NAKANGITING tinaas ni Everlee ang hawak na baso kay Aharon para makipag-toast. Isang baso na lang sabi niya dito at uuwi na sila. Hindi siya pwedeng magtagal sa labas. Kilala niya si Mildred, mabunganga. Sasabihin na naman nito, masisira ang inaalagaang pangalan ni DK, kaya sumunod siya sa rules. Saka respeto na rin.
Akmang iinumin niya ang laman ng baso nang may pumigil sa kamay niya.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang nakabusangot na si DK.
“What are you doing here, kid? Why are you drinking? You are aware that you cannot do so!” singhal nito sa kanya.
“K-Kuya...” Nang mga oras na ‘yon, ang Kuya Callen niya ang nakikita.
Napatayo siya nang higitin nito ang kamay niya.
“Hey, mate!” ani Ahron dito. Pero tiningnan lang nito nang masama ni DK.
“I-I think I have to go home, Ahron. See you on Monday, I guess,” alanganin siya noon.
“Do you know him?” anito, imbes na sagutin siya.
“Y-yes. He’s my guardi— I mean, my brother!” aniya kay Ahron.
Hindi niya napansin na naningkit ang mata ni DK. Really? Brother!
“No! I’m not his brother, jackass” parang gustong isigaw ni DK ng mga sandaling iyon.
Singhap ang sunod na lumabas kay Everlee nang hilahin siya nito palabas. Walang nagawa si Ahron kung hindi ang tanawin na lang sila.
Kasalukuyan siyang nagsusuot ng seatbelt nang magsalita ito.
“Simula bukas, hindi ka na pwedeng umalis na walang kasama.”
“What? Bakit?”
Binalingan siya nito na salubong ang kilay.
“Para protektahan ka. Damn it! Hindi mo ba naiintindihan.”
Of course naiintindihan ni Everlee. Pero isa nga ‘yan sa inayawan niya sa magulang. Kaya nga hindi niya naisama si Kate. Pero heto, nagsariling desisyon si DK kaya naiinis siya. Walang pinagkaiba. Parang nasa Pilipinas pa rin siya.
“Hindi ka na rin sasama sa kung sino-sino, Everlee! What if may mangyaring masama sa ‘yo, huh? Sino ang mayayari sa magulang mo? Ako, ‘di ba?!” bulyaw nito sa kanya na ikinaawang niya ng labi.
Matagal siya bago nakahuma.
“T-talagang sinigawan mo ako?” hindi pa rin siya makapaniwala.
“You’re not deaf naman yata.”
“No. I’m not,” wala sa sariling sagot niya. Pero nang mapagtantong sinigawan siya nito ay nagsimulang kumulo ang dugo niya.
Sanay siya sa asaran nila na pasigaw, pero ang sigaw na ganoon ka-lakas ay hindi. Yeah, galit nga ito pero wala itong karapatan dahil hindi naman niya ito kaano-ano.
“I hate you!” bulalas niya rito na ikinatigil nito.
“I hate you!” ulit niya.
“For what?” kunot ang noong tanong ni DK.
Seryoso? Wala lang dito na sinigawan siya nito?
“Sinigawan mo ako, malamang.”
“Hey, Everlee! You know it’s not the first time I shouted at you.”
“Yes, it is! And I hated you for that, DK!”
Matagal itong tumingin sa kanya. “Alright, I’m sorry. Okay na tayo?”
“No! I’m still in pain!” Binaling ni Everlee ang sarili sa labas na nakasimangot.
“Wow. In pain, huh? Talagang pain ang naramdaman mo?” May pagkasarkastiko para kay Everlee kaya lalong nadagdagan ang inis niya rito.
Magkasalubong ang kilay niya noon. “Palibhasa wala kang alam sa pakiramdam ko. Hindi ka babae!”
“So, ganyan kayong mga babae? Sobrang sensitive? Huh?”
“Not all the time. I-It’s just… hindi ko nagustuhan ang tono mo kanina. I know dahil nag-alala ka. Pero hindi ko nagustuhan. Okay? Ang sakit for me na sigawan mo ako.” Tinampal pa ni Everlee ang dibdib kaya napatitig doon si DK.
“Y-you must be in shock. I’m sorry,” mahinang nitong sabi.
“Yes.” Actually, hindi niya maintindihan ang sarili. Baka dahil sa nakainom siya?
Hindi na lang umimik si DK. Ganoon din si Everlee. At hanggang makarating iyon sa malaking bahay nito.
Nasa labas si Mildred kaya napalunok siya. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni DK kaya nagpaliwanag agad siya bago pa bumuka ang labi nito. Nakita niyang ngumisi si DK na nasa tabi niya kaya siniko niya ito.
Nakahinga siya nang maluwag nang magpaalam na si Mildred sa kanila.
“Oh, na-stress talaga ako sa kaistriktuhan ni Mildred,” anas niya, sabay sapo sa ulo.
Tumawa lang si DK sa kanya kaya napatingin siya rito. Hindi na ba ito galit? Hindi na siya nito bibigyan ng asungot bukas?
“Hindi ka na galit?” aniya rito.
“How about you?” balik-tanong nito sa kanya.
Napaisip siya kapagkuwan. “Mawawala ang galit ko kapag hindi mo na itutuloy ang pagbibigay ng sa akin asungot bukas.”
Napalitan ang ekspresyon ng mukha ni DK nang marinig ang sinabi ni Everlee. Napabuga ito ng hangin at nameywang sa kanya.
“Nice one, kid.” Sabay tampal ni DK sa noo niya, kaya napapikit siya. “In your dreams.”
Napapikit si Everlee nang talikuran siya nito.
“Kuya DK!” tawag niya rito. Pero minuwestra lang nito ang kamay paturo sa side kung saan naroon ang kuwarto niya.
“Sleep well, Everlee!”
“I hate you na talaga!”
Nilingon siya nito kaya napangiti siya. Parang ayaw naman yata nito na nagagalit siya. Kaya malakas ang pakiramdam niyang mapapapayag niya ito.
“Well… Hate me to death. It’s up to you. Ayos lang sa akin, Everlee. As long as safe ka. You hear me?” seryosong sabi nito na ikinatahimik niya.
Saglit lang siya nitong hinagod nang tongin at tinalikuran na.
Napailing siya. Ang strict talaga nito. Dinaig pa pala nito ang Kuya niya.
SIMULA nang gabing iyon, hindi na sila nag-uusap ni DK. Madalas ang meeting nito sa opisina nito kaya minsan lang magkrus ang landas nila. Tango lang din ito kapag nakikita siya. Tinotoo nito ang sabi nitong magbibigay ng security personnel para ihatid sundo siya.
“Look, honey. I missed you. Okay? It’s been 2 weeks since we had sex. Don’t you miss me? Hindi ba pwedeng magkaroon ka naman ng time sa akin?”
“Lower your voice, Alice! And please, speak Tagalog. Naiintindihan ka ni Mildred! Damn it!”
“Damn that servant!” hiyaw ng babae.
“Alice!” sigaw ni DK sa nobya nito.
Napatigil sa paglakakad si Everlee nang marinig ang boses ni Alice at DK. Sa tingin niya, nasa kanto mismo ito ng dulo ng hallway papunta sa silid niya. Kaya kailangang hintayin niyang umalis ang mga ito.
“Bakit? Totoo naman, ah! Ang mean niya! Sobra! Akala mo tagapagmana ng trono!”
“Enough, Alice!” malakas na sigaw nito sa nobya nito.
“Sana hindi ako pumayag na pumunta ka rito, DK! Sana hindi mo na lang pala tinanggap ang pagiging Duke! Mawawalan ka lang din naman pala ng time sa akin!” sigaw din ng babae. Sinundan nito iyon nang hagulhol napasapo siya sa bibig.
Hindi naman ganoon ka-bad si Alice. Medyo bold lang talaga. Pero kita naman ni Everlee ang pagiging sincere nito sa relasyon nito kay DK. Sinusubukan din nitong makisama kay Mildred at sa ibang narito, pati sa kanya.
“I’m sorry, Alice. Pangako, babawi ako sa ‘yo right after ng problem namin ngayon.”
“Sa totoo lang, madali lang ang problema niyo. Pero ayaw mong sabihin sa akin! Madali lang ang solusyon, DK!”
Napasilip na si Everlee mula sa pinagsasandalan. Na-curious din siya sa kinakaharap na problema ni DK.
Recently, ang daming bisita dito. Mga noble at may mataas na rank dito sa Bedford. Lagi ring aligaga si Mildred kapag galing sa opisina ni DK.
“Narinig kong pinipiga ka ng Prince Oliver na magpakasal na para hindi ka na maging usap-usapan. Bakit hindi mo ako kinokonsidera, DK, huh? Bakit ayaw mo akong yayaing magpakasal para matapos na ito. Para bumalik na tayo sa dati. Hindi mo ba ako mahal?”
“A-Alice…”
“May iba ka bang gustong mapangasawa, huh?”
“N-no. Wala, honey. Okay?”
Kita ni Everlee ang paraan nang paghaplos ni DK sa pisngi ni Alice na basang-basa na. Masuyong-masuyo ito.
“Pakakasalan kita. Alright? Pero hindi dito, Alice. Kapag pinakasalan kita rito, maghihiwalay din tayo. May kontrata kang pipirmahan. Naiintindihan mo ba? Two years lang tayong magsasama if ever. Gusto mo ba ‘yon? Huh? Ayaw mo ba ng lifetime?”
“S-so, kailangang magpakasal ka talaga sa iba?”
“Yes. For the show. I mean, para tumigil na ang isyu na ito.”
“P-pero paano ako?”
“Wait for me. Gusto ko sa Pilipinas ikasal, Alice. Para walang takas sa akin ang babaeng mahal ko. Dahil wala namang divorce doon. Unlike dito, meron. Gusto mo ba rito? Huh? Kailangan din nating mag-devorce after 2 years?”
“Oh. That sad. Pero gusto mo talaga sa Pilipinas tayo ikasal?”
“Yes, honey.”
“Okay.”
“Settled na?”
“Yes, honey.” Matamis na ngiti ang iginawad nito sa Duke. “I love you, DK.” Niyakap nang mahigpit ni Alice ang binata. Ganoon din ang huli.
“Okay lang ba sa ‘yo na kailangang umuwi ka muna ng Pilipinas? Don’t worry, after ng problema ko, uuwi ako para bisitahin ka. What do you think, honey?”
“Well, okay lang. Basta sa akin din ang bagsak mo, Davey Kristoff Collin,” malanding sambit ni Alice, kasunod din niyon ang pagpulupot ng kamay nito leeg ni DK.
Akmang kakabigin ni DK si Alice nang mapatingin sa gawi niya. Kaya napalaki siya ng mata at binalik ang sarili sa pagkakatago. Pero hindi napalis ang panlalaki ng mata niya nang makita Mildred na nakasimangot at nakapameywang.
“Tell me, Young Miss. What did Duke and that lady talk about? Is it bad? I hear my name.”
Awang ng labi ang nagawa ni Everlee. Mukhang narinig nito ang pinag-usapan ng dalawa. Ang problema, hindi nito maintindihan. Kaya heto, mukhang magiging translator siya. Tinaas nito kasi ang cellphone nito na naglalaman ng usapan ng dalawa.
Madali lang daw i-translate ang audio na iyon gamit ang app, pero mas gusto ni Mildred na marinig ang pinaka-eksaktong usapan ng dalawa.
“S-sorry, but I have to go to school today, Mildred. Maybe we can talk about it later.”
“Sure, Young Miss.” Matamis ang ngiti ni Mildred. “But don’t dare to tell this to Duke. Alright? You know me.” Kasunod na niyon ang pagtalikod nito sa kanya. Kaya naiwan siyang sapo-sapo ang ulo.
Anong gagawin niya?
Napaayos siya nang tayo nang may maisip. Inilabas niya ang telepono niya at nagtipa ng mensahe kay DK. Pagka-send niya ay iginiya niya na lang ang sarili papunta kay Mildred para kausapin ito. Hindi pa naman niya sasagutin ito, may prinopose lang siya rito.
Hindi mapalis-palis ang ngiti niya hanggang sa tapat ng school nila. Napansin iyon ng bodyguard niya kaya napatanong ito. Sinagot na lang niyang baka last day na nitong magbabantay sa kanya.
“Bye, Declan!” nakangiting paalam niya sa bodyguard niya.
Talagang last day na nitong magbabantay sa kanya. Dahil pag-uwi niya mamaya, papipiliin niya si DK. Tatanggalin nito ang asungot niya? O ita-translate niya ng mali ang hawak ni Mildred?
Sa isiping iyon, lalong nadagdagan ang tuwa sa kanya. Napayakap pa siya kay Aharon sa sobrang tuwa nang makita ito.
Makakagala na rin siya ng mag-isa. Makakasama na rin siya sa get-together nilang magkaka klase.
At hindi napansin ni Everlee na kinuhaan sila ng litrato ni Declan at sinend sa Duke.
HINIGIT ni DK ang cellphone na nakapatong sa papel na nilapag ng assistant niya. Kakaupo lang niya actually. Malapit nang pumuti ang buhok niya rito sa Bedford. Sana pala hindi na niya tinanggap ang posisyon dito. Ang bigat ng responsibilidad niya. Mas okay pa na mag-manage ng hotel ng ama niya kesa pamunuan ang lugar na ito.Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Everlee. Ngayon lang ulit ito nag-text sa kanay after nilang mag-away nang gabing iyon. Pero imbes na nakakatuwang mensahe, pamba-blackmail mula rito ang natanggap niya. “Damn it, Everlee! Sige, dagdagan mo pa ang stress ko!” naisatinig niya.Akala niya ‘yon lang ang madadagdag sa isipin niya, meron pa pala!Napatayo si DK. Kinuha niya ang long coat at sinuot iyon. Paglabas niya, nakasalubong niya si Mildred. Sinabi nitong handa na ang gamit ni Alice para sa pag-alis nito. Mabuti na lang at napapayag niyang pabalikin ito ng Pilipinas.Kaya ayaw niyang pakasalan sa ngayon si Alice dahil mukhang seryoso ito sa kanya. Siya
HALOS hindi makatingin sa isa’t-isa si DK at Everlee dahil sa tagpong iyon. Nang ihatid ang dinner nila sa windmill tower ay matagal na bumaba ang dalawa nang tawagin ng servant. Nakahanda na ang pagkain noon at lumalamig na ang sabaw. Pero nagkasabay din ang mga ito na ikinatingin nila sa isa’t-isa.Si Everlee ay naiwan sa silid ni DK habang ang huli ay sa opisina nito. Wala namang ginawa doon si DK kung hindi an mg murahin ang sarili. Parang bunsong kapatid na niya ito pero nagawa niyang halikan pa rin.“A-after you,”“Ladies first,”Halos sabay na sambit ng dalawa. Tinuro din ng mga ito ang hagdan. Saktong baba kasi ni Everlee sa huling baytang nang lumapit din ang binata para bumaba din.“O-okay.” Si Everlee. Binilisan ng dalaga ang hakbang para makawala sa paningin nito. Tinampal niya ang bibig niya dahil hanggang ngayon ramdam niya na parang nakadikit na doon ang labi nito. Right after na bitawan ni DK ang labi nito kanina, nakaramdam siya nang panghihinayang. Kaya wala siyan
KUNOT ang noong tinuro ni Mildred kay DK ang mukha niya.“Did you not sleep well?” tanong nito sa kanya na ikinahilot niya sa noo. Obvious naman yata. Bakit kailangan pang tanungin?Mabuti na lang at hindi nagtanong si Mildred kung bakit hindi siya makatulog. Ano ba isasagot niya? Na magdamag niyang binantayan ang kaibigan na kumalma?Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganoon lagi ang epekto sa t’wing magkadikit ang katawan nila ni Everlee. Is he desiring her? Damn! Lust na siguro itong nararamdaman niya. Nakakatakot kapag nagkataon.Kagabi, naisip niyang ilipat sa isang apartment si Everlee na lang. payagan na lang niya ito. Kilala niya ang sarili niya. Yes, he loves s3x. Actually lahat naman silang magkakaibigan. Dito lang sila nabubuhay. Nagiging masigla pero recently, nawawalan siya ng gana. At si Everlee lang ang nakapagpadama sa kanya ng ganoon. May demonyong bumubulong sa kanya pero mas nananaig ang respeto niya rito.Ano na lang ang sasabihin ng magulang nito sa kanya.
HINDI maiwasang magtanong uli ni DK kung matagal pa ba. Ilang minuto pa lang sila sa himpapawid pero para sa kanya ang tagal nila sa ere, samantalang ang lapit naman.Napabalik ang likod niya sa kinauupuan nang sabihin nitong mga limang minuto pa. Naghahanap pa pala ng ito ng perfect na pag-landingan. Hindi siya mapakali dahil wala pa ito sa paningin niya. Gusto niyang makita mismo ng kanyang mga mata na nasa maayos ito.Hindi pa man totally naka-landing ang helicopter, nakahanda na siya sa pagtalon. Kita na niya ang ilang taong nag-aabang sa kanila.“Where is she?” tanong niya kay Daisy nang lapitan ito.“Your Grace! Hi!” anang isang babae na lumapit sa kanila. “I’m Li—”“I’m sorry, Miss. I’m here for Everlee.” Hindi na niya narinig kung nagsalita pa ito, basta sumunod na siya kay Daisy.Marahas na binuksan niya ang pintuan ng silid ng cabin na iyon nang sabihin ni Daisy na si Everlee at Aharon lang ang naroon. Gulat pa ang mga ito nang mapatingin sa kanya. Napasobra yata sa tulak ni
“Everlee?” seryosong sambit ni DK sa dalaga. Kasabay no’n ang paglahad ng kamay nito sa kanya.“K-Kuya,” aniya lang. Hindi alam ni Everlee kung bakit bigla siyang kinabahan sa tono nang pagtawag nito ng pangalan niya. May diin iyon. Hindi niya malaman kung gigil sa inis o ano ba.“Are you coming or not?” ulit nito. Sa Duke ang tingin ng mga naroon. Si Daisy, napapalunok na ito. Kasi minsan na nitong nakitang nagalit ang Duke. Kaya masasabi nitong galit na nga ang Duke kay Everlee. Kasi nga naman kabilil-bilinan nito na ‘wag itong palabasin. Pero heto.“Everlee,” ulit ni DK na ikinatugon ng dalaga sa lahad nito.Baka madagdagan pa ang inis nito sa kanya. Napasinghap si Everlee nang pangkuin siya nito imbes na alalayan patayo.“Damn it!” dinig niyang anas nito. Ewan lang ni Everlee kung narinig ng mga naroon, pero siya, oo. As in. Nanoot pa sa katawan niya. Hindi dahil sa lamig kung hindi dahil dahil sa kaba na ginalit niya ito.Walang imik si Everlee habang nasa bisig nito, kaya rin
NAGMADALING lumaptit si Everlee kay DK. Lumuhod siya sa damuhan para i-check ito. Basa nga ito pero wala naman siyang makapang sugat nito.“Hey! I’m fine. Nagpapawala lang ako ng amats.”“Good.” Tumayo siya at nameywang siya rito kapagkuwan. “Dahil okay ka naman, binabawi ko na ang sinabi ko na magpapakasal sa ’yo.” Taas noo pa siya noon. Ewan lang niya kung nakita nito.“What?!” gulat na sambit nito. “No!”“Yeah. Hindi ka naman yata bingi. Nasabi ko lang sa ‘yo ‘yon dahil nag-aalala ako. Saka kung gusto mo akong pakasalan, dapat single ka at alam ng parents ko. Pupunta ba sila dito if ever?”Hindi nakaimik si DK kaya napangiti si Everlee. Imposible naman talaga kasi hindi siya pwedeng ikasal nang walang alam ang magulang niya.Pumasok si Everlee pagkatapos niyang kausapin si DK. Pero hindi siya makatulog nang gabing iyon. Naroon ang panghihinayang. Hindi niya alam kung bakit. Pero nagpakatotoo lang siya sa sarili niya nang sabihin iyon kay DK. Ang bata niya pa para sa kasal. Saka ma
OVERWHELMED si Everlee sa sumunod na mga araw. Wala siya sa bahay ni DK pero may tagabalita siya, si Daisy. Naroon ito sa araw kapag nasa klase siya. At maraming pagbabago dahil sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni DK. Hindi niya rin alam kung bakit siya pumayag sa kasalang ito. Gusto niyang nandito ang magulang niya, pero nangako si DK sa kanya. After ng term nito dito, magpapakasal sila sa Pilipinas. Hindi siya sigurado sa nararamdaman para kay DK pero masaya siya sa t’wing kasama ito. Sabi nga ni Daisy, hindi malayong mai-in love siya sa binata kung kumportable siya. Nakauwi na si Ian pero ang pangako nito sa kanya na magiging lihim ay naroon. Nakita naman nito kung gaano siya kasaya habang nandito ito. Gustuhin man nitong saksihan ang kasal nila, hindi nito magawa. Hindi ito maaring magtagal dito dahil marami umanong trabahong baghihintay dito.Pero para sa kanya, pagtanaw ng utang na loob. Sa loob ng ilang buwan niya rito, sinalo lahat ni DK ang kasalanan niya sa magulang. T
“SABI mo simple lang at mabilis ang seremonya? Pero bakit ganito karaming bisita at sobrang tagal?” Ngalay na ngalay na si Everlee kaka-istima ng mga bisita nila. Parang bibigay na nga ang tuhod niya.“I’m sorry. Matatapos din ‘to, promise,” ani ng asawa sa kanya. Pinisil din nito ang kamay niyang hawak-hawak nito.Yes, asawa na nga niya si DK! Kaya nga ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso niya. Kaso sobrang pagod na siya. Parang gusto na niyang magpahinga. Kagabi pa niya iniisip kung ano ang magiging endearment niya sa asawa. Kaya pagod din ang isipan niya. Kaya ayon, rumagasa na ngayon. Isip at at katawan niya ang pagod na. “Hindi naman ako maka-relate sa inyo kaya pwede bang magpahinga na ako?” bulong niya. Hindi iyon nakaligtas sa Marquess ng Northampton na si Duncan Ward. Ang pinsang buo ni DK.Ngayon naiintindihan na niya kung bakit inalok ni DK kay Ian ang Northampton. Dahil kay Duncan. Kanina pa niya naririnig na teritoryo pala ang deal ni DK kay Ian. May idea na siya
PANAY ang kagat ng labi ni Everlee nang pumasok sa opisina niya. Pinagsisihan niya ngayon kung bakit siya ang nag-serve kay DK at sa kausap nito.What if meeting iyon? Business meeting?Kasi naman kung makatingin sa kanya kanina si DK, nakakaasar. Kaya iniwan niya ang ginagawa niya kanina sa kusina at nagkulong sa opisina niya at tinapos ang mga paperworks niya. Siya lahat ngayon dahil busy ang mga staff niya. Hindi pa naman ganoon ka-laki ng income nila kaya hindi niya pa kaya ang maraming staff.Kasalukuyan siyang may pinipirmahan nang pumasok si DK. Imbes na sa pwesto nito ito pumunta, naupo sa may gilid ng mesa niya.“What?” aniya nang tingalain ito.Nakangiti na naman ito kaya sumimangot siya. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Kinabig siya nito at mariing hinalikan sa labi. At namalayan na naman niya sa sariling tumugon.“I love you,” anas nito nang magbitaw ito. “She’s just a client. Okay?” nakangiting sabi nito.“W-wala naman akong sinabi, a.”“Yeah, wala nga. Pero I c
HININTAY ni Everlee na magpaalam ang mga staff niya bago pumasok sa opisina niya. Nakababa na ang mga kurtina at nakasara ang mga bintana bago nagpaalam ang mga ito. Madali lang naman ibaba ang roll-up. Saka kasama naman niya si DK, nasa opisina niya, kaya hindi siya mahihirapan. Nakangiti si DK nang makita siya. Tumayo ito para yakapin siya.“Congrats, little wife,” anito sa kanya. “Thanks.” Ramdam na niya ang pagod kaya bumitaw siya kay DK. Pasalampak na naupo din siya. Bumungad sa kanya ang napakahabang comments mula sa post ng isang page ng cafe nila. Pero hindi sila ang gumawa nito. Website lang ang meron sila.“Wow,” aniya. “Ang daming nag-comment. Kaya naman pala ang daming pumunta.”“Well, salamat sa ex mo. Na-boost na nga dahil sa promotion niya.”Inisa-isa niya ang comment. Pero hindi naman hashtag nila ni Ryder ang gamit ng iba. Meron din hastag na duke. Tumingin siya rito. “Don’t tell me may pinost ka?”“Um, yes. Nag-post ako about sa atin, na former Duchess ka ng Bedf
