Share

Chapter Six

Author: Re-Ya
last update Huling Na-update: 2024-01-18 19:02:21

Akmang magpupumiglas na sana si Rose nang magsalita ang may-ari ng kamay.

"Ako to."

"Dimitri?" aniya at mabilis itong nilingon.

Tinanggal ng lalaki ang suot na bonnet.

Napasinghap ang dalaga nang tuluyan itong mapagmasdan.

Nakaramdam siya ng kaluwagan ng loob.

Sinuri ni Dimitri ang sugat niya na para bang malinaw nitong nakikita iyon

Mabilis nitong hinablot ang bandana sa leeg at itinali sa kanyang binti sa parteng naroon ang sugat upang maampat ang pagdurugo.

Sabay pa silang napalingon nang maulanigan ang paparating na mga yabag at nag-aanasang mga boses.

"Halughugin ang gubat maging kasukal-sukalan nito. Maaaring hindi pa nakakalayo ang mga iyon. Dalhin niyo sa akin ng buhay ang babae at ang pangahas na pakialamero."

Boses iyon ni Horan. Nanggagalaiti ito sa galit. Napatingin siya kay Dimitri, naroon ang pagkabahala at muling pagkabuhay ng takot.

Nakatitig din ang lalaki subalit wala siyang mabanaag sa mukha nito na anumang reaksyon.

Pinanatili nito ang pagiging kalmado.

Inalalayan siya nitong makatayo at sa pagkabigla niya ay muli siyang binuhat mula sa likod at patakbong lumayo sa lugar.

Kumapit na lamang siya ng husto sa lalaki. Ilang sandali pa ay narating nila ang tinutukoy nitong talon.

Marahan siyang ibinaba ni Dimitri malapit sa pampang pagkatapos ay ikinasa nito ang hawak na baril.

Mukhang nakaamoy ng panganib.

Nagpalinga-linga si Rose, wala siyang maaninag kundi puro kadiliman.

Nataranta siya nang marinig ang mga kaluskos na paparating.

Awtomatikong napahawak siya sa braso ni Dimitri. Inatake sya ng takot.

"Pag sinabi kong talon, tumalon ka." mariing bulong ni Dmitri sa kanya.

"What?" she uttered.

Sobrang dilim ng paligid datapuwat naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa malapitan ay hindi naman niya maaninag kung ano mayroon sa ilalim ng talon.

"Are you crazy?" Bulong niya rin sa lalaki." 'No. Hindi ako tatalon diyan. Ni hindi ko nga alam kung ano mayroon sa ilalim niyang ilog." protesta niya.

"Isa pa, I don't even know how to swim, kaya no ... over my dead b..."

Hindi pa man niya natatapos ang mga litanya ay may sumulpot na dalawang lalaki. Armado ang mga ito. Napasigaw siya.

Mabilis itong pinaputukan ni Dimitri.

Timbuwang ang dalawa at sabay na bumulagta sa lupa, wala ng buhay.

"Talon na..." Ang naiiritang utos ni Dimitri.

"No," pagmamatigas niya.

Napabuga sa hangin ang lalaki. Napipikong kinabig si Rose at walang sabi-sabi ay hinawakan sa mga bisig ang dalaga at isininama patihulog sa talon.

Kinain ng kadiliman at ingay ng lagaslas ng tubig ang malakas na sigaw ni Rose. Naramdaman na lamang nito ang mabilis na pagbulusok nila sa tubig. Nangatal sa takot ang dalaga. Mabilis na napuno ng tubig ang bibig nito.

Agad na ikinawag ni Rose ang mga kamay sa tubig. Naramdaman nito ang pangangapos ng hininga at pagkawala ng hangin sa katawan. Mahapdi na rin ang mga matang pirmes na nakadilat.

Hustong papanawan na ng ulirat ang dalaga nang bigla ay may humila sa kamay nito paibabaw.

Inihiga siya ni Dimitri sa damuhan. Nagsunod-sunod ang ginawa niyang pag ubo dahil sa maraming tubig na nainom.

