OVERWHELMED si Everlee sa sumunod na mga araw. Wala siya sa bahay ni DK pero may tagabalita siya, si Daisy. Naroon ito sa araw kapag nasa klase siya. At maraming pagbabago dahil sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni DK. Hindi niya rin alam kung bakit siya pumayag sa kasalang ito. Gusto niyang nandito ang magulang niya, pero nangako si DK sa kanya. After ng term nito dito, magpapakasal sila sa Pilipinas. Hindi siya sigurado sa nararamdaman para kay DK pero masaya siya sa t’wing kasama ito. Sabi nga ni Daisy, hindi malayong mai-in love siya sa binata kung kumportable siya. Nakauwi na si Ian pero ang pangako nito sa kanya na magiging lihim ay naroon. Nakita naman nito kung gaano siya kasaya habang nandito ito. Gustuhin man nitong saksihan ang kasal nila, hindi nito magawa. Hindi ito maaring magtagal dito dahil marami umanong trabahong baghihintay dito.Pero para sa kanya, pagtanaw ng utang na loob. Sa loob ng ilang buwan niya rito, sinalo lahat ni DK ang kasalanan niya sa magulang. T
“SABI mo simple lang at mabilis ang seremonya? Pero bakit ganito karaming bisita at sobrang tagal?” Ngalay na ngalay na si Everlee kaka-istima ng mga bisita nila. Parang bibigay na nga ang tuhod niya.“I’m sorry. Matatapos din ‘to, promise,” ani ng asawa sa kanya. Pinisil din nito ang kamay niyang hawak-hawak nito.Yes, asawa na nga niya si DK! Kaya nga ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso niya. Kaso sobrang pagod na siya. Parang gusto na niyang magpahinga. Kagabi pa niya iniisip kung ano ang magiging endearment niya sa asawa. Kaya pagod din ang isipan niya. Kaya ayon, rumagasa na ngayon. Isip at at katawan niya ang pagod na. “Hindi naman ako maka-relate sa inyo kaya pwede bang magpahinga na ako?” bulong niya. Hindi iyon nakaligtas sa Marquess ng Northampton na si Duncan Ward. Ang pinsang buo ni DK.Ngayon naiintindihan na niya kung bakit inalok ni DK kay Ian ang Northampton. Dahil kay Duncan. Kanina pa niya naririnig na teritoryo pala ang deal ni DK kay Ian. May idea na siya
ALAS diyes ang usapan ni Everlee at Cheska pero thirty minutes bago ang nakatakda ay dumating na si Everlee. Excited kasi siya. Makikita na rin niya sa wakas ang isa sa mga famous vlogger dito sa Pilipinas. Nahilig siyang manuod dito dahil sa mga kakaibang trip nito sa pag-travel. Saka ang pleasing nitong panoorin.Saktong ten lang ang dating ng dalawa. Kakababa lang ni Cheska ng telepono noon. Nasa parking lot na ang mga ito, natatanaw na niya nga ang kinalulunanan ng mga ito.Hindi maiwasang mapaawang ng labi si Everlee nang makita na si Ryder Halls. As usual, black shirt at rugged black jeans ang suot nito. Low fade hair cut ang gupit ng buhok nito na bumagay sa manly na mukha nito. Ang lakas ng appeal nito. Kaya nga isa ito sa pinapanood ng mga tao. At halos kamo kababaihan ang mga fans nito.Parang naestatwa si Everlee nang makitang nakatayo na ito sa harapan niya.“Everlee Moore, right? Ryder.” Sabay lahad nito sa kanya.Hindi rin siya nakapagsalita agad dahil sa boses nitong hu
KANINA pa nakatingin si DK sa mga kapatid at magulang pero parang may hinahanap siya. Araw noon ng Sunday. Lahat kumpleto. Nagsimulang magtipon-tipon sila nang umuwi siya. Always naman. Mag-iisang taon na siyang ganito. Right after ng divorce niya with Everlee. “Ang lalim ng iniisip mo, anak. May problema ka bang naiwan?” “Nothing, dad. I just realize na ang dami kong na-miss dito.” Napaangat nang kilay ang amang si Dave. “Actually, son, wala namang nagbago dito.” Hindi man lang naibaba ng ama ang kilay nito. “Sa tingin ko, ikaw ang nagbago.” Natawa si DK. “Oh. Ako po ba?” Tinuro pa niya ang sarili. “Yeah.” Tinitigan siya ng ama. “Parang hindi ikaw ang anak ko. What happened back there, huh? Parang mas okay ang mood mo right after mong ikasal kay Everlee.” Natigilan si DK sa narinig. Tumikhim siya nang makabalik sa sarili. “D-dad. Mali ang naging desisyon ko noon. Wala nga po akong mukhang maiharap sa pamilya niya. Pinagsamantalahan ko ang walang kamuwang-muwang na si
ILANG minuto ding nakatitig si Everlee sa divorce paper na hawak. Dahil wala namang prenup agreement ay mabilis lang itong maipapasa. Ibig sabihin, mabilis ding mapoproseso ito. Sa dami ba namang koneksyon ni DK dito. After ten minutes na pagtitig sa papel, tumayo din si Everlee mayamaya. Pasado alas diyes na ng gabi. Siguradong nasa tower house ito ngayon. Gusto niyang makausap si DK sa huling pagkakataon. Gusto niyang ipaglaban ang marriage na ito.Tiniis at sinakripisyo niyang hindi ipaalam sa magulang ang lahat para lang dito, tapos mawawala lang ito sa kanya? Hindi pwede!Dali-dali niyabg tinungo ang silid ni Mildred. Simula nang ikasal sila, ang silid ni DK ay kanya na rin. Kahit sa tower ay ganoon din. Pero dahil kasal sila at siya ang kinikilalalang Duchess ng Bedford, hindi siya basta-basta mapapalis sa mga silid nito dahil lang sa wala itong memorya.Takang-taka si Mildred nang pagbuksan siya. Nang sabihin niyang kakausapin niya si DK para ayusin ang problema nila, buong p
“GOOD morning, anak!” “Morning po, Ma.” Tumingin siya sa ina ng dating asawa na si Kristen. “M-morning po, Tita.” “Morning din, anak. Maaga kaming pumunta ngayon para tumulong.” “T-tumulong ho? Para saan?” Binalik niya ang tingin sa ina. “‘Wag mong sabihing nakalimutan mo? Ngayon i-celebrate ang birthday ko?” Nasapo ni Everlee ang bibig nang maalala. “Nawala po sa sarili ko, Mama. Na-busy lang po nitong nagdaan.” “Sabagay,” ani na lang ng ina niya. “Pupunta ba ‘yong boyfriend mo?” tanong ng amang si Calleb kapagkuwan. “B-boyfriend po?” bigla siyang nautal. “Si Ryder, bunso. ‘Di ba kayo na?” singit ng Kuya Adam niya. Akmang sasagot siya nang sumingit ang Ate Celestine niya. “For the vlogs lang yata.” Napatingin siya sa Ate niya. Pero saglit lang dahil sa kasama nito. Si DK. Saglit ding nagtama ang paningin nila. Siya ang unang nag-iwas. “So, hindi totoo?” anang ina ni DK na nakangiti. Nakaabang ang mga matatanda sa sagot niya kaya napilitan siyang sagutin.
“DK! Hoy!” Tinampal pa ni Everlee ang balikat nito bago para gisingin pero hindi ito nagigising. Tinitigan niya mata nito. Gumalaw iyon kaya napaingos siya.“Alam kong gising ka. Umalis ka ngayon din bago pa may makakita sa ‘yo dito.” Tumayo na siya noon. Nakapameywang pa siya. Naningkit ang mata niya nang dumapa ito. O ‘di ba, gising?“Mga 5 minutes pa, Lee. Nahihilo ako. Okay?” Napahilot siya sa noo. “Wala ka bang kasama? Magpahatid ka kaya kila Kuya Ian?”“No need,” sagot nito.Inorasan na lang ni Everlee ito. Talagang nag-alarm siya at inilagay bandang uluhan nito. Sa upuan niya siya naupo, sa may side table banda.Dahil pagod si Everlee, nakaidlip siya doon. Hindi na niya napansin ang pag-alarm ng cellphone niya.Nagising si Everlee dahil sa naramdamang pangangalay ng leeg. Agad niyang inilinga ang mata, wala na si DK. Pero may dalawang box sa side table. May note din kaya binasa niya iyon. Pasalubong pala iyon galing kay Mildred at Daisy na pinadala ng mga ito dito. So, dah
DAHIL sa magkasunod na post ni Ryder at Sergio ng mga vlogs, naging maingay din ang pangalan ni Everlee. At nabunyag din sa madla kung gaano sila umano kayaman. Kaya naging matunog sa social media ang mga Moore din. Naging puspusan naman ang panliligaw ni Ryder sa kanya. May camera man o wala. Kaya ang nangyari, inaabangan ng mga netizens kung kailan sila aamin umano na sila na nga. May mga kumakalat pang mga pictures nila na magkasama kaya nag-conclude na ang mga ito na sila na nga.Pero balewala sa kanya ang mga balita, nakabase siya sa mga kilos ni Ryder. Walang problema dito dahil saksakan ng sweet. Unti-unti na nga rin siyang nadadala kahit biro man iyon. Hinahanap-hanap niya na rin ang atensyon nito. Kapag hindi nga lang siya mapansin nito, nalulungkot na siya. Parang nasasanay na siya sa presensya nito.Nagkakagusto na nga ba siya kay Ryder? Hindi kaya? Magandang balita ito kung ganoon. Ibig bang sabihin, hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya kay DK? Sa isiping hindi naman
KITA ni Everlee ang malapad na ngiti ni DK nang makabalik sila sa silid.“Ngiting tagumpay yarn?”“Yeah. Bakit ikaw, hindi ka ba masaya? Magsasama ulit tayo,”Napaikot na lang ng mata si Everlee. “Sa totoo lang, nawalan ako nang tiwala sa ‘yo. Mahal nga kita, pero nakakatakot kang mahalin. Baka dumating nga ang araw na pipiliin mo ang babae mo. Kaya lang ako napilitang panindigan ka kanina dahil nakita tayo ni Papa.” “Ikaw ang pipiliin ko, Everlee. Wala nang iba. Ano ka ba. Dahil lang sa nawalang memory ko kaya ko nasabi iyon. Alam mo naman sa sarili mong hindi ko gagawin iyon kung nasa tamang katinuan ako.”“Siguraduhin mo lang talaga, DK. May hangganan din ako.”Lumapit ito sa kanya at hinigit ang beywang niya saka, hinalikan siya sa noo.“I assure you that, mahal.” Ngumiti siya rito. Hindi na siya umiwas nang idiin nito ang labi sa kanya at bago pa man lumalim ay tinapos na nila. Naghihintay ang Papa niya sa labas, baka makatok pa sila nang wala sa oras.Napakunot ng noo si Everl
NAPANGIWI si Everlee nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng hita niya. Parang gusto niyang pagalitan ang sarili. Nakalimot siya dahil lamang sa tawag ng laman! Hindi niya talaga kayang pigilan ang sarili kapag nagkalapit ang katawan nila. Hindi pa naman kasi talaga nawawala si DK sa puso at isipan niya. Pinanindigan lang niya ang naging desisyon na maging loyal sana kay Ryder. Siguro, amanos na sila ng nobyo. Nagloko ito habang sila pa maging siya rin.Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni DK na nakapulupot sa kanya. Hindi pwedeng magisnan siya ni DK. Hindi niya alam ang mukhang ihaharap dito. Aayaw-ayaw siya sa una tapos heto, bibigay din pala.Saglit niyang tinitigan si DK. Bakit kasi ngayon lang bumalik ang alaala niya? Kung kailan nakasakit at may nobyo na siya. Hindi naman niya gustong sinukuan ang asawa, a. Kaso, gusto nito ng divorce at talagang pinanindigan rin nito. Kaya nasaktan siya, kahit sa mga inilalabas ng bibig nito.Ang buong akala ni Everlee tulog pa si DK,
NAGKUNWARING tulog si Everlee nang marinig ang pag-unlock ng pintuan niya. Wala siyang naririnig na boses, pero ramdam niya ang mga hakabang ng pumasok. Alam niyang si DK iyon. At hindi nga siya nagkamali, si DK iyon. Naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya. Pero lumabas din ito agad dahil tinawag ito ng ama ni Serena. Saka lang siya naupo nang marinig ang pagsara ng pinto. Pinalipas pa niya ang ilang minuto bago lumabas. Nakaramdam na kasi siya nang gutom. Hindi naman niya pwedeng iwasan si DK.Natigilan siya saglit. Bakit nga pala siya iiwas kay DK? Dahil sa nakita?Napaikot siya ng mata. Saktong may huminto sa harapan niya.“For you, little wife,” nakangiting taas ni DK sa tasa. Umuusok iyon at amoy niya ang aroma ng kape.“Thanks.” Hindi naman niya kinuha ang tasa, nilagpasan niya lang. Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya.“Hey! Ako mismo ang nag-brew nito.”“So?” aniya nang lumingon.“Are you mad at me?” tanong nito, sabay titig sa kanya.“Excuse me. Matagal nang may w
NANG masigurong tulog pa si DK, mabilis na iginiya ni Everlee ang sarili sa silid ni Serena. At nnaabutan niya nga ito na nagpapadede sa anak nito.Gusto niya lang iwasan si Dk ngayon. Nahihiya siya sa ginawa kagabi na pagtugon. Ilang beses niyang pinaggiitan dito na mahal niya si Ryder pero nagawa niyang tumugon dito. Ano na lang ang iisipin ni DK?“Sobra na itong naitulong mo, Everlee. Kaya kailangan na naming magpasundo.”“Okay. Pero hindi ba pwedeng hintayin natin na gumanda ang araw? Sabi mo medyo malayo dito ang bahay ng asawa mo.”“Yeah. Medyo nga. Pero tumigil naman na ang ulan. Kaya sa tingin ko kaya na niyang bumiyahe papunta rito. Siguradong excited na ‘yon sa anak namin.”“S-sige, ikaw ang bahala.” Mukhang mawawalan na siya nang rason na iwasan si DK. Aalis na pala ito.Talagang bumiyahe pala si Serena para pumunta sa OB nito, pero naipit nga sila dahil sa landslide. Sakay pala ito ng jeep, na nasa unahan niya. Pinababa na ang mga ito ng jeepney driver dahil nga sa nakitan
HINDI mapalis-palis ang ngiti sa labi ni DK ng mga sandaling iyon. Alam niyang naasar na sa kanya si Everlee, pero iyon nga ang gusto niya. Gaya noon, nauwi ang pagkaasar nito sa pagmamahal. Magagawa niya ulit iyon. Lalo pa’t red flag na si Ryder dito.Kinapa niya ang bulsa at kinuha ang telepono saka may tinawagan. Pagkatapos na kausapin ito ay iginiya ang sarili sa sariling silid at nahiga. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa kama pero napabangon siya at sumilip sa bintana. Naririnig niya kasi si Everlee at may kausap. Napaangat siya ng kilay nang makita si Ryder sa labas, sa may gate na nakaluhod. Basang-basa ito sa ulan. Ganoon din si Everlee kaya napababa siya at naghanap ng payong. Akala pa naman niya umuwi na si Ryder, aba’y nasa labas pa pala. Ang kapal din ng mukha. Hindi pa niya alam ang dahilan nang pag-aaway ng dalawa pero malakas ang loob niya na dahil kay Jaime. Actually, lahat na ng past relationships ni Ryder ay alam na niya. Napakalkal na niya lahat. Kaya gan
NAPAKUNOT ng noo si DK nang makita sa screen niya ang numero. Pamilyar siya sa numero ni Ryder dahil nakausap na niya ito nang ilang beses, trying to drive him away from Everlee’s life. Pauwi pa lang si DK noon galing ng opisina. Late na nga para sa kanya dahil sa magkabilaang meeting. Wala ang kapatid na si Dixxie dahil sa out of the country nit, kaya siya lahat ngayon.“What?” Halata ang inis sa boses niya.“Have you contacted Everlee today?” tanong nito.Natigilan siya saglit. Pero nang maalala amg report ng tauhan niya ay lalo siyang nainis.“Bakit sa akin ka nagtatanong? If I remember, pinuntahan ka niya.”“So, talagang pumunta siya ritong mag-isa?” “Yes! Sabi niya sa akin kahapon sosorpresahin ka niya.” Hindi niya pinahalatang tauhan niya ang may sabi. Mas magandang isipin nito na may komunikasyon pa rin sila ni Everlee.Matagal na hindi nakaimik si Ryder. Mayamaya ay narinig niya ang mura nito sabay patay ng linya. Pero imbes na matuwa, bigla siyang nag-alala. Kasi naman, ba
HINDI makakapayag si DK na umalis si Everlee. Nagpaalam itong pero nag-drama siya, hindi lang ito mapaalis. Sinagot ba naman kasi siya nito kanina ng ‘Oo naman mahal ko si Ryder. Kaya nga sinagot ko, ‘di ba?’“Masakit pa ba?” Halata sa mukha ng dating asawa ang pag-aalala kaya napangiti sa loob-loob si DK. Kakalabas niya lang noon ng banyo.Sabi niya kasi, masakit ang tiyan niya. Saka parang nag-LBM siya. At mukhang naniwala naman ito. Ilang beses na siyang pumasok sa banyo at nag-flush para mapaniwala.“Dalhin na kaya talaga kita sa ospital?”“No need.” Pabagsak na nahiga siya sa higaan nito. “Nakainom naman na ako ng gamot. Saka reresetahan lang din namam ako ng doctor ng gamot na gaya ng naibigay mo. So why bother?”“Eh, kasi naman nakailang balik ka na sa loob, e.” Naupo ito sa gilid ng kama habang nakatunghay sa kanya.“Mawawala din siguro ito mamaya. Pero ‘wag mo akong iwan dahil baka kailangan ko nang tulong.”“Hindi na ako aalis. Wala rin naman pala si Ryder sa Metro Manila.
Chapter 26ALANGANG ngiti ang binigay Everlee kay DK nang makitang nagmulat ito. Nakapulupot na sa beywang niya ang mga kamay nito.“Where are you going?” in his bedroom voice, na nagdulot sa kanya nang kilabot.“I-I have to sleep also,” “Oh, yeah?”“Yes. Kaya bitawan mo ako.”Imbes na sagutin siya, umusod ito at doon siya nito inihiga, sa tabi nito.“Seriously, DK!” Sinamaan niya ito nang tingin.“What? Lagi naman nating ginagawa ito, a. Kahit masikip ang higaan, nagagawa nating pagkasyahin ang sarili natin.”Napatitig siya sa dating asawa. Bahagyang kumunot rin ang noo niya habang pinakatitigan ito. Dati, wala siyang mabasa sa mga mata nito, lalo na noong mga araw na nasa Bedford sila. Kahit noong paulit-ulit na ni-reject siya nito. Pero ngayon, nababasa na niya ang mata nito, gaya noon— nang mga panahong masaya pa sila. Nang mga panahong in love sila sa isa’t-isa.“D-DK, hindi mo dapat binabalikan ang bagay na ‘yan.”“Naalala ko, e. Magagawa mo?”Napaawang siya ng labi nang may ma
Chapter 25NAIWANG tulala si Everlee nang iwan siya ni DK. Talagang delikado. Ganitong-ganito ang galawan nito noong nasa Bedford sila. At masyado pa siyang curious at madaling sway noon, kaya umabot sa kasalan. Ni hindi nga siya binigyan nito na mag-isip. Basta parang sunud-sunuran lang siya dito. Ngayong nasa tamang katinuan na siya, hindi siya dapat magpadala.Hindi makatulog si Everlee kaya lumabas siya ng silid niya. Napakunot siya ng noo nang marinig ang mga pag-uusap mula sa minibar nila. Hindi lang dalawang boses ang naroon. At na-curious siya kaya bumaba siya at tinungo iyon. Napaawang nang labi si Everlee nang makita ang ama, ang Daddy ni DK at Uncle Sebastian niya. Nasa paligid ng mga ito ang mga anak ng mga ito kasama na ang Kuya Callen niya at Adam. Kamot-kamot lang ang mga ito sa ulo habang nakabantay.“A-anong nangyayari dito?” aniya sa mga ito na ikinabaling ng mga ito sa kanya maliban sa mga matatanda na abala sa banghayan.“Kanina pa sila nag-uusap,” si Ian.“Usap? B