“ARE you sure hindi mo isasama si Kate, baby?” tanong ulit ng ama ni Everlee na si Caleb Moore. Puno nang pag-alala ang gwapong mukha nito.
Si Kate nga pala ang personal assistant ni Everlee. Ilang taon lang ang agwat nila. Anak ito ng isa nilang kasambahay, kaya lagi silang magkasama.
“Nakailang tanong na ako sa kanya niyan, pero ayaw niya.” Ang ina niya na si Dominique ang sumingit. Kakagising lang nito.
Lalong hindi nawala ang pag-alala ni Caleb sa anak dahil sa pagmamatigas nito. Hindi naman siya nag-aalala kapag lalaking anak niya. Pero kapag babaeng anak na niya, halos itali niya ang mga ito sa bahay.
“Baby, malayo ang England. Kailangan—”
“Papa, matagal ko nang pangarap na makapag-travel abroad without, uh—” Umikot pa ang bilugan at magandang mata ni Everlee. “you know. Kasama? I’m too old na para magkaroon ng yaya.”
“She's not your yaya, baby. Companion.”
“Whatever, Papa. Please…” sa nagmamakaawa niyang tono.
Tumingin si Caleb sa asawang si Dominique. Ngumunguya na ito ng pagkain habang nakatingin sa papel na binigay ng secretary nito.
Matagal nang hindi nagpupunta sa opisina ang ina ni Everlee dahil tuluyan nang nag-take over ang Kuya Callen niya sa business. Pero tumutulong pa rin ito sa abot nang makakaya nito. Kaya kadalasan, nakaharap ito sa papeles o ‘di kaya sa computer. Pinagsasabay din nito ang pag-aalaga sa kanila.
Nang mapansin ni Dominique na sa kanya ang tingin ng mag-ama, binaba niya ang report na hawak.
“What?” Nakataas ang kilay ng ina.
Pumayag na ang ina ni Everlee last week pa, pero naging distant ito sa kanya dahil ayaw niyang pumayag na may kasama nga na pumunta ng England.
One year lang naman siya doon tapos magsasama pa? Kailan niya kaya mararanasan ang pumunta ng ibang bansa na mag-isa? O ‘di kaya ang mamasyal sa ibang lugar na walang kasama?
Nakapag-enroll na si Everlee sa cooking school sa England. Next spot niya after ng England, sa Australia naman. Kaya hindi naman talaga 1 year ang balak niya. Mas gusto niyang mag-travel at mag-aral talaga. Ang ibig niyang sabihin, maraming matutunan na technique mula sa mga famous chef. Gusto niya nga ring sumali sa mga cooking show right after ng study niya.
“What do you think, sweetheart?” masuyong tanong ni Caleb sa asawang si Dominique.
“Payag naman ako, a. Basta kasama si Kate.” Sumulyap pa ang ina niya pero saglit ding winaksi nito, binalik ang tingin sa papeles.
After ng usapan na iyon sa hapag, walang kasiguruhan pa rin kung papayag ang mga ito. May natitirang isang linggo pa bago magsimula ang klase niya.
“You should work on Mama. Siya lang naman ang may final say pagdating sa mga ganyang desisyon.” Napatingin si Everlee sa Ate Celestine niya. “Kapag napapayag mo si Mama, go na yan si Papa.”
Napaisip si Everlee. Oo nga, ano? Iisa lang naman talaga nagdedesisyon sa bahay nila. Ang Mama!
“Right!” papalatak niya. Tumayo siya sa kinauupuan. “Thanks for reminding me, Ate Tine!” Ngumiti siya rito nang matamis.
“Oy! Ang sumbrero ko, Lee! Madumihan ‘yan!” biglang tawag sa kanya ng Ate niya.
Kinapa niya ang ulo. Naisukat nga pala niya ang bagong collection nitong sumbrero sa ulo.
“Oh. I almost forgot! Catch!” Sabay tapon sa Ate na agad nitong sinalo. Talagang ayaw nitong madumihan kaya pati katawan nito, ginawang panalo nito.
“Fvck you, Everlee!” Gigil na sigaw ng Ate Celestine Marie niya. Nakahiga ito sa sahig na yakap ang sumbrero nito. Kita niya rin ang mukha nitong nakahinga nang maluwag. Pero napalis din at tumingin sa kanya nang masama.
Ini-expect na ni Everlee na ganoon ang ire-react nito kaya mabilis ang takbo niya paakyat.
“Sorry!”
Dahil sa ginawang pagtakbo, hingal na hingal siya nang makarating sa master’s bedroom.
Tumingin siya sa orasang pambisig si Everlee bago tinaas ang kamay. Gising pa ang magulang niya siguro. Alas nuebe pa lang naman ng gabi.
