Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2025-02-23 19:00:43

Iniabot ng isang matandang lalaki ang kamay niya para kamayan ako.

Pinilit kong ngumiti at tinanggap ang kamay niya, ngunit sa sandaling iyon ay naramdaman ko ang bahagyang panlalalamig ng kanyang palad—o marahil ako lang ang kinakabahan?

“Magandang gabi po,” sagot ko nang pormal, sinusubukang itago ang anumang emosyon sa boses ko.

Napansin kong bahagyang tumaas ang kilay ng matanda habang pinagmamasdan ako, para bang sinusuri niya ako gaya ng ginagawa ni Krim.

"Interesting," bulong niya bago bumaling muli kay Krim. "Kakaiba siya."

Napansin ko ang bahagyang pag-igting ng panga ni Krim, ngunit hindi niya iyon pinansin.

"Bakit hindi ka muna makisalamuha sa ibang mga bisita, Samantha?" mahinang sabi niya sa akin. "May kailangan lang kaming pag-usapan ni Mr. Navarro."

Nag-aalangan man, tumango ako. Sa puntong ito, hindi ako pwedeng gumawa ng eksena. Kailangang matuto akong gumalaw nang maingat kung gusto kong makahanap ng paraan para makatakas.

Lumayo ako sa kanila, dala ang baso ng alak, habang iniikot ko ang paningin sa buong lugar. Ang engrandeng ballroom ay puno ng makapangyarihang tao—mga negosyante, politiko, at mga personalidad na sigurado akong hindi basta-basta.

Nakakailang.

Luminga linga ako sa paligid at naghahanap ako ng pamilyar na mukha, ngunit sa halip ay may ilang babae ang lumapit sa akin, halatang nakiki-usyoso.

"Ikaw pala ang asawa ni Krim," sabi ng isang babaeng nakasuot ng puting gown na bagay sa kanya

Mataas ang postura niya, kita sa kilos ang pagiging elegante ngunit may bahagyang panunuya sa kanyang tono.

"Matagal na namin siyang kilala, pero ngayon lang namin nalaman na may asawa na pala siya," dagdag pa ng isa.

Napangiti ako, pilit na pinapanatili ang kumpiyansa sa sarili. "Nagulat din ako," sagot ko nang kalmado.

Nagkatinginan ang dalawa bago muling ngumiti—ngiting alam kong puno ng interes at pagdududa.

"Tiyak kong marami kang kailangang matutunan tungkol sa mundo niya," sabi ng unang babae. "Ang mundo namin."

Bago pa ako makasagot, isang pamilyar na boses ang lumusot sa likuran ko.

"Huwag kayong mag-alala, madali siyang matuto."

Napalingon ako at bumungad sa akin si Krim.

Nakatayo siya sa likuran ko, ang kamay niya ay muling nasa likod ko na parang sinasabi sa lahat ng tao na hindi ako basta-bastang pwedeng lapastanganin.

Ang dalawang babae ay nagkibit-balikat bago tuluyang umalis, ngunit hindi bago yon ay binigyan nila ako ng makahulugang tingin.

"Bakit ka lumayo?" bulong ni Krim, bahagyang yumuko upang ilapit ang labi niya sa tainga ko.

Nanigas ako. "Ikaw ang nagsabi sa akin na lumayo muna ako, hindi ba?"

Bahagyang tumawa siya. "Akala ko ba gusto mong sumunod sa akin kung saan ako magpunta."

Napalunok ako.

Ang lalaking ito… alam niyang kaya niyang paglaruan ang isip ko.

Ngunit hindi ako papayag.

Bago pa niya ako mahuli sa patibong niya, lumayo ako. "Babalik nako sa mesa natin," sabi ko, pilit pinapanatiling kalmado ang boses ko.

Sa pagkakataong ito, hinayaan niya akong lumayo.

Ngunit habang naglalakad ako palayo, hindi ko maiwasang maramdaman ang tingin niya sa akin—matalim, mapagmasid, at may halong pagbabanta.

At sa sandaling iyon, alam kong hindi pa tapos ang laban naming dalawa.

Ang isang linggong ibinigay niya sa akin ay hindi simpleng hamon lang.

Isa itong laro.

At siguradong may mananalo.

At hindi ako papayag na ako ang matatalo.

Ang mga salitang binitiwan ni Krim ay parang isang matalim na kutsilyong tumama sa dibdib ko.

Nasa dagat ako ng mga pating.

Unti-unti akong lumingon sa paligid. Hindi lang basta mayayaman at makapangyarihang tao ang nasa lugar na ito. Ang presensya nila ay mabigat, puno ng lihim —parang bawat kilos at bawat salita nila ay may nakatagong layunin.

At ngayon, ako ang bagong mukha sa lugar na ito.

Ibinaba ko ang hawak kong baso at umayos ng tayo. Kahit anong gawin ni Krim, hindi ako basta bastang matatakot. Ayokong ipakita na isa lang akong inosenteng babae na nadala sa agos ng kanyang mundo.

"Kung gusto mong itapon ako sa tubig, Krim," bulong ko, hindi siya tinatapunan ng tingin, "siguraduhin mong kaya kong lumangoy."

Narinig ko ang mahina niyang tawa, at base sa tunog nito ay nagustuhan niya ang sagot ko. Pero hindi ako bumigay.

Hinayaan kong siya ang unang sumuko sa pagitan ng titigan naming dalawa

"Samantha," may tumawag sa pangalan ko.

Napalingon ako at nakita ang isang babae—mga nasa trenta na, may mahabang itim na buhok at suot ang isang pulang gown na lalong nagbigay-diin sa mapuputi niyang balat. Ang mga mata niya ay matalim, puno ng pag-uusisa.

"Sino siya?" tanong ko kay Krim, bahagyang inilapit ang sarili sa kanya.

Pero bago pa siya makasagot, ngumiti ang babae. "Ah, hindi ka niya binibigyan ng impormasyon, ano? Hindi na ako magtataka."

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Victoria Montefalco. Businesswoman. At... dati kong kakilala ang asawa mo."

Napakunot ang noo ko. Kilala niya si Krim?

Tumingin ako kay Krim, naghihintay ng paliwanag, pero kalmado lang siya. Para bang wala siyang balak ipaliwanag kung ano ang koneksyon nila ni Victoria.

"At anong ibig mong sabihin sa 'dati'?" balik ko, tinanggap ang kamay niya pero hindi ko siya binitiwan ng tingin.

Ngumiti siya, pero sa likod ng ngiting iyon ay may kung anong hindi ko maintindihan. "Sabihin na lang natin na matagal na kaming hindi nagkikita ng asawa mo."

Ilang segundo akong nanatili sa ganoong posisyon, sinusuri kung ano ba ang tunay na intensyon niya. Pero bago ko pa matuklasan, may lumapit na lalaki sa amin, mukhang kakilala rin ni Krim.

"Babe, kanina pa kita hinahanap," sabi ng lalaki, inilalagay ang kamay niya sa baywang ni Victoria.

Nakita kong bahagyang nanigas si Krim.

Interesting.

"Well, I guess we’ll see each other again, Samantha," sabi ni Victoria bago siya tumalikod at naglakad papalayo kasama ang lalaki.

Hindi ako nakatiis at bumulong kay Krim, "Sino siya?"

"Hindi mo na kailangang malaman."

Tiningnan ko siya ng masama. "At ano naman ang ibig sabihin no'n?"

Nilingon niya ako, ang mga mata niya puno ng babala. "Huwag kang masyadong mausisa, Samantha. Hindi mo gugustuhing malaman ang sagot."

Mas lalo lang akong nainis. Pero bago pa ako makapagtanong ulit, may isa pang lalaking lumapit sa amin. Mas matanda siya, nasa singkwenta na marahil, pero may presensya siyang hindi pwedeng ipagwalang-bahala.

"Krim," bati ng matanda, may bahagyang ngiti sa labi pero hindi ko mapigilang maramdaman ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Aldo," malamig na sagot ni Krim.

