Diretso na silang apat na bumalik sa villa.Nakaramdam ng gutom sina Khate at ang dalawang bata, kaya kinain nila lahat ng dala ni Kyrrine.Pagkatapos kumain, umakyat ang dalawang maliit na bata para maligo.Tiningnan ni Kyrrine ang kanyang matalik na kaibigan nang may kahulugan, "Friend, hindi ko maintindihan kung bakit ka nagtatago kay Anthony? Hindi ba't pumayag ka na sa divorce ninyo noon? Bakit ka ngayon natatakot sa kanya? Bukod pa doon, bakit kayo naghiwalay? Hindi mo sinabi sa akin ang nangyari ilang taon na ang nakalipas?"Napatinging si Khate sa kanyang kaibigan, hindi sinasadyang ibinaba niya ang kanyang mga mata, matagal siyang nag-isip at tila nag-aatubiling magsalita, huminga siya ng ubod ng lalim at pagkatapos ay kahit man labag sa loob, ay ibinahagi sa kanya ang pangkalahatang sitwasyon noong panahong iyon."Khate ibang klase ka, ang tapang mo!"Hindi inaasahan ni Kyrrine na ang kanyang matalik na kaibigan ay may lakas ng loob na iset-up si Anthony at ilihim ang pagbubu
Sa loob ng Lee MansionMadilim na ang kapaligiran.Tahimik na pumasok si Anthony sa kwarto ni Katerine at inayos ang kumukunot na noo nito, hinaplos niya ngdahan-dahan at agad naman na natanggal nito.Mahimbing na natutulog ang maliit na babae. Tiningnan niya ang anak saglit bago lumingon at umalis ng nakangiti, nawala na ang kanyang takot sa pagkawala ng anak subalit may mga tanong pa rin sa kanyang isipan.Paglabas niya, agad niyang nakita si Gilbert na papalapit upang mag-ulat, "Sir, pumunta ako sa restaurant sa Gouzu para mag-check sa kanila ukol sa mga insidente bago tayo makarating, ngunit sira ang surveillance ng restaurant at wala akong nakitang anumang bagay nakakaiba at magpapatunay sa mga naitanong ninyo sa babaeng nagbalik sa munting binibini."Nang marinig ito, bahagyang kumunot ang noo ni Anthony, "Anong pagkakataon? Napakaimposibleng masira ang surveillance camera nila ng walang sumira dito."Sa sandaling iyon ay nagkaroon na siya ng hinala, nasira ang surveillance ng r
Sumunod si Miggy sa direksyon ng kanyang tingin at nakita ang maliit na kapatid na nakilala lang nila kahapon.Yumuko nang bahagya si Katerine at tinakpan ang magandang kilay at mukha.At sa mga oras na iyon, bigla na din na tumingin sa kanila si Katerine at nakikipag palakpakan kagaya ng ibang mga bata.Isang kislap ng excitement ang dumaan sa kanyang malalamlam na mga mata nang makita niya na nakatingin sila sa kanya.Hindi niya inaasahang makikita niya muli ang dalawang magkapatid doon.Kahit na isang beses pa lang niya silang nakilala, hindi niya maipaliwanag kung bakit gusto niya silang makasama at kalaro.Ngunit habang nakatitig siya sa kanila, ibinalik na nina Miggy at Mikey ang kanilang mga tingin.“Okay mga bata, kayong dalawa ay pwede nang umupo muna. May dalawang bakanteng upuan doon. Pwede ba kayong maipatabi? Maasahan ba ni Teacher nahindi kayo magkukulit habang kayo nasa magkatabi lang?”Tinuro ng guro ang dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Katerine.Natigilan sandali s
Ramdam ni Katerine ang matinding sakit dahil sa pagkakatulak ng kaklase, ngunit wala siyang magagawa kundi ang manahimik nalang dahil alam niya sa sarili niya na wala syang kakayahan.Dahan-dahan na hinimas at pinagpag niya ang kanyang mga kamay, at nagtampo ang mga mata nila ni Mikey.Naluha siya ng bahagya, tumayo mula sa sahig, at kinuha ang isang maliit na notebook mula sa mesa at nagsimulang magsulat, stroke by stroke.Hindi naman natinag ang batang bully habang nakatayo na nakatingin sa kanya na nagmamaldita.Ang batang si Katerine ay hindi talaga nakakapagsalita, at karaniwang nagsusulat na lang sa isang maliit na notebook upang makipag-usap sa kanila.Ngunit dahil iilan lamang ang nakikipaglaro sa kanya, ang maliit na notebook na ito ay bihirang makita at hindi rin nasusulatan.Maya-maya pa, natapos na si Katerine sa pagsusulat, pinihit niya paharap ang maliit na notebook, at ipinakita ito kay Tiffany, "Magsorry ka."Nakita nito ang mga nakasulat dito, huminga ng malalim si Ti
Si Khate ay wala nang alam sa mga nangyari sa kindergarten.Pagkatapos niyang umalis sa kindergarten, pumunta na siya agad sa facility upang mag-report sa research institute na itinayo ng kanyang guro sa China.Pagpasok pa lang niya sa institute, nakita niya ang isang gwapo at eleganteng lalaking nakasuot ng malinis na shirt at pantalon, papalapit sa kanya."Khate, welcome back. Masaya akong makatrabaho ka ulit."Tumayo si Henry sa harap niya at inilahad ang kamay sa kanya pagpapakita ng pag-galang Tumango si Khate nang bahagya, inilahad ang kamay upang makipagkamay sa kanya, at pagkatapos ay mabilis itong kinuha at inilagay sa bulsa ng kanyang palda.Dati, nakasama na rin niya si Henry, ang team ni Professor Wang sa ibang bansa at nagsagawa ng maraming pananaliksik at pag-develop ng mga makabagong gamot.Nang panahong iyon, si Henry ang nagsilbing partner nya sa facility. Pagkatapos ng lahat, nagtapos siya sa isang prestihiyosong unibersidad, at ang kanyang kakayahan ay acknowledge
Nang marinig ang tanong ni Khate, tinago ni Henry ang kanyang ngiti at seryosong sinabi: "Pinagsisikapan naming lutasin ang problemang ito Doc, mahirap po talagang maayos ng mabilisan pero umuusad."Kumunot ang noo ni Khate at tumingin sa kanya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin."Kamakailan lang, nakipag-ugnayan ako sa isang supplier ng mga halamang gamot. Napag-usapan na namin ang pangmatagalang kooperasyon. Kulang na lang ang pagpirma ng kontrata nito. Napagkasunduan na din namin ang oras ng pagpirma ay bukas ng hapon.”“Ang dahilan kung bakit hindi ito naging maayos noon ay dahil sa ang institute ay nasa yugto ng konstruksyon noong una. Maraming komplikado at maliliit na bagay ang kailangang harapin, at hindi pa matatag ang mga tauhan.”“At sa panahong ito lamang ito naging matatag. Bukod pa rito, ang mga halamang gamot sa Haicheng ay halos monopolyo ng malalaking negosyante ng mga halamang gamot, at ang supply ay hindi sapat sa demand.”“Dagdag pa rito, mga baguhan pa laman
Kumunot ang noo ni Anthony, at isang bumakas ang pagka inis sa mga nasilayan ng kanyang mga mata.Mali ba ang kanyang nakita? Mali ba ang panahon at pagkakataon?Ayos lang naman kung nangyari ito isang beses o dalawang beses, sapagkat baka namalik mata lang siya, ngunit sa dalawang magkasunod na araw, at nakita niya ang pigurang iyon sa iba’t ibang lugar. Mukhang hindi na normal ito!At ang problema lang ay ang pigurang iyon ay kumikislap lamang sa kanyang mga mata, at pagkatapos ay nawawalan din nang bakas.Hindi mapigilan ni Anthony ang pagngisi, naiiling niya ang kanyang ulo at binawi ang kanyang tingin.Siguro nga ay nababaliw na siya, kaya’t patuloy niyang iniisip ang babaeng iyon!“Sir, ang kliyente ay matagal nang naghihintay sa inyong pagdating, hindi pa ba tayo papasok?”Matagal nang naghihintay si Gilbert, at nang hindi niya nakitang ihakbang ng kanyang master ang kanyang mga paa, maingat niyang tinanong.Pumikit si Anthony, inayos ang kanyang emosyon, at kalmadong sumagot,