Akmang kakatok si Everlee nang mapansing bukas ang pintuan. Walang sabi-sabing tinulak niya iyon. Nanlaki ang mata niya nang makitang nasa ibabaw ng Mama niya ang Papa niya. At naghuhubad ito ng damit.
“Papa!” malakas na sigaw ni Everlee na ikinatingin nito sa pintuan.
“Damn! Don’t you know how to knock, Everlee?” Halata ang iritasyon ng ama. Ang ina niya ay nakangiti.
“Good timing, Lee. Marami pa akong gagawin. Makulit lang ’tong Papa mo.” Sabay tulak ni Dominique sa asawa.
“God! Ang tatanda niyo na Papa.” Mali pa yatang sinabi niya iyon, naningkit ang mata ng Papa niya.
“Kung nandito ka para magpaalam ulit. Hindi pa rin nagbago ang isip ko, baby. Good night!”
Napataas ang kilay ng kilay si Everlee dahil sa inasta ng Papa. Natawa lang ang Mama niya nang tumingin siya rito. Palapit na ito sa kanya.
“Magbabago rin isip niyan bukas kapag kumalma na,” pabulong na sabi ng ina niya, bago siya nito nilagpasan.
Napasunod siya sa ina. “So, pumapayag ka na, Mama?”
Nilingon siya ng ina. Sa gawi ng library ito papunta. Mukhang may tatrabahuhin nga.
“Tinext ko pa si Kristen. Tinatanong ko kung malayo ba ’yong school mo sa kanila. Kapag malapit. Pwede.”
Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Everlee. Sana lang malapit talaga. Pero natigilan siya saglit at tumingin sa ina kapagkuwan.
“Don’t tell me na sa kanila po ako titira, Mama?”
“No! Gusto ko lang may titingin sa ’yo. Sa pagkakaalam ko babalik si DK doon. Ibibilin sana kita if ever.”
“Oh. Tinanggap na ni Kuya DK ang inaalok sa kanya?”
“Yata? I don’t know. Babalik daw kasi next week.”
Tumango-tango si Everlee sa ina. Nagpaalam na ito na may tatapusing trabaho.
Masayang natulog si Everlee nang gabing iyon. Bukas siguro may good news ang ina niya. At hindi nga siya nabigo, nag-aalmusal sila noon nang tumawag ang Tita Kristen niya. Binalita nitong babalik si DK dahil sa commitment daw nito sa Uncle nito sa Bedford.
“Mama, sa Bedford po ’yong school ko!” singit ni Everlee.
“Ayon naman pala, sweetheart. Mababantayan pa siya ni DK,” ang Papa niya.
Hindi na mainit ang ulo nito dahil nakikipag-usap na ito sa kanya. Sweet ulit. Sino pa ba ang paborito nito? Siya lang naman. Si Everlee!
Dahil sa good news na hatid ng Tita Kristen niya, tuluyang pinayagan siya ng magulang niya. May titingin-tingin daw sa kanya palagi. Kaya naman excited na nag-empake siya kahit na may isang linggo pa siya rito. Kaya pagdating mismo ng araw nang kanyang pag-alis ay wala na siyang problema.
Kumpleto ang pamilya niya nang ihatid siya ng mga ito sa airport. Kabig-kabig siya ng Papa niya. Parang ayaw yata siyang paalisin.
“Ang mga bilin ko, baby, huh?” ulit ng ama sa kanya.
Kasing haba yata ng resibong nakita niya sa bahay nila ang habilin ng ama. At ang isa sa habilin nito, bawal mag-boyfriend. Aral lang daw. Bawal gumimik na mag-isa lang. Kailangang alam ng mga ito. At lagi rin daw tumawag sa kanila.
Pero kung kailangan niya raw ng bodyguard, may nakahandang sumama sa kanya. Nasa Madrid. Mga tauhan ng Lolo niya, na ngayon ay tauhan na ng Mama niya.
Isa sa powerful na pamilya sa Madrid Spain ang pamilya ng Mama niya. Mga Narvaez. Ayaw man aminin ng Mama niya, pero parang gaya sa mga napapanood niya, miyembro ng Mafia?
Hanggang ngayon hindi malinaw sa kanya ang katungkulan ng Lolo niya noon. Tikom din naman ang Mama niya pagdating sa ganitong usapin.
At kaya niya nasabi ang lahat ng ‘yan, dahil sa t’wing nagbabakasyon sila sa Madrid, dinaig pa nila anak ng hari. Para silang VIP. Maraming convoy tapos malalaking tao. At lahat yan mga naka-black. Sobrang higpit rin ng security.
Dito sa Pilipinas kasi, hindi niya nakikita ang bantay sa kanila. Pero alam niya, meron. Marami. Patunay na ang personal butler ng Kuya Callen niya na madalas may kausap na mga naka-black din. Hindi naman sila mga Pinoy.
Ang Kuya Callen at ang Kuya Adam niya, maraming alam iyon. Ilag lang ang pamilya niya magkuwento sa kanila ng Ate Tine niya. Hindi nga raw para sa kanila. Pero ang Ate niya, makulit at puno ng kuryosidad kaya marami na rin itong alam. Siya lang walang pakialam. Puno na ang isipan niya ng mga gustong gawin. Ayaw niya nang bigyang pansin ang mga iyon. Pero sabi sa kanya ng Ate niya, lahat daw sila may bantay, nasa malayo. Ewan lang kung totoo.
“Opo. Na-memorize ko na nga, e,” aniya sa ama na ikinatawa nito. Kinabig siya nito at hinalikan sa noo.
“Mami-miss ka namin ng Mama mo, baby.” Sabay yakap sa kan’ya nang mahigpit.
Lumapit na rin ang ina niya at nakiyakap. Kanina pa pala nito pinipigilang umiyak. Kaya nang nakisama ito sa kanila ng Papa niya ay hagulhol na nga ang ginawa nito.
“Mama naman. Sabi ko po walang iyakan.”
“Eh, kasi, first time na mawawalay ka sa amin nang matagal. Tapos malayo pa. Hindi ako sanay.”
“Anytime naman pwede niyo akong bisitahin, Mama. May private jet naman tayo. Right?”
“Everlee is right, sweetheart. Kapag na-miss natin si bunso, pwede natin siyang puntahan.”
“Alam ko. Pero hindi nga ako sanay na wala sila sa paningin ko. Tapos matagal pa, sweetheart.” Sinundan na naman iyon nang hikbi kaya kinabig ito ng ama niya.
Lalong lumakas ang hikbi ng ina niya kaya natawa na lang siya. Kanina pa siya nito hindi tinatapunan nang tingin, dahil siguro baka mapaiyak lang. Pero ang mata nito ay namumula na talaga.
“Don’t worry, lilibangin na lang kita. Alright?” Bumitaw ang ina niyang si Dominique at tiningnan ang ama niya nang masama. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagsilay ng nakakalokong ngiti ng Papa niya. Kaya napaikot na lang siya ng mata.
Niyakap rin siya nang mahigpit ng dalawa niyang kapatid na si Adam at Ate Celestine niya nang magpaalam siya sa mga ito. Ang Kuya Callen niya ay hinalikan lang siya sa noo dahil may kausap sa telepono.
“Nasa loob na ng plane si DK, Everlee. Hinihintay ka na,” ani ni Callen sa kanya nang ilayo nito ang telepono sa tainga nito.
“Pa, sabi ko, hindi ako sasabay sa kanya.” Alam niyang private jet nila ang gamit ni DK.
“Gusto mo bang hindi na lang matuloy, baby? Huh? Gusto lang naman namin na safe ang pag-alis mo,” anang ama.
Hindi na siya nakapagsalita dahil may dumating at kailangan na raw niyang sumakay. Nauna na rin daw ang mga bagahe niya.
Walang nang nagawa si Everlee kung hindi sumunod na lang. Pina-reserve pa naman niya sa secretary ng Kuya niya ang first class sa commercial plane nila. Pero hindi na niya mararanasan sumakay doon dahil private jet nila ang sasakyan.
“’Wag ho kayong mag-alala, Tita, Tito. Ako na ho ang bahala sa kanya,” dinig niyang sambit ni DK nang kausapin ito ng magulang niya.
Pabalyang naupo na siya noon at hinarap ang telepono para asikasuhin na rin ang apartment na titirhan. May dalawa siyang pinagpipilian. Pero pagdating doon, sa hotel muna siya saka lilipat ng apartment. Gusto niyang bisitahin ang apartment kasi bago siya mag-decide. Isang taon din kaya niyang titirhan iyon.
Mayamaya lang ay nagpaalam sa kanya ang magulang dahil kailangan na pala nilang umalis. Naupo na rin siya kapagkuwan at sinuot ang seatbelt sa katawan. Napatigil lang siya nang mapansing nakatingin sa kanya si DK.
“May problema ba, Kuya?” tanong niyang nakataas ang kilay. Ngayon lang niya ulit ito nakita. Madalas kasing hindi siya sumama sa mga gatherings dahil busy siya sa pag-travel— local lang. Nahilig niyang tikman ang pinagmamalaki ng bawat lugar dito sa Pilipinas. Dalawang beses sa isang buwan siyang umaalis. Kapag nasa bahay naman siya, busy siya sa kusina.