“YOU think tutulungan kita?” Halata ang inis sa boses ni Callen nang sabihin nito iyon sa kanya.“Yes. We’re friends. Saka si Everlee ang pinag-uusapan natin dito. Remember?” Napatayo pa si DK para lumapit kay Callen pero sumenyas lang ito na tumigil siya. Kaya naupo siya sa bakanteng upuan ng opisina nito.“Oh. Kung si Everlee ang pinag-uusapan. Of course, tutulungan ko siya, pero ikaw? No way! After ng problema niya kay Ryder, good luck sa ‘yo.”“Callen!”“What? Akala mo hindi ko alam na ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Ryder?!”Napalunok si DK. Langya, mukhang nagsumbong na yata si Ian!Bumuntong hininga siya. “Fine. Inaamin ko. Pero ginawa ko iyon dahil hindi naman siya magiging masaya kay Ryder. Kilalang babaero ’yon. Saka bali-baliktarin man ang mundo, ako pa rin ang gusto ng kapatid mo, hindi ang lakaking iyon.”“So full of yourself, huh, Davey Kristoff Collin? At ‘wag mo rin sasabihin sa akin ang pagkawala ng memory mo dahil mali pa rin. Sinaktan at sinamantala m
KITA ni Everlee ang malapad na ngiti ni DK nang makabalik sila sa silid.“Ngiting tagumpay yarn?”“Yeah. Bakit ikaw, hindi ka ba masaya? Magsasama ulit tayo,”Napaikot na lang ng mata si Everlee. “Sa totoo lang, nawalan ako nang tiwala sa ‘yo. Mahal nga kita, pero nakakatakot kang mahalin. Baka dumating nga ang araw na pipiliin mo ang babae mo. Kaya lang ako napilitang panindigan ka kanina dahil nakita tayo ni Papa.” “Ikaw ang pipiliin ko, Everlee. Wala nang iba. Ano ka ba. Dahil lang sa nawalang memory ko kaya ko nasabi iyon. Alam mo naman sa sarili mong hindi ko gagawin iyon kung nasa tamang katinuan ako.”“Siguraduhin mo lang talaga, DK. May hangganan din ako.”Lumapit ito sa kanya at hinigit ang beywang niya saka, hinalikan siya sa noo.“I assure you that, mahal.” Ngumiti siya rito. Hindi na siya umiwas nang idiin nito ang labi sa kanya at bago pa man lumalim ay tinapos na nila. Naghihintay ang Papa niya sa labas, baka makatok pa sila nang wala sa oras.Napakunot ng noo si Everl
NAPANGIWI si Everlee nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng hita niya. Parang gusto niyang pagalitan ang sarili. Nakalimot siya dahil lamang sa tawag ng laman! Hindi niya talaga kayang pigilan ang sarili kapag nagkalapit ang katawan nila. Hindi pa naman kasi talaga nawawala si DK sa puso at isipan niya. Pinanindigan lang niya ang naging desisyon na maging loyal sana kay Ryder. Siguro, amanos na sila ng nobyo. Nagloko ito habang sila pa maging siya rin.Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni DK na nakapulupot sa kanya. Hindi pwedeng magisnan siya ni DK. Hindi niya alam ang mukhang ihaharap dito. Aayaw-ayaw siya sa una tapos heto, bibigay din pala.Saglit niyang tinitigan si DK. Bakit kasi ngayon lang bumalik ang alaala niya? Kung kailan nakasakit at may nobyo na siya. Hindi naman niya gustong sinukuan ang asawa, a. Kaso, gusto nito ng divorce at talagang pinanindigan rin nito. Kaya nasaktan siya, kahit sa mga inilalabas ng bibig nito.Ang buong akala ni Everlee tulog pa si DK,
NAGKUNWARING tulog si Everlee nang marinig ang pag-unlock ng pintuan niya. Wala siyang naririnig na boses, pero ramdam niya ang mga hakabang ng pumasok. Alam niyang si DK iyon. At hindi nga siya nagkamali, si DK iyon. Naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya. Pero lumabas din ito agad dahil tinawag ito ng ama ni Serena. Saka lang siya naupo nang marinig ang pagsara ng pinto. Pinalipas pa niya ang ilang minuto bago lumabas. Nakaramdam na kasi siya nang gutom. Hindi naman niya pwedeng iwasan si DK.Natigilan siya saglit. Bakit nga pala siya iiwas kay DK? Dahil sa nakita?Napaikot siya ng mata. Saktong may huminto sa harapan niya.“For you, little wife,” nakangiting taas ni DK sa tasa. Umuusok iyon at amoy niya ang aroma ng kape.“Thanks.” Hindi naman niya kinuha ang tasa, nilagpasan niya lang. Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya.“Hey! Ako mismo ang nag-brew nito.”“So?” aniya nang lumingon.“Are you mad at me?” tanong nito, sabay titig sa kanya.“Excuse me. Matagal nang may w
NANG masigurong tulog pa si DK, mabilis na iginiya ni Everlee ang sarili sa silid ni Serena. At nnaabutan niya nga ito na nagpapadede sa anak nito.Gusto niya lang iwasan si Dk ngayon. Nahihiya siya sa ginawa kagabi na pagtugon. Ilang beses niyang pinaggiitan dito na mahal niya si Ryder pero nagawa niyang tumugon dito. Ano na lang ang iisipin ni DK?“Sobra na itong naitulong mo, Everlee. Kaya kailangan na naming magpasundo.”“Okay. Pero hindi ba pwedeng hintayin natin na gumanda ang araw? Sabi mo medyo malayo dito ang bahay ng asawa mo.”“Yeah. Medyo nga. Pero tumigil naman na ang ulan. Kaya sa tingin ko kaya na niyang bumiyahe papunta rito. Siguradong excited na ‘yon sa anak namin.”“S-sige, ikaw ang bahala.” Mukhang mawawalan na siya nang rason na iwasan si DK. Aalis na pala ito.Talagang bumiyahe pala si Serena para pumunta sa OB nito, pero naipit nga sila dahil sa landslide. Sakay pala ito ng jeep, na nasa unahan niya. Pinababa na ang mga ito ng jeepney driver dahil nga sa nakitan
HINDI mapalis-palis ang ngiti sa labi ni DK ng mga sandaling iyon. Alam niyang naasar na sa kanya si Everlee, pero iyon nga ang gusto niya. Gaya noon, nauwi ang pagkaasar nito sa pagmamahal. Magagawa niya ulit iyon. Lalo pa’t red flag na si Ryder dito.Kinapa niya ang bulsa at kinuha ang telepono saka may tinawagan. Pagkatapos na kausapin ito ay iginiya ang sarili sa sariling silid at nahiga. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa kama pero napabangon siya at sumilip sa bintana. Naririnig niya kasi si Everlee at may kausap. Napaangat siya ng kilay nang makita si Ryder sa labas, sa may gate na nakaluhod. Basang-basa ito sa ulan. Ganoon din si Everlee kaya napababa siya at naghanap ng payong. Akala pa naman niya umuwi na si Ryder, aba’y nasa labas pa pala. Ang kapal din ng mukha. Hindi pa niya alam ang dahilan nang pag-aaway ng dalawa pero malakas ang loob niya na dahil kay Jaime. Actually, lahat na ng past relationships ni Ryder ay alam na niya. Napakalkal na niya lahat. Kaya gan
NAPAKUNOT ng noo si DK nang makita sa screen niya ang numero. Pamilyar siya sa numero ni Ryder dahil nakausap na niya ito nang ilang beses, trying to drive him away from Everlee’s life. Pauwi pa lang si DK noon galing ng opisina. Late na nga para sa kanya dahil sa magkabilaang meeting. Wala ang kapatid na si Dixxie dahil sa out of the country nit, kaya siya lahat ngayon.“What?” Halata ang inis sa boses niya.“Have you contacted Everlee today?” tanong nito.Natigilan siya saglit. Pero nang maalala amg report ng tauhan niya ay lalo siyang nainis.“Bakit sa akin ka nagtatanong? If I remember, pinuntahan ka niya.”“So, talagang pumunta siya ritong mag-isa?” “Yes! Sabi niya sa akin kahapon sosorpresahin ka niya.” Hindi niya pinahalatang tauhan niya ang may sabi. Mas magandang isipin nito na may komunikasyon pa rin sila ni Everlee.Matagal na hindi nakaimik si Ryder. Mayamaya ay narinig niya ang mura nito sabay patay ng linya. Pero imbes na matuwa, bigla siyang nag-alala. Kasi naman, ba