NAPAMULAT si Everlee nang marinig ang anunsyo ng piloto. Tumingin siya kay DK, tulog na tulog ito. Nakalapag na pala sila. Kaya naman nagpasyang gisingin na lang ni Everlee ang binata.
“Kuya DK.” Niyugyog niya ito.
“Hmm…” Mabilis namang nagmulat ang binata at tiningnan siyang nakasimangot.
“Kakalapag lang natin,”
“Oh.” Napaayos nang upo si DK at luminga. Kasabay din niyon ang pagtanggal nito ng seatbelt.
May naghihintay na sa kanila dito sa airport kaya agad na tinungo nila ang kinaroroonan ng mga ito. Hindi naman crowded ang nadaanan nila dahil naka-VIP si DK.
Akmang sasakay si DK sa sasakyang naghihintay dito nang lingunin siya nito.
“Hindi ka ba talaga magpapahatid?”
“Hindi na, Kuya. May sundo rin ako. Hanapin ko na lang.”
“Okay. Call me if you need anything.”
Tumango siya rito at nginitian. Seryoso na ito dahil maraming tao. Unlike sa eroplano, parang bata itong naglalaro lang doon. Iniisip niya nga kung magagampanan ba nito ang posisyon nito bilang Duke. Wala kasi sa mukha nito.
“Bye!” Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang pumasok sa sasakyan.
Hinanap na rin ni Everlee ang susundo sa kanya. Pero natigilan siya nang may mapagtanto. Wala siyang bagahe na katabi! Ang mga pinasok kanina ng mga nagsundo kay DK sa sasakyan na dala ng mga ito ay pag-aari nito. So, nasaan ang bagahe niya?
Sh*t!
Una niyang pinahanap ang tauhan nila na kasama nila sa private jet. Bigla siyang nanlumo nang sabihin ng mga ito na wala nga ang bagahe niya!
Akmang tatawag ang mga ito sa Pilipinas para itanong kung tamang eroplano ba ang kinargahan ng mga ito ng bagahe niya nang pigilan niya. Siguradong makakarating ito sa magulang niya. At oras na malaman ng mga ito, pababalikin siya ng mga ito. Tapos pipigilan na naman sa pag-alis.
Kinausap na lang niya ang mga tauhan nila na kontakin siya kapag may balita na. Kabilin-bilinan niya, ’wag iparating sa magulang niya. Nagbayad pa siya para hindi magsalita ang mga ito.
Mahigit walong oras pang naghintay si Everlee para hintayin ang commercial airplane na galing ng Pilipinas. Magbabakasakali siya. Pero nadismaya lang siya nang sabihin ng mga ito na wala roon ang bagahe niya. Pagod na siya ng mga sandaling iyon kaya napapipit siya sa kinauupuan. Ramdam na rin niya ang pagod ng mga sandaling iyon. Mabuti na lang at natulog siya nang natulog sa biyahe.
Napapitlag siya nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya. Natigilan siya nang makita ang pangalan ni DK. Hindi niya sana sasagutin pero baga magsumbong ito sa magulang niya na unattended lagi ang phone niya.
Nagpakawala muna si Everlee nang buntong hininga bago iyon sinagot.
“Hey, hindi ka pa raw naka-check in sa hotel? Tumawag ako—”
“I’m still at the airport.” Pumikit pa siya matapos iyong sabihin.
“What?!” Nailayo ni Everlee ang cellphone sa tainga nang marinig ang pasigaw nito sa kabilang linya. Iniimagine niya ang mukha nito ngayon, mukhang galit na galit. “Where are you now? I mean saan banda dyan? Papunta na ako.”
Mahigit isang oras pang naghintay si Everlee sa airport.
Napanatag si Everlee nang matanaw si DK. Hingal na hingal ito dahil sa patakbong gawa nito. Tumayo siya para harapin ito. Pero nagulat siya nang bigla siyang yakapin nito mang mahigpit.
“Thank God. You’re safe,” anas nito, na parang nabunutan nang tinik sa lalamunan. Nasa bisig siya nito tapos ang bilis ng pagtaas-baba ng dibdib nito. Marahil dahil sa ginawang lakad-takbo nito.