Marahan siyang hinagod ni Dimitri sa likod. Pinalis niya ang kamay nito at nagpumilit na bumangon. Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaki.

"You freak! Papatayin mo ba ako ha? Sinabi kong hindi ako marunong lumangoy. You scared me to death, you bastard." She's yelling at him.

Si Dimitri ay tila naman natigilan at nanatiling nakamata lamang sa dalaga.

Ni hindi pinansin ang panininghal ni Rose. Mas lalong nakaramdam ng pagkainis ang babae.

"Anong akala mo sa akin palabas sa sine na basta na Lang panonoorin? Say something my goodness!"

Patuloy na pagtataray ng dalaga.

Nanatili pa ring walang imik si Dimitri. Sa halip ay hinubad nito ang leather jacket na suot.

Pareho silang basa kaya kitang-kita ni Rose ang paghakab ng manipis at puting kamiseta nitong panloob sa matipuno nitong katawan.

Namangha ang dalaga at mabilis na nag -iwas ng tingin.

"Bago ka magbu-bunganga diyan, ayusin mo iyang sarili mo." Sa wakas ay rinig niyang turan ng lalaki.

Sa nagtatakang ekspresyon ay lumipad ang tingin niya kay Dimitri. Nakatayo na ito habang nakatunghay sa kanya.

Sinalubong ng lalaki ang mga titig niya sa nagdidikit na kilay.

Siyete naman! bakit ba ang sexy nitong tingnan sa ganuong gestures.

"Dibdib mo nakaluwa." anang bandido sabay hagis sa kanya ng nahubad na nitong jacket.

Mabilis niyang sinuri ang harapan. Nag-init ang mukha niya.

Shit! Nakaluwa nga ang isa niyang bogelya at ni hindi man lamang niya napansin.

Mabilis niyang ipinantakip ang jacket ni Dimitri sa nakahantad na dibdib.

Hindi sya makatingin ng diretso sa lalaki. Ang yabang pa niya sa pagharap rito kanina, ngayon ay mistula syang halamang makahiya na biglang tiklop dahil sa kahihiyan.

Naalala niyang winarak pala ni Batik ang blusa niya at dala marahil nang pagbulusok nila sa tubig ay nawala naman sa tamang pagkakakabit ang suot niyang bra.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit natitigilan ang lalaki kanina habang nakamata sa kanya. Ang Herodes at hindi man lamang sinabi agad.

Samakatwid ay para nga itong nanonood ng mala-SPG na palabas sa sine.

She looked away and cleared her throat. Inayos niya ang suot na bra at pagkatapos ay isinuot ang jacket upang mapagtakpan ang munting kahubdan.

Ahhh. Gusto niyang magmaktol at magpapadyak sa inis. Isang araw pa lang kung tutuusin niyang nakakasama ang bandido pero kung anu-ano na ang natuklasan nito sa kanya.

Nang masigurong maayos na siya ay sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ng kasama. Napansin niyang may bagay na kinakalikot si Dimitri sa may halamanan. Pilit iyong hinahawi ng lalaki. Tumambad sa mata niya ang isang motorsiklo maya-maya.

Mukhang sadyang nakahanda na ito doon. Binuhay nito ang makina at sinulyapan siya.

"Kaya mo bang iangat iyang binti mo?" tukoy nito sa parteng may sugat.

Marahan siyang tumango sa kabila ng kahihiyang inabot.Sinimulan namang paandarin ng lalaki ang motorsiklo palapit sa kanya.

Sinabihan siya ni Dimitri na sumakay. Hindi na siya nag-atubili at dali-daling sumunod. Batid niyang hindi pa sila lubos na nakakalayo.

Balwarte ng mga ulupong ang kagubatan kaya maaaari pa rin silang masundan.

Sa pagkakadaiti ng kanilang mga katawan ay di niya maiwasang mailang. Hindi niya rin alam kung saang parte ng katawan ni Dimitri kakapit. Hindi pa naman siya sanay sumakay ng motorsiklo.

Lakas loob siyang humawak sa magkabila nitong balikat, pilit na inia-atras ang sarili sa likod ng lalaki upang hindi sila masyadong magdikit.