Pinagmasdan ako ng matanda mula ulo hanggang paa. "So, ito na pala ang asawa mo. Napaka... bata."

Umirap ako. "At ano naman ang ibig sabihin no'n?"

Napangiti si Aldo, halatang natuwa sa reaksyon ko. "Maganda siya, Krim. Pero mukhang may matalim ding dila."

Bago pa ako makasagot, biglang humigpit ang hawak ni Krim sa baywang ko. "Hindi ko siya dinala rito para pag-usapan, Aldo. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na."

Nagpalitan sila ng titig—isang uri ng titigan na parang may hindi sinasabi ang isa't isa. Alam kong hindi ito basta usapang negosyo.

At doon ko napagtanto…

Hindi lang basta business party ito.

May mas malaking bagay ang nangyayari sa likod ng mga magagarang kasuotan at mamahaling alak.

At ngayon, parte na ako nito.

Muli kong tiningnan si Krim. Kahit ano pang sabihin niya, hindi niya ako mapoprotektahan sa katotohanan.

Kailangan kong malaman kung anong totoong laro ang pinasok ko.

At kailangang siguraduhin kong hindi ako ang magiging talo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 5

    Napansin ko ang bahagyang pagngiti ni Aldo, ngunit sa likod nito ay may kung anong hindi ko maipaliwanag—parang may alam siyang isang lihim na hindi ko pa natutuklasan. "Relax, Krim," aniya, bahagyang tinaas ang isang kamay na parang sumusuko. "Gusto ko lang makilala ang asawa mo. Maraming matutuwa na malaman na nagpakasal ka na rin sa wakas." Hindi ko alam kung biro o insulto ang sinabi niya, pero hindi ko na rin inalam. Alam kong may mas malalim pang dahilan ang pag-uusap nilang ito. "Hindi ko kailangang ipaliwanag ang mga desisyon ko sa kanila," malamig na sagot ni Krim. Tumango si Aldo, pero hindi siya umalis. Pinagmasdan niya ako sandali bago siya muling nagsalita. "Alam mo, Samantha," aniya, bumaling sa akin. "Kung may isang bagay kang dapat tandaan sa mundong ito, iyon ay ang huwag kang magtiwala kahit kanino. Lalo na sa mga taong akala mo ay kakampi mo." Malamig ang tinig niya, sapat para bigyan ako ng kakaiba

    Last Updated : 2025-02-24
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 6

    Ramdam ko ang malamig na hangin mula sa bintanang bahagyang nakabukas, pero hindi nito napawi ang init na gumapang sa aking balat sa bigat ng mga salitang binitiwan ni Krim. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang hindi ko pa natutuklasan, o ang katotohanang wala nang atrasan ito. "Kung gano’n, Samantha," patuloy niya, nilapag ang baso sa lamesa at humakbang papalapit sa akin, "magsisimula tayo ngayon." "Ngayon?" Ngumiti siya, pero hindi iyon ngiting nagpapagaan ng loob. "Oo. Dahil sa mundong ito, wala tayong oras para sa mga taong nag-aalangan." Napalunok ako pero hindi ako umuurong. "Ano'ng unang hakbang?" Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya bahagyang lumingon, itinuro ang pinto. "Lumabas ka sa kwartong ito." Napakunot ang noo ko. "Ano?" "Hindi kita susundan. Hindi kita tutulungan. Pero bago sumapit ang hatinggabi, dapat nasa ligtas kang lugar, atb walang makakahuli s

    Last Updated : 2025-02-25
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 7

    Habang lumalayo kami sa ballroom, unti-unting humihina ang tunog ng musika. Sa bawat hakbang namin sa makitid at madilim na pasilyo, lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Si Marco ay tahimik lang, hindi man lang siya lumilingon sa akin. Ang mahigpit niyang hawak sa aking siko ay hindi mahigpit pero sapat na para ipaalam na wala akong choice kundi ang sumunod. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmadong boses. Hindi siya agad sumagot. Ngunit nang makarating kami sa dulo ng pasilyo—sa harap ng isang lumang pinto na mukhang bihirang puntahan ng mga tao—tumigil kami at tumingin sa akin. "Malalaman mo rin," sagot niya, bago itinulak nang bahagya ang pinto. Dumaan kami sa isang mas maliit na silid, halos wala itong ilaw maliban sa liwanag mula sa bintanang may kurtinang bahagyang nakabukas. Ang mga anino sa loob ay nagbigay ng kakaibang kilabot, ngunit ang mas lalong gumulo sa isip ko ay ang presensyang naramdama