Naramdaman niya mayamaya na natigilan ito kaya napa-angat siya nang tingin dito. Saktong inilalayo nito ang sarili sa kanya. Hindi na ito makatingin sa kanya.
“K-kumain ka na ba?” Umatras ito para bigyan nang espasyo ang pagitan nila. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang paglunok nito.
“Um, kanina pa. Bumili lang ako ng cookies and coffee.” Tinuro pa niya ang shop na malapit.
“Kanina pa? Anong oras naman ’yon? Huh?!” At muling tumaas ang boses nito.
Napatingin si Everlee sa kamay niya nang bigla iyong kunin ni DK. At first, pinagsiklop nito ang kamay nila. Pero mayamaya ay bumitaw ito, sa pulsuhan na niya ito humawak. Hinila siya nito palayo doon at iginiya sa sasakyan nito. Doon lang nito binitawan ang kamay niya kaya doon lang din siya parang kumalma.
Ang weird ng pakiramdam niya kanina. Ayaw niyang entertain sa isipan niya ang bagay na iyon. Parang Kuya na niya ito, hello?!
Pinilig ni Everlee ang ulo. Baka stress lang ito dahil sa bagahe niya.
As usual, may convoy si DK. Ikaw ba naman maging Duke? Pero masaya siya, feeling protected siya. Nandyan ang sense of security.
Napangiwi siya. In a relationships yarn?
Napapayag na lang si Everlee kay DK nang sabihin nitong iuuei siya nito sa tinitirhan nito. Naikuwento na niya rito ang totoong nangyari. Hindi na siya nito pinayagan na tumuloy sa hotel niya. Ito raw ang mananagot sa magulang niya oras na may mangyari sa kanya doon. Ito raw ang masusunod ngayon. Mag-isa at wala siyang kakilala umano doon. Paano kung may manamantala raw sa kanya?
Nalaman na rin nitong nailagay niya sa maleta niya ang dalawang debit cards niya. Meron pa naman siyang natitira, ‘yong sa savings niya. May cash din siya pero sa tingin niya, hindi sasapat. ‘Yon lang ang nasa bag na gamit niya ngayon. Hindi niya alam kung kasya ba iyon ng isang taon. Kaya talagang kailangan niya nang tulong ni DK. Nangakong hindi ito magsasalita basta sumunod siya sa gusto nitong sa bahay nito siya tumira.
“Hindi ka pa pala handa sa mga ganitong bagay, ang lakas ng loob mong bumiyahe rito. Alam mo namang napakahalaga ng pera tapos kung saan-saan lang nilalagay? Apaka burara naman. Para kang bata.”
“Hindi handa? Excuse me, DK! Hindi ko nga napansin na naisama ko pati ang wallet na iyon!” Ayan, first name lang nito tuloy ang naitawag niya. “At hindi ako burara! Hindi rin ako bata!”
“Oh, c’mon, Everlee. Napakahalaga ng debit card tapos nilagay mo lang doon?”
“Ang kulit! Hindi ko nga sinasadya na mapunta doon!” Mabuti na lang at nasa sasakyan sila noon.
Umiling-iling na lang si DK. Nasa tapat na sila noon ng restaurant kaya hindi na ito nakipagdiskusyon.
“Baba,” pautos na sabi nito. Hindi naman halatang nainis niya ito.
Buti nga sa kanya! Sana ma-HB nang makag4nti man lang.
Wala siyang imik habang kumakain. Nakamasid lang si DK sa kanya dahil kumain na raw ito. Panaka-naka, nilalagyan nito ng ulam ang plato niya. Asian cuisine ang inihahanda sa kainang ito kaya feeling niya nasa Pilipinas lang siya.
Pagkatapos niyang kumain ay dinala siya nito sa isang nakasaradong boutique. Late na malamang kaya talagang sarado na iyon.
