“ANO PA po ba ang kailangan ninyo, mommy? Hindi pa ba sapat sa inyo na nabugbog na ninyo si Saskia noong isang araw? Himala nga at hindi mo kasama ‘yong isang bruha! Puro na lang gulo ang mga dala ninyo!” galit na wika niya sa ina.Hindi na siya mangingiming ipakita at iparamdam dito ang kanyang galit para naman matuto itong dumistansya.“Anak, pumunta ako rito kahapon, pero wala ka. Kaya bumalik ulit ako ngayon. Hindi na rin pala ako pinayagan ng guard na pumasok dahil utos mo raw iyon sa kanila. Pero okay lang sa ‘kin ‘yon anak, kasi alam kong iniiwasan mo lang na makagawa kami ng gulo sa loob ng kompanya na pwede mong ikahiya sa tao. Naparito ako para kausapin ka, hindi para gumawa ng gulo,” wika nito sa mahinahong tinig.Hindi nga niya maintindihan kung tama ba ang nababasa niyang lungkot at pag-aalala sa mukha nito. Pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin at agad na iwinaksi sa kanyang isipan.“Kung ginagawa niyo ito para lang muling makuha ang loob ko at umuwi sa mansyon
“ANAK, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam kong hindi madali para sa ‘yo ang ibalik ang dating tiwala mo sa ‘kin, sa ‘min ng pamilya mo. Pero hindi ‘yon mahalaga sa ngayon, dahil ang mahalaga sa ngayon ay maipaalam ko sa ‘yo na mag-ingat kayong mag-asawa. Pwede mo akong hindi pagkatiwalaan sa ibang bagay, pero please, anak, kahit itong sasabihin ko na lang ang paniwalaan mo.” Nang hindi siya nagsalita o umimik man lang ay dinugtungan nito ang sinabi.“Kahapon ko lang na-realize anak, kung gaano ako naging pabayang ina sa ‘yo, inaamin ko ‘yan. Pati pagmamahal ng isang ina ay naipagkait ko pa sa ‘yo. Hindi ko pinapansin bawat hinaing mo sa ‘kin, lahat ng iyon, ay binabalewala namin. Pinaramdam namin sa ‘yo na mag-isa ka lang at walang katuwang sa buhay, walang masasandalan at mapagtatanungan, walang masusumbungan. Pero sa kabila ng iyon, aminin ko man sa hindi, ay ipinagmamalaki kita, anak. Dahil nadala mo sa matayog na tagumpay ang iyong sarili kahit na walang sumusuporta sa lik
“MGA WALANGHIYA kayo! Mga manloloko! Ginawa niyo pa talagang motel itong opisina ko!” sigaw ni Saskia, sa kabila ng galit at panggigigil.Pagbukas niya ng pinto ng opisina, nabungaran niya ang kanyang nobyong si Gerald, kasalukuyang Chief Financial Officer ng MS Wine Haven, na siyang pag-aari ng kanilang pamilya, at si Vivian, ang kanyang pinsang buo at sekretarya, na nagtatalik.Dahil sa pagkagulat sa kanyang presensiya, agad-agad na nag-ayos ng kani-kanilang sarili ang dalawa.“Gerald, isang buwan na lang ay ikakasal na tayo. Pero ano ‘tong ginagawa mo?!” mariing sambit niya, pilit pinipigilan ang sariling huwag maiyak. “At ikaw naman, Vivian, baling niya sa pinsan. “Paano mo nagawa sa ‘kin ito? Lahat ng ganap namin sa buhay, lahat sinasabi ko sa ‘yo! Kaya bakit? Bakit si Gerald pa?” nanggagalaiti niyang tanong sa pinsan.Gustuhin man niyang manakit, hindi niya magawa dahil hindi siya bayolenteng tao.“Ba-Babe, magpapali—”Hindi na niya pinapatapos ang pagsasalita ng kanyang nobyo.
GULAT NA GULAT si Saskia sa sinabi sa kanya ng estrangherong lalaki. Hindi tuloy niya maiwasang titigan ito nang maigi habang nakakunot ang kanyang noo. Kanina pa man din siya nagtataka kung paano siya nakilala ng lalaki, kaya naguguluhan siya at pilit na inaalala kung nagkita na ba sila noon.Ngunit habang tumatagal ang pagkakatitig niya rito, para siyang nawawala sa kanyang sarili, na para bang nahihipnotismo. Napakagwapo pala nito at parang wala man lang kapintasan sa hitsura. Perkpektong-perpekto sa kanyang paningin ang pagkakahulma sa bawat bahagi ng pigura nito na para bang inukit ng isang magaling na manlililok.Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang malaki at maskulado nitong katawan na hindi kayang itago ng suot nitong makapal na jacket. Pakiramdam niya’y nakita na niya ito dahil naging pamilyar sa kanya ang mukha nito matapos niya itong titigan.Nagbalik lang siya sa reyalidad nang tumikhim ito.“Hmmm, may problema ba sa mukha ko at ganoon ka na lang makatitig sa ‘kin?
NAIINIS si Saskia sa kanyang sarili dahil hindi niya mapigilang nerbyusin at mautal kapag nasa harapan siya ng binata. Nahihinuha naman niya na posibleng gumawa ito ng kontrata, ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na magulat.Todo ensayo pa siya bago umalis kung paano aaktong normal kapag magkaharap na sila, pero ang lintik niyang puso ay ayaw makisama. Medyo may kakapalan ang kontratang binabasa niya at napakarami ring nakasulat, kaya nilaktawan na lang niya ang iba at binuklat ang pahina nito sa pinakadulong bahagi, at pinirmahan.Napaigtad pa siya nang biglang magsalita ang binata.“Delikado ang basta na lang nagpipirma ng hindi binabasa lahat ng nakasaad,” sambit nito sa seryosong tinig.“Isa lang din naman ang patutunguhan natin, ang magpakasal. Wala ka naman sigurong inilagay dito na ikapapahamak ko, ‘di ba?” pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi siya pumiyok.Tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. “Wala akong ibang gusto kundi ang maging akin ka, Saskia
“KIA, pwede ka namang magpahinga kung napapagod ka sa trabaho, hindi iyong kung anu-ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo para gawing excuse. Una, sinisiraan mo sina Gerald at Vivian na may lihim na relasyon. At ngayon naman, sinasabi mo na kasal ka na. Kia, nasa normal ka pa bang pag-iisip?” sambit ng kanyang ina.“Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na ipasa mo na kay Vivian ang pagiging COO ng kompanya, dahil mabigat na responsibilidad talaga ang pagiging CEO at COO. Ang tigas kasi ng ulo mo, eh! Kayang-kaya naman iyan ni Vivian! Hindi ko nga alam kung bakit parang wala kang tiwala sa pinsan mo,” sabat ng kanyang ama.“Dad, Mom, wala ito sa kung napapagod ako. Totoo ang sinasabi ko, kasal na ako,” sagot niya sa mga ito.“Kung gano’n, kaninong pipitsuging lalaki ka naman nagpakasal, ha? Nagpakasal ka ng wala man lang basbas at pahintulot namin? Wala kang respeto!” sigaw ng kanyang ina.“Dahil sa ginawa mong ‘yan, Kia, pinatunayan mo lang sa ‘min na isa kang suwail na anak! Kaya siguro
KATULAD ng unang gabing umalis siya, ganoon din ang binabalak na gawin ngayon ni Saskia. Wala rin naman siyang mapapala kung titira pa siya sa bahay kasama ng mga magulang, gayong kahit hindi man sabihin ng mga ito na itinatakwil na siya, sa mga ipinapakita at ipinaparamdam ng mga ito sa kanya, parang ganoon na nga.Sabayan pa ng hindi niya kayang makita at makasama sa iisang bubong ang traydor at mang-aagaw niyang pinsan. Bata pa lang siya, doon na rin ito sa kanila nakatira.Habang tulog na ang lahat, muli siyang umalis sakay ng kanyang kotse. Nagulat siya nang biglang may humarang na itim na sasakyan sa harapan niya at lumabas mula roon ang dalawang lalaking parehong nakaitim.Napahinga siya nang maluwag nang makilalang mga bodyguard ni Weston ang mga ito. Lumapit ang dalawa sa sasakyan niya at kinatok ang pintuan nito.“Ma’am, saan po ba ang punta ninyo? Gabing-gabi na po,” tanong ng isa.Ibinaba niya ang salamin ng sasakyan upang sagutin ito.“Ahm, hindi ko nga alam, eh. Nakalimu
HALOS hindi magawang lunukin ni Saskia ang pagkaing nasa kanyang bibig dahil sa sinabi ni Weston. Hindi pa nga siya nakakabawi mula sa nangyari sa pagitan nila ng kanyang pamilya, heto’t mukhang ang pamilya naman nito ang kailangan niyang harapin.Pero nakakahiya naman sa kanyang asawa kung hindi niya ito pagbibigyan, lalo na’t nasa poder siya nito.“Si-sige, walang problema,” sambit niya at sinabayan iyon ng isang pilit na ngiti.“Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayan,” pampalubag-loob ni Weston.“Kailan ba tayo pupunta roon?” tanong niya.“Pwede na siguro bukas, kasi nakita ka na ni Katrina. Alam kong magsusumbong na ‘yon kina mommy at daddy na may kasama akong babae rito sa bahay.”“Sige,” pagsang-ayon na lang niya.Pagkatapos nilang kumain, siya na ang kusang naghugas ng mga pinagkainan nila. Gusto pa sana siyang tulungan ng asawa, ngunit mariin niya itong tinanggihan. Pagkatapos maghugas, pumunta muna siya sa living room para hintayin na lumabas si Weston dahil nakita niya i
“ANAK, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam kong hindi madali para sa ‘yo ang ibalik ang dating tiwala mo sa ‘kin, sa ‘min ng pamilya mo. Pero hindi ‘yon mahalaga sa ngayon, dahil ang mahalaga sa ngayon ay maipaalam ko sa ‘yo na mag-ingat kayong mag-asawa. Pwede mo akong hindi pagkatiwalaan sa ibang bagay, pero please, anak, kahit itong sasabihin ko na lang ang paniwalaan mo.” Nang hindi siya nagsalita o umimik man lang ay dinugtungan nito ang sinabi.“Kahapon ko lang na-realize anak, kung gaano ako naging pabayang ina sa ‘yo, inaamin ko ‘yan. Pati pagmamahal ng isang ina ay naipagkait ko pa sa ‘yo. Hindi ko pinapansin bawat hinaing mo sa ‘kin, lahat ng iyon, ay binabalewala namin. Pinaramdam namin sa ‘yo na mag-isa ka lang at walang katuwang sa buhay, walang masasandalan at mapagtatanungan, walang masusumbungan. Pero sa kabila ng iyon, aminin ko man sa hindi, ay ipinagmamalaki kita, anak. Dahil nadala mo sa matayog na tagumpay ang iyong sarili kahit na walang sumusuporta sa lik
“ANO PA po ba ang kailangan ninyo, mommy? Hindi pa ba sapat sa inyo na nabugbog na ninyo si Saskia noong isang araw? Himala nga at hindi mo kasama ‘yong isang bruha! Puro na lang gulo ang mga dala ninyo!” galit na wika niya sa ina.Hindi na siya mangingiming ipakita at iparamdam dito ang kanyang galit para naman matuto itong dumistansya.“Anak, pumunta ako rito kahapon, pero wala ka. Kaya bumalik ulit ako ngayon. Hindi na rin pala ako pinayagan ng guard na pumasok dahil utos mo raw iyon sa kanila. Pero okay lang sa ‘kin ‘yon anak, kasi alam kong iniiwasan mo lang na makagawa kami ng gulo sa loob ng kompanya na pwede mong ikahiya sa tao. Naparito ako para kausapin ka, hindi para gumawa ng gulo,” wika nito sa mahinahong tinig.Hindi nga niya maintindihan kung tama ba ang nababasa niyang lungkot at pag-aalala sa mukha nito. Pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin at agad na iwinaksi sa kanyang isipan.“Kung ginagawa niyo ito para lang muling makuha ang loob ko at umuwi sa mansyon
KINABUKASAN ay pareho silang hindi pumasok ni Weston sa kompanya. Lumala kasi ang pananakit ng kanyang ulo gawa ng malakas na paghila ni Katrina sa kanyang buhok. Gusto pa sana siyang dalhin ni Weston sa ospital para ipasuri sa doctor, pero tumanggi siya. Mas gusto niya na lang na magpahinga sa bahay.Magang-maga ang kanyang dalawang pisngi dahil sa tinamong mga malalakas na sampal buhat sa kanyang mga magulang nung umaga at kinahapunan naman, ay sa mommy naman ni Weston. Maga ito at maraming pasa. Masakit na masakit din ang kanyang anit.Mas gusto niyang humiga at matulog buong araw dahil pakiramdam niya ‘y iyon lang naman ang makakapagpagaling sa kanya. Matyaga naman siyang binabantayan at inaalagan ng asawa.Ang mga pasa niya sa mukha ay dinadampian nito ng maliit na towel na inilubog sa mainit na tubig, sa paraang iyon ay madali raw na gagaling ang kanyang mga pasa. Sinusubuan din siya nito kapag kumakain hanggang sa matapos, at inaalalayan sa pagligo.Doon niya mas lalong naramda
NGAYON lang niya nakita sa buong buhay niya kung gaano kagalit ang kanyang anak na si Weston kanina. Damang-dama niya sa mga kilos at pananalita nito ang pagmamahal nito sa asawa. Para siyang natauhan sa mga sinabi nito sa kanya.Nagkamali at nagkasala siya sa kanyang anak. Dahil sa pagiging bulag niya at manhid para lamang masunod ang kagustuhan nilang mag-asawa na si Katrina dapat ang maging asawa nito, ay hindi nila namamalayan na nadidiktahan na pala nila ang damdamin ng anak.May sumungaw na luha mula sa kanyang dalawang mga mata. Pero agad siyang tumingin sa taas para pigilan ang pagpatak niyon. Ayaw niyang makita siya ni Katrina sa ganoong sitwasyon.“Ti-Tita, ano na ang gagawin natin? Mukhang ayaw talaga sa ‘kin ni Weston. Paano naman ako? At saka, kapag nalaman ito ni daddy, magkakagulo tayong lahat, kilala mo naman siya, ‘di ba?” sumisinghot-singhot na wika nito.“Hija, siguro kailangan mo na talagang tanggapin na hindi kayo para sa isa ‘t isa ni Weston. Nasa tamang edad na
SAGLIT muna niyang iniwan ang kanyang asawa sa sasakyan dahil may kukunin siyang mahahalagang dokumento para sa kompanya na naiwan pala niya nung umalis sila. Nakaugalian na kasi niyang mag-uwi ng mga papeles sa tuwing hindi niya natatapos ang pagpipirma sa kanyang opisina, kaya ngayon ay nagmamadali siyang hanapin ang mga iyon.Hindi na kasi sumama sa kanya si Saskia dahil ang sabi niya ‘y madali lang naman siya. Habang naghahanap siya ay parang may naririnig siyang nagsasagutan sa labas na para bang nag aaway. Ipinagsawalang bahala na lang niya iyon at hindi pinansin dahil alam niyang mag-isa lang naman doon si Saskia. Baka ingay lang iyon ng mga kapitbahay niya.Ngunit napahinto siya sa paghahanap nung maging malinaw na sa kanyang pandinig ang ingay na naririnig niya. Bosesi iyon ni Saskia na sumisigaw na para bang nasasaktan at nakikiusap. Bigla ang kabang naramdaman niya kaya iniwan niya ang paghahanap sa mga papeles at mabilis na lumabas.Gayon na lamang ang galit na biglang umu
DUMAAN muna saglit sina Saskia at Weston sa dating bahay kung saan sila nakatira para tingnan ito. Simula kasi nung dinala siya sa Villa ni Weston ay doon na rin sila umuuwi. Saglit siyang iniwan ng asawa sa sasakyan dahil may kukunin lang daw ito sa loob saglit, kaya nagpasiya siyang huwag nang sumama at hintayin na lamang ito roon.Ngunit hindi pa man nagtatagal nung pumasok si Weston sa loob ng bahay, ay nagulat siya nang biglang may kumatok sa pintuan ng sasakyan. Nakita niyang si Katrina ang kumakatok at kasama nito ang ina ni Weston na kahit isang beses pa lang niyang nakita ay nakaukit na sa kanyang isip ang imahe ng mukha nito.Kinakabahan man ay nagpasiya siyang buksan ang pintuan at lumabas sa sasakyan para maayos na harapin ang dalawa kahit na parang mananakmal ang hitsura ni Katrina at parang mangangain naman ng buhay naman ina ni Weston.“Natyempuhan ka rin namin, bitch! Ang feeling mo rin eh, ‘no? Talagang pinaninindigan mo ang pagiging asawa kay Weston, huh? At saka, pa
MATIYAGANG naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan si Weston sa pagbalik ni Saskia. Siguro ‘y mga fifteen minutes na ang nakalipas mula nang pumasok si Saskia sa kanilang bahay, nang biglang may dumating na sasakyan at pumarada iyon sa harap mismo ng bahay.Lumabas mula roon ang isang babaeng halos lumabas na ang itinatagong singit sa sobrang iksi ng suot nitong palda. Nakasuot din ito ng pagkataas-taas na sandals. Kumunot pa ang noo niya nang pumasok ito sa gate nang mismong bahay na pinasukan ng kanyang asawa.Doon niya napagtanto na baka ito ang sinasabi ni Saskia na pinsan nito na pumatol sa dating nobyo na si Gerald na siyang pamangkin niya. May kalayuan man ito sa kinaroroonan niya ay malinaw na nakita niya ang hitsura nito. Napatawa na lang siya ng mapakla, mga ganoong klase pala ng babae ang tipo ng kawawa niyang pamangkin.Babaeng halos ibalandra na sa publiko ang katawan makakuha lang ng atensyon. Talagang halata naman sa suot pa lang ng babae na malandi ito. Mabuti na lang
“MOM, bata pa lang ako ay masunurin na ‘ko sa inyo ni Dad, alam niyo ‘yan. Kahit nga madalas na labag sa kalooban ko ang mga pinapagawa ninyo sa ‘kin ay sinusunod ko pa rin dahil ayaw kong ma-disappoint ko kayo. Ayaw kog mawala ang magandang expectation at pagtingin niyo sa ‘kin. Pero kasi, huwag naman ‘yong pati ngayong nasa tamang edad na ‘ko at pwede ng magdesisyon sa sarili ay didiktahan niyo pa rin ako. Oo, minahal ko si Gerald. Mahal na mahal. Kaya nga hindi naging mahirap sa ‘kin na sundin ko ang kagustuhan ninyo na siya na lang ang pakasalan ko. Not until na mahuli ko sila ni Vivian. Iyon ang pinakamasakit sa lahat, dahil kayo dapat ang unang-una kong masasandalan at masasabihan ng mga hinanakit ko, pero ano? Ako pa ‘yong mali sa paningin ninyo,” maluha-luha niyang paliwanag.“So, sinusumbatan mo kami, gano’n? Huh, kaya ka namin hindi pinaniniwalaan dahil gawa-gawa mo lang ‘yon para makatakas ka sa kasal! Iyon pala ay ikaw naman ang totoong may iba! Magaling ka rin, ‘no? Ipapa
KINAKABAHAN si Saskia sa gagawin niyang pakikipagharap sa mga magulang. Kasalukuyang nakaparada ang sasakyan ni Weston hindi kalayuan sa bahay nila kung saan ay nakasakay sila.“Baby, narito lang ako, ha? Kaya mo ‘yan. Hindi ka naman siguro nila sasaktan dahil anak ka nila,” wika ni Weston habang mahigpit na hinahawakan ang isa niyang kamay na kanina pa nanlalamig.“Thank you sa pagpapalakas ng loob ko, Weston,” pilit ang ngiting sambit niya rito.“Sige na, puntahan mo na sila. Dito na lang din kita hihintayin,” sambit nito bago siya kinintilan ng halik sa labi.Kinakabahan man ay pinilit niyang humakbang palabas ng sasakyan kahit na nangangatog ang kanyang mga tuhod. Paglabas niya ‘y nagpalinga-linga muna siya para makasiguradong walang nakakapansin sa paglabas niya ng sasakyan.Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang parang wala namang masyadong tao sa kinaroroonan nila. Mahirap na, baka kasi may makaalam na si Weston ang kasama niya. Baka magkagulo pa dahil nga sikat at mayama