ILANG minuto ding nakatitig si Everlee sa divorce paper na hawak. Dahil wala namang prenup agreement ay mabilis lang itong maipapasa. Ibig sabihin, mabilis ding mapoproseso ito. Sa dami ba namang koneksyon ni DK dito. After ten minutes na pagtitig sa papel, tumayo din si Everlee mayamaya. Pasado alas diyes na ng gabi. Siguradong nasa tower house ito ngayon. Gusto niyang makausap si DK sa huling pagkakataon. Gusto niyang ipaglaban ang marriage na ito.Tiniis at sinakripisyo niyang hindi ipaalam sa magulang ang lahat para lang dito, tapos mawawala lang ito sa kanya? Hindi pwede!Dali-dali niyabg tinungo ang silid ni Mildred. Simula nang ikasal sila, ang silid ni DK ay kanya na rin. Kahit sa tower ay ganoon din. Pero dahil kasal sila at siya ang kinikilalalang Duchess ng Bedford, hindi siya basta-basta mapapalis sa mga silid nito dahil lang sa wala itong memorya.Takang-taka si Mildred nang pagbuksan siya. Nang sabihin niyang kakausapin niya si DK para ayusin ang problema nila, buong p
“GOOD morning, anak!”“Morning po, Ma.” Tumingin siya sa ina ng dating asawa na si Kristen. “M-morning po, Tita.”“Morning din, anak. Maaga kaming pumunta ngayon para tumulong.”“T-tumulong ho? Para saan?” Binalik niya ang tingin sa ina. “‘Wag mong sabihing nakalimutan mo ang birthday mo?” Nasapo ni Everlee ang bibig nang maalala.“Nawala po sa sarili ko, Mama. Na-busy lang po nitong nagdaan.”“Sabagay,” ani na lang ng ina niya.“Pupunta ba ‘yong boyfriend mo?” tanong ng amang si Calleb kapagkuwan.“B-boyfriend po?” bigla siyang nautal.“Si Ryder, bunso. ‘Di ba kayo na?” singit ng Kuya Adam niya. Akmang sasagot siya nang sumingit ang Ate Celestine niya. “For the vlogs lang yata.”Napatingin siya sa Ate niya. Pero saglit lang dahil sa kasama nito. Si DK. Saglit ding nagtama ang paningin nila. Siya ang unang nag-iwas.“So, hindi totoo?” anang ina ni DK na nakangiti.Nakaabang ang mga matatanda sa sagot niya kaya napilitan siyang sagutin.“Um… H-hindi pa po. Nagkakamabutihan lang. P-p
“DK! Hoy!” Tinampal pa ni Everlee ang balikat nito bago para gisingin pero hindi ito nagigising. Tinitigan niya mata nito. Gumalaw iyon kaya napaingos siya.“Alam kong gising ka. Umalis ka ngayon din bago pa may makakita sa ‘yo dito.” Tumayo na siya noon. Nakapameywang pa siya. Naningkit ang mata niya nang dumapa ito. O ‘di ba, gising?“Mga 5 minutes pa, Lee. Nahihilo ako. Okay?” Napahilot siya sa noo. “Wala ka bang kasama? Magpahatid ka kaya kila Kuya Ian?”“No need,” sagot nito.Inorasan na lang ni Everlee ito. Talagang nag-alarm siya at inilagay bandang uluhan nito. Sa upuan niya siya naupo, sa may side table banda.Dahil pagod si Everlee, nakaidlip siya doon. Hindi na niya napansin ang pag-alarm ng cellphone niya.Nagising si Everlee dahil sa naramdamang pangangalay ng leeg. Agad niyang inilinga ang mata, wala na si DK. Pero may dalawang box sa side table. May note din kaya binasa niya iyon. Regalo pala iyon galing kay Mildred at Daisy na pinadala ng mga ito dito. So, dahil
DAHIL sa magkasunod na post ni Ryder at Sergio ng mga vlogs, naging maingay din ang pangalan ni Everlee. At nabunyag din sa madla kung gaano sila umano kayaman. Kaya naging matunog sa social media ang mga Moore din. Naging puspusan naman ang panliligaw ni Ryder sa kanya. May camera man o wala. Kaya ang nangyari, inaabangan ng mga netizens kung kailan sila aamin umano na sila na nga. May mga kumakalat pang mga pictures nila na magkasama kaya nag-conclude na ang mga ito na sila na nga.Pero balewala sa kanya ang mga balita, nakabase siya sa mga kilos ni Ryder. Walang problema dito dahil saksakan ng sweet. Unti-unti na nga rin siyang nadadala kahit biro man iyon. Hinahanap-hanap niya na rin ang atensyon nito. Kapag hindi nga lang siya mapansin nito, nalulungkot na siya. Parang nasasanay na siya sa presensya nito.Nagkakagusto na nga ba siya kay Ryder? Hindi kaya? Magandang balita ito kung ganoon. Ibig bang sabihin, hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya kay DK? Sa isiping hindi naman
HINDI pa man nakakapasok si DK, naririnig na niya ang pinapanood sa loob. At sa halos dalawang linggo niya rito sa bahay nila, iyon ang sumasalubong sa kanya pag-uwi galing opisina. “Hi, Kuya!” Si Katarina.“Mommy, nandito na po si Kuya DK!” paalam naman Kristen sa ina nila.“Okay!” sigaw nito mula sa kusina. “DK, anak, mga 15 minutes, ready na ang mesa! Baba ka na lang ulit.”“Yes, mom,” aniya. Tumingin siya sa mga kapatid na nanonood ng vlogs ni Ryder. Napatingin din siya doon dahil pinakita ang magandang mukha ni Everlee. Kahit na bagong gising, hindi man lang naging kabawasan sa pagiging natural na maganda nito. May halong Spanish blood ba naman kasi ang magulang nito.Bahagyang sumingkit ang mata niya nang makita ang hawak ni Ryder. Bulaklak iyon. Ginigising nito ang dalaga. At siyempre, bulaklak ang bubungad dito. Pero nang maisip na basta na lang itong pumasok sa silid ni Everlee ay nag-init bigla ang ulo niya.Kahit na ba ito ang boss ni Everlee at boyfriend, respeto man lang
“MY GOD! Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ni Everlee kay DK.“Pwede bang ‘wag ka munang magtanong? Okay?” Ngumiti ito pero sinamaan niya lang nang tingin.“Kaya ba hindi mo magawang tawagan an parents mo dahil dyan? Kanino ka naman nakipag one-on-one? Kailan ka pa naging pala away?”“C’mon, Lee. Pinapunta kita rito para magpatulong na gamutin ito. Okay?”Nameywang si Everlee. “Dapat sa ospital ka magpagamot hindi sa akin. Alam mo naman ang mga tinapos ko. Right?”“I know. Pero madali lang ‘to.”“Madali pala, e. Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa? Si Alice kaya? ‘Yong mga girlfriend mo?”Saglit itong natigilan. “Ikaw lang ang kakilala ko rito. Kaya ikaw lang din ang makakatulong sa akin.” Napailing na lang si Everlee sa sinabi ni DK.Mukhang wala naman siyang magagawa kaya tinulungan niya na lang ito.Sa sala siya nito dinala. Nakahanda na pala ang mga gagamitin. Panay pa ang daing nito na ikinakainis ni Everlee. Kasi naman iba ang dating sa kanya niyon.“Wala pa akong nilalagay u
HINDI nakakilos si Everlee nang makita kung paano bum4ngga ang minamaneho ni DK sa pader. Hindi siya nakakilos dahil sa shock. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Pero ang paligid noon ay nagkagulo na. “Duchess!” “Is that Duke’s car?”“It’s the Duke!”“That's Duke's car!”Ilan lamang ‘yan sa pumukaw kay Everlee, na ikinabalik niya sa kasalukuyan. “D-DK,” anas niya nang makitang pinagtutulungan ng mga tao ang asawa.“Your Grace, we need to hurry! I think the Duke is badly hurt!” Hinila na ni Daisy ang kamay niya palapit sa sasakyan na kinalulunanan ni DK. Nasapo lang niya ang labi nang makitang duguan ang ulo ni DK habang inilalabas sa sasakyan.“Oh, God…” tanging sambit niya. Parang binabalot ng takot ang paligid niya noon. Ang kaba ng dibdib niya ay sobra. Kitang-kita naman kung paano tumaas-baba ang dibdib niya.“W-wait. C-can I see him?” Pigil ni Everlee sa lalaking may hawak kay DK. Nanginginig pa siya noon dahil sa mas nakitang kalagayan ni DK sa malapitan.Tumingin sa kanya an
“ARE you sure hindi mo isasama si Kate, baby?” tanong ulit ng ama ni Everlee na si Caleb Moore. Puno nang pag-alala ang gwapong mukha nito.Si Kate nga pala ang personal assistant ni Everlee. Ilang taon lang ang agwat nila. Anak ito ng isa nilang kasambahay, kaya lagi silang magkasama.“Nakailang tanong na ako sa kanya niyan, pero ayaw niya.” Ang ina niya na si Dominique ang sumingit. Kakagising lang nito.Lalong hindi nawala ang pag-alala ni Caleb sa anak dahil sa pagmamatigas nito. Hindi naman siya nag-aalala kapag lalaking anak niya. Pero kapag babaeng anak na niya, halos itali niya ang mga ito sa bahay.“Baby, malayo ang England. Kailangan—”“Papa, matagal ko nang pangarap na makapag-travel abroad without, uh—” Umikot pa ang bilugan at magandang mata ni Everlee. “you know. Kasama? I’m too old na para magkaroon ng yaya.”“She's not your yaya, baby. Companion.”“Whatever, Papa. Please…” sa nagmamakaawa niyang tono.Tumingin si Caleb sa asawang si Dominique. Ngumunguya na ito ng pagk