Home / Romance / Echoes of Deception / Chapter 8 - I'm Coming for You!

Share

Chapter 8 - I'm Coming for You!

Author: Spellbound
last update Last Updated: 2024-11-09 10:53:14

“Mommy, sino po si Anthony? Bakit po kailangan nating magtago sa kanya?”

Nakita ni Miggy at Mikey na hindi mapakali at tila wala sa wasto ang isip ni Mommy Khate nila, kaya’t nanginginig niyang hinawakan ang kamay nito at nagtanong nang may pag-unawa.

Dahan-dahang bumalik sa katinuan si Khate, hinawakan niya ang kanilang mga ulo ng mga anak, at ngumiti ng matamis.

“Hindi siya importanteng tao anak, pero may kaunting sama ng loob siya kay Mommy noon. Kaya kayong dalawa, kung maririnig ninyo ang pangalang niya sa hinaharap, dapat kayong lumayo sa kanya, naiintindihan nyo ba si Mommy?”

Tumango ang dalawang maliliit na bata nang may pagsunod at pag-unawa, “Naiintindihan po namin Mommy.”

Nang tumalikod si Mommy, nagkatinginan ang dalawa, ang kanilang malalaking mata ay puno ng pag-usisa.

Ano ang nangyari sa pagitan ni Mommy at Daddy noon? Mukhang malaki ang hindi nila pagkakaintindihan!

Napayuko si Khate, iniisip pa rin ang sitwasyon ni Kyrrine, ngunit muling nagsalita ang dalawang malilii
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Echoes of Deception   Chapter 9 - Rebellious Heart

    Dalawampung minuto ang lumipas. Dahan-dahang huminto ang kotse papasok sa Lee Mansion. Pilit na inabot ng ama ang kamay ng kanyang anak, ngunit, hindi nagpahawak si Katerine, sinuportahan niya ang sarili sa upuan, at dahan-dahang bumaba ng kotse, at naglakad sa unahan ng walang imik. Tahimik lang na sumunod si Anthony. Pagkapasok pa lang ng mag-ama sa pinto, narinig nila ang isang tawag... "Katerine!" Si Cassandra ay nasa hall, nakaupo ito at nagpapalipas-oras habang nagbabasa sa kanyang cellphone. Nang bigla niyang marinig na may pumapasok sa pintuan, ang mag-ama pala iyon, agad na tumingala siya. Nang makita niyang si Katerine iyon, agad siyang tumakbo palapit at mapagkunwari na niyakap ang maliit na babae, "Sa wakas ay nakabalik ka na! Bakit ka ba tumakbo ng walang paalam? Nag-alala sayo si Auntie! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Habang sinasabi niya iyon, tiningnan niya ang katawan ng maliit na babae nang may kaba sa dibdib. Hindi inaasahan ni Katerine ang kanyang ginawa

    Last Updated : 2024-11-10
  • Echoes of Deception   Chapter 10 - His recollections

    Diretso na silang apat na bumalik sa villa.Nakaramdam ng gutom sina Khate at ang dalawang bata, kaya kinain nila lahat ng dala ni Kyrrine.Pagkatapos kumain, umakyat ang dalawang maliit na bata para maligo.Tiningnan ni Kyrrine ang kanyang matalik na kaibigan nang may kahulugan, "Friend, hindi ko maintindihan kung bakit ka nagtatago kay Anthony? Hindi ba't pumayag ka na sa divorce ninyo noon? Bakit ka ngayon natatakot sa kanya? Bukod pa doon, bakit kayo naghiwalay? Hindi mo sinabi sa akin ang nangyari ilang taon na ang nakalipas?"Napatinging si Khate sa kanyang kaibigan, hindi sinasadyang ibinaba niya ang kanyang mga mata, matagal siyang nag-isip at tila nag-aatubiling magsalita, huminga siya ng ubod ng lalim at pagkatapos ay kahit man labag sa loob, ay ibinahagi sa kanya ang pangkalahatang sitwasyon noong panahong iyon."Khate ibang klase ka, ang tapang mo!"Hindi inaasahan ni Kyrrine na ang kanyang matalik na kaibigan ay may lakas ng loob na iset-up si Anthony at ilihim ang pagbubu

    Last Updated : 2024-11-12
  • Echoes of Deception   Chapter 11 - New Beginnings

    Sa loob ng Lee MansionMadilim na ang kapaligiran.Tahimik na pumasok si Anthony sa kwarto ni Katerine at inayos ang kumukunot na noo nito, hinaplos niya ngdahan-dahan at agad naman na natanggal nito.Mahimbing na natutulog ang maliit na babae. Tiningnan niya ang anak saglit bago lumingon at umalis ng nakangiti, nawala na ang kanyang takot sa pagkawala ng anak subalit may mga tanong pa rin sa kanyang isipan.Paglabas niya, agad niyang nakita si Gilbert na papalapit upang mag-ulat, "Sir, pumunta ako sa restaurant sa Gouzu para mag-check sa kanila ukol sa mga insidente bago tayo makarating, ngunit sira ang surveillance ng restaurant at wala akong nakitang anumang bagay nakakaiba at magpapatunay sa mga naitanong ninyo sa babaeng nagbalik sa munting binibini."Nang marinig ito, bahagyang kumunot ang noo ni Anthony, "Anong pagkakataon? Napakaimposibleng masira ang surveillance camera nila ng walang sumira dito."Sa sandaling iyon ay nagkaroon na siya ng hinala, nasira ang surveillance ng r

    Last Updated : 2024-11-13
  • Echoes of Deception   Chapter 12 - Schoolmates

    Sumunod si Miggy sa direksyon ng kanyang tingin at nakita ang maliit na kapatid na nakilala lang nila kahapon.Yumuko nang bahagya si Katerine at tinakpan ang magandang kilay at mukha.At sa mga oras na iyon, bigla na din na tumingin sa kanila si Katerine at nakikipag palakpakan kagaya ng ibang mga bata.Isang kislap ng excitement ang dumaan sa kanyang malalamlam na mga mata nang makita niya na nakatingin sila sa kanya.Hindi niya inaasahang makikita niya muli ang dalawang magkapatid doon.Kahit na isang beses pa lang niya silang nakilala, hindi niya maipaliwanag kung bakit gusto niya silang makasama at kalaro.Ngunit habang nakatitig siya sa kanila, ibinalik na nina Miggy at Mikey ang kanilang mga tingin.“Okay mga bata, kayong dalawa ay pwede nang umupo muna. May dalawang bakanteng upuan doon. Pwede ba kayong maipatabi? Maasahan ba ni Teacher nahindi kayo magkukulit habang kayo nasa magkatabi lang?”Tinuro ng guro ang dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Katerine.Natigilan sandali s

    Last Updated : 2024-11-13
  • Echoes of Deception   Chapter 13 - Let's be kind!

    Ramdam ni Katerine ang matinding sakit dahil sa pagkakatulak ng kaklase, ngunit wala siyang magagawa kundi ang manahimik nalang dahil alam niya sa sarili niya na wala syang kakayahan.Dahan-dahan na hinimas at pinagpag niya ang kanyang mga kamay, at nagtampo ang mga mata nila ni Mikey.Naluha siya ng bahagya, tumayo mula sa sahig, at kinuha ang isang maliit na notebook mula sa mesa at nagsimulang magsulat, stroke by stroke.Hindi naman natinag ang batang bully habang nakatayo na nakatingin sa kanya na nagmamaldita.Ang batang si Katerine ay hindi talaga nakakapagsalita, at karaniwang nagsusulat na lang sa isang maliit na notebook upang makipag-usap sa kanila.Ngunit dahil iilan lamang ang nakikipaglaro sa kanya, ang maliit na notebook na ito ay bihirang makita at hindi rin nasusulatan.Maya-maya pa, natapos na si Katerine sa pagsusulat, pinihit niya paharap ang maliit na notebook, at ipinakita ito kay Tiffany, "Magsorry ka."Nakita nito ang mga nakasulat dito, huminga ng malalim si Ti

    Last Updated : 2024-11-15
  • Echoes of Deception   Chapter 14 - Her Beauty

    Si Khate ay wala nang alam sa mga nangyari sa kindergarten.Pagkatapos niyang umalis sa kindergarten, pumunta na siya agad sa facility upang mag-report sa research institute na itinayo ng kanyang guro sa China.Pagpasok pa lang niya sa institute, nakita niya ang isang gwapo at eleganteng lalaking nakasuot ng malinis na shirt at pantalon, papalapit sa kanya."Khate, welcome back. Masaya akong makatrabaho ka ulit."Tumayo si Henry sa harap niya at inilahad ang kamay sa kanya pagpapakita ng pag-galang Tumango si Khate nang bahagya, inilahad ang kamay upang makipagkamay sa kanya, at pagkatapos ay mabilis itong kinuha at inilagay sa bulsa ng kanyang palda.Dati, nakasama na rin niya si Henry, ang team ni Professor Wang sa ibang bansa at nagsagawa ng maraming pananaliksik at pag-develop ng mga makabagong gamot.Nang panahong iyon, si Henry ang nagsilbing partner nya sa facility. Pagkatapos ng lahat, nagtapos siya sa isang prestihiyosong unibersidad, at ang kanyang kakayahan ay acknowledge

    Last Updated : 2024-11-17
  • Echoes of Deception   Chapter 15 - She's the Boss

    Nang marinig ang tanong ni Khate, tinago ni Henry ang kanyang ngiti at seryosong sinabi: "Pinagsisikapan naming lutasin ang problemang ito Doc, mahirap po talagang maayos ng mabilisan pero umuusad."Kumunot ang noo ni Khate at tumingin sa kanya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin."Kamakailan lang, nakipag-ugnayan ako sa isang supplier ng mga halamang gamot. Napag-usapan na namin ang pangmatagalang kooperasyon. Kulang na lang ang pagpirma ng kontrata nito. Napagkasunduan na din namin ang oras ng pagpirma ay bukas ng hapon.”“Ang dahilan kung bakit hindi ito naging maayos noon ay dahil sa ang institute ay nasa yugto ng konstruksyon noong una. Maraming komplikado at maliliit na bagay ang kailangang harapin, at hindi pa matatag ang mga tauhan.”“At sa panahong ito lamang ito naging matatag. Bukod pa rito, ang mga halamang gamot sa Haicheng ay halos monopolyo ng malalaking negosyante ng mga halamang gamot, at ang supply ay hindi sapat sa demand.”“Dagdag pa rito, mga baguhan pa laman

    Last Updated : 2024-11-19
  • Echoes of Deception   Chapter 16 - What a coincidence?

    Kumunot ang noo ni Anthony, at isang bumakas ang pagka inis sa mga nasilayan ng kanyang mga mata.Mali ba ang kanyang nakita? Mali ba ang panahon at pagkakataon?Ayos lang naman kung nangyari ito isang beses o dalawang beses, sapagkat baka namalik mata lang siya, ngunit sa dalawang magkasunod na araw, at nakita niya ang pigurang iyon sa iba’t ibang lugar. Mukhang hindi na normal ito!At ang problema lang ay ang pigurang iyon ay kumikislap lamang sa kanyang mga mata, at pagkatapos ay nawawalan din nang bakas.Hindi mapigilan ni Anthony ang pagngisi, naiiling niya ang kanyang ulo at binawi ang kanyang tingin.Siguro nga ay nababaliw na siya, kaya’t patuloy niyang iniisip ang babaeng iyon!“Sir, ang kliyente ay matagal nang naghihintay sa inyong pagdating, hindi pa ba tayo papasok?”Matagal nang naghihintay si Gilbert, at nang hindi niya nakitang ihakbang ng kanyang master ang kanyang mga paa, maingat niyang tinanong.Pumikit si Anthony, inayos ang kanyang emosyon, at kalmadong sumagot,