    Last Updated : 2025-02-25
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 8

    Hindi ako agad nakasagot. Ang mga mata ko ay nakapako sa papel na inabot sa akin ni Kiyo—isang simpleng address, ngunit pakiramdam ko, Ito ang susi sa isang pinto na matagal nang nakakandado. "Anong meron sa lugar na ‘to?" tanong ko, pilit pinapanatili ang panatag na boses ko kahit na ang loob ko ay tila nagkakagulo. Ngumiti si Kiyo, pero walang kasiguraduhan kung iyon ba ay isang ngiting may simpatya o isang pahiwatig na wala na akong ligtas sa larong ito. "Doon mo matutuklasan kung sino ka talaga." Binalingan ko si Victoria, na ngayon ay nakangiti pa rin—parang aliw na aliw sa bawat nangyayari. Para sa kanya, isa lang itong palabas. Isa lang akong manika sa gitna ng isang laro na hindi ko pa lubusang naiintindihan. "Hindi ba dapat si Krim ang nagsasabi sa akin ng lahat ng ‘to?" tanong ko, tinapangan ang boses ko. "Si Krim?"

    Last Updated : 2025-02-26
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 9

    Pagpasok ko, agad kong napansin ang kakaibang pakiramdam sa loob ng bahay. Sa kabila ng luma at kupas na itsura nito mula sa labas, ang loob ay maayos at malinis—parang may taong talagang nag-aalaga rito. Ang amoy ng lumang papel at tsaa ang unang sumalubong sa akin. May mga lumang libro sa isang estante, at sa dingding ay may mga lumang larawan—mga taong hindi ko kilala, pero tila may kung anong pamilyar sa kanila. "Tuloy ka," sabi ng matanda, tinapik ang mesa sa gitna ng sala. "Maupo ka." Sinunod ko siya, pero hindi ako nag-relax. Ang katawan ko ay nanatiling alerto, handang kumilos kung kinakailangan. Umupo siya sa harap ko, dahan-dahang ibinaba ang tasa ng tsaa sa ibabaw ng mesa. "Ano’ng pangalan mo?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. "Alam mo na ang pangalan

    Last Updated : 2025-02-26
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 10

    Halos hindi ako makahinga. Ang tinig na iyon—ay malamig at puno ng kumpiyansa, at tila nakikipaglaro lang sa amin dahil sa hindi malaman na dahilan nagsitayuan ang balahibo ko. Napatingin ako kay Lucia, na ngayon ay may matapang na ekspresyon sa mukha. Mabilis siyang tumayo, kinuha ang isang lumang kahoy na kahon mula sa aparador, at inilagay ito sa mesa. "Makinig kang mabuti, Samantha," aniya, binubuksan ang kahon para ilabas ang isang maliit na balisong at isang kwintas na may kakaibang pendant. "Wala na tayong oras. Kailangan mong umalis dito." "Ano?" gulat kong tanong. "Hindi! Hindi kita iiwan—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Nang may narinig kaming isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa bahay—isang putok ng baril. Napayuko ako sa gulat, habang si Lucia ay mabilis na tumayo at hin

    Last Updated : 2025-02-27
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 11

    Para akong lumulutang sa kawalan. Nakita ko ang sarili kong nakatayo sa isang malawak na silid, napapalibutan ng anino ng nakaraan. Sa harapan ko, may isang babae—mahaba ang buhok, nakasuot ng puting bestida, at tila lumulutang ang presensya niya sa hangin. Hindi ko makita ang kanyang mukha, pero alam kong kilala ko siya. "Samantha..." Mahinang tinig ang tumawag sa akin, puno ng dalamhati at babala. "Sinong—?" Hindi ko natapos ang tanong ko dahil biglang nagbago ang paligid. Nagising ako sa tunog ng isang makina—parang monitor na bumibilis ang pagtunog. Dahan-dahan akong dumilat, pero bumungad sa akin ang mapusyaw na ilaw ng isang kisame. May matinding kirot sa katawan ko, parang tinanggalan ako ng lakas. Nasa isang silid ako—hindi ito pamilyar. Ang kama ay malambot, ang hangin ay amoy gamot, at may nararamdaman akong malamig na bakal na nakatusok sa kamay ko—dextrose. "Sa

    Last Updated : 2025-02-28
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 12

    Hindi ko namalayan na mahigpit kong hawak ang kwintas. Ang puso ko, bumibilis ang tibok sa kaba at galit na hindi ko maitago. Ano pa ba ang kailangan kong malaman? Ano pang kasinungalingan ang ipapakita niya sa akin? Napatingin ako sa paligid ng silid—walang bintana, isang pintuang hindi ko alam kung may susian mula sa loob. Malambot ang kama, maayos ang mga gamit, pero kahit gaano ito kaganda, alam kong isa itong kulungan. Pinilit kong bumangon. Mahina pa rin ang katawan ko, pero hindi ko pwedeng basta na lang manatili rito at maghintay sa anong sorpresa ang pinaplano ni Krim. Kung totoo nga ang hinala ko—kung wala na si Lucia—wala na akong ibang aasahan. Kailangan kong makaalis. Nilapitan ko ang pinto at marahang hinawakan ang hawakan nito. Dahan-dahan, sinubukan kong itulak—sarado. Hindi na ako nagulat, pero hindi rin ako susuko. Sinubukan kong kalabitin ang doorknob, baka sakaling hindi naka-lock, pero walang epekto

    Last Updated : 2025-02-28

Latest chapter

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 40

    Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 39

    Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 38

    Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 37

    Nanlamig ang dugo ko nang makita ko ang pagngiti ni Aldo sa security monitor. Alam niyang nanonood ako. Alam niyang ako ang naka assign sa system. Paanong…? Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis kong ini-scan ang ibang security feeds sa monitor—nakita kong patuloy ang labanan sa itaas. Si Krim, Elara, at Zion ay nagtatago sa iba't ibang sulok ng bahay, lumalaban sa mga armadong lalaking pilit na pumapasok. Pero isang bagay ang mas kinabahala ko. Si Aldo ay hindi pa kumikilos. Wala siyang baril sa kamay, pero kitang-kita ang kumpiyansa sa tindig niya. Para bang alam niyang hawak niya ang sitwasyon. Nagulat ako nang biglang may malakas na tunog sa bandang kaliwa ko. Mabilis akong napalingon—may naramdaman akong bahagyang panginginig sa sahig. May pumapasok sa basement. "Shit..." Agad akong lumapit sa gun rack at kinuha ang handgun na hawak ko kanina. Mabilis kong ininspeksyon ang magazine at loaded pa rin. Huminga ako nang malalim. Hindi ako maaaring mag-pan

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 36

    Pinanood ko si Krim habang dahan-dahan niyang tinanggal ang mga strap ng kanyang tactical vest. Kitang-kita sa ekspresyon niya ang pag-aalala, pero hindi niya hinayaang lumalim pa ang usapan tungkol sa sugat ko. Ang atensyon niya ngayon ay nasa encrypted message na nakuha ni Zion. "Ipakita mo sa akin," utos ni Krim habang lumalapit sa isang monitor sa main room. Mabilis na kinalikot ni Zion ang keyboard, at ilang saglit lang ay lumabas sa screen ang isang serye ng random characters. Hindi ko ito maintindihan mga halo-halong letra, numero, at simbolo. Pero hindi ito ordinaryong mensahe. "Ito ang pinakamalalim na encryption na nakita ko," bulong ni Zion, hindi inaalis ang tingin sa screen. "At mukhang galing ito sa isa sa dating core members ng grupo mo." Tumayo si Krim sa likod niya, nagbubuntong-hininga. "Siya ba an

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 35

    Sa pagpabaril ni Krim ay may isang kalaban ang natumba sa sahig, bumagsak siya nang hindi man lang nakaputok pabalik. "Dalawa pa sa kanan!" sigaw ni Zion habang mabilis na sumilong sa isang konkretong poste sa gilid ng tunnel Agad akong sumunod, humihingal habang mahigpit na hawak ang baril sa nanginginig kong mga kamay. "Sam, bantayan mo ang kaliwa!" utos ni Elara habang binabaril ang isa pang kalaban na sumilip mula sa dulo ng tunnel. Tumango ako, pinipilit na kontrolin ang kaba sa dibdib ko. Itinapat ko ang baril sa direksyong sinabi niya, hinahanap ang kahit anong galaw sa dilim. Narinig ko ang tunog ng pag-reload ni Krim sa tabi ko. "Kaya mo ‘to, Sam. Huwag kang matakot." Hindi ko na natanong ang sarili ko dahil biglang may lumabas mula sa isang madilim na sulok—isang lalaki armado siya at may dalang baril, papunta ito

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 34

    "Kaya siya pinaghahanap," mahinang dagdag ni Elara. "At kaya hanggang ngayon, hindi siya tinatantanan." Napapikit ako, pinoproseso ang bigat ng impormasyong ‘yon. "Kaya ka ba lumayo sa akin noon, Krim?" mahina kong tanong. "Dahil alam mong hindi ako magiging ligtas at pinabayaang magdesisyon para sa sarili ko?" Mabagal siyang lumapit sa akin, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Oo," bulong niya. "At kahit anong gawin ko, kahit anong pagsisikap kong ilayo ka sa gulong ‘to… nahatak ka pa rin pabalik at ngayon mas lalo pang lumala dahil nalaman nila kung sino ka talaga." Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o masaktan. Pero isang bagay ang sigurado ako dahil hindi na ako lalayo kay Krim. --- Tumikhim si Zion, binasag nito ang tensyon sa pagitan namin. "Ngayon, ang tanong… paano natin sila mauunahan?" Nagpalit ang s

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 33

    Halos hindi ko na makita ang paligid dahil sa kapal ng usok. Ang bawat tunog ng bala na nasa sa paligid ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ang amoy ng pulbura at nagliliyab na metal ay nanunuot sa ilong ko Sa kabila ng lahat ng ito, nakikita ko pa rin si Krim. Nakayuko siya, hawak ang balikat niyang may tama ng bala. Dumadaloy ang dugo mula roon, pero hindi pa rin siya bumibitaw sa baril niyang nasa kamay niya. "Krim!" sigaw ko, pilit siyang tinatawag habang dumidikit sa pader para hindi tamaan ng ligaw na bala. "Kailangan nating makapunta sa tunnel!" Narinig ko ang mabilis na yapak ni Elara sa likod ko. Dumaan siya sa gilid, hawak ang dalawang pistol, at walang kahirap-hirap na binaril ang dalawang kalaban na sinusubukan kaming paligiran. "Walang susuko!"sigaw niya Narinig ko ang sigaw ng lalaking may tattoo sa leeg.

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 32

    Lumapit siya sa isang control panel at pinaandar ang isang malaking screen. Sa monitor, lumitaw ang buong blueprint ng property—kasama ang isang mas detalyadong mapa ng mga trap system na nasa labas. "Hellfire is not just here for me. May gusto silang makuha, something more than just revenge." Tumingin siya kay Zion at Elara. "Alam niyo kung ano ‘yon." Nagpalitan ng tingin si Zion at Elara. May nalalaman sila na hindi ko alam. Napatingin ako kay Krim. "Ano ang ibig mong sabihin?" Napabuntong-hininga siya, halatang hindi sigurado kung paano ipapaliwanag. Pero sa huli, tumingin siya sa akin nang diretso, walang bahid ng pagsisinungaling sa kanyang mga mata. "Hindi lang ako ang gusto nilang kunin, Samantha." Mas lumamig ang paligid. "Ano?" Nilapitan ako ni Krim, at

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status