“Nothing.” Tumawa ito kaya napaingos si Everlee. Meron yata kasi kakaiba ang tawa nito.
“Wala pero natatawa ka! Kuya naman, e!”
“Kasi naman si Tito, kung ibilin ka, para kang sanggol. Hindi pa rin tinanggal ni DK ang ngiti sa labi.
“Malamang, paborito niya ako. That’s why.”
“Really? I thought si Cel?” Ang Ate niya ang tinutukoy nito. “You’re a pain in the ass, aren't you?”
Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito. “Excuse me! I’m not! Ako kaya ang pinakamabait sa lahat. Hello!”
“Are you?” Hindi man lang talaga inalis ni DK ang ngiti sa labi nito.
Hindi na niya tinapunan nang tingin si DK. Inayos niya ang pagkakaupo dahil nagsalita na ang piloto. Natahimik na rin ito sa kabilang side kaya na.
Ang akala ni Everlee, hindi na bubuksan ni DK ang topic kanina. Nang nasa himpapawid na sila at pwede nang tumayo ay binalingan siya ni DK.
“May dala ka bang pacifier? Baka bigla kang umiyak pagdating doon.”
Pacifier? ‘Yong sinasalpak ba ‘yan sa bibig ng bata para tumigil sa pag-iyak? ‘Yong ginagawang libangan din?
“Seriously, Kuya? Pacifier?” aniya. Ang daming alam nito, huh. Hindi rin niya akalaing makulit at madaldal pala si DK. Ang layo kay Dave, huh. “Parang ikaw ang mas nangangailangan ng pacifier kakadaldal mo dyan. Mali pala. Parang babae ka kung dumaldal!”
“Hey– hey! I’m just trying to have a conversation with you!”
“I thought bakla ka,” pabulong niyang sabi. Pero hindi niya akalaing matalas ang pandinig nito.
“What did you say, Everlee?”
Ginaya niya ang tawa nito kanina, sabay sabing, “nothing.”
Napabalik na lang si Everlee sa kinauupuan. Hinayaan niya na si DK sa malawak na sofa ng private jet na iyon.
NAPAMULAT si Everlee nang marinig ang anunsyo ng piloto. Tumingin siya kay DK, tulog na tulog ito. Nakalapag na pala sila. Kaya naman nagpasyang gisingin na lang ni Everlee ang binata. “Kuya DK.” Niyugyog niya ito. “Hmm…” Mabilis namang nagmulat ang binata at tiningnan siyang nakasimangot. “Kakalapag lang natin,”“Oh.” Napaayos nang upo si DK at luminga. Kasabay din niyon ang pagtanggal nito ng seatbelt.May naghihintay na sa kanila dito sa airport kaya agad na tinungo nila ang kinaroroonan ng mga ito. Hindi naman crowded ang nadaanan nila dahil naka-VIP si DK.Akmang sasakay si DK sa sasakyang naghihintay dito nang lingunin siya nito. “Hindi ka ba talaga magpapahatid?”“Hindi na, Kuya. May sundo rin ako. Hanapin ko na lang.”“Okay. Call me if you need anything.”Tumango siya rito at nginitian. Seryoso na ito dahil maraming tao. Unlike sa eroplano, parang bata itong naglalaro lang doon. Iniisip niya nga kung magagampanan ba nito ang posisyon nito bilang Duke. Wala kasi sa mukha n
NAKANGITING tiningnan niya ang sarili sa harap ng salamin. Bagay naman pala sa kanya ang mga dress dito. Papasa na siyang maging princess.“What do you think?” aniya kay DK. Lumabas siya para lang ipakita dito.Matagal na tumitig ito sa kanya.“Pwede na,” tipid nitong sabi, pero hindi nito inalis ang tingin sa kanya.“Ang tipid mo namang magkomento, Kuya.”Napataas ng kilay si DK. “Ano naman ang gusto mong marinig from me? Na ang ganda-ganda mo? Kahit sino mapapatingin sa ‘yo. Parang hindi ka bata? Na dalaga ka na? Na pwede ka na ligawan?” May sasabihin pa sana si DK nang may mapagtanto. Dapat iinisin niya ang dalaga. Pero bakit iba ang nailabas ng bibig niya? Nameywang si Everlee dahil sa narinig. Ngumiti siya pero may pagkasarkastiko.“Wow. Grabe. Ang galing mo magpuri, Kuya. Okay na sana, e. Panira ‘yang term mo na bata. Hmp!”“Bakit, ilang taon ka na ba? 25? 30? 35? Huh? For me, 24 pababa ay bata pa. So, saang age bracket ka belong?” Mukhang kailangan niyang magbaon lagi nang p
NAKAILANG subo pa lang si Everlee nang makitang sinusubuan ni Alice si DK. Ang cheesy nila pero nakakainis tingnan. Dapat sa private na lang. Paano naman ang mga kagaya niyang single?“Miss Alice.” Sabay silang napatingin na tatlo kay Mildred nang magsalita ito.Napabalik si Alice sa kinauupuan nito. Halata ang iritasyon sa mukha nito pero tinaasan lang ng kilay ni Mildred.Malapit na niyang sabihing ampon si DK ng Tita Kristen niya, at si Mildred ang totoong ina nito. Kung makaprotekta dito ay higit pa.Tumingin siya kay DK. Sumesenyas ito sa nobya nito na later daw. Kaya napaikot na lang siya ng mata. Nagmadali na lang siyang kumain para hindi makita ang ka-OA’han ng mga ito. Nagpaalam siya kay Mildred na rin, sinabi niyang pinapatawag siya ng parents niya ng ganoong oras. Kahit na imposible, pero sinabi niya pa rin. Busy ang parents niya kapag ganitong oras.Naglakad-lakad si Everlee sa malawak na garden imbes na bumalik sa silid niya. Magpapababa lang siya ng kinain.Mahigit isan
NAKANGITING tinaas ni Everlee ang hawak na baso kay Aharon para makipag-toast. Isang baso na lang sabi niya dito at uuwi na sila. Hindi siya pwedeng magtagal sa labas. Kilala niya si Mildred, mabunganga. Sasabihin na naman nito, masisira ang inaalagaang pangalan ni DK, kaya sumunod siya sa rules. Saka respeto na rin.Akmang iinumin niya ang laman ng baso nang may pumigil sa kamay niya.Nanlaki ang mata niya nang makita ang nakabusangot na si DK.“What are you doing here, kid? Why are you drinking? You are aware that you cannot do so!” singhal nito sa kanya. “K-Kuya...” Nang mga oras na ‘yon, ang Kuya Callen niya ang nakikita.Napatayo siya nang higitin nito ang kamay niya.“Hey, mate!” ani Ahron dito. Pero tiningnan lang nito nang masama ni DK.“I-I think I have to go home, Ahron. See you on Monday, I guess,” alanganin siya noon.“Do you know him?” anito, imbes na sagutin siya.“Y-yes. He’s my guardi— I mean, my brother!” aniya kay Ahron.Hindi niya napansin na naningkit ang mata ni
HINIGIT ni DK ang cellphone na nakapatong sa papel na nilapag ng assistant niya. Kakaupo lang niya actually. Malapit nang pumuti ang buhok niya rito sa Bedford. Sana pala hindi na niya tinanggap ang posisyon dito. Ang bigat ng responsibilidad niya. Mas okay pa na mag-manage ng hotel ng ama niya kesa pamunuan ang lugar na ito.Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Everlee. Ngayon lang ulit ito nag-text sa kanay after nilang mag-away nang gabing iyon. Pero imbes na nakakatuwang mensahe, pamba-blackmail mula rito ang natanggap niya. “Damn it, Everlee! Sige, dagdagan mo pa ang stress ko!” naisatinig niya.Akala niya ‘yon lang ang madadagdag sa isipin niya, meron pa pala!Napatayo si DK. Kinuha niya ang long coat at sinuot iyon. Paglabas niya, nakasalubong niya si Mildred. Sinabi nitong handa na ang gamit ni Alice para sa pag-alis nito. Mabuti na lang at napapayag niyang pabalikin ito ng Pilipinas.Kaya ayaw niyang pakasalan sa ngayon si Alice dahil mukhang seryoso ito sa kanya. Siya
HALOS hindi makatingin sa isa’t-isa si DK at Everlee dahil sa tagpong iyon. Nang ihatid ang dinner nila sa windmill tower ay matagal na bumaba ang dalawa nang tawagin ng servant. Nakahanda na ang pagkain noon at lumalamig na ang sabaw. Pero nagkasabay din ang mga ito na ikinatingin nila sa isa’t-isa.Si Everlee ay naiwan sa silid ni DK habang ang huli ay sa opisina nito. Wala namang ginawa doon si DK kung hindi an mg murahin ang sarili. Parang bunsong kapatid na niya ito pero nagawa niyang halikan pa rin.“A-after you,”“Ladies first,”Halos sabay na sambit ng dalawa. Tinuro din ng mga ito ang hagdan. Saktong baba kasi ni Everlee sa huling baytang nang lumapit din ang binata para bumaba din.“O-okay.” Si Everlee. Binilisan ng dalaga ang hakbang para makawala sa paningin nito. Tinampal niya ang bibig niya dahil hanggang ngayon ramdam niya na parang nakadikit na doon ang labi nito. Right after na bitawan ni DK ang labi nito kanina, nakaramdam siya nang panghihinayang. Kaya wala siyan
KUNOT ang noong tinuro ni Mildred kay DK ang mukha niya.“Did you not sleep well?” tanong nito sa kanya na ikinahilot niya sa noo. Obvious naman yata. Bakit kailangan pang tanungin?Mabuti na lang at hindi nagtanong si Mildred kung bakit hindi siya makatulog. Ano ba isasagot niya? Na magdamag niyang binantayan ang kaibigan na kumalma?Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganoon lagi ang epekto sa t’wing magkadikit ang katawan nila ni Everlee. Is he desiring her? Damn! Lust na siguro itong nararamdaman niya. Nakakatakot kapag nagkataon.Kagabi, naisip niyang ilipat sa isang apartment si Everlee na lang. payagan na lang niya ito. Kilala niya ang sarili niya. Yes, he loves s3x. Actually lahat naman silang magkakaibigan. Dito lang sila nabubuhay. Nagiging masigla pero recently, nawawalan siya ng gana. At si Everlee lang ang nakapagpadama sa kanya ng ganoon. May demonyong bumubulong sa kanya pero mas nananaig ang respeto niya rito.Ano na lang ang sasabihin ng magulang nito sa kanya.
HINDI maiwasang magtanong uli ni DK kung matagal pa ba. Ilang minuto pa lang sila sa himpapawid pero para sa kanya ang tagal nila sa ere, samantalang ang lapit naman.Napabalik ang likod niya sa kinauupuan nang sabihin nitong mga limang minuto pa. Naghahanap pa pala ng ito ng perfect na pag-landingan. Hindi siya mapakali dahil wala pa ito sa paningin niya. Gusto niyang makita mismo ng kanyang mga mata na nasa maayos ito.Hindi pa man totally naka-landing ang helicopter, nakahanda na siya sa pagtalon. Kita na niya ang ilang taong nag-aabang sa kanila.“Where is she?” tanong niya kay Daisy nang lapitan ito.“Your Grace! Hi!” anang isang babae na lumapit sa kanila. “I’m Li—”“I’m sorry, Miss. I’m here for Everlee.” Hindi na niya narinig kung nagsalita pa ito, basta sumunod na siya kay Daisy.Marahas na binuksan niya ang pintuan ng silid ng cabin na iyon nang sabihin ni Daisy na si Everlee at Aharon lang ang naroon. Gulat pa ang mga ito nang mapatingin sa kanya. Napasobra yata sa tulak ni
KITA ni Everlee ang malapad na ngiti ni DK nang makabalik sila sa silid.“Ngiting tagumpay yarn?”“Yeah. Bakit ikaw, hindi ka ba masaya? Magsasama ulit tayo,”Napaikot na lang ng mata si Everlee. “Sa totoo lang, nawalan ako nang tiwala sa ‘yo. Mahal nga kita, pero nakakatakot kang mahalin. Baka dumating nga ang araw na pipiliin mo ang babae mo. Kaya lang ako napilitang panindigan ka kanina dahil nakita tayo ni Papa.” “Ikaw ang pipiliin ko, Everlee. Wala nang iba. Ano ka ba. Dahil lang sa nawalang memory ko kaya ko nasabi iyon. Alam mo naman sa sarili mong hindi ko gagawin iyon kung nasa tamang katinuan ako.”“Siguraduhin mo lang talaga, DK. May hangganan din ako.”Lumapit ito sa kanya at hinigit ang beywang niya saka, hinalikan siya sa noo.“I assure you that, mahal.” Ngumiti siya rito. Hindi na siya umiwas nang idiin nito ang labi sa kanya at bago pa man lumalim ay tinapos na nila. Naghihintay ang Papa niya sa labas, baka makatok pa sila nang wala sa oras.Napakunot ng noo si Everl
NAPANGIWI si Everlee nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng hita niya. Parang gusto niyang pagalitan ang sarili. Nakalimot siya dahil lamang sa tawag ng laman! Hindi niya talaga kayang pigilan ang sarili kapag nagkalapit ang katawan nila. Hindi pa naman kasi talaga nawawala si DK sa puso at isipan niya. Pinanindigan lang niya ang naging desisyon na maging loyal sana kay Ryder. Siguro, amanos na sila ng nobyo. Nagloko ito habang sila pa maging siya rin.Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni DK na nakapulupot sa kanya. Hindi pwedeng magisnan siya ni DK. Hindi niya alam ang mukhang ihaharap dito. Aayaw-ayaw siya sa una tapos heto, bibigay din pala.Saglit niyang tinitigan si DK. Bakit kasi ngayon lang bumalik ang alaala niya? Kung kailan nakasakit at may nobyo na siya. Hindi naman niya gustong sinukuan ang asawa, a. Kaso, gusto nito ng divorce at talagang pinanindigan rin nito. Kaya nasaktan siya, kahit sa mga inilalabas ng bibig nito.Ang buong akala ni Everlee tulog pa si DK,
NAGKUNWARING tulog si Everlee nang marinig ang pag-unlock ng pintuan niya. Wala siyang naririnig na boses, pero ramdam niya ang mga hakabang ng pumasok. Alam niyang si DK iyon. At hindi nga siya nagkamali, si DK iyon. Naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya. Pero lumabas din ito agad dahil tinawag ito ng ama ni Serena. Saka lang siya naupo nang marinig ang pagsara ng pinto. Pinalipas pa niya ang ilang minuto bago lumabas. Nakaramdam na kasi siya nang gutom. Hindi naman niya pwedeng iwasan si DK.Natigilan siya saglit. Bakit nga pala siya iiwas kay DK? Dahil sa nakita?Napaikot siya ng mata. Saktong may huminto sa harapan niya.“For you, little wife,” nakangiting taas ni DK sa tasa. Umuusok iyon at amoy niya ang aroma ng kape.“Thanks.” Hindi naman niya kinuha ang tasa, nilagpasan niya lang. Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya.“Hey! Ako mismo ang nag-brew nito.”“So?” aniya nang lumingon.“Are you mad at me?” tanong nito, sabay titig sa kanya.“Excuse me. Matagal nang may w
NANG masigurong tulog pa si DK, mabilis na iginiya ni Everlee ang sarili sa silid ni Serena. At nnaabutan niya nga ito na nagpapadede sa anak nito.Gusto niya lang iwasan si Dk ngayon. Nahihiya siya sa ginawa kagabi na pagtugon. Ilang beses niyang pinaggiitan dito na mahal niya si Ryder pero nagawa niyang tumugon dito. Ano na lang ang iisipin ni DK?“Sobra na itong naitulong mo, Everlee. Kaya kailangan na naming magpasundo.”“Okay. Pero hindi ba pwedeng hintayin natin na gumanda ang araw? Sabi mo medyo malayo dito ang bahay ng asawa mo.”“Yeah. Medyo nga. Pero tumigil naman na ang ulan. Kaya sa tingin ko kaya na niyang bumiyahe papunta rito. Siguradong excited na ‘yon sa anak namin.”“S-sige, ikaw ang bahala.” Mukhang mawawalan na siya nang rason na iwasan si DK. Aalis na pala ito.Talagang bumiyahe pala si Serena para pumunta sa OB nito, pero naipit nga sila dahil sa landslide. Sakay pala ito ng jeep, na nasa unahan niya. Pinababa na ang mga ito ng jeepney driver dahil nga sa nakitan
HINDI mapalis-palis ang ngiti sa labi ni DK ng mga sandaling iyon. Alam niyang naasar na sa kanya si Everlee, pero iyon nga ang gusto niya. Gaya noon, nauwi ang pagkaasar nito sa pagmamahal. Magagawa niya ulit iyon. Lalo pa’t red flag na si Ryder dito.Kinapa niya ang bulsa at kinuha ang telepono saka may tinawagan. Pagkatapos na kausapin ito ay iginiya ang sarili sa sariling silid at nahiga. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa kama pero napabangon siya at sumilip sa bintana. Naririnig niya kasi si Everlee at may kausap. Napaangat siya ng kilay nang makita si Ryder sa labas, sa may gate na nakaluhod. Basang-basa ito sa ulan. Ganoon din si Everlee kaya napababa siya at naghanap ng payong. Akala pa naman niya umuwi na si Ryder, aba’y nasa labas pa pala. Ang kapal din ng mukha. Hindi pa niya alam ang dahilan nang pag-aaway ng dalawa pero malakas ang loob niya na dahil kay Jaime. Actually, lahat na ng past relationships ni Ryder ay alam na niya. Napakalkal na niya lahat. Kaya gan
NAPAKUNOT ng noo si DK nang makita sa screen niya ang numero. Pamilyar siya sa numero ni Ryder dahil nakausap na niya ito nang ilang beses, trying to drive him away from Everlee’s life. Pauwi pa lang si DK noon galing ng opisina. Late na nga para sa kanya dahil sa magkabilaang meeting. Wala ang kapatid na si Dixxie dahil sa out of the country nit, kaya siya lahat ngayon.“What?” Halata ang inis sa boses niya.“Have you contacted Everlee today?” tanong nito.Natigilan siya saglit. Pero nang maalala amg report ng tauhan niya ay lalo siyang nainis.“Bakit sa akin ka nagtatanong? If I remember, pinuntahan ka niya.”“So, talagang pumunta siya ritong mag-isa?” “Yes! Sabi niya sa akin kahapon sosorpresahin ka niya.” Hindi niya pinahalatang tauhan niya ang may sabi. Mas magandang isipin nito na may komunikasyon pa rin sila ni Everlee.Matagal na hindi nakaimik si Ryder. Mayamaya ay narinig niya ang mura nito sabay patay ng linya. Pero imbes na matuwa, bigla siyang nag-alala. Kasi naman, ba
HINDI makakapayag si DK na umalis si Everlee. Nagpaalam itong pero nag-drama siya, hindi lang ito mapaalis. Sinagot ba naman kasi siya nito kanina ng ‘Oo naman mahal ko si Ryder. Kaya nga sinagot ko, ‘di ba?’“Masakit pa ba?” Halata sa mukha ng dating asawa ang pag-aalala kaya napangiti sa loob-loob si DK. Kakalabas niya lang noon ng banyo.Sabi niya kasi, masakit ang tiyan niya. Saka parang nag-LBM siya. At mukhang naniwala naman ito. Ilang beses na siyang pumasok sa banyo at nag-flush para mapaniwala.“Dalhin na kaya talaga kita sa ospital?”“No need.” Pabagsak na nahiga siya sa higaan nito. “Nakainom naman na ako ng gamot. Saka reresetahan lang din namam ako ng doctor ng gamot na gaya ng naibigay mo. So why bother?”“Eh, kasi naman nakailang balik ka na sa loob, e.” Naupo ito sa gilid ng kama habang nakatunghay sa kanya.“Mawawala din siguro ito mamaya. Pero ‘wag mo akong iwan dahil baka kailangan ko nang tulong.”“Hindi na ako aalis. Wala rin naman pala si Ryder sa Metro Manila.
Chapter 26ALANGANG ngiti ang binigay Everlee kay DK nang makitang nagmulat ito. Nakapulupot na sa beywang niya ang mga kamay nito.“Where are you going?” in his bedroom voice, na nagdulot sa kanya nang kilabot.“I-I have to sleep also,” “Oh, yeah?”“Yes. Kaya bitawan mo ako.”Imbes na sagutin siya, umusod ito at doon siya nito inihiga, sa tabi nito.“Seriously, DK!” Sinamaan niya ito nang tingin.“What? Lagi naman nating ginagawa ito, a. Kahit masikip ang higaan, nagagawa nating pagkasyahin ang sarili natin.”Napatitig siya sa dating asawa. Bahagyang kumunot rin ang noo niya habang pinakatitigan ito. Dati, wala siyang mabasa sa mga mata nito, lalo na noong mga araw na nasa Bedford sila. Kahit noong paulit-ulit na ni-reject siya nito. Pero ngayon, nababasa na niya ang mata nito, gaya noon— nang mga panahong masaya pa sila. Nang mga panahong in love sila sa isa’t-isa.“D-DK, hindi mo dapat binabalikan ang bagay na ‘yan.”“Naalala ko, e. Magagawa mo?”Napaawang siya ng labi nang may ma
Chapter 25NAIWANG tulala si Everlee nang iwan siya ni DK. Talagang delikado. Ganitong-ganito ang galawan nito noong nasa Bedford sila. At masyado pa siyang curious at madaling sway noon, kaya umabot sa kasalan. Ni hindi nga siya binigyan nito na mag-isip. Basta parang sunud-sunuran lang siya dito. Ngayong nasa tamang katinuan na siya, hindi siya dapat magpadala.Hindi makatulog si Everlee kaya lumabas siya ng silid niya. Napakunot siya ng noo nang marinig ang mga pag-uusap mula sa minibar nila. Hindi lang dalawang boses ang naroon. At na-curious siya kaya bumaba siya at tinungo iyon. Napaawang nang labi si Everlee nang makita ang ama, ang Daddy ni DK at Uncle Sebastian niya. Nasa paligid ng mga ito ang mga anak ng mga ito kasama na ang Kuya Callen niya at Adam. Kamot-kamot lang ang mga ito sa ulo habang nakabantay.“A-anong nangyayari dito?” aniya sa mga ito na ikinabaling ng mga ito sa kanya maliban sa mga matatanda na abala sa banghayan.“Kanina pa sila nag-uusap,” si Ian.“Usap? B