Share

Hating My Possessive Husband
Hating My Possessive Husband
Author: Lianna Jaze Fierra

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-02-14 09:20:37

Malamig ang simoy ng hangin nang tumapat ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng bridal suite. Naka-ayos na ako, suot ang pinakamahal na wedding gown na siguro’y nakita ko sa buong buhay ko—pero kahit gaano ito kaganda, hindi nito kayang itago ang pait sa puso ko.

Kasal ko ngayon.

Pero hindi ko ito ginusto.

“Sam…” Tawag ng boses ni Ivy, ang matalik kong kaibigan. Nakatingin siya sa akin sa salamin, halata ang pag-aalala sa mukha niya. “Sigurado ka ba rito? Pwede pa tayong tumakas.”

Natawa ako nang mapait. Tumakas? Sa tingin ba niya may saysay iyon?

“Tingin mo hahayaan niya akong umalis?” bulong ko, pilit na nilalabanan ang luha sa mga mata ko. “Alam mo kung sino siya, Ivy. Wala akong kawala.”

Krim Kuen Vryzks.

Ang lalaking ipinasok sa buhay ko nang hindi ko kagustuhan. Ang lalaking hindi ko kilala pero kailangang pakasalan.

Alam kong hindi siya isang ordinaryong tao. Sa likod ng apelyido niya ay ang kapangyarihang kayang lumunod sa sinuman na magtatangkang kumontra sa kanya. At ako, isang hamak na babae lamang na walang laban sa kasunduang pinilit sa akin.

“Pero Sam…” Pumunta si Ivy sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “Hindi mo ba kayang makiusap? Kahit sa pamilya mo?”

Napangiti ako nang mapait. “Akala mo ba hindi ko sinubukan?”

Kung nagawa kong iwasan ito, sana ay noon pa. Pero ang pamilya ko mismo ang nagbenta sa akin. May utang sila kay Krim—at ang utang na iyon ang dahilan kung bakit kailangan kong ibigay ang sarili ko bilang kabayaran.

Walang halong pagmamahal. Walang kahit anong emosyon.

Isang kasal na walang puwang ang puso.

Ang bilis ng pangyayari nakita ko nalang ang sarili kong nasa labas labas na ng simbahan kung saan dinala nila ako sa isang engrandeng simbahan na puno ng taong hindi ko kilala. Ang bawat mata ay nakatutok sa akin, pero wala akong pake. Ang tanging mahalaga lang ay ang lalaking naghihintay sa dulo ng altar.

Si Krim.

Nakatayo siya roon, naka-itim na suit, masyadong matapang at seryoso ang pagkakatayo niya. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya habang papalapit ako.

Para siyang halimaw na nag-aabang ng biktima.

At ako ang kawawang hayop na inialay sa kanya.

Paglapit ko, tinanggap niya ang kamay ko mula sa aking ama—na hindi man lang makatingin sa akin.

Gusto kong isigaw sa lahat na ayaw ko.

Gusto kong tumakbo.

Pero wala akong magawa.

“Hating my possessive husband…” bulong ko sa sarili ko, kasabay ng paghawak ni Krim sa kamay ko nang mas mahigpit.

At nang sabihin ng pari ang linyang, "You may now kiss the bride,” hindi ko na napigilan ang kaba.

Dahan-dahan siyang lumapit, at bago pa ako makaiwas, hinuli niya ang labi ko—ang halik niya ay hindi dahan-dahan, hindi rin malambing, kundi mapangahas at puno ng pang aangkin.

Wala akong kawala at puno ng pang aalinlangan kung ano na ang mangyayari sa buhay ko ngayon.

——

Ramdam ko pa rin ang init ng labi niya kahit ilang segundo na ang lumipas. Walang halong lambing at walang kahit anong damdamin sa halik na iyon—parang isa lang itong paalala sa isang kasunduan. Tuluyan na akong naging asawa niya, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa isang kasunduan na kahit ako mismo ay hindi ko matatakasan.

Nagpalakpakan ang mga bisita, pero para sa akin, ang tunog na iyon ay parang isang sentensiya.

Tapos na.

Kasal na ako sa lalaking ni minsan ay hindi ko hiniling na makasama.

Pagkatapos ng seremonya, mabilis ang pangyayari. Pinalibutan kami ng mga mayayamang negosyante, mga pulitikong wari ko'y malapit kay Krim, at mga babaeng may paghanga sa kanya. Ang iba sa kanila, halata ang pagkainggit habang nakatingin sa akin.

Alam kong maraming babae ang nagnanais na mapunta sa kalagayan ko ngayon. Krim Kuen Vryzks—isang lalaking nasa listahan ng most powerful and influential businessmen sa bansa. Lahat ng hawakan niyang negosyo ay nagtatagumpay, at kahit sa anong anggulo, hindi maikakailang makapangyarihan siya.

Pero ako? Ni isang porsiyento, hindi ako natutuwa rito.

“Congratulations, Mr. and Mrs. Vryzks,” bati ng isang lalaking naka-black tuxedo. Alam kong isa siya sa mga business partners ni Krim. “You’re a lucky woman, Mrs. Vryzks.”

Napangiti ako nang tipid, pilit na nilulunok ang pait.

Licky? Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako.

Napansin kong hindi man lang ako nilingon ni Krim. Nakatayo lang siya sa tabi ko, diretso ang tayo na nakikipag-usap sa ibang mga negosyante. Para bang wala akong halaga sa kanya.

Sa totoo lang, mas gusto ko ito. Mas mabuti nang hindi niya ako pansinin kaysa sa bigyan niya ako ng atensyon na hindi ko kailangan.

“Aalis na tayo.”

Halos mapatalon ako nang marinig ang malamig niyang boses sa tabi ko. Nang lumingon ako, nakatingin siya sa akin—seryoso, walang bakas ng emosyon sa mukha niya.

“Tapos na tayo sa reception.”

“H-Ha?” Nagulat ako. “Pero—”

“Sumakay ka na sa sasakyan,” putol niya sa sasabihin ko.

Alam kong wala akong laban. Kahit gusto kong manatili pa kasama ang pamilya at iilang kaibigan ko, alam kong wala akong boses sa bagay na ‘to.

Kaya kahit ayaw ko, sinunod ko siya.

———

Tahimik ang biyahe pabalik sa bahay niya—o dapat ko bang sabihing bahay namin.

Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng mamahaling sasakyan niya, pilit nilulunod ang bumibigat na pakiramdam sa loob ko. Ni hindi ko siya tiningnan. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero sa sobrang tahimik niya, parang hindi ko siya kasama.

“May gusto ka bang sabihin?” tanong niya bigla.

Nilingon ko siya. Nakatukod ang siko niya sa gilid ng bintana, habang ang isa niyang kamay ay nakapatong sa hita niya. Tumaas ang is niyang kilay —tila ba iniinspeksyon niya ang reaksyon ko.

“Wala,” sagot ko nang matipid.

“Sigurado ka?” May bahagyang pagngisi sa labi niya, pero hindi ito umabot sa mga mata niya. “Akala ko’y magagalit ka. Magwawala. O baka susubukan mo pang tumakas.”

Hindi ko siya sinagot.

Hindi ko kailangan.

Dahil ang totoo? Alam kong wala nang saysay kahit anong gawin ko.

Ikinas na ako sa kanya, at kahit anong pilit kong paglaban, hindi niya ako pakakawalan.

Iyon ang nakakatakot sa lahat.

———

Pagdating namin sa isang napakalaking mansion, hindi ko maiwasang mamangha. Kahit hindi ko ginusto ang kasal na ito, hindi ko maikakailang mala-palasyong bahay ang uuwian ko.

Malalaki ang haligi, ang bawat sulok ay gawa sa mamahaling marmol, at kahit saan ako lumingon, halatang pinag-isipan ang disenyo. Pero kahit gaano kaganda ang paligid, pakiramdam ko’y isang hawla ito—isang kulungan na hindi ko matatakasan.

Hindi ko na napansin na bumaba na pala si Krim mula sa sasakyan. Mabilis siyang naglakad papasok sa loob ng bahay, hindi man lang ako hinintay. Para bang wala siyang pakialam kung susunod ako o hindi.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob.

Pagkapasok ko, mas lalong lumala ang pakiramdam kong hindi ako kabilang dito. Masyadong malaki ang lugar, masyadong tahimik, masyadong malamig. Ilang maids ang nakatayo sa tabi, nakayuko, parang sinanay na huwag magpakita ng kahit anong emosyon.

“Madam, ihahatid ko na po kayo sa kwarto ninyo,” sabi ng isang babae na halatang isa sa mga kasambahay.

Napakurap ako. Kwarto ko?

Lumingon ako kay Krim, na kasalukuyang tinatanggal ang coat niya.

“Magkahiwalay tayo ng kwarto?” tanong ko, hindi ko mapigilang magulat.

Saglit siyang natigilan bago ako hinarap. May kung anong mapanganib na ningning sa mga mata niya.

“Akala mo ba matutulog ka nang malayo sa akin?” Mabagal pero madiin ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. “Ikaw ang asawa ko, Samantha.”

Napalunok ako.

Lumapit siya sa akin, mabagal, parang isang predator na papalapit sa biktima niya. Hindi ako umatras, pero naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Pagdating niya sa harapan ko, dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa labi ko bago siya muling tumingin sa mata ko.

“Pero dahil mukhang hindi ka pa handa…” bumaba ang boses niya, halos paos na. “Bibigyan kita ng panahon. Isang linggo.”

Nagtagis ang bagang ko. “Ano ‘yun? trial?”

Ngumisi siya—isang ngising walang halong saya.

“Hindi. Isang patikim lang ng kung anong mangyayari sa’yo pagkatapos ng isang linggo.”

At bago pa ako makapagsalita, lumapit siya sa tenga ko at bumulong nang malamig.

“Dahil sa oras na matapos ang palugit na ‘yan…” Pinatagal niya ang katahimikan, parang sinasadya niyang patagalin ang kaba sa dibdib ko. “Gagawin na kitang tunay na asawa.”

Hindi ko alam kung bakit, pero ang banta niyang iyon ay nagbigay sa akin ng kilabot—hindi lang dahil sa takot… kundi dahil sa kung anong hindi ko maipaliwanag na kiliting gumapang sa katawan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rica Hipolito
nice story ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 2

    Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa gitna ng kwarto ko, pero pakiramdam ko, hindi ako makahinga. Isang linggo. Iyon ang binigay niyang palugit bago niya ako angkinin nang tuluyan. Napaupo ako sa gilid ng kama, pilit na iniintindi ang sitwasyon ko. Gusto kong isipin na kaya ko siyang labanan, pero alam kong si Krim Kuen Vryzks ang taong hindi tinatanggihan. “Damn it,” bulong ko sa sarili ko habang pinipisil ang sentido ko. Bakit ko pa ba nilalabanan? Wala naman akong kawala. Napatayo ako nang marinig ang marahang pagkatok sa pinto. Ilang segundo lang, bumukas ito at bumungad ang isang babae—mukhang nasa late thirties, pormal at may matapang na aura. “Madam, ako po si Amelia. Ako po ang head maid dito sa mansion,” magalang niyang pagpapakilala. “Pinadala ako ni Sir Krim para ipaalala na bumaba kayo para sa hapunan.” Napakunot ang noo ko. Gusto niyang kumain kami nang sabay? Nag-aalangan akong tumayo. Wala akong gana, pero alam kong mas lal

    Last Updated : 2025-02-14
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 3

    Mabilis akong lumabas ng opisina niya, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Ramdam ko pa rin ang init ng titig niya, ang bahagyang pagdampi ng balat niya sa akin, at higit sa lahat—ang mga salitang binitiwan niya. "Sa loob ng isang linggo, magiging akin ka rin." Napakuyom ako ng kamao. No. Hindi ko hahayaan. Pagdating ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon, pinipilit pakalmahin ang sarili. Masyado nang delikado ang sitwasyon ko. Kung gusto kong makatakas, kailangan kong kumilos bago maging huli ang lahat. Lumapit ako sa bintana at sinilip ang labas. Tulad ng inaasahan, may ilang lalaking nakabantay sa paligid—siguradong u

    Last Updated : 2025-02-15
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 4

    Iniabot ng isang matandang lalaki ang kamay niya para kamayan ako. Pinilit kong ngumiti at tinanggap ang kamay niya, ngunit sa sandaling iyon ay naramdaman ko ang bahagyang panlalalamig ng kanyang palad—o marahil ako lang ang kinakabahan? “Magandang gabi po,” sagot ko nang pormal, sinusubukang itago ang anumang emosyon sa boses ko. Napansin kong bahagyang tumaas ang kilay ng matanda habang pinagmamasdan ako, para bang sinusuri niya ako gaya ng ginagawa ni Krim. "Interesting," bulong niya bago bumaling muli kay Krim. "Kakaiba siya." Napansin ko ang bahagyang pag-igting ng panga ni Krim, ngunit hindi niya iyon pinansin. "Bakit hindi ka muna makisalamuha sa ibang mga bisita, Samantha?" mahinang sabi niya sa akin. "May kailangan lang kaming pag-usapan ni Mr. Navarro." Nag-aalangan man, tumango ako. Sa puntong ito, hindi ako pwedeng gumawa ng eksena. Kailangang matuto akong gumalaw nang maingat kung gusto kong makahanap ng paraan para makatakas. Lumayo ako sa kanila,

    Last Updated : 2025-02-23
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 5

    Napansin ko ang bahagyang pagngiti ni Aldo, ngunit sa likod nito ay may kung anong hindi ko maipaliwanag—parang may alam siyang isang lihim na hindi ko pa natutuklasan. "Relax, Krim," aniya, bahagyang tinaas ang isang kamay na parang sumusuko. "Gusto ko lang makilala ang asawa mo. Maraming matutuwa na malaman na nagpakasal ka na rin sa wakas." Hindi ko alam kung biro o insulto ang sinabi niya, pero hindi ko na rin inalam. Alam kong may mas malalim pang dahilan ang pag-uusap nilang ito. "Hindi ko kailangang ipaliwanag ang mga desisyon ko sa kanila," malamig na sagot ni Krim. Tumango si Aldo, pero hindi siya umalis. Pinagmasdan niya ako sandali bago siya muling nagsalita. "Alam mo, Samantha," aniya, bumaling sa akin. "Kung may isang bagay kang dapat tandaan sa mundong ito, iyon ay ang huwag kang magtiwala kahit kanino. Lalo na sa mga taong akala mo ay kakampi mo." Malamig ang tinig niya, sapat para bigyan ako ng kakaiba

    Last Updated : 2025-02-24
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 6

    Ramdam ko ang malamig na hangin mula sa bintanang bahagyang nakabukas, pero hindi nito napawi ang init na gumapang sa aking balat sa bigat ng mga salitang binitiwan ni Krim. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang hindi ko pa natutuklasan, o ang katotohanang wala nang atrasan ito. "Kung gano’n, Samantha," patuloy niya, nilapag ang baso sa lamesa at humakbang papalapit sa akin, "magsisimula tayo ngayon." "Ngayon?" Ngumiti siya, pero hindi iyon ngiting nagpapagaan ng loob. "Oo. Dahil sa mundong ito, wala tayong oras para sa mga taong nag-aalangan." Napalunok ako pero hindi ako umuurong. "Ano'ng unang hakbang?" Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya bahagyang lumingon, itinuro ang pinto. "Lumabas ka sa kwartong ito." Napakunot ang noo ko. "Ano?" "Hindi kita susundan. Hindi kita tutulungan. Pero bago sumapit ang hatinggabi, dapat nasa ligtas kang lugar, atb walang makakahuli s

    Last Updated : 2025-02-25
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 7

    Habang lumalayo kami sa ballroom, unti-unting humihina ang tunog ng musika. Sa bawat hakbang namin sa makitid at madilim na pasilyo, lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Si Marco ay tahimik lang, hindi man lang siya lumilingon sa akin. Ang mahigpit niyang hawak sa aking siko ay hindi mahigpit pero sapat na para ipaalam na wala akong choice kundi ang sumunod. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmadong boses. Hindi siya agad sumagot. Ngunit nang makarating kami sa dulo ng pasilyo—sa harap ng isang lumang pinto na mukhang bihirang puntahan ng mga tao—tumigil kami at tumingin sa akin. "Malalaman mo rin," sagot niya, bago itinulak nang bahagya ang pinto. Dumaan kami sa isang mas maliit na silid, halos wala itong ilaw maliban sa liwanag mula sa bintanang may kurtinang bahagyang nakabukas. Ang mga anino sa loob ay nagbigay ng kakaibang kilabot, ngunit ang mas lalong gumulo sa isip ko ay ang presensyang naramdama

    Last Updated : 2025-02-25
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 8

    Hindi ako agad nakasagot. Ang mga mata ko ay nakapako sa papel na inabot sa akin ni Kiyo—isang simpleng address, ngunit pakiramdam ko, Ito ang susi sa isang pinto na matagal nang nakakandado. "Anong meron sa lugar na ‘to?" tanong ko, pilit pinapanatili ang panatag na boses ko kahit na ang loob ko ay tila nagkakagulo. Ngumiti si Kiyo, pero walang kasiguraduhan kung iyon ba ay isang ngiting may simpatya o isang pahiwatig na wala na akong ligtas sa larong ito. "Doon mo matutuklasan kung sino ka talaga." Binalingan ko si Victoria, na ngayon ay nakangiti pa rin—parang aliw na aliw sa bawat nangyayari. Para sa kanya, isa lang itong palabas. Isa lang akong manika sa gitna ng isang laro na hindi ko pa lubusang naiintindihan. "Hindi ba dapat si Krim ang nagsasabi sa akin ng lahat ng ‘to?" tanong ko, tinapangan ang boses ko. "Si Krim?"

    Last Updated : 2025-02-26
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 9

    Pagpasok ko, agad kong napansin ang kakaibang pakiramdam sa loob ng bahay. Sa kabila ng luma at kupas na itsura nito mula sa labas, ang loob ay maayos at malinis—parang may taong talagang nag-aalaga rito. Ang amoy ng lumang papel at tsaa ang unang sumalubong sa akin. May mga lumang libro sa isang estante, at sa dingding ay may mga lumang larawan—mga taong hindi ko kilala, pero tila may kung anong pamilyar sa kanila. "Tuloy ka," sabi ng matanda, tinapik ang mesa sa gitna ng sala. "Maupo ka." Sinunod ko siya, pero hindi ako nag-relax. Ang katawan ko ay nanatiling alerto, handang kumilos kung kinakailangan. Umupo siya sa harap ko, dahan-dahang ibinaba ang tasa ng tsaa sa ibabaw ng mesa. "Ano’ng pangalan mo?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. "Alam mo na ang pangalan

    Last Updated : 2025-02-26

Latest chapter

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 40

    Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 39

    Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 38

    Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 37

    Nanlamig ang dugo ko nang makita ko ang pagngiti ni Aldo sa security monitor. Alam niyang nanonood ako. Alam niyang ako ang naka assign sa system. Paanong…? Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis kong ini-scan ang ibang security feeds sa monitor—nakita kong patuloy ang labanan sa itaas. Si Krim, Elara, at Zion ay nagtatago sa iba't ibang sulok ng bahay, lumalaban sa mga armadong lalaking pilit na pumapasok. Pero isang bagay ang mas kinabahala ko. Si Aldo ay hindi pa kumikilos. Wala siyang baril sa kamay, pero kitang-kita ang kumpiyansa sa tindig niya. Para bang alam niyang hawak niya ang sitwasyon. Nagulat ako nang biglang may malakas na tunog sa bandang kaliwa ko. Mabilis akong napalingon—may naramdaman akong bahagyang panginginig sa sahig. May pumapasok sa basement. "Shit..." Agad akong lumapit sa gun rack at kinuha ang handgun na hawak ko kanina. Mabilis kong ininspeksyon ang magazine at loaded pa rin. Huminga ako nang malalim. Hindi ako maaaring mag-pan

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 36

    Pinanood ko si Krim habang dahan-dahan niyang tinanggal ang mga strap ng kanyang tactical vest. Kitang-kita sa ekspresyon niya ang pag-aalala, pero hindi niya hinayaang lumalim pa ang usapan tungkol sa sugat ko. Ang atensyon niya ngayon ay nasa encrypted message na nakuha ni Zion. "Ipakita mo sa akin," utos ni Krim habang lumalapit sa isang monitor sa main room. Mabilis na kinalikot ni Zion ang keyboard, at ilang saglit lang ay lumabas sa screen ang isang serye ng random characters. Hindi ko ito maintindihan mga halo-halong letra, numero, at simbolo. Pero hindi ito ordinaryong mensahe. "Ito ang pinakamalalim na encryption na nakita ko," bulong ni Zion, hindi inaalis ang tingin sa screen. "At mukhang galing ito sa isa sa dating core members ng grupo mo." Tumayo si Krim sa likod niya, nagbubuntong-hininga. "Siya ba an

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 35

    Sa pagpabaril ni Krim ay may isang kalaban ang natumba sa sahig, bumagsak siya nang hindi man lang nakaputok pabalik. "Dalawa pa sa kanan!" sigaw ni Zion habang mabilis na sumilong sa isang konkretong poste sa gilid ng tunnel Agad akong sumunod, humihingal habang mahigpit na hawak ang baril sa nanginginig kong mga kamay. "Sam, bantayan mo ang kaliwa!" utos ni Elara habang binabaril ang isa pang kalaban na sumilip mula sa dulo ng tunnel. Tumango ako, pinipilit na kontrolin ang kaba sa dibdib ko. Itinapat ko ang baril sa direksyong sinabi niya, hinahanap ang kahit anong galaw sa dilim. Narinig ko ang tunog ng pag-reload ni Krim sa tabi ko. "Kaya mo ‘to, Sam. Huwag kang matakot." Hindi ko na natanong ang sarili ko dahil biglang may lumabas mula sa isang madilim na sulok—isang lalaki armado siya at may dalang baril, papunta ito

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 34

    "Kaya siya pinaghahanap," mahinang dagdag ni Elara. "At kaya hanggang ngayon, hindi siya tinatantanan." Napapikit ako, pinoproseso ang bigat ng impormasyong ‘yon. "Kaya ka ba lumayo sa akin noon, Krim?" mahina kong tanong. "Dahil alam mong hindi ako magiging ligtas at pinabayaang magdesisyon para sa sarili ko?" Mabagal siyang lumapit sa akin, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Oo," bulong niya. "At kahit anong gawin ko, kahit anong pagsisikap kong ilayo ka sa gulong ‘to… nahatak ka pa rin pabalik at ngayon mas lalo pang lumala dahil nalaman nila kung sino ka talaga." Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o masaktan. Pero isang bagay ang sigurado ako dahil hindi na ako lalayo kay Krim. --- Tumikhim si Zion, binasag nito ang tensyon sa pagitan namin. "Ngayon, ang tanong… paano natin sila mauunahan?" Nagpalit ang s

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 33

    Halos hindi ko na makita ang paligid dahil sa kapal ng usok. Ang bawat tunog ng bala na nasa sa paligid ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ang amoy ng pulbura at nagliliyab na metal ay nanunuot sa ilong ko Sa kabila ng lahat ng ito, nakikita ko pa rin si Krim. Nakayuko siya, hawak ang balikat niyang may tama ng bala. Dumadaloy ang dugo mula roon, pero hindi pa rin siya bumibitaw sa baril niyang nasa kamay niya. "Krim!" sigaw ko, pilit siyang tinatawag habang dumidikit sa pader para hindi tamaan ng ligaw na bala. "Kailangan nating makapunta sa tunnel!" Narinig ko ang mabilis na yapak ni Elara sa likod ko. Dumaan siya sa gilid, hawak ang dalawang pistol, at walang kahirap-hirap na binaril ang dalawang kalaban na sinusubukan kaming paligiran. "Walang susuko!"sigaw niya Narinig ko ang sigaw ng lalaking may tattoo sa leeg.

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 32

    Lumapit siya sa isang control panel at pinaandar ang isang malaking screen. Sa monitor, lumitaw ang buong blueprint ng property—kasama ang isang mas detalyadong mapa ng mga trap system na nasa labas. "Hellfire is not just here for me. May gusto silang makuha, something more than just revenge." Tumingin siya kay Zion at Elara. "Alam niyo kung ano ‘yon." Nagpalitan ng tingin si Zion at Elara. May nalalaman sila na hindi ko alam. Napatingin ako kay Krim. "Ano ang ibig mong sabihin?" Napabuntong-hininga siya, halatang hindi sigurado kung paano ipapaliwanag. Pero sa huli, tumingin siya sa akin nang diretso, walang bahid ng pagsisinungaling sa kanyang mga mata. "Hindi lang ako ang gusto nilang kunin, Samantha." Mas lumamig ang paligid. "Ano?" Nilapitan ako ni Krim, at

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status