Habang lumalayo kami sa ballroom, unti-unting humihina ang tunog ng musika. Sa bawat hakbang namin sa makitid at madilim na pasilyo, lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Si Marco ay tahimik lang, hindi man lang siya lumilingon sa akin. Ang mahigpit niyang hawak sa aking siko ay hindi mahigpit pero sapat na para ipaalam na wala akong choice kundi ang sumunod. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmadong boses. Hindi siya agad sumagot. Ngunit nang makarating kami sa dulo ng pasilyo—sa harap ng isang lumang pinto na mukhang bihirang puntahan ng mga tao—tumigil kami at tumingin sa akin. "Malalaman mo rin," sagot niya, bago itinulak nang bahagya ang pinto. Dumaan kami sa isang mas maliit na silid, halos wala itong ilaw maliban sa liwanag mula sa bintanang may kurtinang bahagyang nakabukas. Ang mga anino sa loob ay nagbigay ng kakaibang kilabot, ngunit ang mas lalong gumulo sa isip ko ay ang presensyang naramdama
Hindi ako agad nakasagot. Ang mga mata ko ay nakapako sa papel na inabot sa akin ni Kiyo—isang simpleng address, ngunit pakiramdam ko, Ito ang susi sa isang pinto na matagal nang nakakandado. "Anong meron sa lugar na ‘to?" tanong ko, pilit pinapanatili ang panatag na boses ko kahit na ang loob ko ay tila nagkakagulo. Ngumiti si Kiyo, pero walang kasiguraduhan kung iyon ba ay isang ngiting may simpatya o isang pahiwatig na wala na akong ligtas sa larong ito. "Doon mo matutuklasan kung sino ka talaga." Binalingan ko si Victoria, na ngayon ay nakangiti pa rin—parang aliw na aliw sa bawat nangyayari. Para sa kanya, isa lang itong palabas. Isa lang akong manika sa gitna ng isang laro na hindi ko pa lubusang naiintindihan. "Hindi ba dapat si Krim ang nagsasabi sa akin ng lahat ng ‘to?" tanong ko, tinapangan ang boses ko. "Si Krim?"
Pagpasok ko, agad kong napansin ang kakaibang pakiramdam sa loob ng bahay. Sa kabila ng luma at kupas na itsura nito mula sa labas, ang loob ay maayos at malinis—parang may taong talagang nag-aalaga rito. Ang amoy ng lumang papel at tsaa ang unang sumalubong sa akin. May mga lumang libro sa isang estante, at sa dingding ay may mga lumang larawan—mga taong hindi ko kilala, pero tila may kung anong pamilyar sa kanila. "Tuloy ka," sabi ng matanda, tinapik ang mesa sa gitna ng sala. "Maupo ka." Sinunod ko siya, pero hindi ako nag-relax. Ang katawan ko ay nanatiling alerto, handang kumilos kung kinakailangan. Umupo siya sa harap ko, dahan-dahang ibinaba ang tasa ng tsaa sa ibabaw ng mesa. "Ano’ng pangalan mo?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. "Alam mo na ang pangalan
Halos hindi ako makahinga. Ang tinig na iyon—ay malamig at puno ng kumpiyansa, at tila nakikipaglaro lang sa amin dahil sa hindi malaman na dahilan nagsitayuan ang balahibo ko. Napatingin ako kay Lucia, na ngayon ay may matapang na ekspresyon sa mukha. Mabilis siyang tumayo, kinuha ang isang lumang kahoy na kahon mula sa aparador, at inilagay ito sa mesa. "Makinig kang mabuti, Samantha," aniya, binubuksan ang kahon para ilabas ang isang maliit na balisong at isang kwintas na may kakaibang pendant. "Wala na tayong oras. Kailangan mong umalis dito." "Ano?" gulat kong tanong. "Hindi! Hindi kita iiwan—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Nang may narinig kaming isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa bahay—isang putok ng baril. Napayuko ako sa gulat, habang si Lucia ay mabilis na tumayo at hin
Para akong lumulutang sa kawalan. Nakita ko ang sarili kong nakatayo sa isang malawak na silid, napapalibutan ng anino ng nakaraan. Sa harapan ko, may isang babae—mahaba ang buhok, nakasuot ng puting bestida, at tila lumulutang ang presensya niya sa hangin. Hindi ko makita ang kanyang mukha, pero alam kong kilala ko siya. "Samantha..." Mahinang tinig ang tumawag sa akin, puno ng dalamhati at babala. "Sinong—?" Hindi ko natapos ang tanong ko dahil biglang nagbago ang paligid. Nagising ako sa tunog ng isang makina—parang monitor na bumibilis ang pagtunog. Dahan-dahan akong dumilat, pero bumungad sa akin ang mapusyaw na ilaw ng isang kisame. May matinding kirot sa katawan ko, parang tinanggalan ako ng lakas. Nasa isang silid ako—hindi ito pamilyar. Ang kama ay malambot, ang hangin ay amoy gamot, at may nararamdaman akong malamig na bakal na nakatusok sa kamay ko—dextrose. "Sa
Hindi ko namalayan na mahigpit kong hawak ang kwintas. Ang puso ko, bumibilis ang tibok sa kaba at galit na hindi ko maitago. Ano pa ba ang kailangan kong malaman? Ano pang kasinungalingan ang ipapakita niya sa akin? Napatingin ako sa paligid ng silid—walang bintana, isang pintuang hindi ko alam kung may susian mula sa loob. Malambot ang kama, maayos ang mga gamit, pero kahit gaano ito kaganda, alam kong isa itong kulungan. Pinilit kong bumangon. Mahina pa rin ang katawan ko, pero hindi ko pwedeng basta na lang manatili rito at maghintay sa anong sorpresa ang pinaplano ni Krim. Kung totoo nga ang hinala ko—kung wala na si Lucia—wala na akong ibang aasahan. Kailangan kong makaalis. Nilapitan ko ang pinto at marahang hinawakan ang hawakan nito. Dahan-dahan, sinubukan kong itulak—sarado. Hindi na ako nagulat, pero hindi rin ako susuko. Sinubukan kong kalabitin ang doorknob, baka sakaling hindi naka-lock, pero walang epekto
Habang patuloy kaming tumatakbo ni Elara sa makipot at madilim na pasilyo, hindi ko maiwasang lingunin ang dinaanan namin. Sa likuran, naririnig ko ang mahihinang tunog ng yabag—hindi ko alam kung may nakapansin sa pagkawala ko o kung may paparating na bantay. “Huwag kang titigil,” bulong ni Elara habang mahigpit na hawak ang kamay ko. Napansin kong paliko-liko ang dinadaanan namin, na parang mas lumalalim pa kami sa loob ng gusali imbes na palabas. Napakunot ang noo ko. “Elara… saan mo ba ako dadalhin?” Hindi siya agad sumagot. Nang makarating kami sa dulo ng pasilyo, saglit siyang huminto at sinilip ang paligid bago humarap sa akin. “Alam kong gusto mong makatakas, pero hindi mo magagawa ‘yan kung hindi mo alam ang buong katotohanan,” aniya sa mababang tinig. Muli kong naalala ang papel na iniwan niya sa akin. "Huwag kang maniniw
Mabilis ang pangyayari. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng silid. Napasinghap ako, awtomatikong napaatras habang hinila ako ni Elara papalayo kay Krim. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang folder na naglalaman ng aking pagkatao—tumilapon sa sahig, ang mga papel nagkalat sa paligid. Nakita kong naglakad si Krim papasok, hindi inaalis ang tingin sa akin. Sa ilalim ng malamig na ilaw, nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Hindi iyon ngiti ng kasiyahan—iyon ay isang ngiti ng taong may hawak ng kapalaran ko. “Samantha Villacruz,” aniya, binibigkas ang pangalang hindi ko pa rin matanggap. “Sa wakas, alam mo na rin ang totoo mong pangalan..” Umiling ako. “Hindi. Hindi ako si Samantha Villacruz!” Tumawa siya nang mahina. “Nakakatawa, hindi ba? Buong buhay mo, iba ang trato nila sayo
Mabigat ang hangin sa loob ng safehouse. Tanging mahihinang ungol ni Krim at malalalim naming paghinga ang bumabasag sa katahimikan. Hawak ko pa rin ang first aid kit, nanginginig ang mga kamay habang sinisikap kong pigilan ang patuloy na pagdurugo niya. Si Elara, hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Krim. Namumula na ang mga mata niya, pero hindi siya umiiyak. "Krim, sumagot ka!" bulong niya, halos pabulong na pagsusumamo. "Hindi mo 'to pwedeng bitawan, gago ka! Laban!" Pero mahina na lang ang reaksyon ni Krim. Halos hindi na niya maibuka ang mga mata niya. "Tangina," bulong ko, piniga ang dugtong na damit para gawing pressure sa sugat. "Zion, kailangan nating humingi ng tulong. Hindi ko 'to magagawa mag-isa." Pero umiling si Zion, bakas sa mukha ang seryosong ekspresyon. "Hindi tayo pwedeng magtiwala kahit kanino," sagot niya. "Lalo na ngayon. Mas lalong maghihigpit si K
Habol ang hininga ko habang binubuhat namin si Krim pababa sa makitid na kanal. Halos walang ilaw sa paligid, tanging buwan lang ang nagbibigay ng mahina at malamlam na liwanag. Ramdam ko ang sakit sa balikat ko, ang sugat kong hindi ko pa naaasikaso, pero hindi ito ang oras para huminto. Si Elara naman ay hirap na hirap na rin, pero hindi siya nagrereklamo. Kahit hingal na hingal, pilit niyang tinutulungan akong isalba si Krim. "Tuloy lang," utos ko sa kanya, kahit na alam kong pareho kaming pagod na pagod na. Sa bawat hakbang pababa sa madulas at maputik na kanal, naririnig ko ang echo ng mga yapak mula sa itaas. Hindi kami nagtagumpay na patayin silang lahat. May mga natira pang tauhan si Kiyo. At siguradong nasa likuran lang namin sila. "Shit!" bulong ko nang marinig ko ang ma
Hello mga readers! Kamusta kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at patuloy na nage-enjoy sa pagbabasa. Gusto ko lang muna magpasalamat sa walang sawang suporta ninyo sa aking kwento,sobrang na-aappreciate ko kayo! Gusto ko rin humingi ng pasensya dahil hindi ako nakapag-update nitong mga nakaraang araw. Medyo naging busy ako sa work, pero babawi ako, promise! Gagawin ko ang best ko para mahabol ang mga na-miss kong updates. Bukod diyan, open ako sa anumang recommendations at criticisms ninyo. Kung may gusto kayong idagdag o baguhin sa kwento, feel free to share your thoughts. Mas gusto ko na marinig ang inyong feedback para mas mapaganda pa natin ang ating kwento. Maraming salamat ulit, at abangan ninyo ang susunod na update! Love you all!
Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban
Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina,"
Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu
Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a
Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako
Nanlamig ang dugo ko nang makita ko ang pagngiti ni Aldo sa security monitor. Alam niyang nanonood ako. Alam niyang ako ang naka assign sa system. Paanong…? Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis kong ini-scan ang ibang security feeds sa monitor—nakita kong patuloy ang labanan sa itaas. Si Krim, Elara, at Zion ay nagtatago sa iba't ibang sulok ng bahay, lumalaban sa mga armadong lalaking pilit na pumapasok. Pero isang bagay ang mas kinabahala ko. Si Aldo ay hindi pa kumikilos. Wala siyang baril sa kamay, pero kitang-kita ang kumpiyansa sa tindig niya. Para bang alam niyang hawak niya ang sitwasyon. Nagulat ako nang biglang may malakas na tunog sa bandang kaliwa ko. Mabilis akong napalingon—may naramdaman akong bahagyang panginginig sa sahig. May pumapasok sa basement. "Shit..." Agad akong lumapit sa gun rack at kinuha ang handgun na hawak ko kanina. Mabilis kong ininspeksyon ang magazine at loaded pa rin. Huminga ako nang malalim. Hindi ako maaaring mag-pan