buong buhay ko. Hindi ko alam kung paano, pero sa isang iglap, parang may kung anong bigat ang dumagan sa dibdib ko—parang may bahagi ng sarili kong pagkatao na matagal nang nakatago sa dilim, at ngayon ay pilit na lumalabas. Ano ang ibig sabihin nito? "Samantha." Napatayo ako nang tuwid. Si Kiyo. Nasa may pinto pa rin siya, nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang reaksyon ko. Sa likuran niya, nakita kong nakangiti si Victoria, halatang nasisiyahan sa kung anuman ang nadiskubre ko. Tumingin ako muli sa litrato. Hindi ako makapaniwala. "Kailan kinuha ang larawang ito?" tanong ko, pilit pinapanatili ang tapang sa boses ko. Hindi sumagot si Kiyo. Sa halip, dahan-dahan siyang lumapit, tinapik ang gilid ng mesa at saka tumingin sa akin. "Mas magandang itanong mo," aniya, "kung bakit hindi mo ito maalala." Nanigas ako. May punto siya. Bakit nga ba? Dahan-dahan kong sinubukang hukayin ang alaala ko. Ang pagkabata ko, ang mga taong nakilala ko, ang mga pangyayaring bumuo sa akin bilang Samantha Sky Smith—ang pangalang kilala ko. Pero gaano kadami sa mga alaala kong iyon ang totoo? Biglang sumakit ang ulo ko. Isang kirot ang bumalot sa utak ko, at saglit akong nakaramdam ng pagkahilo. Napakapit ako sa mesa, pilit nilalabanan ang kakaibang pakiramdam. May bumabalik. Isang saglit na imahe sa isip ko— "Isang batang babae. Tumakbo siya sa isang madilim na eskinita, habang may mga taong humahabol sa kanya. May tinatawag siyang pangalan—isang pangalang hindi ko matandaan. Isang kamay ang humawak sa kanya, hinila siya papalayo. Isang tinig ang bumulong sa kanya..." "Huwag mong kakalimutan—huwag mong ipaalam kung sino ka." Napalunok ako, bumalik sa kasalukuyan. Mabilis akong napatingin kay Kiyo. "Ano ang alam mo tungkol dito?" Napangiti siya. "Marami. Pero hindi ako ang taong dapat mong tanungin." "Bakit hindi?" Dahan-dahan siyang tumagilid, saka inilabas mula sa kanyang bulsa ang isang maliit na papel. Iniabot niya ito sa akin. Isang address. "Kung gusto mong malaman ang katotohanan, puntahan mo ‘yan," sabi niya. "Pero tandaan mo, Samantha—kapag sinimulan mo nang hukayin ang nakaraan mo, hindi mo na ito mababawi." Tahimik akong nakatingin sa papel, habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano ba talaga ang totoo? At handa ba akong malaman ito?Hindi ako agad nakasagot. Ang mga mata ko ay nakapako sa papel na inabot sa akin ni Kiyo—isang simpleng address, ngunit pakiramdam ko, Ito ang susi sa isang pinto na matagal nang nakakandado. "Anong meron sa lugar na ‘to?" tanong ko, pilit pinapanatili ang panatag na boses ko kahit na ang loob ko ay tila nagkakagulo. Ngumiti si Kiyo, pero walang kasiguraduhan kung iyon ba ay isang ngiting may simpatya o isang pahiwatig na wala na akong ligtas sa larong ito. "Doon mo matutuklasan kung sino ka talaga." Binalingan ko si Victoria, na ngayon ay nakangiti pa rin—parang aliw na aliw sa bawat nangyayari. Para sa kanya, isa lang itong palabas. Isa lang akong manika sa gitna ng isang laro na hindi ko pa lubusang naiintindihan. "Hindi ba dapat si Krim ang nagsasabi sa akin ng lahat ng ‘to?" tanong ko, tinapangan ang boses ko. "Si Krim?"
Pagpasok ko, agad kong napansin ang kakaibang pakiramdam sa loob ng bahay. Sa kabila ng luma at kupas na itsura nito mula sa labas, ang loob ay maayos at malinis—parang may taong talagang nag-aalaga rito. Ang amoy ng lumang papel at tsaa ang unang sumalubong sa akin. May mga lumang libro sa isang estante, at sa dingding ay may mga lumang larawan—mga taong hindi ko kilala, pero tila may kung anong pamilyar sa kanila. "Tuloy ka," sabi ng matanda, tinapik ang mesa sa gitna ng sala. "Maupo ka." Sinunod ko siya, pero hindi ako nag-relax. Ang katawan ko ay nanatiling alerto, handang kumilos kung kinakailangan. Umupo siya sa harap ko, dahan-dahang ibinaba ang tasa ng tsaa sa ibabaw ng mesa. "Ano’ng pangalan mo?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. "Alam mo na ang pangalan
Halos hindi ako makahinga. Ang tinig na iyon—ay malamig at puno ng kumpiyansa, at tila nakikipaglaro lang sa amin dahil sa hindi malaman na dahilan nagsitayuan ang balahibo ko. Napatingin ako kay Lucia, na ngayon ay may matapang na ekspresyon sa mukha. Mabilis siyang tumayo, kinuha ang isang lumang kahoy na kahon mula sa aparador, at inilagay ito sa mesa. "Makinig kang mabuti, Samantha," aniya, binubuksan ang kahon para ilabas ang isang maliit na balisong at isang kwintas na may kakaibang pendant. "Wala na tayong oras. Kailangan mong umalis dito." "Ano?" gulat kong tanong. "Hindi! Hindi kita iiwan—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Nang may narinig kaming isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa bahay—isang putok ng baril. Napayuko ako sa gulat, habang si Lucia ay mabilis na tumayo at hin
Para akong lumulutang sa kawalan. Nakita ko ang sarili kong nakatayo sa isang malawak na silid, napapalibutan ng anino ng nakaraan. Sa harapan ko, may isang babae—mahaba ang buhok, nakasuot ng puting bestida, at tila lumulutang ang presensya niya sa hangin. Hindi ko makita ang kanyang mukha, pero alam kong kilala ko siya. "Samantha..." Mahinang tinig ang tumawag sa akin, puno ng dalamhati at babala. "Sinong—?" Hindi ko natapos ang tanong ko dahil biglang nagbago ang paligid. Nagising ako sa tunog ng isang makina—parang monitor na bumibilis ang pagtunog. Dahan-dahan akong dumilat, pero bumungad sa akin ang mapusyaw na ilaw ng isang kisame. May matinding kirot sa katawan ko, parang tinanggalan ako ng lakas. Nasa isang silid ako—hindi ito pamilyar. Ang kama ay malambot, ang hangin ay amoy gamot, at may nararamdaman akong malamig na bakal na nakatusok sa kamay ko—dextrose. "Sa
Hindi ko namalayan na mahigpit kong hawak ang kwintas. Ang puso ko, bumibilis ang tibok sa kaba at galit na hindi ko maitago. Ano pa ba ang kailangan kong malaman? Ano pang kasinungalingan ang ipapakita niya sa akin? Napatingin ako sa paligid ng silid—walang bintana, isang pintuang hindi ko alam kung may susian mula sa loob. Malambot ang kama, maayos ang mga gamit, pero kahit gaano ito kaganda, alam kong isa itong kulungan. Pinilit kong bumangon. Mahina pa rin ang katawan ko, pero hindi ko pwedeng basta na lang manatili rito at maghintay sa anong sorpresa ang pinaplano ni Krim. Kung totoo nga ang hinala ko—kung wala na si Lucia—wala na akong ibang aasahan. Kailangan kong makaalis. Nilapitan ko ang pinto at marahang hinawakan ang hawakan nito. Dahan-dahan, sinubukan kong itulak—sarado. Hindi na ako nagulat, pero hindi rin ako susuko. Sinubukan kong kalabitin ang doorknob, baka sakaling hindi naka-lock, pero walang epekto
Habang patuloy kaming tumatakbo ni Elara sa makipot at madilim na pasilyo, hindi ko maiwasang lingunin ang dinaanan namin. Sa likuran, naririnig ko ang mahihinang tunog ng yabag—hindi ko alam kung may nakapansin sa pagkawala ko o kung may paparating na bantay. “Huwag kang titigil,” bulong ni Elara habang mahigpit na hawak ang kamay ko. Napansin kong paliko-liko ang dinadaanan namin, na parang mas lumalalim pa kami sa loob ng gusali imbes na palabas. Napakunot ang noo ko. “Elara… saan mo ba ako dadalhin?” Hindi siya agad sumagot. Nang makarating kami sa dulo ng pasilyo, saglit siyang huminto at sinilip ang paligid bago humarap sa akin. “Alam kong gusto mong makatakas, pero hindi mo magagawa ‘yan kung hindi mo alam ang buong katotohanan,” aniya sa mababang tinig. Muli kong naalala ang papel na iniwan niya sa akin. "Huwag kang maniniw
Mabilis ang pangyayari. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng silid. Napasinghap ako, awtomatikong napaatras habang hinila ako ni Elara papalayo kay Krim. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang folder na naglalaman ng aking pagkatao—tumilapon sa sahig, ang mga papel nagkalat sa paligid. Nakita kong naglakad si Krim papasok, hindi inaalis ang tingin sa akin. Sa ilalim ng malamig na ilaw, nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Hindi iyon ngiti ng kasiyahan—iyon ay isang ngiti ng taong may hawak ng kapalaran ko. “Samantha Villacruz,” aniya, binibigkas ang pangalang hindi ko pa rin matanggap. “Sa wakas, alam mo na rin ang totoo mong pangalan..” Umiling ako. “Hindi. Hindi ako si Samantha Villacruz!” Tumawa siya nang mahina. “Nakakatawa, hindi ba? Buong buhay mo, iba ang trato nila sayo
Madilim ang lagusan. Halos wala akong makita habang mabilis kaming tumatakbo sa makipot na pasilyo. Ang amoy ng lumang kahoy at alikabok ay kumakapit sa hangin, at bawat hakbang ko’y nag-iiwan ng pangamba—hindi lang dahil sa maaaring humabol sa amin, kundi dahil sa mga sinabi ni Krim bago kami tumakas. "Ikaw ang susi, Samantha. Hindi mo naiintindihan, pero kapag lumabas ka ng silid na ‘to… magsisimula ang gulo.” Ano ang ibig niyang sabihin? “Malapit na tayo,” bulong ni Elara, hindi lumilingon. “Huwag kang titigil.” Pero bago pa ako makasagot, biglang dumagundong ang paligid. Niyanig ng malakas na tunog ang pasilyo—isang bagay ang sumabog sa di kalayuan, at sa isang iglap, nagsimula nang gumuho ang mga dingding. “Bilisan mo!” sigaw ni Elara, hinawakan ako sa braso at hinila palapit sa isang lumang bakal na pinto. Mabilis niyang pinihit ang hawakan—pero hindi i
Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu
Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a
Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako
Nanlamig ang dugo ko nang makita ko ang pagngiti ni Aldo sa security monitor. Alam niyang nanonood ako. Alam niyang ako ang naka assign sa system. Paanong…? Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis kong ini-scan ang ibang security feeds sa monitor—nakita kong patuloy ang labanan sa itaas. Si Krim, Elara, at Zion ay nagtatago sa iba't ibang sulok ng bahay, lumalaban sa mga armadong lalaking pilit na pumapasok. Pero isang bagay ang mas kinabahala ko. Si Aldo ay hindi pa kumikilos. Wala siyang baril sa kamay, pero kitang-kita ang kumpiyansa sa tindig niya. Para bang alam niyang hawak niya ang sitwasyon. Nagulat ako nang biglang may malakas na tunog sa bandang kaliwa ko. Mabilis akong napalingon—may naramdaman akong bahagyang panginginig sa sahig. May pumapasok sa basement. "Shit..." Agad akong lumapit sa gun rack at kinuha ang handgun na hawak ko kanina. Mabilis kong ininspeksyon ang magazine at loaded pa rin. Huminga ako nang malalim. Hindi ako maaaring mag-pan
Pinanood ko si Krim habang dahan-dahan niyang tinanggal ang mga strap ng kanyang tactical vest. Kitang-kita sa ekspresyon niya ang pag-aalala, pero hindi niya hinayaang lumalim pa ang usapan tungkol sa sugat ko. Ang atensyon niya ngayon ay nasa encrypted message na nakuha ni Zion. "Ipakita mo sa akin," utos ni Krim habang lumalapit sa isang monitor sa main room. Mabilis na kinalikot ni Zion ang keyboard, at ilang saglit lang ay lumabas sa screen ang isang serye ng random characters. Hindi ko ito maintindihan mga halo-halong letra, numero, at simbolo. Pero hindi ito ordinaryong mensahe. "Ito ang pinakamalalim na encryption na nakita ko," bulong ni Zion, hindi inaalis ang tingin sa screen. "At mukhang galing ito sa isa sa dating core members ng grupo mo." Tumayo si Krim sa likod niya, nagbubuntong-hininga. "Siya ba an
Sa pagpabaril ni Krim ay may isang kalaban ang natumba sa sahig, bumagsak siya nang hindi man lang nakaputok pabalik. "Dalawa pa sa kanan!" sigaw ni Zion habang mabilis na sumilong sa isang konkretong poste sa gilid ng tunnel Agad akong sumunod, humihingal habang mahigpit na hawak ang baril sa nanginginig kong mga kamay. "Sam, bantayan mo ang kaliwa!" utos ni Elara habang binabaril ang isa pang kalaban na sumilip mula sa dulo ng tunnel. Tumango ako, pinipilit na kontrolin ang kaba sa dibdib ko. Itinapat ko ang baril sa direksyong sinabi niya, hinahanap ang kahit anong galaw sa dilim. Narinig ko ang tunog ng pag-reload ni Krim sa tabi ko. "Kaya mo ‘to, Sam. Huwag kang matakot." Hindi ko na natanong ang sarili ko dahil biglang may lumabas mula sa isang madilim na sulok—isang lalaki armado siya at may dalang baril, papunta ito
"Kaya siya pinaghahanap," mahinang dagdag ni Elara. "At kaya hanggang ngayon, hindi siya tinatantanan." Napapikit ako, pinoproseso ang bigat ng impormasyong ‘yon. "Kaya ka ba lumayo sa akin noon, Krim?" mahina kong tanong. "Dahil alam mong hindi ako magiging ligtas at pinabayaang magdesisyon para sa sarili ko?" Mabagal siyang lumapit sa akin, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Oo," bulong niya. "At kahit anong gawin ko, kahit anong pagsisikap kong ilayo ka sa gulong ‘to… nahatak ka pa rin pabalik at ngayon mas lalo pang lumala dahil nalaman nila kung sino ka talaga." Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o masaktan. Pero isang bagay ang sigurado ako dahil hindi na ako lalayo kay Krim. --- Tumikhim si Zion, binasag nito ang tensyon sa pagitan namin. "Ngayon, ang tanong… paano natin sila mauunahan?" Nagpalit ang s
Halos hindi ko na makita ang paligid dahil sa kapal ng usok. Ang bawat tunog ng bala na nasa sa paligid ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ang amoy ng pulbura at nagliliyab na metal ay nanunuot sa ilong ko Sa kabila ng lahat ng ito, nakikita ko pa rin si Krim. Nakayuko siya, hawak ang balikat niyang may tama ng bala. Dumadaloy ang dugo mula roon, pero hindi pa rin siya bumibitaw sa baril niyang nasa kamay niya. "Krim!" sigaw ko, pilit siyang tinatawag habang dumidikit sa pader para hindi tamaan ng ligaw na bala. "Kailangan nating makapunta sa tunnel!" Narinig ko ang mabilis na yapak ni Elara sa likod ko. Dumaan siya sa gilid, hawak ang dalawang pistol, at walang kahirap-hirap na binaril ang dalawang kalaban na sinusubukan kaming paligiran. "Walang susuko!"sigaw niya Narinig ko ang sigaw ng lalaking may tattoo sa leeg.
Lumapit siya sa isang control panel at pinaandar ang isang malaking screen. Sa monitor, lumitaw ang buong blueprint ng property—kasama ang isang mas detalyadong mapa ng mga trap system na nasa labas. "Hellfire is not just here for me. May gusto silang makuha, something more than just revenge." Tumingin siya kay Zion at Elara. "Alam niyo kung ano ‘yon." Nagpalitan ng tingin si Zion at Elara. May nalalaman sila na hindi ko alam. Napatingin ako kay Krim. "Ano ang ibig mong sabihin?" Napabuntong-hininga siya, halatang hindi sigurado kung paano ipapaliwanag. Pero sa huli, tumingin siya sa akin nang diretso, walang bahid ng pagsisinungaling sa kanyang mga mata. "Hindi lang ako ang gusto nilang kunin, Samantha." Mas lumamig ang paligid. "Ano?" Nilapitan ako ni Krim, at