Napansin ko ang bahagyang pagngiti ni Aldo, ngunit sa likod nito ay may kung anong hindi ko maipaliwanag—parang may alam siyang isang lihim na hindi ko pa natutuklasan.
"Relax, Krim," aniya, bahagyang tinaas ang isang kamay na parang sumusuko. "Gusto ko lang makilala ang asawa mo. Maraming matutuwa na malaman na nagpakasal ka na rin sa wakas." Hindi ko alam kung biro o insulto ang sinabi niya, pero hindi ko na rin inalam. Alam kong may mas malalim pang dahilan ang pag-uusap nilang ito. "Hindi ko kailangang ipaliwanag ang mga desisyon ko sa kanila," malamig na sagot ni Krim. Tumango si Aldo, pero hindi siya umalis. Pinagmasdan niya ako sandali bago siya muling nagsalita. "Alam mo, Samantha," aniya, bumaling sa akin. "Kung may isang bagay kang dapat tandaan sa mundong ito, iyon ay ang huwag kang magtiwala kahit kanino. Lalo na sa mga taong akala mo ay kakampi mo." Malamig ang tinig niya, sapat para bigyan ako ng kakaibang pakiramdam may halong babala . Ngumiti ako, pilit na pinapanatili ang kumpiyansa ko. "Salamat sa payo, Mr. Aldo. Pero sigurado akong kaya kong alamin kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan." Bahagyang natawa si Aldo bago niya tinapik ang balikat ni Krim. "Maganda siya, Krim. Sana lang hindi siya matulad sa iba." Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, pero bago pa ako makapagtanong, tumalikod na siya at lumayo, naglaho sa gitna ng nagkikislapang mga ilaw at malalakas na halakhak ng mga bisita. Binalingan ko si Krim. "Ano'ng ibig sabihin no’n?" Pero imbes na sagutin ako, hinila niya ako papunta sa isang mas tahimik na bahagi ng ballroom—malapit sa isang malawak na bintana na tanaw ang tamawin sa labas. "Samantha," mahina niyang sabi, pero may diin ang bawat salitang binabanggit niya. "Huwag kang makikinig sa kanila." Tumaas ang kilay ko. "Bakit hindi? Dahil baka may sabihin silang hindi ko dapat marinig?" Hindi siya sumagot agad, at doon ko napagtanto na tama ako. "Krim," bulong ko, sinubukang hanapin kung nagsasabi siya ng totoo base sa mga mata niya. "Ano ba talaga ang nangyayari? Ano ang itinatago mo sa akin?" Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit, halos magkadikit na ang mga mukha namin. "Ikaw ang nagsabi, hindi ba?" bulong niya sa isang bahagyang nakakapangilabot na tono. "Kung itatapon kita sa tubig, dapat marunong kang lumangoy." Hindi ako natinag, kahit ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. "Oo," sagot ko, matatag ang boses ko. "At sisiguraduhin kong hindi ako malulunod." Nagtagal ang titigan naming dalawa, punong-puno ng tensyon at hindi mabigkas na mga salita. Hanggang sa bigla siyang ngumiti—isang ngiting hindi ko alam kung pagsang-ayon o babala. "Tingnan natin," bulong niya, bago siya lumayo at iniwan akong mag-isa, habanh ako ay nakatingin sa malawak na tanawin sa labas ng ballroom. At sa sandaling iyon, alam kong ang laban naming dalawa ay nagsisimula pa lang. ___ Napakapit ako sa malamig na railing ng balkonahe, pilit pinapanatili ang kontrol ko sa sarili ko. Ilang beses na akong inilagay ni Krim sa mga sitwasyong hindi ko inaasahan, pero ngayon, pakiramdam ko ay nasa mas malalim na tubig na ako at kailangan kong malaman kung makakabuti ba o makakasama ito sa akin. Muli kong iniikot ang paningin ko sa loob ng ballroom. Ang mga tao ay patuloy sa kanilang kasayahan—mga halakhak, marahang bulungan, at tila walang katapusang sayaw ng kapangyarihan sa pagitan ng mga makapangyarihan. Pero hindi ko kayang balewalain ang bigat ng mga tingin na nararamdaman ko mula sa iba't ibang parte ng silid. Para bang lahat sila ay may alam na hindi ko pa natutuklasan. At ako? Ako lang ang taong pilit na inuunawa ang mundong ito. "Miss, gusto niyo pa po ba ng alak?" tanong ng isang waiter na lumapit sa akin, hawak ang isang tray ng champagne. Bahagya akong napakurap, bumalik ang ulirat ko. Tinanggihan ko ang inaalok niya, kahit pakiramdam ko ay kailangan ko ng kahit anong bagay na makakapagpakalma sa akin. Kailangan kong manatiling matino. Kailangan kong magmasid. Bumuntong-hininga ako at nagsimulang maglakad pabalik sa gitna ng ballroom, pero bago pa ako makalayo, may isang kamay ang marahang humawak sa aking pulso. Napalingon ako. Si Victoria. Ngumiti siya sa akin, ngunit may bahagyang panunuya sa kanyang mga mata. "Naiisip ko lang," sabi niya, binitiwan niya ang pulso ko at hinawi ang isang hibla ng kanyang buhok. "Kung nagbago na nga ba ang panlasa ni Krim o… may dahilan kung bakit ikaw ang pinili niya." Napakuyom ako ng kamao. "Ano bang problema mo sa akin?" Natawa siya, malambing sa pandinig pero puno ng pang mamataas. "Wala naman," sagot niya, bahagya siyang yumuko upang mas marinig ko ang susunod niyang sasabihin. "Gusto lang kitang bigyan ng babala." Nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya. "Bakit?" tanong ko, hindi na naitago ang iritasyon sa boses ko. Bumuntong-hininga siya, kunwari ay nag-aalangan. "Dahil kung ako sa'yo, hindi ko ipagpapalagay na protektado ako sa tabi ni Krim." Napasinghap ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Pero bago pa siya sumagot, may lumapit sa kanyang isang lalaking hindi ko kilala. "Victoria," tawag nito, may halong pagbabanta sa boses. Tumango si Victoria, saka muling binalingan ako. "Mag-iingat ka, Samantha." At sa isang iglap, iniwan niya akong tulala, pilit inuunawa ang banta sa kanyang mga salita. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Krim. "Samantha," malamig ang boses niya. "Anong sinabi niya sa’yo?" Tumingala ako sa kanya at tumingin sa mata niya, pilit hinahanap ang sagot sa kanyang mga mata. "Bakit parang lahat ng taong nakakakilala sa'yo ay binibigyan ako ng babala?" Hindi siya agad sumagot. Sa halip, hinawakan niya ang pulso ko, mas mahigpit kaysa sa inaasahan ko. "Huwag kang makinig sa kanila." Napasinghap ako sa diin ng boses niya. "At bakit hindi?" Humigpit lalo ang hawak niya. "Dahil ako lang ang dapat mong paniwalaan." Napalunok ako. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng kanyang mga salitang binibitawan niya. Kung may isang bagay akong natutunan ngayong gabi, ito ay ang katotohanang hindi ko kayang magtiwala kahit kanino. Kahit kay Krim. Lalo na kay Krim. ----- Nanatili kaming nakatayo roon, magkalapit, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Alam kong may itinatago siya. Alam niyang hindi ako titigil hangga’t hindi ko iyon nalalaman. "Krim," mahinang sabi ko, pilit pinapalambot ang boses ko. "Ano bang pinasok ko?" Sandaling iyon ay hindi siya kumibo. Kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya, ang paraan ng paggalaw ng kanyang dibdib na parang pinipigilan ang sariling magsalita. Hanggang sa bumuntong-hininga siya at hinila ako palayo. Dinala niya ako sa isang pribadong silid sa gilid ng ballroom—isang malawak na lounge na may dim na ilaw, malambot na sofa, at isang bintanang natatakpan ng makakapal na kurtina. Nang makapasok kami, marahang isinara niya ang pinto. Nilingon ko siya, naghihintay ng paliwanag. Pero sa halip na magsalita, pinagmasdan lang niya ako. Matalim, malalim, at kinikilatis ang bawat kilos ko. At nang magsalita siya na para bang naghahamon "Gusto mong malaman ang totoo?" Tumango ako, kahit pa bahagyang naninikip ang dibdib ko sa kaba. Lumapit siya, hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. "Ang mundo ko, Samantha, ay hindi katulad ng iniisip mo." Napalunok ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Hinawakan niya ang baywang ko at hinila ako papalapit sakanya . Hindi ko alam kung pananakot iyon o pagnanasa, pero ramdam ko ang init ng katawan niya. "Ang mga taong narito," bulong niya, "hindi lang sila basta negosyante o politiko." Nanlamig ang katawan ko. "Krim—" "Silang lahat," bulong niya, inilapit ang bibig sa tenga ko upang mas maramdaman ko ang bawat salitang binibigkas niya. "ay may kanya-kanyang laro. At kung hindi ka mag-iingat, magiging isa ka lang piyesa sa gitna ng giyera nila." Humigpit ang hawak niya sa akin, pero hindi ako nanlaban. Nagtagpo ang mga mata namin, at sa sandaling iyon, napagtanto ko—hindi ako ang babaeng papayag na maging piyesa lang. Kung ito nga ay isang laro, sisiguraduhin kong hindi ako ang matatalo. "Hindi ako basta-bastang piyesa, Krim," madiin kong sagot. "At kung iniisip mong kaya mo akong protektahan sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng totoo, nagkakamali ka." Napangiti siya, isang ngiting may halong pagkamangha "Tingnan natin," aniya. At sa pagkakataong iyon, alam kong tuluyan na akong nakapasok sa mundo niya. ------ Ang katahimikan sa pagitan namin ay punung-puno ng hindi mabigkas na mga salita. Hindi ko alam kung pananakot ba ang ginagawa ni Krim o sinusubok niya kung hanggang saan lang ako. Pero hindi ako uurong. Hindi siya bumitiw sa pagkakahawak sa akin. Nakatitig siya sa akin na parang sinusukat ang bawat galaw ko, ang bawat reaksyon ko. Alam kong inaasahan niyang matatakot ako, na magdadalawang-isip ako. Pero sa halip, ako ang humawak sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya, pinipilit siyang tingnan ako hindi bilang isang mahina, kundi bilang isang taong may sariling kakayahan. "Hindi ako aalis, Krim," matigas kong sabi. "Kung giyera man itong pinasok ko, gusto kong malaman kung sino ang mga kalaban ko." Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya—isang mapanganib na ngiti. "At paano kung ako ang kalaban mo, Samantha?" Nanlamig ang dugo ko sa sinabi niya, pero hindi ako natinag. "Kung ikaw ang kalaban ko," sagot ko, hindi bumibitaw sa titig niya, "sisiguraduhin kong hindi ako ang matatalo." Nagtagal ang titigan namin. Para kaming nasa isang tahimik na labanan kung sino ang unang aatras. Siya ang unang bumitaw. Tumalikod siya at marahang naglakad papunta sa bar sa loob ng lounge, kinuha ang isang bote ng alak, saka nagsalin sa baso. "Matapang ka," aniya, hindi ako nililingon. "Pero hindi sapat ang tapang para mabuhay sa mundong ito." Humakbang ako palapit. "Kaya nga gusto kong malaman kung paano lumaban." Uminom siya ng alak, saka bumaling sa akin. "At ano ang kapalit?" Napakunot ang noo ko. "Ano?" Lumapit siya, bitbit ang baso ng alak, at tumigil sa harapan ko. "Kapag tinuruan kita kung paano lumaban sa mundong ito," bulong niya, "kapalit no’n, kailangan mong sundin ako." Napalunok ako. "Sa lahat ng bagay, Samantha," dagdag niya, may bahagyang banta sa tono. "Walang tanong, walang pagdududa. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tatakbo ka. Kapag sinabi kong huwag kang magtanong, mananahimik ka. At kapag sinabi kong lumaban ka, sisiguraduhin mong mananalo ka." Humigpit ang hawak ko sa gilid ng aking bestida. Alam kong may panganib sa likod ng alok niya. Alam kong kapag tinanggap ko ito, wala nang atrasan. Pero kung hindi ako papayag, mananatili akong bulag sa kung ano talaga ang nangyayari. Nagmamadaling bumalik sa isip ko ang lahat ng mga nangyari ngayong gabi—ang mga titig, ang mga babala, ang misteryosong presensya ni Victoria, ang tila mapanganib na koneksyon ni Krim sa mga taong narito. Ito na ang pagkakataon kong makuha ang mga sagot. Huminga ako nang malalim at tumingin diretso sa kanya. "Kung ituturo mo sa akin kung paano lumaban," madiin kong sabi, "sisiguraduhin kong hindi kita bibiguin." Natahimik siya. Sa loob ng ilang segundo, parang may pinag-isipan siyang mabuti. Hanggang sa bigla siyang ngumiti—isang ngiting may halong pagsang-ayon. "Good," aniya. "Dahil sa mundong ito, Samantha… ang sino mang mahina, namamatay." At sa sandaling iyon, alam kong opisyal na akong pumasok sa laro niya.Ramdam ko ang malamig na hangin mula sa bintanang bahagyang nakabukas, pero hindi nito napawi ang init na gumapang sa aking balat sa bigat ng mga salitang binitiwan ni Krim. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang hindi ko pa natutuklasan, o ang katotohanang wala nang atrasan ito. "Kung gano’n, Samantha," patuloy niya, nilapag ang baso sa lamesa at humakbang papalapit sa akin, "magsisimula tayo ngayon." "Ngayon?" Ngumiti siya, pero hindi iyon ngiting nagpapagaan ng loob. "Oo. Dahil sa mundong ito, wala tayong oras para sa mga taong nag-aalangan." Napalunok ako pero hindi ako umuurong. "Ano'ng unang hakbang?" Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya bahagyang lumingon, itinuro ang pinto. "Lumabas ka sa kwartong ito." Napakunot ang noo ko. "Ano?" "Hindi kita susundan. Hindi kita tutulungan. Pero bago sumapit ang hatinggabi, dapat nasa ligtas kang lugar, atb walang makakahuli s
Habang lumalayo kami sa ballroom, unti-unting humihina ang tunog ng musika. Sa bawat hakbang namin sa makitid at madilim na pasilyo, lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Si Marco ay tahimik lang, hindi man lang siya lumilingon sa akin. Ang mahigpit niyang hawak sa aking siko ay hindi mahigpit pero sapat na para ipaalam na wala akong choice kundi ang sumunod. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmadong boses. Hindi siya agad sumagot. Ngunit nang makarating kami sa dulo ng pasilyo—sa harap ng isang lumang pinto na mukhang bihirang puntahan ng mga tao—tumigil kami at tumingin sa akin. "Malalaman mo rin," sagot niya, bago itinulak nang bahagya ang pinto. Dumaan kami sa isang mas maliit na silid, halos wala itong ilaw maliban sa liwanag mula sa bintanang may kurtinang bahagyang nakabukas. Ang mga anino sa loob ay nagbigay ng kakaibang kilabot, ngunit ang mas lalong gumulo sa isip ko ay ang presensyang naramdama
Hindi ako agad nakasagot. Ang mga mata ko ay nakapako sa papel na inabot sa akin ni Kiyo—isang simpleng address, ngunit pakiramdam ko, Ito ang susi sa isang pinto na matagal nang nakakandado. "Anong meron sa lugar na ‘to?" tanong ko, pilit pinapanatili ang panatag na boses ko kahit na ang loob ko ay tila nagkakagulo. Ngumiti si Kiyo, pero walang kasiguraduhan kung iyon ba ay isang ngiting may simpatya o isang pahiwatig na wala na akong ligtas sa larong ito. "Doon mo matutuklasan kung sino ka talaga." Binalingan ko si Victoria, na ngayon ay nakangiti pa rin—parang aliw na aliw sa bawat nangyayari. Para sa kanya, isa lang itong palabas. Isa lang akong manika sa gitna ng isang laro na hindi ko pa lubusang naiintindihan. "Hindi ba dapat si Krim ang nagsasabi sa akin ng lahat ng ‘to?" tanong ko, tinapangan ang boses ko. "Si Krim?"
Pagpasok ko, agad kong napansin ang kakaibang pakiramdam sa loob ng bahay. Sa kabila ng luma at kupas na itsura nito mula sa labas, ang loob ay maayos at malinis—parang may taong talagang nag-aalaga rito. Ang amoy ng lumang papel at tsaa ang unang sumalubong sa akin. May mga lumang libro sa isang estante, at sa dingding ay may mga lumang larawan—mga taong hindi ko kilala, pero tila may kung anong pamilyar sa kanila. "Tuloy ka," sabi ng matanda, tinapik ang mesa sa gitna ng sala. "Maupo ka." Sinunod ko siya, pero hindi ako nag-relax. Ang katawan ko ay nanatiling alerto, handang kumilos kung kinakailangan. Umupo siya sa harap ko, dahan-dahang ibinaba ang tasa ng tsaa sa ibabaw ng mesa. "Ano’ng pangalan mo?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. "Alam mo na ang pangalan
Halos hindi ako makahinga. Ang tinig na iyon—ay malamig at puno ng kumpiyansa, at tila nakikipaglaro lang sa amin dahil sa hindi malaman na dahilan nagsitayuan ang balahibo ko. Napatingin ako kay Lucia, na ngayon ay may matapang na ekspresyon sa mukha. Mabilis siyang tumayo, kinuha ang isang lumang kahoy na kahon mula sa aparador, at inilagay ito sa mesa. "Makinig kang mabuti, Samantha," aniya, binubuksan ang kahon para ilabas ang isang maliit na balisong at isang kwintas na may kakaibang pendant. "Wala na tayong oras. Kailangan mong umalis dito." "Ano?" gulat kong tanong. "Hindi! Hindi kita iiwan—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Nang may narinig kaming isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa bahay—isang putok ng baril. Napayuko ako sa gulat, habang si Lucia ay mabilis na tumayo at hin
Para akong lumulutang sa kawalan. Nakita ko ang sarili kong nakatayo sa isang malawak na silid, napapalibutan ng anino ng nakaraan. Sa harapan ko, may isang babae—mahaba ang buhok, nakasuot ng puting bestida, at tila lumulutang ang presensya niya sa hangin. Hindi ko makita ang kanyang mukha, pero alam kong kilala ko siya. "Samantha..." Mahinang tinig ang tumawag sa akin, puno ng dalamhati at babala. "Sinong—?" Hindi ko natapos ang tanong ko dahil biglang nagbago ang paligid. Nagising ako sa tunog ng isang makina—parang monitor na bumibilis ang pagtunog. Dahan-dahan akong dumilat, pero bumungad sa akin ang mapusyaw na ilaw ng isang kisame. May matinding kirot sa katawan ko, parang tinanggalan ako ng lakas. Nasa isang silid ako—hindi ito pamilyar. Ang kama ay malambot, ang hangin ay amoy gamot, at may nararamdaman akong malamig na bakal na nakatusok sa kamay ko—dextrose. "Sa
Hindi ko namalayan na mahigpit kong hawak ang kwintas. Ang puso ko, bumibilis ang tibok sa kaba at galit na hindi ko maitago. Ano pa ba ang kailangan kong malaman? Ano pang kasinungalingan ang ipapakita niya sa akin? Napatingin ako sa paligid ng silid—walang bintana, isang pintuang hindi ko alam kung may susian mula sa loob. Malambot ang kama, maayos ang mga gamit, pero kahit gaano ito kaganda, alam kong isa itong kulungan. Pinilit kong bumangon. Mahina pa rin ang katawan ko, pero hindi ko pwedeng basta na lang manatili rito at maghintay sa anong sorpresa ang pinaplano ni Krim. Kung totoo nga ang hinala ko—kung wala na si Lucia—wala na akong ibang aasahan. Kailangan kong makaalis. Nilapitan ko ang pinto at marahang hinawakan ang hawakan nito. Dahan-dahan, sinubukan kong itulak—sarado. Hindi na ako nagulat, pero hindi rin ako susuko. Sinubukan kong kalabitin ang doorknob, baka sakaling hindi naka-lock, pero walang epekto
Habang patuloy kaming tumatakbo ni Elara sa makipot at madilim na pasilyo, hindi ko maiwasang lingunin ang dinaanan namin. Sa likuran, naririnig ko ang mahihinang tunog ng yabag—hindi ko alam kung may nakapansin sa pagkawala ko o kung may paparating na bantay. “Huwag kang titigil,” bulong ni Elara habang mahigpit na hawak ang kamay ko. Napansin kong paliko-liko ang dinadaanan namin, na parang mas lumalalim pa kami sa loob ng gusali imbes na palabas. Napakunot ang noo ko. “Elara… saan mo ba ako dadalhin?” Hindi siya agad sumagot. Nang makarating kami sa dulo ng pasilyo, saglit siyang huminto at sinilip ang paligid bago humarap sa akin. “Alam kong gusto mong makatakas, pero hindi mo magagawa ‘yan kung hindi mo alam ang buong katotohanan,” aniya sa mababang tinig. Muli kong naalala ang papel na iniwan niya sa akin. "Huwag kang maniniw
Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban
Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina," bulong k
Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu
Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a
Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako
Nanlamig ang dugo ko nang makita ko ang pagngiti ni Aldo sa security monitor. Alam niyang nanonood ako. Alam niyang ako ang naka assign sa system. Paanong…? Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis kong ini-scan ang ibang security feeds sa monitor—nakita kong patuloy ang labanan sa itaas. Si Krim, Elara, at Zion ay nagtatago sa iba't ibang sulok ng bahay, lumalaban sa mga armadong lalaking pilit na pumapasok. Pero isang bagay ang mas kinabahala ko. Si Aldo ay hindi pa kumikilos. Wala siyang baril sa kamay, pero kitang-kita ang kumpiyansa sa tindig niya. Para bang alam niyang hawak niya ang sitwasyon. Nagulat ako nang biglang may malakas na tunog sa bandang kaliwa ko. Mabilis akong napalingon—may naramdaman akong bahagyang panginginig sa sahig. May pumapasok sa basement. "Shit..." Agad akong lumapit sa gun rack at kinuha ang handgun na hawak ko kanina. Mabilis kong ininspeksyon ang magazine at loaded pa rin. Huminga ako nang malalim. Hindi ako maaaring mag-pan
Pinanood ko si Krim habang dahan-dahan niyang tinanggal ang mga strap ng kanyang tactical vest. Kitang-kita sa ekspresyon niya ang pag-aalala, pero hindi niya hinayaang lumalim pa ang usapan tungkol sa sugat ko. Ang atensyon niya ngayon ay nasa encrypted message na nakuha ni Zion. "Ipakita mo sa akin," utos ni Krim habang lumalapit sa isang monitor sa main room. Mabilis na kinalikot ni Zion ang keyboard, at ilang saglit lang ay lumabas sa screen ang isang serye ng random characters. Hindi ko ito maintindihan mga halo-halong letra, numero, at simbolo. Pero hindi ito ordinaryong mensahe. "Ito ang pinakamalalim na encryption na nakita ko," bulong ni Zion, hindi inaalis ang tingin sa screen. "At mukhang galing ito sa isa sa dating core members ng grupo mo." Tumayo si Krim sa likod niya, nagbubuntong-hininga. "Siya ba an
Sa pagpabaril ni Krim ay may isang kalaban ang natumba sa sahig, bumagsak siya nang hindi man lang nakaputok pabalik. "Dalawa pa sa kanan!" sigaw ni Zion habang mabilis na sumilong sa isang konkretong poste sa gilid ng tunnel Agad akong sumunod, humihingal habang mahigpit na hawak ang baril sa nanginginig kong mga kamay. "Sam, bantayan mo ang kaliwa!" utos ni Elara habang binabaril ang isa pang kalaban na sumilip mula sa dulo ng tunnel. Tumango ako, pinipilit na kontrolin ang kaba sa dibdib ko. Itinapat ko ang baril sa direksyong sinabi niya, hinahanap ang kahit anong galaw sa dilim. Narinig ko ang tunog ng pag-reload ni Krim sa tabi ko. "Kaya mo ‘to, Sam. Huwag kang matakot." Hindi ko na natanong ang sarili ko dahil biglang may lumabas mula sa isang madilim na sulok—isang lalaki armado siya at may dalang baril, papunta ito
"Kaya siya pinaghahanap," mahinang dagdag ni Elara. "At kaya hanggang ngayon, hindi siya tinatantanan." Napapikit ako, pinoproseso ang bigat ng impormasyong ‘yon. "Kaya ka ba lumayo sa akin noon, Krim?" mahina kong tanong. "Dahil alam mong hindi ako magiging ligtas at pinabayaang magdesisyon para sa sarili ko?" Mabagal siyang lumapit sa akin, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Oo," bulong niya. "At kahit anong gawin ko, kahit anong pagsisikap kong ilayo ka sa gulong ‘to… nahatak ka pa rin pabalik at ngayon mas lalo pang lumala dahil nalaman nila kung sino ka talaga." Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o masaktan. Pero isang bagay ang sigurado ako dahil hindi na ako lalayo kay Krim. --- Tumikhim si Zion, binasag nito ang tensyon sa pagitan namin. "Ngayon, ang tanong… paano natin sila mauunahan?" Nagpalit ang s