Home / Romance / Echoes of Deception / Chapter 16 - What a coincidence?

Share

Chapter 16 - What a coincidence?

Author: Spellbound
last update Huling Na-update: 2024-11-20 20:05:05

Kumunot ang noo ni Anthony, at isang bumakas ang pagka inis sa mga nasilayan ng kanyang mga mata.

Mali ba ang kanyang nakita? Mali ba ang panahon at pagkakataon?

Ayos lang naman kung nangyari ito isang beses o dalawang beses, sapagkat baka namalik mata lang siya, ngunit sa dalawang magkasunod na araw, at nakita niya ang pigurang iyon sa iba’t ibang lugar. Mukhang hindi na normal ito!

At ang problema lang ay ang pigurang iyon ay kumikislap lamang sa kanyang mga mata, at pagkatapos ay nawawalan din nang bakas.

Hindi mapigilan ni Anthony ang pagngisi, naiiling niya ang kanyang ulo at binawi ang kanyang tingin.

Siguro nga ay nababaliw na siya, kaya’t patuloy niyang iniisip ang babaeng iyon!

“Sir, ang kliyente ay matagal nang naghihintay sa inyong pagdating, hindi pa ba tayo papasok?”

Matagal nang naghihintay si Gilbert, at nang hindi niya nakitang ihakbang ng kanyang master ang kanyang mga paa, maingat niyang tinanong.

Pumikit si Anthony, inayos ang kanyang emosyon, at kalmadong sumagot,
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Echoes of Deception   Chapter 17 - The Unplanned Reunion

    “Pasensya na po talaga, okay ka lang ba?”Nakita ni Khate na ang taong kaharap niya ay lasing, kaya’t naging alerto siya at humingi ulit ng paumanhin, ngunit mula sa kanyang saloobin “mas mabuting humingi ng tawad kaysa naman magkaroon ng maraming gulo.” Sa sandaling natapos niyang magsalita, biglang tumawa nang masama ang taong nasa harap niya, at medyo pabagu-bago ang kanyang boses, “Magandang dalaga… malalaman mo naman kung okay lang ako o hindi, kung sasamahan mo akong uminom! Kung ipa pagpapasya mong ako ay maging masaya ay sasamahan mo ako, at kung hindi naman ay guguluhin kita ngayon!”Bahagyang kumunot ang noo ni Khate, alam niyang ang taong nasa harap niya ay halatang lasing na at wala na sa tamang pag iisip, kaya’t hindi na sana niya balak pang pansinin ito, ibinaba niya ang kanyang ulo at sinubukang iwasan ito.Habang papalapit siya sa lasing, muling umalingawngaw ang boses ng lasing, “Huwag kang umalis, magandang dalaga! Mayaman ako, kaya kong bayaran ang lahat nang gust

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Echoes of Deception   Chapter 18 - The Confrontation

    Walang laman ang silid. Pagkapasok ni Anthony, isinara niya ang pinto. Saglit na pinakinggan ang tahimik na silid at ang tanging na maririnig ay ang tunog ng paghinga ng bawat isa. Tumingin si Khate sa paligid, at nakaramdam ng panganib nang walang dahilan, at nagpumiglas nang marahas. “Ano ba ang gusto mong gawin? Bitawan mo ako!” Sa mga sumunod na segundo, siya ay idiniin siya sa sulok ng pader nang walang kahirap-hirap ng lalaki. Halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. Ang mainit na hininga ng lalaki ay ibinuga sa kanyang tainga. Agad tumigil sa pagpupumiglas ni Khate, nakasandal siya sa pader, matigas na itinuwid ang kanyang katawan, at hindi sinasadyang binagalan ang kanyang paghinga. Sa layo ng agwat nito, mas lalo pa itong bumabagal, at sa kanyang pagkakadiin ay maaari na siyang mahawakan ng taong nasa harap niya. Kinagat ni Khate ang kanyang labi dahil sa biglang pagkakagulo ng kanyang isip. Kahit gaano katagal na ang nakalipas, ang panggigipit na ibinigay sa k

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Echoes of Deception   Chapter 19 - Reunion: Epic or Romantic

    Nasakop ng mainit na labi ng lalaki ang kanyang mga labi, at nagsalubong ang kanilang mga hininga.Nablangko ang isip ni Khate.Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Anthony sa kanya!Ang kamay ng lalaki ay nanginginig sa kanyang baba at pinipilit na pinapanganga siya.Biglang nagising sa katotohanan si Khate at nagpumiglas nang walang pakialam, “Anthony, pakawalan mo ako!”“Nababaliw ka na ba? Pribadong silid ito! Pwede pumasok ang kahit sino anytime!”Biglang kumalas si Anthony nang kaunti dahil sa kanyang pagpupumiglas pero hinawakan pa rin niya bewang ni Khate palapit sa kanya. Kahit na tumigil ito bahagya, inilapat pa rin niya ulit ang kanyang mga labi at hinila ang kanyang ibabang labi, “So ano? Hindi ba sinabi mong babayaran mo ako? Gusto kong bayaran mo ako nang isang beses, natatakot ka ba sa kabayarang hihingin ko?”Tumayo nang bahagya si Khate at ang mga mata ay mariing nakatitig sa lalaki na nasa harapan niya, nagpumiglas siya nang maalala ang karanasan noong gabing iyon

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Echoes of Deception   Chapter 20 - Who is he?

    Pagkalabas ni Khate sa pribadong silid, wala na siyang alam na mapupuntahan, kaya kailangan niyang magtago sa hagdanan.Sumandal siya sa pader, humihingal nang malakas, pagod na pagod siya sa kakatakbo palayo kay Anthony. Sa pagkakasandal niya agad niya itaas ang kanyang kamay para hawakan ang kanyang mga labi na hinalikan at nasaktan. Parang naiwan pa rin ang temperatura ng lalaki sa kanyang mga labi.Pagkalipas ng ilang minuto, ibinaba ni Khate ang kanyang mga mata, napagtanto na siya nagkukunwari lang sa kanyang sarili.Sa loob ng maraming taon, akala niya ay wala na siyang nararamdaman kay Anthony, ngunit hindi niya inaasahan na isang pagkikita lang ay madaling magulo ang kanyang puso.Pagkaraan ng ilang sandali, nang maging matatag na ang kanyang emosyon, bumalik si Khate sa pribadong silid.Ang mga empleyado sa loob ay abala pa rin, at bahagya lamang silang nagpigil nang makita siyang pumasok.Tumingin si Henry sa kanya at nakita na parang nasa ibang estado na siya kaysa noon

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Echoes of Deception   Chapter 21 - What happened?

    Sumunod ito sa ama, lumapit at inilahad ni Katerine ang kanyang nasaktang kamay upang ipakita sa kanya.Nakita ang mga galos sa kanyang kamay, bahagyang kumunot ang noo ni Anthony, "Paano nangyari ito? Bina-bully ka ba ng ibang bata?"Natigilan si Katerine sandali, at pagkatapos ay mariing umiling.Hindi ka binu-bully?Naguluhan si Anthony, "Kung himdi ka nabully, ano pala ang nangyari?"Muling kinuha ni Katerine ang paintbrush at nagsulat ng ilang letra sa maliit na notebook stroke by stroke. Pagkatapos magsulat "wala, hindi ko po alam”, bahagya niyang ikiling ang kanyang ulo nang hindi sigurado.Masyadong mahirap isulat ang salitang ito.Kapag nakakita siya ng salitang hindi niya alam kung paano isulat, karaniwan niyang idadagdag ang salitang wala at di ko alam.Ngunit hindi niya madalas isulat ang mga salitang ito, kaya hindi niya alam kung tama ang pagkakaintindi niya."Nahulog ka ba sa school?"Nakita ni Anthony ang katagang “opo” na isinulat niya at tinanong siya para kumpirmahi

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Echoes of Deception   Chapter 22 - Why dream of him?

    Pagkatapos umakyat ng dalawang maliit na bata, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Khate."May problema ba bess? Ano ang iniisip mo?"Pinatay ni Kyrrine ang TV at lumapit sa kaibigan para magpakita ng pag-aalala.Nag-atubili si Khate sandali, at iniiwasan ang pangunahing punto ngunit naisip niyang si Kyrrine lang ang kanyang kakampi, kung kaya ikinuwento niya ang mga pangyayari sa gabing iyon, "Ngayon lang, habang ako ay nasa Dragon Emperor’s Tower, doon namin naisipan kumain ng hapunan, nakita ko si Anthony."Bukod kay Kyrrine, wala siyang ibang mapagsabihan tungkol sa nangyari anim na taon na ang nakalilipas.Nang marinig nito, natigilan si Kyrrine sandali, at hindi mapigilang humikab, "Anong klaseng masamang kapalaran ito para sa inyo... Ang laki ng lungsod na ito, at pinagtagpo pa rin kayo, iniisip ko na kung hindi ninyo pagpapasyahan na hanapin ang isa't isa, ang posibilidad na magkita ay halos zero."Ibinaba ni Khate ang kanyang mga mata, hindi alam ang iniisip niya."Kaya,

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • Echoes of Deception   Chapter 23 - Is it officially off?

    Pagkatapos niyang makitang kinuha si Katerine ng guro, binawi ni Anthony ang tingin niya at sinabi kay Gilbert, "Tara na."Tumango si Gilbert at nagmaneho papunta sa Lee company.Pagdating sa kompanya, dumiretso si Anthony sa isang high-level meeting.Nang matapos ang meeting, mahigit isang oras na ang lumipas.Dumiretso si Anthony pabalik sa opisina niya."Anthony, nandito ka na pala."Pagkapasok niya sa pinto, narinig niya ang boses ni Cassandra.Nang marinig iyon, bahagyang kumunot ang noo ni Anthony.Nakita niya lang si Cassandra na nakasuot ng itim na suit, nakatayo sa harap ng desk niya at nakangiti. Parang ilang sandali na siyang naghihintay sa loob."Anong oras ka dumating?"Naglakad si Anthony papunta sa likod ng desk, ang mga mata niya ay dumako sa mga dokumento sa mesa, at sa huli ay napunta kay Cassandra.Ng nakitang umupo na siya, ay umupo na rin si Cassandra, nakangiting banayad, "Kakadating ko lang kanina, at narinig ko kay Gilbert na pumunta ka na agad sa meeting."Pagk

    Huling Na-update : 2024-11-24
  • Echoes of Deception   Chapter 24 - What? Another crossed path!

    Matapos magsalita si Anthony, hindi niya pinansin ang reaksyon ni Cassandra.Sa simula pa lang, ang pagpapakasal kay Cassandra ay para lamang ibayad ang utang na loob ng lolo niya dahil sa pagligtas sa kanyang buhay.Dahil dito, naging malapit siya sa Feng family, kaya nang imungkahi ng mga nakatatanda na pakasalan niya si Cassandra, tinanggap niya ito nang walang komento.Akala pa nga niya noon na si Cassandra ang "white moonlight" sa kanyang puso.Ngunit anim na taon na ang nakalipas, nang biglang umalis si Khate nang walang paalam, saka niya napagtanto na ang nararamdaman niya para kay Cassandra ay hindi ang pag-ibig na akala niya.Mula noon, paulit-ulit siyang hinikayat ng mga nakatatanda ng dalawang pamilya na ituloy ang kasal, ngunit lagi siyang may dahilan para ipagpaliban ito.Sa nakalipas na anim na taon, ginawa niya ang lahat para tulungan ang Feng family at pinagbigyan ang lahat ng kanilang mga kahilingan sa negosyo, bilang pagbabayad sa utang na buhay.Ngayon, sa tingin ni

    Huling Na-update : 2024-11-24

Pinakabagong kabanata

  • Echoes of Deception   Chapter 61 - She's back, again...

    Hindi lumuwag ang mukha ni Khate hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Anthony. Saka lamang niya hinila ang dalawang bata pabalik sa villa at naupo sa harapan nila na may seryosong ekspresyon.Alam ng dalawang bata na may sasabihin si Mommy, kaya tumingin sila sa kanya nang masunurin at may buong atensyon."Miggy, Mikey, makinig kayong mabuti. Kahit sino ang makilala ninyo sa hinaharap, huwag na huwag ninyong sasabihin sa iba ang tungkol sa sitwasyon ng ating pamilya, lalo na... ang tungkol sa wala kayong daddy!" Ramdam ni Khate ang sakit ng ulo habang iniisip ang nangyari kanina.Kung hindi siya umeksena agad, tiyak na magdududa si Anthony sa mga nangyayari, at tila sa pagkakataong iyon ay napapaisip na ito. At sa lahat ng taong kilala niya, ito isang taong matalino!Nagkatinginan sina Miggy at Mikey nang may kalituhan, "Bakit po mommy? Totoo naman pong wala kaming daddy!"Lalong sumakit ang ulo ni Khate.Hindi niya maaaring sabihin sa dalawang bata na natatako

  • Echoes of Deception   Chapter 60 - Where's Your Dad?

    Tinitigan ni Anthony ang dalawang bata sa kanyang harapan, bahagyang nakakunot ang kanyang noo.Malinaw na ang dalawang bata ang nagbibintang sa kanya, pero hindi niya maintindihan kung bakit. Sa tuwing tinitingnan niya ang dalawang bata, nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba at kaunting pagkakonsensya.Hawak pa rin ni Khate si Katerine sa kanyang mga bisig. Nang marinig niya ang sinabi ng dalawa niyang anak, napaisip siya sandali bago nakaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa kabutihang palad, hindi alam ni Anthony na ang dalawang bata ay matagal nang alam na nasa harapan na nila ang kanilang tunay na ama.Kung nalaman nila din ito ni Anthony, tiyak na mas lalo siyang malulungkot...Tahimik si Anthony ng ilang sandali bago siya tumingin sa dalawang bata nang may bahagyang pagsisisi. "Pasensya na, hindi ko iniisip na masama kayong mga tao. Iniisip ko lang na... dahil may kanya-kanya na kayong buhay, at tiyak na hindi maganda na may koneksyon pa rin ako sa inyong ina. Kung mal

  • Echoes of Deception   Chapter 59 - Are We Bad?

    Walang anumang karanasan si Anthony sa pag-aliw ng mga bata. Noong nagtatampo si Katerine sa kanya dati, laging si Aunt Meryl ang nagpapatahan sa bata.Nang makita niyang umiiyak si Katerine sa harapan ni Khate, medyo nag-panic si Anthony. Sa huli, sinabi niya nang matigas at malamig, "Huwag kang umiyak Katerine."Akala niya'y wala itong emosyon, pero sa pandinig ni Katerine, parang galit ito.Pagkarinig nito, lalong humagulgol si Katerine. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha niya, halos bumuo ng linya. Yumuko siya, humikbi nang malakas, at halos hindi makahinga.Napakunot ang noo ni Anthony at hindi alam ang gagawin.Nang makita ni Khate ang malamig na tugon ni Anthony habang umiiyak ang bata, hindi niya napigilang magalit."Ganyan ka ba makitungo sa anak mo? Umiiyak na nga ang bata nang ganito, pero ganyan pa rin ang tono mo? Hindi mo ba siya kayang kausapin nang maayos?" galit na sabi ni Khate.Natigilan si Anthony nang bigla siyang pagalitan.Samantala, lumapit na si Khate kay K

  • Echoes of Deception   Chapter 58 - I want to stay

    Gusto lang ni Khate na tumawag sa research institute para sabihing mahuhuli siya ng dating.Gayunpaman, si Henry ang sumagot sa telepono. Bago pa man siya makapagsalita, sinabi na ni Henry ang tungkol sa isang proyekto na minamadali niyang tapusin nitong mga nakaraang araw. May isang set ng datos na nalilito siya kung paano lutasin kung kaya hindi nakapagsalita si Khate tungkol sa nais niyang sabihin.Sinimulan nila itong pag-usapan ni Khate.Hindi inaasahan, nang magsimula na silang mag-usap tungkol sa trabaho, nakalimutan na niya ang oras.Naalala lamang niyang ibaba ang telepono nang marinig niya ang boses ni Anthony sa ibaba.Matapos mabilisang magbigay ng konklusyon, agad na ibinaba ni Khate ang telepono at mabilis na bumaba.Halos makalimutan niya na darating pala si Anthony upang sunduin si Katerine.Ang dalawang bata ay nasa ibaba pa rin kasama si Katerine.Kung magkita sila ni Anthony...Napuno ng kaba si Khate sa iniisip niyang maaaring mangyari.Ngunit pagdating niya sa iba

  • Echoes of Deception   Chapter 57 - Protect Mommy at all cost!

    Nang marinig nila ang binanggit ni Anthony tungkol sa mommy, agad na naging alerto ang dalawang maliit na bata."Ano'ng hinahanap mo po sa kay mommy ko!" Sumulyap si Miggy kay Anthony nang may pag-iingat, parang isang maliit na tuta na handang sumugod anumang oras.Maliwanag na wala siyang kakayahang mang-atake, pero kailangan pa rin niyang magpakita ng matapang na itsura.Naramdaman ni Anthony ang galit ng bata at nakita ang kanyang pagiging alerto, na nagdulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam at kaunting katawa-tawa. Hindi niya ito inisip ng seryoso at nagsabi lamang, "Salamat sa pag-aalaga kay Katerine sa pangalawang pagkakataong ito, anuman, kailangan ko kayong pasalamatan nang personal."Nang marinig ito, huminga ng maluwag si Miggy, pero ang mukha pa rin niyang bata ay nanatiling tensyonado, "Hindi na po ito kailangan. Tumawag po ang mommy ko, at hindi niya po kailangan ang inyong pasasalamat."Pagkatapos, hinila niya si Mikey pabalik sa carpet, ibinaba ang ulo at sinabi kay Kat

  • Echoes of Deception   Chapter 56 - I really like them!

    Inilayo ni Anthony ang kanyang mga iniisip at sinundan si Miggy papasok sa villa.Pagpasok na pagpasok palang niya, nakita niya si Katerine na masayanh nakaupo sa carpet sa sala, abala sa paglalaro ng Lego. Katabi niya, may isang batang lalaki na kahawig na kahawig ng batang nagbukas ng pinto para sa kanya.Maliwanag para sa kanya na sila ay ang kambal.Lumabo ang mata ni Anthony at pinilit niyang huwag tumingin sa dalawang bata. Tumingin siya sa paligid ng sala, may hinahanap siyang hindi niya makita na dapat ay kasama ng mga bata.Hindi niya nakita si Khate."Katerine, nandito na ang daddy mo." Pagpasok ni Miggy, lumapit siya kay Katerine, binago nito ang kanyang pakikitungo at tinawag siya ng malamig.Nang marinig iyon, dahan-dahang huminto si Katerine, itinaas ang kanyang ulo at tumingin kay Anthony na nakatayo sa hindi kalayuan.Pagkatapos ng isang sulyap, agad siyang nag-atubili at ibinaba ang kanyang tingin upang magsulat sa notebook.Ang mga natitirang tao sa sala ay pasensyo

  • Echoes of Deception   Chapter 55 - She's our Sister!

    Matapos ilapat ang gamot na kinakailangan para sa mabilisang pag galing ng sugat ni Katerine, ay dumating na sina Miggy at Mikey na may dalang mga regalong kanilang pinili para sa kanilang maliit na kapatid.Hawak nila ang dalawang kakaibang manika at lumapit kay Katerine. "Binili namin ito gamit ang aming sariling pera, at ibinibigay namin sa'yo."Ang dalawang manika ay hindi man ganun kaganda subalit cute naman ito, at talagang walang kinalaman kay Katerine.Ngunit dahil ito ang unang beses na nakatanggap si Katerine ng regalo mula sa kanyang mga kaedad, at lalong higit mula pa sa dalawang batang kapatid na sobrang gusto niya, kaya't tinanggap niya ito ng walang pag-aalinlangan, ang mukha niya ay punong puno ng saya, at hinawakan niya ang dalawang cute na mga manika nang mas mahigpit kaysa sa manikang ibinigay sa kanya noon.Pagkalipas ng ilang sandali, nang magtagal sa paghawak, inilagay niya ang mga manika katabi ng kanyang bag sa may sofa at nagsulat ng malaking "salamat sa lahat

  • Echoes of Deception   Chapter 54 - She's a Healer!

    Ang dalawang batang lalaki ay matalino at alam nilang mahalaga ang mga figurine. Bagamat gusto nila ang mga ito, umiling pa rin sila sa maliit na batang babae at sinabing, "Napakamahal ng mga bagay na ito, hindi namin ito matatanggap."Tumango nang malakas si Katerine, inilagay ang figurine sa tabi nila, at lumingon upang magsulat sa maliit na notebook: "Para sa aking mga kuya. Salamat."Tiningnan ni Mikey ang hawak niyang notebook, litong-lito.Hindi man lang sinulat ng batang babae ang lahat, sino ang makakaintindi sa nais niyang sabihin?Nalito rin si Miggy noong una, ngunit agad niyang naintindihan. "Gusto mo bang pasalamatan kami dahil tinulungan ka namin noong araw na iyon?"Tumango si Katerine nang mariin, inilagay ang notebook sa tabi, at inabot ang figurine sa kanila. Desidido na ito na ibigay sa kanila dahil sa pagliligtas neto sa kanya.Narinig ni Khate ang sinabi ng kanyang anak at naalala ang guro sa kindergarten na tila nabanggit noon na si Miggy at Mikey ay pinoprotekta

  • Echoes of Deception   Chapter 53 - Making them happy!

    Hinahanap ni Khate ang numero ni Anthony sa kanyang phone book.Iniligtas niya ang numerong ito noon dahil natakot siyang hindi matawagan ang ama ni Katerine nang mawala si Katerine.Ngayon, nakita niya ang pangalan na nakatala sa simpleng letrang "A."Pagkatapos makita ay pinalitan niya ang tala sa "Anthony," at tinawagan ni Khate ang numero.Sa kabilang linya, papunta na sana si Anthony para personal na hanapin si Katerine nang tumunog ang kanyang telepono.Pagtapat ng mata niya sa caller ID, bahagyang sumingkit ang kanyang mga mata at sinagot ang tawag."Ako ito," narinig niya ang boses ni Khate mula sa kabilang linya.Naalala niya ang kalokohang ginawa ng babaeng ito para iwasan siya noong nakaraan kaya napasimangot siya at naging malamig ang tono. "May kailangan ka ba?"Tumingin si Khate sa maliit na batang babae sa tabi niya. Kung hindi lang dahil kay Katerine, marahil ay ibinaba na niya ang tawag nang marinig ang ganoong tono!"Maaga akong pinuntahan ni Katerine ngayong umaga

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status