HINDI maiwasang magtanong uli ni DK kung matagal pa ba. Ilang minuto pa lang sila sa himpapawid pero para sa kanya ang tagal nila sa ere, samantalang ang lapit naman.Napabalik ang likod niya sa kinauupuan nang sabihin nitong mga limang minuto pa. Naghahanap pa pala ng ito ng perfect na pag-landingan. Hindi siya mapakali dahil wala pa ito sa paningin niya. Gusto niyang makita mismo ng kanyang mga mata na nasa maayos ito.Hindi pa man totally naka-landing ang helicopter, nakahanda na siya sa pagtalon. Kita na niya ang ilang taong nag-aabang sa kanila.“Where is she?” tanong niya kay Daisy nang lapitan ito.“Your Grace! Hi!” anang isang babae na lumapit sa kanila. “I’m Li—”“I’m sorry, Miss. I’m here for Everlee.” Hindi na niya narinig kung nagsalita pa ito, basta sumunod na siya kay Daisy.Marahas na binuksan niya ang pintuan ng silid ng cabin na iyon nang sabihin ni Daisy na si Everlee at Aharon lang ang naroon. Gulat pa ang mga ito nang mapatingin sa kanya. Napasobra yata sa tulak ni
“Everlee?” seryosong sambit ni DK sa dalaga. Kasabay no’n ang paglahad ng kamay nito sa kanya.“K-Kuya,” aniya lang. Hindi alam ni Everlee kung bakit bigla siyang kinabahan sa tono nang pagtawag nito ng pangalan niya. May diin iyon. Hindi niya malaman kung gigil sa inis o ano ba.“Are you coming or not?” ulit nito. Sa Duke ang tingin ng mga naroon. Si Daisy, napapalunok na ito. Kasi minsan na nitong nakitang nagalit ang Duke. Kaya masasabi nitong galit na nga ang Duke kay Everlee. Kasi nga naman kabilil-bilinan nito na ‘wag itong palabasin. Pero heto.“Everlee,” ulit ni DK na ikinatugon ng dalaga sa lahad nito.Baka madagdagan pa ang inis nito sa kanya. Napasinghap si Everlee nang pangkuin siya nito imbes na alalayan patayo.“Damn it!” dinig niyang anas nito. Ewan lang ni Everlee kung narinig ng mga naroon, pero siya, oo. As in. Nanoot pa sa katawan niya. Hindi dahil sa lamig kung hindi dahil dahil sa kaba na ginalit niya ito.Walang imik si Everlee habang nasa bisig nito, kaya rin
NAGMADALING lumaptit si Everlee kay DK. Lumuhod siya sa damuhan para i-check ito. Basa nga ito pero wala naman siyang makapang sugat nito.“Hey! I’m fine. Nagpapawala lang ako ng amats.”“Good.” Tumayo siya at nameywang siya rito kapagkuwan. “Dahil okay ka naman, binabawi ko na ang sinabi ko na magpapakasal sa ’yo.” Taas noo pa siya noon. Ewan lang niya kung nakita nito.“What?!” gulat na sambit nito. “No!”“Yeah. Hindi ka naman yata bingi. Nasabi ko lang sa ‘yo ‘yon dahil nag-aalala ako. Saka kung gusto mo akong pakasalan, dapat single ka at alam ng parents ko. Pupunta ba sila dito if ever?”Hindi nakaimik si DK kaya napangiti si Everlee. Imposible naman talaga kasi hindi siya pwedeng ikasal nang walang alam ang magulang niya.Pumasok si Everlee pagkatapos niyang kausapin si DK. Pero hindi siya makatulog nang gabing iyon. Naroon ang panghihinayang. Hindi niya alam kung bakit. Pero nagpakatotoo lang siya sa sarili niya nang sabihin iyon kay DK. Ang bata niya pa para sa kasal. Saka ma
OVERWHELMED si Everlee sa sumunod na mga araw. Wala siya sa bahay ni DK pero may tagabalita siya, si Daisy. Naroon ito sa araw kapag nasa klase siya. At maraming pagbabago dahil sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni DK. Hindi niya rin alam kung bakit siya pumayag sa kasalang ito. Gusto niyang nandito ang magulang niya, pero nangako si DK sa kanya. After ng term nito dito, magpapakasal sila sa Pilipinas. Hindi siya sigurado sa nararamdaman para kay DK pero masaya siya sa t’wing kasama ito. Sabi nga ni Daisy, hindi malayong mai-in love siya sa binata kung kumportable siya. Nakauwi na si Ian pero ang pangako nito sa kanya na magiging lihim ay naroon. Nakita naman nito kung gaano siya kasaya habang nandito ito. Gustuhin man nitong saksihan ang kasal nila, hindi nito magawa. Hindi ito maaring magtagal dito dahil marami umanong trabahong baghihintay dito.Pero para sa kanya, pagtanaw ng utang na loob. Sa loob ng ilang buwan niya rito, sinalo lahat ni DK ang kasalanan niya sa magulang. T
“SABI mo simple lang at mabilis ang seremonya? Pero bakit ganito karaming bisita at sobrang tagal?” Ngalay na ngalay na si Everlee kaka-istima ng mga bisita nila. Parang bibigay na nga ang tuhod niya.“I’m sorry. Matatapos din ‘to, promise,” ani ng asawa sa kanya. Pinisil din nito ang kamay niyang hawak-hawak nito.Yes, asawa na nga niya si DK! Kaya nga ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso niya. Kaso sobrang pagod na siya. Parang gusto na niyang magpahinga. Kagabi pa niya iniisip kung ano ang magiging endearment niya sa asawa. Kaya pagod din ang isipan niya. Kaya ayon, rumagasa na ngayon. Isip at at katawan niya ang pagod na. “Hindi naman ako maka-relate sa inyo kaya pwede bang magpahinga na ako?” bulong niya. Hindi iyon nakaligtas sa Marquess ng Northampton na si Duncan Ward. Ang pinsang buo ni DK.Ngayon naiintindihan na niya kung bakit inalok ni DK kay Ian ang Northampton. Dahil kay Duncan. Kanina pa niya naririnig na teritoryo pala ang deal ni DK kay Ian. May idea na siya
ALAS diyes ang usapan ni Everlee at Cheska pero thirty minutes bago ang nakatakda ay dumating na si Everlee. Excited kasi siya. Makikita na rin niya sa wakas ang isa sa mga famous vlogger dito sa Pilipinas. Nahilig siyang manuod dito dahil sa mga kakaibang trip nito sa pag-travel. Saka ang pleasing nitong panoorin.Saktong ten lang ang dating ng dalawa. Kakababa lang ni Cheska ng telepono noon. Nasa parking lot na ang mga ito, natatanaw na niya nga ang kinalulunanan ng mga ito.Hindi maiwasang mapaawang ng labi si Everlee nang makita na si Ryder Halls. As usual, black shirt at rugged black jeans ang suot nito. Low fade hair cut ang gupit ng buhok nito na bumagay sa manly na mukha nito. Ang lakas ng appeal nito. Kaya nga isa ito sa pinapanood ng mga tao. At halos kamo kababaihan ang mga fans nito.Parang naestatwa si Everlee nang makitang nakatayo na ito sa harapan niya.“Everlee Moore, right? Ryder.” Sabay lahad nito sa kanya.Hindi rin siya nakapagsalita agad dahil sa boses nitong hu
KANINA pa nakatingin si DK sa mga kapatid at magulang pero parang may hinahanap siya. Araw noon ng Sunday. Lahat kumpleto. Nagsimulang magtipon-tipon sila nang umuwi siya. Always naman. Mag-iisang taon na siyang ganito. Right after ng divorce niya with Everlee. “Ang lalim ng iniisip mo, anak. May problema ka bang naiwan?” “Nothing, dad. I just realize na ang dami kong na-miss dito.” Napaangat nang kilay ang amang si Dave. “Actually, son, wala namang nagbago dito.” Hindi man lang naibaba ng ama ang kilay nito. “Sa tingin ko, ikaw ang nagbago.” Natawa si DK. “Oh. Ako po ba?” Tinuro pa niya ang sarili. “Yeah.” Tinitigan siya ng ama. “Parang hindi ikaw ang anak ko. What happened back there, huh? Parang mas okay ang mood mo right after mong ikasal kay Everlee.” Natigilan si DK sa narinig. Tumikhim siya nang makabalik sa sarili. “D-dad. Mali ang naging desisyon ko noon. Wala nga po akong mukhang maiharap sa pamilya niya. Pinagsamantalahan ko ang walang kamuwang-muwang na si
ILANG minuto ding nakatitig si Everlee sa divorce paper na hawak. Dahil wala namang prenup agreement ay mabilis lang itong maipapasa. Ibig sabihin, mabilis ding mapoproseso ito. Sa dami ba namang koneksyon ni DK dito. After ten minutes na pagtitig sa papel, tumayo din si Everlee mayamaya. Pasado alas diyes na ng gabi. Siguradong nasa tower house ito ngayon. Gusto niyang makausap si DK sa huling pagkakataon. Gusto niyang ipaglaban ang marriage na ito.Tiniis at sinakripisyo niyang hindi ipaalam sa magulang ang lahat para lang dito, tapos mawawala lang ito sa kanya? Hindi pwede!Dali-dali niyabg tinungo ang silid ni Mildred. Simula nang ikasal sila, ang silid ni DK ay kanya na rin. Kahit sa tower ay ganoon din. Pero dahil kasal sila at siya ang kinikilalalang Duchess ng Bedford, hindi siya basta-basta mapapalis sa mga silid nito dahil lang sa wala itong memorya.Takang-taka si Mildred nang pagbuksan siya. Nang sabihin niyang kakausapin niya si DK para ayusin ang problema nila, buong p