Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-02-15 08:31:59

Mabilis akong lumabas ng opisina niya, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Ramdam ko pa rin ang init ng titig niya, ang bahagyang pagdampi ng balat niya sa akin, at higit sa lahat—ang mga salitang binitiwan niya.

"Sa loob ng isang linggo, magiging akin ka rin."

Napakuyom ako ng kamao.

No. Hindi ko hahayaan.

Pagdating ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon, pinipilit pakalmahin ang sarili. Masyado nang delikado ang sitwasyon ko. Kung gusto kong makatakas, kailangan kong kumilos bago maging huli ang lahat.

Lumapit ako sa bintana at sinilip ang labas. Tulad ng inaasahan, may ilang lalaking nakabantay sa paligid—siguradong utos ni Krim. Napatakip ako sa bibig, pilit nilalabanan ang bumibigat na pakiramdam sa dibdib ko.

"Paano ako makakalaya kung hindi niya ako bibigyan ng pagkakataon?"

Ilang segundo akong nanatili roon bago ako pumikit at huminga nang malalim.

Hindi ako pwedeng sumuko.

Hindi ako magiging isa sa mga babaeng madali niyang makokokontrol.

Bubuksan ko ang bawat posibleng paraan para makaalis sa impyernong ito.

At hindi ako papayag na sa dulo ng isang linggong ito… maging kanya ako.

Dahil wala akong magagawa sa ngayon, pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

Nagpalit ako ng damit at lumabas ng kwarto para bumaba sa hardin. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin. Pero paglabas ko pa lang, agad akong sinalubong ni Logan.

"Madam, saan po kayo pupunta?" mahinahon niyang tanong.

Napailing ako. "Bakit? Hindi ba ako pwedeng lumabas ng bahay na ito nang hindi nagpapaalam?"

"Pasensya na po, pero utos ni Sir Krim na hindi kayo maaaring lumabas nang walang kasama."

"Putang ina naman!"

Napairap ako, pero alam kong wala akong laban. Hindi ako pwedeng sumimangot at umasta na parang spoiled brat, dahil siguradong mas lalo lang akong pagbabantayan.

Kaya sa halip na sumagot nang may inis, pinilit kong gawing natural ang tono ko. "Fine. Sa garden lang ako. Pwede ba ‘yun?"

Tumango si Logan. "Oo, madam. Susundan ko lang po kayo mula sa malayo."

Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa garden, agad akong naupo sa isa sa mga bench.

Tahimik.

———

Pagdating ko sa garden, hindi ko napigilang maglabas ng malalim na hininga. Ang presensya niya ay parang mabigat na kadena na unti-unting humihigpit sa leeg ko.

Nang ibaba ko ang tingin ko, doon ko lang napansin na nakakuyom ang mga kamao ko. Galit. Inis. At isang damdamin na hindi ko matukoy—isang bagay na mas kinatatakutan ko kaysa sa takot mismo.

Bakit siya ganyan?

Bakit ganoon siya makatingin—parang kaya niyang basahin ang buong pagkatao ko nang hindi ko namamalayan?

"Madam?"

Napalingon ako kay Logan, ang itinakdang bodyguard ko. Nakatayo siya sa tabi ng bench maingat na nagmamasid sa bawat kilos ko.

"Anong problema?" tanong ko, mas matigas ang tono kaysa sa inaasahan ko.

Wala siyang sinabi. Sa halip, marahan lang siyang tumango, na parang sinasabi niyang alam niya kung gaano kabigat ang sitwasyon ko.

Napailing ako at naglakad na papunta sa kwarto ko. Kahit saan ako lumingon, pakiramdam ko may nakatingin sa akin—mga matang hindi ko alam kung dapat kong katakutan o dapat kong iwasan.

Hindi ko na kailangang sabihin na si Krim iyon.

Pagkapasok ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Pilit kong nilalabanan ang mga emosyon na gustong kumawala.

Pero paano?

Paano ko lalabanan ang isang taong sanay mangontrol ng kahit sino?

Isang linggo.

May isang linggo pa ako para makahanap ng paraan.

Kung totoo ang sinabi niyang hindi niya ako ikukulong, ibig sabihin may puwang para makatakas ako, ‘di ba?

Pero paano?

Pilit kong inisa-isa ang mga posibilidad. Hindi pwedeng basta-basta akong aalis—hindi ko rin pwedeng gamitin ang mga kasambahay, dahil siguradong may mata si Krim sa bawat sulok ng mansion na ito.

Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.

Galit. Pagod. Takot.

Pero may isa pang bagay na hindi ko matukoy.

At iyon ang mas kinakatakutan ko.

Dahil sa kabila ng lahat, sa kabila ng pananakot niya, sa kabila ng galit ko sa kanya… may bahagi sa akin na naaakit sa kanya.

Damn it.

Hindi ko pwedeng hayaan na mahulog ako sa bitag niya.

---

Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok sa pinto.

"Madam, oras na po ng almusal," boses ni Amelia, gaya ng dati.

Dahil wala naman akong choice, bumangon ako at lumabas ng kwarto. Sa pagbaba ko sa hagdanan, agad kong napansin ang presensya ni Logan na tahimik na nagbabantay sa gilid.

At doon ko naalala ang isa pang problema.

Hindi lang si Krim ang kailangan kong pag-isipan—nandito rin ang bodyguard niya na siguradong susundan ako saan man ako magpunta.

Nang makarating ako sa dining area, nakita kong naroon na si Krim. Tulad ng dati, kalmado siyang nakaupo habang iniinom ang kanyang kape, walang bakas ng pagmamadali o inis sa mukha niya.

Hindi ko alam kung mas mabuti ba iyon o mas nakakainis.

“Umupo ka.”

Malamig at diretso niyang utos.

At gaya ng dati, wala akong choice kundi sundin siya.

Tahimik ang paligid habang kumakain kami. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakailang—ang katahimikan o ang presensya niya.

Hanggang sa bigla siyang nagsalita.

"Bukas, may pupuntahan tayo."

Napakunot ang noo ko. "Saan?"

Tumingin siya sa akin, at kahit hindi pa niya sinasabi, alam kong hindi ko magugustuhan ang sagot niya.

"Sa isang party."

Muntik kong ibuga ang iniinom kong kape.

"Ano?!"

‌"Isasama kita. At gusto kong malaman mong hindi ka lang basta magiging bisita," aniya, walang bakas ng emosyon sa mukha niya. "Ipapakilala kita bilang asawa ko."

Napatayo ako, hindi na napigilan ang galit na bumalot sa katawan ko.

"Hindi mo pwedeng gawin ‘yan, Krim!"

Tumagilid ang ulo niya, at ang mapanganib na ngiti niya ay muling lumitaw.

"Anong hindi ko pwedeng gawin, Samantha?" bumaba ang tono ng boses niya, puno ng panunuya. "Hindi ba't totoo naman? Asawa kita."

"Sa papel lang!" madiin kong sagot. "Huwag mong gamitin ‘yon para ikulong ako sa buhay mo!"

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi niya ako hinawakan, pero sapat na ang presensya niya para mapaatras ako.

"Sabi mo dati, hindi kita kontrolado, ‘hindi ba?" aniya, mababa ang boses. "Kung gano’n, hayaan mong ipakita ko sa’yo kung ano ang kaya kong gawin kapag binitawan hindi ako nagtitimpi."

Napalunok ako.

At sa sandaling iyon, napagtanto kong wala pa pala akong nakikitang tunay na ugali ni Krim.

Ngunit alam kong malapit ko nang makita.

At alam kong hindi ko magugustuhan ang matutuklasan ko.

———

Kinuyom ko ang mga kamao ko, pilit pinapatay ang takot na nagsisimulang gumapang sa dibdib ko.

"Hindi mo ako pag-aari, Krim," mariin kong sabi, pilit pinatatatag ang boses ko.

Muli siyang ngumiti, pero hindi ito isang ngiti ng saya—isa itong mapanganib na ngiti, puno ng kumpiyansa at isang bagay na hindi ko matukoy.

"Hindi mo pa rin naiintindihan, Samantha," bulong niya, habang inilapit ang mukha niya sa akin. "Hindi ito tungkol sa kung sino ang may-ari at sino ang pag-aari. Ito ay tungkol sa kung paano mo tatanggapin ang katotohanang hindi ka na pwedeng tumakas."

Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.

Hinintay kong marinig ang anumang kasinungalingan sa boses niya, ang kahit anong senyales na pinaglalaruan lang niya ako.

Pero wala.

Ang malamig niyang titig at ang boses niyang puno ng paniniwala ay sapat na para guluhin ang buong sistema ko.

Itinulak ko siya palayo. "Tingnan na lang natin kung paano mo mapipigilan ang isang taong ayaw nang manatili sa hawla mo," bulong ko bago ako tumalikod at tuluyang lumabas sa silid.

Isang hakbang pa lang palayo sa kanya, alam kong nagkamali ako.

Alam kong hinding-hindi niya ako hahayaang tumakbo nang gano’n lang.

———

Nang makarating ako sa kwarto ko, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Pilit kong nilalabanan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang pagiging dominante ni Krim o ang katotohanang hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may bahagi sa akin na naaakit sa kanya.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama, pilit na pinoproseso ang lahat.

May isang linggo pa ako bago ang party na sinasabi niya.

May isang linggo pa akong oras para mag-isip ng paraan.

Pero paano?

Pinagmasdan ko ang chandelier sa kisame. Hindi ko kailangang magmadali—hindi rin pwedeng mag padalos-dalos. Isang maling galaw lang, siguradong mas mahihirapan akong makaalis sa lugar na ito.

Kung makakahanap lang ako ng paraan upang makumbinsi siyang bigyan ako ng kahit kaunting kalayaan—o kahit pahintulutan lang akong lumabas nang hindi masyadong binabantayan—baka may tsansa akong makatakas.

Napapikit ako at napabuntong-hininga.

Kung ang pagiging sunod-sunuran muna ang paraan upang makahanap ng butas, wala akong ibang choice kundi gawin ito.

——

Kinabukasan, bumaba ako para mag-agahan. Sa pagbukas ko pa lang ng pinto ng kwarto, agad akong sinalubong ng presensya ni Logan. Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid, pero alam kong kahit isang maling galaw ko lang, agad siyang kikilos.

Kaya sa halip na ituloy ang balak ko, naglakad nalang ako papunta sa dining area na parang walang nangyari kahapon.

Nang dumating ako sa hapag-kainan, naroon na si Krim, gaya ng dati. Nakaupo siya sa dulo ng mesa, kalmado at hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin nang umupo ako.

Pero alam kong alam niyang naroon ako.

Tahimik lang ang paligid habang kumakain kami. Wala akong balak magsalita, at parang gano’n din siya.

Pero hindi nagtagal, siya na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Mabuti naman at hindi mo naisipang tumakas?," aniya, walang emosyon ang boses.

Tumingin ako sa kanya, pilit na itinatago ang iritasyon. "Wala naman akong mapupuntahan, hindi ba?"

Nakangiti siyang tumango. "At least alam mong walang saysay ang pagmamatigas mo."

Napangiti ako nang mapait. "O baka naman naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon."

Napawi ang ngiti niya, at sa unang pagkakataon, nakita kong lumalim ang tingin niya—hindi na ito mayabang o mapanukso, kundi parang may halong pagtitimpi.

Parang sinusukat niya kung hanggang saan niya ko kayang kontrolin.

"Bukas ng alas-otso ng gabi, maghanda ka," aniya, tahimik pero puno ng bigat ang boses.

"Isusuot mo ang gown na ipapadala ko sa kwarto mo. Ayokong makarinig ng reklamo, Samantha."

Nagtagis ang bagang ko, pero tumango na lang ako.

Wala akong choice.

Hindi pa ko pwedeng kumilos ngayon.

———

Pagsapit ng gabi kinabukasan, dumating sa kwarto ko ang isang kahon.

Dahan-dahan kong binuksan iyon at tumambad sa akin ang isang eleganteng itim na gown—masyadong mamahalin, masyadong elegante. Alam kong hindi basta simpleng party lang ang pupuntahan namin.

May mas malaking dahilan kung bakit gusto akong isama ni Krim.

At iyon ang dapat kong malaman.

Pagkatapos kong maghanda, narinig ko ang marahang katok sa pinto.

Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Logan.

"Madam, hinihintay na po kayo ni Sir Krim."

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto.

Habang naglalakad kami pababa, hindi ko mapigilang kabahan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin ngayong gabi—pero isang bagay lang ang sigurado ako.

Ito ang magiging simula ng mas malaking pagbabago sa buhay ko.

At kailangang handa ako.

———

Pagdating namin sa sasakyan, nakita kong naroon na si Krim. Nakatayo siya sa tabi ng isang itim na luxury car, nakasuot ng isang sleek na itim na suit na lalong nagbigay buhay sa malaki niyang pangangatawan.

Napahinto ako.

Hindi ko maitanggi—kahit gusto kong kamuhian siya, hindi ko maikakailang may aking siyan kagwapuhan at hindi mo basta matitinag.

Napansin niyang nakatingin ako kaya nagtaas siya ng kilay. "Ano, hindi ka pa ba sasakay?"

Napasinghap ako at agad na lumapit sa sasakyan. Mabilis akong pumasok, sinisiguradong hindi niya mapansin ang kahit anong reaksyon sa mukha ko.

Hindi pwedeng makuha niya ang kahit anong senyales ng kahinaan.

Habang umaandar ang sasakyan, tahimik lang kami. Pero kahit walang nagsasalita, ramdam ko ang bigat ng presensya niya sa tabi ko.

Hanggang sa hindi ko na kinaya ang katahimikan.

"Anong party ito?" tanong ko, pilit pinapanatiling normal ang boses ko.

"Business party," sagot niya, diretsong nakatingin sa harapan. "At gusto kong ipakilala ka bilang asawa ko."

Napangisi ako nang mapait. "Alam mo bang sa tuwing sinasabi mo ‘yan, para akong nasusuka?"

Lumingon siya sa akin, at sa isang iglap, hawak na niya ang baba ko, pinipilit akong tumingin sa kanya.

"Nakakainis, hindi ba?" bulong niya, may halong panunukso ang boses. "Ang malaman mong wala kang kontrol sa kung ano ang mangyayari sa'yo?"

Nanigas ako.

Alam niyang galit ako.

At gusto niyang makita kung kailan ako mawawalan ng kontrol sa sarili ko.

Pero hindi ako bibigay.

Kahit gaano ako kagalit, hindi ko siya pagbibigyan ng kasiyahang makita akong mahina.

Bumitaw siya, at ngumiti nang bahagya. "Mabuti. Akala ko magpapakawala ka na naman ng drama mo."

Napatikom ang kamao ko.

"Hindi pa ako tapos sa'yo, Krim," bulong ko sa sarili ko.

At alam kong narinig niya iyon.

———

Pagdating namin sa venue, agad akong sinalubong ng mga mata ng mga tao.

Mga mayayaman, makapangyarihan, at halatang nagtataka kung sino ako.

Ngunit bago pa man sila makapagtanong, ipinatong ni Krim ang kamay niya sa likod ko at hinarap ang lahat.

"I’d like you all to meet my wife, Samantha."

Gusto kong ipakita ang pagkainis ko, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Sa halip, ngumiti ako—isang ngiting hindi nila malalaman kung totoo o isang babala.

Dahil kung may isang bagay na natutunan ko kay Krim…

Ito ay ang larong ito ay hindi basta-basta natatapos.

At kung gusto niyang gawing laro ito…

Siguradong hindi ako papatalo.

———

Naglakad kami papasok sa engrandeng bulwagan na punong-puno ng mahahalagang personalidad—mga negosyante, pulitiko, at mga taong halatang hindi lamang impluwensya ang puhunan, kundi pati lihim.

Pakiramdam ko, para akong itinapon sa gitna ng isang patibong, pero hindi ko maaaring ipakita na wala akong alam.

Napansin kong may ilang babae sa sulok na lihim na nakatingin sa akin, tila nagtatanong kung sino ako para mapunta sa tabi ni Krim. Ang iba naman, halatang may alam na—mga matang puno ng pag-uusisa at pagkukunwaring kaswal na pagtingin.

"Gusto mo bang uminom?" bulong ni Krim sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon ngayong gabi, hinayaan kong makita niya ang inis sa mga mata ko.

"Wag kang mag-alala," dagdag niya, bahagyang nakangiti. "Hindi kita lalasunin."

Hindi ako sumagot. Sa halip, kinuha ko ang unang basong inabot ng waiter at ininom iyon nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Hindi siya nagulat. Hindi rin siya mukhang natutuwa.

Sa halip, nakikita ko ang bahagyang pagliit ng mata niya—isang tanda na muli niya akong sinusuri.

"Tama na ‘yang pagpapakita ng tapang mo," aniya, masyadong mahina ang boses para marinig ng iba. "Mas nakakagiliw kang panoorin kapag hindi mo alam kung paano magpapanggap."

Huminga ako nang malalim.

"At ikaw," sagot ko, pinapanatili ang isang mapait na ngiti, "masyado kang sigurado na ako ang nadadala sa laro mo."

Bago pa siya makasagot, isang matandang lalaki ang lumapit sa amin—halatang makapangyarihan, halatang hindi basta-basta.

"Krim," aniya, nakangiti ngunit may bahid ng malamig na intensyon sa mukha. "At ito siguro ang madalas kong marinig na pinag-uusapan nitong mga nakaraang araw?"

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Krim sa likod ko. Hindi ito halatang marahas, ngunit sapat na para malaman kong hindi siya pwedeng pakitaan ng kahinaan sa harap ng taong ito.

"Meet my wife, Samantha," aniya, na para bang tinatapos na ang usapan bago pa man ito magsimula.

Ngumiti ang matanda, ngunit alam kong hindi ito ngiting inosente.

"A pleasure," sagot niya, bago ako tinapunan ng isang sulyap na tila ba sinusukat ako mula ulo hanggang paa.

"Ano ang totoong dahilan kung bakit mo ako dinala rito?" bulong ko kay Krim habang ang matanda ay bumaling upang kausapin ang iba pang bisita.

"Hindi mo ba naiisip?" balik niya, at doon ko lang napansin na ngayon lang siya muling ngumiti nang ganito—hindi mapanukso, hindi mapanlinlang, kundi isang ngiti ng isang taong may hawak ng susi sa isang palaisipan na hindi ko pa nauunawaan.

"Tinuturuan kitang lumangoy, Samantha," bulong niya, inilalapit ang mukha niya sa akin. "Dahil simula ngayong gabi, nasa gitna ka na ng dagat ng mga pating."

At doon ko lang napagtanto—hindi lang basta kasal-kasalan ang nilalaro niya.

May mas malaking giyerang hindi ko pa nakikita.

At sa isang iglap, ako ang naging bagong piyesa sa kanyang laro.

Related chapters

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 4

    Iniabot ng isang matandang lalaki ang kamay niya para kamayan ako. Pinilit kong ngumiti at tinanggap ang kamay niya, ngunit sa sandaling iyon ay naramdaman ko ang bahagyang panlalalamig ng kanyang palad—o marahil ako lang ang kinakabahan? “Magandang gabi po,” sagot ko nang pormal, sinusubukang itago ang anumang emosyon sa boses ko. Napansin kong bahagyang tumaas ang kilay ng matanda habang pinagmamasdan ako, para bang sinusuri niya ako gaya ng ginagawa ni Krim. "Interesting," bulong niya bago bumaling muli kay Krim. "Kakaiba siya." Napansin ko ang bahagyang pag-igting ng panga ni Krim, ngunit hindi niya iyon pinansin. "Bakit hindi ka muna makisalamuha sa ibang mga bisita, Samantha?" mahinang sabi niya sa akin. "May kailangan lang kaming pag-usapan ni Mr. Navarro." Nag-aalangan man, tumango ako. Sa puntong ito, hindi ako pwedeng gumawa ng eksena. Kailangang matuto akong gumalaw nang maingat kung gusto kong m

    Last Updated : 2025-02-23
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 5

    Napansin ko ang bahagyang pagngiti ni Aldo, ngunit sa likod nito ay may kung anong hindi ko maipaliwanag—parang may alam siyang isang lihim na hindi ko pa natutuklasan. "Relax, Krim," aniya, bahagyang tinaas ang isang kamay na parang sumusuko. "Gusto ko lang makilala ang asawa mo. Maraming matutuwa na malaman na nagpakasal ka na rin sa wakas." Hindi ko alam kung biro o insulto ang sinabi niya, pero hindi ko na rin inalam. Alam kong may mas malalim pang dahilan ang pag-uusap nilang ito. "Hindi ko kailangang ipaliwanag ang mga desisyon ko sa kanila," malamig na sagot ni Krim. Tumango si Aldo, pero hindi siya umalis. Pinagmasdan niya ako sandali bago siya muling nagsalita. "Alam mo, Samantha," aniya, bumaling sa akin. "Kung may isang bagay kang dapat tandaan sa mundong ito, iyon ay ang huwag kang magtiwala kahit kanino. Lalo na sa mga taong akala mo ay kakampi mo." Malamig ang tinig niya, sapat para bigyan ako ng kakaiba

    Last Updated : 2025-02-24
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 1

    Malamig ang simoy ng hangin nang tumapat ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng bridal suite. Naka-ayos na ako, suot ang pinakamahal na wedding gown na siguro’y nakita ko sa buong buhay ko—pero kahit gaano ito kaganda, hindi nito kayang itago ang pait sa puso ko. Kasal ko ngayon. Pero hindi ko ito ginusto. “Sam…” Tawag ng boses ni Ivy, ang matalik kong kaibigan. Nakatingin siya sa akin sa salamin, halata ang pag-aalala sa mukha niya. “Sigurado ka ba rito? Pwede pa tayong tumakas.” Natawa ako nang mapait. Tumakas? Sa tingin ba niya may saysay iyon? “Tingin mo hahayaan niya akong umalis?” bulong ko, pilit na nilalabanan ang luha sa mga mata ko. “Alam mo kung sino siya, Ivy. Wala akong kawala.” Krim Kuen Vryzks. Ang lalaking ipinasok sa buhay ko nang hindi ko kagustuhan. Ang lalaking hindi ko kilala pero kai

    Last Updated : 2025-02-14
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 2

    Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa gitna ng kwarto ko, pero pakiramdam ko, hindi ako makahinga. Isang linggo. Iyon ang binigay niyang palugit bago niya ako angkinin nang tuluyan. Napaupo ako sa gilid ng kama, pilit na iniintindi ang sitwasyon ko. Gusto kong isipin na kaya ko siyang labanan, pero alam kong si Krim Kuen Vryzks ang taong hindi tinatanggihan. “Damn it,” bulong ko sa sarili ko habang pinipisil ang sentido ko. Bakit ko pa ba nilalabanan? Wala naman akong kawala. Napatayo ako nang marinig ang marahang pagkatok sa pinto. Ilang segundo lang, bumukas ito at bumungad ang isang babae—mukhang nasa late thirties, pormal at may matapang na aura. “Madam, ako po si Amelia. Ako po ang head maid dito sa mansion,” magalang niyang pagpapakilala. “Pinadala ako ni Sir Krim para ipaalala na bumaba kayo para sa hapunan.” Napakunot ang noo ko. Gusto niyang kumain kami nang sabay? Nag-aalangan akong tumayo. Wala akong gana, pero alam kong mas lal

    Last Updated : 2025-02-14

Latest chapter

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 3

    Mabilis akong lumabas ng opisina niya, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Ramdam ko pa rin ang init ng titig niya, ang bahagyang pagdampi ng balat niya sa akin, at higit sa lahat—ang mga salitang binitiwan niya. "Sa loob ng isang linggo, magiging akin ka rin." Napakuyom ako ng kamao. No. Hindi ko hahayaan. Pagdating ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon, pinipilit pakalmahin ang sarili. Masyado nang delikado ang sitwasyon ko. Kung gusto kong makatakas, kailangan kong kumilos bago maging huli ang lahat. Lumapit ako sa bintana at sinilip ang labas. Tulad ng inaasahan, may ilang lalaking nakabantay sa paligid—siguradong u

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 2

    Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa gitna ng kwarto ko, pero pakiramdam ko, hindi ako makahinga. Isang linggo. Iyon ang binigay niyang palugit bago niya ako angkinin nang tuluyan. Napaupo ako sa gilid ng kama, pilit na iniintindi ang sitwasyon ko. Gusto kong isipin na kaya ko siyang labanan, pero alam kong si Krim Kuen Vryzks ang taong hindi tinatanggihan. “Damn it,” bulong ko sa sarili ko habang pinipisil ang sentido ko. Bakit ko pa ba nilalabanan? Wala naman akong kawala. Napatayo ako nang marinig ang marahang pagkatok sa pinto. Ilang segundo lang, bumukas ito at bumungad ang isang babae—mukhang nasa late thirties, pormal at may matapang na aura. “Madam, ako po si Amelia. Ako po ang head maid dito sa mansion,” magalang niyang pagpapakilala. “Pinadala ako ni Sir Krim para ipaalala na bumaba kayo para sa hapunan.” Napakunot ang noo ko. Gusto niyang kumain kami nang sabay? Nag-aalangan akong tumayo. Wala akong gana, pero alam kong mas lal

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 1

    Malamig ang simoy ng hangin nang tumapat ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng bridal suite. Naka-ayos na ako, suot ang pinakamahal na wedding gown na siguro’y nakita ko sa buong buhay ko—pero kahit gaano ito kaganda, hindi nito kayang itago ang pait sa puso ko. Kasal ko ngayon. Pero hindi ko ito ginusto. “Sam…” Tawag ng boses ni Ivy, ang matalik kong kaibigan. Nakatingin siya sa akin sa salamin, halata ang pag-aalala sa mukha niya. “Sigurado ka ba rito? Pwede pa tayong tumakas.” Natawa ako nang mapait. Tumakas? Sa tingin ba niya may saysay iyon? “Tingin mo hahayaan niya akong umalis?” bulong ko, pilit na nilalabanan ang luha sa mga mata ko. “Alam mo kung sino siya, Ivy. Wala akong kawala.” Krim Kuen Vryzks. Ang lalaking ipinasok sa buhay ko nang hindi ko kagustuhan. Ang lalaking hindi ko kilala pero kai

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status