Share

Chapter 13

last update Last Updated: 2025-03-01 15:28:34

Habang patuloy kaming tumatakbo ni Elara sa makipot at madilim na pasilyo, hindi ko maiwasang lingunin ang dinaanan namin. Sa likuran, naririnig ko ang mahihinang tunog ng yabag—hindi ko alam kung may nakapansin sa pagkawala ko o kung may paparating na bantay.

“Huwag kang titigil,” bulong ni Elara habang mahigpit na hawak ang kamay ko.

Napansin kong paliko-liko ang dinadaanan namin, na parang mas lumalalim pa kami sa loob ng gusali imbes na palabas. Napakunot ang noo ko.

“Elara… saan mo ba ako dadalhin?”

Hindi siya agad sumagot. Nang makarating kami sa dulo ng pasilyo, saglit siyang huminto at sinilip ang paligid bago humarap sa akin.

“Alam kong gusto mong makatakas, pero hindi mo magagawa ‘yan kung hindi mo alam ang buong katotohanan,” aniya sa mababang tinig.

Muli kong naalala ang papel na iniwan niya sa akin. "Huwag kang maniniw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 14

    Mabilis ang pangyayari. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng silid. Napasinghap ako, awtomatikong napaatras habang hinila ako ni Elara papalayo kay Krim. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang folder na naglalaman ng aking pagkatao—tumilapon sa sahig, ang mga papel nagkalat sa paligid. Nakita kong naglakad si Krim papasok, hindi inaalis ang tingin sa akin. Sa ilalim ng malamig na ilaw, nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Hindi iyon ngiti ng kasiyahan—iyon ay isang ngiti ng taong may hawak ng kapalaran ko. “Samantha Villacruz,” aniya, binibigkas ang pangalang hindi ko pa rin matanggap. “Sa wakas, alam mo na rin ang totoo mong pangalan..” Umiling ako. “Hindi. Hindi ako si Samantha Villacruz!” Tumawa siya nang mahina. “Nakakatawa, hindi ba? Buong buhay mo, iba ang trato nila sayo

    Last Updated : 2025-03-02
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 15

    Madilim ang lagusan. Halos wala akong makita habang mabilis kaming tumatakbo sa makipot na pasilyo. Ang amoy ng lumang kahoy at alikabok ay kumakapit sa hangin, at bawat hakbang ko’y nag-iiwan ng pangamba—hindi lang dahil sa maaaring humabol sa amin, kundi dahil sa mga sinabi ni Krim bago kami tumakas. "Ikaw ang susi, Samantha. Hindi mo naiintindihan, pero kapag lumabas ka ng silid na ‘to… magsisimula ang gulo.” Ano ang ibig niyang sabihin? “Malapit na tayo,” bulong ni Elara, hindi lumilingon. “Huwag kang titigil.” Pero bago pa ako makasagot, biglang dumagundong ang paligid. Niyanig ng malakas na tunog ang pasilyo—isang bagay ang sumabog sa di kalayuan, at sa isang iglap, nagsimula nang gumuho ang mga dingding. “Bilisan mo!” sigaw ni Elara, hinawakan ako sa braso at hinila palapit sa isang lumang bakal na pinto. Mabilis niyang pinihit ang hawakan—pero hindi i

    Last Updated : 2025-03-02
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 16

    Ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa. Sa loob ng sasakyan, ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakatitig sa duguang si Krim. Hawak niya ang sugatang tagiliran, pero kahit mahina, hindi nawawala ang matalim niyang tingin. "Kamusta Samantha?" may bahid ng pang-aasar sa boses niya, pero halatang pinipilit niya lang maging kalmado. "Huwag kang magsalita," singit ni Elara habang pilit niyang ginagamot ang sugat ni Krim gamit ang isang punit na tela mula sa kanyang damit. "Dapat natin siyang madala sa ligtas na lugar." Napatingin ako sa paligid. Ang bilis ng takbo ng sasakyan, tila gusto naming matakasan ang hindi lang ang mga lalaking humabol sa amin, kundi pati ang bangungot na dala ng buong sitwasyong ito. "Anong nangyari sa’yo?" tanong ko kay Krim. Napangisi siya kahit halatang masakit ang sugat niya. "Pinaglalaruan lang ako nang kaunti. Pero

    Last Updated : 2025-03-03
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 17

    Humigpit ang pagkakahawak ko sa upuan habang patuloy na umaandar ang sasakyan sa bilis ng takbo nito. Ramdam ko ang matinding kaba sa dibdib ko—hindi lang dahil sa rebelasyong nalaman ko, kundi dahil sa tiyak na panganib na humahabol sa amin. "Elara, bilisan mo!" sigaw ni Krim habang sinusubukang itaas ang baril niya, pero halata sa mukha niyang wala siya sa kondisyon para lumaban. Mabilis na sumilip si Elara sa likuran, at sa isang iglap, nagpaputok siya ng dalawang beses. Pumutok ang windshield ng isa sa mga sasakyan sa likod namin, dahilan para bahagya itong lumihis ng direksyon. "Isa pa!" sigaw ni Krim. Pero bago pa makapagpaputok ulit si Elara, bumukas ang bintana ng kabilang sasakyan at may lumabas na lalaking armado. "Tangina!" halos sabay naming sigaw ni Elara nang makita naming itinutok ng lalaki ang armas niya sa gulong ng sasakyan namin. Isang putok ng baril ang

    Last Updated : 2025-03-04
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 18

    Dahan-dahan kong iniangat ang mga kamay ko, na parang sumusuko. "Sige, sumasama na ako. Pero pakawalan mo siya." Natawa ang lalaki. "Matalino ka, pero hindi ganun kadali—" Hindi ko na siya hinayaang tapusin ang sasabihin niya. Sa isang mabilis na galaw, inihagis ko ang patalim na hawak ko diretso sa braso niya. "AARGH!" sigaw niya nang bumaon ang kutsilyo sa laman niya, dahilan para mabitawan niya si Elara. Sa parehong segundo, gumalaw si Elara—isang mabilis na sipa sa pagitan ng mga hita ng lalaki, sinundan ng suntok sa panga. Nabitawan niya ang baril. Kahit masakit ang katawan ko, mabilis akong sumugod, kinuha ang baril sa sahig at itinutok iyon sa kanya. "Subukan mong gumalaw at tatapusin kita," malamig kong sabi. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang kong iyon, pero sa ngayon, hindi ko kayang magpakita ng kahinaan.

    Last Updated : 2025-03-05
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 19

    Si Krim ay nakasandal na sa upuan, mahigpit na hawak ang sugatang tagiliran. Mas lalo siyang namumutla, at kahit anong tapang ang ipakita niya, alam kong lumalaban siya sa sakit. “Elara, may alam ka bang ligtas na lugar?” tanong ko, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “Samantha, hindi pwedeng kahit saan lang tayo pupunta,” sagot niya, nilingon si Krim. “Kailangan natin ng doktor.” “Tangina, alam ko! Pero saan?” Nag-isip siya saglit, saka bumunot ng cellphone. “May isang safehouse sa labas ng siyudad. May contact akong doktor na pwedeng pumunta roon.” “Sigurado ka bang hindi tayo mahahanap doon?” “Wala tayong ibang choice.” Tumango ako at pinanatili ang bilis ng takbo ng sasakyan. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Kahit pa nakatakas kami, alam kong hindi pa tapos ang laban.

    Last Updated : 2025-03-06
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 20

    Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang malamig na bakal ng baril na nakatutok sa akin—ang lalaking naka-itim ay nakangisi, tila nag-aabang ng takot sa mga mata ko. "Akala mo makakatakas ka, ha?" bulong niya, mababa pero puno ng panunuya. Narinig kong napamura si Elara habang dahan-dahang iniangat ang baril niya, pero bago pa siya makagalaw— isang putok ng baril ang narinig koNapapikit ako, pero hindi ako tinamaan. Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita kong bumagsak ang lalaki sa sahig, duguan. Si Krim ang nagpaputok. Hawak niya ang baril niya gamit ang nanginginig na kamay, pero kahit sugatan, sapul parin ang kanyang tama. "Samantha, takbo na!" sigaw niya. Mabilis akong napayuko habang sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng bahay. Lumundag si Elara patungo sa kabilang bahagi ng dingding, nagpapalit ng magasin sa baril niya. “May paparating pang iba!” sig

    Last Updated : 2025-03-06
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 21

    Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala, pinoproseso ang lahat ng nangyari. Para akong itinapon sa isang bangungot na hindi ko matakasan. Ang pamilya na hindi ko kilala—patay na. Ang sikreto ng dugo ko— at ang mga taong humahabol sa akin na hindi ko alam kung sino. At ngayon, nasa isang abandonadong gusali ako kasama ang isang lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "Sino ka ba talaga?" Sandaling katahimikan. Tila pinag-iisipan niya kung dapat niya akong sagutin o hindi. "Zion," sagot niya sa wakas. "At gaya mo, isa rin akong biktima ng kasinungalingang itinago ng mga makapangyarihan." Zion. Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon, pero may kung anong bigat sa paraan ng pag

    Last Updated : 2025-03-07

Latest chapter

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 41

    Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 42

    Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina," bulong k

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 40

    Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 39

    Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 38

    Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 37

    Nanlamig ang dugo ko nang makita ko ang pagngiti ni Aldo sa security monitor. Alam niyang nanonood ako. Alam niyang ako ang naka assign sa system. Paanong…? Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis kong ini-scan ang ibang security feeds sa monitor—nakita kong patuloy ang labanan sa itaas. Si Krim, Elara, at Zion ay nagtatago sa iba't ibang sulok ng bahay, lumalaban sa mga armadong lalaking pilit na pumapasok. Pero isang bagay ang mas kinabahala ko. Si Aldo ay hindi pa kumikilos. Wala siyang baril sa kamay, pero kitang-kita ang kumpiyansa sa tindig niya. Para bang alam niyang hawak niya ang sitwasyon. Nagulat ako nang biglang may malakas na tunog sa bandang kaliwa ko. Mabilis akong napalingon—may naramdaman akong bahagyang panginginig sa sahig. May pumapasok sa basement. "Shit..." Agad akong lumapit sa gun rack at kinuha ang handgun na hawak ko kanina. Mabilis kong ininspeksyon ang magazine at loaded pa rin. Huminga ako nang malalim. Hindi ako maaaring mag-pan

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 36

    Pinanood ko si Krim habang dahan-dahan niyang tinanggal ang mga strap ng kanyang tactical vest. Kitang-kita sa ekspresyon niya ang pag-aalala, pero hindi niya hinayaang lumalim pa ang usapan tungkol sa sugat ko. Ang atensyon niya ngayon ay nasa encrypted message na nakuha ni Zion. "Ipakita mo sa akin," utos ni Krim habang lumalapit sa isang monitor sa main room. Mabilis na kinalikot ni Zion ang keyboard, at ilang saglit lang ay lumabas sa screen ang isang serye ng random characters. Hindi ko ito maintindihan mga halo-halong letra, numero, at simbolo. Pero hindi ito ordinaryong mensahe. "Ito ang pinakamalalim na encryption na nakita ko," bulong ni Zion, hindi inaalis ang tingin sa screen. "At mukhang galing ito sa isa sa dating core members ng grupo mo." Tumayo si Krim sa likod niya, nagbubuntong-hininga. "Siya ba an

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 35

    Sa pagpabaril ni Krim ay may isang kalaban ang natumba sa sahig, bumagsak siya nang hindi man lang nakaputok pabalik. "Dalawa pa sa kanan!" sigaw ni Zion habang mabilis na sumilong sa isang konkretong poste sa gilid ng tunnel Agad akong sumunod, humihingal habang mahigpit na hawak ang baril sa nanginginig kong mga kamay. "Sam, bantayan mo ang kaliwa!" utos ni Elara habang binabaril ang isa pang kalaban na sumilip mula sa dulo ng tunnel. Tumango ako, pinipilit na kontrolin ang kaba sa dibdib ko. Itinapat ko ang baril sa direksyong sinabi niya, hinahanap ang kahit anong galaw sa dilim. Narinig ko ang tunog ng pag-reload ni Krim sa tabi ko. "Kaya mo ‘to, Sam. Huwag kang matakot." Hindi ko na natanong ang sarili ko dahil biglang may lumabas mula sa isang madilim na sulok—isang lalaki armado siya at may dalang baril, papunta ito

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 34

    "Kaya siya pinaghahanap," mahinang dagdag ni Elara. "At kaya hanggang ngayon, hindi siya tinatantanan." Napapikit ako, pinoproseso ang bigat ng impormasyong ‘yon. "Kaya ka ba lumayo sa akin noon, Krim?" mahina kong tanong. "Dahil alam mong hindi ako magiging ligtas at pinabayaang magdesisyon para sa sarili ko?" Mabagal siyang lumapit sa akin, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Oo," bulong niya. "At kahit anong gawin ko, kahit anong pagsisikap kong ilayo ka sa gulong ‘to… nahatak ka pa rin pabalik at ngayon mas lalo pang lumala dahil nalaman nila kung sino ka talaga." Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o masaktan. Pero isang bagay ang sigurado ako dahil hindi na ako lalayo kay Krim. --- Tumikhim si Zion, binasag nito ang tensyon sa pagitan namin. "Ngayon, ang tanong… paano natin sila mauunahan?" Nagpalit ang s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status