"Gusto kong pag-isipan mo ang inaalok kong kasal sa 'yo. Hindi kita mamadaliin, pero hindi rin ako tatanggap ng sagot na hindi. Tandaan mo 'yan, Saskia. Una pa lang kitang nakita, alam ko sa sarili kong magiging akin ka pagdating ng araw. Malas lang ng nobyo mo at niloko ka lang niya sa kabila ng pagiging perpekto mong babae," sambit nito sa seryosong tinig. Isang estrangherong gwapong lalaki ang lumapit kay Saskia Magsaysay Santos sa kalagitnaan ng kanyang kalungkutan dulot ng pagtataksil sa kanya ng kaniyang long-time boyfriend na si Gerald at ng pinsan niyang si Vivian. Tinanggap niya ang alok ng lalaki ayon sa idinidikta ng kanyang puso't isipan. Ngunit paano kung matuklasan niyang ang lalaking pinakasalan niya, si Weston Buencamino Del Flores, ay tiyuhin pala ng kanyang ex-boyfriend? Mamahalin pa rin kaya niya si Weston, kahit na kadugo ito ng lalaking nanloko sa kanya? O isasantabi na lang ba niya ang lahat upang patuloy na mahalin ito?
View More“MGA WALANGHIYA kayo! Mga manloloko! Ginawa niyo pa talagang motel itong opisina ko!” sigaw ni Saskia, sa kabila ng galit at panggigigil.
Pagbukas niya ng pinto ng opisina, nabungaran niya ang kanyang nobyong si Gerald, kasalukuyang Chief Financial Officer ng MS Wine Haven, na siyang pag-aari ng kanilang pamilya, at si Vivian, ang kanyang pinsang buo at sekretarya, na nagtatalik.
Dahil sa pagkagulat sa kanyang presensiya, agad-agad na nag-ayos ng kani-kanilang sarili ang dalawa.
“Gerald, isang buwan na lang ay ikakasal na tayo. Pero ano ‘tong ginagawa mo?!” mariing sambit niya, pilit pinipigilan ang sariling huwag maiyak. “At ikaw naman, Vivian, baling niya sa pinsan. “Paano mo nagawa sa ‘kin ito? Lahat ng ganap namin sa buhay, lahat sinasabi ko sa ‘yo! Kaya bakit? Bakit si Gerald pa?” nanggagalaiti niyang tanong sa pinsan.
Gustuhin man niyang manakit, hindi niya magawa dahil hindi siya bayolenteng tao.
“Ba-Babe, magpapali—”
Hindi na niya pinapatapos ang pagsasalita ng kanyang nobyo.
“Ito ang tatandaan mo, Gerald, wala nang kasalang magaganap! At ikaw Vivian,” dinuro niya pa ito. “Itinatakwil na kita bilang kadugo at kamag-anak! Wala kayong kasing sama! Mga taksiiil!” Halos maputol ang litid niya sa leeg sa lakas ng kanyang pagsigaw. Umaalingawngaw sa apat na sulok ng kanyang opisina ang malakas niyang boses.
Mabuti na lang at sila pa lang ang naroroon, dahil alas-siete pa lang ng umaga. Hindi talaga inaasahan ng dalawa na papasok siya sa kompanya, dahil madaling araw kanina ay tinawagan niya si Gerald at sinabing hindi siya makakapasok dahil sa masamang pakiramdam.
Pero dahil siya ang CEO ng kompanya, at the same time, COO, napilitan siyang pumasok kahit na masama ang pakiramdam, dahil malaki ang responsibilidad niya sa kompanya. At mahalaga ang presensiya niya araw-araw.
Pagkatapos niyang sumigaw, walang lingon-likod na iniwan niya ang dalawa. Akala pa naman niya ay masusurpresa si Gerald sa pagpasok niya, ngunit siya pala ang masusurpresa sa madadatnang eksena.
Dahil sa nangyari, umuwi siya sa kanilang bahay upang magsumbong sa mga magulang. Pagkababa niya ng minamanehong sasakyan, patakbo siyang pumasok sa bahay. Pagpasok niya sa pintuan, nakita agad niya ang inang prenteng nakaupo sa sofa, habang nagbabasa ng magazine.
“Mom!” tawag niya rito.
“O, bakit narito ka?” tanong nito nang hindi man lang inaalis ang mga mata sa binabasang magazine.
“Mom, si Gerald at saka si Vivian, nahuli ko silang nagtatalik sa loob mismo ng opisina ko!” sumbong niya sa ina habang umiiyak. Doon pa lang nito ibinaba ang binabasa at tumingin sa kanyang direksyon.
“Pinagsasabi mo riyan, Kia! Huwag na huwag mong ibibintang iyan sa nobyo at sa pinsan mo! Dahil kung hindi dahil sa tulong nila, hindi gagaan ang trabaho mo sa kompanya! Mahiya ka naman!” galit na tugon ng kanyang ina.
Eksaktong lumabas mula sa pintuan ng kusina ang kanyang amang may bitbit na isang tasa ng kape.
“Ano ba ang pinagtatalunan ninyo at ang lalakas ng mga boses ninyo? At ikaw, Kia, bakit naririto ka? Hindi ba dapat nasa kompanya ka sa ganitong oras? Alalahanin mo, bawat minuto, oras, at segundo ay mahalaga para sa kompanya. Kaya anong ginagawa mo rito?” sambit ng strikto niyang ama.
“Iyang magaling mong anak, umuwi lang rito para maghatid ng walang kakwenta-kwentang balita! Pagbintangan ba namang nagtatalik sina Gerald at Vivian sa kanyang opisina? Sa tingin mo, hindi mapapalakas ang boses ko riyan?!" sabat ng kanyang ina.
“Ano ba naman iyan, Kia? Kung sino pa iyong may malaking ambag at naitutulong sa paglago ng ating kompanya, sila pa ang ginagawan mo ng isyu. At saka, hindi ka ba nahihiya? Nagkakalat ka ng maling balita tungkol sa nobyo mo, gayong ikakasal na kayo sa susunod na buwan?” sambit ng kanyang ama.
“But, Dad, I swear, nakita ko at nasaksihan ko ang ginawa nilang pagtataksil sa—”
“Enough, Kia! Alam kong hindi lingid sa ‘yong kaalaman ang paghanga ko sa dalawa, kaya gusto mo silang sirain sa paningin namin ng mommy mo. Ayaw ko nang makarinig pa ng kung anu-ano pang kasinungalingan mula sa ‘yo!” may kalakasang sambit ng kanyang ama.
Kapag ganoon na ang tono ng kanyang ama, alam niyang galit na ito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa kanyang kwarto. Doon niya ipinagpatuloy ang walang katapusang pagluha dulot ng sobrang sakit na nararamdaman ng kanyang puso, dagdagan pa ng hindi siya pinaniwalaan ng kanyang mommy at daddy. Pakiramdam niya‘y nag-iisa siya at walang kakampi.
Maghapon siyang nagmukmok sa loob ng kanyang kwarto. Kahit pa kinakatok siya ng kanyang mommy at daddy upang piliting pumasok sa kompanya, hindi siya nagpatinag. Kinagabihan, habang tulog na ang lahat, nag-impake siya ng ilang damit. Balak niyang lumayo muna upang makapag-isip-isip at pansamantalang makalimutan ang ginawang pagtataksil ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya.
Dinala siya ng kanyang sarili sa isang private resort sa isang malayong probinsiya. Hanggang doon, ay wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.
***
“WESTON, nasaan ka ba? Kanina pa rito naghihintay sa ‘yo si Katrina! Hanggang kailan mo ba siya paaasahin at paghihintayin na pakasalan mo?” tinig iyon ng kanyang ina sa kabilang linya.
“Hanggang sa magsawa siya at kusang layuan ako. Alam niyo naman na wala akong gusto ni katiting sa babaeng iyan, pero ipinagpipilitan niyo pa rin ang gusto niyo. Kahit anong gawin niyo, at kahit anong mangyari, hinding-hindi ko magugustuhan iyan,” seryosong tugon niya sa ina.
“Aba‘t—”
Hindi na niya hinintay pang marinig ang iba pang sasabihin ng ina, kusa niyang pinutol ang tawag. Kabastusan man, pero naririndi na kasi siya sa paulit-ulit na pngungulit nito sa araw-araw.
Hanggang dito ba naman sa resort na gusto niyang mag-unwind, iniistorbo pa rin siya dahil sa bagay na iyon?
Tumayo siya mula sa kinauupuang bangko nang may marinig siyang parang umiiyak. Sinilip niya ang katabing cottage na kinaroroonan niya. Isang babae ang mag-isang nakaupo at umiiyak. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa ilaw, nakilala niya ang babae, hudyat para lapitan ito.
“Anong ginagawa mong mag-isa rito sa ganitong kalagayan, Ms. Santos?”
Iniangat ng babae ang mukha at tumingin sa kanya na nakakunot-noo, marahil nagtataka kung bakit kilala niya ito. Kahit kailan, hindi man lang nabura sa kanyang isipan ang maganda at maamo nitong mukha. Nagdadalaga pa lang ito noong una niyang makita, na alam niyang may espesyal na puwang sa kanyang puso. At masaya siya na muli itong nakita.
“Pasensiya na po, pero hindi ko po kayo kilala. Hindi ko po matandaan kung nagkita na ba tayo dati,” tugon nito habang panaka-nakang nagpupunas ng luha.
Umupo siya sa tabi nito. Pwede ka namang mag-share sa ‘kin ng problema mo kung gusto mo. Ako ma‘y naririto rin dahil may problema rin ako,” sambit niya.
Gulat itong napatingin sa kanya. Sa una‘y nakita niya ang pag-aalangan sa ekspresyon nito, pero sa huli, mas pinili nitong sabihin sa kanya ang kasalukuyang pinagdaraanan.
Nakasilip tuloy siya ng pagkakataon para maangkin ito. At isa pa, makakalaya na siya sa babaeng gustong ipakasal sa kanya ng mga magulang.
“Magpakasal tayo, Saskia,” walang gatol na sambit niya sa babaeng labis-labis ang pagkagulat na nakalarawan sa mukha. Hindi niya alam kung gulat dahil sa alok niyang kasal o gulat dahil sa pagbigkas niya ng buong pangalan nito.
PINAUPO muna ni Weston ang kanyang mommy sa sofa, pagkatapos ay pinabigyan niya ito ng maiinom kay nanay Lita para saglit niyang puntahan si Saskia sa kwarto. Wala siyang ideya kung ano ba ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nito na kasama niya ang kanyang mommy ngayon. Kumatok muna siya bago pumasok bilang paalala.Nadatnan niya itong nanonood ng TV habang nakasandal sa headboard ng kama at kumakain ng chips.“Hey, Baby. Kumusta ang araw mo, ha?” bati niya rito sabay halik sa noo.“Medyo okay na. Nabawasan na rin ang pananakit ng ulo ko. Bakit pala medyo na-late ka? Akala ko mag-e-early out ka? Kinabahan tuloy ako dahil kanina pa kita hinihintay, baka kako nadisgrasya ka na kasi hindi ka naman nag te-text o tumatawag.”“O, my God! Pinag-alala ba kita, Baby? I’m so sorry, hindi ko sinasadya. Sobrang dami lang kasi ng mga papeles na nire-review ko na kailangan ng approval at pirma ko,” pagpapaliwanag niya."Sorry din kasi hindi pumasok sa isip ko na baka sobrang busy mo lang talag
“ANAK, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam kong hindi madali para sa ‘yo ang ibalik ang dating tiwala mo sa ‘kin, sa ‘min ng pamilya mo. Pero hindi ‘yon mahalaga sa ngayon, dahil ang mahalaga sa ngayon ay maipaalam ko sa ‘yo na mag-ingat kayong mag-asawa. Pwede mo akong hindi pagkatiwalaan sa ibang bagay, pero please, anak, kahit itong sasabihin ko na lang ang paniwalaan mo.” Nang hindi siya nagsalita o umimik man lang ay dinugtungan nito ang sinabi.“Kahapon ko lang na-realize anak, kung gaano ako naging pabayang ina sa ‘yo, inaamin ko ‘yan. Pati pagmamahal ng isang ina ay naipagkait ko pa sa ‘yo. Hindi ko pinapansin bawat hinaing mo sa ‘kin, lahat ng iyon, ay binabalewala namin. Pinaramdam namin sa ‘yo na mag-isa ka lang at walang katuwang sa buhay, walang masasandalan at mapagtatanungan, walang masusumbungan. Pero sa kabila ng iyon, aminin ko man sa hindi, ay ipinagmamalaki kita, anak. Dahil nadala mo sa matayog na tagumpay ang iyong sarili kahit na walang sumusuporta sa lik
“ANO PA po ba ang kailangan ninyo, mommy? Hindi pa ba sapat sa inyo na nabugbog na ninyo si Saskia noong isang araw? Himala nga at hindi mo kasama ‘yong isang bruha! Puro na lang gulo ang mga dala ninyo!” galit na wika niya sa ina.Hindi na siya mangingiming ipakita at iparamdam dito ang kanyang galit para naman matuto itong dumistansya.“Anak, pumunta ako rito kahapon, pero wala ka. Kaya bumalik ulit ako ngayon. Hindi na rin pala ako pinayagan ng guard na pumasok dahil utos mo raw iyon sa kanila. Pero okay lang sa ‘kin ‘yon anak, kasi alam kong iniiwasan mo lang na makagawa kami ng gulo sa loob ng kompanya na pwede mong ikahiya sa tao. Naparito ako para kausapin ka, hindi para gumawa ng gulo,” wika nito sa mahinahong tinig.Hindi nga niya maintindihan kung tama ba ang nababasa niyang lungkot at pag-aalala sa mukha nito. Pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin at agad na iwinaksi sa kanyang isipan.“Kung ginagawa niyo ito para lang muling makuha ang loob ko at umuwi sa mansyon
KINABUKASAN ay pareho silang hindi pumasok ni Weston sa kompanya. Lumala kasi ang pananakit ng kanyang ulo gawa ng malakas na paghila ni Katrina sa kanyang buhok. Gusto pa sana siyang dalhin ni Weston sa ospital para ipasuri sa doctor, pero tumanggi siya. Mas gusto niya na lang na magpahinga sa bahay.Magang-maga ang kanyang dalawang pisngi dahil sa tinamong mga malalakas na sampal buhat sa kanyang mga magulang nung umaga at kinahapunan naman, ay sa mommy naman ni Weston. Maga ito at maraming pasa. Masakit na masakit din ang kanyang anit.Mas gusto niyang humiga at matulog buong araw dahil pakiramdam niya ‘y iyon lang naman ang makakapagpagaling sa kanya. Matyaga naman siyang binabantayan at inaalagan ng asawa.Ang mga pasa niya sa mukha ay dinadampian nito ng maliit na towel na inilubog sa mainit na tubig, sa paraang iyon ay madali raw na gagaling ang kanyang mga pasa. Sinusubuan din siya nito kapag kumakain hanggang sa matapos, at inaalalayan sa pagligo.Doon niya mas lalong naramda
NGAYON lang niya nakita sa buong buhay niya kung gaano kagalit ang kanyang anak na si Weston kanina. Damang-dama niya sa mga kilos at pananalita nito ang pagmamahal nito sa asawa. Para siyang natauhan sa mga sinabi nito sa kanya.Nagkamali at nagkasala siya sa kanyang anak. Dahil sa pagiging bulag niya at manhid para lamang masunod ang kagustuhan nilang mag-asawa na si Katrina dapat ang maging asawa nito, ay hindi nila namamalayan na nadidiktahan na pala nila ang damdamin ng anak.May sumungaw na luha mula sa kanyang dalawang mga mata. Pero agad siyang tumingin sa taas para pigilan ang pagpatak niyon. Ayaw niyang makita siya ni Katrina sa ganoong sitwasyon.“Ti-Tita, ano na ang gagawin natin? Mukhang ayaw talaga sa ‘kin ni Weston. Paano naman ako? At saka, kapag nalaman ito ni daddy, magkakagulo tayong lahat, kilala mo naman siya, ‘di ba?” sumisinghot-singhot na wika nito.“Hija, siguro kailangan mo na talagang tanggapin na hindi kayo para sa isa ‘t isa ni Weston. Nasa tamang edad na
SAGLIT muna niyang iniwan ang kanyang asawa sa sasakyan dahil may kukunin siyang mahahalagang dokumento para sa kompanya na naiwan pala niya nung umalis sila. Nakaugalian na kasi niyang mag-uwi ng mga papeles sa tuwing hindi niya natatapos ang pagpipirma sa kanyang opisina, kaya ngayon ay nagmamadali siyang hanapin ang mga iyon.Hindi na kasi sumama sa kanya si Saskia dahil ang sabi niya ‘y madali lang naman siya. Habang naghahanap siya ay parang may naririnig siyang nagsasagutan sa labas na para bang nag aaway. Ipinagsawalang bahala na lang niya iyon at hindi pinansin dahil alam niyang mag-isa lang naman doon si Saskia. Baka ingay lang iyon ng mga kapitbahay niya.Ngunit napahinto siya sa paghahanap nung maging malinaw na sa kanyang pandinig ang ingay na naririnig niya. Bosesi iyon ni Saskia na sumisigaw na para bang nasasaktan at nakikiusap. Bigla ang kabang naramdaman niya kaya iniwan niya ang paghahanap sa mga papeles at mabilis na lumabas.Gayon na lamang ang galit na biglang umu
DUMAAN muna saglit sina Saskia at Weston sa dating bahay kung saan sila nakatira para tingnan ito. Simula kasi nung dinala siya sa Villa ni Weston ay doon na rin sila umuuwi. Saglit siyang iniwan ng asawa sa sasakyan dahil may kukunin lang daw ito sa loob saglit, kaya nagpasiya siyang huwag nang sumama at hintayin na lamang ito roon.Ngunit hindi pa man nagtatagal nung pumasok si Weston sa loob ng bahay, ay nagulat siya nang biglang may kumatok sa pintuan ng sasakyan. Nakita niyang si Katrina ang kumakatok at kasama nito ang ina ni Weston na kahit isang beses pa lang niyang nakita ay nakaukit na sa kanyang isip ang imahe ng mukha nito.Kinakabahan man ay nagpasiya siyang buksan ang pintuan at lumabas sa sasakyan para maayos na harapin ang dalawa kahit na parang mananakmal ang hitsura ni Katrina at parang mangangain naman ng buhay naman ina ni Weston.“Natyempuhan ka rin namin, bitch! Ang feeling mo rin eh, ‘no? Talagang pinaninindigan mo ang pagiging asawa kay Weston, huh? At saka, pa
MATIYAGANG naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan si Weston sa pagbalik ni Saskia. Siguro ‘y mga fifteen minutes na ang nakalipas mula nang pumasok si Saskia sa kanilang bahay, nang biglang may dumating na sasakyan at pumarada iyon sa harap mismo ng bahay.Lumabas mula roon ang isang babaeng halos lumabas na ang itinatagong singit sa sobrang iksi ng suot nitong palda. Nakasuot din ito ng pagkataas-taas na sandals. Kumunot pa ang noo niya nang pumasok ito sa gate nang mismong bahay na pinasukan ng kanyang asawa.Doon niya napagtanto na baka ito ang sinasabi ni Saskia na pinsan nito na pumatol sa dating nobyo na si Gerald na siyang pamangkin niya. May kalayuan man ito sa kinaroroonan niya ay malinaw na nakita niya ang hitsura nito. Napatawa na lang siya ng mapakla, mga ganoong klase pala ng babae ang tipo ng kawawa niyang pamangkin.Babaeng halos ibalandra na sa publiko ang katawan makakuha lang ng atensyon. Talagang halata naman sa suot pa lang ng babae na malandi ito. Mabuti na lang
“MOM, bata pa lang ako ay masunurin na ‘ko sa inyo ni Dad, alam niyo ‘yan. Kahit nga madalas na labag sa kalooban ko ang mga pinapagawa ninyo sa ‘kin ay sinusunod ko pa rin dahil ayaw kong ma-disappoint ko kayo. Ayaw kog mawala ang magandang expectation at pagtingin niyo sa ‘kin. Pero kasi, huwag naman ‘yong pati ngayong nasa tamang edad na ‘ko at pwede ng magdesisyon sa sarili ay didiktahan niyo pa rin ako. Oo, minahal ko si Gerald. Mahal na mahal. Kaya nga hindi naging mahirap sa ‘kin na sundin ko ang kagustuhan ninyo na siya na lang ang pakasalan ko. Not until na mahuli ko sila ni Vivian. Iyon ang pinakamasakit sa lahat, dahil kayo dapat ang unang-una kong masasandalan at masasabihan ng mga hinanakit ko, pero ano? Ako pa ‘yong mali sa paningin ninyo,” maluha-luha niyang paliwanag.“So, sinusumbatan mo kami, gano’n? Huh, kaya ka namin hindi pinaniniwalaan dahil gawa-gawa mo lang ‘yon para makatakas ka sa kasal! Iyon pala ay ikaw naman ang totoong may iba! Magaling ka rin, ‘no? Ipapa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments