Home / Romance / Echoes of Deception / Chapter 7 - The Moment of Truth

Share

Chapter 7 - The Moment of Truth

Dalawang tao lamang ang nasa nakareserbang mesa, isang batang babae at middle aged na babae.

Inilibot agad ni Anthony ang kanyang mga mata sa paligid ng nakareserbang mesa at sa huli ay napunta sa kanyang paningin sa anak na babae.

Kakatapos lamang kumain ng malungkot na batang babae dahil sa biglang pag-alis ni Khate. Ngayon na nakita niya ang kanyang ama, hindi siya natakot at padabog pa na inilayo ang kanyang ulo.

Nagdilim nang bahagya ang mga mata ni Anthony.

"Anak, ayos ka lang ba?"

Parehong tahimik ang ama at anak, kaya naman ang katulong na si Gilbert ang nagsalita.

Tinignan siya ng batang babae, ngunit gayundin ang kanyang ginawa, padabog niyang inilayo ang kanyang ulo, at hindi siya pinansin.

Maingat na tinignan ni Gilbert ang bata, at nang makita niyang ligtas ito, huminga siya ng malalim at bumalik kay Anthony para mag-bigay ng update.

Tumango si Anthony, kinunot ang kanyang noo, at tinignan ang taong nakaupo sa tabi ng kanyang anak.

Nang magtama ang kanilang mga mata, humigpit ang dibdib ni Kyrrine, at mahigpit niyang kinurot ang kanyang palad, halos hindi na mapakali ang kanyang ekspresyon at hindi mawala ang kanyang kaba.

"Nasaan si Khate?" Tinitigan niya ang mga mata ni Anthony sa mukha ni Kyrrine, at nang makita niya ang mukha nito nang malinaw, dumilim ang kanyang mukha.

Kilala niya si Khate! Natakot si Kyrrine para sa kanyang matalik na kaibigan, ngunit maluwag sa kanyang kalooban na nakakatakas ito sa tamang oras. Ang anyo ng lalaki ay halos ikaubos ng hininga niya. Kung nandoon si Khate, ano kaya ang mangyayari kung sakaling sila at nagkatagpo?

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Sino ka ba? Wala ka bang manners, hindi ka man lang nagpakilala o bumati ng pumasok ka?" 

Ipinalagay ni Kyrrine ang kanyang iniisip, ginamit niya ang kanyang pinakamahusay na pag-arte, upang maprotektahan ang batang babae sa kanyang mga bisig, at maingat na tinignan ang taong nasa kanyang harapan.

Bahagyang kumunot ang noo ni Anthony, "Ang nasa iyong mga bisig ay ang aking anak. Ikaw ba ang tumawag sa akin para pumunta rito kanina?"

Natigilan si Kyrrine sandali, at bahagyang nanigas ang kanyang mukha at sinabi: "Oo, ako nga." 

Tinitigan siya ni Anthony nang walang ekspresyon, at dahan-dahang inilibot ang kanyang mga mata sa bawat detalye sa nakaresbang mesa.

Ang boses ng babaeng na nasa kanyang harapan ay medyo kahawig ng boses sa telepono.

Ngunit hindi siya maaaring maloko, alam niya at kilala niya ang may-ari ng boses na iyon.

Bukod pa rito, ang pagkukunwari ni Kyrrine ay tila hindi madali.

Mayroong dalawang mangkok at chopstick lamang sa mesa, ngunit ang tatlong upuan sa tabi nito ay medyo nakakalat at halatang may gumalaw dito 

Hindi magkakamali kailanman ang waiter sa Gouzu. Maaari lamang na gawa-gawa lamang ito pero mahahalata pa rin na hindi sunasadya itong inilayo.

Ang punong mesa ng mga pinggan ay hindi ang akma dami na dapat kakainin lang ng isang babae at isang bata.

Inilibot ni Anthony ang kanyang mga mata sa mesang kinauupuan ng bata at babae at bumalik ito agad kay Kyrrine.

Nang magtama ang kanilang mga mata, hindi niya maipaliwanag ang paglubog at pagtinok ng puso ni Kyrrine. Sa sumunod na segundo, nakita niya ang lalaking humihingi ng cellphone sa kanyang butler. 

Dalawang beses niyang iniswipe ang screen ng kanyang payat na mga daliri, at pagkatapos ay tumingin sa kanya. 

Sa mesa, tumunog ang cellphone na iniwan ni Khate para sa kanya bago umalis.

Hindi handa si Kyrrine. Halos manginig siya nang marinig ang tunog. Ibinaba niya ang kanyang ulo at nagpanggap na tignan ang caller ID. Pagkatapos ng ilang segundo, itinaas niya ang kanyang kamay para patayin ang telepono at nakasalubong ang tingin ng lalaki na parang walang nangyari. 

"Dahil ikaw ang ama ng bata, maaari mo na siyang maiuwi at bigyan ng maayos na pahinga."

Pagkatapos noon, hinawakan niya ang ulo ng batang babae, pinatayo ito, at inabot ang mga kamay nito sa direksyon ng kanyang ama na si Anthony.

Bahagyang nakataas ang kilay ni Anthony at lumakad ng dalawang hakbang papunta sa hapag kainan.

Akala ni Kyrrine ay pupuntahan niya ang batang babae, at habang humihinga siya ng maluwag, narinig niya ang mapagdudahang boses ng lalaki sa kanyang mga tainga.

"Miss, malakas ang iyong appetite. Nag-order ka ng isang buong mesa ng pagkain para sa iyong sarili, kasama ang isang batang babae."

Parang walang pakialam na huminto si Anthony sa tabi ng mesa, at ang kanyang tono ay may kahulugan.

Kyrrine.

Huminto siya sa pagbuga ng malalalim ba paghinga, at pagkatapos ay umihip ito pabalik. Itinaas niya ang kanyang mga mata at pilit na ngumiti, "Huwag kang mag-alala kung malakas ba akong kumain o hindi. Nag-order ako ng maraming pagkain dahil may appointment ako sa mga kaibigan, at hindi pa sila dumarating."

Bahagyang nakataas ang kilay ni Anthony, "Masyado kang sabik na kunin ang iyong mga chopstick kahit hindi pa dumarating ang iyong mga kaibigan?"

Pagkatapos niyang magsalita, inilibot ng mga mata ng lalaki ang mga pinggan na nahawakan isa-isa.

Halos maubusan ng hininga si Kyrrine sa kaba at takot kay Anthony.

Ibinaba niya ang kanyang mga mata at nanatiling tahimik sa mahabang sandali bago niya ayusin ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Ngumiti siya nang ng bahagya, "Ang taong nakipagkasundo ng appointment sa kanya ay ang maganda niyang kaibigan. At sanay na sila sa bagay na ito.” sabi ni Kyrrine sa kanyang isipan.

Pagkatapos nito, hindi na siya naghintay kay Anthony na magtanong ulit, huminga nang malalin si Kyrrine at nagsabi, "Sir, nakita ko ang iyong anak at buong puso kitang tinawagan tinawagan upang bigyan ng kapanatagan ang inyong kalooban. Sa sarili kong desisyon ay dinala ko rin ang iyong anak para kumain. Hindi naman siguro masama na ako ay inyong pasalamatan, di ba? Pero bakit naman ganito na kinukwestyon mo pa ako na parang isang kriminal? May nagawa pa ba akong pagkakamali sayo para tratuhin ng ganito?"

Ang kanyang tono ay puno ng hindi pagsang-ayon sa inaasal ni Anthony, ngunit sa loob niya gusto na niyang umiyak, subalit hindi pwedeng magpakita siya ng pagkatakot sa harap ng lalaking ito.

Pwede ba tigilan mo na ang pagtatanong? Sabi ng isipan ng Kyrrine.

Kung magtatanong pa ito ulit, natatakot siya na baka masabi na niya ang totoo…

Sino ba ang hindi kakabahan sa tagpong ito!

Sa parking lot.

Hawak ni Khate ng magkabilaan ang dalawang maliliit na kamay ng kanyang mga anak, at paminsan-minsan ay tinitignan ang oras, na halos hindi ito mapakali.

Kilala niya nang mabuti ang katangian ni Anthony. Kung mayroong anumang bakas na makita ito upang pagdudahan ang mga tao sa paligid, ay sapat na iyon para maghanap ang lalaki ng isang bagay na hindi pangkaraniwan.

Hindi niya alam kung gaano katagal makakapagtimpi si Kyrrine, paano nalang kung malantad ang buong pagkatao niya?

Ano ang mangyayari kung mabunyag na ang kanyang mga lihim… 

Matagal na nag-isip si Khate, ngunit wala siyang mahanap na mga sagot.

Pagkatapos ng ilang sandali, nakagat niya ang kanyang labi sa pagkabahala sa mga nangyayari sa buhay niya.

Ano ba talaga ang kinakatakutan niya?

Noong mga panahong magkasama pa sila sa iisang bahay, ganoon na ang trato sa kanya Anthony, at malamang ay ayaw na siyang makita ulit ng lalaking iyon sa buong buhay nito.

Kahit na magkita sila, malamang ay magpapanggap na lang siya hindi siya magkakilala at iisipin na dinudumihan niya ang kanyang mga mata.

Ngunit sa kanyang sarili mismo, hindi pa niya ito nakikita ngunit natatakot siya ng ganito...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status