“Pasensya na po talaga, okay ka lang ba?”Nakita ni Khate na ang taong kaharap niya ay lasing, kaya’t naging alerto siya at humingi ulit ng paumanhin, ngunit mula sa kanyang saloobin “mas mabuting humingi ng tawad kaysa naman magkaroon ng maraming gulo.” Sa sandaling natapos niyang magsalita, biglang tumawa nang masama ang taong nasa harap niya, at medyo pabagu-bago ang kanyang boses, “Magandang dalaga… malalaman mo naman kung okay lang ako o hindi, kung sasamahan mo akong uminom! Kung ipa pagpapasya mong ako ay maging masaya ay sasamahan mo ako, at kung hindi naman ay guguluhin kita ngayon!”Bahagyang kumunot ang noo ni Khate, alam niyang ang taong nasa harap niya ay halatang lasing na at wala na sa tamang pag iisip, kaya’t hindi na sana niya balak pang pansinin ito, ibinaba niya ang kanyang ulo at sinubukang iwasan ito.Habang papalapit siya sa lasing, muling umalingawngaw ang boses ng lasing, “Huwag kang umalis, magandang dalaga! Mayaman ako, kaya kong bayaran ang lahat nang gust
Hindi lumuwag ang mukha ni Khate hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Anthony. Saka lamang niya hinila ang dalawang bata pabalik sa villa at naupo sa harapan nila na may seryosong ekspresyon.Alam ng dalawang bata na may sasabihin si Mommy, kaya tumingin sila sa kanya nang masunurin at may buong atensyon."Miggy, Mikey, makinig kayong mabuti. Kahit sino ang makilala ninyo sa hinaharap, huwag na huwag ninyong sasabihin sa iba ang tungkol sa sitwasyon ng ating pamilya, lalo na... ang tungkol sa wala kayong daddy!" Ramdam ni Khate ang sakit ng ulo habang iniisip ang nangyari kanina.Kung hindi siya umeksena agad, tiyak na magdududa si Anthony sa mga nangyayari, at tila sa pagkakataong iyon ay napapaisip na ito. At sa lahat ng taong kilala niya, ito isang taong matalino!Nagkatinginan sina Miggy at Mikey nang may kalituhan, "Bakit po mommy? Totoo naman pong wala kaming daddy!"Lalong sumakit ang ulo ni Khate.Hindi niya maaaring sabihin sa dalawang bata na natatako
Tinitigan ni Anthony ang dalawang bata sa kanyang harapan, bahagyang nakakunot ang kanyang noo.Malinaw na ang dalawang bata ang nagbibintang sa kanya, pero hindi niya maintindihan kung bakit. Sa tuwing tinitingnan niya ang dalawang bata, nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba at kaunting pagkakonsensya.Hawak pa rin ni Khate si Katerine sa kanyang mga bisig. Nang marinig niya ang sinabi ng dalawa niyang anak, napaisip siya sandali bago nakaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa kabutihang palad, hindi alam ni Anthony na ang dalawang bata ay matagal nang alam na nasa harapan na nila ang kanilang tunay na ama.Kung nalaman nila din ito ni Anthony, tiyak na mas lalo siyang malulungkot...Tahimik si Anthony ng ilang sandali bago siya tumingin sa dalawang bata nang may bahagyang pagsisisi. "Pasensya na, hindi ko iniisip na masama kayong mga tao. Iniisip ko lang na... dahil may kanya-kanya na kayong buhay, at tiyak na hindi maganda na may koneksyon pa rin ako sa inyong ina. Kung mal
Walang anumang karanasan si Anthony sa pag-aliw ng mga bata. Noong nagtatampo si Katerine sa kanya dati, laging si Aunt Meryl ang nagpapatahan sa bata.Nang makita niyang umiiyak si Katerine sa harapan ni Khate, medyo nag-panic si Anthony. Sa huli, sinabi niya nang matigas at malamig, "Huwag kang umiyak Katerine."Akala niya'y wala itong emosyon, pero sa pandinig ni Katerine, parang galit ito.Pagkarinig nito, lalong humagulgol si Katerine. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha niya, halos bumuo ng linya. Yumuko siya, humikbi nang malakas, at halos hindi makahinga.Napakunot ang noo ni Anthony at hindi alam ang gagawin.Nang makita ni Khate ang malamig na tugon ni Anthony habang umiiyak ang bata, hindi niya napigilang magalit."Ganyan ka ba makitungo sa anak mo? Umiiyak na nga ang bata nang ganito, pero ganyan pa rin ang tono mo? Hindi mo ba siya kayang kausapin nang maayos?" galit na sabi ni Khate.Natigilan si Anthony nang bigla siyang pagalitan.Samantala, lumapit na si Khate kay K
Gusto lang ni Khate na tumawag sa research institute para sabihing mahuhuli siya ng dating.Gayunpaman, si Henry ang sumagot sa telepono. Bago pa man siya makapagsalita, sinabi na ni Henry ang tungkol sa isang proyekto na minamadali niyang tapusin nitong mga nakaraang araw. May isang set ng datos na nalilito siya kung paano lutasin kung kaya hindi nakapagsalita si Khate tungkol sa nais niyang sabihin.Sinimulan nila itong pag-usapan ni Khate.Hindi inaasahan, nang magsimula na silang mag-usap tungkol sa trabaho, nakalimutan na niya ang oras.Naalala lamang niyang ibaba ang telepono nang marinig niya ang boses ni Anthony sa ibaba.Matapos mabilisang magbigay ng konklusyon, agad na ibinaba ni Khate ang telepono at mabilis na bumaba.Halos makalimutan niya na darating pala si Anthony upang sunduin si Katerine.Ang dalawang bata ay nasa ibaba pa rin kasama si Katerine.Kung magkita sila ni Anthony...Napuno ng kaba si Khate sa iniisip niyang maaaring mangyari.Ngunit pagdating niya sa iba
Nang marinig nila ang binanggit ni Anthony tungkol sa mommy, agad na naging alerto ang dalawang maliit na bata."Ano'ng hinahanap mo po sa kay mommy ko!" Sumulyap si Miggy kay Anthony nang may pag-iingat, parang isang maliit na tuta na handang sumugod anumang oras.Maliwanag na wala siyang kakayahang mang-atake, pero kailangan pa rin niyang magpakita ng matapang na itsura.Naramdaman ni Anthony ang galit ng bata at nakita ang kanyang pagiging alerto, na nagdulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam at kaunting katawa-tawa. Hindi niya ito inisip ng seryoso at nagsabi lamang, "Salamat sa pag-aalaga kay Katerine sa pangalawang pagkakataong ito, anuman, kailangan ko kayong pasalamatan nang personal."Nang marinig ito, huminga ng maluwag si Miggy, pero ang mukha pa rin niyang bata ay nanatiling tensyonado, "Hindi na po ito kailangan. Tumawag po ang mommy ko, at hindi niya po kailangan ang inyong pasasalamat."Pagkatapos, hinila niya si Mikey pabalik sa carpet, ibinaba ang ulo at sinabi kay Kat
Inilayo ni Anthony ang kanyang mga iniisip at sinundan si Miggy papasok sa villa.Pagpasok na pagpasok palang niya, nakita niya si Katerine na masayanh nakaupo sa carpet sa sala, abala sa paglalaro ng Lego. Katabi niya, may isang batang lalaki na kahawig na kahawig ng batang nagbukas ng pinto para sa kanya.Maliwanag para sa kanya na sila ay ang kambal.Lumabo ang mata ni Anthony at pinilit niyang huwag tumingin sa dalawang bata. Tumingin siya sa paligid ng sala, may hinahanap siyang hindi niya makita na dapat ay kasama ng mga bata.Hindi niya nakita si Khate."Katerine, nandito na ang daddy mo." Pagpasok ni Miggy, lumapit siya kay Katerine, binago nito ang kanyang pakikitungo at tinawag siya ng malamig.Nang marinig iyon, dahan-dahang huminto si Katerine, itinaas ang kanyang ulo at tumingin kay Anthony na nakatayo sa hindi kalayuan.Pagkatapos ng isang sulyap, agad siyang nag-atubili at ibinaba ang kanyang tingin upang magsulat sa notebook.Ang mga natitirang tao sa sala ay pasensyo
Matapos ilapat ang gamot na kinakailangan para sa mabilisang pag galing ng sugat ni Katerine, ay dumating na sina Miggy at Mikey na may dalang mga regalong kanilang pinili para sa kanilang maliit na kapatid.Hawak nila ang dalawang kakaibang manika at lumapit kay Katerine. "Binili namin ito gamit ang aming sariling pera, at ibinibigay namin sa'yo."Ang dalawang manika ay hindi man ganun kaganda subalit cute naman ito, at talagang walang kinalaman kay Katerine.Ngunit dahil ito ang unang beses na nakatanggap si Katerine ng regalo mula sa kanyang mga kaedad, at lalong higit mula pa sa dalawang batang kapatid na sobrang gusto niya, kaya't tinanggap niya ito ng walang pag-aalinlangan, ang mukha niya ay punong puno ng saya, at hinawakan niya ang dalawang cute na mga manika nang mas mahigpit kaysa sa manikang ibinigay sa kanya noon.Pagkalipas ng ilang sandali, nang magtagal sa paghawak, inilagay niya ang mga manika katabi ng kanyang bag sa may sofa at nagsulat ng malaking "salamat sa lahat
Ang dalawang batang lalaki ay matalino at alam nilang mahalaga ang mga figurine. Bagamat gusto nila ang mga ito, umiling pa rin sila sa maliit na batang babae at sinabing, "Napakamahal ng mga bagay na ito, hindi namin ito matatanggap."Tumango nang malakas si Katerine, inilagay ang figurine sa tabi nila, at lumingon upang magsulat sa maliit na notebook: "Para sa aking mga kuya. Salamat."Tiningnan ni Mikey ang hawak niyang notebook, litong-lito.Hindi man lang sinulat ng batang babae ang lahat, sino ang makakaintindi sa nais niyang sabihin?Nalito rin si Miggy noong una, ngunit agad niyang naintindihan. "Gusto mo bang pasalamatan kami dahil tinulungan ka namin noong araw na iyon?"Tumango si Katerine nang mariin, inilagay ang notebook sa tabi, at inabot ang figurine sa kanila. Desidido na ito na ibigay sa kanila dahil sa pagliligtas neto sa kanya.Narinig ni Khate ang sinabi ng kanyang anak at naalala ang guro sa kindergarten na tila nabanggit noon na si Miggy at Mikey ay pinoprotekta
Hinahanap ni Khate ang numero ni Anthony sa kanyang phone book.Iniligtas niya ang numerong ito noon dahil natakot siyang hindi matawagan ang ama ni Katerine nang mawala si Katerine.Ngayon, nakita niya ang pangalan na nakatala sa simpleng letrang "A."Pagkatapos makita ay pinalitan niya ang tala sa "Anthony," at tinawagan ni Khate ang numero.Sa kabilang linya, papunta na sana si Anthony para personal na hanapin si Katerine nang tumunog ang kanyang telepono.Pagtapat ng mata niya sa caller ID, bahagyang sumingkit ang kanyang mga mata at sinagot ang tawag."Ako ito," narinig niya ang boses ni Khate mula sa kabilang linya.Naalala niya ang kalokohang ginawa ng babaeng ito para iwasan siya noong nakaraan kaya napasimangot siya at naging malamig ang tono. "May kailangan ka ba?"Tumingin si Khate sa maliit na batang babae sa tabi niya. Kung hindi lang dahil kay Katerine, marahil ay ibinaba na niya ang tawag nang marinig ang ganoong tono!"Maaga akong pinuntahan ni Katerine ngayong umaga