Share

Chapter 04

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-04-03 14:36:23

“KIA, pwede ka namang magpahinga kung napapagod ka sa trabaho, hindi iyong kung anu-ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo para gawing excuse. Una, sinisiraan mo sina Gerald at Vivian na may lihim na relasyon. At ngayon naman, sinasabi mo na kasal ka na. Kia, nasa normal ka pa bang pag-iisip?” sambit ng kanyang ina.

“Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na ipasa mo na kay Vivian ang pagiging COO ng kompanya, dahil mabigat na responsibilidad talaga ang pagiging CEO at COO. Ang tigas kasi ng ulo mo, eh! Kayang-kaya naman iyan ni Vivian! Hindi ko nga alam kung bakit parang wala kang tiwala sa pinsan mo,” sabat ng kanyang ama.

“Dad, Mom, wala ito sa kung napapagod ako. Totoo ang sinasabi ko, kasal na ako,” sagot niya sa mga ito.

“Kung gano’n, kaninong pipitsuging lalaki ka naman nagpakasal, ha? Nagpakasal ka ng wala man lang basbas at pahintulot namin? Wala kang respeto!” sigaw ng kanyang ina.

“Dahil sa ginawa mong ‘yan, Kia, pinatunayan mo lang sa ‘min na isa kang suwail na anak! Kaya siguro pinagbibintangan mo sina Gerald at Vivian dahil ikaw naman talaga itong nagloloko, para maging malaya ka sa mga kalokohan mo!” matigas at madiin na sambit ng kanyang ama.

Hindi na lang siya nag-atubili pang sumagot o umimik man lang. Umalis na lang siya sa harapan ng kanyang ama ’t ina para sa katahimikan. Patuloy naman na inaalo ng kanyang ama ang mommy niya dahil umiiyak na ito. Tumalikod siya at tuluyan nang lumabas ng bahay nang makasalubong niya si Vivian.

“Oh, hi pinsan! Tama ba iyong narinig ko, kinasal ka na? Congrats! Hindi na kami mahihirapan ni Gerald na itago ang relasyon namin, dahil sooner or later, lalantad na rin kami,” mapanginsulto nitong sambit, kasabay ng mapang-asar na ngisi.

Sa halip na patulan, nilagpasan na lang niya ito. Wala siya sa mood para makipagdiskusyon o makipag-away. Sumakay siya sa sasakyan at dumiretso sa kompanya. Kailangan niyang magpakita roon dahil matagal siyang nawala.

Ngunit pagpasok niya sa kanyang opisina, nadatnan niya roon si Gerald na prenteng nakaupo mismo sa kanyang upuan. Agad itong tumayo at lumapit pagkakita sa kanya, niyakap din siya nito.

“Babe! Salamat naman at bumalik ka na! Alam mo bang nag-alala ako sa ‘yo? Akala ko hindi mo na ‘ko babalikan, akala ko tuluyan mo na ‘kong iiwan,” sambit ng lalaki habang nakayakap sa kanya.

Agad niyang hiniklas ang mga braso nitong nakapulupot sa kanyang katawan. Nandidiri siya rito.

“Ang kapal naman ng mukha mo para isiping nagbalik ako rito para sa ‘yo! Bumalik ako rito walang iba kundi para lang sa kompanya!” sarkastikong sambit niya.

“Babe, patawarin mo na ‘ko. Nagawa ko lang naman iyon dahil hindi mo maibigay ang mga pangangailangan ko bilang isang lalaki. At si Vivian, naibibigay niya ‘yun sa ‘kin lahat!”

Natawa siya nang mapakla sa sinabi nito. “So kasalanan ko pa pala kung bakit ka nagloko? Hindi ba pwedeng hindi ka lang talaga nakontento at nakapaghintay? Masyado ka kasing nagmamadali! Kung talagang mahal mo ako, magtitiis ka!”

“Babe, please. Ikaw pa rin ang mahal ko. Parausan ko lang si Vivian tuwing nakakaramdam ako, iyon lang. Walang halong pagmamahal ang nangyayari sa ‘min. Purong p********k lang.”

Isang malakas na mag-asawang sampal ang ibinigay niya sa lalaki matapos marinig ang sinabi nito. Hindi dahil binabastos nito si Vivian, kundi dahil sa katotohanang harap-harapan siyang inuuto nito at pinapaniwala.

“Lumabas ka rito sa opisina ko, Gerald! Umalis ka sa harapan ko!” sigaw niya sabay turo sa pinto. Wala itong nagawa kundi ang tumalima. Lulugo-lugo itong lumabas.

Dahil sa nangyari, maghapon siyang wala sa mood. Halos wala rin siyang nagawang trabaho sa buong araw. Kaya alas tres pa lang, nagligpit na siya ng mga gamit para umuwi na. Pagdating niya sa parking area, nagulat siya dahil naroroon si Gerald, nakasandal pa ito sa sasakyan niya.

“Umalis ka riyan!” marahas na utos niya sa lalaki.

Nahintakutan siya nang bigla na lang itong lumapit sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit sa braso. Bakas ang galit at pagkaseryoso sa mukha nito.

“Sabihin mo sa ‘kin ang totoo, Kia. Totoo ba ang sinabi ni Vivian na kasal ka na? Paano nangyari iyon, eh ako lang naman ang lalaki sa buhay mo! Maliban na lang kung may lalaki ka rin habang tayo pa!”

“Oo, totoo iyon! Ano, masakit ang ipagpalit, ‘di ba? Pero swerte ka pa rin dahil hindi mo harap-harapang nasaksihan ang pagpapakasal ko sa iba, hindi tulad sa ‘kin na harap-harapan ko kayong nakita ni Vivian sa panloloko sa ‘kin!

“Kaya gumaganti ka?”

“Wala akong panahon para makipagtalo sa ‘yo, Gerald! Kaya bitiwan mo na ‘ko at uuwi na ‘ko!”

“Itong tatandaan mo, Saskia. Hindi ka pwedeng mapunta sa iba, akin ka lang! Kaya pasensiyahan tayo, kailangan ko ‘tong gawin para mailayo kita sa lalaking pinakasakalan mo!” nagulat siya nang bigla siyang buhatin nito.

Sinubukan niyang sumigaw, ngunit tinakpan ng malaking kamay nito ang kanyang bibig. Pilit siyang ipinapasok sa sasakyan nito. Magkatabi lang ang sasakyan nila sa parking area.

Kinakain na ng takot at kaba ang kanyang buong sistema sa posibleng pwedeng gawin sa kanya ng binata. May kadiliman pa naman sa kinaroroonan nila, at wala pang ibang taong dumarating maliban sa kanilang dalawa.

Nakasilip siya ng kaunting pag-asa nang mawalan ito ng balanse. Bigla siyang nabitiwan nito dahil sa pagpipilit niyang makawala. Bumwelo agad siya at isang malakas na sipa ang pinakawalan niya sa maselang bahagi ng katawan nito.

Napaluhod ito at namilipit sa sakit. Iyon ang sinamantala niya, mabilis siyang kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan niya. Pagkatapos ay mabilis niyang pinasibad palabas. Nagulat pa nga ang gwardya sa ginawa niya.

Pagdating sa bahay, agad siyang nagsumbong sa mga magulang.

“Dad, Mom, si Gerald, binalak niyang kidnappin ako kanina, mabuti na lang at nakatakas ako!” pagbabalita niya sa dalawa habang prenteng nakaupo at nanonood ng TV. Bakas pa rin sa tinig niya ang takot.

“Sa tingin mo ba, ikakagalit namin ‘yang balita mo, ha? Baka nga ikatuwa pa namin ng daddy mo ‘yan! At saka, hindi magagawa ni Gerald iyan, mabuting tao iyon. Kung ano man ang gawin niya sa ‘yo, ipapaubaya ka pa namin doon, kasi nasa mabuti kang mga kamay,” sagot ng mommy niya.

“Mom! Muntik na ‘kong mapahamak sa mga kamay niya kanina, pero parang wala kayong pakialam sa ‘kin!” napasigaw na siya sa labis na frustration dahil sa pambabaliwala ng mga ito sa damdamin niya.

Napatayo naman ang kanyang ama at dinuro-duro siya.

“Huwag mo kaming masigaw-sigawan, Saskia! Umalis ka sa harapan namin habang nakakapagtimpi pa ‘ko sa ‘yo! Dahil diyan sa ginawa mo, tatanggalin na kita sa kompanya! Bahala ka na sa buhay mo, total, matigas naman ang ulo mo! Nandiyan naman si Vivian at si Gerald para pumalit sa posiyon mo!”

“Kung iyan ang desisyon ninyo, wala na ‘kong magagawa. Pero itong tatandaan ninyo, ako ang anak ninyo rito, hindi si Vivian, o si Gerald,” huling sambit niya bago tumalikod at pumasok sa kanyang silid.

Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ni Vivian matapos marinig ang pagtatalo ng pamilya habang nakasilip at matamang nakikinig mula sa loob ng kanyang silid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 05

    KATULAD ng unang gabing umalis siya, ganoon din ang binabalak na gawin ngayon ni Saskia. Wala rin naman siyang mapapala kung titira pa siya sa bahay kasama ng mga magulang, gayong kahit hindi man sabihin ng mga ito na itinatakwil na siya, sa mga ipinapakita at ipinaparamdam ng mga ito sa kanya, parang ganoon na nga.Sabayan pa ng hindi niya kayang makita at makasama sa iisang bubong ang traydor at mang-aagaw niyang pinsan. Bata pa lang siya, doon na rin ito sa kanila nakatira.Habang tulog na ang lahat, muli siyang umalis sakay ng kanyang kotse. Nagulat siya nang biglang may humarang na itim na sasakyan sa harapan niya at lumabas mula roon ang dalawang lalaking parehong nakaitim.Napahinga siya nang maluwag nang makilalang mga bodyguard ni Weston ang mga ito. Lumapit ang dalawa sa sasakyan niya at kinatok ang pintuan nito.“Ma’am, saan po ba ang punta ninyo? Gabing-gabi na po,” tanong ng isa.Ibinaba niya ang salamin ng sasakyan upang sagutin ito.“Ahm, hindi ko nga alam, eh. Nakalimu

    Last Updated : 2025-04-03
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 06

    HALOS hindi magawang lunukin ni Saskia ang pagkaing nasa kanyang bibig dahil sa sinabi ni Weston. Hindi pa nga siya nakakabawi mula sa nangyari sa pagitan nila ng kanyang pamilya, heto’t mukhang ang pamilya naman nito ang kailangan niyang harapin.Pero nakakahiya naman sa kanyang asawa kung hindi niya ito pagbibigyan, lalo na’t nasa poder siya nito.“Si-sige, walang problema,” sambit niya at sinabayan iyon ng isang pilit na ngiti.“Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayan,” pampalubag-loob ni Weston.“Kailan ba tayo pupunta roon?” tanong niya.“Pwede na siguro bukas, kasi nakita ka na ni Katrina. Alam kong magsusumbong na ‘yon kina mommy at daddy na may kasama akong babae rito sa bahay.”“Sige,” pagsang-ayon na lang niya.Pagkatapos nilang kumain, siya na ang kusang naghugas ng mga pinagkainan nila. Gusto pa sana siyang tulungan ng asawa, ngunit mariin niya itong tinanggihan. Pagkatapos maghugas, pumunta muna siya sa living room para hintayin na lumabas si Weston dahil nakita niya i

    Last Updated : 2025-04-03
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 07

    DAHIL SA KURYUSIDAD, ay unti-unting nilingon ni Saskia ang lalaking nagsalita mula sa kanilang likuran. Ganoon na lamang ang pagkabiglang rumehistro sa magandang mukha niya nang mapagsino ang lalaki.“Ge-Gerald?!” gulat na sambit niya sa pangalan nito.“Ba-Babe?” gulat na sagot din nito sa kanya.Nakakunot-noo naman at nakarehistro rin ang pagkalito sa mukha ng mga taong nasa paligid nila, lalong-lalo na si Weston.“Magkakilala kayo?” kunot-noong tanong ni Weston sa kanila, nagpalipat-lipat din ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Gerald.Sa halip na sagutin ni Gerald ang tanong ni Weston, ay iba ang isinagot nito.“Tito Weston, bakit kasama mo siya? Kailan pa kayo nagkakilala? At, kaano-ano mo siya?” sunud-sunod na katanungan ni Gerald.Samantalang siya naman ay sobra na ring naguguluhan. Bakit narito si Gerald? At bakit tito ang tawag nito kay Weston? Hindi kaya…“Magkamag-anak kayo?” naguguluhang tanong niya kay Weston at Gerald.“Yes, Baby. Pamangkin ko siya, anak siya ni ate Gla

    Last Updated : 2025-04-04
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 08

    HINDI INAKALA ni Weston na mauuwi sa matinding pagtatalo ng buo niyang pamilya ang pagdala niya kay Saskia sa mansyon. Nahihinuha niyang maaaring hindi sumang-ayon ang pamilya niya sa biglaang pagkakaroon niya ng asawa, pero ang naganap na pagtatalo sa pagitan nilang pamilya ang hindi niya inaasahan.Halos hindi niya magawang lingunin ang katabi niyang dalaga na kanina pa humahagulgol sa pag-iyak. Siguro ay dahil sa labis na tensyon. Kahit siya ay hindi makapaniwala na ito pala ang limang taon nang kasintahan ng paborito at close na close niyang pamangkin na si Gerald.Oo, close na close sila at paborito niya rin ito dahil ito lang naman ang nag-iisa niyang pamangkin. Sampung taong gulang lang ang agwat niya rito dahil maagang nabuntis ang ate niya. Nakita niya ang sakit na nakalarawan sa mga mata ni Gerald nang ipakilala niya bilang asawa si Saskia. Kaya magulo rin ang kanyang isipan dahil sa mga nalaman.Naigarahe na lang niya ang kanyang sasakyan sa bakuran ng kanyang bahay, ay hin

    Last Updated : 2025-04-05
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 09

    TUWANG-TUWA si Vivian dahil sa wakas, ay tuluyan na niyang nasira ang kanyang pinsang si Saskia sa pamilya nito at maging sa nobyo nitong si Gerald. Bata pa lang siya ay inggit na inggit na siya rito, lalo na ‘t sampid lang siya sa pamilya Santos.Halos magkasing edad lang sila ni Saskia. Anim na taong gulang pa lang siya nang iwanan siya ng kanyang ina na kapatid ng tito Juancho niya sa poder ng mga ito. Pagkatapos noon, ay wala na siyang naging balita sa kanyang ina. Hindi na siya binalikan pa o kahit na ang magpakita man lang.Hindi rin niya kilala kung sino ang ama niya. Kaya lumaki siyang ang tita Sania niya na ina ni Saskia at ang tito Juancho niya na ama nito ang kinilala niyang legal guardians. Lahat ng mayroon si Saskia, ay mayroon din siya. Iisa lang din ang mga paaralang pinasukan nila simula elementary hanggang highschool. Medyo napariwara lang siya pagtuntong ng college kaya hindi siya nakapagtapos. Hanggang third year lang ang inabot niya kaya ang siste, naging secretary

    Last Updated : 2025-04-06
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 10

    KASALUKUYANG umiikot si Weston sa buong produksyon ng kanyang planta para mag-inspeksyon sa mga makinarya, pasilidad at mga produkto, pati na rin sa mga tao. Nalalapit na naman kasi ang gaganaping taunang audit kaya bilang isang CEO at may-ari ng kompanya, in terms of internal audit, ay siya na mismo ang kusang nag-a-audit sa buong plantasyon kasama ang mga head ng iba’t ibang departamento.Ginagawa niya iyon bago pa man dumating ang isang professional external auditor, para masiguro niya na nasa maayos ang lahat. Pagkatapos niyang magawa iyon, ay inipon naman niya sa meeting room ang lahat ng mga supervisory at team leader para i-discuss ang mahahalagang bagay na dapat baguhin sa mga patakaran, palitan ang mga luma at sirang mga makinarya o kagamitan, at ayusin ang iba pang mga bagay at detalye na na nagpapabagal sa takbo ng produksiyon.Ganoon siya ka hands-on sa sariling kompanya. Sinisigurado rin niyang nakakasunod ito sa mga pamantayan at regulasyon, maging sa tamang proseso at s

    Last Updated : 2025-04-06
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 11

    NAISIP ni Saskia na magwalis-walis sa labas ng bahay ni Weston para naman mabawas-bawasan ang pagkaburyong na nararamdaman niya. Halos maghapon kasi siyang walang ginawa. Puro lang siya luto, kain, laba at linis na rin sa loob ng bahay.Madali kasi siyang natatapos sa gawain dahil iilang damit lang naman ang nilalabhan niya at ang niluluto niyang pagkain ay para lang din sa kanya. Ayaw nga siyang pagtrabahuhin ni Weston sa mga gawaing bahay, ngunit siya na rin ang nagkukusa dahil hindi siya sanay na walang ginagawa lalo na ngayong walang pinagkakaabalahan ang kanyang isip.Nasanay kasi siya sa stressful environment sa kompanya, na halos fully loaded ang buong araw niya sa trabaho. Kaya ngayon ay parang hinahanap-hanap iyon ng kanyang katawan at isip. Wala rin naman siyang problema sa mga gawaing bahay dahil marunong siya roon.Nasanay kasi siya na gusto niya ay alam niyang gawin ang lahat ng bagay. Kaya nga marami ang na-a-amaze sa kanya dahil sa kabila ng pagiging CEO niya, ay maruno

    Last Updated : 2025-04-07
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 12

    NAISIPAN ni Weston na maagang umuwi dahil kailangan niya ng pahinga, dahil bukas ay sa grape farming naman niya ilalaan ang buong araw niya. Malawak iyon na halos nasa isang daang hektarya.Pagdating niya sa tapat ng gate ng kanyang bahay ay napakunot siya ng noo dahil nakita niya roon na nakaparada ang sasakyan ni Katrina. Kahit kailan talaga, ang tigas ng ulo nito. Parang wala nang itinatagong hiya sa katawan dahil ito pa talaga ang sunod nang sunod sa kanya.Parang wala ng ibang ginawa sa araw-araw kundi ang pumunta sa mansyon nila at itanong sa mga magulang kung nasaan siya. Palibhasa’y walang business na inaatupag, dahil hanggang ngayon, ay bini-baby pa rin ito ng mga magulang. At iyon ang ayaw na ayaw niya sa isang babae. Ni wala man lang alam na gawaing bahay, at puro pagpapaganda lang ang inaatupag.At dahil hindi niya maipasok ang sasakyan sa loob ng kanyang bakuran dahil nakaharang sa gate ang sasakyan ni Katrina, ay bumaba na lang siya at pumasok. At ang eksenang akmang sa

    Last Updated : 2025-04-07

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 15

    KINABUKASAN, magkasabay silang pumasok ni Weston sa kompanya nito. Katulad nang napag-usapan nila, ay hindi siya nito ipapakilala bilang asawa, kundi bilang isang empleyado. Sa labas pa lang ng malaking gate ay alam na niyang napakalaki ng planta nito. Mas malaki iyon kumpara sa planta nila. Talagang napakayaman nito.Pagpasok nila ay ipinakilala siya ni Weston sa bawat nadaraanan nilang departamento bilang bagong Chief Operating Officer ng Del Flores Winery. Lahat ay nabigla dahil napakabilis namang napalitan ni Weston ang head ng Finance Department na kaka-resign lang noong isang araw.Ang iba ay mababakas ang kasiyahan sa mga mukha dahil mayroon na agad kapalit ang nag-resign, samantalang ang iba ay napapataas na lang ng kilay at napapaismid pa sa tuwing mapapatingin siya sa mga ito. Wari ‘y hindi masaya sa pagdating niya.Pagkatapos ay inilibot naman siya ni Weston sa buong produksyon kung saan ginagawa at pinoproseso ang wine. Napakalinis ng bawat dinaraanan nila, simula sa sahig

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 14

    MAAGANG umalis ng bahay si Weston kinabukasan par puntahan ang grape farming niya. Nagulat pa nga siya nang paggising niya, ay may nakahanda ng mga pagkain sa lamesa. Gusto rin sanang sumama ni Saskia sa pupuntahan niya, ngunit mariin siyang tumanggi. Ayaw niya itong isama roon dahil may problema siya sa mga produktong ubas niya. At saka na lang kapag nasa maayos nang kalagayan ang mga produkto niya.Sakay siya ng All-Terrain Vehicle habang naglilibot sa malawak na ubasan, habang nakasunod naman sa kanya ang dalawa pang All-Terrain Vehicle sakay ang Viticulturist, Grape Grower, Vineyard Manager at Farm Manager. Kailangan niya ang mga taong propesyonal na ito para matukoy niya ang problema sa mga ubas na naaapektuhan ang paglaki.Naobserbahan niyang parang hindi na nga ganoon kalaki sa orihinal na hitsura nito ang mga ubas. Nagmungkahi ang apat niyang kasama na kumuha ng soil sample para sa testing. Baka mayroong kulang sa nutrisyon sa lupa.Buong araw siyang naroon lang sa grape farmi

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 13

    “TITA, TITO!” umiiyak na tawag ni Katrina sa mag-asawa habang papalapit siya sa direksyon ng mga ito. Pagkagaling niya sa bahay ni Weston, ay agad siyang dumiretso sa mansyon para magsumbong. Kasalukuyang nasa may swimming pool ang mga ito, magkaharap sa isang maliit na lamesa habang nakaupo, at kapwa umiinom ng juice.“Oh, Katrina, hija? Saan ka ba nanggaling? At teka, bakit ka umiiyak?” tanong ng ina ni Weston.“Tita, tito, inaway po ako ng babae ni Weston! Nagalit siya nang pumasok ako roon, at sinabi pang wala na ‘kong karapatan na pumunta roon kahit kailan! At ang masakit pa, pinagkaisahan nila ako ni Weston, tita! Kinampihan niya ‘yong babae niya!” pagsusumbong niya na may kaunting dagdag.“Ginawa ‘yon ni Weston?” galit na tanong ng ama ni Weston.“Opo, tito. Muntikan pa ‘kong mapagbuhatan ng kamay ni Weston dahil sa babaeng ‘yon! Tita, tito, tulungan niyo akong mawala ang babae ni Weston sa tabi niya! Paano magiging kami kung may nakahadlang sa ‘min?” pagmamakaawa niya sa mag-

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 12

    NAISIPAN ni Weston na maagang umuwi dahil kailangan niya ng pahinga, dahil bukas ay sa grape farming naman niya ilalaan ang buong araw niya. Malawak iyon na halos nasa isang daang hektarya.Pagdating niya sa tapat ng gate ng kanyang bahay ay napakunot siya ng noo dahil nakita niya roon na nakaparada ang sasakyan ni Katrina. Kahit kailan talaga, ang tigas ng ulo nito. Parang wala nang itinatagong hiya sa katawan dahil ito pa talaga ang sunod nang sunod sa kanya.Parang wala ng ibang ginawa sa araw-araw kundi ang pumunta sa mansyon nila at itanong sa mga magulang kung nasaan siya. Palibhasa’y walang business na inaatupag, dahil hanggang ngayon, ay bini-baby pa rin ito ng mga magulang. At iyon ang ayaw na ayaw niya sa isang babae. Ni wala man lang alam na gawaing bahay, at puro pagpapaganda lang ang inaatupag.At dahil hindi niya maipasok ang sasakyan sa loob ng kanyang bakuran dahil nakaharang sa gate ang sasakyan ni Katrina, ay bumaba na lang siya at pumasok. At ang eksenang akmang sa

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 11

    NAISIP ni Saskia na magwalis-walis sa labas ng bahay ni Weston para naman mabawas-bawasan ang pagkaburyong na nararamdaman niya. Halos maghapon kasi siyang walang ginawa. Puro lang siya luto, kain, laba at linis na rin sa loob ng bahay.Madali kasi siyang natatapos sa gawain dahil iilang damit lang naman ang nilalabhan niya at ang niluluto niyang pagkain ay para lang din sa kanya. Ayaw nga siyang pagtrabahuhin ni Weston sa mga gawaing bahay, ngunit siya na rin ang nagkukusa dahil hindi siya sanay na walang ginagawa lalo na ngayong walang pinagkakaabalahan ang kanyang isip.Nasanay kasi siya sa stressful environment sa kompanya, na halos fully loaded ang buong araw niya sa trabaho. Kaya ngayon ay parang hinahanap-hanap iyon ng kanyang katawan at isip. Wala rin naman siyang problema sa mga gawaing bahay dahil marunong siya roon.Nasanay kasi siya na gusto niya ay alam niyang gawin ang lahat ng bagay. Kaya nga marami ang na-a-amaze sa kanya dahil sa kabila ng pagiging CEO niya, ay maruno

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 10

    KASALUKUYANG umiikot si Weston sa buong produksyon ng kanyang planta para mag-inspeksyon sa mga makinarya, pasilidad at mga produkto, pati na rin sa mga tao. Nalalapit na naman kasi ang gaganaping taunang audit kaya bilang isang CEO at may-ari ng kompanya, in terms of internal audit, ay siya na mismo ang kusang nag-a-audit sa buong plantasyon kasama ang mga head ng iba’t ibang departamento.Ginagawa niya iyon bago pa man dumating ang isang professional external auditor, para masiguro niya na nasa maayos ang lahat. Pagkatapos niyang magawa iyon, ay inipon naman niya sa meeting room ang lahat ng mga supervisory at team leader para i-discuss ang mahahalagang bagay na dapat baguhin sa mga patakaran, palitan ang mga luma at sirang mga makinarya o kagamitan, at ayusin ang iba pang mga bagay at detalye na na nagpapabagal sa takbo ng produksiyon.Ganoon siya ka hands-on sa sariling kompanya. Sinisigurado rin niyang nakakasunod ito sa mga pamantayan at regulasyon, maging sa tamang proseso at s

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 09

    TUWANG-TUWA si Vivian dahil sa wakas, ay tuluyan na niyang nasira ang kanyang pinsang si Saskia sa pamilya nito at maging sa nobyo nitong si Gerald. Bata pa lang siya ay inggit na inggit na siya rito, lalo na ‘t sampid lang siya sa pamilya Santos.Halos magkasing edad lang sila ni Saskia. Anim na taong gulang pa lang siya nang iwanan siya ng kanyang ina na kapatid ng tito Juancho niya sa poder ng mga ito. Pagkatapos noon, ay wala na siyang naging balita sa kanyang ina. Hindi na siya binalikan pa o kahit na ang magpakita man lang.Hindi rin niya kilala kung sino ang ama niya. Kaya lumaki siyang ang tita Sania niya na ina ni Saskia at ang tito Juancho niya na ama nito ang kinilala niyang legal guardians. Lahat ng mayroon si Saskia, ay mayroon din siya. Iisa lang din ang mga paaralang pinasukan nila simula elementary hanggang highschool. Medyo napariwara lang siya pagtuntong ng college kaya hindi siya nakapagtapos. Hanggang third year lang ang inabot niya kaya ang siste, naging secretary

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 08

    HINDI INAKALA ni Weston na mauuwi sa matinding pagtatalo ng buo niyang pamilya ang pagdala niya kay Saskia sa mansyon. Nahihinuha niyang maaaring hindi sumang-ayon ang pamilya niya sa biglaang pagkakaroon niya ng asawa, pero ang naganap na pagtatalo sa pagitan nilang pamilya ang hindi niya inaasahan.Halos hindi niya magawang lingunin ang katabi niyang dalaga na kanina pa humahagulgol sa pag-iyak. Siguro ay dahil sa labis na tensyon. Kahit siya ay hindi makapaniwala na ito pala ang limang taon nang kasintahan ng paborito at close na close niyang pamangkin na si Gerald.Oo, close na close sila at paborito niya rin ito dahil ito lang naman ang nag-iisa niyang pamangkin. Sampung taong gulang lang ang agwat niya rito dahil maagang nabuntis ang ate niya. Nakita niya ang sakit na nakalarawan sa mga mata ni Gerald nang ipakilala niya bilang asawa si Saskia. Kaya magulo rin ang kanyang isipan dahil sa mga nalaman.Naigarahe na lang niya ang kanyang sasakyan sa bakuran ng kanyang bahay, ay hin

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 07

    DAHIL SA KURYUSIDAD, ay unti-unting nilingon ni Saskia ang lalaking nagsalita mula sa kanilang likuran. Ganoon na lamang ang pagkabiglang rumehistro sa magandang mukha niya nang mapagsino ang lalaki.“Ge-Gerald?!” gulat na sambit niya sa pangalan nito.“Ba-Babe?” gulat na sagot din nito sa kanya.Nakakunot-noo naman at nakarehistro rin ang pagkalito sa mukha ng mga taong nasa paligid nila, lalong-lalo na si Weston.“Magkakilala kayo?” kunot-noong tanong ni Weston sa kanila, nagpalipat-lipat din ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Gerald.Sa halip na sagutin ni Gerald ang tanong ni Weston, ay iba ang isinagot nito.“Tito Weston, bakit kasama mo siya? Kailan pa kayo nagkakilala? At, kaano-ano mo siya?” sunud-sunod na katanungan ni Gerald.Samantalang siya naman ay sobra na ring naguguluhan. Bakit narito si Gerald? At bakit tito ang tawag nito kay Weston? Hindi kaya…“Magkamag-anak kayo?” naguguluhang tanong niya kay Weston at Gerald.“Yes, Baby. Pamangkin ko siya, anak siya ni ate Gla

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status