Kakatwang hindi sila sumasabit man lang sa mga kadawagan, gayung latag pa rin ang dilim sa paligid.

Tila sinadya ng buwan at mga bituin na 'wag magpakita, upang maitago sila ng dilim mula sa mga masasamang loob na siguradong naghahanap at humahabol pa rin sa kanila.

Sinadyang wag buhayin ng lalaki ang ilaw ng motorsiklo nito.Pansin ni Rose na kabisado ni Dimitri ang kasulok-sulukan ng gubat. Tila sigurado ito sa daang tinatahak. Sabagay tahanan nitong maituturing ang kabundukan. Mga tulisan nga eh.

May mga pagkakataon na nalulubak sila kaya't napapa-kapit siya ng mahigpit sa lalaki dahil sa takot na malaglag.

Nakaligtas nga siya sa mga manyakis na buwitre muntik naman siyang malunod sa ilog at kung mamalasin pa ay maaari siyang mabagukan ng ulo pag nagkataong mahulog siya mula sa motorsiklo.

Naramdaman niyang bumagal ang paandar ni Dimitri hanggang sa tuluyan nga nitong inihinto ang sasakyan.

"Puwede bang 'wag ka sa balikat ko humawak? Nahihila mo ako. Malapit na tayo sa highway. Madidisgrasya pa tayo sa ginagawa mo." Reklamo ng lalaki.

"Eh saan ba dapat huma---."

Hindi na natapos ni Rose ang nais sanang itanong nang abutin ni Dimitri ang dalawa niyang kamay at pinagsalikop sa

baywang nito.

Kaugnay na kabanata

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Seven

    Pinaandar na muli ni Dmitri ang motorsiklo nito at nagpatuloy. Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay nanlaki ang mata ng dalaga nang maramdaman ang solidong masel ng lalaki sa tiyan. Juice ng mga inumin! Steely body, oh my Jeez! Nakaka-tense ang abs. Six or could it be eight packs? It makes her hormones unruly and agitating. Her body started to tremble. Nakakahiya! Upang maiwasan ang labis na pagkailang ay inabala ni Rose ang sarili sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay madaling araw na. May gahibla na rin ng liwanag na sumisilip sa dako pa roon ng silangan. Rough road ang tinatahak nilang kalsada. Sunod-sunod ang pagkakalubak nila kaya't napapadalas ang higpit ng yakap niya kay Dimitri na mukhang hindi naman nito alintana. Malayo-layo na rin ang kanilang nalalakbay nang pumasok sila sa isang maliit na baryo. Huminto sila sa harap ng isang katamtamang bahay na hati sa semento at kahoy ang pagkakagawa. Napapalibutan ito ng mga nagtatayugang puno na hin

    Huling Na-update : 2024-01-18
  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Eight

    Isa pa uling malalim na pagbuga ng hangin ang ginawa ni Dmitri. Tuluyan na siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya hindi komportable sa kanyang pwesto. Pinagkasya niya lang kasi ang sarili sa mahabang upuang yantok na nasa sala sa nakabaluktot na posisyon. Minabuti niyang maupo na lamang sa upuang yari sa kawayan. Sinulyapan niya ang nakapinid na pinto. Tahimik na sa kanyang silid patunay na maaaring mahimbing nang natutulog ang kanyang hindi inaasahang panauhin. Naisapo ni Dmitri ang dalawang palad sa mukha, inihilamos, pagkuway tumayo sya at nagpabalik-balik ng lakad sa may katamtaman niyang sala. Andun iyong pinagkikiskis niya ang dalawang palad at muling mapapasulyap sa kanyang kuwarto. Hindi siya madalas magkabisita kaya ang kaalamang may ibang tao sa loob ng kanyang pamamahay ay nagdadala ng labis na alalahanin sa kanyang isipan. Nadagdag pa tuloy sa kanyang isipin ang estrangherang babae. Hirap tuloy siyang dalawin ng antok dahil sa bilis ng mga pangyayari. N

    Huling Na-update : 2024-01-18
  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Nine

    Napukaw ang pansin ni Dimitri sa munting kaluskos sa bahagyang liwanag. Kinapa niya ang beretta sa tagiliran at nakiramdam sa paligid. Dama niya ang mga matang nagmamanman sa 'di kalayuan. Nang masigurong hindi panganib ang dala nito ay muli niyang itinago ang baril. "Labas na, alam kong ikaw iyan Bugoy. Baka manuno ka pa sa katatago riyan sa halamanan," aniya. Lumitaw ang binatilyo at mabilis na lumapit sa binata. "Kuyang, kumusta po si ma'am snow white?" Agarang tanong ni Bugoy at saglit na sumilip sa loob ng bahay. "Natutulog na siguro.Anong balita sa bundok?" usisa niya. "Patay na si Batik napuruhan mo po kuyang. Galit na galit si pinuno at mahigpit na pinag-hahanap si ma'am at maging ikaw. Ahh... ang ibig ko pong sabihin ay iyong, tumulong kay ma'am na makatakas." Sagot ng binatilyo. "Naghinala ba sila?" "Hindi pero inutusan niya akong paakyatin ka ng bundok. Inaatasan ka niyang siyang maghanap sa dalawang tumakas. Hinigpitan na rin ang pagbabantay sa San Fab

    Huling Na-update : 2024-01-18
  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Ten

    🌹Chapter Ten🌹Tunog ng humintong motorsiklo sa labas ang marahas na nagpalingon kay Rose sa pintuan. Agad siyang napatayo, kilala niya ang ingay na iyon ng sasakyan. Kumabog ang dibdib ng dalaga. Saglit pa at bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa ang lalaki. Pakiramdam ni Rose ay tumalon ang puso niya nang tuluyang masilayan si Dimitri. Nabuhayan siya ng loob at dagling naparam ang kanina'y bumangong takot. Tinakbo niya ang lalaki at sinalubong ng yakap, ang luhang nagsimulang bumukal ay mabilis na dumaloy at nauwi sa mahinang paghikbi. "Damn it. Where have you been and what took you so long? Don't ever do that again. You scare me you freak." she burst out. Si Dimitri ay nagulat hindi agad nakakilos. Nabigla ito. Hindi nito inasahan ang ganoong pagsalubong mula sa kanya. Si Rose ay nabigla rin at agad na natauhan. Agad siyang bumitaw sa pagkaka-yakap kay Dimitri. Napayuko at nakaramdam ng hiya. "I...I'm sorry," mahinang anas niya. My God, ano bang pumasok sa isip niy

    Huling Na-update : 2024-01-22
  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Eleven

    “Punyemas!" Mura ni Dimitri. “Ano bang nakain ng babaing iyon? Kundi lutong pansit lang naman ni Ka Goring. “ Kanina, habang papunta siya ng bayan ay nadaaanan niya ang matanda. Nagbilin itong daanan siyang muli pagbalik dahil nagluto raw ito ng pansit para sa panauhin niya. Kitang -kita na nagustuhan iyon ni Rose, mukha ngang mahilig sa ganoong pagkain ang babae. Hindi niya matagalan ang presensiya nito. Wala itong ginawa kundi ang ngitian siya ng ngitian at tila nananadya pa. Ang epekto nito bilang babae ay tunay na nakakaligalig. Hindi nararapat na gawin nito ang mga ganoong bagay. Dapat ay ikinu-konsidera pa rin nito na isa pa rin siyang estranghero. Ngunit sa malas ay sadyang mabilis magtiwala ang dayo. Ang ginawa nitong pagyakap kanina ay isang indikasyon na nakuha na niya ang loob at pagtitiwala ng babae. Saksi siya kung paanong nagliwanag ang nahihintakutan nitong mukha; at kung paano nabuhayan ng loob mula sa pagka-bagabag. Paano na lamang kung katulad rin siya nila

    Huling Na-update : 2024-01-23
  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Twelve

    🌹Chapter Twelve🌹Putragis! Nawala sa isip niyang matalino pala si Rose. Ibang maglaro ang utak nito kaya nga nahulaan agad nito ang kanyang ideya. Tama ba siya ng rinig? Gusto pa rin nitong manatili sa lugar nila? Dapat ay nanginginig na ito sa takot at nag-aalala para sa sarili nitong kaligtasan. Sa mga inabot nitong karahasan sa bundok inaaasahan niyang na trauma ito. Ngunit kung babase siya sa reaksyon nito ngayon ay tila siyang-siya pa ang babae. Hindi kaya naalog ang utak nito? Sinong tao ang gustong mabingit sa kamatayan? Siya tuloy ang naiipit sa sitwasyong kinasusuungan nito, akala pa man din niya ay kukulitin na siya ng babae para makatakas at tuluyang makalayo. Napabuga tuloy sya sa hangin. Mukhang magiging problema pa ata niya si Rose. Kinabukasan ay maaga siyang gumising. May mahalaga siyang lalakarin sa bayan, ngunit hindi siya basta-basta makaalis. Natutulog pa kasi ang babae. Kailangan niya itong hintaying magising at baka maghisterya na naman ito sa tak

    Huling Na-update : 2024-01-23
  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Thirteen

    “Aalis ka?" Usisa ni Rose kay Dimitri. Katatapos niya lang magligpit at maghugas ng pinagkainan nila. Isinampay niya ang pamunas na ginawang panuyo ng kamay. Lumapit siya kay Dimitri na noo'y kinukuha ang baril sa lalagyanan nito maging ang holster. Pagkatapos nilang mag almusal kanina ay pumasok ito ng banyo. Paglabas ay nakapaligo at nakabihis na rin. Pinaglandas niya ang mata sa binata. Suot ang medyo faded na cargo pants. Itim na kamiseta na pinatungan siyempre ng paborito nitong leather jacket. At walang, kamatayang combat shoes na sapin lagi sa paa. Hinayaan lang muna nitong nakalugay ang basa pang buhok. May bagong tubo na balbas sa pisngi na hindi na nito pinagka-abalahang ahitin. Anupa't sangganong-sanggano ang datingan. He looked more of a dangerously handsome hitman. That makes her swoon over him. She can't deny her attraction to this daredevil man. At matagal na niya iyong inamin sa sarili. Sa unang pagkikita pa lang nila ni Dimitri batid niyang nag

    Huling Na-update : 2024-01-23
  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fourteen

    Mulagat na mulagat si, Rose. Kulang na lang ay ibato ang hawak na telepono. Nagpupuyos ang damdamin niya sa sobrang ngitngit sa kausap. At ano ang tawag nito kay Dimitri, Dimi? Dimi her ass. She got pissed with that woman. Tumaas-baba ang dibdib niya sa nadaramang inis. Oh God, she feels her anger escalating. Marahil ay masisinghalan niya si Dmitri 'pagdating nito. Ang hitad na iyon, nagmalaki pa. Ang laswa! She takes a deep sigh. Kalma Rose, kalma...Pero kahit anong pilit niyang ikalma ang sarili ay talagang umaapoy ang pakiramdam niya. Shit! Why am I so angry? Mabilis siyang lumabas nang sa wakas ay maulanigan ang tunog ng motorsiklo. Hindi na siya nag-atubili at madilim ang mukha na sinalubong niya si Dmitri na noon ay kasalukuyang ipinaparada ang motorsiklo nito sa gilid ng bahay. "Where have you been?" Mabalasik niyang tanong. Nagtatakang nilinga siya ng lalaki. "Nagpaalam ako sa'yo, hindi ba?"tugon nito. "Oo, pero sana nagsabi ka ng totoo. Hindi iyong

    Huling Na-update : 2024-01-23

Pinakabagong kabanata

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Sixty ( Any Katapusan)

    🌹Chapter Sixty🌹(Ang Katapusan)Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba siya nang rinig? "Na... naaaalala mo?" atubiling tanong niya. "Yes, I remembered everything, particularly...us." malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up.

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Nine

    Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain ang Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpaka-kaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado sya sa mga alala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga sya ng ubod lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam na paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiyaha

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Eight

    “Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man ay nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter Alexander, Oh God. she mouthed. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaring ipataw ng asawa. Kung

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Seven

    Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari nito ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses nitong pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang loob ng matanda lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanap-buhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de -kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't iba

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Six

    Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Five

    Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Tumayo at inayos ang sarili. Pagkatapos ay nahihiyang napatitig sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya po ako dito sa bahay at..." "At...?" tuloy na tanong ni tiyang Linda na may halong pagkainip. "

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Four

    Muling pinasibad ni Alexander ang Ducati nito pagkatapos ng ilang saglit. Hindi alintana ng lalaki ang rumaragasang ulan. Nagpatuloy ito at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo. Hindi naman magkamayaw sa pag-aalala si Rose. Dahil basang-basa na ang asawa. At ang buhos ng ulan ay tila nakikipaggirian sa lakas ng bayo. Kay bilis rin ng takbo nila. At sa dilim na bumabalot sa paligid ay duda siyang naaaninag pa ng asawa ang kalsada. Subalit tila gamay na gamay ni Alexander ang dinaraanan. Mariin na lamang syang pumikit at mahigpit na yumakap sa lalaki. Sa kabila naman ng pangamba ay gising na gising ang mga pandama niya sa init na hatid ng pagkakalapit muli ng kanilang mga katawan. Nakailang bitiw siya ng malalim na paghinga. Nakakaloka ang senses niya at gusto pa ata siyang ipahiya. "We're here," bulong ni Alexander na nagpa-igtad sa kanya. Paglinga niya ay unang tumambad sa paningin niya ang bakod ng kanilang bahay na yari sa bakal. Namamanghang napatitig siya sa la

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Three

    Hindi na nagawang makapag-reklamo pa ni Rose. Wala siyang nagawa kundi ang madismaya na lamang sa itinakbo ng mga pangyayari. Tumigil na rin sya sa kapapalag dahil nagmumukha lang siyang katawa-tawa. Sa higpit ng pagkakabitbit sa kanya ni Alexander malabong makaalpas sya. At ang tanga niya sa parteng wala siyang ni ideya na magkakilala pala sila Dusan at ang asawa. Kung ang pangunahing pakay ni Alexander sa pagtungo sa Cotabato ay para kastiguhin siya, nakapagtataka ang pagiging kalmante nito. Katunayan ay halos gustong lumundag ng puso niya nang masilayan sa muling pagkakataon ang guwapong mukha ng lalaki. Her defenses were weakened by his grin. For the past few weeks, she had never seen him. In her heart, she longed for this man. Buong akala pa mandin niya ay sasalubungin siya nito ng poot at galit. Ngunit malayo roon ang ipinapakitang kilos ng lalaki. Halos kabaliktaran. She heaved a sigh of relief. Gayunpaman ay nilinga niya ang paligid. Malay ba niya kung may mga

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Two

    Eksaktong ika-walo ng gabi nang marating nila ang Plaza Hotel. Iginiya sila ng usherette na sumalubong sa kanila pagpasok pa lamang sa bulwagan. Habang naglalakad ay ramdam ni Rose ang mga matang nakamasid. Mula pa kanina sa entrance ay takaw-pansin na ang pagdating nila ng alkalde. Mayroong kababakasan ng paghanga; may tinging nang-iintriga; at mayroon ding nakaarko ang mga kilay. Ipinakilala siya ni Dusan sa mga kaalyado nito. May tuksuhan subalit tinapos ng kaibigan sa salitang magkaibigan lamang sila. Ilang dating katrabaho sa larangan ng media ang natanaw niya sa 'di kalayuan. Kuntodo kaway ang mga ito kaya't saglit siyang nagpaalam kay Dusan na nagpaunlak naman. "OMG! Are you dating the elusive Mayor Dusan Aguirre?"Salubong ni Karla, na namimilog ang mga mata. Dati niya itong nakasama sa isang malaking network as anchor. Nakipag-beso ang babae. "We're just friends," Rose simply responded. "Then you've got everybody fooled here, darling." sambit ni Karla, na h

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status