“DK! Hoy!” Tinampal pa ni Everlee ang balikat nito bago para gisingin pero hindi ito nagigising. Tinitigan niya mata nito. Gumalaw iyon kaya napaingos siya.“Alam kong gising ka. Umalis ka ngayon din bago pa may makakita sa ‘yo dito.” Tumayo na siya noon. Nakapameywang pa siya. Naningkit ang mata niya nang dumapa ito. O ‘di ba, gising?“Mga 5 minutes pa, Lee. Nahihilo ako. Okay?” Napahilot siya sa noo. “Wala ka bang kasama? Magpahatid ka kaya kila Kuya Ian?”“No need,” sagot nito.Inorasan na lang ni Everlee ito. Talagang nag-alarm siya at inilagay bandang uluhan nito. Sa upuan niya siya naupo, sa may side table banda.Dahil pagod si Everlee, nakaidlip siya doon. Hindi na niya napansin ang pag-alarm ng cellphone niya.Nagising si Everlee dahil sa naramdamang pangangalay ng leeg. Agad niyang inilinga ang mata, wala na si DK. Pero may dalawang box sa side table. May note din kaya binasa niya iyon. Regalo pala iyon galing kay Mildred at Daisy na pinadala ng mga ito dito. So, dahil
DAHIL sa magkasunod na post ni Ryder at Sergio ng mga vlogs, naging maingay din ang pangalan ni Everlee. At nabunyag din sa madla kung gaano sila umano kayaman. Kaya naging matunog sa social media ang mga Moore din. Naging puspusan naman ang panliligaw ni Ryder sa kanya. May camera man o wala. Kaya ang nangyari, inaabangan ng mga netizens kung kailan sila aamin umano na sila na nga. May mga kumakalat pang mga pictures nila na magkasama kaya nag-conclude na ang mga ito na sila na nga.Pero balewala sa kanya ang mga balita, nakabase siya sa mga kilos ni Ryder. Walang problema dito dahil saksakan ng sweet. Unti-unti na nga rin siyang nadadala kahit biro man iyon. Hinahanap-hanap niya na rin ang atensyon nito. Kapag hindi nga lang siya mapansin nito, nalulungkot na siya. Parang nasasanay na siya sa presensya nito.Nagkakagusto na nga ba siya kay Ryder? Hindi kaya? Magandang balita ito kung ganoon. Ibig bang sabihin, hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya kay DK? Sa isiping hindi naman
HINDI pa man nakakapasok si DK, naririnig na niya ang pinapanood sa loob. At sa halos dalawang linggo niya rito sa bahay nila, iyon ang sumasalubong sa kanya pag-uwi galing opisina. “Hi, Kuya!” Si Katarina.“Mommy, nandito na po si Kuya DK!” paalam naman Kristen sa ina nila.“Okay!” sigaw nito mula sa kusina. “DK, anak, mga 15 minutes, ready na ang mesa! Baba ka na lang ulit.”“Yes, mom,” aniya. Tumingin siya sa mga kapatid na nanonood ng vlogs ni Ryder. Napatingin din siya doon dahil pinakita ang magandang mukha ni Everlee. Kahit na bagong gising, hindi man lang naging kabawasan sa pagiging natural na maganda nito. May halong Spanish blood ba naman kasi ang magulang nito.Bahagyang sumingkit ang mata niya nang makita ang hawak ni Ryder. Bulaklak iyon. Ginigising nito ang dalaga. At siyempre, bulaklak ang bubungad dito. Pero nang maisip na basta na lang itong pumasok sa silid ni Everlee ay nag-init bigla ang ulo niya.Kahit na ba ito ang boss ni Everlee at boyfriend, respeto man lang
“MY GOD! Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ni Everlee kay DK.“Pwede bang ‘wag ka munang magtanong? Okay?” Ngumiti ito pero sinamaan niya lang nang tingin.“Kaya ba hindi mo magawang tawagan an parents mo dahil dyan? Kanino ka naman nakipag one-on-one? Kailan ka pa naging pala away?”“C’mon, Lee. Pinapunta kita rito para magpatulong na gamutin ito. Okay?”Nameywang si Everlee. “Dapat sa ospital ka magpagamot hindi sa akin. Alam mo naman ang mga tinapos ko. Right?”“I know. Pero madali lang ‘to.”“Madali pala, e. Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa? Si Alice kaya? ‘Yong mga girlfriend mo?”Saglit itong natigilan. “Ikaw lang ang kakilala ko rito. Kaya ikaw lang din ang makakatulong sa akin.” Napailing na lang si Everlee sa sinabi ni DK.Mukhang wala naman siyang magagawa kaya tinulungan niya na lang ito.Sa sala siya nito dinala. Nakahanda na pala ang mga gagamitin. Panay pa ang daing nito na ikinakainis ni Everlee. Kasi naman iba ang dating sa kanya niyon.“Wala pa akong nilalagay u
HINDI nakakilos si Everlee nang makita kung paano bum4ngga ang minamaneho ni DK sa pader. Hindi siya nakakilos dahil sa shock. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Pero ang paligid noon ay nagkagulo na. “Duchess!” “Is that Duke’s car?”“It’s the Duke!”“That's Duke's car!”Ilan lamang ‘yan sa pumukaw kay Everlee, na ikinabalik niya sa kasalukuyan. “D-DK,” anas niya nang makitang pinagtutulungan ng mga tao ang asawa.“Your Grace, we need to hurry! I think the Duke is badly hurt!” Hinila na ni Daisy ang kamay niya palapit sa sasakyan na kinalulunanan ni DK. Nasapo lang niya ang labi nang makitang duguan ang ulo ni DK habang inilalabas sa sasakyan.“Oh, God…” tanging sambit niya. Parang binabalot ng takot ang paligid niya noon. Ang kaba ng dibdib niya ay sobra. Kitang-kita naman kung paano tumaas-baba ang dibdib niya.“W-wait. C-can I see him?” Pigil ni Everlee sa lalaking may hawak kay DK. Nanginginig pa siya noon dahil sa mas nakitang kalagayan ni DK sa malapitan.Tumingin sa kanya an
“ARE you sure hindi mo isasama si Kate, baby?” tanong ulit ng ama ni Everlee na si Caleb Moore. Puno nang pag-alala ang gwapong mukha nito.Si Kate nga pala ang personal assistant ni Everlee. Ilang taon lang ang agwat nila. Anak ito ng isa nilang kasambahay, kaya lagi silang magkasama.“Nakailang tanong na ako sa kanya niyan, pero ayaw niya.” Ang ina niya na si Dominique ang sumingit. Kakagising lang nito.Lalong hindi nawala ang pag-alala ni Caleb sa anak dahil sa pagmamatigas nito. Hindi naman siya nag-aalala kapag lalaking anak niya. Pero kapag babaeng anak na niya, halos itali niya ang mga ito sa bahay.“Baby, malayo ang England. Kailangan—”“Papa, matagal ko nang pangarap na makapag-travel abroad without, uh—” Umikot pa ang bilugan at magandang mata ni Everlee. “you know. Kasama? I’m too old na para magkaroon ng yaya.”“She's not your yaya, baby. Companion.”“Whatever, Papa. Please…” sa nagmamakaawa niyang tono.Tumingin si Caleb sa asawang si Dominique. Ngumunguya na ito ng pagk
NAPAMULAT si Everlee nang marinig ang anunsyo ng piloto. Tumingin siya kay DK, tulog na tulog ito. Nakalapag na pala sila. Kaya naman nagpasyang gisingin na lang ni Everlee ang binata. “Kuya DK.” Niyugyog niya ito. “Hmm…” Mabilis namang nagmulat ang binata at tiningnan siyang nakasimangot. “Kakalapag lang natin,”“Oh.” Napaayos nang upo si DK at luminga. Kasabay din niyon ang pagtanggal nito ng seatbelt.May naghihintay na sa kanila dito sa airport kaya agad na tinungo nila ang kinaroroonan ng mga ito. Hindi naman crowded ang nadaanan nila dahil naka-VIP si DK.Akmang sasakay si DK sa sasakyang naghihintay dito nang lingunin siya nito. “Hindi ka ba talaga magpapahatid?”“Hindi na, Kuya. May sundo rin ako. Hanapin ko na lang.”“Okay. Call me if you need anything.”Tumango siya rito at nginitian. Seryoso na ito dahil maraming tao. Unlike sa eroplano, parang bata itong naglalaro lang doon. Iniisip niya nga kung magagampanan ba nito ang posisyon nito bilang Duke. Wala kasi sa mukha n
NAKANGITING tiningnan niya ang sarili sa harap ng salamin. Bagay naman pala sa kanya ang mga dress dito. Papasa na siyang maging princess.“What do you think?” aniya kay DK. Lumabas siya para lang ipakita dito.Matagal na tumitig ito sa kanya.“Pwede na,” tipid nitong sabi, pero hindi nito inalis ang tingin sa kanya.“Ang tipid mo namang magkomento, Kuya.”Napataas ng kilay si DK. “Ano naman ang gusto mong marinig from me? Na ang ganda-ganda mo? Kahit sino mapapatingin sa ‘yo. Parang hindi ka bata? Na dalaga ka na? Na pwede ka na ligawan?” May sasabihin pa sana si DK nang may mapagtanto. Dapat iinisin niya ang dalaga. Pero bakit iba ang nailabas ng bibig niya? Nameywang si Everlee dahil sa narinig. Ngumiti siya pero may pagkasarkastiko.“Wow. Grabe. Ang galing mo magpuri, Kuya. Okay na sana, e. Panira ‘yang term mo na bata. Hmp!”“Bakit, ilang taon ka na ba? 25? 30? 35? Huh? For me, 24 pababa ay bata pa. So, saang age bracket ka belong?” Mukhang kailangan niyang magbaon lagi nang p