Pagkatapos ng ilang oras na paghahanda ay heto ngayon si Airith sa labas ng HSS Restaurant. Pinili niya lang magsuot ng simple at eleganteng damit na naka-stock lang sa kanyang aparador at matagal niya nang hindi nagagamit, nag-aasam na sana ay tumugma iyon sa anumang ihahatid ng gabing iyon. Hindi rin gaano kakapal ang make-up niya sa kanyang mukha. Sapat lang iyon upang mas patingkarin pa ang kanyang natural na kagandahan.
Huminga muna siya nang malalim at itinuwid ang balikat bago napagdesisyunang pumasok sa restaurant. Hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang tiyan pero isinawalambahala niya lang iyon. Maaaring ang gabing ito ang maghatid sa kanya sa bagong kabanata ng kanilang buhay ni Sebastian at tsansang mabuo ang hinahangad niyang relasyon at pamilya. Pagkapasok ay may iilang kustomer ang napatingin sa kanya. Natural lang iyon na reaksyon ng mga tao kapag may napansing maganda sa paningin. Marahan siyang napalunok nang mapagtanto ang ilang matang nakasunod sa kanya. Binalewala niya nalang ang mga iyon at iginala ang paningin sa paligid. Halos lahat ng kustomer doon ay nagmula sa mararangyang pamilya na siyang sanhi ng mahinang bulungan ng pag-uusap at tunog ng mga kubyertos. Ang dingding na may kapansin-pansing mga naggagandahang disenyo na para bang humihigop ng liwanag sa kabuuan ng kwarto ay nag-iiwan lang ng mapanglaw na liwanag ng mga kandilang nakapatong sa bawat mesang may napakalinis at napakaputing mantel. Ito ang klase ng lugar na maririnig kahit mismo ang tunog ng nahulog na karayum—o ang tunog ng pusong nabasag nang milyon-milyong piraso. Sa paglilibot niya ng kanyang paningin, dumapo iyon sa isang lalaking nakaupong mag-isa sa may pinakagilid na mesa. Si Sebastian iyon. Nakasuot ito ng mamahaling kulay abuhing tuxedo na bumabagay sa malamig nitong awra. Bagay na bagay rin dito ang low fade na istilo ng buhok nitong marahil ay kanina lang nito ipinagupit. Mas gwapo pa itong tingnan ngayon kumpara sa araw-araw itong nakikita ni Airith. Habang papalapit siya sa kinaroroonan nito ay napansin niya ang seryoso nitong ekspresyon sa mukha habang nasa estado ng malalim na pag-iisip. Nakatitig lang ito sa kandila at parang kinakausap iyon sa pamamagitan ng tingin. Naupo siya sa katapat nitong upuan, saka lang ito nag-angat ng tingin sa kanya. Binati lang siya nito ng walang kaekspre-ekspresyon nitong mukha. Walang sinasabi na kung anuman, ngunit ang mga mata nito ay nangungusap na para bang may gustong kumawalang salita mula roon. Nailang si Airith sa titig na iyon ni Sebastian kaya ibinaling niya sa menu na nasa kanyang harap ang kanyang tingin at pasimpleng dinampot iyon, pakunwaring tinitingnan ang mga putahe sa listahan. "Pinili ko ang lugar na ito dahil ito ang pinakasikat na restaurant sa syudad," panimula ni Sebastian, tiningnan niya ito. Sumilay sa kanyang labi ang pilit na ngiti. "Salamat." naisambit niya lang pagkatapos ay muling ibinalik sa menu ang kanyang tingin. Namayani ang saglit na katahimikan sa kanilang dalawa. Patuloy sa pagbuklat si Airith ng menu na pinapasadahan niya lang ng tingin pero ang totoo ay lumilipad ang kayang isip. Gusto niya nang sabihin kay Sebastian ang balitang sa tingin niya ay magbabago ng kanilang pagsasama, hindi niya lang alam kung saan mag-uumpisa. Inaalala niya ang magiging reaksyon ni Sebastian higit pa man sa pagsasabi niya rito ng balitang iyon. Segundo pa ang lumipas, nagpagdesisyunan niyang magsalita. Ngunit nahinto sa kalagitnaan ang pagbuka ng kanyang bibig nang muling magsalita si Sebastian. "Hindi mo ako kailangang pasalamatan," sambit nito sabay patong ng brown envelope sa mesa. "Pinili ko talaga ang lugar na ito dahil sa tingin ko ay ito ang magandang lugar upang tapusin ang mga bagay." makahulugang sambit nito. Natigilan si Airith nang makita ang envelope. Pamilyar sa kanya iyon. Napalunok siya nang maramdaman ang biglang panunuyo ng kanyang lalamunan. Inaasahan niyang may kakaibang mangyayari sa gabing iyon na gaya ng pagtatapat ni Sebastian ng lihim nitong pagmamahal sa kanya, o hindi kaya ay talagang inimbitahan siya nitong kumain sa labas upang muling magsimula. Pero iba ang ipinapahiwatig ng brown envelope na nakapatong sa kanyang harapan. Itinulak iyon ni Sebastian papalapit sa kanya. "Ilang araw ko'tong pinag-isipan. Sa tingin ko ay ito na ang tamang oras upang gawin ito." saad nito nang walang kagatol-gatol at pag-aalinlangan. Ang boses nito ay kasinglamig ng yelo sa baso ng alak na hawak nito. Dinampot iyon ni Airith, saglit na sinalat ng kamay. "Ano 'to?" tanong niya kahit alam niya naman ang sagot. Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ni Sebastian. Tinitigan siya nito nang mariin. "Alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin, Airith. Pasensya na kung hindi ko naibigay sa'yo ang pagmamahal na hinahangad mo. Alam mong hindi ako masaya sa relasyon nating dalawa at alam ko ring hindi ka magiging masaya sa piling ko. Mas mabuti pang tapusin na natin 'to." Nagawa ni Airith sabayan ang titig na iyon ni Sebastian ng malikot niyang tingin. Tumatagos sa kanyang puso ang bawat salitang iyon na lumikha kaagad ng malalim na sugat. Hindi niya namalayan ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. Hindi siya umimik. Walang salita ang gustong kumawala sa kanyang bibig. Parang lahat ng iyon ay nalunok niya kasabay ng paglubog ng kanyang damdamin. Pinagmasdan niya ang hawak niyang envelope. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras habang binabasa niya ang salitang nakasulat doon. 'Divorce Papers.' Sa tulong ng liwanag ng mga aranya sa restaurant ay malinaw niya pang nabasa iyon sa kabila ng nanlalabo niyang paningin. Unti-unting pinupuno ng luha ang kanyang mga mata na kalaunan ay dumaloy rin sa kanyang pisngi patungo sa envelope na nag-iwan ng basang marka. Sa pamamagitan ng nanginginig niyang kamay ay binuksan niya iyon na lumikha ng napunit na ingay. Sa loob niyon ay ang mga legal na dokumento na siyang maaaring magputol ng huling tali ng kanilang pagsasama ni Sebastian. Tiningnan niya ang bawat pahina ngunit hindi iyon binasa. Binuklat niya lang iyon nang binuklat na para bang may hinahanap siyang kasagutan sa hindi niya alam na katanungan. Nang puntong basahin niya iyon ay napagtanto niya na hindi na mahalaga ang salitang 'bakit'. Ang lamig ng kanilang naging relasyon ay tuluyan nang namuo bilang isang yelo na kailanman ay hindi niya kayang mahawakan dahil sa sobrang lamig. Kahit na malaman pa ni Sebastian ang tungkol sa kanilang anak na kanyang dinadala ay wala ring silbi iyon. Mas gugustuhin niya pang tawaging makasarili kaysa magpakamartir sa pagmamahal na hindi niya kailanman matatamasa. Sa kabila niyon ay napagtanto niya ang isang kakaibang pakiramdam ng kaginhawaan habang nakatitig sa parte ng dokumento kung saan niya isusulat ang kanyang pirma. Kailangan niya lang pumirma, para sa kanyang kalayaan."Mapaglaro talaga ang tadhana, hindi ba?" bulong na tanong ni Airith sa bakanteng upuan sa kanyang tabi, kasalukuyan siyang sakay ng bus. Ang mapupungay niyang mata ay kakikitaan ng lungkot na maaaninag sa repleksyon ng mamasa-masang salamin ng bintana.Pagkatapos ng masalimuot na gabing iyon, madaling araw palang ay napagdesisyunan niya nang lisanin ang bahay ng pamilya Vergara. Hindi na siya nagpaalam. Alam niya rin namang wala silang pakialam at baka nga ikatuwa pa nila ang ginawa niyang iyon.Napatitig siya sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang bawat gusali, imprastraktura at mga punong nadaraanan ngunit parang tumatagos sa mga iyon ang kanyang paningin. Ramdam niya ang lamig ng upuang gawa sa katad sa pamamagitan ng kanyang palad habang ang kanyang mga daliri ay abala sa pagtapik doon kasabay ng hindi panatag na pagkabog ng kanyang dibdib.Binabalot ang kanyang isip ng napakabigat niyang desisyon. Dalawang linggo na siyang buntis simula nang may nangyari sa kanila ni Sebastian,
Ang mga araw ay naging linggo, hanggang sa naging buwan, kasabay niyon ang unti-unting paglaki ng tiyan ni Airith. May mga araw na bumibisita sila ni Clara sa lokal na doktor na siyang kumukumpirma sa mabuti niyang kalusugan pati na ang bata sa kanyang sinapupunan.Ang maliit na bayan na iyon na may sariling ritmong nakasanayan na niya katulad ng dati. Unti-unti ay natututunan niyang magsimula kasabay ng mga simpleng gawain sa pang-araw-araw katulad na lamang ng pagtulong niya kay Clara sa mga gawaing bahay. Higit sa lahat ay ang nakahiligan niyang gawin tuwing hapon: ang pagdidilig at pag-aalaga ng halaman na kay Clara niya lang din natutunan. Sa gabi naman ay nauupo lang siya sa hardin na iyon sa ginawa ni Hector na kawayang upuan, makikinig ng mapayapang tunog ng mga tuyong dahon na tinatangay ng hangin at huni ng mga kuliglig. Tatanaw sa naggagandahang bituin sa kalangitan at paminsan-minsang kumakanta habang sapo ang kanyang tiyan.Isang dapit-hapon, habang pinagmamasdan nila ang
"Bakit hindi mo man lang ipinaalam sa'kin ang nangyayari sa'yo sa loob ng isang taon, Airith?" Umalingawngaw sa kabuuan ng kwarto ang boses ni Arthur kung nasaan sila ngayon. Mapapansin din ang pagbakas ng ugat nito sa may sintido nito na naglalarawan kung gaano ito kagalit ngayon. "Isang buong taon?" mariin pa nitong dugtong.Hindi mapakali si Airith sa pagkiskis ng kanyang isang palad sa kanyang hita habang nakasapo sa sinapupunan ang isa. Nakaupo lang siya sa kama habang tinatanggap ang panenermon ni Arthur."S-Sir Arthur, kalmahan niyo lang po ang sarili niyo. Maaaring maapektuhan po ang ipinagbubuntis ng anak ninyo." malumanay na saad ni Clara, nakatayo lang ito malapit sa may pinto habang may pag-aalala sa itsura.Narinig nila ang malalim na pagbuntong hininga ni Arthur. "Ang mga siraulong pamilyang iyon," bulong nito, partikular na nakatingin kay Clara. "Anong karapatan nilang ganituhin ang anak ko?"Muli, hindi umimik si Airith sa sinabing iyon ni Arthur. Ayaw niya lang magsab
Bumagsak ang balikat ni Airith dahil sa sinabing iyon ni Arthur. Gayunpaman ay hindi siya nawalan ng pag-asang baguhin ang isip nito.Lumuhod siya sa harapan nito, mapupuna sa mata ang pagmamakaawa. "Nakikiusap po ako sa inyo, Papa. Huwag niyo na pong parusahan ang pamilya ni Sebastian. Kalimutan nalang po natin ang nangyari sa'min."Nagsalubong ang kilay ni Arthur dahil sa suhestiyon ng anak. Ganito ba talaga kamahabagin si Airith? Siya itong inapi ng pamilya Vergara, hindi ba't siya dapat itong mas nakakaramdam ng galit sa pamilyang iyon?Si Clara, na mas tumindi pa ang pag-aalala sa mukha nang lumuhod si Airith, ay dali-daling lumapit sa kanya upang alalayan siyang muling maupo sa kama. "Jusko hija, hindi mo kailangang gawin 'to," nag-aalalang sambit nito pagkatapos ay binalingan ng tingin si Arthur. "Sir, nakikiusap rin po ako sa inyong pakinggan niyo nalang ang hinihiling ng inyong anak. Mas importante ang kalagayan ni Airith ngayon kaysa sa paghihiganti sa pamilya Vergara. Isa p
Matapos ng ilang saglit ay napagdesisyunan din ni Airith na bisitahin ang simbahan. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad sa tahimik na kalsada, isang itim na kotse ang huminto sa kanyang tabi.Sa una ay napakunot lang ang noo niya dahil wala siyang ideya kung bakit iyon huminto nang ganoon kaalanganin. Pero nang makita ang dalawang lalaking nakaitim na bumaba mula roon at parehong nakabonet, doon na siya nagsimulang kabahan. Dahil sa pagkabigla ay hindi na niya nagawa pang maikilos man lang ang kanyang mga paa upang subukang tumakbo."Sumama ka sa'min nang mahinahon. Pangakong hindi ka namin sasaktan." utos na sambit ng isang lalaki habang pwersadong hinila ang kanyang kamay papasok sa back seat."S-sino kayo? Anong kailangan niyo sa'kin?" usisa ni Airith sa nanginginig na boses.Hindi nag-abalang tumugon ang mga ito. Itinali ng isang lalaki ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likuran at piniringan ang kanyang mata ng itim na panyo. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumama nalang
"A-anong ibig mong sabihin? K-kasal?" gulat na tanong ni Airith, mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa magkabilang kwelyo ng blazer jacket na nakapulupot sa kanyang katawan."Hayaan mo akong magpaliwanag," saad ni Stephen, naging desperado ang mga mata nito. "Our company is on the verge of bankruptcy. Ako lang ang tanging makakapagsalba ng aming kumpanya." Saglit itong huminto. "May tradisyon ang aming pamilya, marahil ay alam mo 'yon. Saka ko lang pwedeng manahin ang aming kumpanya kapag kasal na ako. And I chose you Airith, to have a fake marriage with me."Tila saglit na nahilo si Airith dahil sa narinig. Pekeng kasal upang maisalba ang kumpanya nila? Anong nangyari sa pamilya Vergara sa loob ng mahigit dalawang taon at humantong sila sa ganito?Bago niya nilisan ang pamilya Vergara ay nasa masaganang estado pa noon ang kanilang kumpanya. Naalala niya ang pag-uusap nila noon ng kanyang ama tungkol sa gagawin nito sa kanila at agad pumasok sa kanyang isip na baka naapektuhan niy
Hindi agad nakasagot si Arthur na tila may kausap sa kabilang linya ng tawag. "I'm sorry Airith, sa ibang araw nalang natin 'to pag-usapan. May importanteng meeting pa kami." Pagkasabing iyon ni Arthur ay pinatay nito ang tawag.Napabuntong-hininga nalang si Airith pagkatapos ay muling ibinulsa ang kanyang cellphone. Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.Ang kanyang ama nga ang may kagagawan ng palihim na pamiminsala sa kumpanya ng pamilya Vergara sa puntong namimiligro ito ngayong bumagsak. Ginawa iyon ng kanyang ama sa kagustuhang ipaghiganti siya sa ginawa ng pamilya Vergara sa kanya noon. Nalalagay rin lang na naging isang malaking papel siya sa ginawang iyon ni Arthur.Muling bumalik sa kanyang alaala ang malamig na mukha ni Sebastian. Ang lalaking ibinaon niya na sa limot kasabay ng pagpapahilom ng sugat niya sa kanyang puso."Ayoko nang makita pa ang lalaking iyon, pero anong gagawin ko?" bulong na tanong niya sa sarili.Isang butil ng luha ang dumaloy sa kanyang p
Sumunod na linggo ay isinama siya ni Stephen papunta sa bahay ng pamilya Vergara. Iniwan niya si Alicia sa pangangalaga ni Clara. Nang tanungin siya ni Clara kung saan siya pupunta ay sinabi niya lang na gusto niya munang magbakasyon. Hindi niya gustong magsinungaling pero ayaw niya lang mag-alala sa kanya si Clara. Isa pa ay baka mabanggit nito ang kanyang gagawin sa kanyang ama.Huminto ang pulang Porche katabi ng ibang kotse sa parking space ng bahay ng pamilya Vergara. Bumaba mula roon si Stephen na nakasuot ng itim na notch lapel suit na pinaparisan ng itim ding bowtie habang puting long sleeve ang kanyang nakapanloob. Agad na umikot ito upang pagbuksan si Airith ng pinto.Marahang bumaba si Airith, ang kanyang tingin ay nakapako lang sa bahay ng pamilya Vergara. Kasabay ng pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib, hindi mabilang na alaala ang muling hinukay ng kanyang memorya patungkol sa kanyang karanasan sa bahay na iyon. Halos lahat ng iyon ay mapapait, bilang lang sa daliri ang m