    Last Updated : 2024-11-20

Latest chapter

  • Echoes of Deception   Chapter 174 - If want me back, please promise to make it come true

    Napuno ng bigat ang dibdib ni Khate sa tanong ni Anthony. Hindi niya alam kung paano isasagot ang isang bagay na ni siya mismo ay hindi pa rin sigurado. Napuno ng katahimikan ang pagitan nila, ngunit sa loob ng kanyang isipan ay isang bagyong hindi niya matakasan."Khate..." Muling nagsalita si Anthony, ang tinig niya'y bahagyang nanginginig. "Kung babalik ka pa sa akin, sasabihin mo bang may pag-asa pa tayo? O huli na ang lahat?"Tinitigan ni Khate ang lalaking minsang minahal niya ng buong puso—at marahil, hanggang ngayon, hindi pa rin siya tuluyang nakalaya mula rito. Ang daming alaala ang bumalik sa kanyang isipan, ang mga masasayang araw nila, ang mga pangarap nila na sabay nilang binuo... at ang sakit ng paghihiwalay nilang dalawa.Muling nag-ipon ng lakas si Khate bago sumagot. "Anthony... Hindi ko alam."Bahagyang napapikit si Anthony, waring iniiwasan na ipakita ang sakit na dala ng sagot niya. "Hindi mo alam? O ayaw mong malaman?"Napalunok si Khate. "Takot akong malaman, An

  • Echoes of Deception   Chapter 173 - What I choose is right..

    Habang pinagmamasdan ni Khate ang repleksyon niya sa salamin, hindi niya maiwasang mapansin ang lungkot sa kanyang mga mata. Mula nang marinig niya ang sinabi ni Kyrrine, hindi na siya mapakali. Ano nga ba ang nalaman ni Anthony? At paano siya maghahanda sa muling paghaharap nila?"Khate," mahinang tawag ni Kyrrine mula sa pintuan. "Sigurado ka bang gusto mo siyang kausapin ngayon? Baka hindi ka pa handa."Huminga nang malalim si Khate bago tumango. "Kailan pa, Kyrrine? Hindi ko na pwedeng ipagpaliban ito. Kailangan ko nang tapusin ang lahat."Dahan-dahang lumapit si Kyrrine at hinawakan ang kanyang kamay. "Hindi mo kailangang gawin ito mag-isa. Kami ni Adrian, nandito lang."Napangiti si Khate, kahit na alam niyang may halong kaba ang kanyang damdamin. "Salamat, Kyrrine. Pero alam kong ito ay isang bagay na ako lang ang kailangang humarap."Pagkalipas ng ilang sandali, naroon na siya sa harap ng isang mamahaling restawran kung saan siya pinapunta ni Anthony. Tumigil siya sa tapat ng

  • Echoes of Deception   Chapter 172 - What is really happening?

    Habang patuloy na lumalalim ang gabi, hindi pa rin mawala sa isipan ni Khate ang mga sinabi ni Anthony. Nakaupo siya sa veranda ng kanyang apartment, nakatitig sa malawak na siyudad na puno ng kumikislap na ilaw, ngunit tila wala siyang nakikita. Ang kanyang isip ay gulong-gulo, pilit niyang inuunawang muli ang lahat ng nangyari sa pagitan nila.Muli niyang narinig sa kanyang isip ang boses ni Anthony—ang sakit, ang hinanakit, at ang desperasyon sa kanyang tinig. "Hindi mo kailangang harapin ito mag-isa." Napapikit siya nang mariin, pilit na pinipigilan ang muling pagbalik ng mga alaala. Ngunit kahit anong gawin niya, bumabalik at bumabalik pa rin ito."Hindi mo na siya dapat iniisip, Khate." Biglang sabi ni Adrian, na tahimik palang nakatayo sa may pinto, pinagmamasdan siya. May hawak itong dalawang tasa ng kape, at marahan itong lumapit upang ibigay sa kanya ang isa. "Alam kong mahirap, pero hindi mo kailangang pahirapan pa ang sarili mo."Marahang tinanggap ni Khate ang kape at hum

  • Echoes of Deception   Chapter 171 - I think it is not over yet...

    Sa kabila ng kanyang mga sinabi, hindi mapakali si Khate. Kahit pa pinilit na niyang lumayo, may isang bahagi ng kanyang puso na hindi kayang magpakawala."Tapos na, Adrian. Tapos na," mahina niyang ulit, pilit pinaniniwala ang sarili na wala na siyang dapat pang balikan. Ngunit kahit anong pilit niya, alam niyang hindi pa tapos ang lahat. Hindi pa tapos ang sugat na iniwan ni Anthony—o marahil, ang sugat na iniwan niya sa puso nito.Tahimik lang silang naglakad ni Adrian palabas ng gusali, ngunit ramdam niya ang bigat ng presensya nito sa tabi niya. Hindi ito nagtanong, hindi rin ito nagpilit, ngunit ramdam niya ang pag-aalala nito.Pagkarating nila sa sasakyan, marahang binuksan ni Adrian ang pinto para sa kanya. "Khate, sigurado ka bang kaya mo?"Napayuko siya. Gusto niyang sabihin na oo, na kaya niyang kalimutan ang lahat, na kaya niyang itago ang emosyon niyang matagal nang nakakubli. Pero hindi na niya kayang magsinungaling pa."Hindi ko alam, Adrian," mahinang tugon niya. "Pero

  • Echoes of Deception   Chapter 170 - I love you so much, so much that you can't replace it!

    Habang patuloy na lumalayo sina Khate at Adrian mula kay Anthony, ramdam niya ang bigat ng kanyang bawat hakbang. Pakiramdam niya'y may humihila sa kanya pabalik, ngunit pinilit niyang huwag nang lumingon. Hindi niya maaaring ipakita ang kanyang kahinaan, lalo na sa harap ni Anthony."Khate," muling tawag ni Adrian, bahagyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. "Sigurado ka bang ayos ka lang? Alam kong hindi madaling makita siya ulit pagkatapos ng matagal na panahon."Napayuko si Khate, pilit na itinatago ang lungkot sa kanyang mga mata. "Adrian, hindi ko alam... Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Akala ko tapos na ang lahat, pero bakit parang mas lalo lang lumalala ang sakit?"Hininto ni Adrian ang kanilang paglalakad at marahang hinawakan ang magkabila niyang balikat. "Kung gusto mong umalis dito, sabihin mo lang. Hindi mo kailangang tiisin ang ganitong pakiramdam, Khate."Napangiti siya ng bahagya, kahit pa puno ng pait ang kanyang puso. "Salamat, Adr

  • Echoes of Deception   Chapter 169 - The unhealed wounds

    Habang bumibigat ang katahimikan sa pagitan nina Khate at Anthony, hindi niya maiwasang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, ngunit ang matinding titig ni Anthony ay tila humihila sa kanya pabalik sa nakaraan—sa isang panahong pinilit na niyang ibaon sa limot.Napalunok siya at dahan-dahang tumalikod, umaasang matatapos na ang usapan nila. Ngunit hindi ganoon kadali ang lahat."Khate," muling tawag ni Anthony, mas malambot ngunit may halong bahagyang pakiusap ang kanyang tinig. "Huwag mo akong iwan ng walang sagot, please lang."Napapikit nalang si Khate, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Alam niyang kung magpapatuloy siya sa usapang ito, maaaring buksan niya muli ang sugat na matagal nang nakapikit. Ngunit paano kung ito na ang pagkakataong kailangan niya upang tuluyang makalaya?Huminga siya nang malalim bago bumaling muli kay Anthony. "Ano pa ba ang gusto mong marinig mula sa akin?" mahinahon ngunit matigas ni

  • Echoes of Deception   Chapter 168 - Am I ready to listen?

    Sa kabila ng malamig na sagot ni Khate, nanatiling matindi ang titig ni Anthony sa kanya, para bang sinusubukan niyang hanapin ang katotohanan sa kanyang mga mata. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang tumalikod, ngunit hindi pa rin nawala ang tensyon sa pagitan nila. Ang hindi inaasahang muling pagkikita ay nagdulot ng mga emosyon na matagal nang ibinaon sa limot, ngunit ngayon ay muling lumulutang sa ibabaw, hinuhukay kahit na pilit niya itong nililibing.Habang pinagmamasdan ni Khate ang papalayong pigura ni Anthony, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang paninikip sa dibdib. Alam niyang hindi niya na maaaring balikan ang nakaraan, ngunit bakit tila patuloy itong bumabalik sa kanya? Bakit hindi niya kayang alisin ang bigat sa kanyang puso?"Hindi pa ito tapos, Khate," mahina niyang bulong sa sarili, ngunit sa likod ng kanyang isip, alam niyang hindi niya kayang aminin ang tunay na dahilan kung bakit siya umalis noon....Sa kabilang dako, habang si Anthony ay nagl

  • Echoes of Deception   Chapter 167 - Are you ready to hear it?

    Hindi pa man tuluyang nawawala ang alingawngaw ng huling sinabi ni Anthony, ngunit pakiramdam ni Khate ay bumigat na ang buong paligid. Nakatayo siya sa gitna ng malawak na silid, pilit na pinapalakas ang loob niyang harapin ang lalaking minsan niyang minahal—at iniwan. Ngunit paano ba haharapin ang isang taong hindi kailanman nakalimot? Paano ba ipapaliwanag ang isang lihim na inilihim niya sa mahabang panahon?Pumikit siya saglit at pilit na pinakalma ang kanyang damdamin. Naririnig niya ang marahang paghugot ng hininga ni Anthony sa kanyang harapan, isang malinaw na indikasyon na hindi pa ito tapos sa kanilang usapan. Nang dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, nakita niyang nakatitig pa rin ito sa kanya, ang mga mata nitong puno ng hinanakit, hindi lang sa kanya kundi marahil sa kanilang nakaraan."Anthony, hindi mo ako kayang diktahan kung sino ang dapat kong kausapin," mariing sabi ni Khate, pinapanatili ang matatag na tinig kahit pa sa loob-loob niya ay may kung anon

  • Echoes of Deception   Chapter 166 - We are not destined!

    Isang iglap lang ang lumipas, ngunit pakiramdam ni Khate ay tila bumagal ang oras. Ang mahigpit ngunit banayad na pagkakahawak ni Anthony sa kanyang pulso ay nagpadala ng kakaibang alon ng emosyon sa kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung dapat ba niyang alisin ito o hayaan na lang. Ngunit isang bagay ang sigurado—hindi siya handa sa mga sandaling ito.Napakurap siya, pilit pinapanatili ang kanyang malamig na ekspresyon. “Bitawan mo ako, Anthony.”Ngunit hindi siya agad nito pinakawalan. Sa halip, mas lalong lumalim ang titig nito, para bang sinusubukan siyang basahin, para bang pilit nitong hinahanap ang kasagutan sa mga tanong na hindi nito masambit. Ang mga mata nito ay puno ng hinanakit, may pagtataka, at marahil, isang damdamin na pilit nitong itinatago sa mahabang panahon.“Naguguluhan ako, Khate, sobrang naguguluhan” malamig ngunit may bahagyang bahid ng emosyon ang tinig nito. “Noong iniwan mo ako noon, hindi mo man lang ipinaliwanag sa akin ang iyong dahilan. Hindi mo ma

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status