"Ganyan ka ba talaga kadesperada, Airith? Pati kapatid ko ay pipikutin mo para lang guminhawa ang buhay mo? Pera lang ba talaga ang habol mo sa isang lalaki?" Iyan ang katagang dumurog sa puso ni Airith sa muli niyang pagbabalik sa bahay ng pamilya Vergara, lalo pa't nagmula mismo ang mga salitang iyon sa dati niyang asawang si Sebastian. Anak ng pinakamayamang negosyante sa kanilang syudad si Airith Almazan, pero inilihim niya ang pagkakakilanlan niya sa pamilya Vergara. Kaakibat ng kontrata nilang kasal ni Sebastian ay itrinato lang siya sa pamamahay ng pamilya nito na higit pa sa isang katulong sa loob ng isang taon, hindi bilang isang manugang. Hindi lang iyon, napagdesisyunan pa ni Sebastian na makipaghiwalay sa kanya sa parehong araw na ibabalita niya sana rito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Makalipas ang dalawang taon, isang araw ay ipinadukot siya ni Stephen, ang nakatatandang kapatid ni Sebastian. Humingi ito ng tulong sa kanya at inalukan siya nito ng isang pekeng kasal upang tuluyan na nitong manahin ang kumpanya at maisalba sa nagbabadyang pagbagsak. Nalaman niya mula rito na mayroong makapangyarihang tao ang umaatake sa kumpanya ng pamilya Vergara kaya ito nalagay sa ganoong sitwasyon. Saka niya lang din nalaman na kagagawan pala mismo iyon ng kanyang ama, upang kaparusahan sa pang-aapi sa kanya ng pamilya Vergara noon. Sa kagustuhang ayusin ang ginawa ng kanyang ama, napagdesisyunan niya na tulungan si Stephen. Kasama ito ay muli siyang nagbalik sa bahay ng pamilya Vergara. Kalaunan, ang akala niyang pekeng kasal nila ni Stephen ay unti-unti na palang nagiging totoo kasabay ng unti-unting pagkahulog ng kanyang loob dito.
View More"You know, hindi lang talaga ako makapaniwala na naghiwalay kayong dalawa. Like, hindi ba't may matatag na kasunduan ang dad mo at si Lord Agustin? How could be that idiot so cold to you? Mas pinili niya pa ang Geraldine na 'yon eh alam naman nating mas mabango ka kaysa sa babaeng 'yon." nakangiwi sa inis na saad ni Erica.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa kahabaan ng pedestrian lane habang parehas na may dalang kape na nakalagay sa paper cup.Nakatitig lang si Airith sa hawak na baso ni Erica na medyo nayupi na sa pagkakahawak nito.Sumimsim siya sa kanyang baso. "Hindi naman alam ng pamilya Vergara ang naging kasunduan ni papa at Lord Agustin." wika niya.Sinubukan niyang sabihin pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala naman siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ay alam niyang sila iyong tipo ng mga taong hindi kailangang bigyan ng patunay. Kapag naniwala sila ay paplastikin ka lang nila. Pekeng makikisama sa'yo."Yeah, right. Hindi nga pala nila alam ang tunay na
Anong sasabihin niya kay Erica? Naturingan niya pa man din itong best friend pero ni wala man lang siyang binanggit dito na kung ano noon patungkol sa kanyang pagdadalang tao.Pinagmasdan niya muna ang numerong nakatipa na sa screen ng kanyang cellphone, bago napagdesisyunang pindutin ang call button niyon.Segundo lang ang lumipas, narinig niya ang boses ng kaibigan na puno ng buhay sa kabilang linya ng tawag. "Airiiiiiiith! I missed you so so so much! Kamusta ka na? I was waiting for you to call for like an eternity!" bulalas nito.Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Na-miss niya nang husto ang matinis at makulit na boses ng kaibigan."Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka na? Nag-chat ka man lang sana sa'kin bago ka umuwi nang nasalubong kita." wika niya."I did, Airith. Nag chat kaya ako sa'yo. Ikaw 'tong hindi ako sini-seen. Akala ko nagtatampo ka sa'kin, ganern. But I noticed na ilang araw ka nang offline. Anong pinagkakaabalahan mo bhie? Musta na kayo ni Dadd
"I-I'm sorry. Akala ko—""Leave," malamig na wika ni Airith.Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Muntik lang namang may mangyari sa kanila na muntik niya na namang pagsisihan.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pagbukas at pagsarado ng pinto. Pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama."What the hell is wrong with you, Airith? Muntik mo nang makalimutang may anak ka na!" panenermon niya sa sarili sa mahinang boses.Nagtalukbong siya ng kumot. Paano kung hinayaan niya lang si Stephen at nabuntis siya nito? Siguradong kakarmehin na siya ng kanyang ama kapag nangyari nga iyon.Kung anu-anong posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap sakali mang magkatuluyan sila ni Stephen ang naglalaro sa kanyang isip.'Did he just admitted that he's actually inlove with me? O parte lang 'yon ng kalasingan ko?' tanong niya sa kanyang isip habang inaalala kung totoo nga iyong ginawang pagtatapat ni Stephen sa kanya kanina.Iniiling-iling
"Awe, ang sweet naman nila, aren't they?" wika ni Geraldine sa mapaglarong tono habang nakayakap sa braso ni Sebastian.Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa gilid ng bulwagan habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero inagaw nina Airith ang atensyon ng mga ito maging na ang ibang bisita roon."Ooh, they're wild!" komento ng isa habang sinisiko ang katabi nito. "They should get a room, right?""What a lovely couple. Nakakainggit naman sila." wika rin ng isa."Ang swerte naman ni Mr. Stephen. Ang ganda-ganda ng mapapangasawa niya." puri naman ng isa pa. "Bagay sila sa isa't-isa."Naikuyom nalang ni Sebastian ang kamao nito matapos marinig ang mga iyon. Hindi nito kayang makita ang ginagawa ni Airith at Stephen kaya sa ibang direksyon ito ng bulwagan nakatingin.Para sa kanya ay mas lalo lang pinatunayan ni Airith kung gaano ito kadesperadang makapangasawa ng mayaman.Ang mas ikinaiinis pa nito ay pinuntirya ni Airith ang kanyang kapatid.Tumayo ito at naglakad papaalis."Sa'n ka pupunta? Are
Matapos ng ilang minutong paghahalughog nina Stephen sa buong bahay ay muli silang nagkita ni Tim sa may ibaba ng hagdan. Hinahanap nila ngayon si Airith.Nagpalitan sila ng tingin na sinundan ng pagtaas-baba ng balikat ni Tim. Ngayon ay mas lalo pang nag-alala si Stephen."Hindi kaya umuwi na 'yon at 'di lang sa'yo nagpaalam?" hinuhang tanong ni Tim."I don't think so. Magsasabi naman 'yon kung gusto niyang umuwi."Isa pa ay sa banyo ang sinabi nitong pupuntahan nito. Si Geraldine ang nakasalubong niya nang magtungo siya roon at sinabi nitong kakaalis lang ni Airith at pabalik sa bulwagan ang direksyon nito, hindi palabas ng bahay.Pero paano kaya kung nagbago ang isip ni Airith at napagdesisyunan nitong lumabas?Makaraan ng ilang saglit ay napasampal siya sa kanyang noo. Bakit ngayon lang iyon pumasok sa isip niya?"Bakit?" usisa ni Tim."I'll be right back. Check mo ulit sa grandhall baka bumalik siya ro'n."Tumango-tango lang si Tim at naghiwalay sila ng direksyon.Pagkarating niy
Kumabog ang dibdib ni Airith dahil sa sinabi ni Stephen. Isipin niya palang ay naiimahina na niya kung anong klaseng titig ang ipinupukol sa kanya ni Sebastian. Pagkadismya iyon, panigurado."Oh, Airith. Nandito ka rin pala," Tumabi si Geraldine kay Stephen. "Nice meeting you, again. Sorry about sa nangyari the other day. Hindi ko inaakalang... well, alam mo na." wika nito sa kanya sa tila nanunudyong tono na ikinukubli lang nito sa pilit nitong pagngiti."Geraldine, please." sita ni Stephen rito sa seryosong mukha habang makahulugan itong tinititigan."No, no, I didn't mean it that way," Mahinang natawa si Geraldine. "Na-curious lang ako. Airith was such a wonderful, kind... generous girl back then noong nasa college kami, but I don't know why they hate her so much. I mean... she's very lovely woman!" Mahina nitong siniko si Stephen sa tiyan. "Kaya nga nahulog ka sa kanya, hindi ba?""That's true," sang-ayon ni Stephen kasabay ng pagtaas-baba ng balikat, "But please, 'wag na nating
Nakaakbay si Stephen kay Tim nang pumasok sila sa loob ng bahay. Nakasunod lang si Airith sa mga ito habang balisa sa paggala ng tingin sa paligid, minumukhaan ang bawat taong makakasalubong nila.Pabilis nang pabilis ang kabog ng kanyang dibdib sa isiping nandoon at magkikita na naman sila ni Sebastian."Nag-text ka man lang sana, ha..." saad ni Stephen kay Tim.Medyo hinigpitan nito ang pagkakapulupot ng kamay nito sa leeg ni Tim habang kagat-kagat ang ilalim na labi na animo'y pinanggigigilan ito."If I did, malamang na hindi kayo pumunta." pagrarason nito kaya naman ay mas lalo pang hinigpitan ni Stephen ang pananakal dito."Airith, help!" paghingi ni Tim ng saklolo sa tila hirap na paraan.Kahit na tila makatotohanan ang ginagawa rito ni Stephen ay harutan lang nila iyon.Hindi siya umimik kaya naman ay huminto si Stephen sa ginagawa nito at hinarap siya."You alright?" tanong nito. "Sabihin mo lang, uuwi tayo kung gusto mo." wika nito sa mahinahong boses.Kahit papaano ay nagaga
Kinabukasan, bumalik na sila sa bahay na tinitirhan ni Stephen. Tahimik lang ito sa buong biyahe habang nagmamaneho ng kotse, bagay na ikinataka ni Airith.'Anong problema nito? Bakit hindi ito nagsasalita?'Dahil ba iyon sa nanghabol sa kanila kahapon? O baka dahil iyon sa video call niya kahapon kay Alicia? Alam na kaya nito ang tungkol sa kanyang anak?'Anong gagawin ko? Dapat ko bang aminin sa kanyang anak namin 'yon ni Sebastian?' tanong nito sa isip habang kagat-kagat ang gilid ng ilalim niyang labi.Samantala, ang nasa isip naman ngayon ni Stephen ay kung paano nito kokomprontahin si Airith patungkol sa tinatawag nitong baby. Umaasa ito na sana ay tama nga ang hinuha ni Wilbert na may kaibigan lang si Airith na Baby ang pangalan.'What a weird name to begin with? ha ha, Baby? Kapag pala tumanda na 'yon lola Baby ang tawag?'Hindi maiwasan ni Stephen na matawa sa sarili habang iniisip iyon."Akala ko may pinoproblema ka? Bakit pangiti-ngiti ka d'yan?" puna ni Airith dito."Ah...
"H-huh? W-wala. May kausap ba ako?" maang-maangan niyang tanong. Umayos siya ng upo at umaktong inosente.Bakit hindi niya namalayan ang pagpasok nito? Ganoon ba siya nakapokus sa kanyang cellphone?Tumikhim siya nang maramdaman na parang may namumuong plema sa kanyang lalamunan dahil sa paraan kung paano siya nito titigan. Nakakailang iyon.'Nakita niya ba kung sino ang ka-video call ko?' may pag-aalalang tanong niya sa isip. Nakita ba nito si Alicia?"Anyways,"Sa wakas ay pinutol nito ang pagtitig nito at naupo ito sa katapat na couch. Nakahinga rin siya nang maluwag na hindi niya ipinahalata.May inilapag itong puting folder sa center table na ngayon niya lang napansing dala-dala nito. Inilahad nito ang kamay nito at sinasabi nitong kunin niya iyon at tingnan.Suminghot muna siya bago iyon damputin. "Ano 'to?" tanong niya.Hindi ito tumugon sa halip ay hinayaan siyang basahin iyon.'Marriage license form?'"I thought... we're just having a fake wedding. Bakit kailangan pa nito?"H
"Airith! Airith!" sigaw na tawag ni Minerva habang nagmamadaling pumasok sa loob ng hardin kung nasaan ngayon si Airith. Nasa likuran nito at nakabuntot si Estela, isang katulong.Nawala ang sigla sa mukha ni Airith at nagtatakang napabaling ang tingin sa direksyon ng tarangkahan ng hardin nang marinig ang galit na boses ni Minerva. Binitawan niya ang hose na hawak niya at sinalubong ang mga ito."Bakit po tita?" bungad na tanong niya.Una niyang tiningnan ang nakangising mukha ni Estela bago balingan ng tingin ang hawak-hawak ni Minerva na ilang pirasong bahagi ng nabasag na banga. Nakaramdam siya ng kaba."Ikaw ba ang nakabasag nito?" tanong ni Minerva.Hindi agad nakatugon si Airith sa halip ay nagtatanong ang matang tiningnan si Estela. Hindi siya ang nakabasag niyon kung hindi ay si Estela mismo! Ipinasa na naman ba nito sa kanya ang kasalanan nito?Kapag sinabi niya ang totoo ay mas lalala lang ang paninirang gagawin sa kanya ni Estela. Kung anu-anong kasinungalingang paninira p...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments