Ang maging chef ang pinaka pangarap ni Everlee Moore talaga. Lahat na kasi meron siya kaya nakatutok lang siya sa pangarap niya. Sa ikakasiya niya. Pinanganak siyang may gintong kutsara na sa bibig. Hindi na niya kailangang magtrabaho din sa kumpanya nila dahil nandyan naman ang mga kapatid niya. Gustong-gusto niyang magluto. Para sa kanya, food is life. At iyon ang naging dahilan para mag-enroll siya sa isang cooking school sa England. Dalawang school iyon. Isa sa Bedfordshire, kung saan kasalukuyang Duke si Davey Kristoff or DK Ward Collin. Matalik na makaibigan ang pamilya nila. Kaya humingi siya nang tulong dito nang mawala ang bagahe niya sa airport. Walang natirang gamit sa kanya at walang naibalik. Kinupkop siya nito at pinatira sa palasyong tinitirhan nito. Hindi pwedeng malaman ng magulang niya ang nangyari sa kanya, dahil baka pababalikin siya ng mga ito sa Pilipinas. Kaya inilihim nila ni DK ang lahat. Pero hindi akalain ni Everlee na may mabubuong pagmamahalan sa kanila ni DK habang nasa poder siya nito. Akala niya dahil sa utang na loob lang kaya siya pumayag na maging Duchess ng Bedford. No. Mahal na pala niya si DK. Ngunit isang aksidente ang pumutol sa pagmamahalang iyon. Hindi siya maalala ni DK na pinakasalan siya nito. Dahil sa respeto nito umano sa magulang at kapatid niya, dinivorce siya nito bago pa malaman ng pamilya niya. Kaya nang muli silang magkita sa Pilipinas, tanging sambit lang ni Everlee sa sarili sa tuwing nakikita si DK, she once married that Duke…
View MoreHINDI nakakilos si Everlee nang makita kung paano bum4ngga ang minamaneho ni DK sa pader. Hindi siya nakakilos dahil sa shock. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Pero ang paligid noon ay nagkagulo na.
“Duchess!”
“Is that Duke’s car?”
“It’s the Duke!”
“That's Duke's car!”
Ilan lamang ‘yan sa pumukaw kay Everlee, na ikinabalik niya sa kasalukuyan.
“D-DK,” anas niya nang makitang pinagtutulungan ng mga tao ang asawa.
“Your Grace, we need to hurry! I think the Duke is badly hurt!” Hinila na ni Daisy ang kamay niya palapit sa sasakyan na kinalulunanan ni DK. Nasapo lang niya ang labi nang makitang duguan ang ulo ni DK habang inilalabas sa sasakyan.
“Oh, God…” tanging sambit niya. Parang binabalot ng takot ang paligid niya noon. Ang kaba ng dibdib niya ay sobra. Kitang-kita naman kung paano tumaas-baba ang dibdib niya.
“W-wait. C-can I see him?” Pigil ni Everlee sa lalaking may hawak kay DK. Nanginginig pa siya noon dahil sa mas nakitang kalagayan ni DK sa malapitan.
Tumingin sa kanya ang lalaki at bahagyang nagulat nang makita ang mukha niya. Nakilala siya nito marahil.
“Pardon, Your Grace, but his state is not good. Indeed.” Tumingin pa ito sa duguang ulo ni DK pagkuwa’y ibinalik sa kanya ang tingin. “He needs to be taken to the South Wing now.”
“Yes, Your Grace. I need you to calm down. Thomas is right. The Duke must be transported to the hospital now or else—” Sadyang binitin siya ni Daisy. Minsan pa naman, exaggerated ito.
“A-alright… Go..” nanginginig niyang sabi na lang.
Yumuko muna nang bahagya ang tinawag ni Daisy na Thomas bago nito isinakay sa sasakyang naghihintay.
Pilit na pinapaklma si Everlee ni Daisy habang nasa sasakyan sila. Naka-convoy sila noon.
Ang surprise date niya para kay DK ay nauwi lang sa aksidente. Busy ito sa opisina pero sadyang iniwan nito ang ginagawa dahil sa pagyaya niya rito na kumain sa labas, na silang dalawa lang. Hindi niya akalaing ganito lang ang mangyayari. Dahil sa kanya kaya nasa ganoong kondisyon ito.
Mabilis ang mga nurses at Doctor na inasikaso nang makilala si DK. Nasa tabi na nito noon ang butler nito na siyang umasiko sa Duke dahil medyo natagalan sila sa biyahe. Nagkaroon din ng road accident.
“How is the Duke?” tanong ni Everlee kay Angus — ang personal butler ni DK.
“The doctors are still busy inside, Your Grace.” Malungkot ang mukha nito. Pero biglang binawi din nito. Ngumiti ito. Alam ni Everlee na pilit lang iyon. Para lang i-comfort siya. Malamang. “He’ll be fine, Your Grace. Let’s believe in miracles. Alright?”
Bumigat lang lalo ang dibdib ni Everlee ng mga sandaling iyon. Lumipas ang isang oras pero walang lumabas. Naging dalawa hanggang sa umabot ng apat na oras. May lumabas na doctor pero hindi pa nila masabi dahil kinailangan pang magatwag ng iba pang doctor. Urgent matter ito dahil si DK ang kasalukuyang Duke ng Bedford.
Yes. Isang Duke si DK ngayon dito sa Bedford. Hindi alam ni Everlee ang buong kwento kung bakit ito naging Duke dito. Pero walang imposible dahil miyembro ng royal family ang pamilya ng mga ito dito sa England.
Pero ang dinig niya kay Daisy, ang dating Duke ng Bedford– na may malubhang sakit ay nakiusap kay DK na tanggapin ang posisyon. Pamangkin nito si DK dahil magpinsang buo ito at ang ina ni DK na si Kristen. Dahil close ang binata dito ay tinanggap nito ang posisyon bilang Duke ng Bedford. Sa pagkakaalam niya, dalawang taon lang ang usapan dahil kakasilang lang ng asawa ng dating Duke noon. Kaedad lang ni DK kasi ang sunod na napangasawa kasi nito. At nag-iisang heir iyon ng dating Duke. Ayaw naman ni Duke Franky na ipagkatiwala ang posisyon sa step sister nito dahil isa itong sakim at gahaman.
Dahil kinuwestyon ang kredibilidad ni DK. Naging isyu ang pagiging single nito at pagiging playboy umano nito. Naglabasan ang mga pictures nito na kasama ang iba’t-ibang babae. Dahil hindi naman makakapayag na mawala sa kanya ang posisyon ay humingi ito ng tulong sa kanya. Ang magkaroon ng Duchess sa tabi nito ang nakitang solusyon ng advisor.para maibalik ang tiwala ng mga nasasakupan.
Malaki ang utang na loob ni Everlee kay DK kaya napapayag siya nito at sa isang kondisyon. Hindi makakarating sa magulang niya at kailangan nilang maghiwalay din after two years. Hindi niya alam kung anong paraan ang ginawa ni DK pero walang nakarating sa magulang niya. Hindi siya tinatawagan ng mga ito para tanungin.
Suma total, walong oras ang itinagal ni DK sa operating table. Saka lang sila naghulasan sa kinauupuan nang lumabas na ang hospital bed ni DK. Ililipat na itosa private room nito para sa recovery. Natanggap naman na ni Everlee ang good news kanina pero hindi pa rin siya nakakahinga nang maluwag hangga’t hindi ito nakikita.
Sumunod siya sa private room ni DK at naupo sa upuan, bandang uluhan nito. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan iyon.
“I’m sorry,” anas niya habang nasa mukha niya ang palad nito.
Walang malay si DK noon pero ligtas na ayon sa doctor. Baka bukas pa raw ito magigising dahil sa mga gamot na naiturok dito.
Hindi umalis si Everlee sa tabi ni DK ng m-ga sumunod na ora. Ni hindi nga niya magawang matulog. Hindi pa kasi nabubunot ang tinik sa dibdib niya. Gusto niyang makitang mulat ang mata nito.
Hindi namalayan ni Everlee na nakatulog siya habang hawak ang kamay ni DK. Pero nagising siya kinabukasan sa yugyog ni DK.
“Hey… Everlee,” dinig niya sa namamaos na boses ni DK.
“Oh, DK! Kumusta ka na? Ang pakiramdam mo? Natingnan ka na ba ng doctor?”
Ngumiti si DK sa kanya. “Yeah. Kakaalis lang nila.”
Tumango-tango si Everlee sa asawa. “Anong sabi?”
“Ligtas na raw ako. Kaya makakabalik ka na sa bahay. Okay? Baka naka-istorbo na ako sa schooling mo.”
“N-no. Of course not. Asawa mo ako. Dapat lagi akong nasa tabi mo.”
Napakunot ng noo si DK sa narinig. “A-asawa? What do you mean?”
Si Everlee naman ang napakunot ng noo. “H-hindi mo maalala? We got married. Remember?” Kinakabahan na si Everlee ng mga sandaling.
“We did?”
Tumango si Everlee kay DK nang marahan.
“No.” Umiling si DK. “I promised Alice, I’ll marry her. Not you, Everlee. Hindi ko nakikita ang sarili ko na ikakasal sa ‘yo.”
Natigilan si Everlee nang marinig ang pamilyar na pangalan. Pero mas ikinatigil niya ang mga huling mga sinabi nito. Not you, Everlee… Na hindi ko nakikita ang sarili ko na ikakasal sa ‘yo… It hurts.
“Hindi ko magagawang lokohin ang magulang at ang kapatid mo. I promised them na aalagaan kita rito while you’re studying. I know myself. Kaya mali kung ikinasal tayo.”
“D-DK…”
Tumingin si DK kay Angus na parang hinihingi nito ang tulong para maliwanagan ito.
“Y-your Grace, Duchess Everlee
is telling the truth. You too got married—”“Oh no! Hindi maari, Everlee! How did this happen? Kailangang nating ayusin ito bago pa man makarating sa magulang mo. They’ll kill me! Damn! Lalo na ang Papa mo! Sh*t! Sh*!” histerikal na sambit nito.
Pero wala na ang atensyon doon ni Everlee. She was in pain. Hindi gusto ni DK na ikasal sa kanya. Kaya wala siyang ginawa kung hindi ang manahimik lang sa kinauupuan ng mga sandaling iyon.
“Angus, please prepare the divorce paper. We need to sign it now!”
“But, Your Grace—”
“Angus!” malakas na sigaw ni DK sa butler. Napatalima agad ito at malungkot na tumingin kay Everlee.
Tumayo si Everlee. “K-kailangan kong bumalik. M-may exam pala kami mamaya. P-paki-deliver na lang sa a-apartment ko ang papers.”
Damn! Wala siyang apartment dahil nakatira siya sa malaking bahay nito! Pero wala siyang choice kung hindi ang maghanap ng matitirhan ngayon din. Hindi na kaya ni Everlee na marinig ang mga sasabihin nito…
NATANGGAP naman ni Everlee ang mensahe ni DK, pero binalewala niya iyon. Nahanap siya ng matutulugan ngayong gabi. May nakita naman siyang hotel. Mabuti na lang at dala niya ang dalawang card niya, nagamit niya iyon. Pero nang maalalang wala siyang damit na maisusuot ay nagpabili siya sa staff ng hotel ng dalawang set ng damit. Ayaw naman niyang umuwi dahil ayaw niyang makita si DK. Tumingin siya sa cellphone na tumutunog. Malayo siya pero kita niya ang pangalan ni DK, kaya hinayaan na lang niya iyon, pumasok siya sa banyo para magbihis. Lumabas si Everlee after niyang magbihis. Naghanap siya ng lugar na pwedeng mapaglibangan. Hindi rin siya nagdala ng cellphone para walang istorbo. Sa isang pub niya natagpuan ang sarili. Malapit lang naman sa tinutuluyang hotel iyon. Umorder siya ng beer habang nanonood ng performer. Country music ang trip ng mga ito. Mag-isa lang siya pero nagawa niyang enjoy-in ang sarili. Namalayan na lang niyang inabot ng matagal doon. Kung hindi pa niya nakit
“You’re still so beautiful, Your Grace, never fading,” puri sa kanya ni Daisy matapos siyang ayusan. Nasa kabila naman niya si Mildred na malapad ang ngiti.“Daisy’s right, you’re still stunning, Your Grace. No wonder the Duke was so into you.”“Come on, stop flattering me.” Tiningnan niya ang likuran niya at inaayos ang kulay champagne at kumikinang na bestidang may ruffle trim, hati sa hita, at burdadong sequins, na eleganteng bumagay sa kanya. “Your Grace, His Grace is waiting for you in the chopper,” biglang singit ni Angus na bagong pasok.“Oh, right.” Tumingin siya sa dalawa bago kinuha ang clutch bag. Sumunod ang mga ito sa kanya pero nagpatiuna si Angus nang makarating sa hagdan para alalayan siya pababa. Naabutan nilang nakatalikod si DK, na noo’y nasa harap ng chopper. May kausap ito dahil nasa tainga nito ang cellphone nito.“You have no right to threaten me. I never owed you anything. Whatever we had between us was over and settled long ago,” dinig niyang sabi ni DK sa k
“YOUR GRACE, please mind your posture and the way you walk. As a former duchess, you know the proper way to carry yourself, especially here in Bedford. Walk with poise, grace, and dignity befitting your title.”Nakangiting nilingon niya si Mildred. “You know what? I missed that nagging of yours, Miss Mildred. Really.”“I’m not nagging, Your Grace. I’m just reminding you.” May ngiti rin sa labi nito kaya napangiti rin si Daisy na nasa tabi niya.Damn! Nakaka-miss talaga ang mga nakasama niya rito sa Bedford. Tumingin si Everlee sa dating asawa. Did she miss him too? Sumilay ang ngiti sa labi nito. Nasa tabi nito si Angus at kasalukuyang nagsasalita. As if maraming na-miss ito sa dating amo. Ang hindi niya lang makita ay ang dating security na nakatalaga sa kanya.Imbes na matulog ay nakipag-usap siya sa mga ito. Kahit si DK ay nakisali din. Kaya ang nangyari nagkaroon nang party sa mansion na iyon kung saan nasa pangalan pa rin pala ni DK. Kasama pala sa kasunduan ang mansion na iyon
PANAY ang kagat ng labi ni Everlee nang pumasok sa opisina niya. Pinagsisihan niya ngayon kung bakit siya ang nag-serve kay DK at sa kausap nito.What if meeting iyon? Business meeting?Kasi naman kung makatingin sa kanya kanina si DK, nakakaasar. Kaya iniwan niya ang ginagawa niya kanina sa kusina at nagkulong sa opisina niya at tinapos ang mga paperworks niya. Siya lahat ngayon dahil busy ang mga staff niya. Hindi pa naman ganoon ka-laki ng income nila kaya hindi niya pa kaya ang maraming staff.Kasalukuyan siyang may pinipirmahan nang pumasok si DK. Imbes na sa pwesto nito ito pumunta, naupo sa may gilid ng mesa niya.“What?” aniya nang tingalain ito.Nakangiti na naman ito kaya sumimangot siya. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Kinabig siya nito at mariing hinalikan sa labi. At namalayan na naman niya sa sariling tumugon.“I love you,” anas nito nang magbitaw ito. “She’s just a client. Okay?” nakangiting sabi nito.“W-wala naman akong sinabi, a.”“Yeah, wala nga. Pero I ca
HININTAY ni Everlee na magpaalam ang mga staff niya bago pumasok sa opisina niya. Nakababa na ang mga kurtina at nakasara ang mga bintana bago nagpaalam ang mga ito. Madali lang naman ibaba ang roll-up. Saka kasama naman niya si DK, nasa opisina niya, kaya hindi siya mahihirapan. Nakangiti si DK nang makita siya. Tumayo ito para yakapin siya.“Congrats, little wife,” anito sa kanya. “Thanks.” Ramdam na niya ang pagod kaya bumitaw siya kay DK. Pasalampak na naupo din siya. Bumungad sa kanya ang napakahabang comments mula sa post ng isang page ng cafe nila. Pero hindi sila ang gumawa nito. Website lang ang meron sila.“Wow,” aniya. “Ang daming nag-comment. Kaya naman pala ang daming pumunta.”“Well, salamat sa ex mo. Na-boost na nga dahil sa promotion niya.”Inisa-isa niya ang comment. Pero hindi naman hashtag nila ni Ryder ang gamit ng iba. Meron din hastag na duke. Tumingin siya rito. “Don’t tell me may pinost ka?”“Um, yes. Nag-post ako about sa atin, na former Duchess ka ng Bedf
“YOU think tutulungan kita?” Halata ang inis sa boses ni Callen nang sabihin nito iyon sa kanya.“Yes. We’re friends. Saka si Everlee ang pinag-uusapan natin dito. Remember?” Napatayo pa si DK para lumapit kay Callen pero sumenyas lang ito na tumigil siya. Kaya naupo siya sa bakanteng upuan ng opisina nito.“Oh. Kung si Everlee ang pinag-uusapan. Of course, tutulungan ko siya, pero ikaw? No way! After ng problema niya kay Ryder, good luck sa ‘yo.”“Callen!”“What? Akala mo hindi ko alam na ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Ryder?!”Napalunok si DK. Langya, mukhang nagsumbong na yata si Ian!Bumuntong hininga siya. “Fine. Inaamin ko. Pero ginawa ko iyon dahil hindi naman siya magiging masaya kay Ryder. Kilalang babaero ’yon. Saka bali-baliktarin man ang mundo, ako pa rin ang gusto ng kapatid mo, hindi ang lakaking iyon.”“So full of yourself, huh, Davey Kristoff Collin? At ‘wag mo rin sasabihin sa akin ang pagkawala ng memory mo dahil mali pa rin. Sinaktan at sinamantala m
KITA ni Everlee ang malapad na ngiti ni DK nang makabalik sila sa silid.“Ngiting tagumpay yarn?”“Yeah. Bakit ikaw, hindi ka ba masaya? Magsasama ulit tayo,”Napaikot na lang ng mata si Everlee. “Sa totoo lang, nawalan ako nang tiwala sa ‘yo. Mahal nga kita, pero nakakatakot kang mahalin. Baka dumating nga ang araw na pipiliin mo ang babae mo. Kaya lang ako napilitang panindigan ka kanina dahil nakita tayo ni Papa.” “Ikaw ang pipiliin ko, Everlee. Wala nang iba. Ano ka ba. Dahil lang sa nawalang memory ko kaya ko nasabi iyon. Alam mo naman sa sarili mong hindi ko gagawin iyon kung nasa tamang katinuan ako.”“Siguraduhin mo lang talaga, DK. May hangganan din ako.”Lumapit ito sa kanya at hinigit ang beywang niya saka, hinalikan siya sa noo.“I assure you that, mahal.” Ngumiti siya rito. Hindi na siya umiwas nang idiin nito ang labi sa kanya at bago pa man lumalim ay tinapos na nila. Naghihintay ang Papa niya sa labas, baka makatok pa sila nang wala sa oras.Napakunot ng noo si Everl
NAPANGIWI si Everlee nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng hita niya. Parang gusto niyang pagalitan ang sarili. Nakalimot siya dahil lamang sa tawag ng laman! Hindi niya talaga kayang pigilan ang sarili kapag nagkalapit ang katawan nila. Hindi pa naman kasi talaga nawawala si DK sa puso at isipan niya. Pinanindigan lang niya ang naging desisyon na maging loyal sana kay Ryder. Siguro, amanos na sila ng nobyo. Nagloko ito habang sila pa maging siya rin.Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni DK na nakapulupot sa kanya. Hindi pwedeng magisnan siya ni DK. Hindi niya alam ang mukhang ihaharap dito. Aayaw-ayaw siya sa una tapos heto, bibigay din pala.Saglit niyang tinitigan si DK. Bakit kasi ngayon lang bumalik ang alaala niya? Kung kailan nakasakit at may nobyo na siya. Hindi naman niya gustong sinukuan ang asawa, a. Kaso, gusto nito ng divorce at talagang pinanindigan rin nito. Kaya nasaktan siya, kahit sa mga inilalabas ng bibig nito.Ang buong akala ni Everlee tulog pa si DK,
NAGKUNWARING tulog si Everlee nang marinig ang pag-unlock ng pintuan niya. Wala siyang naririnig na boses, pero ramdam niya ang mga hakabang ng pumasok. Alam niyang si DK iyon. At hindi nga siya nagkamali, si DK iyon. Naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya. Pero lumabas din ito agad dahil tinawag ito ng ama ni Serena. Saka lang siya naupo nang marinig ang pagsara ng pinto. Pinalipas pa niya ang ilang minuto bago lumabas. Nakaramdam na kasi siya nang gutom. Hindi naman niya pwedeng iwasan si DK.Natigilan siya saglit. Bakit nga pala siya iiwas kay DK? Dahil sa nakita?Napaikot siya ng mata. Saktong may huminto sa harapan niya.“For you, little wife,” nakangiting taas ni DK sa tasa. Umuusok iyon at amoy niya ang aroma ng kape.“Thanks.” Hindi naman niya kinuha ang tasa, nilagpasan niya lang. Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya.“Hey! Ako mismo ang nag-brew nito.”“So?” aniya nang lumingon.“Are you mad at me?” tanong nito, sabay titig sa kanya.“Excuse me. Matagal nang may w
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments