Lumipas ang taon ng pagsasama nina Khate at Anthony, ngunit tila walang pagmamahalan na namamagitan sa kanila, sapagkat iba ang minamahal ni Anthony. Mapagkakasunduan ba nila ang hiwalayan, o paglisan na lang ang tanging solusyon? Hanggang saan kaya tatakbo ang relasyon nila? Magkakaroon pa ba ng kulay ang pag-iibigang hindi nakulayan?
View MoreTinitigan ni Anthony ang dalawang bata sa kanyang harapan, bahagyang nakakunot ang kanyang noo.Malinaw na ang dalawang bata ang nagbibintang sa kanya, pero hindi niya maintindihan kung bakit. Sa tuwing tinitingnan niya ang dalawang bata, nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba at kaunting pagkakonsensya.Hawak pa rin ni Khate si Katerine sa kanyang mga bisig. Nang marinig niya ang sinabi ng dalawa niyang anak, napaisip siya sandali bago nakaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa kabutihang palad, hindi alam ni Anthony na ang dalawang bata ay matagal nang alam na nasa harapan na nila ang kanilang tunay na ama.Kung nalaman nila din ito ni Anthony, tiyak na mas lalo siyang malulungkot...Tahimik si Anthony ng ilang sandali bago siya tumingin sa dalawang bata nang may bahagyang pagsisisi. "Pasensya na, hindi ko iniisip na masama kayong mga tao. Iniisip ko lang na... dahil may kanya-kanya na kayong buhay, at tiyak na hindi maganda na may koneksyon pa rin ako sa inyong ina. Kung mal
Walang anumang karanasan si Anthony sa pag-aliw ng mga bata. Noong nagtatampo si Katerine sa kanya dati, laging si Aunt Meryl ang nagpapatahan sa bata.Nang makita niyang umiiyak si Katerine sa harapan ni Khate, medyo nag-panic si Anthony. Sa huli, sinabi niya nang matigas at malamig, "Huwag kang umiyak Katerine."Akala niya'y wala itong emosyon, pero sa pandinig ni Katerine, parang galit ito.Pagkarinig nito, lalong humagulgol si Katerine. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha niya, halos bumuo ng linya. Yumuko siya, humikbi nang malakas, at halos hindi makahinga.Napakunot ang noo ni Anthony at hindi alam ang gagawin.Nang makita ni Khate ang malamig na tugon ni Anthony habang umiiyak ang bata, hindi niya napigilang magalit."Ganyan ka ba makitungo sa anak mo? Umiiyak na nga ang bata nang ganito, pero ganyan pa rin ang tono mo? Hindi mo ba siya kayang kausapin nang maayos?" galit na sabi ni Khate.Natigilan si Anthony nang bigla siyang pagalitan.Samantala, lumapit na si Khate kay K
Gusto lang ni Khate na tumawag sa research institute para sabihing mahuhuli siya ng dating.Gayunpaman, si Henry ang sumagot sa telepono. Bago pa man siya makapagsalita, sinabi na ni Henry ang tungkol sa isang proyekto na minamadali niyang tapusin nitong mga nakaraang araw. May isang set ng datos na nalilito siya kung paano lutasin kung kaya hindi nakapagsalita si Khate tungkol sa nais niyang sabihin.Sinimulan nila itong pag-usapan ni Khate.Hindi inaasahan, nang magsimula na silang mag-usap tungkol sa trabaho, nakalimutan na niya ang oras.Naalala lamang niyang ibaba ang telepono nang marinig niya ang boses ni Anthony sa ibaba.Matapos mabilisang magbigay ng konklusyon, agad na ibinaba ni Khate ang telepono at mabilis na bumaba.Halos makalimutan niya na darating pala si Anthony upang sunduin si Katerine.Ang dalawang bata ay nasa ibaba pa rin kasama si Katerine.Kung magkita sila ni Anthony...Napuno ng kaba si Khate sa iniisip niyang maaaring mangyari.Ngunit pagdating niya sa iba
Nang marinig nila ang binanggit ni Anthony tungkol sa mommy, agad na naging alerto ang dalawang maliit na bata."Ano'ng hinahanap mo po sa kay mommy ko!" Sumulyap si Miggy kay Anthony nang may pag-iingat, parang isang maliit na tuta na handang sumugod anumang oras.Maliwanag na wala siyang kakayahang mang-atake, pero kailangan pa rin niyang magpakita ng matapang na itsura.Naramdaman ni Anthony ang galit ng bata at nakita ang kanyang pagiging alerto, na nagdulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam at kaunting katawa-tawa. Hindi niya ito inisip ng seryoso at nagsabi lamang, "Salamat sa pag-aalaga kay Katerine sa pangalawang pagkakataong ito, anuman, kailangan ko kayong pasalamatan nang personal."Nang marinig ito, huminga ng maluwag si Miggy, pero ang mukha pa rin niyang bata ay nanatiling tensyonado, "Hindi na po ito kailangan. Tumawag po ang mommy ko, at hindi niya po kailangan ang inyong pasasalamat."Pagkatapos, hinila niya si Mikey pabalik sa carpet, ibinaba ang ulo at sinabi kay Kat
Inilayo ni Anthony ang kanyang mga iniisip at sinundan si Miggy papasok sa villa.Pagpasok na pagpasok palang niya, nakita niya si Katerine na masayanh nakaupo sa carpet sa sala, abala sa paglalaro ng Lego. Katabi niya, may isang batang lalaki na kahawig na kahawig ng batang nagbukas ng pinto para sa kanya.Maliwanag para sa kanya na sila ay ang kambal.Lumabo ang mata ni Anthony at pinilit niyang huwag tumingin sa dalawang bata. Tumingin siya sa paligid ng sala, may hinahanap siyang hindi niya makita na dapat ay kasama ng mga bata.Hindi niya nakita si Khate."Katerine, nandito na ang daddy mo." Pagpasok ni Miggy, lumapit siya kay Katerine, binago nito ang kanyang pakikitungo at tinawag siya ng malamig.Nang marinig iyon, dahan-dahang huminto si Katerine, itinaas ang kanyang ulo at tumingin kay Anthony na nakatayo sa hindi kalayuan.Pagkatapos ng isang sulyap, agad siyang nag-atubili at ibinaba ang kanyang tingin upang magsulat sa notebook.Ang mga natitirang tao sa sala ay pasensyo
Matapos ilapat ang gamot na kinakailangan para sa mabilisang pag galing ng sugat ni Katerine, ay dumating na sina Miggy at Mikey na may dalang mga regalong kanilang pinili para sa kanilang maliit na kapatid.Hawak nila ang dalawang kakaibang manika at lumapit kay Katerine. "Binili namin ito gamit ang aming sariling pera, at ibinibigay namin sa'yo."Ang dalawang manika ay hindi man ganun kaganda subalit cute naman ito, at talagang walang kinalaman kay Katerine.Ngunit dahil ito ang unang beses na nakatanggap si Katerine ng regalo mula sa kanyang mga kaedad, at lalong higit mula pa sa dalawang batang kapatid na sobrang gusto niya, kaya't tinanggap niya ito ng walang pag-aalinlangan, ang mukha niya ay punong puno ng saya, at hinawakan niya ang dalawang cute na mga manika nang mas mahigpit kaysa sa manikang ibinigay sa kanya noon.Pagkalipas ng ilang sandali, nang magtagal sa paghawak, inilagay niya ang mga manika katabi ng kanyang bag sa may sofa at nagsulat ng malaking "salamat sa lahat
Ang dalawang batang lalaki ay matalino at alam nilang mahalaga ang mga figurine. Bagamat gusto nila ang mga ito, umiling pa rin sila sa maliit na batang babae at sinabing, "Napakamahal ng mga bagay na ito, hindi namin ito matatanggap."Tumango nang malakas si Katerine, inilagay ang figurine sa tabi nila, at lumingon upang magsulat sa maliit na notebook: "Para sa aking mga kuya. Salamat."Tiningnan ni Mikey ang hawak niyang notebook, litong-lito.Hindi man lang sinulat ng batang babae ang lahat, sino ang makakaintindi sa nais niyang sabihin?Nalito rin si Miggy noong una, ngunit agad niyang naintindihan. "Gusto mo bang pasalamatan kami dahil tinulungan ka namin noong araw na iyon?"Tumango si Katerine nang mariin, inilagay ang notebook sa tabi, at inabot ang figurine sa kanila. Desidido na ito na ibigay sa kanila dahil sa pagliligtas neto sa kanya.Narinig ni Khate ang sinabi ng kanyang anak at naalala ang guro sa kindergarten na tila nabanggit noon na si Miggy at Mikey ay pinoprotekta
Hinahanap ni Khate ang numero ni Anthony sa kanyang phone book.Iniligtas niya ang numerong ito noon dahil natakot siyang hindi matawagan ang ama ni Katerine nang mawala si Katerine.Ngayon, nakita niya ang pangalan na nakatala sa simpleng letrang "A."Pagkatapos makita ay pinalitan niya ang tala sa "Anthony," at tinawagan ni Khate ang numero.Sa kabilang linya, papunta na sana si Anthony para personal na hanapin si Katerine nang tumunog ang kanyang telepono.Pagtapat ng mata niya sa caller ID, bahagyang sumingkit ang kanyang mga mata at sinagot ang tawag."Ako ito," narinig niya ang boses ni Khate mula sa kabilang linya.Naalala niya ang kalokohang ginawa ng babaeng ito para iwasan siya noong nakaraan kaya napasimangot siya at naging malamig ang tono. "May kailangan ka ba?"Tumingin si Khate sa maliit na batang babae sa tabi niya. Kung hindi lang dahil kay Katerine, marahil ay ibinaba na niya ang tawag nang marinig ang ganoong tono!"Maaga akong pinuntahan ni Katerine ngayong umaga
Anthony biglang napatda at napatigil siya sa kanyang ginagawa, "Babalik ako agad!"Pagkababa ng telepono, nagmamadali na siyang bumalik sa Lee family manor.---Pagdating niya sa villa, bumungad sa kanya ang mga tauhan na nanginginig sa takot habang nakatayo sa kanilang living room."Ano'ng nangyari dito? Paano siya nawala gayong marami kayong nagbabantay?" tanong ni Anthony sa malamig at mabigat na boses.Nakayuko ang lahat, hindi makatingin sa kanya dahil sa matinding pressure na nababalot sa paligid.Ang butler na ang unang sumagot nang maingat, "Hindi po namin alam sir... Pagkatapos niyang mag-agahan, agad na bumalik siya sa kwarto niya. Pero nang puntahan siya ulit ni Aunt Meryl upang tingan ang kanyang mga kagamitan kung ito ay may assignments o iba pang gawain sa school, ay wala na po siya roon."Lalong kumunot ang noo ni Anthony. "Nasaan ang mga CCTV footage?"Halos maiyak ang butler. "Master, hindi po namin alam kung kailan ito na-off. Walang footage na nairecord ngayong umag
“Anthony, tatlong taon na tayong mag-asawa, ngunit minsan hindi mo man lang ako nagawang haplusin ng may pagmamahal. Isusuko ko na ang pagsasamang ito para magpakasayo ng kerida mo. Pagkatapos ng gabing to, lumayas ka at hanapin mo siya! Pero sa ngayon, isipin mo muna ito na kabayaran ng mga pagmamahal na inalay ko sayo, okay…”Pagkatapos magsalita ni Khate, idinantay niya ang kanyang katawan at hinalikan ang lalaking nasa harapan niya, hinalikan niya ito na ani mo’y parang nababalik at kahibangan na gaya ng gamu-gamo sa apoy.Alam niya sa kanyang sarili na ang kanyang ginagawa ay kasuklam-suklam.Ngunit minahal niya ang lalaking ito ng napakatagal kahit alam niyang napakahirap.Ngayon, siya ay nagmamakaawa para sa kararampot na ginhawa.“How dare you Khate!!”Nagngangalit ang mga ngipin ni Anthony, at ang kanyang maseselan at gwapong mukha ay ay napuno ng galit.Nais niyang itulak palayo ang babae ngunit ang kaniyang pagkabalisa at ang kanyang panghihina ay mabilisang dumaloy sa kany...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments