ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

last updateLast Updated : 2024-02-01
By:   Re-Ya  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
60Chapters
5.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter One

Malamig na sa balat ang hanging pumapasok sa bukas na bintana ng kanyang sinasakyang bus. Sinilip ni Rose ang oras mula sa relong suot. Kulang sampung minuto ay mag iika-anim na ng gabi. Kagat na ang dilim ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya mamalas ang kagandahan ng paligid. Pagka't nagagalak siya sa tuwing may nakikitang interesante sa kanyang paningin. Panay ang kuha niya ng litrato. Kaya laging nakahanda ang kanyang kamera. Marahas na bumuntong- hininga ang katabi niyang matanda. Kanina pa niya napapansin ang pamaya't-maya nitong pagsulyap sa kanya. Mula pa sa terminal ng San Jose ay kasabay na niya ang matandang babae. Sinubukan niya itong batiin kanina bago umandar ang sinasakyan nila. Nais niya sanang magbukas ng usapin naisip niyang masarap din may ka-kwentuhan sa byahe. Maliban kasi sa makakakalap siya ng mga impormasyon ay bawas inip na rin. Subalit ni hindi siya pinansin ng katabi. Bagkus ay iniiwas nito ang tingin sa kanya kaya't ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Re-Ya
Good evening! Nais ko lamang po na magpasalamat sa lahat nang naglaan ng oras at panahon para basahin po ang aking akda. Nawa po ay inyong naibigan ang kuwento nila Dmitri, Rose at Alexander....️
2024-02-08 01:02:25
2
60 Chapters
Chapter One
Malamig na sa balat ang hanging pumapasok sa bukas na bintana ng kanyang sinasakyang bus. Sinilip ni Rose ang oras mula sa relong suot. Kulang sampung minuto ay mag iika-anim na ng gabi. Kagat na ang dilim ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya mamalas ang kagandahan ng paligid. Pagka't nagagalak siya sa tuwing may nakikitang interesante sa kanyang paningin. Panay ang kuha niya ng litrato. Kaya laging nakahanda ang kanyang kamera. Marahas na bumuntong- hininga ang katabi niyang matanda. Kanina pa niya napapansin ang pamaya't-maya nitong pagsulyap sa kanya. Mula pa sa terminal ng San Jose ay kasabay na niya ang matandang babae. Sinubukan niya itong batiin kanina bago umandar ang sinasakyan nila. Nais niya sanang magbukas ng usapin naisip niyang masarap din may ka-kwentuhan sa byahe. Maliban kasi sa makakakalap siya ng mga impormasyon ay bawas inip na rin. Subalit ni hindi siya pinansin ng katabi. Bagkus ay iniiwas nito ang tingin sa kanya kaya't
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
Chapter Two
Masakit na ang mga paa niya sa walang habas nilang kalalakad na tila wala nang katapusan. Muli siyang nagmaka-awa sa mga taong bumitbit sa kanya. Subalit mistulang bingi ang mga ito sa kanyang pakiusap. Bagkus ay siyang-siya pa ang mga bruho habang pinagmamasdan siya sa napaka-miserableng kalagayan. Naramdaman niya ang pagsabit ng jeans sa mga sangang nakausli sa daraanan. Gumuhit ang kirot sa kanyang binti nang dumaplis ito sa balat niya. Gusto niyang humiyaw sa sakit. Habang daan ay nasampal niya ang lalaking naka-itim at naka kupasing itim na jacket. Tinawag itong Batik ng mga kasama. Siguro ay dahil sa mga patsi-patsing kulay itim nito sa mukha. Diring-dire siya nang subukan siya nitong halikan sa labi. Mabuti na lamang at sinaway ito ng isang kasamahan. Anang lalaki ay isurender daw muna siya sa nangangalang pinunong Horan. Kailangan raw mag pigil ng lalaki at baka samain sila. Saka na raw sila magpyesta pagkatapos ng pinuno. Nag-alburoto ang lala
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
Chapter Three
Masukal ang kagubatan. Duda si Rose kung makakalabas pa siya ng buhay. Ni wala siyang palatandaan palabas para makarating man lang sa pinakamalapit na bayan. Hindi na nga niya alam kung saang panig na sya ng Cotabato. Fighter siya at hindi basta-basta sumusuko, pero sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasang panghinaan ng loob at tuluyang mangamba sa pansariling kaligtasan. Ipinilig niya ang ulo at ilang beses na nagpikit mata. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano makakatakas sa mala- impiyernong kinasasadlakan. Hindi siya maaring magtagal sa lugar na ito, kundi ay tuluyan siyang mapapahamak. Naalarma siya nang may maramdaman na mga paggalaw. Bumukas ang kawayang pinto. Mabilis siyang bumalikwas sa pagkakaupo at pagkakasandal sa pawid na digding tumayo at sinino ang pumasok sa kinaroroonang kubol. Pumasok ang lalaking naka-leather jacket kanina. She gasped at the sight of him. Kasunod nito ang isang binatilyo na sa tingin niya ay naglalaro sa labing
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
Chapter Four
Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Rose. May kung anong magaspang na bagay na dumadama sa leeg niya. Pinilit niyang idilat ang nakapinid na mga mata para lamang manlaki nang mapagsino ang pangahas na nilalang sa tabi niya at tila demonyo sa pagkakangisi. At bago pa man siya makapiyok ay mabilis na tinakpan ng lalaki gamit ang nanlilimahid nitong kamay ang bibig niya. Nangatal siya sa takot. Nang mga sandaling iyon ay batid niyang nasa totoo siyang panganib. "Sshhh. Hindi na ako makapag-pigil sayo napakaganda mong babae. Para kang labanos sa kaputian," takam na takam na tinuran ng bandidong si Batik sa kanya. "Ikaw na ata ang pinakamasarap na karne na naligaw dito sa gubat kung sinuswerte nga naman. Kumbaga sa delata isteytsayd ka." patuloy pa ng lalaki. Ang mata nitong mabalasik ay napuno ng pagnanasa habang hinahagod siya ng tingin. Pangit na nga ang lalaki ay nagmukha pa itong satanas sa harap niya. Kulang na lang ay tubuan ito ng sungay. Pumalag siya nang ma
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
Chapter Five
Bagama't tila nauupos na kandila ang pakiramdam ay pinanatili niya ang malay. Nagulat siya nang marinig na napagibik si Batik maya-maya. Sa nanlalabong mata ay pilit niyang binanaag ang lalaki. Labis ang kanyang pagkagitla nang makita na nakaangat ang mga paa nito sa lupa at sakal-sakal ng isang malaking bulto. Malakas na pinadapuan ito ng suntok sa mukha ng lalaking nanghimasok. Bumalandra si Batik at bumulagta. Sumargo ang ilong at binulwakan ng sariwang dugo ang bibig nito. Sinugod muli ang hindi niya nakikilalang lalaki at makailang ulit na tinadyakan sa dibdib ang maapangahas na bandido. Hindi pa nakuntento at pinuntirya nito ang mukha ng tulisan. Halos mabasag ang mukha ni Batik sa suot na combat shoes ng lalaking nangahas na atakehin ito. Gulapay at hindi na gumagalaw ang tampalasan. Sa wari niya ay nawalan na ito ng ulirat. Subalit hindi pa rin ito tinatantanan ng lalaki. Napasinghap si Rose sa panghihilakbot. Ganoon pala ang pakiramdam nang makasaksi ng pagpatay. Nak
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
Chapter Six
Akmang magpupumiglas na sana si Rose nang magsalita ang may-ari ng kamay. "Ako to." "Dimitri?" aniya at mabilis itong nilingon. Tinanggal ng lalaki ang suot na bonnet. Napasinghap ang dalaga nang tuluyan itong mapagmasdan. Nakaramdam siya ng kaluwagan ng loob. Sinuri ni Dimitri ang sugat niya na para bang malinaw nitong nakikita iyon Mabilis nitong hinablot ang bandana sa leeg at itinali sa kanyang binti sa parteng naroon ang sugat upang maampat ang pagdurugo. Sabay pa silang napalingon nang maulanigan ang paparating na mga yabag at nag-aanasang mga boses. "Halughugin ang gubat maging kasukal-sukalan nito. Maaaring hindi pa nakakalayo ang mga iyon. Dalhin niyo sa akin ng buhay ang babae at ang pangahas na pakialamero." Boses iyon ni Horan. Nanggagalaiti ito sa galit. Napatingin siya kay Dimitri, naroon ang pagkabahala at muling pagkabuhay ng takot. Nakatitig din ang lalaki subalit wala siyang mabanaag sa mukha nito na anumang reaksyon. Pinanatili nito ang pagigin
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Chapter Seven
Pinaandar na muli ni Dmitri ang motorsiklo nito at nagpatuloy. Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay nanlaki ang mata ng dalaga nang maramdaman ang solidong masel ng lalaki sa tiyan. Juice ng mga inumin! Steely body, oh my Jeez! Nakaka-tense ang abs. Six or could it be eight packs? It makes her hormones unruly and agitating. Her body started to tremble. Nakakahiya! Upang maiwasan ang labis na pagkailang ay inabala ni Rose ang sarili sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay madaling araw na. May gahibla na rin ng liwanag na sumisilip sa dako pa roon ng silangan. Rough road ang tinatahak nilang kalsada. Sunod-sunod ang pagkakalubak nila kaya't napapadalas ang higpit ng yakap niya kay Dimitri na mukhang hindi naman nito alintana. Malayo-layo na rin ang kanilang nalalakbay nang pumasok sila sa isang maliit na baryo. Huminto sila sa harap ng isang katamtamang bahay na hati sa semento at kahoy ang pagkakagawa. Napapalibutan ito ng mga nagtatayugang puno na hin
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Chapter Eight
Isa pa uling malalim na pagbuga ng hangin ang ginawa ni Dmitri. Tuluyan na siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya hindi komportable sa kanyang pwesto. Pinagkasya niya lang kasi ang sarili sa mahabang upuang yantok na nasa sala sa nakabaluktot na posisyon. Minabuti niyang maupo na lamang sa upuang yari sa kawayan. Sinulyapan niya ang nakapinid na pinto. Tahimik na sa kanyang silid patunay na maaaring mahimbing nang natutulog ang kanyang hindi inaasahang panauhin. Naisapo ni Dmitri ang dalawang palad sa mukha, inihilamos, pagkuway tumayo sya at nagpabalik-balik ng lakad sa may katamtaman niyang sala. Andun iyong pinagkikiskis niya ang dalawang palad at muling mapapasulyap sa kanyang kuwarto. Hindi siya madalas magkabisita kaya ang kaalamang may ibang tao sa loob ng kanyang pamamahay ay nagdadala ng labis na alalahanin sa kanyang isipan. Nadagdag pa tuloy sa kanyang isipin ang estrangherang babae. Hirap tuloy siyang dalawin ng antok dahil sa bilis ng mga pangyayari. N
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Chapter Nine
Napukaw ang pansin ni Dimitri sa munting kaluskos sa bahagyang liwanag. Kinapa niya ang beretta sa tagiliran at nakiramdam sa paligid. Dama niya ang mga matang nagmamanman sa 'di kalayuan. Nang masigurong hindi panganib ang dala nito ay muli niyang itinago ang baril. "Labas na, alam kong ikaw iyan Bugoy. Baka manuno ka pa sa katatago riyan sa halamanan," aniya. Lumitaw ang binatilyo at mabilis na lumapit sa binata. "Kuyang, kumusta po si ma'am snow white?" Agarang tanong ni Bugoy at saglit na sumilip sa loob ng bahay. "Natutulog na siguro.Anong balita sa bundok?" usisa niya. "Patay na si Batik napuruhan mo po kuyang. Galit na galit si pinuno at mahigpit na pinag-hahanap si ma'am at maging ikaw. Ahh... ang ibig ko pong sabihin ay iyong, tumulong kay ma'am na makatakas." Sagot ng binatilyo. "Naghinala ba sila?" "Hindi pero inutusan niya akong paakyatin ka ng bundok. Inaatasan ka niyang siyang maghanap sa dalawang tumakas. Hinigpitan na rin ang pagbabantay sa San Fab
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Chapter Ten
🌹Chapter Ten🌹Tunog ng humintong motorsiklo sa labas ang marahas na nagpalingon kay Rose sa pintuan. Agad siyang napatayo, kilala niya ang ingay na iyon ng sasakyan. Kumabog ang dibdib ng dalaga. Saglit pa at bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa ang lalaki. Pakiramdam ni Rose ay tumalon ang puso niya nang tuluyang masilayan si Dimitri. Nabuhayan siya ng loob at dagling naparam ang kanina'y bumangong takot. Tinakbo niya ang lalaki at sinalubong ng yakap, ang luhang nagsimulang bumukal ay mabilis na dumaloy at nauwi sa mahinang paghikbi. "Damn it. Where have you been and what took you so long? Don't ever do that again. You scare me you freak." she burst out. Si Dimitri ay nagulat hindi agad nakakilos. Nabigla ito. Hindi nito inasahan ang ganoong pagsalubong mula sa kanya. Si Rose ay nabigla rin at agad na natauhan. Agad siyang bumitaw sa pagkaka-yakap kay Dimitri. Napayuko at nakaramdam ng hiya. "I...I'm sorry," mahinang anas niya. My God, ano bang pumasok sa isip niy
last updateLast Updated : 2024-01-22
Read more
DMCA.com Protection Status