“A-anong gagawin natin dito?” tanong niya. Sinulyapan lang siya ni DK bago ito dumayal. Nanlaki ang mata niyang marinig sinabi nito sa kausap. Pinapabuksan nito ang boutique na iyon! No, pinapaalam nito sa may-ari na sisirain nito ang pintuan dahil mamimili ito ng damit para sa kanya!
“God. Talagang sisirain mo?” aniya rito.
“Aayusin naman nila mamaya ’yan.” Lumabas na si DK. May nagbukas na rin ng pintuan sa side niya kaya lumabas na rin siya. Lunapit sa kanya si DK at hinawakan na naman nito ang pulsuhan niya. At sunod niyang namalayan hila-hila siya nito hanggang sa tapat ng shop na iyon.
Nilingon ni DK ang isang lakaki na medyo may edad na.
“Angus,” tawag nito.
Lumapit naman ang lakaki. May binulong si DK dito na ikinatango ni Angus. Mayamaya lang ay pwersahan nang binuksan ang pintuan ng shop. Nakatanga lang siya habang ginagawa ng mga ito ang bawal.
Seriously?
Nagbaba na naman nang tingin si Everlee sa kamay niya nang basta na lang hilahin nito iyon para pumasok sa boutique.
“Pumili ka ng mga gusto mo. It’s up to you kung ubusin mo ang laman ng shop na ‘to. Pero kung hindi mo bet ang iba, bukas pwede ka namang mamili ng mga gusto mo. Pero dapat akma sa titirhan mo.”
Okay na sana, e. Pero ano ‘yang titirhan niya?
“May dress code sa titirhan mo. You know. I’m a Duke. At hindi naman pwedeng isama kita na hindi fit ang outfit mo.”
Napatingin si Everlee sa paligid. Saka lang niya napagtantong kaparehas ng mga sinusuot ng mga royal sa palabas ang mga naka-display.
“Oh, sh*t!”
“What? Minura mo ako?”
“N-no… no.. Shocked lang ako. Kasi naman bisita lang ako tapos kailangan—”
“Well, kung ayaw mo. Pwede ko nang tawagan ang Kuya mo na sunduin ka. Ayoko namang payagan kang mag-rent ng apartment tapos lahat ng gamit mo, mawawala lang. Hindi ako mapapanatag knowing na ang shunga mo pagdating sa pag-keep ng mga gamit. Ano ang ire-report ko sa Papa at Mama mo? Huh?”
Napaikot na lang ng mata si Everlee. Minabuting sinimulan niyang magpili ng mga susuotin kesa makipag-usap kay DK. Akala pa naman niya okay na ang pag-alis niya. Wala nga si Kate, may DK naman na dinaig pa ang Kuya Callen niya.
“Um, Everlee!” Napatigil sa paghakbang ang dalaga nang marinig ang tawag ni DK. Nilingon niya ito.
“Baliktarin mo ang damit mo.” Kasabay niyon ang ngiti.
“What?” Hindi niya ito maintindihan. Bakit naman niya babaliktarin ang damit? For what?
Sinilip pa ni Everlee ang suot. Iniisip niyang baka baliktad iyon. Pero hindi naman.
Tumingin siya kay DK. Ang lapad na ng ngiti nito. Nahulaan nitong hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin.
“I said, baliktarin mo ang suot mong damit. Para… para hindi ka mawala.” Nang marinig ang pang-asar na boses nito ay sinamaan niya ito nang tingin. Ano siya bagay? May isip siya, uy!
NAKANGITING tiningnan niya ang sarili sa harap ng salamin. Bagay naman pala sa kanya ang mga dress dito. Papasa na siyang maging princess.“What do you think?” aniya kay DK. Lumabas siya para lang ipakita dito.Matagal na tumitig ito sa kanya.“Pwede na,” tipid nitong sabi, pero hindi nito inalis ang tingin sa kanya.“Ang tipid mo namang magkomento, Kuya.”Napataas ng kilay si DK. “Ano naman ang gusto mong marinig from me? Na ang ganda-ganda mo? Kahit sino mapapatingin sa ‘yo. Parang hindi ka bata? Na dalaga ka na? Na pwede ka na ligawan?” May sasabihin pa sana si DK nang may mapagtanto. Dapat iinisin niya ang dalaga. Pero bakit iba ang nailabas ng bibig niya? Nameywang si Everlee dahil sa narinig. Ngumiti siya pero may pagkasarkastiko.“Wow. Grabe. Ang galing mo magpuri, Kuya. Okay na sana, e. Panira ‘yang term mo na bata. Hmp!”“Bakit, ilang taon ka na ba? 25? 30? 35? Huh? For me, 24 pababa ay bata pa. So, saang age bracket ka belong?” Mukhang kailangan niyang magbaon lagi nang p
NAKAILANG subo pa lang si Everlee nang makitang sinusubuan ni Alice si DK. Ang cheesy nila pero nakakainis tingnan. Dapat sa private na lang. Paano naman ang mga kagaya niyang single?“Miss Alice.” Sabay silang napatingin na tatlo kay Mildred nang magsalita ito.Napabalik si Alice sa kinauupuan nito. Halata ang iritasyon sa mukha nito pero tinaasan lang ng kilay ni Mildred.Malapit na niyang sabihing ampon si DK ng Tita Kristen niya, at si Mildred ang totoong ina nito. Kung makaprotekta dito ay higit pa.Tumingin siya kay DK. Sumesenyas ito sa nobya nito na later daw. Kaya napaikot na lang siya ng mata. Nagmadali na lang siyang kumain para hindi makita ang ka-OA’han ng mga ito. Nagpaalam siya kay Mildred na rin, sinabi niyang pinapatawag siya ng parents niya ng ganoong oras. Kahit na imposible, pero sinabi niya pa rin. Busy ang parents niya kapag ganitong oras.Naglakad-lakad si Everlee sa malawak na garden imbes na bumalik sa silid niya. Magpapababa lang siya ng kinain.Mahigit isan
NAKANGITING tinaas ni Everlee ang hawak na baso kay Aharon para makipag-toast. Isang baso na lang sabi niya dito at uuwi na sila. Hindi siya pwedeng magtagal sa labas. Kilala niya si Mildred, mabunganga. Sasabihin na naman nito, masisira ang inaalagaang pangalan ni DK, kaya sumunod siya sa rules. Saka respeto na rin.Akmang iinumin niya ang laman ng baso nang may pumigil sa kamay niya.Nanlaki ang mata niya nang makita ang nakabusangot na si DK.“What are you doing here, kid? Why are you drinking? You are aware that you cannot do so!” singhal nito sa kanya. “K-Kuya...” Nang mga oras na ‘yon, ang Kuya Callen niya ang nakikita.Napatayo siya nang higitin nito ang kamay niya.“Hey, mate!” ani Ahron dito. Pero tiningnan lang nito nang masama ni DK.“I-I think I have to go home, Ahron. See you on Monday, I guess,” alanganin siya noon.“Do you know him?” anito, imbes na sagutin siya.“Y-yes. He’s my guardi— I mean, my brother!” aniya kay Ahron.Hindi niya napansin na naningkit ang mata ni
HINIGIT ni DK ang cellphone na nakapatong sa papel na nilapag ng assistant niya. Kakaupo lang niya actually. Malapit nang pumuti ang buhok niya rito sa Bedford. Sana pala hindi na niya tinanggap ang posisyon dito. Ang bigat ng responsibilidad niya. Mas okay pa na mag-manage ng hotel ng ama niya kesa pamunuan ang lugar na ito.Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Everlee. Ngayon lang ulit ito nag-text sa kanay after nilang mag-away nang gabing iyon. Pero imbes na nakakatuwang mensahe, pamba-blackmail mula rito ang natanggap niya. “Damn it, Everlee! Sige, dagdagan mo pa ang stress ko!” naisatinig niya.Akala niya ‘yon lang ang madadagdag sa isipin niya, meron pa pala!Napatayo si DK. Kinuha niya ang long coat at sinuot iyon. Paglabas niya, nakasalubong niya si Mildred. Sinabi nitong handa na ang gamit ni Alice para sa pag-alis nito. Mabuti na lang at napapayag niyang pabalikin ito ng Pilipinas.Kaya ayaw niyang pakasalan sa ngayon si Alice dahil mukhang seryoso ito sa kanya. Siya
HALOS hindi makatingin sa isa’t-isa si DK at Everlee dahil sa tagpong iyon. Nang ihatid ang dinner nila sa windmill tower ay matagal na bumaba ang dalawa nang tawagin ng servant. Nakahanda na ang pagkain noon at lumalamig na ang sabaw. Pero nagkasabay din ang mga ito na ikinatingin nila sa isa’t-isa.Si Everlee ay naiwan sa silid ni DK habang ang huli ay sa opisina nito. Wala namang ginawa doon si DK kung hindi an mg murahin ang sarili. Parang bunsong kapatid na niya ito pero nagawa niyang halikan pa rin.“A-after you,”“Ladies first,”Halos sabay na sambit ng dalawa. Tinuro din ng mga ito ang hagdan. Saktong baba kasi ni Everlee sa huling baytang nang lumapit din ang binata para bumaba din.“O-okay.” Si Everlee. Binilisan ng dalaga ang hakbang para makawala sa paningin nito. Tinampal niya ang bibig niya dahil hanggang ngayon ramdam niya na parang nakadikit na doon ang labi nito. Right after na bitawan ni DK ang labi nito kanina, nakaramdam siya nang panghihinayang. Kaya wala siyan
KUNOT ang noong tinuro ni Mildred kay DK ang mukha niya.“Did you not sleep well?” tanong nito sa kanya na ikinahilot niya sa noo. Obvious naman yata. Bakit kailangan pang tanungin?Mabuti na lang at hindi nagtanong si Mildred kung bakit hindi siya makatulog. Ano ba isasagot niya? Na magdamag niyang binantayan ang kaibigan na kumalma?Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganoon lagi ang epekto sa t’wing magkadikit ang katawan nila ni Everlee. Is he desiring her? Damn! Lust na siguro itong nararamdaman niya. Nakakatakot kapag nagkataon.Kagabi, naisip niyang ilipat sa isang apartment si Everlee na lang. payagan na lang niya ito. Kilala niya ang sarili niya. Yes, he loves s3x. Actually lahat naman silang magkakaibigan. Dito lang sila nabubuhay. Nagiging masigla pero recently, nawawalan siya ng gana. At si Everlee lang ang nakapagpadama sa kanya ng ganoon. May demonyong bumubulong sa kanya pero mas nananaig ang respeto niya rito.Ano na lang ang sasabihin ng magulang nito sa kanya.
HINDI maiwasang magtanong uli ni DK kung matagal pa ba. Ilang minuto pa lang sila sa himpapawid pero para sa kanya ang tagal nila sa ere, samantalang ang lapit naman.Napabalik ang likod niya sa kinauupuan nang sabihin nitong mga limang minuto pa. Naghahanap pa pala ng ito ng perfect na pag-landingan. Hindi siya mapakali dahil wala pa ito sa paningin niya. Gusto niyang makita mismo ng kanyang mga mata na nasa maayos ito.Hindi pa man totally naka-landing ang helicopter, nakahanda na siya sa pagtalon. Kita na niya ang ilang taong nag-aabang sa kanila.“Where is she?” tanong niya kay Daisy nang lapitan ito.“Your Grace! Hi!” anang isang babae na lumapit sa kanila. “I’m Li—”“I’m sorry, Miss. I’m here for Everlee.” Hindi na niya narinig kung nagsalita pa ito, basta sumunod na siya kay Daisy.Marahas na binuksan niya ang pintuan ng silid ng cabin na iyon nang sabihin ni Daisy na si Everlee at Aharon lang ang naroon. Gulat pa ang mga ito nang mapatingin sa kanya. Napasobra yata sa tulak ni
“Everlee?” seryosong sambit ni DK sa dalaga. Kasabay no’n ang paglahad ng kamay nito sa kanya.“K-Kuya,” aniya lang. Hindi alam ni Everlee kung bakit bigla siyang kinabahan sa tono nang pagtawag nito ng pangalan niya. May diin iyon. Hindi niya malaman kung gigil sa inis o ano ba.“Are you coming or not?” ulit nito. Sa Duke ang tingin ng mga naroon. Si Daisy, napapalunok na ito. Kasi minsan na nitong nakitang nagalit ang Duke. Kaya masasabi nitong galit na nga ang Duke kay Everlee. Kasi nga naman kabilil-bilinan nito na ‘wag itong palabasin. Pero heto.“Everlee,” ulit ni DK na ikinatugon ng dalaga sa lahad nito.Baka madagdagan pa ang inis nito sa kanya. Napasinghap si Everlee nang pangkuin siya nito imbes na alalayan patayo.“Damn it!” dinig niyang anas nito. Ewan lang ni Everlee kung narinig ng mga naroon, pero siya, oo. As in. Nanoot pa sa katawan niya. Hindi dahil sa lamig kung hindi dahil dahil sa kaba na ginalit niya ito.Walang imik si Everlee habang nasa bisig nito, kaya rin
KITA ni Everlee ang malapad na ngiti ni DK nang makabalik sila sa silid.“Ngiting tagumpay yarn?”“Yeah. Bakit ikaw, hindi ka ba masaya? Magsasama ulit tayo,”Napaikot na lang ng mata si Everlee. “Sa totoo lang, nawalan ako nang tiwala sa ‘yo. Mahal nga kita, pero nakakatakot kang mahalin. Baka dumating nga ang araw na pipiliin mo ang babae mo. Kaya lang ako napilitang panindigan ka kanina dahil nakita tayo ni Papa.” “Ikaw ang pipiliin ko, Everlee. Wala nang iba. Ano ka ba. Dahil lang sa nawalang memory ko kaya ko nasabi iyon. Alam mo naman sa sarili mong hindi ko gagawin iyon kung nasa tamang katinuan ako.”“Siguraduhin mo lang talaga, DK. May hangganan din ako.”Lumapit ito sa kanya at hinigit ang beywang niya saka, hinalikan siya sa noo.“I assure you that, mahal.” Ngumiti siya rito. Hindi na siya umiwas nang idiin nito ang labi sa kanya at bago pa man lumalim ay tinapos na nila. Naghihintay ang Papa niya sa labas, baka makatok pa sila nang wala sa oras.Napakunot ng noo si Everl
NAPANGIWI si Everlee nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng hita niya. Parang gusto niyang pagalitan ang sarili. Nakalimot siya dahil lamang sa tawag ng laman! Hindi niya talaga kayang pigilan ang sarili kapag nagkalapit ang katawan nila. Hindi pa naman kasi talaga nawawala si DK sa puso at isipan niya. Pinanindigan lang niya ang naging desisyon na maging loyal sana kay Ryder. Siguro, amanos na sila ng nobyo. Nagloko ito habang sila pa maging siya rin.Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni DK na nakapulupot sa kanya. Hindi pwedeng magisnan siya ni DK. Hindi niya alam ang mukhang ihaharap dito. Aayaw-ayaw siya sa una tapos heto, bibigay din pala.Saglit niyang tinitigan si DK. Bakit kasi ngayon lang bumalik ang alaala niya? Kung kailan nakasakit at may nobyo na siya. Hindi naman niya gustong sinukuan ang asawa, a. Kaso, gusto nito ng divorce at talagang pinanindigan rin nito. Kaya nasaktan siya, kahit sa mga inilalabas ng bibig nito.Ang buong akala ni Everlee tulog pa si DK,
NAGKUNWARING tulog si Everlee nang marinig ang pag-unlock ng pintuan niya. Wala siyang naririnig na boses, pero ramdam niya ang mga hakabang ng pumasok. Alam niyang si DK iyon. At hindi nga siya nagkamali, si DK iyon. Naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya. Pero lumabas din ito agad dahil tinawag ito ng ama ni Serena. Saka lang siya naupo nang marinig ang pagsara ng pinto. Pinalipas pa niya ang ilang minuto bago lumabas. Nakaramdam na kasi siya nang gutom. Hindi naman niya pwedeng iwasan si DK.Natigilan siya saglit. Bakit nga pala siya iiwas kay DK? Dahil sa nakita?Napaikot siya ng mata. Saktong may huminto sa harapan niya.“For you, little wife,” nakangiting taas ni DK sa tasa. Umuusok iyon at amoy niya ang aroma ng kape.“Thanks.” Hindi naman niya kinuha ang tasa, nilagpasan niya lang. Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya.“Hey! Ako mismo ang nag-brew nito.”“So?” aniya nang lumingon.“Are you mad at me?” tanong nito, sabay titig sa kanya.“Excuse me. Matagal nang may w
NANG masigurong tulog pa si DK, mabilis na iginiya ni Everlee ang sarili sa silid ni Serena. At nnaabutan niya nga ito na nagpapadede sa anak nito.Gusto niya lang iwasan si Dk ngayon. Nahihiya siya sa ginawa kagabi na pagtugon. Ilang beses niyang pinaggiitan dito na mahal niya si Ryder pero nagawa niyang tumugon dito. Ano na lang ang iisipin ni DK?“Sobra na itong naitulong mo, Everlee. Kaya kailangan na naming magpasundo.”“Okay. Pero hindi ba pwedeng hintayin natin na gumanda ang araw? Sabi mo medyo malayo dito ang bahay ng asawa mo.”“Yeah. Medyo nga. Pero tumigil naman na ang ulan. Kaya sa tingin ko kaya na niyang bumiyahe papunta rito. Siguradong excited na ‘yon sa anak namin.”“S-sige, ikaw ang bahala.” Mukhang mawawalan na siya nang rason na iwasan si DK. Aalis na pala ito.Talagang bumiyahe pala si Serena para pumunta sa OB nito, pero naipit nga sila dahil sa landslide. Sakay pala ito ng jeep, na nasa unahan niya. Pinababa na ang mga ito ng jeepney driver dahil nga sa nakitan
HINDI mapalis-palis ang ngiti sa labi ni DK ng mga sandaling iyon. Alam niyang naasar na sa kanya si Everlee, pero iyon nga ang gusto niya. Gaya noon, nauwi ang pagkaasar nito sa pagmamahal. Magagawa niya ulit iyon. Lalo pa’t red flag na si Ryder dito.Kinapa niya ang bulsa at kinuha ang telepono saka may tinawagan. Pagkatapos na kausapin ito ay iginiya ang sarili sa sariling silid at nahiga. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa kama pero napabangon siya at sumilip sa bintana. Naririnig niya kasi si Everlee at may kausap. Napaangat siya ng kilay nang makita si Ryder sa labas, sa may gate na nakaluhod. Basang-basa ito sa ulan. Ganoon din si Everlee kaya napababa siya at naghanap ng payong. Akala pa naman niya umuwi na si Ryder, aba’y nasa labas pa pala. Ang kapal din ng mukha. Hindi pa niya alam ang dahilan nang pag-aaway ng dalawa pero malakas ang loob niya na dahil kay Jaime. Actually, lahat na ng past relationships ni Ryder ay alam na niya. Napakalkal na niya lahat. Kaya gan
NAPAKUNOT ng noo si DK nang makita sa screen niya ang numero. Pamilyar siya sa numero ni Ryder dahil nakausap na niya ito nang ilang beses, trying to drive him away from Everlee’s life. Pauwi pa lang si DK noon galing ng opisina. Late na nga para sa kanya dahil sa magkabilaang meeting. Wala ang kapatid na si Dixxie dahil sa out of the country nit, kaya siya lahat ngayon.“What?” Halata ang inis sa boses niya.“Have you contacted Everlee today?” tanong nito.Natigilan siya saglit. Pero nang maalala amg report ng tauhan niya ay lalo siyang nainis.“Bakit sa akin ka nagtatanong? If I remember, pinuntahan ka niya.”“So, talagang pumunta siya ritong mag-isa?” “Yes! Sabi niya sa akin kahapon sosorpresahin ka niya.” Hindi niya pinahalatang tauhan niya ang may sabi. Mas magandang isipin nito na may komunikasyon pa rin sila ni Everlee.Matagal na hindi nakaimik si Ryder. Mayamaya ay narinig niya ang mura nito sabay patay ng linya. Pero imbes na matuwa, bigla siyang nag-alala. Kasi naman, ba
HINDI makakapayag si DK na umalis si Everlee. Nagpaalam itong pero nag-drama siya, hindi lang ito mapaalis. Sinagot ba naman kasi siya nito kanina ng ‘Oo naman mahal ko si Ryder. Kaya nga sinagot ko, ‘di ba?’“Masakit pa ba?” Halata sa mukha ng dating asawa ang pag-aalala kaya napangiti sa loob-loob si DK. Kakalabas niya lang noon ng banyo.Sabi niya kasi, masakit ang tiyan niya. Saka parang nag-LBM siya. At mukhang naniwala naman ito. Ilang beses na siyang pumasok sa banyo at nag-flush para mapaniwala.“Dalhin na kaya talaga kita sa ospital?”“No need.” Pabagsak na nahiga siya sa higaan nito. “Nakainom naman na ako ng gamot. Saka reresetahan lang din namam ako ng doctor ng gamot na gaya ng naibigay mo. So why bother?”“Eh, kasi naman nakailang balik ka na sa loob, e.” Naupo ito sa gilid ng kama habang nakatunghay sa kanya.“Mawawala din siguro ito mamaya. Pero ‘wag mo akong iwan dahil baka kailangan ko nang tulong.”“Hindi na ako aalis. Wala rin naman pala si Ryder sa Metro Manila.
Chapter 26ALANGANG ngiti ang binigay Everlee kay DK nang makitang nagmulat ito. Nakapulupot na sa beywang niya ang mga kamay nito.“Where are you going?” in his bedroom voice, na nagdulot sa kanya nang kilabot.“I-I have to sleep also,” “Oh, yeah?”“Yes. Kaya bitawan mo ako.”Imbes na sagutin siya, umusod ito at doon siya nito inihiga, sa tabi nito.“Seriously, DK!” Sinamaan niya ito nang tingin.“What? Lagi naman nating ginagawa ito, a. Kahit masikip ang higaan, nagagawa nating pagkasyahin ang sarili natin.”Napatitig siya sa dating asawa. Bahagyang kumunot rin ang noo niya habang pinakatitigan ito. Dati, wala siyang mabasa sa mga mata nito, lalo na noong mga araw na nasa Bedford sila. Kahit noong paulit-ulit na ni-reject siya nito. Pero ngayon, nababasa na niya ang mata nito, gaya noon— nang mga panahong masaya pa sila. Nang mga panahong in love sila sa isa’t-isa.“D-DK, hindi mo dapat binabalikan ang bagay na ‘yan.”“Naalala ko, e. Magagawa mo?”Napaawang siya ng labi nang may ma
Chapter 25NAIWANG tulala si Everlee nang iwan siya ni DK. Talagang delikado. Ganitong-ganito ang galawan nito noong nasa Bedford sila. At masyado pa siyang curious at madaling sway noon, kaya umabot sa kasalan. Ni hindi nga siya binigyan nito na mag-isip. Basta parang sunud-sunuran lang siya dito. Ngayong nasa tamang katinuan na siya, hindi siya dapat magpadala.Hindi makatulog si Everlee kaya lumabas siya ng silid niya. Napakunot siya ng noo nang marinig ang mga pag-uusap mula sa minibar nila. Hindi lang dalawang boses ang naroon. At na-curious siya kaya bumaba siya at tinungo iyon. Napaawang nang labi si Everlee nang makita ang ama, ang Daddy ni DK at Uncle Sebastian niya. Nasa paligid ng mga ito ang mga anak ng mga ito kasama na ang Kuya Callen niya at Adam. Kamot-kamot lang ang mga ito sa ulo habang nakabantay.“A-anong nangyayari dito?” aniya sa mga ito na ikinabaling ng mga ito sa kanya maliban sa mga matatanda na abala sa banghayan.“Kanina pa sila nag-uusap,” si Ian.“Usap? B